"ang kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod sa laura, villa beatriz, at...
TRANSCRIPT
1
“Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng mga
Maralitang Tagalungsod sa Laura,
Villa Beatriz at Kaligtasan”
Isang Teolohikong Aral-nilay
Na Inilahad sa:
Kaguruan ngInter-Congregational Theological Center (ICTC)
Dalubhasang Teolohiko ng OUR LADY OF THE ANGELS SEMINARY
Seminary Road, Bagbag,Novaliches, Quezon City
Isinumite ni:
JHONAS F. ENOPIA, SC
Hunyo 2008
2
OUR LADY OF THE ANGELS SEMINARY
INTER-CONGREGATIONAL THEOLOGICAL CENTERSeminary Road, Bagbag, Novaliches, Quezon City
P. O. Box 192, 1117 Novaliches, Quezon CityTel. Nos. 936-4083/936-4086 Fax: 936-4083
APPROVAL SHEET
In partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry
Ang Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng
mga Maralitang Tagalungsod sa
Laura, Villa Beatriz at Kaligtasan
has been prepared and submitted by:
JHONAS F. ENOPIA, SC
who is hereby recommended for the Oral Defense Examination.
Oscar A. Ante, OFMThesis Mentor
Grade Given to the Paper :Date of Submission :
Approved by the Defense Panel of the Oral Examination with the grade of: 1.5
Yolanda R. Esguerra Lino Gregorio V. Redoblado, OFM
Member Member
Andres Rañoa, OFMChairperson
Accepted as a partial fulfillment of the requirement for the degree of Master of Arts in Pastoral Ministry
Oscar A. Ante, OFMAcademic Dean
3
Date
PAGHAHANDOG
Para sa mga taong may pusong patuloy na nakikibahagi at nagninilay sa hamon ng pagiging simbahan ng mga dukha dulot ng mga
makabagong hamon ng panahon ng urbanisasayon upang magkaroon ng mga
panibagong tugon!
Para sa lahat ng tagahubog ng mga lingkod ng simbahan na nakatutulong sa pagbabago at pagbubukas ng mga panibagong
pananaw sa paglilingkod sa simbahan at sa mga dukha!
4
PASASALAMAT
Ang mag-aaral ay taos-pusong nagpapasalamat sa mga sumusunod na naging kabahagi ng pag-aaral na ito:
Sa kanyang tagapayo na walang iba kundi si Padre Oscar Ante, OFM sa pagbabahagi ng kanyang mayamang kaalaman at opinyon.
Sa kapilya ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan, Old Balara, Quezon City sa pangangalaga ng mga Sons of Charity.
Sa mga miyembro ng Parish Pastoral Council ng Jesus of Nazareth Parish,
Villa Beatriz, Quezon City sa pangangalaga ni Padre Daniel Godefroy, SC.
Sa buong komunidad ng Jesus of Nazareth Parish na nakada-upang palad sa loob ng isang taon.
Sa lahat ng komunidad ng mga dukha na nakasalamuha at nakapamuhayan sa mga nagdaang taon.
Sa lahat ng mga taong tumulong at sumuporta sa pagpupunyagi ng papel na ito.
Sa kapatiran ng Sons of Charity na kinapapalooban ng mananaliksik.
Sa kanyang buong pamilya.
Sa komunidad ng Inter-Congregational Theological Center (ICTC).
Sa lahat ng mga taong naging tagahubog ng mag-aaral.
At higit sa lahat, sa Diyos na bukal ng bokasyon at lubos na mapagmahal at mapagkalinga!
Maraming, Maraming Salamat Po!
5
ABSTRAK
Ang pag-aaral na ito ay isa sa mga napakaraming naisagawang
pag-aaral tungkol sa simbahan ng mga dukha. Bagkus ang pag-aaral ng
ito ay nakatuon sa kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga
maralitang tagalungsod sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at
Kaligtasan na kung saan ay isang komunidad na umuusbong dulot ng
makabagong panahon ng urbanisasyon. Ang pinakamahalaga at
pangunahing kapamaraanang eklesyolohikal na ginamit sa pag-aaral na
ito ay ang hermeneutical o pastoral cycle method. Binigyang diin din ng
mag-aaral ang naisagawang etnograpikong pag-aaral ng mga kapwa
mag-aaral sa ikalawang taon ng teolohiya sa nakalipas na taon. Ang mga
talakayan, pormal at di-pormal na pakikipanayam ay isa sa mga
pinagkukunan ng mga datos na makakatulong din sa pagpapalalim ng
pag-aaral na ito. Ang pagbabad, pagsama, pakikipamuhay, at pakikiisa sa
pamumuhay ng mga maralitang tagalungsod ay bahagi rin ng pag-aaral
upang makatulong sa lubos na pagkakaunawa sa pag-aaral na
isinasagawa.
Nakatawag pansin sa pag-aaral na ito ang pag-inog ng pananaw
ukol sa pagtugon ng simbahan sa tawag ng makabagong uri ng mga
komunidad o maralitang lungsod na dulot ng urbanisasyon. Bunga ito ng
6
kasalukuyang patuloy na pang-aakit ng makabagong buhay ng mga
malalaking siyudad na kung saan ang mga taga-probinsiya ay lumipat
dito. Bunga pa nito, ang mga maliliit na lugar sa mga malalaking siyudad
ay pawang napupuno at nagsisiksikan dulot ng paglipat o migration.
Dahil dito, masasabi na ang mga maralitang tagalungsod ay
nakikiisa at nakikisalamuha sa buhay ng simbahan dahil sa kabutihang
naidudulot nito sa kanilang buhay. Ito ay ang pagpapahalaga sa kanilang
buhay, pakikipagkapwa, pagtutulungan sa mga problema, pagbibigay ng
gabay, pagkakaroon ng lakas at kapanatagan ng loob, pagmamahalan sa
isat-isa, at kapayapaan sa kanilang komunidad. Ang simbahan sa gitna ng
mga maralitang tagalungsod ay masasabing isang makabagong anyo ng
pagiging simbahan na tumutugon sa hamon ng panahon ng urbanisasyon
na kung saan ang pagkakaroon ng mga espirituwal at sosyal na gawain
ay isang makabagong anyo ng ministeryo nito.
Ang mag-aaral ay may rekomendasyon para sa simbahan at para
sa iba pang pag-aaral. Para sa simbahan, iminumungkahi ng
mananaliksik na paigtingin at ipagpatuloy ang misyon ng simbahan sa
mga maralitang tagalungsod; ipagpatuloy ng simbahan ang mga proseso
ng pagtugon sa mga hamon ng ebanghelisasyon ng makabagong
panahon ng urbanisasyon; paigtingin ang patuloy ng paghubog (on-going
formation) ng mga naglilingkod; hikayatin ang mga kabataan na
makibahagi sa mga gawaing pangsimbahan; at iminumungkahi rin ng
7
mananaliksik na isaalang-alang ang sapat na kaginhawahan ng mga
mananampalataya.
Para sa iba pang pag-aaral, iminumungkahi ng mananaliksik ang
isang pagtatasa at pag-aaral sa mga gawain ng simbahan ng maralitang
tagalungsod. Kaakibat nito ang mga proseso ng pagbuo ng simbahan at
mga gawain nito upang maging mas angkop ito sa konteksto ng
makabagong hamon ng urbanisasyon at sa kultura ng mundong kanyang
ginagalawan upang ito ay maging isang tunay na kinatawan ng
ebanghelisasyon.
8
Balangkas ng Pag-aaral
Kabanata: Pahina
I. Panimula. A. Dahilan ng Pag-aaral . . . . . 3B. Pagpapahayag ng Suliranin . . . . 6K. Kahalagahan ng Pag-aaral . . . . 8D. Mga Kapamaraanan ng Pag-aaral . . . 9E. Lawak at Takda ng Pag-aaral . . . . 11G. Mga Pag-aaral sa mga Kaugnay na Panitikan . 11
II. Ang Mukha ng Maralitang Tagalungsod sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan . . . 17A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar . . 18
1. Kasaysayan . . . . . 182. Demograpiya . . . . . 233. Estraktura . . . . . . 25
a. Ekonomiya . . . . 25b. Politikal . . . . . 27
4. Kultura . . . . . . 30B. Lokal na Simbahan . . . . . 33
1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain . 332. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao . 39
III. Ang Simbahan ng mga Dukha ayon sa Bibliya at Turo ng Simbahan . . . 43
A. Ayon sa Bibliya . . . . . . 43B. Ayon sa Turo ng Simbahan . . . . 48
1. Lumen Gentium . . . . . 482. PCP II . . . . . . 523. Padre Felix Wilfred . . . . 58
IV. Ang Pastoral na Implikasyon ng Kahalagahan ng Simbahan sa Buhay ng Maralitang Tagalungsod. 64
A. Sa Lipunan . . . . . . 64B. Sa Simbahan . . . . . . 70
V. Pagtatapos . . . . . . 76A. Paglalagom . . . . . . 76B. Konklusyon . . . . . . 79K. Rekomendasyon . . . . . . 81
9
Mga Dahong Dagdag . . . . . . 851. Larawan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan . . 852. Ang mapa ng daan papunta sa lugar na ito . . . 863. Mga katanungan sa ginagawang survey/FGD . . 87
Talasanggunian . . . . . . . 88
10
UNANG KABANATA
PANIMULA
A. Dahilan ng Pag-aaral
Ang simbahan ay may kakaibang pananaw bago ang pagpupulong
ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Ito ay inihahayag bilang isang
institusyon na itinatag noong unang panahon at tumagal sa kalaunan ng
panahon na may iisang anyo. Ang pananaw na ito ay nagbago sa
panahon ng Ikalawang Kapulungang Vatikano. Isinasalarawan nito ang
simbahan na may ibat-ibang mukha. Ang mga dokumento ng Vatican II
katulad ng Lumen Gentium at Gaudium et Spes ay naglalarawan ng
kakaibang simbahan. Ito ay nakatuon at nagsasabing ang simbahan ay
isang pamayanan ng Diyos, isang bayang naglalakbay, naglilingkod at
nakikipagtalastasan sa mundo.1 Binibigyan pa ng diin ang ganitong
pakahulugan at pagsasalarawan ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng
Pilipinas noong 1991. Bukod sa mga pagsasalarawang ito, inilahad din ng
nasabing plenaryo ang isang matingkad na misyon ng simbahan upang
mas maging angkop at konkreto ang pagsasalarawang ito sa gitna ng di-
ganap na mga kumunidad.
1
? Lode L. Wostyn, Church: Pilgrim Community of Disciples (Quezon City: Claretian Publications, 1995), p. 15.
11
“ Ang simbahan ay naggawa ng kanyang sariling adhikain at mithiin sa isang kumunidad para sa pag-unlad, katarungan, pagkakasundo at kapayapaan, at pagnanais sa Diyos na siya mismo ang tutupad sa mga hangarin ng puso ng bawat tao”.2
Sa karanasan ng mananaliksik sa mahigit na apat na taong
pakikipamuhay, pagbabad, at pagsulong ng simbahan lalo na ang
simbahan ng mga dukha sa mga piling lugar ng Maynila, at bilang
kabahagi rin ng pagsulong ng Inter-Congregational Theological Center
(ICTC) na isabuhay ang teolohiyang pilipino sa konteksto ng makabagong
panahon lalo na sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral,
binibigyang diin ng mananaliksik ang kanyang karanasan sa talaban at
talastasang ito sa pagitan ng simbahan at ng makabagong sambayanan.
Tulad halimbawa ng malawakang paglipat ng mga taga-probinsya sa
malalaking siyudad sa kalakhang Maynila na siyang nagdulot ng pag-
usbong ng mga eskwater o ang tinaguriang “informal settlers” na makikita
at mapapansin sa paligid ng mga malalaking siyudad ng Maynila. Ito ang
naging hamon ng mananaliksik na pagtuunan ng pag-aaral.
Ang lugar ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay iilan sa mga
napakaraming lugar sa kalakhang Maynila na tinaguriang eskwater o
maralitang lungsod. Ito ay mga maliliit na lugar sa paligid ng mga
napakalaking subdibisyon. Dito matatagpuan ang ibat-ibang uri ng kultura
2
? Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines (Pasay City: St. Paul Publications, 1992), p. 53. (Salin sa tagalong ng mananaliksik).
12
ng mga tao dahil dala-dala ng bawat isa ang kultura ng kanyang
probinsiyang kinagisnan. Ayon sa ulat ni Fr. Joseph Bouchaud, isang pari
ng Sons of Charity, sa kanyang aklat na “Following Jesus Among the
Urban Poor” ay mayroong humigit kumulang sa 15-20 libo katao ang
naninirahan dito. 3 Sa ganitong bilang ng mga naninirahan, paliit ng paliit
ang lugar para sa kanila. Maliban sa mga taong unang nanirahan dito na
may naitayong sariling bahay, marami din ang bilang ng mga
nangungupahan sa lugar na ito. Ito rin ang pinagkukunan ng
pangkabuhayan ng ibang naninirahan, ang magpaupa ng silid tulugan o
ng bahay. Dahil din sa paglabas-pasok ng mga tao dito, madalas
magkaroon ng gulo lalo na sa mga kabataan. Hindi din masyadong
maayos ang sistema ng pamamahala sa mga lugar na ito.
Hindi din maiiwasan na mayroong mga propesyonal na eskwater o
“professional squatters” kung tawagin. Ito ay ang mga taong may tig-
dadalawa o tig-tatatlong bahay na kung saan ginagawang paupahan. Ito
ay isang kaugaliang nagpapahayag ng kapangyarihang lumikha at
magpadama sa isang tao ng kulang at sobra sa pamumuhay. Ito ay may
malaking gampanin sa pagbuo ng kamalayan at pananaw ng isang tao, sa
kanyang pakikipag-ugnayan sa kanyang sarili, sa kanyang kapwa, at iba
pa.
3
? Fr. Jose Bouchaud, SC, “Following Jesus Among the Urban Poor”, (Quezon City, Philippines), a booklet.
13
Kaya nais ng mananaliksik na pagtuunan ng pansin sa pag-aaral
na ito ang simbahan ng maralitang tagalungsod.
B. Pagpapahayag ng Suliranin
Kapansin-pansin ang pagdami ng mga mamamayang tagalungsod
sa mga mauunlad na mga bansa at siyudad. Sa kasalukuyan, sinasabing
mayroong humigit kumulang sa 75 bahagdan ang naninirahan sa mga
mahihirap na lugar ng lungsod. Sinasabi pa na sa taong 2025 sa
hinaharap, maaring maging 2/3 ng populasyon ng mundo ay mga
tagalungsod.4
Marami ang dahilan kung bakit ang mga taga-probinsiya o
lalawigan ay gustong lumipat sa mga malalaking siyudad kagaya ng
Maynila. Tinitingnan nila ito na mas angat ang pamumuhay kaysa
kanilang pamumuhay sa probinsiya at napakadaling lapitan ang mga
bagay-bagay na kaugnay dito. May kinalaman din sa paglipat ang
kakaibang kultura na dulot ng makabagong mundo sa lungsod o siyudad
kaysa mga probinsya. Kaya ang ganitong kalagayan ay patuloy pang
nang-aakit ng paglipat sa mga mamamayang probinsiyano sa malalaking
lungsod ng Maynila. Ang matinding gutom, mahihinang pamamaraan ng
paghahanapbuhay, kakulangan ng kagamitang pang-agrikultura kagaya
4
? Donald E. Miller, Serving with the Urban Poor (Sta. Cruz, Manila, Philippines: Logos Publications, Inc., 1999), p. 120.
14
ng pagsasaka, at kawalan ng lupain ay mga iilang halimbawa lamang ng
mga dahilan na nagtulak sa kanila upang pumarito at makibahagi sa
buhay ng tagalungsod.
Sa pag-usbong naman ng ganitong kalagayan, ang pagdami ng
mga mamamayang tagalungsod, ay nagdulot rin ng pagtaas ng uri ng
kawalan ng trabaho, polyusyon, walang sapat na kalinisan, pagdumi ng
suplay ng tubig, problema sa kalusugan, edukasyon, krimen, at iba pa. Ito
ay mga iilang pangyayari lamang na dulot ng kakulangan ng kaalaman,
kakulangan ng mapagkukunang pinansiyal, at kahusayan sa pagtatrabaho
na siyang nagwawakas sa isang paninirahan sa mga eskwater na lugar na
matatagpuan sa paligid ng mga malalaking siyudad sa kalakhang Maynila.
Ito rin ay nagdudulot sa kanila ng pagtatrabaho bilang mga di-pormal,
pangungulekta ng basura, pamamasukan bilang katulong o kasambahay,
pagtitinda sa mga kalye, pamamalimos, at iba pa.
Dahil dito, ang pag-aaral na ito ay naglalayon na tingnan at suriin
ang mga kumunidad o lugar na ito na kung saan maaaring may malaking
tungkulin o gampanin ang simbahan sa pagbabago ng takbo ng kanilang
pamumuhay. Susubukan din ng mananaliksik na sagutin ang
pangunahing katanungan upang mabigyan ng katuparan ito : Mahalaga
ba ang simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod?
15
Ang mga sumusunod na katanungan ay makakatulong din sa
pagsagot ng pangunahing katanungan.
a. Ano ang sitwasyon o kalagayan ng mga maralitang tagalungsod
at ano ang ginagawa ng simbahan sa kasalukuyan?
b. Ano ang simbahan ng mga dukha ayon sa bibliya at turo ng
simbahan?
k. Ano ang pastoral na implikasyon nito sa lipunan at simbahan?
K. Kahalagahan ng Pag-aaral
Ang pagdami at pag-usbong ng mga kumunidad na ito sa mga
maralitang lungsod at ang pagdami din ng mga mamamayang naninirahan
dito o ang mga tinaguriang eskwater o “informal settlers” ay naging
dahilan sa panawagan muli ng simbahan na maging bahagi ng kanyang
misyon ang mga nabanggit na mga pamayanan. Ito rin ay naging sanhi
upang magkaroon ng mga gawaing pansimbahan sa mga maralitang
tagalungsod. Samakatuwid, ang kalagayang ito at ang pakikibahagi ng
simbahan sa maralitang tagalungsod ay nangangailangan ng
eklesyolohikal at teolohikal na pag-aaral lalo na sa usapin ng pagbabago
ng lipunan.
Ninanais din ng pag-aaral na ito na makapag-ambag sa patuloy na
itinataguyod at isinusulong ng Inter-Congregational Theological Center
(ICTC), ang eklesyolohikal na pag-aaral sa Pilipino sa konteksto ng
16
makabagong panahon at makatulong pa sa pagpapaunlad ng mga
teolohikal na pag-aaral sa konteksto at wikang Pilipino lalo na sa larangan
ng eklesyolohiya at paglilingkod pastoral. Dito susubukan ng mag-aaral na
pasukin ang karanansang ito ng mga Pilipino (karanasan ng simbahan sa
maralitang tagalungsod) sa larangan ng eklesyolohiya at paglilingkod
pastoral upang mapayaman at mapalago pa ito.
Ninanais din ng pag-aaral na ito na suriin ang kinalalagyan ng
simbahan sa mga piling maralitang lungsod ng Maynila upang
makapagbukas ng makabagong pananaw at pag-unawa ang mga tao
bilang simbahan at ang magagawa ng simbahan sa pag-unlad ng kanilang
pamumuhay at kumunidad tungo sa panlipunang pagbabago. Ang bagong
kamulatang ito ay mahalaga sa patuloy na pagbuo, paglago, at
pagtataguyod ng simbahan na naaayon sa konteksto at hamon ng
panahon.
D. Mga kapamaraanan ng Pag-aaral
Ang pinakamahalaga at pangunahing kapamaraanang
eklesyolohikal na gagamitin sa pag-aaral na ito ay ang tinatawag na
hermeneutical o pastoral cycle method ni Msgr. Joseph Cardijn. Dito
bibigyang linaw ang mga katanungang kinakaharap ng mag-aaral sa
tulong din ng paggamit ng Banal na Tipan at ng Tradisyon ng Simbahan.
Kabahagi din dito ang pagbibigay diin sa mga kultural, ekonomikal,
17
politikal, at relihiyosong aspeto ng buhay ng tao na laging bahagi ng
Kristiyanong karanasan.5
Para sa ibang pamamaraan ng pangangalap ng mga datos ng
mananaliksik, gagamitin sa pag-aaral na ito ng tinatawag na immersion o
pagbabad, pagsama, at pakikiisa sa mga maralitang tagalungsod at sa
paglalakbay ng simbahan sa mga pamayanang ito. Ang mag-aaral ay
makikitira at makikipamuhay din sa pamayanang nabanggit upang lubos
na maunawaan ang isinasagawang pag-aaral.
Bibigyang halaga din sa pag-aaral na ito ang tinatawag na
participant-observation approach. Ito ay isang dulog na
nangangahulugang pakikipamuhay sa mga kumunidad na nabanggit,
pakikiisa sa kanilang mga gawain, at maging mapagmasid sa kanilang
pang-araw-araw na pamumuhay.
Napakalaking tulong din sa pagbuo ng pag-aaral na ito ang
pagsasagawa ng focused group discussion at di-pormal na
pakikipanayam at pakikipagkwentuhan sa mga maralitang tagalungsod ng
nabanggit na lugar. Ang mga nakalap na datos ay isusulat sa talaarawan
ng mag-aaral.
5
? International Commission on Justice, Peace, and Integrity of Creation, Manual for Promoters of Justice Peace and Integrity of Creation (Quezon City: Claretian Publications, 1998), p. 122.
18
E. Lawak at Takda ng Pag-aral
Ang Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na matatagpuan sa
maralitang Lungsod ng Quezon (Tandang Sora) ay mga lugar na saklaw
lamang ng pananaliksik na ito. Sa loob ng isang taong pakikisalamuha,
buong maghapon ang guguguling pagbabad, pakikiisa, at
pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa mga maralitang tagalungsod ng
pamayanang nabanggit.
Inaamin din sa pag-aaral na ito, sa pamamagitan ng mga
kapamaraanang nabanggit, na ang kaalaman tungkol sa maralitang
tagalungsod ay limitado lamang sa mga bagay at gawaing abot-kamay o
accessible ng mag-aaral. Hangarin man ng mag-aaral na makibahagi pa
sa ibang mga maralitang tagalungsod upang mapalawak ang pakikipag-
ugnayan at interaksyon, tinitiyak at sinisiguro ng mag-aaral na sa
limitasyon at saklaw na ito, magiging malalim ang pagmamasid at
pakikibahagi sa mga gawain ng maralitang tagalungsod. Sa pamamagitan
nito, maisasalarawan nang mabuti ang ibat-ibang aspeto ng buhay ng
maralitang tagalungsod na hindi mabigyang linaw sa pamamagitan ng
mga huwarang katanungan.
G. Mga Pagsusuri ng Kaugnay na Panitikan
19
Ayon kay John Fuellenbach, SVD6 sa kanyang aklat na Church
Community for the Kingdom, tinalakay niya ang kasaysayan ng simbahan
mula sa kapanahunan ni Hesus hanggang sa Ikalawang Kapulungang
Vatikano. Ito ay isang pagbabalik-tanaw at pagsisiyasat sa ibat-ibang
modelo ng pagiging simbahan na tumutugon at naaayon sa ibat-ibang
mukha at hamon ng panahon. Tinitingnang diin niya ang pagtanaw
pagkatapos ng kapulungang pananaw ng simbahan na kung saan ang
simbahan ay kinakailangang makakita ng kanyang pagkakakilanlan at
misyon sa isinasalarawan ngayong globalisasyon at inkulturasyon. Bukod
pa dito, para sa may-akda, ang simbahan ay magiging tapat lamang sa
pangarap na paghahari ni Hesus (notion of the kingdom of Jesus) kung
tutugunan nito ang mga hamon ng pluralismong kultura at ng lumalaking
kaharian ni Hesus na kung saan ay malaki ang agwat ng mayayaman sa
mahihirap.
Sa aklat na Slum as a Way of Life ni Felipe Jocano,7 ipinapakita
niya ang pisikal na kondisyon ng mga mahihirap na pook ng mga dukha
(slum), ang pagmumukha ng mga lugar na ito, at ang basehang kultura na
ginagamit ng mga tao sa pagbagay o pag-angkop ng kanilang mga sarili
sa mundo ng slum. Ipinapahayag din niya dito na ang pook ng mga
6
? John Fuellenbach, Church Community for the Kingdom (Manila, Philippines: Logos Publications, 2004).
7 Felipe L. Jocano, Slum as a Way of Life (Quezon City, Philippines: PUNLAD Research House, 2002).
20
dukha o slum ay isang panlipunang pangkat na binubuo ng mga taong
naka-angkop sa istilo ng buhay nito. Bukod pa dito, sinasabi niya na ang
slum ay mas higit pa sa penomenon ng urbanisasyon o panlipunang
problema dulot ng pagkapuno o pagsikip ng mga malalaking lungsod. Ito
ay isang proseso ng pag-angkop na nangangahulugan ng isang paraan
ng epektibong paggamit ng kanyang kapaligiran para mabuhay at
gumawa o lumikhang muli. Dinagdag pa niya na ang slum ay bahagi ng
kapaligirang lungsod at ang buhay slum ay ang pagbagay at pag-angkop
dito.
Si Jimmy Long8 sa kanyang aklat na Generating Hope ay
nagpapahayag na ang tao sa panahong ito ay humaharap sa gitna ng
panlipunang unos lalo na sa larangan ng kultura na kumikilos sa lampas-
makabagong panahon (post-modern time). Ang daan at panahon ng
mabilisan at agad-agad na mga pagbabago, na tinatawag sa ngayong
generation X, o mga unang pangkat na lumalaki at dumadami sa
panahong ito ng lampas-makabago. Kaunti lamang ang nakakapuna o
nakakapansin ng pagkakadugtong na ito na nag-uugnay sa lampas-
makabagong panahon at generation X. Sa aklat na ito ni Long, nakita niya
ang kaugnayan ng mga ito at dahil sa ganitong pamamaraan ginamit niya
ang daang ito bilang sangkap sa ebanghelisasyon at sa landas ng
8
? Jimmy Long, Generating Hope: A Strategy for Reaching the Postmodern Generation (Illinois: Varsity Press, 1997).
21
pagiging tagasunod. Sa aklat ding ito, itinaas at ginamit ang
kapangyarihang pamayanan, pagkabalisa, pagpasok sa kultura at pag-
asa sa mga kabataan ngayon. Ito din ay isang istratehiyang pamamaraan
para sa mga maliliit na grupo sa isang ministeryong paglilingkod na
nagpapakita ng pagtatangi at pagtanggap sa isang sitwasyon at panahon.
Sa aklat na A Church for the Next Generation ni Julia Upton,9
sinusuri niya ang pagbabagong liturhikal sa loob at perspektibo ng
kasaysayan ng simbahan sa pamamagitan ng pagbibigay tuon sa rito ng
pagpapasimula (initiation) at ang epekto nito sa dulog ng mga
mananampalataya sa kabuuan ng ekonomiyang sakramental. Tinitingnan
niyang muli ang kasaysayan ng pagpapasimula upang makita ang
kahalagahan at lugar nito sa buhay ng mga kristiyano, at ang mahalagang
papel na ginagampanan ng bawat isa sa pamamaraan ng pagpapasimula.
Tinatahak din ng may-akda na maipahayag ang kasalukuyang kalagayan
ng pagpapasimula sa loob ng simbahang katoliko na naaayon sa
pananaw ng Ikalawang Kapulungang Vatikano upang patuloy itong
umaakma at tumutugon sa hamon ng panahon at sa kalagayang
inaasahan ng lahat sa hinaharap.
Ang aklat na Christianity in a Secularized World ni Wolfhart
Pannenberg10 ay naglalahad ng maraming kapamamaraanan sa pag-
9
? Julia Upton, A Church for the Next Generation (Manila, Philippines: St. Pauls Publications, 1995).
10
22
unawa tungkol sa diskusyon ng kristiyanismo at ng malawakang
sekularisasyon. Ayon sa kanya, ang sekularisasyon ay hindi bunga ng
pag-unlad ng kasaysayan ng ideya bagkus ito ay nag-umpisa sa politikal
at sosyal na tunggalian ng relihiyon. Ang ikalawang kabanata ng aklat ay
nakatuon sa malawakang problema ng sekularisasyon kasama na dito
ang kawalan ng pagpapahalaga sa wastong asal sa konteksto ng
modernong lipunan. Sa wakas, sinusuri ng may-akda ang mga gampanin
ng simbahan sa ngayon kung saan hindi sila maisasantabi o magiging
bahagi ng konsumeristikong mundo.
Ayon sa aklat ni Leonardo Boff11 na Ecclesiogenesis, ang simbahan
ay nabubuo sa kasalukuyang karanasan at kasaysayan ng
mananamplataya. Ang simbahang umuusbong galing sa mga tao ay ang
simbahan ding umusbong mula sa mga apostol. Tinahak ng may-akda sa
aklat na ito ang mapangahas na pagtingin sa simbahan ayon sa liwanag
ng karanasan ng presensiya at kapangyarihan ni Kristong nabuhay muli
sa batayang pamayanang kristiyano, at ipinapakita niya ang dinamikong
bagong simbahan na umusbong sa gitna ng mga mahihirap sa Brazil at sa
buong Latin Amerika.
? Wolfhart Pannenberg, Christianity in a Secularized World (New York: The Crossroad Publishing Company, 1989).
11Leonardo Boff, Ecclesiogenesis (Quezon City, Philippines: Claretian Publication, 1986).
23
Si Avery Dulles,12 isang Heswita at dalubhasa sa teolohiya ng
simbahan, sa kanyang aklat na Models of the Church ay may
iminumungkahing limang modelo o pagsasalarawan ng simbahan bilang
kumunidad. Ito ay ang simbahan bilang institution, mystical communion,
sacrament, herald, at servant. Ang magkakaibang kombinasyon ng mga
modelong ito ay nagtatakda ng ibat-ibang pananaw ng mga relasyon sa
pagitan ng simbahan at ng iba pang mga simbahan. Ang mga modelong
ito ay halaw sa kasaysayan bilang isang resulta o produkto ng
magkakaibang pananaw ng mga teyologo at mananampalataya ng ibat-
ibang panahon at kultura. Ang mga modelo ring ito ay ginagamit upang
maiangkop ang simbahan sa kapanahunan at pangangailangan ng
kumunidad. Ang bawat isang modelo ay may kanya-kanyang gamit at
limitasyon.
12
? Avery Dulles, Models of the Church (New York: Doubleday, 1974).
24
IKALAWANG KABANATA
ANG MUKHA NG MARALITANG TAGALUNGSOD SA LAURA, VILLA BEATRIZ, AT KALIGTASAN
Sa kabanatang ito, hinahangad na mailahad ang kabuuang larawan
ng Maralitang Tagalungsod sa nabanggit na lugar upang mabuo at
mailahad nang mabuti ang mukha ng pamayanan na siyang batayang
konteksto ng pag-aaral na ito. Sa pagbuo nito, tinitingnang mabuti ang
mga ibat-ibang aspeto ng kasaysayan at demograpiya, kalagayang pang-
ekonomiya, politikal, at kultural, at ang sitwasyon ng lokal na simbahan sa
kasalukuyan ng nasabing pamayanan. Bagama’t ang kabuuang larawan
ang hangad na maipakita sa kabanatang ito, pahapyaw lamang ang
pagbaybay at paglalahad nito. Maaaring ang mga ibang detalye ng bawat
aspetong nabanggit ay maaring hindi mailahad. Ang pangunahing batayan
na pinagkukunan ng mga impormasyon at datos ay ang naisagawang
Etnograpikong Pag-aaral (EP) ng mga mag-aaral sa ikalawang taon ng
ICTC noong 2006.13 Maliban dito, magiging karagdagang materyal din ang
pagsasagawa ng Focused Group Discussions, di-pormal na
pakikipanayam, pakikipagkwentuhan, pakikipamuhay, at pakikisalamuha
13
? Ang mga nasa ikalawang taon ng teolohiya sa ICTC na sina Necerel Rey Tomboc, SC, Roberto Laad, FBHS, Derik Yumang, O.Carm, at Jhoan Pader, OFM ay nagsagawa ng Etnograpikong Pag-aaral sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ng Lungsod Quezon (Nobyembre 2006). Bahagi ito ng kanilang paghuhubog pastoral sa nasabing institusyon.
25
ng mananaliksik sa pamayanang ito sa kadahilanang dito nakatira ang
kanyang kongregasyon at dito rin nakasentro ang kanilang misyon.
A. Pangkalahatang Sitwasyon ng Lugar
1. Kasaysayan
a. Unang Yugto (1930-1940)
Naipamulat sa mga tao ang kasaysayan ng kanilang lugar sa
pamamagitan ng Etnograpikong Pag-aaral noong 2006. Bagamat nariyan
ang pagkilala ng mga unang naninirahan sa Laura, Villa Beatriz, at
Kaligtasan mahigit anim na dekada na ang nakalilipas. Hindi madali ang
paghalaw ng kasaysayan ng lugar sa kadahilanang walang naitalang
mahalagang impormasyon maliban sa mga kwento ng mga matatanda
kung paano sila napunta rito at ang pangkalahatang kasaysayan sa pag-
unlad ng Lungsod Quezon. Kahirapan ang pangunahing dahilan na
nagtulak sa karamihan na pumunta sa lugar na ito mula sa ibat-ibang
sulok ng Pilipinas sa pagbabasakali na mapaunlad ang kanilang
kabuhayan.14
Ang Laura at Villa Beatriz ay nanggaling sa isang palaisipan na
marahil ang mga pangalang ito ay pangalan ng mga anak ng
mayayamang hacienderong Zuzuaregui. Si Laura at Beatriz ay mga
kapatid nina Antonio, Juana, Susana, Mariano, at Enrique na
14
? Etnograpikong Pag-aaral, p. 1.
26
kasalukuyang pangalan ng mga karatig pook. Sila ay pinamanahan ng
mga lupaing nakapangalan sa kanila. Ayon pa sa EP, gumagalaw na ang
komersyo sa kabisera ng Lungsod Quezon bago pa umusbong ang
kabihasnan sa mga lugar na ito. Ang lugar ay tinatawag na Balara sa
panahon ng mga kastila at noong 1932, naitayo ang isang malaking
kumpanya sa Lungsod, ang Balara Filters na siyang nagtatanyag sa
lugar.15
b. Ikalawang Yugto (1940-1980)
Sa bilis ng pag-inog ng panahon, bumibilis din ang paggulong ng
mga pangyayari ng kasaysayan tulad ng paglaki ng populasyon at
pagbabago ng mukha ng pook. Ang nabanggit na lugar ay binuo at
nairehistro sa pangalang Barangay Matandang Balara noong ika-10 ng
Mayo, 1962 sa pamumuno ni Norbert S. Amoranto ang alkalde ng
Lungsod Quezon sa bisa ng ordinansa bilang 5068. Napabilang sa
bagong barangay na ito ang kumunidad ng Laura, Villa Beatriz, at
Kaligtasan.16
Mahirap ang pinagkukunan ng tubig, walang ilaw, malayo ang
pamilihan, at pagamutan. Bagama’t saklaw ng bagong barangay ang mga
lugar na ito, natagalan pa ang paggapang ng mga serbisyong pampubliko
15
? Ibid, p. 116 Ibid.
27
patungo sa liblib na pook ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Sa mga
panahong ito, inihayag ng Pangulong Marcos ang martial law kaya
nalagay sa alanganin at panganib ang buhay nila at sa kadahilanang
medyo liblib at madilim ang lugar na ito ay naging tapunan ng mga biktima
ng karahasan. Ang mga pangyayaring ito ay nagbigay ng walang
kasiguruhan sa pamumuhay ang mga tao.17
Makalipas ang apat na dekada, dumating mula sa ibat-ibang
lalawigan ang kamag-anak ng mga unang naninirahan bunsod ng
pangako ng makabagong kabihasnan sa Metro Manila. Nangarap ang
karamihan na mabigyan ng mabuting kinabukasan ang pamilya kung sila
ay makikipagsapalaran sa umuusbong na industriyalisasyon ng malaking
siyudad. Kaya ang mga lugar na nabanggit ay naging estratehikong
lokasyon para sa umuusbong na kabuhayan ng buong lungsod. Walang
bayad ang lupa, malapit sa pinapasukang trabaho, kagawaran,
pagamutan, infra-istruktura at mga paaralan. Dahil dito, nagtayo sila ng
maliit na tahanan at lumipat na rin dito ang ibang mga pamilya na
apektado ng demolisyon mula sa ibang lugar ng Metro Manila. Ang mga
huling dumating ay hindi na nakakuha ng magandang kalalagyan para
makapagtayo ng sariling bahay. Ngunit pinili pa rin nilang manirahan dito
dahil mura naman ang upa sa bahay.18
17
? Ibid.
18
? Ibid. p. 2
28
k. Ikatlong Yugto (1980-1990)
Problema sa lupa ang pangunahing nagbigay ng pangamba sa
pamumuhay ng mga tao, dagdag pa rito ang batas na Anti-Squatting Law.
Marami ang lumitaw na umaangkin sa lupa na di-umano’y mga totoong
nagmamay-ari. Pilit silang pinagbabayad sa lupang kinatitirikan ng
kanilang mga bahay para makaiwas sa banta ng demolisyon at
pagpapaalis. Dahil dito, nagkaroon ng masigasig na pagkukusa ang ilang
magkakapit-bahay upang isulong ang pakikibaka sa lupa.19
Noong ika-11 ng Abril, 1982, nahiwalay ang Kaligtasan sa
barangay ng Matandang Balara at isinama ito sa itinatayong bagong
pamunuan ng Barangay Holy Spirit. Bagama’t nahiwalay sa pamunuang
politikal, kasama naman ito sa pagsulong at pagbuo ng mga pangarap sa
katabing sityo ng Laura at Villa Beatriz.20
Matapos ang People Power Revolution noong 1986, pinawalang
bisa ng Pangulong Corazon C. Aquino ang Anti-Squatting Law na siyang
nagbigay daan para sa mga maralitang tagalungsod ng karapatang bilhin
ang lupa na kinatitirikan ng kanilang bahay sa tulong ng gobyerno. Noong
1987, nabuo ang isang asosasyon ng lupa upang idulog sa pamunuan ng
National Housing Authority (NHA) ang kanilang suliranin. Masugid na
isinulong ang hakbang na ito tungo sa pagsasatitulo ng lupang kanilang
19 Ibid. p. 220 Ibid.
29
pinangarap. Masalimuot ang proseso para mapasa-legal ang pagsalin sa
lupa. Sa kasalukuyan, tinatayang nasa 5% na lamang ang hindi pa
naipagkalooban ng lupang pinaninirahan ng mga tao. Ang ibang lupa ay
buo nang nabayaran samantalang ang iba naman ay patuloy pang
binabayaran sa pamamagitan ng Community Mortgage Program (CMP).
Ito ay malaking hakbang sa kapanatagan ng kanilang loob.21
d. Ikaapat na Yugto (1990-2007)
Noong 1992, dumating sa Laura ang Sons of Charity, isang
relihiyosong kongregasyon na nakikipamuhay kasama ang mahihirap. Ito
ay nagbigay daan sa karagdagang lakas ng loob sa mamamayan upang
isulong ang nasimulang pakikibaka sa kanilang dangal. Serbisyo ng mura
at libreng gamot para sa mahihirap, serbisyo medikal at dental, at
pangangalaga sa espirituwal na pangangailangan ng mga
mananampalataya ay iilan lamang sa napapakinabangan ng komunidad
mula sa pastoral na gawain ng kongregasyon.22
Ang ipinagawang Day Care Center noong 2003 ay tumatanggap ng
apatnapung mga bata. Makalipas ang dalawang taon, binuksan din ang
unang semestre ng pasukan sa mababang paaralan ng Old Balara Annex
noong 2005. Mahigit dalawang libo’t limang daan ang pumapasok sa
21
? Ibid.22 Ibid. p. 3
30
elementarya. Isinaayos na rin ang serbisyo ng tubig, kuryente, at
telepono.23
Sa kasalukuyan, ang dating maputik, liblib, magubat, madilim,
matalahib, nakakatakot na pook ay isa nang buhay na kumunidad na puno
ng bahay, tao, at pangarap. Isa ring katangian ng lugar ay ang masiglang
komunidad na may iba’t ibang libangan tulad ng videoke, billiards, at iba
pa. Ang mga pangyayaring ito ang humuhubog sa kasalukuyang mukha
ng komunidad mula sa mga dating mapuputik na daanan papasok sa
Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na pinagawa na ring konkreto. Ito ay
isang pagkilala ng gobyerno sa umaangat na kahalagahan ng mga
mahihirap.24
2. Demograpiyang Katangian
Mayroong humigit kumulang sa 32,620 ang kabuuang bilang ng
populasyon sa Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Mula sa kabuuang
populasyon na ito, lumalabas na mayroong 3,145 na bilang ng pamilya sa
buong pamayanan. Samantala, lumalabas na ang mga bata at kabataan
na may edad na 24 pababa ay bumubuo ng 56.5 bahagdan sa kabuuang
populasyon.25
23
? Ibid.24 Ibid.
25
? Ibid. p.10
31
Ang pinakamalaking bilang ng naninirahan sa lugar ay
nanggagaling sa Visayas at Mindanao na may mahigit sa 50 bahagdan
ang bilang. Sumunod naman dito ang nanggagaling sa Southern Luzon at
lalawigan ng Bicol, samantalang mayroon namang pabugsu-bugsong
bilang ng mga nagmula sa Central at Northern Luzon.26 Sa ganitong
kalagayan, litaw pa rin na tagalog ang pangunahing wika na kanilang
ginagamit sa kadahilanang sila ay nasa Metro Manila. Ito din ang wikang
kanilang ginagamit sa pakikipag-ugnayan, pakikipagtalastasan, at
pakikisalamuha sa iba. Pangkat-pangkat ang mga tao na naninirahan dito
ayon sa kanilang etnisidad ngunit bakas parin ang pagrespeto sa isa’t-isa
bilang pamayanan. Ang pagrespeto at pagkakaisang ito sa kabila ng
pagkakaiba ay isang bagong umuusbong na etnisidad ng mga tao.27 Ang
pag aasawa naman ng mga nasa ikalawang henerasyon ay masasabing
pagsasanib ito ng ibat-ibang etniko.28
3. Estraktura
a. Ekonomiya
Iba-ibang uri ang pangkabuhayan ng maraming pamilya sa
pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Pinakamaraming bilang
26 Ibid. p. 927 Ibid. p. 1928 Ibid.
32
dito ang mga nagtatrabaho sa pribadong tanggapan na kung tawagin ay
mga kontraktuwal lamang, samantalang ang iba ay mga empleyado sa
gobyerno, nangingibang bansa, at mga umaasa sa kakaunting pensyon.29
Kung titingnang mabuti, karamihan sa mga nagtatrabaho ay walang
security of tenure o kasiguruhan sa kanilang hanapbuhay. Sila ay
nagtatrabaho sa bawat proyekto o bawat anim na buwan lamang at kung
papalarin ay maaring mai-renew ang kontrata at magpatuloy sa kanilang
trabaho. Napakatingkad ang usapin ng kontraktuwalisasyon sa
pamayanang ito.30
Ito ang kalagayan ng mga nagtatrabaho sa pamayanang ito dahil
karamihan sa kanila ay mga non-skilled worker. Ito ay bunsod ng antas ng
edukasyon na naabot ng karamihan sa mga naninirahan sa pamayanang
ito na kung saan 70 bahagdan ay hanggang sekondarya lamang, 20
bahagdan ay ang mga nakarating sa kolehiyo ngunit hindi lahat ay
nakapagtapos ng kurso, at 10 bahagdan naman ang mga hanggang
elementarya lamang.31 Sa kalagayang din ito, lumalabas na ang mga
kababaihan o ang mga ina ng tahanan ay nagtatrabaho na rin sa
kadahilanang hindi sapat ang kinikita ng ama para sa pamilya. Kaya
marami sa mga ama at ina ay naglalako araw-araw sa pamamagitan ng
kariton o kaya’y bilao o bag ng ibat-ibang produkto gaya ng tinapay, gulay,
29
? Ibid. p. 3130 Ibid.31 Ibid. p. 32
33
kakanin, VCD, ukay-ukay na damit, laruan, prutas, gamit at dekorasyon sa
bahay, itlog, tsinelas, isda, taho, ice cream, at marami pang iba. Bukod pa
dito, marami din ang halos magkadikit at magkatapat na mga maliliit ng
mga sari-sari store na may ibat-ibang uri ng paninda ngunit kadalasan ay
mga lutong ulam at kanin ang tinitinda.32
Makikita sa kanilang pamumuhay ang paiba-ibang diskarte sa
paghahanapbuhay. Sanay sila sa paghanap ng alternatibong
pangkabuhayan upang maitawid ang kanilang pamilya sa pang-araw-araw
na pangangailangan. Naging agresibo ang pagpasok ng ilang maykapital
para magpautang ng puhunan para sa kabuhayan. Hindi naman
nakaligtas ang ilang mga tao sa pamayanan ng pagsasamantala ng ilang
pumapasok na nagpapautang. Sa kasalukuyan, kumikilos ang mga
kinatawan ng simbahan para makapag-isip at makapagbuo ng
alternatibong pangkabuhayan sa ilang pamilya ng mahirap na mahirap
ang katayuan sa buhay.33
Ang usapin sa pagmamay-ari ng lupa ay isa din sa hinaharap na
suliranin ng maraming naninirahan ng pamayanang ito. Ayon sa isang
asosasyong tumutulong sa pagpapadokumento ng mga lupa para maging
legal ang kanilang pagmamay-ari, marami na ang lupa na kinatitirikan ng
mga bahay ang naipagkaloob na sa mga tao sa programang Community
32
? Ibid. p. 3333 Ibid. p. 36
34
Mortgage Program (CMP) sa pamamagitan ng National Housing Authority
(NHA). Bagama’t kakaunti pa lamang ang nakapagbayad ng buo, ito ay
nagbibigay pag-asa sa mga tao na balang araw ay hindi na sila
tatawaging “squatter”. Ngunit marami din ang hindi pa tiyak ang kanilang
paninirahan dito dahil kailangan pa nilang magbayad sa lupa sa loob ng
mahigit 20 taon. Pakiramdam naman ng marami na ang lupa ay pag-aari
pa rin ng totoong nagmamay-ari nito.34
b. Pulitikal
Ang pamahalaang barangay ay isang sangay ng gobyerno na
namamahala sa pulitikal na buhay ng pamayanan ng Matandang Balara at
Holy Spirit na kung saan napabilang ang sitio Laura, Villa Beatriz, at
Kaligtasan. Ang mga barangay na ito ay pinamunuan ng isang (1) kapitan
at pitong (7) kagawad. Ang kapitan at pitong kagawad ay siyang bumubuo
ng tinatawag na Sangguniang Barangay. Gawain at tungkulin ng
Sangguniang Barangay na bumuo ng mga resolusyon na ipapasa sa
Sangguniang Bayan para pagtibayin. Pagkatapos mapagtibay ng
Sangguniang Bayan ang resolusyon mula sa barangay, saka pa lamang
ito magkakaroon ng bisa para maipatupad sa antas ng barangay. Ayon sa
bisa ng Local Government Code, inaasahan na ang barangay ay
magkaroon ng asembliya. Ito ay isang sistema upang maisangkot ang
34
? Ibid. p. 8
35
mga tao sa pagbubuo ng mga dapat lapatan ng mga resolusyon. Sa panig
ng dalawang barangay na ito, hindi ito nakapagdaos ng Asembliya kaya
kadalasan pa rin na nabubuo ang mga pagpapasya sa hanay lamang ng
mga bumubuo ng Sangguniang Barangay.
Ayon sa isinasagawang pag-aaral, may mga konsehal ng barangay
na nakatira sa pamayanang ito ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan.
Mayroon din mga bantay bayan na nangangasiwa sa kalagayang
pangkapayapaan at katahimikan. May mga BSDO din sa mga naturang
pamayanan.35 Ang curfew para sa mga kabataan ay isa sa mga ordinansa
ng barangay na unti-unti na ring hindi naipapatupad. Ang mga bantay
bayan naman ay bihirang rumoronda o nag-iikot sa lugar kaya mayroong
ilang di mabuting gawain na hindi maiiwasan katulad ng ingay at gulo ng
mga kabataan sa gabi, ang paggamit ng ipinagbabawal na gamot, at hindi
maayos na pagtatapon ng basura. Dagdag pa dito ay ang kakulangan ng
programa ng barangay para sa pangkabuhayan ng mga tao. Makikita rin
sa lugar na dahil sa kaunting kalayuan ng pamahalaang barangay, ang
mga tao ay hindi alam ang mga proyekto at programa nito.36
Ayon sa pag-aaral, ang mga tao ay may pananaw na ang pulitika
ay magulo at walang masyadong pakikialam at hindi nila nakikita na sila
ay kabahagi sa pagpapatakbo at pagpapadaloy nito. Ang nakaukit lamang
35
? Ibid. p. 24
36
? Ibid. p. 29
36
sa kanilang isipan ay ang eleksiyon at kung sino ang mga nasa pwesto,
samantalang ang mga nasa pwesto ng barangay ay walang masyadong
pakikialam sa buhay ng mga tao. Ang mga ordinansa at mga gawaing
pambarangay na kung saan ay pinagdisisyunan lamang ng mga opisyal
ng barangay ay hindi gaanong matingkad at nalalaman ng mga tao sa
lugar kaya ang ang tao rin ay walang gaanong pakikilahok o hindi aktibo
sa gawaing pangkumunidad.37
Sa ganitong sitwasyon, lumalabas na hindi tunay na tumatagos sa
antas ng maliliit na pamayanan ng mga tao ang mahalagang serbisyo ng
pamahalaan. Ang kawalan ng malinaw ng programa o inisyatibo ng
pamahalaang barangay para sa ikabubuti ng pamayanan ay repleksyon
ng malawakang kahinaan ng gobyerno.
4. Kultura
Ang pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ay may
tatlong dominanteng wika na ginagamit ng mga tao. Nangunguna dito ang
wikang Tagalog na may 96.5 bahagdan sa kadahilanang sila ay nasa
Metro Manila. Ginagamit din ito bilang pakikipag-ugnayan,
pakikipagtalastasan, at pakikisalamuha sa iba. Pumapangalawa naman
ang wikang Cebuano na may 34.5 bahagdan dahil ang pinakamalaking
37 Ibid. p. 30
37
bilang ng mga naninirahan dito ay nanggagaling sa Visayas at Mindanao.
Pangatlo naman ang wikang Bicol dahil pumapangalawa sa
pinakamaraming bilang ng mga naninirahan dito ay nanggaling sa
Southern Luzon at Bicol.38
Sa pang-araw-araw na daloy ng buhay ng mga tao sa pamayanan,
mas madalas na ginagamit nila ang wikang tagalog. Ang mga Cebuano at
Bicolano ay karaniwang Tagalog na rin ang ginagamit na pananalita,
bagama’t may ilang pagkakaiba sa paggamit tulad ng tono at balangkas
ng pangungusap. Subalit, kahit na iba-iba ang pinagmulan,
mararamdaman pa ang pagrespeto bilang isang pamayanan. Ang
pagkakaisa sa likod ng pagkakaiba ay ang bagong umuusbong na
etnisidad ng mga tao.
Karamihan sa mag-aaral ay nasa elementarya na may 43.7
bahagdan, sekondarya na may 27.6 bahagdan, koliheyo na may 7.2
bahagdan, at pre-school na may 17 bahagdan. Mula sa bilang na ito, mas
nakararami ang pumapasok sa paaralang pampubliko dahil mas mura ang
matrikula at malapit ang paaralan kung ihahambing sa mga pribadong
paaralan. Ngunit lumiliit ang bilang ng pumapasok sa mataas na
pamantasan dahil sa kakulangan ng perang panggastos.39 Umabot naman
38
? Ibid. p. 19
39
? Ibid. p. 13
38
sa 4.5 bahagdan ang bilang ng mga batang hindi nag-aaral dahil walang
panggastos ang pamilya sa matrikula, pamasahe, at baon. Ang ginagawa
na lamang ng mga batang ito ay nagtatrabaho o tumutulong sa pagtitinda
kasama ang kanilang mga magulang. Subalit ang kinikita ay hindi parin
sapat upang tustusan ang kanilang pag-aaral dahil sapat lamang ito sa
pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya.
Sa usapin ng pagsasama o pagpapakasal, mataas ang bahagdan
ng kasal sa sibil kung ihahambing sa kasal sa simbahan. Ito ay sa
dahilanan na malaki ang gagastusin kung magpapakasal sa simbahan kay
sa sibil. Lumalabas sa pag-aaral na dahil naghihiwalay din naman ang
ibang nagpapakasal, minabuti muna ng iba na magsama muna sila
pansamantala bago magpakasal upang subukin ang kanilang relasyon.
May mga nagsasabi din na naging maayos ang kanilang pamilya kahit
walang kasal.40
Maraming gawain o pagdiriwang ang itinataguyod ng mga
naninirahan sa pamayanan ito. Nangunguna na dito ang fiesta na ang
simbahang katoliko ang nag-akda. Dito naipapahayag ang kanilang
debosyon sa mga santo. Ito rin ay naging bahagi na ng kulturang pilipino
at ang katangi-tanging tradisyon ng mga tao na may kaugnayan sa
kanilang pananampalataya. Ang undas o araw ng mga patay naman ang
pumapangalawa sa mga pagdiriwang. Sa pagkakataong ito, inaalala nila
40
? Ibid. p. 20
39
ang kanilang mga mahal na yumao na. Isa din sa mga pinaghahandaan
ng mga pamilya sa lugar ay ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
Ang panahong ito ang nagbubuklod sa bawat pamilya. Ito ay panahon ng
pagsasalo-salo sa hapag ng lahat ng miyembro ng pamilya tanda ng
pagbubuklod, pagbibigayan, pagmamahalan, at pasasalamat sa Diyos sa
buong taon. Hindi din mawawala ang pagdiriwang ng kaarawan at
anibersaryo na kinagawian na ng napakaraming Pilipino.41
Sa bilis ng pag-ikot ng panahon at pag-angat ng teknolohiya,
nakikisabay din ang mga tao sa ibat-ibang antas at pamamaraan ng
libangan. Ayon sa pag-aaral, mataas ang bahagdan ng nanonood ng
telebisyon, sumunod naman ang paglalaro ng binggo bilang pampalipas
oras, at ang kaliwa’t kanang videokehan na siyang libangan ng mga taong
mahilig kumanta. May mga naglalaro din ng billiards at basketbol,
pamamasyal sa mall, pagsasabong, at pakikinig ng radyo.42
B. Lokal na Simbahan
1. Pangkalahatang Sitwasyon at Gawain
Ang lokal na simbahan ng Diyosesis ng Novaliches ay may sariling
pananaw at gampanin upang magsilbing patnubay sa kanyang
41 Ibid. p. 21
42
? Ibid. p. 22
40
paglalakbay at pagtugon sa ibat-ibang hamon ng panahon. Sa kanyang
pananaw, isinasaad nito na:
“Kami, ang simbahang lokal ng Novaliches,
sambayanan ng mga tagasunod at pinagbuklod ni
Kristo, tumutugon sa pangangailangan ng mga tao,
kalakbay si Maria, tungo sa isang sariwa at ganap na
buhay”.
Ang gampanin naman nito ay nagsasaad na:
“Nagtitiwala sa biyaya ng Diyos at sa patnubay ng
Espiritung Banal, tinatalaga namin ang mga sarili na:
Palaganapin ng may bagong sigasig ang
Magandang Balita sa lahat ng larangan ng
buhay;
Itaguyod ang karapatan at kakayahan ng mga
layko at hubugin sila bilang mga pinunong
lingkod;
Makiisa sa mga maralita, inaapi at
isinasantabi, at ibangon ang kanilang dangal;
Sa pamamagitan ng pagbuo at pagpatibay ng mga
Mumunting Pamayanang Kristiyano tungo sa lubusang
pag-unlad ng pagkatao at pagpapanibago ng lipunan.”43
43
? Diocese of Novaliches, “Evangelization Commission Assembly”, July 14, 2007.
41
Ang pananaw at gampaning ito ng Diyosesis ay lalong pinagtibay
sa mga isinasagawang pagpupulong ng mga pari at ng mga layko. Noong
ika-14 ng Hulyo, 2007, nagsagawa ng pagpupulong ang Diyosesis at
naging sentro ng pagpupulong na ito ang usapin tungkol sa “ integral
evangelization”. Ito ay nakabatay sa dokumentong isinulat ni Papa Paulo
VI na nagsasabing:
“...ang pagpapahayag, higit sa lahat, ng kaligtasan sa
kasalanan; ang kalayaan sa lahat ng mapagpahirap sa
tao; ang kaunlaran ng tao sa lahat ng aspeto ng buhay,
pansarili at pangkumunidad; at ang pagbabago ng
lipunan sa lahat ng aspeto sa pamamagitan ng talaban
ng Mabuting Balita at ng kabuuan ng buhay ng tao.”44
Dagdag pa nito, binibigyang pansin ng pagpupulong na ito ang
tatlong bahagi o sangkap ng ebanghelisasyon. Una ay ang renewed
catechesis o formation; ikalawa ay ang renewed social apostolate; at
ikatlo ay ang renewed worship. Ang tatlong sangkap na ito ay nakabatay
sa tria munera o mga ministeryo ni Hesus at dito umiinog ang kabuuang
tunguhin ng Diyosesis.
Ang bawat ministeryo o paglilingkod ng simbahan ay binibigyang
diin ng pagpupulong na ito. Ang una, renewed catechesis, ay
kinakailangang nakatuon kay Kristo, naka-ugat sa salita ng Diyos, at sa
44
? Pope Paul VI, On Evangelization in the Modern World Evangelii Nuntiandi, (Rome, 1975). n. 9, p. 29. (Sariling salin sa tagalog)
42
kultura o kalinangan ng tao. Ang ikalawa, renewed social apostolate, ay
kinakailangan na ang mga gawain ay para sa kaunlaran ng tao,
katarungan sa lipunan, at kapayapaan. Ang ikatlo, renewed worship, ay
kinakailangan na ang mga gawaing pagpupuri ay siyang bukal at tuktok
ng buhay ng simbahan at sa kabuuan ng buhay ng mananampalataya.45
Naging mas makabuluhan ang pananaw, gampanin, at hangarin ng
Diyosesis sa pamamagitan ng pagpapatupad nito sa mga ganap at di-
ganap na parokyang kanyang nasasakupan. Ganun na lamang ang
pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan na kung saan ay naging
bahagi lamang ito ng parokya ng Holy Spirit. Ngunit ang pagkakaroon ng
relihiyosong kapatiran (Sons of Charity) sa pamayanan ay malaki ang
naging bahagi at partisipasyon sa buhay ng mga tao. Ang kapatirang ito
ay tumutulong sa pagpapalaganap at pagpapatibay ng kalagayang
espirituwal ng mga tao at paghubog ng kanilang kamulatan bilang tao na
may responsibilidad sa isat-isa.
Ang kapatiran ng mga Sons of Charity ay may sariling pananaw at
gampanin na pinanghahawakan upang maging mas angkop ang
pagsasagawa ng misyon sa nasabing pamayanan. Sinasaad sa kanyang
pananaw na:
“Kami, bilang mga Sons of Charity, ay pinadala sa mga
maralitang lugar upang isabuhay ang turo ni Hesus,
45 Diocese of Novaliches, “Evangelization Commission Assembly”, July 14, 2007.
43
ang mabuting pastol, ang nag-alay ng kanyang buhay
upang ipamalita ang pag-ibig ng kanyang Ama para sa
mga maliliit.”
Sa pamamagitan ng ibat-ibang mga gawaing pastoral, pinananatili nitong
itaguyod ang dignidad ng mga mahihirap, ang paghuhubog sa mga taong
may kapasidad na mamumuno, at ang paglilingkod sa mga mahihirap.
Ang layunin naman ng kapatiran ay:
Una, makapagbuo ng mga kumunidad na
nagkakatipun-tipon at nagkakaisang nananalangin. Dito
binibigyang diin ng kapatiran ang pagtatrabaho para sa
pagkakaisa ng mga tao sa kumunidad;
Ikalawa, ang pagpapahalaga sa Banal na Misa na
siyang sentro at puso ng kumunidad. Ito ay makikita sa
mga banal na pagdiriwang ng buong kumunidad;
Ikatlo, ay ang pagpapahalaga sa mga paghuhubog ng
mga ibat-ibang namumuno ng simbahan.46
Ipinahahayag ng kapatiran ang kanyang pansin sa mga pamilya sa
pamamagitan ng ibat-ibang uri ng paglilingkod. Binibigyang diin dito ang
kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ng mga tao. Sila ay nangunguna sa
mga gawaing pastoral upang maging ganap ang tunguhin kung bakit sila
46
? Fr Daniel Godefroy, SC, “Pastoral Report of during the Branch Meeting”, (Philippines, February 2007), p. 1
44
pinadala sa lugar na ito. Unti-unting lumawak ang mga gawain ng
kumunidad sa tulong din ng mga taong may kakayahang mamuno. Una,
bilang kabahagi ng parokya ng Holy Spirit, ang mga serbisyong
sakramental ay limitado. Mayroong regular na pagdiriwang ng banal na
misa tuwing Linggo at mga piyesta patronal, ang pagpapahid ng langis sa
maysakit, pagpapakumpisal, at pagbibinyag tuwing pasko at piyesta
patronal. Ikalawa, ang mga miyembro ng munting magkapitbahayang
kristiyano o bukluran ay palagiang nagkikita linggo-linggo upang
pagnilayan ang mga salita ng Diyos at pangangailangan ng kumunidad.
Ikatlo, ang pastoral sa mga kabataan. Mayroong sampung grupo ng mga
kabataan sa buong kumunidad na kung saan sila ay nagkakaroon ng
regular na pagkikita at pagninilay, recollection, at youth week. Ikaapat,
ang palagiang pagkikita at pagninilay ng mga matatanda o “senior citizen”
sa kumunidad. Ikalima, ang kristiyanong paghuhubog sa mga mag-asawa
ay regular na ginagawa. Ito ay tinatawag nilang “suyuan” na kung saan
tinutulungan ang mga mag-asawa na palalimin pa ang kanilang samahan.
Ikaanim, ang paghuhubog ng mga katekista para sa pagtuturo ng
katesismo sa mga bata sa lugar at sa paaralan. Ikapito, ang pagtulong sa
pamamagitan ng scholarship program sa mga kabataang may
kakayahang mag-aral subalit walang sapat na panggastos sa pag-aaral,
samantalang ang mga hindi nag-aaral ay tinutulungan din sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng livelihood program.47 47
45
Ang kapatiran din ay nagpasimula ng libreng serbisyo at murang
pagpapakonsulta at gamot para sa mga mahihirap, at pagbabahay-bahay
o pagbisita sa mga pamilya upang matukoy ang kanilang pangunahing
suliranin at mabigyang lunas lalo na sa usaping pangkalusugan. Ito rin ay
isang pagpapatibay ng kalooban at pagpapadama sa kanila na sila ay
mahalaga at may dangal bilang tao. Gumagawa din ng ibat-ibang
hakbang ang simbahan sa pamayanang ito sa pamamagitan ng mga
gawain at programang pagbabago o renewal. Ito ay sa tulong ng ibat-
ibang Charismatic Movements kagaya ng Loved Flock at ng Couples for
Christ. Napakatingkad sa pamayanang ito ang programang pabahay o
gawad kalinga ng Couples for Christ na nakakatulong sa nakararami at
nakapagbigay dangal sa bawat pamilya. Sa pamamagitan nito, unti-unting
nabago ang takbo ng buhay ng mga naninirahan sa pamayanang ito.48
2. “Mukha ng Simbahan” ayon sa mga tao
Ang pagmumukha ng simbahan ay nauukit ayon sa ibat-ibang
karanasan ng mga maralitang tagalungsod. Sa kanilang pang-araw-araw
na pakikipagtunggali sa buhay at pakikisalamuha sa kapwa at mga
gawain ng komunidad, kanilang nadarama ang isang buhay na anyo ng
pagiging simbahan sa gitna ng kanilang komunidad. Ang mga sumusunod
? Ibid. p. 7
48
? Ibid. p. 8
46
ay ang kanilang pagpapahayag ng mukha ng simbahan ayon sa pang-
araw-araw na karanasan.
Una, pakikibuklod o ang pangkaraniwang tinatawag nilang
“bukluran”. Napakahalagang gawain ito para sa kanilang buhay at sa
buong komunidad dahil ito ang nag-uudyok sa kanila upang maging totoo
at tunay na magkakapitbahayan. Ang “bukluran” ay isang panahon at
pagkakataon na kung saan nagkakatipon ang mga magkakapitbahay
upang manalangin, magnilay sa mga Salita ng Diyos, magbahaginan,
mag-usap tungkol sa mga problema, at magtutulungan. Sa pagtitipong ito,
naging buhay ang espiritu ng pagiging mga anak ng Diyos at pagiging
isang komunidad. Sa pamamagitan ng bukluran, naging mulat ang bawat
isa sa mga pangyayari ng lipunan, ng magkakapitbahayan, at ng buong
komunidad. Dito din napapalalim ang kanilang samahan at pakikitungo sa
bawat isa at sa pagsasabuhay ng diwa ng pakikipagkapwa.
Ikalawa, nagbibigay ng direksiyon at gabay. Ang presensiya ng
simbahan sa gitna ng kanilang komunidad ay nakakatugon sa mga
pangunahing problema ng kaguluhan. Naging bukang-bibig ng karamihan
ang pagkakamapayapa ng dating magulong lugar dahil sa pagkanariyan
ng simbahan na naging abot-kamay lamang nila. Sa simbahan nila
natututunan ang pakikipagkapwa at pagkakaroon ng takot sa Diyos.
Napapalalim ang kanilang kaalaman tungkol sa pananampalataya at sa
buhay espirituwal. Sa panahon ng mga problema lalo na sa buhay ng
47
pamilya, nagkakaroon sila ng matatakbuhan upang humingi ng payo at
gabay para maunawaan ang mga nag-uugat ng problema. Ang simbahan
sa ganitong kalagayan ay nagsisilbing tagapaghubog ng kanilang
pagkatao.
Ikatlo, nagpapasimula ng ugnayan. Ang mga naninirahan sa lugar
na ito ay halos hindi magkakakilanlan sa isat- isa sa kadahilanang sila ay
nanggagaling sa ibat-ibang dako ng bansa. Ang munting pagpapasimula
ng pagbibisita sa mga pamilya at mga maysakit ay isang pagkakataon na
magkakakilanlan ang mga tao at unti-unting magkakaroon ng ugnayan sa
isat-isa. Palaging sinasabi nila na sa bawat pagtatagpo ay may
mabubuong ugnayan. Ang pagkakaroon ng ugnayan ay isang
pagbubukas ng kamalayan na ang bawat kasapi ng komunidad ay mga
taong mahalaga, may dangal, at may dignidad. Sa ugnayang ito,
naipapadama nila sa kanilang kapwa ang pagmamahal, pagtanggap, at
pag-unawa. Ang pakikipag-ugnayan sa iba ay nagsisilbing pahingahan ng
loob at pagkakaroon ng malasakit sa kapwang naaapi at nasasagasaan
ng prinsipyo ng iba.
Ikaapat, nagpapalakas ng loob. Sa simbahan nila natutuklasan ang
pagkakaroon ng lakas ng loob. Hindi na sila natatakot mangatok at
makikisalamuha sa kanilang mga kapitbahay sa kadahilanang dala-dala
na nila ang diwa ng pakikipagkapwa. Ang pagtuklas ng kahalagahan ng
tao at paghubog ng kanilang sarili ay nakakatulong din sa kanila na
48
magkaroon ng lakas ng loob. Ito ang simulain ng kanilang pagiging
misyonero, alagad, o kinatawan ng Diyos para sa pagbabalik loob ng
kapwa lalo na ang mga naligaw ng landas. Sa buhay ng mag-asawa,
naging buo at panatag din ang kanilang loob sa pakikibaka sa buhay may
pamilya sa kadahilanang hindi na sila nag-iisa. Ang bukluran at ugnayan
sa isat-isa ay malaking bagay upang magkaroon sila ng lakas ng loob.
Ikalima, nagpapadama ng kagandahang-loob. Ang pagpapahalaga
at pagbibigay diin sa kanilang kalusugan, edukasyon, at kabuhayan ay
isang pagpapakita at pagpapadama ng kagandahang-loob ng Diyos. Ang
pagkakaroon ng mga konkretong programa laban sa sakit, paghahanap
ng paraan upang mabigyan ng edukasyon ang mga kabataang may
kakayahang mag-aral, at programang pangkabuhayan para sa mga
walang trabaho at kinikita. Ang mga gawaing ito ng simbahan ay
naglalayong sila ay uunlad, mabigyan ng katarungan, magandang
kinabukasan, at kapayapaan. Sa pamamagitan nito, unti-unti nilang
nararamdaman na ibinabangon ang kanilang dangal bilang tao.49
49
? Pakikipanayam at pakikipagkwentuhan ng mag-aaral sa iilang miyembro ng chapel council at grupo ng bukluran ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan. Enero 13, 2008.
49
IKATLONG KABANATA
ANG SIMBAHAN NG MGA DUKHA AYON SA BIBLIYA AT TURO NG SIMBAHAN
Mahalagang maisalarawan sa kabanatang ito ang konkretong
mukha ng simbahan ayon sa bibliya at sa turo ng simbahan. Kaya’t
binibigyang pansin sa kabanatang ito ang pagsasalarawan,
pagpapahayag, at pagbibigay kahulugan sa simbahan ayon sa Bibliya at
turo ng simbahan.
A. Ayon sa Bibliya
Ang usapin tungkol sa karukhaan at dukha sa Bibliya ay hindi
madaling lagumin. Mayroong mga hakbang sa kasaysayan ng Diyos at ng
sangkatauhan na nagpapahayag ng ibat-ibang pananaw nito. Ang ilan sa
mga pagpapahayag na ito ay ang mga sumusunod:
Una, ang mga dukha ay prebilihiyo ng Diyos. Ang Diyos ay laging
nasa panig ng mga dukha, isinasantabi, at inaapi ng lipunan at nakatuon
ang kanyang misyon sa pagpapanumbalik ng kanilang karapatan. Ito ang
kanyang sinabi sa Exodo 3: 7-9:
50
Sinabi ni Yawe: “Nasaksihan ko ang kahihiyan ng aking bayan sa Ehipto, at narinig ko ang kanilang daing nang pagmalupitan sila ng kanilang mga kapatas. Alam ko ang kanilang paghihirap. Nanaog ako upang palayain sila mula sa lupaing iyon tungo sa isang maganda at malawak na lupain, sa lupaing dinadaluyan ng gatas at pulot-pukyutan, sa lupain ng mga Kananeo”.50
at maging sa Salmo 72: 12-14:
“Ipinagtatanggol niya ang dukhang tumatawag, ang api na walang tumutulong. Kinahahabagan niya ang mahina at ang nangangailangan, inililigtas niya ang buhay ng mga dukha. Hahanguin niya sila sa panlilinlang at karahasan dahil mahalaga ang dugo nila sa kanyang paningin”.51
Ito ay binigyang diin sa pagpapahayag ng misyon ni Hesus sa Lucas 4:18.
“Sumasaakin ang Espiritu ng Panginoon kayat pinahiran niya ako upang ihatid ang mabuting balita sa mga dukha. Sinugo niya ako upang ipahayag ang paglaya sa mga bilanggo, sa mga bulag ang pagkabawi ng paningin, upang bigyang ginhawa ang mga api, at ipahayag ang taon ng kabutihang-loob ng Panginoon.”52
Sa mga pagpapahayag na ito, napakalinaw ang pagpapakita ng pagpanig
ng Diyos sa mga inaapi, sinasantabi, at mahihirap – ang mga dukha sa
Lumang Tipan at maging sa kapanahunan ni Hesus.
Ikalawa, ang paghinala o di-pagtiwala tungkol sa mga kayamanan
at pagmamay-ari. Ang pagbibigay ng pakahulugan sa kahirapan at
kayamanan ay di-malinaw sa Lumang Tipan. Tiningnan ang kahirapan
50
? Bibliya ng Sambayanang Pilipino (Manila: Claretian Publications, 1999), p. 88.51 ? Ibid. p. 1220.52 ? Ibid. p. 159.
51
bilang kaparusahan at ang kayamanan naman ay bilang biyaya o grasya
ng Diyos. Sa Genesis 13:14-17:
Sinabi ni Yawe kay Abram pagkatapos humiwalay sa kanya si Lot: “Tumingala ka at mula sa iyong kinaroroona’y igala ang iyong tingin sa hilaga, sa timog, sa silangan at sa kanluran. Ibibigay ko sa iyo at sa iyong mga inapo magpakailanman ang buong lupaing nakikita mo. Gagawin kong sindami ng alikabok sa daigdig ang iyong mga inapo; kayat kung mabibilang ang alikabok, mabibilang din ang iyong mga inapo. Tumindig ka, at lakarin mo ang haba at luwang ng lupain sapagkat ibibigay ko ito sa iyo”.53
Sa Deuteronomio 7: 8-10:
“Ngunit pinili ka niya sapagkat mahal ka niya at upang tuparin ang pangakong binitiwan niya sa iyong mga ninuno. Kaya inilabas ka ni Yawe nang may malakas na kamay at tinubos ka sa bahay ng pagkaalipin at mula sa kamay ni Paraong hari ng Ehipto. Kaya alamin mong mabuti na si Yaweng iyong Diyos ay Diyos, ang matapat na Diyos. Nananatili siyang matapat sa kanyang pakikipagtipan, at abot sa libong henerasyon ang kanyang walang maliw na pag-ibig sa mga nagmamahal sa kanya at tumutupad sa kanyang mga utos. Ngunit pinaparusahan niya ang namumuhi sa kanya at kaagad na sinusuklian”.54
at maging sa Exodo 23: 23-26 ay nagpapahayag din ng ganito:
“Mangunguna sa iyo ang aking Anghel at ihahatid ka sa lupain ng mga Amorreo, Heteo, Pereceo, Kananeo, Heveo, Yebuseo – pupuksain ko silang lahat. Huwag kang yuyuko sa harap ng kanilang mga diyos o maglilingkod sa kanila o tutularan ang kanilang mga kaugalian; sa halip ay lubusan mo silang puksain at durugin ang kanilang mga sagradong bato. Kung paglilingkuran ninyo si Yaweng Diyos ninyo, babasbasan niya ang iyong tinapay at tubig – at ilalayo kita sa karamdaman. Walang makukunan o magiging baog sa iyong lupain. Pararamihin ko ang iyong mga araw”.55
53
? Ibid. p. 31.54 ? Ibid. p. 235.55 ? Ibid. p. 122.
52
Sa kabilang dako, ito ay tinitingnan din bilang pinag-uugatan ng bisyo,
ang bunga ng katamaran, at kaparusahan sa pagkadi-matapat sa
Panginoon. Kaya sa batas ng Israel, ang pagiging dukha at ang
karukhaan ay isang napakalaking eskandalo at kung kayat ang
panlipunang batas ay naka-ugat sa kasunduan ng Diyos at ng
sangkatauhan. Dahil dito, ang kanilang kautusan ay binubuo ayon sa
Deuteronomio 15:4: “Hindi dapat magkaroon ng dukha sa piling mo kapag
lubos kang pinagpala ni Yawe sa lupaing ibinibigay sa iyo para angkinin
bilang pamana”.56
Sa aklat ni Isaias 61:1-2; 66:2, ang dukha ay ang mga maliliit na
tao, ang mapagkumbaba, ang inaapi, ang mangmang, ang walang
inaasahang mamanahin, ang walang kasiguruhan sa buhay, at
nabubuhay lamang sa pagtitiwala sa kagandahang-kaloob ng Diyos at
paghihintay sa kanyang muling pagdating. Tinitingnan ni Hesus ang
kanyang misyon ayon sa pangangailangan ng mga taong ito sa kanyang
panahon. Kaya sa Bagong Tipan, ang sitwasyon at pangyayaring ito ay
naging mas malinaw. Ang Kaharian ng Diyos ay ang iisang seguridad o
kasiguruhan na kung saan ay walang makakapagsilbi sa dalawang amo
sa iisang panahon (Mateo 6:24).57
56
? Cf. Dt. 15:4.57 ? John Fuellenbach, Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology (Manila: Divine Word Publications, 1989), p. 75.
53
Ikatlo, ang mga ari-arian ay ibinabahagi at pinagbabahaginan. Ang
mga sinaunang Sambayanang Kristiyano pagkatapos ng Muling
Pagkabuhay ay nagkakatipon sa iisang hangarin at diwa, ang
maipagpatuloy ang misyong inumpisahan ni Hesus para sa mga dukha.
Ang pagsasalarawan ng pagsisimula ng simbahan ng mga dukha ay
nakatuon sa dalawang mahalagang bagay: una, isang komunidad na
mayroong karanasan kay Hesus na taga-Nazareth at pangalawa, ang
grupong ito ay nagpapahayag na si Hesus ay buhay at ang kanyang
espiritu ay nananahan sa bawat isa, at kung kayat patuloy ang kanilang
pagkaranas kay Hesus bilang komunidad.58 Ang simbahan ay isinilang
dahil sa karanasan nilang ito kay Hesus at sa kanyang Espiritu.59
Napakahalaga at napakalakas ang pagtutulungan ng bawat isa (Mga
Gawa 4:32) ng mga unang Kristiyano lalo na ang mga nangangailangang
kasamahan nila. Hindi nila pinababayaan ang pangangailangang pisikal
ng bawat kasamahang higit na nangangailangan. Ito ang dahilan kung
bakit ang mga mahihirap at mayayaman sa panahon ng muling
pagkabuhay ay pantay-pantay sa isat-isa at nagsasabuhay ng tunay na
diwa ng pagbabahaginan ng mga biyayang kaloob ng Diyos sa kanila.60
Ang bawat isa ay nakakasiguro at panatag ang loob na hindi sila nag-iisa
58
? Cf. Acts 2:41-4759 Lode L. Wostyn, Doing Ecclesiology: Church and Mission Today (Quezon City:
Claretian Publications, 1990), p. 34.60 ? John Fuellenbach, Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology (Manila: Divine Word Publications, 1989), p. 75.
54
sa kanilang mga gawain dahil may iba pang mga komunidad na
nagkakatipon din dala ng kanilang alaala at pag-alala sa Panginoon na
kasa-kasama lamang nila. Batid din ng ibang mga Kristiyanong
komunidad ang pakikiisa sa pagbabahaging espirituwal at
pangangailangang pisikal. Kaya, ang mga pagtitipong ito ay ang pasimula
ng pagiging isang komunidad na nagsasabuhay ng tunay na diwa ng
pagbabahaginan at naging isang simbahan sa kalaunan.61 Ito ay isang
simbahan na mayroong diwa ng pagbabahaginan; binuhay sa
pamamagitan ng mga Salita ng Diyos; nagdiriwang ng kanilang pakikipag-
isa o komunyon sa Diyos at sa bawat isa sa pamamagitan ng mga
sakramento; nagpapakita ng ibat-ibang uri ng paglilingkod; at
nagpapatuloy ng misyon ni Hesus – ang pagpapahayag ng Kaharian ng
Diyos sa buong sangkatauhan lalong-lalo ng sa mga dukha.62
B. Ayon sa Turo ng Simbahan
1. Lumen Gentium
Ipinapahayag ng dokumento na si Kristo ang liwanag ng buong
sangkatauhan. Ang liwanag na ito ay maaaninag sa pamamagitan ng
simbahan bilang isang sakramento o isang tanda ng pakikiisa sa Diyos at
ng pagkakaisa ng buong sangkatauhan. Sa tanglaw ng pagkakaisa ng
61
?George H. Tavard, The Church: Community of Salvation (Manila: St. Pauls Publication, 1997), p. 81.
62 Ibid. p. 82.
55
Santatlo, ang pangkalahatang simbahan ay makikita bilang sambayanang
nagkakaisa. Ang simbahang ito ay isang komunidad ng pananampalataya,
pag-asa, at kawanggawa. Sa ganitong pananaw, ang simbahan ay
inaasahang tahakin ang misyong inumpisahan ni Hesus – ang
pagpapahayag ng mabuting balita sa mga dukha, pagpapagaling sa mga
may karamdaman, paghanap at pagsagip sa mga nawawala. Siya rin ay
inaasahang magbigay pansin ng may pagmamahal sa mga naging biktima
ng karahasan at mga nagdurusa.63
Ang mga dukha at mga maralitang tagalungsod ay kabilang sa
tinatawag ng dokumento na Sambayanan ng Diyos64. Bilang kabahagi ng
Sambayanan ng Diyos at mga mananampalataya sa pamamagitan ng
binyag, ang mga dukha at maralitang tagalungsod din ay nakikibahagi sa
gawaing pagkapari, pagkahari, at pagkapropeta ni Hesus. Kaya nasa sa
bawat isa sa kanila ang tungkuling ipagpatuloy at pananagutan ang
Kanyang misyon sa buong mundo. Sila ay inaasahang magsabuhay ng
misyon ni Hesus sa ordinaryong pamamaraan ng kanilang kinaroroonan
at pinagkakabuhayan. Sila ay tinawag ng Diyos na isabuhay at gampanan
ang mga tungkulin at responsibilidad na natanggap mula sa Espiritu
Santo. Sa ganitong paraan, maipakilala nila si Kristo sa ibang tao lalo na
sa pamamagitan ng kanilang mga karanasan sa buhay.65
63
? Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church (Pasay City: St. Pauls Publication, 1999). N. 8.64 ? Ibid. n. 13. 65 ? Ibid. n. 31.
56
Sa Sambayanan ng Diyos, napakahalaga ang buhay ng bawat
pamilya. Sinasabi ng dokumento na ang pamilya ay ang pantahanang
simbahan “ecclesia domestica”66. Ang mga magulang ang unang
tagapagpahayag ng pananampalataya sa kanilang mga anak, pag-akay
sa mabuting landas, pagbibigay ng tamang direksiyon at gabay, at sa
tamang pagpili ng bokasyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
mabuting halimbawa.67 Sa pamilya din nagsisimula ang paghuhubog
upang makibuklod at maki-ugnay ang mga anak sa ibang tao, palakasin
ang loob upang makibaka sa buhay at makilahok sa gawaing
pansimbahan, at ang pagpapakita ng kagandahang-loob. Napakahalaga
ito sa makabagong hamon ng urbanisasyon na kung saan ang mga
pamilya ay hindi na nabigyan ng pagpapahalaga. Ito ang hamon ng
simbahan ng makabagong panahon lalo na sa mga maralitang
tagalungsod na tingnang mabuti ang mga pangangailangan ng bawat
pamilya upang sila ay mahubog tungo sa hangarin ng dokumento.
Hinahangad din dito na mabigyang halaga ang pangkaraniwang dignidad
ng lahat na kasapi ng Sambayanan ng Diyos.
Ang mga maralitang tagalungsod ay isa sa mga bumubuo ng
tinatawag ng simbahan at ng dokumento na layko. Bilang mga layko, ang
kanilang mga gawain ay isang napakahalagang pakikibahagi sa
makapagliligtas na misyon ng simbahan. Sila ay tinatawagang makibahagi
66
? Ibid. n. 11.67 ? Ibid.
57
sa gawaing ebanghelisasyon sa lahat ng sulok ng mundo sa gitna ng
kanilang mga pinagkakaabalahang trabaho at pangkabuhayan.68 Sila din
ay may karapatang tumanggap ng mga paghuhubog upang mapalago ang
kanilang buhay espirituwal, kaalaman tungkol sa Salita ng Diyos, at biyaya
ng sakramento. Sa hanay naman ng mga lingkod at mga relihiyoso ng
simbahan, sila ay inaasahang magbahagi ng tiwala at responsibilidad sa
mga layko sa gawaing ebanghelisasyon lalo na sa kapwa dukha.
Ipapaubaya sa kanila ang pag-aatas ng mga tungkulin sa paglilingkod
upang lubos na maipakita nila ang kanilang sariling kapamaraanan sa
gawaing pansimbahan.69 Si Maria, ang mahal na ina, ay ang huwaran sa
dakilang plano ng pagliligtas ng Diyos at napakagandang modelo ng mga
layko at ng buong Sambayanan ng Diyos na naglalakbay tungo sa
kaganapan ng buhay.
Dagdag pa ni Pierre Cardinal Gerlier, ang misteryo ni Kristo sa
simbahan ay laging naririto, ngunit ang misteryong ito ay napapanahon
lamang ngayon sa espesyal na paraan ng mga dukha. Ayon kay Papa
Juan XXIII, kahit na ang simbahan ay sa lahat ng tao, ang dukha ay may
karapatan sa kanya. Ipinapahayag naman ni Papa Pablo VI na ang
simbahan ay mapagmasid sa mga mahihirap, naghihikahos,
nagdadalamhati, nabibihag, at sa lahat ng nahihirapan at nabibigatan na
inaanyayahan ni Hesus na lumapit sa kanya. Ang misteryong ito ay
68
? Ibid. n. 33.69 ? Ibid. n. 37.
58
walang pagkakaiba sa misteryo ni Kristo na Siya mismo ay dukha at
kinikilala ang kanyang sarili sa pamamagitan ng mga dukha. Ang
pundasyong ito ng simbahan ng mga dukha ay makikita sa misteryo ni
Kristo. Ang presensiya ng mga dukha ay nagpapahayag ng presensiya ng
Diyos sa gitna ng sangkatauhan. Ang tungkulin na ginagampanan ng
simbahan para sa pagbabalik-loob ng mga kasapi nito lalo na ang mga
dukha ay siyang pagmamalasakit ng bawat miyembro, at magkakaroon
lamang ng kaganapan sa pamamagitan ng pananalangin, pagsasaksi, at
pangangaral. 70
2. PCP II
Ang pagpapahayag ng Mabuting Balita ng mga Apostoles ay
binabatay sa pagpapahayag ni Hesus na may pagkiling sa mga inaapi,
sinasantabi at makasalanan-ang mga dukha. Ang kanyang buong buhay
ay pagpapatotoo ng kanyang pagmamahal at pagkiling sa mga dukha.
Ipinapakita din niya ang kanyang pagmamahal at pagkiling sa mga bata at
kababaihan na kung saan tinaguriang “maliit” o sinasantabi ng lipunan sa
kanyang kapanahunan. Ang sariling kapamaraanang ito ay ipinamalas
niya sa kanyang mga apostoles. Sa bandang huli, sinasabi niya na ang
70
? Pierre Cardinal Gerlier, A Commentary of Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church (Pasay City: Paulines Publishing House, 1999), p. 105.
59
buhay na walang hanggan ay nakasalalay lamang sa kung papaano
tinatrato o pinakikitunguhan ng tao ang mga aba niyang kapatid.71
Ang simbahan ay isang pakikipag-isa. Ang tao ay tinatawag ni
Kristo upang bumuo ng isang Kristiyanong Komunidad at gusto Niya na
ang simbahan ay “isang pakikipag-isa sa buhay, pag-ibig, at katotohanan”,
“isang pakikipag-isa sa pananampalataya, pag-asa, at kawanggawa”.72 Sa
pagitan ng lahat ng bahagi ng simbahan ay mayroong malapit na
pakikipag-isa na kung saan ang kayamanang espirituwal, manggagawang
apostoliko, mapagkukunang kayamanang temporal ay pinagbabahaginan.
Para sa mga kasamahan ng Sambayanan ng Diyos, sila ay tinatawag
upang magbahagi ng kanilang ari-arian ayon sa biyayang tinanggap at
ipinagkakatiwala.73
Ang bawat kristiyano ay may biyayang tinatanggap at
ipinagkakatiwala ng Espiritu upang pagbabahaginan para sa
pagpapalago, pagpapatuloy, at kaganapan ng misyon ng simbahan. Sa
simbahan, walang mahirap na walang maibigay at walang mayaman na
walang tatanggapin. Sa kalagayan ng buhay ng simbahan sa Pilipinas,
ang paglahok o pagsali ay nangangahulugan na ang mga layko ay
inaasahan na makisali o makilahok sa buhay ng simbahan at sa kanyang
71
? Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines (Pasay City: St. Paul Publications, 1992), p. 22.
72 Lumen Gentium…no. 9, 8.7273 PCP II. p. 3773
60
misyon. Sa pamamagitan ng binyag, ang lahat ng binyagan ay tumanggap
ng tanda ng pagkapari, pagkahari, at pagkapropeta ni Hesus. Sa
pamamagitan nito, ang mga layko ay may parehong gawain sa
pagmimisyon katulad ng mga pari at relihiyoso. Ang pakikilahok at
pakikisali sa karisma at ministeryo para sa iisang misyon ay makikita ang
pagiging isang “Simbahan ng Pakikipag-isa”74 sa katotohanan at gawain.
Ito ay isang tunay na makabagong kapamaraanan ng pagiging
simbahan.75
Sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas, ang mga Kristiyano ay
tinatawag ng Diyos upang paglingkuran ang mga dukha at
nangangailangan. Ang kahirapan ng halos kalahati ng populasyon ay
isang katibayan na ang kasalanan ay pumapasok sa sosyal na estruktura.
Tinuturo ng Vatican II na ang bawat isa ay may karapatang mag-angkin
ng sapat na halaga ng ari-arian ng mundo para sa kanyang sarili at sa
kanyang pamilya.76 Sa pagiging tunay na saksi sa pagmamahal ng Diyos
sa pamamagitan ng Panginoong Hesukristo, kinakailangan na ang
simbahan ay maging “Simbahan ng mga Dukha”77. Ang mga sumusunod
ay pagpapakahulugan ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas:
74
? “Church of Communion”75 PCP II, p. 39-40.76 Gaudium et Spes: Pastoral Constitution on the Church in the Modern World
(Pasay City: St. Pauls Publication, 2006), No. 68.77 “Church of the Poor”
61
Una, ito ay nangangahulugan na isang simbahan na yumayakap at
sumasanay ng Espiritu ng Karukhaan, na kung saan pinagsama ang
pagtalikod sa mga ari-arian at pagtitiwala sa Diyos bilang bukal ng
kaligtasan. Ang kagustuhan ng Diyos ay maging “dukha sa espiritu” ang
kanyang mga alagad at tagasunod.
Ikalawa, ito ay isang simbahan na ang mga kasapi at namumuno
ay mayroong espesyal na pagmamahal sa mga mahihirap, nagdurusa, at
mga dumaranas ng pagmamalupit. Ang pagmamahal na ito ay isang
pagmamahal na may pagkiling sa mga dukha, na ang ibig sabihin ay hindi
isinasantabi ang mga mayayaman, ngunit ang maging pinakapangunahing
adhikain ng lahat ay ang mga dukha. Ang mga Kristiyano ay tinatawagang
mahalin ang lahat ng tao at magkaroon ito ng puwang sa kanyang puso.
Ikatlo, ito ay isang simbahan na ang mga mahihirap ay hindi
itatangi dahil sa kanilang kahirapan, at lalong hindi tinatanggihan at
inaalisan ng karapatang tanggapin ang mga biyayang espirituwal ng
simbahan lalo na ang mga sakramento at Salita ng Diyos.
Ikaapat, ito ay isang simbahan na ang mga namumuno ay
nagbibigay ng espesyal na atensyon at panahon sa mga mahihirap, at
handang magbahagi ng kanilang kayamanan upang maiangat ang
kanilang karukhaan at kahirapan at ipadama sa kanila ang pagmamahal
ng Diyos sa gitna ng kanilang kahirapan. Ang mga namumuno ay
62
mahalagang magkaroon ng kaalaman tungkol sa kalagayan ng mga
dukha na kanyang pinamumunuan.
Ikalima, ito ay isang simbahan na nakikiisa sa mga dukha.
Sinasakop niya sa kanyang pagmamahal ang lahat ng biktima ng
pamamalupit at karahasan. Nakikita niya dito ang larawan ng kanyang
mahirap at naghihirap na tagapagtatag. Ginagawa din niya ang lahat
upang sila ay mabigyan ng ginhawa at kaligtasan.
Ikaanim, ito ay isang simbahang naghihikayat sa mga may kaya sa
kanilang tungkulin at gampanin na tulungan ang kanyang kapwa lalo na
ang mga naghihirap na iangat ang kanilang pamumuhay. Ang mga
namumuno at mga kasapi nito ay kinakailangang magkaroon ng lakas ng
loob na ipagtanggol ang karapatan ng mga dukha at inaapi.
Ikapito, ito ay isang simbahan na hindi lamang siya ang
mangangaral sa mga dukha, ngunit ang mga dukha ng simbahan mismo
ay magiging mga mangangaral din. Ang mga namumuno ay
kinakailangang matutong makiisa, gumawa, at may matutunan sa mga
dukha. Ang simbahan ng mga dukha ay hindi lamang sa pagbibigay ng
serbisyo sa mga mahihirap bagkus matuto din itong umasa sa mga dukha
sa gawaing pangangaral.
Ikawalo, ito ay isang simbahan na hindi nakipagkumpitensiya sa
mga mayayamang parokya o opisina, at lalong hindi naghahangad ng
isang titulo at karangalan. Bagkus, ito ay tinatawagan na mamuhay ng
63
payak upang magkaroon ng sapat na maibahagi sa mga
nangangailangan. Susundin ang halimwaba ni Hesus upang maging
mabuting halimbawa din para sa kapwa.
Ikasiyam, ito ay isang simbahan na kung saan ang kabuuang
komunidad na kanyang tagasunod lalo na ang mga mayayaman at
nakakaangat sa buhay ay magkakaroon ng pagmamahal sa pagkiling sa
mga dukha upang maging halimbawa ito sa buong komunidad sa
kapakanan ng mga nangangailangan at mahihirap.
Panghuli, ito ay isang simbahan na handang sumunod sa yapak ni
Hesus sa pamamagitan ng karukhaan at pagka-api upang maipagpatuloy
ang gawaing pagliligtas. Tuturuan din sila na maging mga lingkod sa isat-
isa at ang mga namumuno ay kinakailangang may matutunan din sa mga
dukha. Ang pamumuhay ng sapat at payak ay isang pagpapatunay ng
pagiging isang saksi kay Kristo at pagbibigay ng halimbawa sa iba.
Ito ang inaasahan ng simbahan ng bansang pilipinas na maging
isang tunay na Simbahan ng mga Dukha na kung saan ang mga dukha ay
makadama ng pagtanggap, pagkakapantay-pantay, at pagmamahal ng
simbahan sa kanyang buhay at misyon. Ang simbahan sa ganitong
paraan ay maging isang tunay na pakikipag-isa, isang simbolo at
instrumento para sa pagkakaisa ng buong sambayanang Pilipino.78
78
? PCP II, p. 48-52.
64
3. Padre Felix Wilfred
Si Padre Felix Wifred na taga-India ay nagsulat ng isang artikulo
tungkol sa paksang “Ang Pangako ng Simbahan sa mga Dukha sa
Panahon ng Globalisasyon”.79 Bilang pasimula ng kanyang artikulo, sinipi
niya ang mga salita ni Gabriela Mistral sa isang pandaigdigang
pagpupulong upang talakayin ang kalagayan ng milyun-milyong bata na
kulang o walang karapatan. Sinasabi niya:
“Tayo ay may kasalanan o kakulangan sa maraming
pagkakamali ngunit ang ating pinakamabigat na
kasalanan ay ang pagtalikod sa mga bata at
pagpapabaya sa bukal ng buhay. Karamihan sa mga
bagay na ating kinakailangan ay makapaghihintay
ngunit ang mga bata ay hindi. Ngayon ang panahon
na ang kanyang buto ay mahubog, ang kanyang dugo
ay magawa, ang kanyang mga pandama ay lumago.
Para sa kanya (bata), ang sagot ay hindi maaring
‘Ipagpabukas’. Ang kanyang pangalan ay ‘Ngayon’.80
Ang mga batang gutom, buto’t balat, lubog ang mga mata, at may-
guwang sa pisngi ay sagisag o simbolo ng napakaraming mahihirap at
kasuklam-suklam ang buhay na naninirahan sa mga siyudad at 79
? Sariling salin ng mag-aaral. “Church’s Commitment to the Poor in the Age of Globalization”
80 Sariling salin ng mag-aaral. Panawagan ni Gabriela Mistral sa Internasyunal na Pagpupulong. “We are guilty of many errors and many faults, but our worst crime is abandoning the children, neglecting the fountain of life. Many of the things we need can wait. The child cannot wait. Right now is the time his bones are being formed, his blood is being made, and his senses are being developed. To him we cannot ‘Tomorrow’. His name is ‘Today’.
65
kanayunan ng bansa. Sila ay may mga hinaing at hinihiyaw. Ang hindi
pakikinig sa kanilang pagdadalamhati at hinanakit sa kasalukuyan ay
nangangahulugan ng walang pakialam sa kanilang paglisan at handa
silang balewalain, ang buhay na puno ng pag-asa at biyayang ibinigay ng
Diyos. ‘Ngayon’ ang pangalan ng mga mahihirap o dukha na kung saan
inaanyayahan ang simbahang tumugon bilang mga tagasunod ni Hesus,
ang unang nangaral tungkol sa pagparito ng Kaharian ng Diyos sa mga
dukha.
Sinasabi niya na ang dalawang pangunahing bagay na mahalaga
na isasaalaala sa ikadalawampung siglo ng Kristiyanismo ay ang
Ikalawang Kapulungang Vatikano at ang Pagsibol ng Panibagong
Kamalayan ng simbahan tungkol sa mga dukha. Ang pagbabago ay hindi
lamang sa mga naglilingkod kundi maging sa kanilang kamalayan sa
mundo ng mga dukha, dahil sa kanila matatagpuan ang tunay na mga
kinatawan ni Hesus. “Sinasabi ko sa inyo, kung ginagawa ninyo ito sa
mga aba kong kapatid, ginagawa n’yo rin sa akin”.81 Para sa simbahan,
ang pangako sa mga dukha ay kinakailangang bigyan ng diin at lakas.
Ang pagkilala sa mga dukha bilang mga anak ng Diyos ay isang batayan
o isang katunayan ng totoong pagpapanibago ng simbahan at ang
kaganapan ng kanyang mapagturong misyon.82
81
? Cf. Mt. 25:4082
? Fr. Felix Wilfred, Church Commitment to the Poor in the Age of Globalization (Manila: Office for Human Development-FABC), p. 211.
66
Ang unang bahagi ng kanyang artikulo ay nakatuon sa mga
panibagong pananaw. Ang kaligtasan ng tao ay nakasalalay sa kanyang
pangako para sa pagbabago ng materyal at makamundong katotohanan
at sa pagtatag ng bagong lipunan. Dagdag pa ng dokumento na ang
kakulangan sa pakikisangkot sa pagbabago ng kalagayang materyal ng
tao lalo na ang mga dukha ay nangangahulugan na nanganganib din ang
kanyang walang hanggang kaligtasan. Upang maging mas epektibo at
tunay ang pananampalataya, kailangang sumasabay ito sa pagsusuri at
pag-aanalisa sa mga pangyayari ng panahon. Ito ay kumikilala na ang
Diyos ay patuloy na nagpaparamdam at nagpapakita ng kanyang
kagustuhan sa mga napapanahong karanasan.83
Ang ikalawang bahagi ay nakatuon naman sa pagbabago ng
kamalayan. Ang pangako sa mga dukha at isinasantabi ay nananawagan
para sa pagpapanibago ng kamalayan ng simbahan at ng lipunan. Ang
pakikisangkot ng simbahan sa ganitong larangan ng pagpapanibago ay
nakasentro sa tatlong mahalagang bagay.
Una ay ang paglikha ng espiritu ng paglilingkod. Dito ay lilikhain
ang kamalayan na kung saan ang bawat isa ay makakaramdam ng
kabanalan sa paglilingkod sa iba. Ito ay hindi lamang naglalayon na
dagdagan ang paglilingkod subalit naglalayon itong palawakin ang
kamalayan ng paglilingkod at paglikha sa diwa nito. Sa ganitong paraan
83 Ibid. p. 214.
67
makakatulong ang simbahan sa mga dukha at isinasantabi ng lipunan.
Kung ang pakikisangkot ng simbahan sa ganitong paraan ay nakatuon sa
pagtataguyod ng paglilingkod, ang maiambag niya ay isang tunay na
kabanalan. Sa panahong ito ng globalisasyon at liberalisasyon,
kinakailangan ang isang malalim na pagpapanibagong espirituwal na kung
saan ang bawat indibiduwal at grupo ay magtataguyod ng mga patakaran
at paggawa na sensitibo sa mga pangangailangan ng kapwa lalo na ang
mga dukha, mahihirap, sinasantabi, at aba. Ang di-pagsasantabi at
makapaglilingkod na paggawa ay isang patunay ng isang malalim na
pagbabagong espirituwal ng tao at institusyon.
Ikalawa ay ang pagpapayaman ng kultura ng pagkakaisa. Ang
simbahan ay may mahalagang tungkuling haharapin sa konteksto ng
pagkakahiwa-hiwalay at pagkabukod-bukod na siyang dulot ng
globalisasyon at liberalisasyon. Dito inaasahan na ang simbahan ay
pagyayamanin ang kultura ng pagkakaisa. Ito lamang ang natatanging
paraan at kasiguruhan na ang dignidad at kapakanan ng mga dukha at
isinasantabi ng lipunan ay ligtas at mapangangalagaan. Kaya ang bawat
indibiduwal o grupo ng lipunan ay higit na tinatawagan sa patuloy na
pagkakaisa at pakikiisa sa mga dukha lalo na ang simbahan, na siyang
may mahalagang tungkulin at responsibilidad. Makikita lamang ang
konkretong pangako ng simbahan sa pagkakaisa at pakikiisa sa mga
68
dukha sa pamamagitan ng mga konkretong pagkiling o pagpanig,
programa, at mga patakaran.
Ang panghuli ay ang paglikha ng kamalayang kritikal. Kung
pagkamanhid sa pangyayari ng lipunan ang dulot ng globalisasyon at
liberalisasyon, kinakailangang paigtingin ang kamalayang kritikal sa
lipunan para sa ikabubuti ng mga biktima. Ang mga dukha ay hinahamon
na sila mismo ay maging aktibong kinatawan sa pagpaplano at
paghuhubog ng kanilang kahahantungan. Ang simbahan din ay
tinatawagan sa kanyang misyon na itaguyod ang panlipunang
kamalayang kritikal sa loob at labas ng simbahan.
Ang ikatlong bahagi ng artikulo ay ang pagsasaisip muli ng mga
kapamaraanang institusyunal. Ito ay ang mga pagbabagong-anyo at mga
dapat baguhin na maaring iharap at kakailanganin sa pagsasabuhay ng
simbahan. Sa bahaging ito, inilalahad ni Padre Wilfred ang mga
institusyon na maaring magnilay, magsaisip muli, at magbago ng mga
kapamaraanan. Mahalaga na ituon ang kanilang oryentasyon sa mga
dukha sa kadahilanang sila ay ang maimpluwensiya at makapangyarihan
sa lipunan. Ang hamon ay gagawin ng mga institusyong ito na siyang mga
instrumento para sa kapakanan ng mga dukha. Una, baguhin ang mukha
ng edukasyon; Ikalawa, ang mga pahayagan, radyo, at telebisyon ay para
sa paglilingkod sa mga dukha; Ikatlo, katarungan para sa mga biktima ng
karahasan; ikaapat, serbisyong panlipunan na may pagpapahalaga at
69
pagkakaiba; ikalima, makabagong prioridad sa larangang medikal; at
ikaanim, demokratisasyon at partisipasyon.84
IKA-APAT NA KABANATA
84
?Fr. Felix Wilfred… p. 224.
70
ANG PASTORAL NA IMPLIKASYON SA LIPUNAN AT SIMBAHAN NG KAHALAGAHAN NG SIMBAHAN SA BUHAY
NG MGA MARALITANG TAGALUNGSOD
Mahalagang mabigyan ng pagkakataon at puwang sa puntong ito
ang pastoral na implikasyon ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng
maralitang tagalungsod sa lipunan at simbahan. Naniniwala ang
mananaliksik na mayroong ihahatid at ihahayag na daing ang pag-aaral
na ito sa lipunan at simbahan. Kaya susubukan sa kabanatang ito na
tuklasin ang ibat-ibang pastoral na implikasyon sa lipunan at simbahan.
A. Sa lipunan
Ang lipunan ay isang lugar na ginagalawan ng mga dukha at dito
din sila nakikibaka sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ito ay isang
lipunan na patuloy na lumilikha ng isang pananaw na laging nagpapababa
ng tingin sa mga dukha. Sa kadahilanang patuloy na pagpapakita o
pagpapamukha na mayroong mataas na uri at mababang uri ng tao sa
lipunan, at ang labis o sobra at kulang sa pamumuhay ayon sa nabanggit
sa unang kabanata, ay nakakaambag sa pagpapababa ng kalagayan ng
mga dukha sa lipunan lalo na ang mga maralitang tagalungsod. Ang
ganitong pananaw at kamalayan ay mapapansin sa mga pangunahing
aspeto ng lipunan – ang ekonomiya, pulitika, at kultura.
71
Una, ang mga dukha ay walang kakayahang lumikha at hindi
produktibo. Ito ang dahilan kung bakit nahihirapan sila na maghanap ng
trabaho. Kaakibat din dito ang pagtinging sila ay mga taong may
mababang antas ng pinag-aralan at mga “maliit” sa usapin ng
karunungan.
Ikalawa, ang kanilang kahirapan ay bunga ng kanilang katamaran.
Ito ay dala pa rin ng pagtinging ang mga dukha ay walang edukasyon.
Ang ganitong pananaw ay bukambibig ng mga taong hindi kabilang sa uri
ng mga dukha at maging ang mga dukha din mismo ay may ganitong uri
ng pagtingin at pananaw sa kanilang sarili.
Ikatlo, ang mga dukha ay walang kakayahang magpasiya. Ang
kadalasang nagpapasiya sa mga usaping panlipunan ay ang mga taong
makapangyarihan at nasa puwesto. Ang mga taong ito ay ang mga
pulitiko na nanggagaling sa mga angkan na hindi kabilang sa mga dukha.
Ito ay isang pasiya na nabubuo mula sa mga matataas na uri ng tao na
kadalasan ay walang pagkiling at simpatiya sa mga dukha kundi ang
paiiralin lamang ay ang kanilang pansariling interes. Ang mga
pagpapasiya at pagtatakda ng mga programa at proyekto tungo sa pag-
unlad ng lipunan ay nagmumula at binubuo ng mga taong
makapangyarihan at may pansariling interes lalo na’t may kaugnayan ito
sa ikabubuti ng kanilang mga naglalakihang negosyo. Masasabing ang
mga dukha sa ganitong sitwasyon ay ginagamit lamang ng mga matataas
72
na uri ng tao ng lipunan upang sila ay mapanatili sa kanilang
kapangyarihan at kinalalagyan.
Ikaapat, ang mga dukha ay pugad ng ibat-ibang uri ng kasamaan.
Sa usapin lamang halimbawa ng pananampalataya at pakikisangkot sa
buhay ng simbahan bilang kabahagi ng larangan ng kultura, mapapansin
at makikita pa rin ang mga pananaw na patuloy na nagpapababa sa
dignidad ng mga dukha. Ang pagtinging hindi nananahan ang Diyos sa
mga dukha at sila ay walang alam sa pananampalataya ay isang
halimbawa nito.
Sa kabuuang pagtanaw, ang pagtingin at kamalayang ito ay
patuloy na nagdidiin at nagpapababa sa mga dukha na wala silang
maaring mahalagang papel na gampanan sa larangan at aspeto ng
ekonomiya, pulitika, at kultura ng lipunan. Kung mayroon man, makikita pa
rin na nasa mababang uri ng antas ng sistemang pang-ekonomiya,
pampulitika, at pangkultura ng lipunan ang mga dukha. Ang patuloy na
pag-iral ng ganitong kamalayan at pagtingin sa mga dukha ay
nagpapababa ng kanilang dignidad bilang tao na kung titingnan ay hindi
naman nila ginustong maging dukha ng lipunan at paksa ng pang-aapi.
Bagama’t kinikilala pa rin sila bilang tao, nangingibabaw naman ang
pagturing na sila ay nasa mababang antas at uri ng tao ng lipunan sa
kadahilanang sila ay mahihirap.
73
Sa ganitong kalagayan at pananaw ng lipunan sa mga dukha at
maralitang tagalungsod, ang pagsusuri ng kahalagahan ng simbahan sa
buhay ng maralitang tagalungsod ay nagdadala at nagpapahiwatig ng
konkretong kritiko at hamon sa lipunan tungo sa pagbabago ng pananaw
sa mga dukha. Ito rin ay isang malaking ambag upang matigil na ang
patuloy na pang-aapi ng mga nasa matataas na uri ng tao ng lipunan.
Sa panig ng mag-aaral, ang pagsusuring ito ng kahalagahan ng
simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ay hindi sumasang-
ayon sa mga sinasabi at pananaw ng lipunan na ang mga dukha ay hindi
produktibo at walang kakayahang lumikha o bumuo ng mga bagay-bagay.
Ang pagtuklas ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang
tagalungsod ay nagpapakita din na mayroong nababago, nagagawa, o
nalilikha ang mga dukha sa kanilang pang-araw-araw na pakikibaka sa
buhay. Kinukontra din ang pagtinging ang mga dukha o maralitang
tagalungsod ay mga tamad at ang kanilang kahirapan ay bunga nito
sapagkat nakikita at natutuklasan sa pag-aaral na ito na sila ay mayroong
ibat-ibang alam na diskarte sa buhay.
Kaugnay dito, napakalaki ang kanilang naiambag sa pagpapalago
ng lipunan na maaaring magsasabing sila ay produktibo at may
pakinabang sa pagpapanibago ng lipunan. Kung titingnang mabuti, ang
lipunan ay nangangailangan ng mga tao o manggagawang
makapagtatrabaho sa mga gawaing hindi maaaring magagampanan ng
74
mga nasa matataas ng uri ng tao ng lipunan o ang tinatawag na mga may
kaya sa buhay. Isa sa mga halimbawa nito ay ang mga trabahong may
mababang bayad o sahud na pinapasukan ng mga mahihirap at mga
dukha na di-gustong pasukin ng mga mayayaman. Ang mga bagay na ito
ay kanilang ipinagmamalaki kahit maliit ang sahud sa kadahilanang
nakikita pa rin nila ang kahalagahan ng kanilang ginagawa. Ang
pagkanaroon ng mga maralitang tagalungsod na gumagawa ng mga
bagay na hindi magagampanan ng mga mayayaman ay nagbibigay
balanse sa buhay ng mga malalaking siyudad lalo na ang mga bansang
“third world” na walang kakayahang bumili ng mga makinarya upang
pumalit sa mga gawaing pantao.
Ang pagsasabing ang mga dukha ay kulang sa kaalaman kung
kaya’t hindi sila kinukonsulta sa mga usaping pagpapasiya ay binibigyang
linaw din sa pag-aaral na ito. Kung titignan sa totoong buhay, may
katuwiran at tama naman ang pagsasabing kulang sila sa kaalaman dahil
karamihan ay hindi nakatungtong sa kolehiyo, ngunit hindi ito ang sapat
na batayan upang husgahan sila na kapos sa isipan at walang alam
tungkol sa pagpapasya. Ang pang-araw-araw na pakikibaka sa buhay na
mahirap at masalimuot sa ibat-ibang sulok ng kalungsuran at ang pag-
unawa sa mga pasikot-sikot ng buhay ay nagpapakita na mayroon silang
malawak na kaalaman tungkol sa larangan at aspeto ng buhay.
75
Sinasabi ng isang dalubhasa sa teolohiya na ang Diyos ay
nananahan na sa mga tao bago pa man pumunta, makipamuhay, at
magturo ang isang taong simbahan.85 Kaya itinatama ang pagtinging ang
mga dukha o maralitang tagalungsod ay isang komunidad na may ibat-
ibang uri ng kasamaan. Nananahan din ang Diyos sa kapayakan ng
kanilang buhay. Isang palatandaan nito ay ang kanilang
pagkamapagbigay. Ang pagbibigay na ito ay hindi sa usapin ng mga
materyal o pinansiyal na bagay kundi ang kanilang tulong pisikal. Matapat
din silang magsabi na wala silang maitutulong pinansiyal kundi ang
kanilang kakayahang pisikal. Sa ganitong pamamaraan ng pakikiisa ng
mga dukha sa gawaing ebanghelisasyon ay masasabing kabahagi din sila
sa tinaguriang ang Bagong Sambayanan ng Diyos.
Kung karamihan sa mga tao lalo na yaong hindi kabilang sa mga
dukha ay may mga pananaw at kamalayang lalong nakakapagpababa ng
dangal at dignidad ng mga dukha, ipinapahayag ng pag-aaral na ito ang
panibagong pananaw, kamalayan, at dulog sa mga dukha o maralitang
tagalungsod. Ihinahatid naman nito ang panibagong pagtingin at pagtrato
sa mga dukha o maralitang tagalungsod bilang mga taong may dangal at
dignidad – mga taong nilikha ayon sa hugis at kawangis ng Diyos at
nabuhay ayon sa hininga ng buhay ng Diyos.86
85
? Dr. Jose De Mesa, “Theology of Marriage”, (ICTC, Quezon City, July 22, 2004), Lecture Notes .
86 Cf. Genesis 1:26, 2:7
76
B. Sa simbahan
Pagkatapos ng Ikalawang Kapulungang Vatikano87 ay naging
makabuluhan sa buhay ng simbahan ang usapin tungkol sa pagkiling sa
mga dukha. Maririnig sa mga homiliya ng mga pari at obispo ng simbahan
ang paksa tungkol sa mga dukha at ang tunguhin nitong lingapin ang
mga dukha sa lahat ng sulok ng mundo. Maging ang pagkakaroon ng
Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas88 na dulot ng diwa ng
Ikalawang Kapulungang Vatikano na kung saan ang mga pinag-uusapan
at isa sa mga pangunahing punto, ay ang simbahan ng mga dukha. Dito
tinitingnan ng buong kapulungan ang simbahan sa Pilipinas na
magkaroon ng hangad na makatugon sa mga hinanaing at
pangangailangan ng mga dukha. Dagdag pa nito, hinahangad nila na lalo
pang paigtingin ng simbahan sa buhay niya ang pagkiling sa mga dukha.
Ang pagkabuo ng damdamin ng simbahan sa Pilipinas para sa mga dukha
ay humantong sa pagpapahayag na ang simbahang ito ay nagpasiyang
tahakin ang landas ng pagiging simbahan na may pagkiling sa mga
dukha. Ang ganitong pananaw ay naghahatid ng panibagong kamalayan
ukol sa magiging mukha ng simbahan sa Pilipinas. Ngunit ang ganitong
pagpapanibago ng kamalayan at pananaw ng pagiging simbahan lalo na
87
? Vatican Council II.88 Second Plenary Council of the Philippines (PCP II).
77
ang mga dokumentong naisulat ng kapulungan ay hindi sapat na paalala
upang patuloy na itatak sa kanyang puso at isipan ang mga
magagandang layunin nito. Sa paglipas ng panahon, mapapansin na
humina ang dulot nitong talab sa pagpapanibago ng kanyang buhay at
misyon. Napakarami ang mga dokumentong naisulat ngunit pakaunti ng
pakaunti ang mga kumakatawan ng tunay na diwa at hangarin nito sa
totoong buhay. Sa paniniwala ng mag-aaral, ang pag-aaral na ito ay isang
maaaring magsilbing patuloy na paalaala at pagsasariwa ng mga
nararapat gawin at panibaguhin ng simbahan upang maging tunay siyang
makabuluhan sa buhay ng mga tao lalo na sa mga dukha. Ang pagsusuri
ng kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod
ay naghahatid ng ilang pagpapanibago sa ilang aspeto ng pagiging
simbahan:
Una, isang simbahang abot-kamay ng mga dukha. Ang simbahang
abot-kamay ay tumutukoy sa simbahang patuloy na lumalapit, nakikiisa, at
kaagapay ng mga dukha. Ito ay isang pagpapahayag ng pagmamahal at
kagandahang-loob ng Diyos sa kanila. Napakagandang tanda ito ng
pagiging simbahan na kung saan ang mga dukha ay naging “at home” sa
kanya. Isang malalim na kasayahan ang mababakas sa mukha ng mga
dukha ang paglapit at pakikiisa ng isang pari, relihiyoso, seminarista at
madre sa kanilang piling. Ito rin ay nagsisilbing isang karangalan para sa
kanila kung sila ay binibisita ng isang kinatawan o taong simbahan. Ito ay
78
mga bagay na napapansin ng mag-aaral simula noong tahakin niya ang
buhay relihiyoso at ang landas ng kapatirang kanyang kinabibilangan na
kapiling ang mga dukha sa gitna ng maralitang lungsod bilang misyon
nito, at lalo pang napalalim ang karanasang ito noong nagsimula siyang
makipamuhay sa piling ng mga dukha bilang kabahagi ng paghuhubog
pastoral ng paaralan. Ang pagpasiyang lumapit at pagpapahalaga sa
buhay ng mga dukha ay maari ding sabihin na ito ay naghahatid at
nagdudulot sa kanila na magkaroon ng lakas ng loob na ipaglaban ang
kanilang karapatan bilang tao ng lipunang kanilang ginagalawan at ng
simbahan.
Dagdag pa nito, ipinapakita ang pagpapahalaga sa dangal at
dignidad nila bilang tao sa pamamagitan ng pagbabahaginan,
pagtutulungan, pakikipag-ugnayan, at iba pang gawaing pastoral ng
kongregasyon bilang kinatawan ng simbahan. Ang mga programa at
gawaing pastoral ng kongregasyon ay isang simpleng pamamaraan
upang maiangat ang kalagayan ng kanilang pamumuhay. Kung inaapi na
sila sa paningin at kamalayan ng lipunan, ang pagiging simbahan na
lumalapit, nagpapahalaga, nakikiisa, at kaagapay sa kanilang buhay ay
malaking bagay upang unti-unting maitama ang ganitong pananaw.
Ipinapakita din ng simbahan sa puntong ito ang pagiging tapat sa kanyang
pangako at hangaring makapaglingkod sa mga dukha katulad ni Hesus.
79
Dito din masasalamin ang isang tunay at totoong Simbahan ng Pakikipag-
isa.
Ikalawa, ang simbahang tumatanggap ng mga asal, turo, at diwang
hatid ng mga dukha. Napakahalagang bagay na isaisip at isapuso ng
simbahan na ang mga dukha ay may maiambag din sa pagpapalago ng
pananampalataya nito. Sinasabi ng Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng
Pilipinas na ang simbahan ng mga dukha ay nangangahulugang hindi
lamang ito simbahang nangangaral sa mga dukha bagkus ang mga dukha
mismo ng simbahan ay maging mga mangangaral din. Sila ay naghahatid
ng aral, turo, at diwa sa pagiging simbahan. Ang mga namumuno at pastol
ng simbahan ay minarapat na matutung makiisa at may matutunan din sa
mga dukha.89 Makikita ito sa pamamagitan ng pagbibigay at paglalaan ng
espesyal na panahon ng mga namumuno ng simbahan sa mga dukha,
pagbabahagi ng kanilang kayamanan at ari-arian sa mga mahihirap upang
maiangat ang estado ng kanilang kalagayan, at ang patuloy na
pagpapadama ng pagmamahal ng Diyos sa gitna ng kanilang kahirapan at
karukhaan. Ito ay isang pagpapakita ng isang tunay na saksi at pagiging
kinatawan ni Kristo at pakikiisa sa mundo ng mga dukha. Ito ay inaasahan
sa pagiging simbahan ng maralitang tagalungsod na kung saan ang mga
dukha ay makadama ng pagtanggap, pagkapantay-pantay, at
pagmamahal. Ito ang sinasabi ni Padre Felix Wilfred na ang pagkilala sa
89
? PCP II, n.132
80
mga dukha bilang mga anak ng Diyos ay isang batayan o katunayan sa
totoong pagpapanibago ng simbahan at kaganapan ng kanyang misyon.90
Ikatlo, ang simbahang kumakatawan sa kanyang hangarin na
pagkiling sa mga dukha. Ang simbahan ay kadalasang makikita sa
kanyang anyo at mukhang makapangyarihan. Maging sa hanggang
ngayon ay ganito pa rin ang mga larawang kanyang ipinapakita. Naging
epekto nito ay ang pagkalayo ng loob ng mga dukha sa simbahan. Kaya
ang pagpapangatawan ng simbahan sa kanyang misyon sa mga dukha ay
isang maaaring paraan upang mabuwag ang ganitong uri ng pananaw at
kamalayan. Ang pagkakaroon ng isang simbahan na kung saan ang mga
dukha ng lipunan ay makakaramdam ng pagiging “at home”91, malayang
magpapahayag ng kanilang sarili, at maging isang daluyan ng
pakikipagtulungan sa buhay ng kapwa, ay mga ilang bagay na maaring
maging dulot nito.
Sa katapusan, ang mga ibat-ibang dulog tungo sa pagpapanibago
ng kamalayan ng mga dukha ay sa pamamagitan ng mga institusyon ng
lipunan.92 Ito ay malaking halaga upang matulungan ang
pagpapangatawan ng simbahan sa kanyang hinahangad na
makapaglilingkod sa mga dukha. Kinakailangan na palawakin pa ang
90
? Fr. Felix Wilfred…..p. 21191 John Fuellenbach, SVD, Church: Community for the Kingdom…..p. 265
92 ? Fr. Felix Wilfred….p. 219-224
81
kamalayan tungkol sa paglilingkod lalo na sa mga institusyon ng lipunan
dahil sila ang pinaka-maimpluwensiya at makapangyarihan sa lipunan. Ito
ay hindi lamang sa paghahangad na baguhin ang mga namumuno ng
simbahan kundi maging ang mga institusyon ng lipunan na kung saan sila
ang mga instrumento ng pagpapanibago ng kamalayan na may pagkiling
sa mga dukha. Dito magkakaroon ng pagkakabuklod-buklod ang mga
grupo at institusyon ng lipunan tungo sa iisang hangaring
pagpapangatawan, pagsasapuso, pagsasa-isip, at pagsasadiwa ng
pagiging simbahan na may pagkiling sa mga dukha.
82
IKALIMANG KABANATA
PAGTATAPOS
A. Paglalagom
Batay sa mga karanasan at nakalap na mga datos ng
mananaliksik, nagpapakita na ang simbahan ay tumutukoy sa mga
proseso ng pagtugon sa mga makabagong hamon ng panahon ng
urbanisasyon. Karamihan sa mga maralitang tagalungsod ay mga taong
nanggagaling sa probinsiya. Sila ay lumipat sa mga malalaking siyudad sa
kadahilanang nakikita nila na mas nakakaangat ang kalagayan ng buhay
sa siyudad kompara sa buhay ng probinsiya. Ito rin ay isang bunga ng
patuloy na pang-aakit ng makabagong buhay ng mga malalaking siyudad.
Nakakatawag pansin din ang kalagayang mayroong humigit kumulang sa
32, 620 katao ang naninirahan sa isang maliit na pamayanan ng Laura,
Villa Beatriz, at Kaligtasan. Sa kabuuang bilang na ito, mas marami ang
bumubuo ng kabataan na may 56.5 bahagdan. Samantalang 70
bahagdan ang bilang ng mga naninirahan na hanggang sekondarya
lamang ang napag-aralan. Hindi ba’t malaking katanungan ito sa usapin
ng kalagayan ng pamumuhay ng mamamayan ng lipunan na
kinakailangang tugunan ng pamahalaan? Nakakarating pa kaya ang mga
programa ng pamahalaan sa mga lalawigang pinanggagalingan ng mga
taong ito? Wala na kayang pag-asa pang mapa-unlad ng pamahalaan o
83
ano mang institusyon ang mahirap na kalagayan ng mga rural na lugar?
Ito ay mga katanungang panlipunan na maaaring sumasalamin din sa
kalagayan, tungkulin, at ginagampanang papel ng simbahan bilang isang
institusiyon ng lipunan. Ano ang mga nagiging papel o tungkuling
ginagampanan ng simbahan sa mga rural na lugar? May mga konkreto
bang programa ang lokal na simbahan upang matugunan ang hamon ng
pangingibang lugar? Ano ang ginagawa ng simbahang lokal upang
matugunan ang pangangailangang pisikal ng mga mananampalatayang
kanyang nasasakupan?
Ang mga pangunahing dahilan kung bakit ang mga maralitang
tagalungsod ay nakikisalamuha at nakikiisa sa buhay ng simbahan ay sa
kadahilanang malakas ang kanilang paniniwala na mayroong naidudulot
na kabutihan ang simbahan sa kanilang buhay. Ang mga iilan nito ay ang
pagpapahalaga sa kanilang buhay, pakikipagkapwa, pagtutulungan sa
mga problema, pagbibigay ng gabay, pagkaroon ng lakas at kapanatagan
ng loob, pagmamahalan sa isat-isa, kapayapaan, at iba pa. Ito ay
nagbibigay hamon sa atin upang tingnan ang kalagayan ng ating
simbahan sa Pilipinas lalo na ang pagsulong sa hangarin nitong pagkiling
sa mga dukha. Hinahamon din dito ang pagpapangatawan ng mga lingkod
ng simbahan sa kanyang misyon tungo sa pagpapanibago ng lipunan lalo
na ang mundo ng mga dukha.
84
Ayon kay McBrien, ang unang tungkulin ng simbahan ay
panatilihing buhay ang ala-ala ni Hesukristo sa salita at sakramento, at
upang maipaabot ng may pag-asa sa buong mundo sa hinaharap, ang
isang ganap na pagbabago at malikhaing pagpapahayag sa kinabukasan
ng pamamayani ng kaharian ng Diyos. Ang Banal na Eukaristiya ay
nagpapakita ng nakalipas at ng kasalukuyang aspeto ng paghahari at
lumilikha rin ito ng pag-asa sa darating na panahon.93 Ang pagiging
simbahan sa mga maralitang tagalungsod at pagkakaroon ng mga
espirituwal na gawain ay isang makabagong ministeryo o aspeto ng
simbahan upang matugunan ang bagong hamon ng urbanisasyon.
Ang simbahan sa gitna ng mga maralitang tagalungsod ay
masasabi nating isang makabagong anyo ng pagiging simbahan na
tumutugon sa hamon ng panahon ng urbanisasyon. Ang simbahan ng
maralitang tagalungsod ay parehong simbahan na nagmula sa mga
apostol, ngunit ang pagkakaiba lamang nila ay ang mga pamamaraan ng
pagdiriwang nito sa kanonikal at organisasyonal na pagpapahayag.94
Maaaring sabihin na ito ay isang pamamaraan ng Espiritu Santong kaloob
upang matugunan ang pangangailangan sa buhay sa kasalukuyang
panahon.
93
? Richard McBrien,. Catholicism (San Francisco: Harper and Row, 1981), p. 715.94 ? Ibid.
85
B. Konklusyon
Ang pag-aaral na ito ay nakapaglahad ng sapat na palatandaan ng
kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod.
Nailahad din ng pag-aaral na ito ang ibat-ibang karanasan ng mga dukha
sa simbahang patuloy na tumutugon sa mga makabagong hamon ng
panahon na dulot ng urbanisasyon. Ang sapat na palatandaan at ugnayan
ng karanasan ng mga dukha sa simbahan ng maralitang tagalungsod ay
nagsasaad at nagpapahiwatig na napakahalaga ang simbahan sa buhay
ng mga maralitang tagalungsod. Isa itong uri ng makabagong paraan ng
pagiging simbahan na isinisilang mismo sa karanasan ng mga dukha.
Ang kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang
tagalungsod ay mayroon ding inihahatid na ilang implikasyon sa lipunan at
simbahan. Maaaring mapadalisay ang pakikipag-kapwa sa mga dukha sa
pamamagitan ng pagkilala sa kanilang pagkamahalaga at pagkabahagi ng
simbahan. Ganundin, mas malilinaw pa ng simbahan ang kanyang
kabuuang direksiyon habang patuloy na binibigyan ng puwang ang
kahalagahan ng simbahan ng mga dukha na maka-ambag impluwensiya
sa kanyang patuloy na pagpapanibago.
Matapos matunghayan ang paglalahad ng kahalagahan ng
simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod sa lipunan at
simbahan, ipapahayag din ng pag-aaral na ito ang mga pangunahing
bunga ng pagninilay kung ano ang kahalagahan at kaugnayan ng
86
simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ayon sa nailahad na
kalagayan.
Una, ang paghahadlang sa panibagong kultura ng pagkakanya-
kanya o “individualism” na umuusbong at naidudulot ng urbanisasyon.
Ang makabagong kulturang ito ay sumasalungat sa itinuturong batayan at
huwarang kultura ni Hesus na kung saan ang bawat isa ay inaasahang
mahalin ang kapwa gaya ng pagmamahal niya sa kanyang sarili. Ang
bawat isa ay may obligasyong pangalagaan ang kapwa bilang isang
batayan ng kapahayagan ng komunidad.
Ikalawa, ang paghahanap ng mga batayan tungo sa pagkamit ng
katarungan. Ang mga turo ni Hesus ay nakatuon sa pagbibigay halaga at
paghahanap ng katarungan ng mga taong inaapi, sinasantabi, at biktima
ng karahasan. Ang Diyos ay palaging nasa panig ng mga dukha.
Ikatlo, ang pagbibigay diin sa dangal at dignidad ng bawat isa
kabilang na ang mga kababaihan, kabataan, matatanda, at may
kapansanan. Ang lahat ng tao ay pantay-pantay sa paningin ng Diyos.
Ikaapat, ang pagkakaroon ng mga tagapamagitan o tutulong upang
maiangat ang kanilang buhay. Bilang indibiduwal sa gitna ng maralitang
lipunan, napakadali ang pagkaramdam ng pagiging walang magawa o
walang lakas. Ang simbahan bilang isang institusyon ng lipunan ay
napakalaking tulong upang pangatawanan ang hamong ito. Hinahamon
87
din dito ang mga ibat-ibang institusyon ng lipunan tungo sa pakikipagkaisa
sa mga dukha at nangangailangan.
Sa wakas, hinahamon din ang teolohiya at mga kinatawan nito, ang
mga teologo, na isulong ang patuloy ng pagkiling at pagteteolohiya sa
piling ng mga dukha. Maging ang Sambayanan ng Diyos ay hinahamon at
tinatawagan din sa patuloy na pagmamahal at pagkiling sa mga dukha ng
lipunan lalo na ang mga maralitang tagalungsod.
K. Rekomendasyon
Sa pag-aaral ng ito, natutuklasan ng mananaliksik ang mga iilang
bagay na kinakailangang bigyan ng rekomendasyon para sa pagpapalago
ng simbahan ng maralitang tagalungsod. Ang mga sumusunod ay ang
mga konretong rekomendasyon na maaring mabigyan ng katugunan.
Una, iminumungkahi ng mananaliksik na paigtingin at ipagpatuloy
ang misyon ng simbahan sa mga maralitang tagalungsod. Ito ay isang
bahagi ng pagnanais ng simbahan na mapalapit ito sa mga tao lalo na sa
mga dukha. Ang paglapit na ito ng simbahan sa mga maralitang
tagalungsod ay isang uri ng pagtugon sa hangarin ni Papa Juan Pablo II
na maging mga totoong kasangkapan ng misyon at ebanghelisasyon.95
Ikalawa, iminumungkahi din ng mananaliksik na ipagpatuloy ng
simbahan ang mga proseso ng pagtugon sa mga hamon ng
95
? John Paul II, “Renewed Integral Evangelization Takes Prayer, Words, and Deeds”, p. 3.
88
ebanghelisasyon ng makabagong panahon ng urbanisasyon. Para sa
mananaliksik, ang kahalagahan ng simbahan sa buhay ng mga maralitang
tagalungsod ay isang mahalagang sangkap sa pagsulong ng hangarin ng
Ikalawang Kapulungang Plenaryo ng Pilipinas para sa isang “renewed
integral evangelization” at pagiging “church of the poor”.96 Bahagi ng
hangaring ito ng simbahan sa Pilipinas ay ang pagkiling sa mga maralita,
inaapi, sinasantabi, at biktima ng karahasan – ang mga dukha. Ang mga
dukha o maralitang tagalungsod ay hinahamon din na maging bahagi ng
ebanghelisasyong ito.
Ikatlo, upang mas lalong mapaglingkuran ng mga laykong
namumuno at mga relihiyoso ang kanilang kawan, iminumungkahi din ng
mananaliksik na paigtingin pa ang kanilang patuloy na paghubog (on-
going formation) tungo sa ikabubuti at ikalalawak ng kanilang kaalaman
tungkol sa paglilingkod.
Ikaapat, sa kadahilanang mataas ang bilang ng mga kabataan o
ang tinaguriang bagong henerasyon ng lugar, iminumungkahi ng
mananaliksik na hikayatin ang mga kabataan na makibahagi sa mga
gawaing pansimbahan sa pamamagitan ng maiikli o pansamantalang mga
tungkulin na maaaring magbigay at magdala sa simbahan ng panibagong
sigla at kasigasigan.
96
? PCP II, Chapter 3.
89
Ikalima, kung maaari, iminumungkahi din ng mananaliksik na
isaalang-alang ng mga namumuno ng simbahan ng maralitang
tagalungsod ang sapat na “convenience” ng mga nagsisimba sa mga
munting simbahan o kapilya sa gitna ng mga lugar na eskwater. Ito ay sa
pamamagitan ng pagkakaroon ng tamang bentilasyon, maayos na sound
system, at kaayusang pisikal ng simbahan.
Ikaanim, inaamin din ng pag-aaral ng ito na marami pa ang mga
paksa sa larangan ng teolohiya, eklesyolohiya, at ebanghelisasyon na
may kaugnayan sa paksang ito na nangangailangan pa ng kaukulang
pag-aaral. Kaya iminumungkahi ng mananaliksik ang isang masusing
pagtatasa at pag-aaral sa mga gawain ng simbahan ng maralitang
tagalungsod. Bagamat mahalaga ang pagnanais na isulong ang
simbahang ito ayon sa pananaw ng Ikalawang Kapulungang Vatikano at
ng Ikalawang Plenaryo ng Pilipinas, ang isang pagtatasa ay napakahalaga
upang ang mga susunod na proseso ng pagbubuo ng simbahan ay mas
magiging angkop sa konteksto ng makabagong hamon ng urbanisasyon
at sa kultura ng mundong kanyang ginagalawan. Bilang pagtugon na rin
sa mga pagtatangka ng mga dalubhasa sa teolohiya na pagnilayan ang
tungkulin ng mga simbahan ngayon, ang pag-aaral na ito sa kahalagahan
ng simbahan sa buhay ng mga maralitang tagalungsod ayon sa konteksto
at hamon ng makabagong panahon ay isang napakahalagang sangkap
90
upang ang simbahang nabanggit ay maging mga tunay na kinatawan ng
ebanghelisasyon.
MGA DAHONG DAGDAG
91
Dahong
dagdag 1:
Larawan ng
Laura, Villa
Beatriz, at
Kaligtasan
Dahong dagdag 2: Ang daan papuntang Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan
92
Dahong dagdag 3: Mga katanungan sa ginawang survey, pakikipagkwentuhan, at Focused Group Discussion
1. Mahalaga ba ang simbahan sa inyong komunidad at sa inyong buhay? Kung OO, bakit mahalaga ito at ano ang mga dahilan kung bakit? (Ganun din kung hindi ang iyong sagot)
93
2. May naidudulot bang kabutihan ang simbahan sa inyong komunidad sa iyong/inyong buhay? Kung mayroon, anu-ano ang mga ito? Kung wala, bakit?
TALASANGGUNIAN
Mga Dokumento ng Simbahan:
Vatican Council II: The Conciliar and Post Conciliar Documents, “Pastoral Cnstitution on the Church in the Modern World,” ed. Austin Flannery, O. P. Philippines: Paulines Publishing House, 2001.
94
Acts and Decrees of the Second Plenary Council of the Philippines. Pasay City: St. Paul Publications, 1992.
Pope Paul VI. Evangelii Nuntiandi, On Evangelization in the Modern World. Pasay City: St. Pauls Publication, 2002.
Pope Paul VI. Lumen Gentium, Dogmatic Constitution on the Church. Pasay City: St. Pauls Publication, 1999.
Pope Paul VI. Gaudium et Spes, Pstoral Constitution on the Church in the Modern World. Pasay City: St. Pauls Publication, 2006.
Mga Aklat:
Boff, Leonardo. Ecclesiogenesis. Quezon City: Claretian Publication, 1986.
Dulles, Avery. Models of the Church. New York: Doubleday, 1974.
English, Leo James, CSsR. English-Tagalog Dictionary. Mandaluyong City: Cacho Hermanos Inc., 1977.
Fuellenbach, John. Church Community for the Kingdom. Manila: Logos Publications, 2004.
Fuellenbach, John. Hermeneutics, Marxism and Liberation Theology. Manila: Divine Word Publications, 1989.
Gerlier, Pierre Cardinal Lumen Gentium: Dogmatic Constitution on the Church, A Short Commentary. Pasay City: Paulines Publishing House, 1999.
Jocano, Felipe L. Slum as a Way of Life. Quezon City: PUNLAD Research House, 2002.
Long, Jimmy. Generating Hope: A Strategy for Reaching the Postmodern Generation. Illinois: Varsity Press, 1997.
95
McBrien, Richard. Catholicism. San Francisco: Harper and Row, 1981.
Miller, Donald E. Serving with the Urban Poor. Manila: Logos Publications, Inc., 1999.
Pannenberg, Wolfhart. Christianity in a Secularized World. New York: The Crossroad Publishing Company, 1989.
Tavard, George H. The Church: Community of Salvation. Manila: St. Pauls Publication, 1997.
The New American Bible. Nashville: Thomas Nelson Inc., 1969.
Upton, Julia. A Church for the Next Generation. Manila: St. Pauls Publications, 1995.
Wilfred, Felix Fr. Church Commitment to the Poor in the Age of Globalization. Manila: Office for Human Development-FABC. 1997.
Wostyn, Lode L. Doing Ecclesiology: Church and Mission Today. Quezon City: Claretian Publications, 1990.
____________. Church: Pilgrim Community of Disciples. Quezon City: Claretian Publications, 1995.
Hindi Nailathalang Sulatin:
Bouchaud, Fr. Joseph, SC. “Following Jesus Among the Urban Poor”. Quezon City, Philippines. 1998.
De Mesa, Dr. Jose. Lecture on Theology of Marriage. ICTC, New Manila, Philippines. July 22, 2004.
“Evangelization Commission Assembly”, Diocese of Novaliches. July 14, 2007.
96
Godefroy, Fr Daniel, SC. Pastoral Report during the Branch Meeting. Quezon City, Philippines. February 2007.
Laad, Roberto, FBHS, Pader, Jhoan, OFM, Tomboc, Necerel Rey, SC, at Yumang, Derik, O.Carm. “Etnograpikong Pag-aaral sa pamayanan ng Laura, Villa Beatriz, at Kaligtasan ng Lungsod Quezon,” Inter-Congregational Theological Center, Our Lady of the Angels Seminary, Quezon City, 2006.