ang mapanagutang paggamit ng kalayaanbnvhsmodules.com/wp-content/uploads/2020/10/esp-10... ·...

20
Edukasyon sa Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.3(Week 6): Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan 10

Upload: others

Post on 15-Feb-2021

69 views

Category:

Documents


3 download

TRANSCRIPT

  • Edukasyon sa

    Pagpapakatao Unang Markahan – Modyul 3.3(Week 6):

    Ang Mapanagutang Paggamit ng

    Kalayaan

    10

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Edukasyon sa Pagpapakatao – Ika-sampung Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 3.3 (Week 6): Ang Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Kalihim: Leonor Magtolis Briones Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

    Inilimbag sa Pilipinas ng:

    Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province Office Address : IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax : (032) 255-6405

    E-mail Address : [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Jocelyn P. Anguring

    Editor: Jane O. Gurrea

    Tagasuri: Hipolito Q. Pegarido Jr.

    Tagaguhit: Jocelyn P. Anguring

    Tagalapat: Ruth Angelie S. Carin

    Management Team

    Schools Division Superintendent - Dr. Marilyn S. Andales, CESO V

    Assistant Schools Division Superintendent - Dr. Cartesa M. Perico

    Dr. Ester A. Futalan

    Dr. Leah B. Apao

    Chief, CID Dr. Mary Ann P. Flores

    EPS in LRMS Mr. Isaiash T. Wagas

    EPS in EsP Mrs. Jane O. Gurrea

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Edukasyon sa

    Pagpapakatao 10 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul

    para sa araling Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at

    sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at pampribadong

    institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang

    matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda

    ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang

    pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-

    aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain

    ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong

    matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga

    kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang

    mga pangangailangan at kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto,

    makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang

    kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito.

    Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila

    habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling

    pagkatuto.

    Mga Tala para sa Guro

    Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o

    estratehiyang magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iii

    Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

    gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing

    nakapaloob sa modyul.

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa Edukasyon sa Pagpapakatao 10

    ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul ukol sa

    Mapanagutang Paggamit ng Kalayaan.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong

    pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-

    aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong

    madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat

    mong maunawaan.

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo

    ang mga dapat mong matutuhan

    sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin

    kung ano na ang kaalaman mo sa

    aralin ng modyul. Kung nakuha mo

    ang lahat ng tamang sagot (100%),

    maaari mong laktawan ang

    bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-

    aral upang matulungan kang

    maiugnay ang kasalukuyang aralin

    sa naunang leksyon.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • iv

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin

    ay ipakikilala sa iyo sa maraming

    paraan tulad ng isang kuwento,

    awitin, tula, pambukas na suliranin,

    gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng

    maikling pagtalakay sa aralin.

    Layunin nitong matulungan kang

    maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para

    sa mapatnubay at malayang

    pagsasanay upang mapagtibay

    ang iyong pang-unawa at mga

    kasanayan sa paksa. Maaari mong

    iwasto ang mga sagot mo sa

    pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng

    modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga

    katanungan o pupunan ang

    patlang ng pangungusap o talata

    upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing

    makatutulong sa iyo upang

    maisalin ang bagong kaalaman o

    kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • v

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong

    matasa o masukat ang antas ng

    pagkatuto sa pagkamit ng

    natutuhang kompetensi.

    Karagdagang

    Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa

    iyong panibagong gawain upang

    pagyamanin ang iyong kaalaman

    o kasanayan sa natutuhang aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang

    sagot sa lahat ng mga gawain sa

    modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng

    modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan

    ng anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul.

    Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga

    pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba

    pang gawaing napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat

    pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa

    ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng

    pinagkuhanan sa paglikha o

    paglinang ng modyul na ito.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • vi

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba

    pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy

    kung tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain

    sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang

    inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong

    kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man

    sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo.

    Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito,

    makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha

    ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.

    Kaya mo ito!

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 1

    Alamin

    Panimula

    Ang tao ay nilikha ayon sa “wangis ng Diyos kaya ikaw ay

    isang natatanging nilalang na nabubuhay sa mundong ito.

    Mayroong kang taglay na kakayahan na siyang nagpapabukod-

    tangi sa iyo. Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliwanag sa iyo na ang

    nagpabukod-tangi sa iyo ay ang iyong isip upang may

    kapangyarihan kang mangatuwiran at kilos-loob upang may

    kakayahan kang pumili, magpasiya, at isakatuparan ang pinili.

    Base sa mga nagdaang modyul, naipaliliwanag sa iyo na

    ang kakayahang magpasiya t kumilos nang may katuwiran ay

    ang pagpapahalaga sa kapuwa at paglalagay sa kanila na una

    bago ang sarili at ang tumugon sa kung ano ang

    pangangailangan ng kaniyang kapuwa. Ito ang ibig sabihin ng

    pagmamahal at paglilingkod. Kaya mahalaga na pag-aralan mo

    ang iyong mga pasiya at kilos kung ang mga ito ba ay

    nagpagpapatunay na ikaw ay malaya na may kakayahang

    tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

    Sa modyul na ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

    1. Naipaliliwanag na ang tunay na kalayaan ay ang kakayahang

    tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod;

    2. Nailalarawan ang kahalagahan ng pagmamahal at

    paglilingkod; at

    3. Napapatunayan na ang tunay na kalayaan ay ang

    kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at

    paglilingkod.

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 2

    Panuto: Lagyan ng tsek (√) kung ang sitwasyon ay nagpapakita sa

    tunay na kahulugan ng kalayaan sa pamamagitan ng kakayaahang

    tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod at ekis (X) kung hindi.

    _______1. Nangngailangan ng tulong ang kapitbahay ni Dan, kaya kahit

    kararating lang niya galing trabaho, tinutulungan pa rin niya ito.

    _______2. Kusang-loob na nagbibigay ng tulong si Hanna sa mga taong

    biktima ng sunog sa karatig na barangay.

    _______3. Mahirap man o mayaman pantay na ipinatupad ang katarungan

    ng lokal na pamahalaan.

    _______4. Aktibong nagtuturo ng katesismo ng mga Grade 10 na mag-aaral sa

    mga batang lansangan.

    _______5. Kapag may mga bulontaryong aktibiti sa komunidad, hindi lalabas

    ng bahay si Mark

    _______ 6. Nakiiisa si Fe sa anumang proyektong inilunsad para sa pagtatamo

    ng kaunlaran.

    _______7. Hindi puwedeng madistorbo si Bea dahil gusto niya palagi ang

    mataas na marka kaya umiiwas siya kung kung may hihingi ng tulong sa

    kanilang aralin.

    _______ 8. Upang makatutulong sa kahirapan ng pamilya, pinahihinto muna sa

    pag-aaral ng kaniyang mga magulang si Lea.

    _______ 9. Magaling si Larry sa pagguhit ngunit sa tuwing may aktibiti sa

    paaralan, hindi siya papasok.

    _______10. Natakot si Betty na magsumbong sa kanilang guro dahil baka hindi

    na siya kikibuin ng kaniyang kaibigan, kaya hinahayaan lamang niya itong

    mangopya sa panahon ng pasulit.

    Subukin

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 3

    Balikan

    Panuto: Suriin nang mabuti ang ipinahihiwatig sa larawan. Sagutin ang

    mga tanong sa kwaderno.

    A. B. C.

    Mga Tanong:

    1. Ano-ano ang kilos na ipinakita ng mga tao sa larawan?

    A. ______________ B. ______________ C. ______________

    2. Ano ang mensahe ipinahahayag ng mga kilos na ito?

    ______________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________

    3. Paano ba napapatunayan ng mga kilos na ipinakikta sa mga

    larawang ito ang tunay na kahulugan ng kalayaan?

    ______________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________

    4. Ikaw, paano mo ba mapapatunayan ang tunay na kahulugan ng

    kalayaan?

    ______________________________________________________________________

    ______________________________________________________________________

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 4

    Panuto: Natatandaan mo ba ang buhay ni Joey Velasco sa mga

    nagdaang modyul? Balikan mo ang buhay ni Joey Velasco.

    Sa kanyang kakayahan sa sining, natuklasan ni Joey Velasco ang

    kaniyang misyon sa buhay: ang espiritwal na pagpapahayag ng kawalan ng

    katarungan sa lipunan. Isa sa mga larawan sa kaniyang canvass ay ang

    “Hapag ng Pag-asa,” ang kaniyang bersiyon ng Huling Hapunan na

    naglalarawan kay Hesus na kasama ang mga batang lansangan sa halip na

    mga Apostoles.

    Ngayon, suriin ang larawan nang mabuti. Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

    Sundin ang pormat na ibinibigay bilang gabay. Isulat ang sagot sa kwaderno.

    Gabay na tanong:

    1. Ano ang iyong sariling interpretasyon sa larawan ng “Hapag ng Pag-asa?

    2. Ano kaya ang mensahe o inspirasyon o hamon ng larawang ito para sa iyo

    at sa lipunan?

    3. Paano ipinakita ni Joey Velasco ang kanyang kakayahan sa

    sining/pagguhit bilang tunay na kahulugan ng kalayaan: ang tumutugon sa

    tawag pagmamahal at paglilingkod?

    JOEY VELASCO

    HAPAG NG PAG-ASA

    Tuklasin

    1

    Sariling

    interpretasyon

    2 3

    Mensahe/Inspir

    as-yon/Hamon

    Bilang tugon sa

    tawag ng

    pagmamahal at

    paglilingkod

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 5

    Suriin

    Panuto: Ano nga ba ang tinutukoy na kakayahan sa araling ito? Lahat

    ba ng tao ay may kakayahang tumugon sa tawag ng paglilingkod at

    pagmamahal?

    Basahin at unawain ang sumusunod na sanaysay. Suriing mong mabuti

    ang nilalaman nito tungkol sa kakayahan ng tao tumugon sa tawag ng

    pagmamahal at paglilingkod.

    Noong nasa Baitang 7 ka, naipaliliwanag sa iyo ang kahalagahan ng

    pagpapaunlad ng kakayahan at talento. Ayon Sa aklat na 7 Habits of Highly

    Effective Teens, ibinahagi si Stephen Covey na bawat tao ay may talento at

    kakayahan. Kadalasan ang nabibigyan lamang ng pansin ay yaong

    makaaagaw ng pansin tulad ng mala-anghel na pag-aawit o ang makapigil

    hiningang pag-ikot pataas ng isang siklista. Maraming mga kakayahan na

    bagamat hindi napapansin ay mahalaga tulad ng kakayahang patawanin

    ang iba, kakayahang makinig, mapagbigay, mapagpatawad o maging

    kaibig-ibig sa iba. Kaya tayong lahat ay may kakayahang tumugon sa tawag

    ng pagmamahal at paglilingkod sa paraang alam natin.

    Sa Baitang 8 naman, natutunan mo na ang makabuluhang

    pakikipagkapwa ay pagtugon sa pangangailangan ng iba ng may paggalang

    at pagmamahal. Ito ay nagpapakita na ang tao ay isang Panlipunang Nilalang

    (Social Being). Ang ibig sabihin nito ay nilikha ng Diyos ang tao ayon sa larawan

    at wangis Niya; binigyan siya ng taong makakasama at makakatulong. Kaya’t

    ang panlipunang aspekto ng pagkatao at ang kakayahan ng tao na makipag-

    ugnayan sa kaniyang kapwa ay likas sa kaniyang pagkatao o social nature of

    human beings (Pontifical Council for Justice and Peace, 2004).

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 6

    Paano ba maiuugany ang kakayahan ng tao na magmahal at

    makikipagkapuwa bilang isang panlipunang nilalang tungo sa tunay na

    kahulugan ng kalayaan?

    Balikan naman natin ang kahulugan ng tunay sa kalayaan sa Modyul

    9 sa Baitang 10.

    LIPIO (2004) – “Ang tunay na kalayaan ay hindi sariling kalayaan ng tao na

    hiwalay sa sambayanan kundi isang kalayaang kabahagi ang kaniyang

    kapuwa sa sambayanan. Ginagamit ang kalayaan sa pakikipagkapuwa-

    tao sapagkat ang tunay na kalayaan ay ang pagpapahalaga sa kapuwa:

    ang magmahal at maglingkod.”

    JOHANN - “Ang tunay na kalayaan ay ang makita ang kapuwa at

    mailagay siyang una bago ang sarili. Gagamitin niya ang kaniyang kalayaan

    para tumugon sa hinihingi ng sitawasyon at pagkakataon. Ito ang diwa ng

    pagmamahal sa kapuwa. Samakatuwid, kailangang maging malaya ang tao

    mula sa mga pansariling hadlang (makasariling interes, pagmamataas,

    katamaran, kapritso, pagkamanhid, at iba pa) upang maging malaya siya

    para sa pagtugon sa pangangailangan ng kaniyang kapuwa – ang magmahal

    at maglingkod.”

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 7

    Naunawaan at naisapuso mo na ba ang iyong binasa? Upang

    masubok ang lalim ng iyong naunawaan, sagutan mo ang mga sumusunod.

    Isulat ang OO kung ang pangungusap ay tama at HINDI kung mali.

    ______1.Mahalagang tuklasin at paunlarin ang angking kakayahan at talento

    ng tao upang makapaglingkod sa pamayanan.

    ______2. Kung ang iyong paglilingkod sa kapuwa ay may hinihintay na kapalit

    ito ay nagpapakita ng pagmamahal at paglilingkod.

    ______3. Ang lahat ng tao ay may kakayahan at talento ngunit hindi lahat ay

    nabibigyan ng pansin gaya ng mapagbigay, mapatawad, at iba pa ayon kay

    Stephen Covey.

    ______4. Nilikha ng Diyos ang tao bilang isang nilalang na may kakayahang

    makikipag-ugnayan sa kaniyang kakilala.

    ______5. Ang totoong diwa ng pagmamahal at paglilingkod ay pagtuunan

    muna ang pansin ang sarili bago ang kapuwa.

    ______6. Ang taong responsable o mapanagutang sa kaniyang kilos ay ang

    totoong malaya.

    ______ 7. Kailangan maging malaya ang tao sa panlabas na hadlang upang

    maging malaya siyang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod.

    ______8. Ang taong bilang isang panlipunang nilalang (social being) ay iba sa

    lahat na nilikha ng Diyos kaya namumuhay siya na mag-isa.

    ______9. Bilang isang panlipunang nilalang, ang bawat tao ay may ugnayan

    sa isa’t isa.

    ______10. Dahil ang tao ay may ugnayan sa isa’t isa , lahat ay may

    pananagutan sa bawat isa.

    Pagyamanin

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 8

    Gawain A. Basahin at unawain nang mabuti ang isang saknong ng tula

    tungkol sa pakikipagkapuwa.

    Tanong:

    Batay sa tula, sa anong paraan napatutunayan na ang tunay na

    kalayaan ay ang kakayahang tumugon sa tawag ng pagmamahal at

    paglilingkod? Isulat sa iyong kwaderno ang sagot.

    ___________________________________________________________________________

    ___________________________________________________________________________

    Gawain B. Sa iyong palagay, ano ang posibleng dahilan (bigyang

    pokus ang katangian ng tao) at epekto sa tao at komunidad kung hindi

    napapatunayan at naipakikita ng tao ang kanyang kakayahang tumugon sa

    tawag ng pagmamaahal at paglilingkod? Magtala ng isang (1) dahilan at

    tatlong (3)epekto sa loob ng kahon. Sundin ang pormat sa ibaba. Isulat sa

    kwaderno.

    Dahilan at Epekto

    Isaisip

    Kung ang kapwa ay minamahal nang lubusan

    Sa bawat pagkakataon, tunay siyang paglingkuran

    Ibahagi ang sarili, makipag-ugnayan nang makabuluhan

    Kapanatagan, kaligayahan, at kaganapan, ating ngang makakamtan

    -ecm

    DAHILAN

    EPEKTO

    EPEKTO

    EPEKTO

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 9

    Panuto: Balikan mo ang aktibiti sa “BALIKAN” na bahagi ng modyul na

    ito. Batay sa ipinakitang mga kakayahan o gawain sa larawan, alin sa mga ito

    ang nagpapatunay sa tunay na kahulugan ng kalayaan: tumugon sa tawag

    ng pagmamahal at paglilingkod na kadalasan mong nagawa? Pumili lamang

    ng isang gawain o kakayahan. Isulat ang sagot sa kuwaderno. Sundin ang

    pormat sa ibaba.

    Tayahin

    Ang Aking Angking Kakayahan at Talento: Tugon sa Tawag ng Pagmamahal

    at Paglilingkod

    Suriin mo ang iyong sarili. Ano ang kakayahan o talento mayroon ka?

    Paano ito nagpapatunay sa tunay na kahulugan ng kalayaan: ang tumugon

    sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod? Magbigay ng isang karanasan

    A. Ang aking kakayahan o talento ay _______________________.

    B. Ang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod ng ako sa

    pamamagitan ng _______________________________________.

    C. Karanasan: ______________________________________________.

    Isagawa

    Ang gawain/kakayahan na

    nagpapatunay sa tunay na

    kahulugan ng kalayaan:tumugon

    sa tawag ng pagmamahal at

    paglilingkod ay____________.

    dahil

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 10

    Karagdagang Gawain

    Panuto: Magsalisik sa talambuhay ni Emmanuel “Manny” Dapidran

    Pacquiao na makikita sa website na ito: https://www.philstar.com/pang-

    masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-

    pacquiao.

    Suriin ang kaniyang pagkatao bilang isang nilalang na bukod-tangi

    dahil sa taglay na kalayaan. Gamitin ang iyong sariling paglalarawan o

    pangungusap. Gawing gabay ang pormat sa ibaba. Isulat ang sagot sa

    kuwaderno.

    1. Paano napapatunayan ni Manny Pacquiao na ang tunay na kalayaan ay

    ang tumugon sa tawag ng pagmamahal at paglilingkod ?

    2. Bilang Bible Ambassado:

    __________________________________________________________.

    3. Bilang Asawa at Ama:

    __________________________________________________________.

    4. Bilang Kaibigan:

    __________________________________________________________.

    5. Bilang Pilantropo:

    __________________________________________________________

    https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaohttps://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaohttps://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaoUserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 11

    Susi sa Pagwawasto

    Subukin

    1.C

    2.B

    3.D

    4.A

    5.B

    Tuklasin

    Answer may vary

    Balikan

    Answer may vary

    Pagyamanin

    1.Tama

    2.Mali

    3.Tama

    4.Mali

    5.Tama

    Tayahin

    Answer may vary

    Isagawa

    Answer may vary

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • 12

    Sanggunian:

    Covey, Stephen (1998). The 7 Habits of Highly Effective Teens. Fireside: Simon

    and Schuster Inc. N.Y., Pahina 73-104

    Lipio, F. (2004). Konsiyensiya Para sa mga Katolikong Filipino. Mandaluyong

    City. National Bookstore

    Pontifical Council for Justice and Peace. Compendium of the social doctrine

    of the Church. Makati: Word and Life Publications, 2004.

    Mula sa Internet:

    https://jayryanga.wordpress.com/2012/08/09/ibat-ibang-mukha ng-

    pagtulong-sa-panahon-ng-kalamidad/

    https://medium.com/@forschoolshericecervantes/sertipiko-ng-parangal-

    f5afae0aa861

    https://kami.com.ph/84214-3-estudyante-pinahanga-ang netizens-sa-

    pagtulong-sa-1-matandang-sorbetero.html

    https://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/07/21/10/joey-velasco-

    %E2%80%98hapag-ng-pag-asa%E2%80%99-painter-43

    https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-

    ibang-personalidad-ni-manny-pacquiao

    http://pusongpamilya.com/inspiring-pinoy-joey-velasco-art-enriching-life/

    https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-

    ibang-personalidad-ni-manny-pacquiao .

    https://jayryanga.wordpress.com/2012/08/09/ibat-ibang-mukha%20ng-pagtulong-sa-panahon-ng-kalamidad/https://jayryanga.wordpress.com/2012/08/09/ibat-ibang-mukha%20ng-pagtulong-sa-panahon-ng-kalamidad/https://medium.com/@forschoolshericecervantes/sertipiko-ng-parangal-f5afae0aa861https://medium.com/@forschoolshericecervantes/sertipiko-ng-parangal-f5afae0aa861https://kami.com.ph/84214-3-estudyante-pinahanga-ang%20netizens-sa-pagtulong-sa-1-matandang-sorbetero.htmlhttps://kami.com.ph/84214-3-estudyante-pinahanga-ang%20netizens-sa-pagtulong-sa-1-matandang-sorbetero.htmlhttps://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/07/21/10/joey-velasco-%E2%80%98hapag-ng-pag-asa%E2%80%99-painter-43https://news.abs-cbn.com/video/lifestyle/07/21/10/joey-velasco-%E2%80%98hapag-ng-pag-asa%E2%80%99-painter-43https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaohttps://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaohttp://pusongpamilya.com/inspiring-pinoy-joey-velasco-art-enriching-life/https://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaohttps://www.philstar.com/pang-masa/pm-sports/2016/12/08/1651354/ibat-ibang-personalidad-ni-manny-pacquiaoUserVersion 2.0

    UserDMWMark

  • Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education, Region VII, Division of Cebu Province

    Office Address: IPHO Bldg., Sudlon, Lahug, Cebu City

    Telefax: (032) 255-6405

    Email Address: [email protected]

    UserVersion 2.0

    UserDMWMark