ang burgis sa kanyang almusal ni rolando tinio

1
Ang Burgis sa Kanyang Almusal (1970) Rolando S. Tinio Nakadambana sa kumedor na Luis Katorse, Nakapanatag doon sa silyang may pasemano’t Pahabang likod na pumulpol marahil sa pait Ng lumilok sa mga kumpol ng ubas, mirasol At dahon yata ng ng dila ng dimonyong kamagong. Sapo ng sutlang pelus na kutsong kulay klarete, Kulay ng buhay na dugo, atsuwete, at rubi. Ang kabilugan niyang hinango sa mga frayle Ng kasaysayan at ng pambalanang guniguni, Di aakalaing nasa kapangyarihan niyang Papugutan ang mga alipures ng karsada O ipatuhog sa punglo ang sinumang sumanggi Sa kanyang berlina paghagibis sa alas dose Palibhasa’y kay-lamlam ng ginawang pagtunghay Sa platon ng gisantes at tinortilyang kabute. Maliming hinahalo ng tatlong dantaon nang Kutsarita ang tsokolateng olandes sa munting Puswelong asul, losang manipis pa sa orkidya, Masining pati pagkunot ng noong wari’y lubog Na dinaramdam ang duradong silaw sa umaga, Ayaw pa mang buklatin ang peryodikong masinop Na nakatiklop sa antigong pilak na bandeha, Sinasagi ng inukit na trebol at milplores Ang mag-ina ng San Nikolas na sinasagasaan Ng bunso ng kongresista, ang binatang nag-uban Sa karsel nang di mawawaan ang pagkakasala, Ang mga hinayok ng baha at sunog, sinaksak Sa leeg at balakang ng hustisyang natapilok Ano’t kay dumal-dumal ng daigdig ng anino Sa kabila ng kanyang paglihis sa peryodikong Nakahara sa bandehang may sapin pang panyitong De ilo’t puntas na habi sa Alpes at Ehipto, Bumabalisa sa paboreal at sisneng burda Iyang kababalaghang may kapuspalad pa pala Sa balat ng lupang ano’t di nila nakilala?

Upload: joannefelonia

Post on 22-Nov-2015

3.056 views

Category:

Documents


90 download

DESCRIPTION

Isang tulang isinulat ni Rolando Tinio

TRANSCRIPT

  • Ang Burgis sa Kanyang Almusal (1970)

    Rolando S. Tinio

    Nakadambana sa kumedor na Luis Katorse,

    Nakapanatag doon sa silyang may pasemanot Pahabang likod na pumulpol marahil sa pait

    Ng lumilok sa mga kumpol ng ubas, mirasol

    At dahon yata ng ng dila ng dimonyong kamagong.

    Sapo ng sutlang pelus na kutsong kulay klarete,

    Kulay ng buhay na dugo, atsuwete, at rubi.

    Ang kabilugan niyang hinango sa mga frayle

    Ng kasaysayan at ng pambalanang guniguni,

    Di aakalaing nasa kapangyarihan niyang

    Papugutan ang mga alipures ng karsada

    O ipatuhog sa punglo ang sinumang sumanggi

    Sa kanyang berlina paghagibis sa alas dose

    Palibhasay kay-lamlam ng ginawang pagtunghay Sa platon ng gisantes at tinortilyang kabute.

    Maliming hinahalo ng tatlong dantaon nang

    Kutsarita ang tsokolateng olandes sa munting

    Puswelong asul, losang manipis pa sa orkidya,

    Masining pati pagkunot ng noong wariy lubog Na dinaramdam ang duradong silaw sa umaga,

    Ayaw pa mang buklatin ang peryodikong masinop

    Na nakatiklop sa antigong pilak na bandeha,

    Sinasagi ng inukit na trebol at milplores

    Ang mag-ina ng San Nikolas na sinasagasaan

    Ng bunso ng kongresista, ang binatang nag-uban

    Sa karsel nang di mawawaan ang pagkakasala,

    Ang mga hinayok ng baha at sunog, sinaksak

    Sa leeg at balakang ng hustisyang natapilok Anot kay dumal-dumal ng daigdig ng anino Sa kabila ng kanyang paglihis sa peryodikong

    Nakahara sa bandehang may sapin pang panyitong

    De ilot puntas na habi sa Alpes at Ehipto, Bumabalisa sa paboreal at sisneng burda

    Iyang kababalaghang may kapuspalad pa pala

    Sa balat ng lupang anot di nila nakilala?