ang apat na buwan ko sa espanya

18
Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya

Upload: valerie-ue-valdez

Post on 08-Feb-2017

6.966 views

Category:

Education


114 download

TRANSCRIPT

Ang Apat na Buwan Ko sa Espanya

Rebecca De Dios16 na taong gulangAnak ng mag asawang OFWNapasayalan ang ibat-ibang lugar sa Espanya sa loob ng 4 na buwan.

Klima at PanahonSa buwan ng Abril-Hunyo ay nakaranas ako ng katamtamang panahon.Subalit sa buwan ng Hulyo-Agosto aay sadyang napakainit daw ng panahon na kung ihahambing ay nagyayari sa buwan ng Marso at Abril sa Pilipinas. Sa mga panahong ito marami ang dumarayo sa Espanya lalo na sa lungsod ng Barcelona, upang pasyaalan ang kanilang magagandang dalampasigan sa baybayin ng Dagat Mediterranean .

Napakarami ring mga museo at mga teatro na masasalamin ang kanilang kasaysayan. Halimbawa ang Reina Sofia sa Madrid. Libreng nakakapasok dito sa araw ng Miyerkules,Huwebes at Biyernes mula 7-9 ng gabi.Libre ring pumasok sa arw ng Sabado at linggo mula umaga hanggang 2:30 ng hapon.

National Art Museum of Catalonia kung saan gusali pa lang ay kahanga-hanga na

Kultura at Tradisyon

Bahagi rin ng kanilang makulay na kultura ang pagsasagawa ng bullfight kung saan ang mga kalalakihan ay nakikipagtagisan ng lakas sa toro.

Gayundin, ang pagsayaw ng flamenco na labis kong nagusstuhang panoorin dahil sa kahanga-hangang bilis ng paa ng mga mananayaw.

Ang mga Tahanan at Gusali

Maraming makabagong tahanan at gusali subalit maraming gusali rin ang naitayo pa noong gitnang panahon tulad ng Palacio Real sa Madrid, ang Toledo’s Ancient Rooftops sa Toledo, Basilica de la Sagrada Familia, Casa Vicens, Casa Batllo, Guell Pavilion at marami pang iba.

WikaAng kanilang wika ay Spanish o Castillian na tinatawag nating Espanyol. Mayroon ding diyalektong ginagamit ang mga tao tulad ng Galician,Catalan,at Basque. Ang ingles ay nauunawaan subalit ang paggamit nito ay hindi laganap. Gayunpaman, kung titira ka nang matagalan ay kailangan matuto ka ng wikang Espanyol dahil halos lahat ng mga produkto, at mahahalagang dokumento, babala dsa daan signages ay nasusulat sa kanilang salita.

Natuwa ako dahil may mga salita silang agad kong naintindihan tulad ng bano, calle ventana , coche at iba pa. Nasakop nga pala tayo ng mahigit tatlongdaang taon kaya naging malaki ang impluwesya nila sa atin.

Relihiyon o PananampalatayaKapansin-pansin ang malalaking simbahang Katoliko sa Espanya. Nakararami pa rin sa mga Espanyol ang Katoliko na nasa humigit kumulang 80% -90% subalit marami pa rin ibang relihiyon tulad ng Islam at ibang pananampalataya tulad ng Jehova’s Witnesses, mormons at iba pa. Gayunpaman, maraming Katoliko ang hindi regular na nagsisimba at nagsasagawa lamang ng riwal sa simbahan tulad ng pagbibinyag, pagpapakasal at pagbabasbas sa namatay.

Pagkain at iba pang KaugalianAng kanilang almusal ay tinatawag na El Desayuno na karaniwang kapeng may gatas at tinapay lang. Sa ika 10-11 ng umaga ay muli silang kakain tapas ang tawag dito nakalagay sa maliliit na platito na pwedeng damputin lang (fingerfood).Ang La Comida ang pinakamalaki nilang kain sa hapon, maraming putahe ang inihahanda. Naglalaan sila ng 2-3 oras sa pagkain ng tanghalian at nalalaan ng siesta pagtapos kumain. Tuwing 5-5:30 ng hapon ay kumakain sila ng La merienda. Ang pinakahuling parte ng pagkain ay tinatawag na La cena tuwing ika 9 ng gabi. Pagtapos ng hapunan ay lumalabas sila upang maglakad-lakad at dumaraan sa mga restaurant at bar.

IsportsSa Espanya ay soccer o football ang tanyag na laro na nilalaro saanmang bahagi ng bansa. Hindi makokompleto ang kanilang linggo kung hindi sila makakapanood ng paborito nilang koponan ang Real Madrid na may mahigit 228 milyong tagasuporta.

Kasuotan Pormal ang pananamit, tanging mga kabataan ang nakita kong nakasuot ng pantalong maong t-shirt lalo na sa lungsod ng Madrid. Ang mga nakatatandang babae ay naksuot ng blusa at palda o bestida. Ang mga kalalakihan ay nakasuot g may kwelyong pang-itaas,slacks at sapatos na balat.Sa loob ng simbahan mayroon dresscode ipinagbabawal ang mga damit na hindi angkop sa simbahan.

Sagutin Natin1. Paano nakapunta sa bansang Espanya si Rebecca?2. Ano-anong paghahanda ang ginawa ng kanyang

magulang upang maging makabuluhan at matuto siya sa pamamalagi niya sa nasabing bansa?

3. Saan-saang mga lungsod siya nakapamasyal?4. Alin-alin sa mga kaugalian na-obserbahan niya ang

maihahawig o maitutulad sa iba nating kaugalian? Bakit kaya may pagkakahawig ang ilan sa mga ito?

5. Sa iyong palagay masasabi bang naging matagumpay ang o makabuluhan ang 4 na buwan ni Rebecca sa Espanya. Patunayan.

6. kung mapupunta ka rin sa bansang ito alin sa mga ito ang nais mong maranasan? Bakit?

Pangunahing Paksa at Pantulong na mga ideya

Paksang Pangungusap - ito ang pangunahing paksa o ideyang nais iparating ng isang manunulat sa kanyang mambabasa.- Sumasagot sa tanong na “Tungkol saan ang talata?o Ano ang

paksa o mensaheng ipaabot ng talata?” Pantulong na ideya- nagbibigay linaw sa mensahe o magsasaad ng mga detalye upang higit na maunawaan ng mga mambabasa .Madalas ang pantulong na ideya na pinangungunahan ng mga salitang naghuhudyat ng pagkasunod-sunodhal: una, kasunod, pagkatapos at sa wakas o panghuli.

Ang pagkakaroon ng isang mataas at matibay na edukasyon ay isang saligan upang mabago ang takbo ng isang lipunan tungo sa pagkakaroon ng isang masaganang ekonomiya. Mataas na edukasyon na hindi lamang binubuhay ng mga aklat o mga bagay na natutunan sa ating mga university at paaralan. Bagaman, kasama ito sa mga pangunahing elemento upang magkaroon ng sapat na edukasyon, ang praktikal na edukasyon na nakabase sa ating araw-araw na pamumuhay ang siya pa ring dapat na piliting maabot. Matibay ang isang edukasyon kung ito ay pinagsamang katalinuhan bunga ng mga pormal na pag-aaral tungkol sa Mathematics, Science, English at mga bagay na tungkol naman sa buhay at kung paano mabuhay ng maayos.

Ang Kahalagahan ng Edukasyon

Ang edukasyon ang nagiging daan tungo sa isang matagumpay na hinaharap ng isang bansa. Kung wala nito, at kung ang mga mamamayan ng isang lipunan ay hindi magkakaroon ng isang matibay at matatag na pundasyon ng edukasyon, magiging mahirap para sa kanila na abutin ang pag-unlad. Marapat lamang na maintindihan na ang edukasyon ay siyang magdadala sa kanila sa kanilang mga inaasam na mga mithiin.

Ang unang layunin ng edukasyon ay upang magkaroon ng kaalaman sa mga bagay-bagay at impormasyon sa kasalukuyan, sa hinaharap at sa kinabukasan. Ito ang nagsisilbing mekanismo na humuhubog sa isipan, damdamin at pakikisalamuha sa kapwa ng isang tao. Ito rin ang dahilan ng mga mabubuti at magagandang pangyayari sa ating mundo at ginagalawang kapaligiran.

Ang edukasyon ay kailangan ng ating mga kabataan sapagkat ito ang kanilang magiging sandata sa buhay sa kanilang kinabukasan. Ang kanilang kabataan ang siyang estado kung saan nila hinahasa ang kanilang mga kaisipan at damdamin sa mga bagay na kailangan nila sa kanilang pagtanda. Ang edukasyon ay mahalaga sapagkat ito ang nagiging daan sa isang tao upang magkaroon ng mga kaalaman tungkol sa kanyang buhay, pagkatao at komunidad na ginagalawan. Ito ang naghuhubog ng mga kaisipan tungo sa isang matagumpay na mundo na kailangan ng bawat isa upang lubusang mapakinabangan ang daigdig at malaman ang mga layunin nito.

Ang kabataan ay nararapat lamang na magkaroon ng sapat na edukasyon sa pamamagitan ng kanilang karanasan at pormal na programa na nakukuha sa mga paaralan. Ito ang kanilang magiging armas upang maharap nila ang mga bagay na kaakibat ng kanilang magiging kinabukasan. At dahil sila ang ating pag-asa, nararapat lamang na ibigay natin sa kanila ang lahat ng edukasyon na kailangan nila upang maabot nila ang mga pangarap na nais nilang matupad.

1.Ano ang pangunahing paksa ng talatang nabasa? Bakit mo nasabing ito ang pangunahing paksa?2. Isa-isahin ang mga pantulong na ideya na makikita sa talata. Bakit nasabi mo na ito ay mga pantulong na ideya?