ang iyong patnubay sa paglalaro ng slots€¢ walang gayong bagay na gaya ng “pamumuhunan” ng...

2
ANG IYONG PATNUBAY SA PAGLALARO NG SLOTS Lahat ng kailangan mong malaman. PlaySmart.ca Ano ang Kailangan mong Malaman Ang mga slot machine ay kabilang sa mga pinakapopular at nakakatuwang mga laro sa mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario. Ang pag-unawa sa kung paano gumagana ang mga slot machine ay unang hakbang patungo sa isang mas kaganti-gantimpalang karanasan ng paglalaro. Sa Ontario, ang mga lugar ng laruan ay nagbibigay ng mga dosena ng magkakaibang mga larong slot at depende sa pipiliin mo, ang halaga kada laro ay maaaring mag- simula sa mga denominasyon na 1 sentimo hanggang 100 dolyares. Ang mga slot ay nakaprograma na tumanggap ng mas maraming pera kaysa mag-pay out. Sa ibang salita, mas lalo kang maglaro, mas lalo kang magbabayad. Walang kakayahan na kailangan para maglaro ng isang slot machine. Walang bale kung anong machine ang piliin mo o kung anong oras ng araw ito, ang mga kalalabasan ng mga slot machine ay pasumala at hindi mahuhulaan. Walang gayong bagay na gaya ng “pamumuhunan” ng pera sa isang slot machine; ang iyong pagkakataon na manalo ay walang kaugnayan sa kung gaano ka katagal na naglaro. Laging magtakda ng isang badyet, at tupadin ito. Kapag naubos na ang iyong pera para sa paglilibang, oras na para huminto. Paano Maglaro 1. Basahin ang display para sa mga direksyon ng pagtataya. 2. Magsingit ng isang bill o ticket sa loob ng bill validator upang makakuha ng kredito sa machine. 3. Tumaya ng isang Buton: Pindutin ang buton nang isang beses para tumaya ng 1 kredito; dalawang beses para magtaya ng 2 mga kredito, atbp. 4. Paikutin ang Buton/Hawakan: Gamitin ang alinman sa dalawa para paikutin ang mga reel. 5. Salapi/Buton ng Kredito: Pindutin ang buton na ito para i-cash out ang mga napanalunan sa iyong machine. Kabilang dito ang mga kredito mula sa mga napanalunan o mula sa mga bill na isiningit mo sa validator. Tataas ba ang mga pagkakataon kong manalo, kung maglalaro ako sa mahigit sa isang slot machine sa bawat isang time? Sa paglalaro sa mahigit sa isang machine maaari kang manalo nang mas madalas ngunit gagastos ka rin at sa bandang huli ay matatalo nang mas malaki. Tandaan para sa karamihan ng mga tao mas gagastos sila ng malaki sa paglipas ng panahon. Kung tataya lang ako ng isang kredito, mas marami bang mga nananalong kombinasyon ang magagawa? Lahat ng mga slot machine ay may isang random number generator. Ang iyong mga pagkakataon na manalo ay laging mananatiling pareho kahit na gaano kaliit o kalaki ang iyong itaya. #PlaySmartOLG 1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika tumawag sa 1-800-387-0098 o bumisita sa: PlaySmart.ca

Upload: truongkhuong

Post on 20-May-2018

240 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

ANG IYONG PATNUBAY SA PAGLALARO NG SLOTS

Lahat ng kailangan mong malaman.

PlaySmart.ca

Ano ang Kailangan mong Malaman Ang mga slot machine ay kabilang sa mga pinakapopular at nakakatuwang mga laro sa mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario. Ang pag-unawa sa kung paano gumagana ang mga slot machine ay unang hakbang patungo sa isang mas kaganti-gantimpalang karanasan ng paglalaro.

• Sa Ontario, ang mga lugar ng laruan ay nagbibigay ng mga dosena ng magkakaibang mga larong slot at depende sa pipiliin mo, ang halaga kada laro ay maaaring mag-simula sa mga denominasyon na 1 sentimo hanggang 100 dolyares.

• Ang mga slot ay nakaprograma na tumanggap ng mas maraming pera kaysa mag-pay out. Sa ibang salita, mas lalo kang maglaro, mas lalo kang magbabayad.

• Walang kakayahan na kailangan para maglaro ng isang slot machine.

• Walang bale kung anong machine ang piliin mo o kung anong oras ng araw ito, ang mga kalalabasan ng mga slot machine ay pasumala at hindi mahuhulaan.

• Walang gayong bagay na gaya ng “pamumuhunan” ng pera sa isang slot machine; ang iyong pagkakataon na manalo ay walang kaugnayan sa kung gaano ka katagal na naglaro.

• Laging magtakda ng isang badyet, at tupadin ito. Kapag naubos na ang iyong pera para sa paglilibang, oras na para huminto.

Paano Maglaro 1. Basahin ang display para sa mga direksyon ng

pagtataya. 2. Magsingit ng isang bill o ticket sa loob ng

bill validator upang makakuha ng kredito sa machine.

3. Tumaya ng isang Buton: Pindutin ang buton nang isang beses para tumaya ng 1 kredito; dalawang beses para magtaya ng 2 mga kredito, atbp.

4. Paikutin ang Buton/Hawakan: Gamitin ang alinman sa dalawa para paikutin ang mga reel.

5. Salapi/Buton ng Kredito: Pindutin ang buton na ito para i-cash out ang mga napanalunan sa iyong machine. Kabilang dito ang mga kredito mula sa mga napanalunan o mula sa mga bill na isiningit mo sa validator.

Tataas ba ang mga pagkakataon kong manalo, kung maglalaro ako sa mahigit sa isang slot machine sa bawat isang time? Sa paglalaro sa mahigit sa isang machine maaari kang manalo nang mas madalas ngunit gagastos ka rin at sa bandang huli ay matatalo nang mas malaki. Tandaan para sa karamihan ng mga tao mas gagastos sila ng malaki sa paglipas ng panahon.

Kung tataya lang ako ng isang kredito, mas marami bang mga nananalong kombinasyon ang magagawa? Lahat ng mga slot machine ay may isang random number generator. Ang iyong mga pagkakataon na manalo ay laging mananatiling pareho kahit na gaano kaliit o kalaki ang iyong itaya.

#PlaySmartOLG

1-888-230-3505 www.problemgamblinghelpline.ca

Para makuha ang polyetong ito sa Pranses at iba pang mga wika tumawag sa 1-800-387-0098 o

bumisita sa: PlaySmart.ca

Paano gumagana ang mga Slot Payout? Sa Ontario, ang payout para sa mga slot machine ay kailangang itakda sa 85 porsiyento o mas mataas. Ang numerong ito ay tinatakda at kinokontrol ng Alcohol and Gaming Commission of Ontario (AGCO), isang independiyenteng lupon na nangangasiwa ng mga tiniyak na aktibidad ng OLG. Walumpu’t-limang porsiyento ang pinakamababang pay out rate at karamihan ng mga machine ay naka-preset para sa mas mataas na mga antas.

Alalahanain, hindi ito nangangahulugan na para sa bawat $10 na iyong ilalagay sa slot machine ay ibabalik sa iyo ang $8.50. Ang payout na 85 porsiento ay batay sa pangmatagalang-panahon na ibabalik ng machine, na maaaring magsali ng daan-daang libo o maging milyon man na mga pag-ikot.

Ang mga numero sa ibaba ay nagbabalangkas ng mga porsiyento ng payout sa mga pasilidad ng slots at casino sa Ontario:

85%Pinakamababang

payout

91.8% Karaniwang na payout

99.1% Pinakamataas

na payout

Ano ang kalamangan? Ang kalamangan ng payout para sa mga slot machine ay nag-iiba-iba batay sa kung anong machine ang pinaglalaruan mo. Ang kalamangan na tamaan mo ang pinakamataas na premyo ay nag-iiba nang malaki sa bawat machine. Ang kalamangan na mapanalunan ang pinakamataas na premyo sa ilang mga laro ay humigit-kumulang 1 hanggang 4,000 pag-ikot, habang ang kalamangan na mapanalunan ang pinakamataas na premyo sa ibang mga laro ay maaaring maging kasing-taas ng 1 sa 16,000,000 na mga pag-ikot.

Sinong nagpapasiya kung kailan magbibigay ng pay out ang machine? Ang isang memory chip sa kompyuter ang nagpapasiya kung kailan magbibigay ng payout ang mga slot machine. Sa loob ng machine, isang random number generator ang patuloy na naglalabas ng mga numero sa isang antas na libu-libo kada segundo kahit na walang naglalaro. Lahat ng mga numerong ito ay may pantay-pantay na probabilidad na mapili sa anumang oras upang malaman ang kalalabasan ng laro.

Dahil ang bawat resulta ay pasumala, imposibleng mahulaan kung aling numero ang maaaring i-generate sa anumang oras. Ang isang tao na gumamit ng machine pagkatapos mo at nanalo, ay hindi nanalo ng iyong jackpot. Ito ay dahil ang pagpindot ng buton para magpaikot sa eksaktong sandali na naglabas ng panalong numero ang random number generator ang siyang magpapasiya ng isang jackpot, hindi kung gaano katagal na naglalaro ang isang tao.

Ang mga slot ay hindi kailanman “nakatakdang manalo” at hindi sila “lumalamig” pagkatapos ng isang panalo. Kaya magagawang maglagay ng isang taya sa isang slot machine at manalo ng isang malaking halaga, o maaari kang maglaro ng dalawang oras at mauwing talunan.

Maaari bang ayusin ng isang empleyado ng casino ang mga slot machine upang magbigay ng mas kaunting pay out? Sa oras na maitakda ang payout rate ng isang machine, hindi na maaaring ayusin ng mga empleyado ng laruan ang isang slot machine nang hindi sumusunod sa mahigpit na mga patakaran at napaka-espesipikong teknikal na mga pamamaraan ng AGCO. Nilalagyan ng selyo ng slot ang ibabaw ng Central Processing Unit (CPU) ng mga slot machine. Para sa isang lugar ng laruan na magpalit ng payout rate, kailangan nitong gumawa ng isang kahilingan sa AGCO at makatanggap ng aprobasyon. Tapos, ang AGCO ay dapat na magpunta sa site para mag-inspeksyon at aprubahan ang pagbabago sa laro.

Sa tingin ko ang mga slot machine ay nagbibigay ng mas maraming pay out noon kaysa sa ngayon. Totoo ba iyon? Hindi. Ang mga slot machine payout ay – at palagi nang – mahigpit na pinangangasiwaan ng AGCO. Ang mga machine ay hindi inayos upang magbigay ng mas maraming pay out noong sila ay unang inilagay at pagkatapos ay pinalitan upang magbigay ng mas kaunti sa paglipas ng panahon.

Ang mga simbolo ay napakalapit nang maghanay para sa malaking jackpot, siguro ay malapit na akong manalo. tama? Dahil ang bawat kalalabasan ay hindi na-iimpluwensiyan ng mga dating kinalabasan, “muntik ” na manalo ay hindi nangangahulugan na mas malapit ka nang manalo ngayon kaysa noong nauna.

Kung maglaro ako nang mas mahaba sa isang machine, mas malamang ba na manalo ako? Hindi. Bawat laro ay independenteng pangyayari na may kaparehong kalamangan na manalo o matalo gaya ng bawat iba pang paglalaro sa larong iyon. Ang resulta ng iyong huling laro o sunod-sunod na mga laro ay lubos na walang kinalaman sa mangyayari sa iyong susunod na laro.

Checklist para mapanatiling nakakatuwa at ligtas ang paglalaro ng slot:

Magtakda ng isang limit para sa kung magkanong pera ang gagastusin mo Magtakda ng limit sa oras para sa kung gaano katagal ka maglalaro Huwag gumastos nang mas malaki kaysa sa maaari mong makayanan Huwag pagpumilitang bawiin ang natalo mo Laging tandaan na ang paglalaro ng mga slot machine ay panlibangan at hindi isang paraan para kumita ng pera

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga slot machine, makipag-usap sa isang tagapaglingkod sa slot o bisitahin ang www.PlaySmart.ca. Maaari ka ring dumaan sa Responsible Gaming Resource Centre (RGRC) na malapit sa pasukan ng alinmang pasilidad ng Ontario slots o casino. Ang RGRC ay independenteng pinangangasiwaan ng Responsible Gambling Council.

Kung sa palagay mo ikaw o ang isang tao na iyong pinahahalagahan ay maaaring may problema sa pagsusugal at naghahanap ng impormasyon o ng isang taong makakausap, kontakin ang Ontario Problem Gambling Helpline (OPGH) sa 1-888-230-3505 o sa pamamagitan ng email o makipag-chat online sa www.problemgamblinghelpline.ca.

Ang serbisyong ito ay libre, kumpidensiyal, at makukuha 24 oras isang araw, pitong araw sa isang linggo, sa mahigit sa 170 na iba’t-ibang mga wika.