ang imperyong mongol

7
Ang Imperyong Mongol ANG MGA MONGOL SI GENGHIS K HAN

Upload: angelyn-lingatong

Post on 06-Jan-2017

131 views

Category:

Education


4 download

TRANSCRIPT

Ang Imperyong Mongol

ANG MGA MONGOL

SI GENGHIS KHAN

Ang mga Mongol ay mga pangkat etniko

sa Gitnang Silangang Asya na naninirahan sa kasulukuyang Mongolia, China at Russia. Ang mga Mongol ay pinag-iisa ng kanilang wika at kultura. Ang teritoryo kung saan naninirahan ang mga Mongol ay tinawag na Greater Mongolia. Bunga ng kanilang pananakop matatag-puan sila sa buong Gitnang Asya.

MGA MONGOL

Sa loob ng maraming siglo, ang mga Mongol ay gumala sa silangang steppe, sakop ng kasulukuyang Mongolia.

Si Temujin ay kabilang sa Yakka Mongols, isang paladigma at lagalag na tribo sa Mongolia. Pinag-isa ni Temujin ang kanyang tribo at ang iba pang mga tribo sa Mongolia noong 1200.

Khan- pinuno ng bawat angkan.

SI GENGHIS KHAN

Tinawag si Temujin na Genghis Khan (Emperor of All Men)

Sinanay niya ang kanyang hukbo na makipaglaban. Nang sinimulan nila ang pagsalakay, maraming tao ang natakot sa kanilang hukbo dahil sa kanilang taktika at paraan ng pagpaslang.

Sa kanilang serye ng pagsalakay, sinakop ni Genghis Khan ang Turkestan, hilagang China, at Korea. Tumulak siya pakanluran at sinalakay ang Afghanistan, Persia, at ilang bahagi ng Russia.

Mahusay na lider at heneral si Genghis Khan. Noong 1227, namatay si Genghis Khan sa edad na 60. Ang dahilan ay nananatiling isang misteryo. Kabilang sa mga teorya ay ang natamo niyang pinsala pagkaraang nahulog sa kabayo habang nangangaso, pagkakasakit ng malaria, at iba pa.

Sa loob ng 50 taon, nagawa ng mga Mongol na sakupin ang teritoryo mula China hanggang Poland.