ang dalawang magkaibigan
DESCRIPTION
Uploaded from Google DocsTRANSCRIPT
![Page 1: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/1.jpg)
"Ang Dalawang Magkaibigan"
Alcausin, AdrianLopez, Lea
Yuzon, Danna
![Page 2: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/2.jpg)
Sa isang gubat, may dalawang magkaibigan na dinosaur. Sila ay sina Tee at Rex.
![Page 3: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/3.jpg)
Mula noong bata pa sila, magkasama na sila palaging maglaro sa gubat.
![Page 4: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/4.jpg)
Mahilig silang mag habulan...
![Page 5: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/5.jpg)
Madalas din silang mag tampisaw sa sapa.
![Page 6: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/6.jpg)
Isang araw, habang sila ay naghahabulan, may nakita silang prutas.
![Page 7: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/7.jpg)
"Rex, tingnan mo mukhang masarap yung prutas na yun!" sabi ni Tee.
![Page 8: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/8.jpg)
"Oo nga, Tee. Parang ang sarap niyang kainin!" sagot naman ni Rex.
![Page 9: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/9.jpg)
Pareho nilang tinitigan ng matagal ang prutas."Tara kainin natin!" sabi ni Tee.
"Pero pwede bang ako muna ang unang kakagat dahil ako naman ang unang nakakita? sagot ni Rex.
![Page 10: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/10.jpg)
"Ang daya mo naman, Rex! Ako kaya unang nakakita!" galit na sagot ni Tee. "Ako kaya!" sabi ni Rex. "Di kaya! Ako nga sabi e!" pasigaw na sabi ni Tee.
At nag away na ang magkaibigang dinosaur.
![Page 11: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/11.jpg)
Dahil abala sila sa kanilang pag-aaway, hindi nila napansin na nabangga nila ang puno. Nalaglag ang prutas at naapakan ng isa sa kanila.
![Page 12: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/12.jpg)
Nabiyak ang prutas at nag labas ito ng mabahong amoy.
"Ang baho naman, buti na lang hindi natin kinain!" sabi ni Rex.
"Oo nga, Rex. Pasensiya ka na pala at inaway kita" sagot ni Tee.
![Page 13: Ang Dalawang Magkaibigan](https://reader034.vdocuments.pub/reader034/viewer/2022050705/54e8e8a44a79594d398b4991/html5/thumbnails/13.jpg)
Mula noon, natutunan nilang maging mapag bigay sa isa't isa. Naisip nilang walang magandang maidudulot ang pag-aaway.