ang kalakalan ng mga rehiyon - chatphils.com

18
Ang Kalakalan ng mga Rehiyon

Upload: others

Post on 05-Oct-2021

20 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Ang

Kalakalan

ng mga

Rehiyon

Page 2: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Pangangailangan – may pangunahin

at sekundaryang pangangailangan

ang bawat tao upang mabuhay.

Limitado ang mapagkukunan ng

yaman kung kaya maaaring kulangin

ito para sa bilang ng mga taong

nangangailangan sa isang lalawigan.

Page 3: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 4: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Kabuhayan– tumutukoy sa mga

pinagkukunan ng ikabubuhay ng isang

pamilya. Ang kita sa gawain, trabaho, o

hanapbuhay ang ginagamit na pambili

ng mga pangangailangan. Kapag malaki

ang kita ng isang pamilya, malaki rin ang

kakayahan nito na bumili ng iba’t ibang

produkto na kailangan o gusto ng bawat

miyembro.

Page 5: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 6: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Dami ng produkto– karaniwang

ipinagbibibli ang mga sobra-

sobrang produkto na naani o

nalikha sa loob ng isang panahon.

Kapag malaki ang produksiyon,

dagsa ang bilang ng isang

produkto sa pamilihan.

Page 7: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 8: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Kalakalan ng mga Lalawigan sa

Rehiyon at Iba Pang Rehiyon

Ang isang lalawigan ay nakikipagkalakalan sa iba pang

lalawigan o rehiyon upang matustusan ang mga

pangangailangan sa ilang produkto na kulang o wala

dito. Halimbawa, may kakulangan sa mga isda,

lamang-dagat, at asin ang CAR dahil sa pawang

bulubundukin ang rehiyon. Samantala, malaki ang

produksiyon ng Pangasinan sa bangus at sa iba pang

lamang-dagat, at asin. Ibinebenta ng Pangasinan ang

mga sobrang produkto sa mga lalawigan sa rehiyon ng

Ilocos at sa iba pang karatig na rehiyon, gaya ng CAR.

Sa ganitong paraan, nagkakaroon ng kalakalan ang

mga lalawigan at rehiyon.

Page 9: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Maliit na Lalawigang Pulo– may maliliit na

lalawigang pulo, gaya ng Siquijor, Tawi-tawi, at

Batanes. Napalilibutan ang mga ito ng malalawak

na dagat. Kaya naman, ang karamihan sa mga

produktong nagmumula sa mga lalawigang ito ay

iba’t ibang uri ng isda at sari-saring pagkaing dagat.

Limitado ang mga lupaing taniman kaya walang

gaanong produksiyon ng palay, mais, gulay, at

prutas. Natutugunan ang pangangailangan ng mga

tao sa mga produktong ito sa pakikipagkalakalan sa

mas malalaking pulo na malapit sa mga lalawigang

ito.

Page 10: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 11: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Malalaking Lalawigang Pulo- ang malalaking

lalawigang pulo gaya ng Cebu at Palawan ay may

malalaking lupain na napalilibutan ng dagat. Dahil

mas malaki ang lupain na napagtataniman, mas

maraming uri ng produkto ang naaani. Iba’t ibang uri

ng isda ang nahuhuli at sari-saring pagkaing dagat

ang nakukuha sa malawak na dagat. Sa malalaking

pulo nagmumula ang mga kailangang produkto ng

maliliit na pulo sa paligid nito. Ang lalawigan ng Cebu

ang pinagkukuhaan ng Bohol ng iba’t ibang produkto

tulad ng palay, mais, rootcrop, mga gulay, at mga

prutas. Sa Palawan naman nagmumula ang mga

mineral tulad ng nickel at tanso, at mga torso na

dinadala sa iba’t ibang lalawigan sa Pilipinas.

Page 12: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 13: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Mga Mabulubundukin at Magubat na

Lalawigan– ang mga lalawigan ng Ifugao,

Mountain Province, at Bukidnon ay

mabulubundukin at magubat na lupain. Dahil

sa mataba ang lupa at malamig ang klima sa

mga lalawigang ito, maraming gulay at

halamang namumunga ang mainam itanim

sa mga ito. Marmi ring uri ng puno na

maaaring magamit bilang torso at

panggatong. Nakakukuha rin ng

mahahalagang mineral tulad ng ginto at

bakal sa mga bundok.

Page 14: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Gayunman, may mga produkto gaya ng isda

at asin na kulang sa pangangailangan ng

mga tao sa mabulubunduking lalawigan. Sa

Rehiyon ng Ilocos nagmumula ang

pangangailangan ng Ifugao at Mountain

Province para sa mga produktong ito.

Samantalang ang Bukidnon ay nakakukuha

naman ng mga produktong ito sa lalawigan

ng Misamais Oriental at sa Lungsod ng

Cagayan de Oro.

Page 15: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 16: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com

Mga Patag na Lalawigan– Ang Tarlac,

Pampanga, at Negros Occidental, ay

ilan sa mga lalawigan na may

malalawak na kapatagan. Ang

karaniwang mga produktong inaani

mula sa mga lupain ay palay, mais,

tubo, at iba’t ibang uri ng prutas at

gulay. Sa mga lupaing ito karaniwang

nagmumula ang mga produktong

ibinebenta sa mga lungsod at mga

karatig na lalawigan.

Page 17: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com
Page 18: Ang Kalakalan ng mga Rehiyon - chatphils.com