ang guryon (1)

11
Ang guryon By: Ildefonso Santos

Upload: lorna-ramos

Post on 12-Jun-2015

1.494 views

Category:

Documents


13 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang guryon (1)

Ang guryonBy:

Ildefonso Santos

Page 2: Ang guryon (1)

Tanggapin mo anak, itong munting guryon 

Na yari sa patpat at "papel de Hapon" 

Magandang laruan pula, puti, asul 

Na may panagalan mong sa gitna naroon.

Page 3: Ang guryon (1)

Ang hiling ko lamang, bago paliparin, 

Ang guryon mong ito ay pakatimbangin; 

Ang solo't paulo'y sukating magaling 

Nang hindi mag-ikit o kaya'y magkiling. 

Page 4: Ang guryon (1)

Saka, pag umihip ang hangin, ilabas 

At sa papawiri'y bayaang lumipad; 

Datapwa't ang pisi'y tibayan mo, anak, At baka lagutin ng hanging malakas. 

Page 5: Ang guryon (1)

Ibigin ma't hindi, balang araw, ikaw Ay mapapabuyong makipagdagitan; Makipaglaban ka, subalit tandaan 

Na ang nagwawagi'y ang pusong marangal. 

Page 6: Ang guryon (1)

At kung ang guryon mo'y sakaling madaig 

Matangay ng iba o kaya'y mapatid; 

Kung saka-sakaling dina mapabalik 

Maawaing kamay nawa ang magkamit! 

Page 7: Ang guryon (1)

Ang buhay ay guryon: marupok, malikot, 

Dagiti'y dumagit saan man sumuot… 

O, piliparinmo't ihalik sa Diyos, Bago patuluyang sa lupa:'y

sumubsob! 

 

Page 8: Ang guryon (1)

Ano nga ba ang kahulugan ng tulang “Ang Guryon”?

Page 9: Ang guryon (1)

Ipinapahiwatig ng tula sa buhay ng tao dahil ang guryon

ay marupok, hindi gaanong matibay ngunit kapag napalipad mo na ito ng

mataas, titingalain ito at hahangaan. Katulad din ng sa

buhay ng tao, may mga pagsubok na hindi natin

inaasahan. Dapat na maging matatag at may tiwala tayo sa

ating sarili upang makamit natin ang ating mga pangarap at huwag nating kakalimutang

ang ating panginoon.

Page 10: Ang guryon (1)

The END

Page 11: Ang guryon (1)

Inihanda nina :Tricia Marie Lubiano

atCharlote Marcellano

III-2