ang mga estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng

28
ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA Posted on March 29, 2013 by filipinotek PAMAGAT: MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO TARGET: MASTER OF ARTS IN EDUCATION (Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA LAYUNIN: 1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika). 2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika. 3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng wika. 4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo. 1. I. Ang mga Katangian ng Isang Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa: 1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral. 2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.

Upload: irene-banuelos

Post on 16-Jan-2016

3.169 views

Category:

Documents


157 download

DESCRIPTION

lllll

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKAPosted on March 29, 2013 by filipinotek

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK: ANG MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO NG WIKA AT ANG PAMARAANG KOMUNIKATIB SA PAGTUTURO NG WIKA

LAYUNIN:

1. Nalalaman ang iba’t ibang katangian ng isang mabuting estratehiya sa pagtuturo at ang iba pang makabagong paraan sa pagtuturo nito (wika).

2. Natatalakay ang ang mga paraan/estratehiya at pagdulog sa pagtuturo ng wika.3. Napalalawak ang kaalaman sa paggamit ng pamaraang komunikatib sa pagtuturo ng

wika.4. Nabibigyang-halaga ang iba’t ibang estratehiya sa pagtuturo ng wika at ang pamaraang

komunikatib para sa makabuluhang pagtuturo.

 

1. I.   Ang mga Katangian ng Isang Mabisang  Estratehiya sa Pagtuturo

Nasa ibaba ang talaan ng panukatan sa pagpili ng estratehiyang gagamitin sa pagtuturo ng Filipino na ipinalalagay na mabisa:

1. Angkop sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral.2. Bungan g pagtutulungan ng guro at ng mga mag-aaral.3. Nagtataglay ng probisyon para sa pagkakaiba-iba ng mga mag-aaral.4. Nagsasaalang-alang sa mga nakaraang karanasan ng mga mag-aaral.5. Humahamon sa kakayahan ng mga guro at mga mag-aaral.6. Nagtataglay ng maayos na pagkakasunud-sunod ng mga hakbang.7. Nakaaakit sa aktibong partisipasyon ng klase.8. Bunga ng masusing paghahanda ng gurong nagsasagawa nito.9. Nakatutulong sa ikatutupad ng layunin ng pagtuturo.

Page 2: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

10. Nagsasaalang-alang sa mga batas o simulain ng pagkatuto.

 

1. II.            Ang mga Estratehiya sa Pagtuturo ng Wika

EDCOM REPORT – nagpanukala na maging midyum ng pagtuturo ang Filipino sa pagsapit ng taong 2000.

1. Sa una, ikalawa at ikatlong baiting ay bernakular ang midyum ng pagtuturo para sa lahat ng asignatura.

2. Sa ikatlong baiting, ipapasok ang Ingles bilang hiwalay na subject at patuloy na ituturo bilang hiwalay na subject hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

3. Sa ikaapat na baiting, Filipino ang midyum ng pagtuturo at patuloy na magiging wika ng pagtuturo para sa lahat ng subject maliban sa Ingles, hanggang sa ikaapat na taon ng haiskul.

4. Sa malaon, ililipat sa Filipino ang edukasyong teknikal-bokasyunal.5. Sa pagkilala sa karapatan sa academic freedom ng mga institusyon ng higit na mataas na

larangan, dapat ipaubaya sa DepEd ang pagpili ng wika ng pagtuturo sa edukasyong pangkolehiyo.

6. Sa taong 2000, lahat ng asignatura matangi sa Ingles at iba pang mga wika ay ituturo sa pamamagitan ng Filipino.

 

1. III.         Ang Ibang Makabagong Pananaw sa Pagtuturo ng Wika

Malaki na ang pagbabagong nagaganap sa kalakaran ng pagtuturo ng wika.

             NOON- Kaalamang istraktural o kayarian ng wika ang pinagtutuanan ng pansin

NGAYON- Paglinang ng kahusayan sa paggamit ng wika, kasanayan sa pakikipagtalastasan o ang kasanayang KOMUNIKATIB. Ano nga ba ang kasanayang KOMUNIKATIB?

Ayon kay CHOMSKY, ang kasanayang komunikatib ay magkasamang  language competence (kaalaman sa wika) at language performance (kakayahan sa paggamit ng wika).

TITON, ang kasanayan sa wika ay hindi lamang sa kaalaman sa gramatika o sa tuntuning gramatikal kundi gayundin ang kasanayan sa angkop at matagumpay na pag-unawa at pagpapaunawa ng nais ipahayag ng nag-uusap.

 

Narito naman ang komponents na kailangan upang makapagsalita at matanggap ng lipunan na binuo ni Hymes sa akronim na SPEAKING.

Page 3: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

SPEAKING ni Hymes. . . .

            S-Setting (saan nag-uusap)

P-Participants (sino ang nag-uusap)

E-Ends (ano ang layon ng pag-uusap)

A-Act Sequence (paano ang sunud-sunod na gawain, pagbati, pangungumusta, pagtatanong)

K-Keys (anong istilo o speech register, pormal o di-pormal)

I-Instrumentalities (kung pasalita o pasulat)

N-Norms (ano ang paksa ng usapan)

G-Genre (ano ang uri ng pagpapahayag)

 

1. IV.        Ang mga Paraan/Estratehiya at Pagdulog sa Pagtuturo ng Wika

Limang gamit ng wika ang maaaring iugnay sa ideya at kaisipan ng mga mag-aaral: personal, interpersonal, directive, referential at imaginative.

Dahil sa kasanayang komunikatib, hindi tinatalikuran ang pagtuturo ng kayarian ng wika kundi binibigyang-diin ang paglinang ng kakayahang umunawa at gumamit ng mga wastong pananalita sa aspetong pambalarila.

Mahalaga sa pagkatuto ng wika ang mga sumusunod na estratehiya gaya ng inilalarawan sa dayagram.

1. V.   Ang Pamaraang Komunikatib sa Pagtuturo ng Wika2. A.  Ano ang Pamaraang Komunikatib?

Nag-ugat  sa notional-functional approach na pinaunlad ni David Wilkins ng Britanya. (pokus sa mensahe kaysa sa porma o istruktura)

Pinansin at binago ni Wilkins ang kanyang sariling pagtuturo ng wika.

1. B.     Ang Batayan ng Pamaraang Komunikatib

Iba’t iba ang batayang lumalaganap na teorya ng communicative competence. Pinakapopular ang batayang pinaunlad ni Michael Canale at Merril Swain. Ayon sa kanila may apat aspekto o elemento ng communicative competence

Page 4: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

1. Linguistic Competence-kakayahang umunawa at makagawa ng mga istruktura sa wika na sang-ayon sa mga tuntunin sa gramatika.

2. Socio-Linguistic Competence-isang batayang interdisciplinary.  Nakakaunawa at nakagagamit ng kontekstong sosyal ng isang wika.

3. Discourse Competence-may kinalaman sa pag-unawa, hindi ng isa-isang pangungusap kundi ng buong diskurso.

4. Strategic Competence-Wala raw taong perpekto ang kaalaman tungkol sa kanyang wika at nakagagamit ng kaalamang ito sa tuwina na walang problema. (Coping o survival Strategies)

 

1. C.     Ang mga Dapat Tandaan sa Paggamit ng Pamaraang Komunikatib

Ano ang mga prinsipyong sinusunod ng pamaraang komunikatib?

ü  Una, sa paggamit ng wika, malinaw sa mga makikipagtalastasan kung ano an konteksto ng talastasan.

ü  Pangalawa, ang wika ay isang kasangkapan sa pakikipagtalastasan, di katulad noong araw na ang gawain ng guro ay ituro partas o istruktura ng wika na gumagamit ng mga pagsasanay tulad ng  substitution drills, pattern practice at iba pa.

ü  Pangatlo,higit na mahalaga sa gumagamit ng pamaraang komunikatib kung gaano kahusay sa pakikipagtalastasan sa wika ang isang tao, hindi kung gaano ang nalalaman sa gramatika ng isang wika.

ü  Pang-apat, mahalagang gamitin sa loob ng klase ang mga sitwasyong tunay na tumatawag sa pakikipagtalastasan.

ü  Panlima, may iba’t ibang antas ng communicative competence, lalo na hindi maasahan na ang isang hindi negative speaker ay magiging mahusay sa bawat uri ng pakikipagtalastasan.

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN 1. A.   Paghambingin ang mga sumusunod:

1. estratehiyang tuwiran at estratehiyang di-tuwiran2. language competence at language performance3. socio-linguistic competence at discourse competence4. linguistic competence at strategic competence5. B.   Sagutin at pagbigyang paliwanag ang mga sumusunod na

katanungan: 1. Sa iyong palagay, bakit kailangang  ang estratehiyang gagamitin sa

pagtuturo ay dapat na nakaugnay sa kakayahan at kawilihan ng mga mag-aaral? Maglahad ng mga patunay.

Page 5: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

2. Anu-ano ang kahalagahan ng pagkakaroon ng iba’t ibang makabagong  kaalaman sa mga estratehiya sa pagtuturo?

3. Ano ang pamaraang komunikatib? Paano ito nakatutulong sa mabisang pagtuturo ng wika?

4. II.      PAGLALAPAT 1. Muling ilahad ang nilalaman ng akronim na SPEAKING ni

Hymes pagkatapos ay bumuo ka ng isang sitwasyon na aangkop dito.

 

 

 

 

 

PAMAGAT:  MAKABAGONG PARAAN NG PAGTUTURO NG FILIPINO

TARGET:  MASTER OF ARTS IN EDUCATION

(Major in Filipino Language Teaching) MAED – FLT

TAPIK:   ANG PAGTUTURO NG FILIPINO SA BINAGONG KURIKULUM

LAYUNIN:

1. Napalalawak ang kaalaman sa binagong kurikulum tungo sa pagtamo ng layunin sa pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas ng pag-aaral.

2. Natatalakay at nasusuri ang iba’t ibang estratehiya/pagdulog na nakapaloob sa binagong kurikulum sa iba’t ibang antas ng pagtuturo ng Filipino.

3. Nalalaman ang kalagayan ng nakaraan at kasalukuyang kalagayan ng pagtuturo ng Filipino sa batayang edukasyon.

4. Nabibigyang-halaga ang kurikulum ng batayang edukasyon ng 2002 sa mga naisin nitong mapaunlad ang pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas.

 

1. A.   Ang mga Kasanayang Pangwika sa Pagtatamo ng kasanayang Akademik

–  Pinangunahan ng Kagawaran ng Edukasyon ang pagrereistruktura ng kurikulum sa batayang edukasyon dahil sa mga sumusunod na dahilan:

Page 6: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

1. Higit na magiging malikhain o inobatibo sa interdisiplinari ang mga guro  sa kanilang mga estratehiya sa pagtuturo.

2. Higit na mahahamon ang mga mag-aaral na makapag-isip nang kritikal upang mahikayat silang masikap na matamo ang kanilang interes o pangarap sa buhay.

3. Interaktib ang pinakaideyal na proseso ng pagtuturo at pagkatuto.4. Magkakaroon ng resiprokal na interaksyon ang mga guro at mga mag-aaral sa iba’t ibang

disiplina, sa mga gagamiting kagamitang paturo at multi-media sources.5. Kasangkapan ang wikang Filipino sa pakikipagkomunikasyong sosyal at interpersonal at 

ito’y behikulo sa pagtuturo ng mga disiplinang itinuturo sa Filipino.

Sa ginawang pagrebyu ng DepEd sa dating kurikulum sa Filpino lumitaw ang mga sumusunod na obserbasyon:

(1)   Paulit-ulit lamang ang istrukturang gramatikal na itinuro mula elementary hanggang tersyarya. Hindi pang-linggwistika ang pagsusuri at pag-aanalisang ginagawa

(2)   Hindi maihanda ang mga mag-aaral tungo sa pagpapalawak ng kaalamang kailangan sa pag-aaral sa kolehiyo.

(3)   Hindi lubusang nalilinang ang apat na komponent ng kasanayang komunikatibo (kaalamang gramatikal, kaalamang diskorsal, kaalamang istratedyik at kaalamang sosyo-linggwistik.)

(4)   Hindi wastong natatalakay ang panitikan bilang isang disiplina.

(5)   Hindi halos napagtutuunan ng pansin ang paglinang sa mga kasanayan at kaalaman sa maunawang pagbasa at malikhaing pagsulat.

(6)   Hindi lubusang nakatutulong upang matutuhan ng mga mag-aaral ang iba pang sabdyek na ginagamitan ng Filipino bilang wikang panturo at

(7)   Nananatiling napakababa ang iskor sa NSAT (kabuuang 64% sa loob ng 3 taon)

 

Napagpasyahang magkaroon ng pagrepokus sa kurikulum ng Filipino sa batayang framework.

ü  nilinaw na ang pangunahing mithiin sa pagtuturo ng Filipino ay ang makalinang ng mag-aaral na pangkomunikasyon.(gramatikal, diskirsal,istratedyik at sosyo-linggwistik)

ü  Tiniyak na ang diskripsyon ng Filipino bilang isang sabdyek.

ü  bilang pantulong na sabdyek sa elementary, bibigyan ng diin ang paglinang ng apat na kasanayang makro at kaisipang Pilipino.

lebel 1-3, idedebelop ito sa mga komunikasyong sitwasyunal sa tulong ng iba’t ibang awtentikong materyal.

Page 7: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

lebel 4-6, lilinang naman sa paggamit ng Filipino sa malikhain at kritikal na pag-iisip

ü  Sa lebel sekundarya,makikilala bilang Filipino sa iskolarling pakikipagtalastasan.

Sa unang dalawang taon, ang pokus ay gramatika at pagbasa (1-2) sa huling dalawang taon naman ay panunuring pampanitikan.(3-4)

ü  Maibubuod sa mga sumusunod na katangian ng pagtuturo ng Filipino ayon sa bagong kurikulum.

a)      May integrasyon ng apat na makrong kasanayang pangkomunikasyon at mga kasanayan sa pag-aaral.

b)      Pinalalawak o pinayayaman sa pamamagitan ng integrasyon ng bokabularyo, mga pagpapahalaga o values at mga kompetensi mula sa Agham Panlipunan at iba pang lawak ng makabayan.

c)      Nakapokus sa paglinang ng mga kasanayan sa akademikong wika at mga kasanayan sa batayang komunikasyong interpersonal at sosyal.

d)     Nakasentro sa pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng akses na matutuhan ang nilalaman anuman ang anyo nito-teksto, grap, ilustrasyon at iba pa.

e)      May interaksyong mag-aaral-guro-teksto at multimedia.

f)       Humahamon sa mga mag-aaral upang mapag-isip ng kritikal at malikhain sa target na wika.

g)      Binibigyang-diin ang aktibasyon at integrasyon ng dating kaalaman, ginagamit ng mga alternatibong paraang ebalwasyon, kooperatib/kolaboratibong pagkatuto, scaffolding at paglinang ng mga estratehiya sa pag-aaral.

h)      Hinihikayat ang mga mag-aaral na magkaroon ng control sa disenyo ng pagkatuto at pag-oorganisa ng klase

 

KASALUKUYANG KALAGAYAN NG PAGTUTURO

NG FILIPINO SA BATAYANG EDUKASYON

 

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Elementarya sa Batayang Edukasyon

A. DESKRIPSYON

Page 8: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

MGA LAWAK O KASANAYAN SAKLAW NG MGA LAWAK O KASANAYAN

           Ang Filipino bilang isang aralin o asignatura ay lumilinang  sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT at PAG-IISIP.

           Para sa MABISANG PAGTUTURO, ang mga TIYAK NA KASANAYAN ay nililinang sa pamamagitan ng mga sitwasyon ng iba’t-ibang kagamitan sa LUBUSANG PAGKATUTO.

          Bukod sa kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGBASA, PAGSULAT, ang FILIPINO bilang isang aralin ay lumilinang sa kasanayan ng PAG-IISIP.

 

           KONSEPTO NG SIBIKA AT KULTURA, ang NILALAMAN ng Filipino sa una hanggang ikatlong baitang

a. Maaaring gamitin ng Filipino ang nilalaman ng SK/HKS. Ang pokus ay nasa PAGLILINANG ng mga kasanayan sa PAKIKIPAGTALASTA-SAN.

      b.Inaasahang ang mga BATAYANG KASANAYAN sa pagbasa ay matutuhan nang lubusan sa tatlong unang baitang.

 

 

4. NAKALAAN/NAKATAKDANG ORAS SA PAGTUTURO NG FILIPINO

PAGBABAGOBAITANG NESC RBEC PAGBABAGOI-III 60 80 Dagdag na 20 minutoIV-VI 60 60 Walang dagdagPAGBABAGO1. Para sa Baitang I-III, ang pang araw-araw na pagkakabahagi ng oras ay 80 minuto

2. PAGBABAGO SA MGA KASANAYAN O KOMPETENSI SA PAGKATUTO

1. Pagsasaayos ,pagbabawas at pagpapangkat sa kasanayang magkakatulad upang maiwasan ang pag-uulit-ulit ng mga ito.

2. Pagtuon sa mga tiyak o batayang kasanayan3. Pagbibigay diin sa PAGBASA at PAKIKIPAGTALASTASAN para sa pag-unawa sa

mga BATYANG KAISIPAN O KONSEPTO SA MATEMATIKA AT AGHAM.

3. MGA INAASAHANG BUNGA

MITHIIN            Nagagamit ang Filipino sa MABISANG PAKIKIPAGTALASTASAN (pasalita o pasulat) , nagpapamalas ng kahusayan  sa pagsasaayos ng iba’t-ibang impormasyon at mensaheng narinig at nabasa para sa KAPAKINABANGANG PANSARILI at PANGKAPWA at sa patuloy na pagkatuto upang makaangkop sa mabilis na pagbabagong nagaganap sa daigdig.

Page 9: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

samantalang sa Baitang IV-VI ang nakabahagi ay 60 minuto2. May dagdag na 20 minuto sa Baitang I-III. Mula 60 minuto na naging 80 minuto. Walang dagdag sa Baitang IV-VI. 3. Katulad ng sa ENGLISH, WALANG PAGTAAS NG BILANG NG MINUTO SA BAITANG IV-VI sa pagsasaalang-alang na ang BATAYANG KASANAYAN  sa pag-aaral ay natutuhan na sa unang tatlong baitang..

 

 

 

5. MGA DAPAT ISINASAALANG –ALANG SA PAGTUTURO NG FILIPINO

1. PAMAMARAANG PAGSASANIB (INTEGRATIVE METHOD

Integrasyon o pagsasanib ng mga kasanayan/Lawak sa Filipino (Skills –Based Integration)

HULWARAN 1May pagkakataon na maaaring maituro o mapag-ugnay ang limang kasanayan sa isang aralin, kung saan sama-sama o sabayang nalilinang ang limang kasanayan sa mga mag-aaral.Ang paglilinang na gawain ay PAKIKINIG tungo sa PAGSULAT sa paglinang ng mga kasanayan sa PAKIKINIG, PAGSASALITA, PAGSULAT AT PAG-IISIP.Isaalang –alang sa paglinang ng mga kasanayan ang ANTAS ng MASTERI O LUBUSANG PAGKATUTO.HULWARAN 2Sa pagsasanib ng mga kasanayan o lawak, hindi dapat na malinang ang lahat ang lawak o kasanayan nang sabay-sabay.2.  PAGSASANIB NG TIYAK NA KASANAYAN SA FILIPINO SA    NILALAMAN O KONSEPTO NG IBANG ASIGNATURA (CONTENT-BASED INTEGRATIONTANDAANa.) SA BAITANG I-IIISibika at Kultura (SK) ang nilalaman ng Filipino Paglinang sa kasanayan sa Pakikipagtalastasan ang pokus.                        b.)

TEKSTO/BABASAHIN/PAKSANG ARALIN NG SK AT PAGPAPAHALAGA O EKAWP GINAGAMIT NA MGA KAGAMITANG PANLITERATURA (TULA, KWENTO, ALAMAT AT IBA PA)

              Ito’y nagiging LUNSARAN/SPRING BOARD  sa paglinang ng mga kasanayan sa Filipino.                Ang gagamiting LUNSARAN ng ARALIN  ay isang kwento. Ang PAKSA o NILALAMAN ng kwento ay nauukol sa SK  at EKAWP , sa ganitong sitwasyon nalilinang hindi lamang kaalaman sa SK ngunit lalo’t higit ang mga KASANAYAN sa FILIPINO.  BIGYANG DIIN ANG GANITONG PAGSASANIB SA ORAS NG

Page 10: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

 

c.)

TALAKAYAN SA NILALAMAN NG MGA TEKSTO O KAGAMITANG PANLITERATURA NA GINAGAMIT NA LUNSARAN NG PAGLINANG NG KASANAYAN

 

3.

INTERAKTIBONG PAGDULOG (INTERACTIVE APPROACH)

 

GURO

BATA BATA K-PANG

  1 2 PAGTUTURO 

a.)

Mahalaga para sa isang makabuluhan o makahulugang interaksyon (meaningful interaction)

 

b.)

 

Isang gawaing sama-sama (collaborative activity) 

c.)

Pagkakaroon ng komunikasyon o pakikipagtalastasan

   

1.)

Pagpaphayag ng sariling ideya

   

2.)

Pag-unawa sa ideya ng iba

   

3.)

Nakikinig sa iba

   

4.)

Bumubuo ng kahulugan sa isang bigayang konteksto (shared context)

 

Ang Pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya sa Batayang Edukasyon

MGA PANGUNAHING MITHIIN SA PAGTUTURO NG FILIPINO SA SEKUNDARYA SA BATAYANG EDUKASYON1. Ang makadebelop ng isang gradweyt na mabisang komyunikeytor sa Filipino,

kinakailangang taglay niya angm mga kasanayang makro: ang pagbasa, pagsulat, pagsasalita, pakikinig at pag-iisip.

2. Ang makadevelop ng isang mahusay o sanay sa komunikatibong pakikipagtalastasan , nararapat na may kabatiran at kasanayan siya sa apat na komponent ng kasanayang

Page 11: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

komunikatib tulad ng diskorsal, gramatika, sosyo-linggwistik at istratedyik.

 

Sa Huling Dalawang Taon              Ang pokus ay ang pagtatamo ng mapanuring pag-iisip sa pamamagitan ng kritikal na pagbasa at pag-unawa sa iba’t-ibang genre ng panitikan na nakasalin sa Filipino.

 

Sa Apat na TaonBinibigyan ng pansin ang pag-aaral ng Filipino ay ang pagtatamo ng kasanayan sa akademikong wika.Mga Akdang Pampanitikan na Binibigyan ng Pansin sa bawat TaonUnang Taon Ikalawang Taon Ikatlong Taon Ikaapat na Taon Ibong Adarna

 

Florante at Laura Noli Me Tangere El Filibusterismo

Ang Thematic Curriculum

          Ang Thematic Curriculum ay isang set ng mga organisadong karanasan sa pagkatuto gaya ng programa, kurso at iba pang mga gawain pampaaralan na naglalaan sa mga mag-aaral sa higit na malawak at pangnilalamang tema.Ang mga Benepisyong Matatamo sa Paggamit ng Thematic Curriculum1. Oportunidad na matutuhan sa pamamagitan ng higit na kontekstwalisadong mga

karanasan sa pagkatuto.2. Eksposyur sa mga lingkedyes sa pagitan ng pagkatutong ibinase sa paaralan at

pagkatutong nagaganap sa lugar ng paggawa at komunidad.3. Oportunidad na mailantad ang malawakang mga karanasan awtentik.4. Malalim na eksposyur sa kinagigiliwang Gawain.5. Oportunidad na masuri ang malawakang pagkakaloob ng hanapbuhay.6. Higit na malawak na potensyal sa paghahanda ng higit na mataas na edukasyon at

paghahanapbuhay.7. Kakayahang makilala ang mga naiiba at di-pangkariniwang interes

 

Sa Unang Dalawang Taon               Ang binibigyan ng pokus ang masusing pag aanalisa at pag aaral ng mga tiyak na istrukturang gramatikal ng Filipino bilang isang kasabay ng pagtatamo ng  wastong kasanayan sa maunawang pagbasa. Upang matamo ang mga ito, pinagsanib ang mga interdisiplinaring paksa at ang makabagong nakapaloob sa iba’t-ibang uri ng teksto tulad ng mga tekstong prosidyural, reperensyal, journalistic, literasi at politico-ekonomik at ang pagkatuto ng iba’t –ibang istrukturang gramatikal.

Sa Bawat Taon          Binibigyan ng tiyak na atensyon sa paglinang sa pasulat na komunikasyon sa pamamagitan ng eksposyur sa iba’t-ibang uri ng komposisyon at malikhaing pagsulat. Ito ay pinagtutuunan ang isang liggong leksyon sa bawat markahan.

Page 12: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

Ang mga Benepisyong Matatamo Para sa mga Edukador1. Oportunidad para sa mga guro na magsama-sama silang mga miyembro ng grupo ng

mga propesyunal na may mga estratehiya sa pagkatuto.2. Oportunidad para sa mga gurong tagapamatnubay nama’y mga positibong  impak sa

mga mag-aaral.3. Oportunidad para sa mga administrador na magpakita ng pamumuno sa pagsasaayos

ng paaralan at pagtulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga matagumpay na karanasan sa paaralan.

 

Ang mga Pangunahing Salik sa Lahat ng Aspeto ng Thematic Curriculum1.  Ang Thematic Curriculum ay maaaring maipatupad sa maraming paraan gaya ng

kurso, akademya klaster, magnet at ang buong paaralan.2. Ang Thematic Curriculum ay maaaring maisanib  sa ibang mga reporma gaya ng

integrasyon ng edukasyong bokasyunal at akademiko, transisyong paaralan-paggawa.3. Ang Thematic Curriculum ay nakalaan para sa paaralang sekundarya ,bagamat

maaari ring maging kapakipakinabang sa paaralang elementarya.4. Ang Thematic Curriculum ay magsisilbing tulay upang mapagsama angmga

karanasan sa pagkatuto na ibinatay sa paaralan at paggawa.5. Ang mga hadlang sa lugar ng paggawa gaya ng suplay sa paggawa, maliit na

produksyon at tradisyon ay binawasan ang pagpapatupad ng thematic curriculum na nabuo mula sa mga aspekto.

Ang mga Pangunahing Pagdulog sa Pagtuturo ng Filipino sa Antas ng Elemenytarya

Page 13: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

Lapit/Pagdulog

Tradisyunal Istruktural Komunikatib Whole Language

 

Teorya/Prinsipyo

 Isang organismo nasusulat, kumbensyunal ang wika pagkilala at pagbuo

 

 

   Sistemang pasalita,

arbitraryo at pang –

komunikasyon ang

wika, mekanikal ang

pagkatuto at huhubog sa mga kaugalian (habits)

Isang pormal na sis-

tema ang wika at may mga gamit ding functional para

sa mga komunikatibong pangangailangan

Isang prosesong Global at nakabase sa wika (language-based) ang pagkatuto kaya nasa mga integradong kasanayan ang oryentasyon.Mapag-aralan

ang wika bilang tugon sa espisipikong pangangailangan.

  

Mga Layunin

Pagkilala at pagbuo ng mga

bahagi ng pananalita, was-

tong gamit ng salita

 

Magkahiwalay na pagsasa-

nay sa pagbuo ng mga ba-

hagi ng pananalita

 

 

 

 

Pagtatamo ng mga

kasanayan pang-ling-

gwistik (pagbuo ng mga ponema, morpe-

ma at pangungusap

 

 

Patterns, substitution

Drills, mimicry,tag-

memics (pokus sa anyo ng wika)magkahiwalay na pagtuturo ng wika at pagbasa

Pagtatamo ng kasa-

nayan

-linggwistik

-sosyo-linggwistik

-pang-diskors

-pang-estratehiya

 

 

 

 

Cooperative/interacttive learning (dyadic

exchange, group work information gap,task-oriented)

 

interaktibong pag-

aaral ng wika at

pagbasa

Pagtatamo ng literasi

na nangangahulugan

ng magkasanib na

paggamit ng mga ka-

sanayang pangwika

sa iba’t-ibang gamit

(akademik , komuni-

kasyon)

 

 

Cooperative/interacti-

ve learning,problem

solving , peer coach-

ing student empower-

ment

Page 14: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

MGA BAGONG PANANAW SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

a)      Muling pagtingin at pagsusuri sa mga layunin ng wika at ang kaugnayan ng mga ito sa nagbabagong layunin ng edukasyon

b)      Pagbibigay-diin sa pagtuturo ng wika para sa mabisa at makatotohanang pakikipagtalastasan.

c)      Pag-angat nang kaunti sa istruktural na pamamaraan at paggamit ng alternatibong pagdulog sa pagtuturo ng wika na batay sa pangangailangang komunikatib.

d)     Pagbibigay-halaga sa gamit ng wika sa iba’t ibang sitwasyong komunikatib

e)      Higit na malawak na pagkaunawa sa pagkakaugnay-ugnay o integrasyon ng mga kasanayang pangwika tulad ng pagbasa at pagsulat, pakikinig at pagsasalita .

f)       Pokus sa paglinang ng mga programang pangwika na tutugon sa iba’t ibang antas ng pangangailangan.

g)      Interes sa mga pinagsanib na programa tulad ng wika at araling panlipunan.

h)      Pokus sa pangangailangan, interes at motibasyon ng mag-aaral; pagbibigay-diin sa proseso ng pagkatuto at ang mga estilo sa pagkatuto ng mga mag-aaral.

i)        Pagbabagong-pananaw sa kaayusan ng mag-aaral sa silid-aralan. Pagbibigay-diin sa tambalan at pangkatang interaksyon at sa peer teaching.

j)        Pagbuo sa pamamaraang eklektik at pragmatic tulad ng pagdulog na komunikatib.

 

Batay sa mga nabanggit, nagmungkahi ang DepEd ng mga pananaw at estratehiya sa pagtuturo:

1. PAGTUTURONG BATAY SA NILALAMAN O CONTENT-BASED INSTRUCTION (CBI)

C Integrasyon ng kontent ng mga asignaturang tulad ng Heograpiya, Kasaysayan, Sibika at Kultura, Agham at iba pa sa pagtuturo ng wika.

C mahalaga ang kolaborasyon ng guro ng wika at ng content area subject dahlia sa paggamit ng input sa dalawang lawak.

C ang layunin ng guro ay malinang nang sabay ang kasanayang pangwika at pagtatamo ng akademikong kaalaman.

Page 15: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

Pangunahing katangian ng Pinagsanib na Pananaw

a)      Nalilinang ang mga kasanayang kognitib at pangwika

b)      Higit na natutuhan ang wika kung hindi tungkol dito sa pokus kundi kung ginagamit itong instrument sa pagkatuto.

c)      Naipauunawa ang input sa iba’t ibang kaparaanan tulad ng demonstrasyon, biswal, aktwal na pagsasagawa at manipulasyon ng nilalaman na isinasama ng guro sa mga aralin.

d)     Inaalam ang eskrima o datihang kaalaman at iuugnay ito sa bagong tapik.

e)      Ipinakikita ang mga kasanayang komunikatib sa pamamagitan ng iba’t ibang teknik, interaksyon sa materyal, kapwa mag-aaral at mga guro

f)       Hinihikayat/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

g)      Nililinang/Inaaplay ang iba’t ibang estratehiya sa pagkatuto

h)      Nahahamon ang katalinuhan ng mag-aaral.

i)        Ginagamitan ng whole language na mga teknik. Gumagamit ang guro ng awtentikong materyal para maituro nang makabuluhan ang pagbasa at pagsulat.

2. TEMATIK NA PAGTUTURO

Ipinaliliwanag ng DepEd ang pakahulugan dito:

“Thematic teaching recognizes learning around ideas. It provides a framework for linking content and processes from a variety of disciplines. The theme provides coherence and focus for accompanying activities. The theme enables learners to see the meaningful connections across content or skills areas. .”

3. INTERAKTIB NA MGA ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO

C Mahalaga ang interaksyon sa anumang pagtuturo.

C ayon kay Well Rivers (1987) ay isang gawaing kolaboratib na kinapapalooban ng tatsulok na ugnayang nagpapahatid ng mensahe, ng tagatanggap at ng konteksto ng sitwasyon, maging pasalita o pasulat man ang komunikasyon.

C May tatlong interaksyon na maaaring lahukan ang mag-aaral:

interaksyon sa guro sa kapwa mag-aaral sa teksto o mga kagamitang pampag-aaral

Page 16: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

4. KOLABORATIBONG ESTRATEHIYA SA PAGTUTURO AT PAGKATUTO

C Nakapokus sa KOOPERASYON ng mga mag-aaral sa mga gawaing pagkatuto.

SINTAKS NG KOOPERATIBONG MODELO SA PAGKATUTO

a)      Ilahad ang tunguhin ng gawain.

b)      Ilahad ang impormasyon.

c)      Pangkatin ang mga mag-aaral.

d)     I-monitor ang mga pangkat.

e)      Ipalahad sa pangkat ang resulta ng kanilang gawain.

f)       Kilalanin ang pagsisikap ng indibidwal at pangkat, gayundin ang kanilang natamo.

g)      Paglaanan ang mga gawaing lilinang sa iba’t ibang katalinuhan.

h)      Pagsanibin ang kahalagahan (values) sa pagtuturo at aplikasyon ng mga pagpapahalagang ito.

        Samakatuwid…

C Napakalaking hamon sa kaalaman at kakayahan ng guro ang pagpaptupad ng kurikulum lalo na ng 2002 sapagkat ang kurikulum ng 2002 ay interaktib, kolaboratib at integratib, nakapokus sa mga batayang kasanayan at kahalagahan at lumilinang ng iba’t ibang katalinuhan.

 

 

EBALWASYON

1. I.   MALAYANG TALAKAYAN 1. A.   Ipaliwanag ang mga sumusunod na mahahalagang salita/parirala sa

Binagong Kurikulum:2. tematik na pagdulog3. interaktibong pagdulog4. kooperatibong pagkatuto5. kolaboratibong pagdulog6. pagtuturong batay sa nilalaman

1. B.   Sagutin at ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong: 1. Anu-ano ang naitulong ng binagong kurikulum sa pagtatamo ng layunin sa

pagtuturo ng Filipino sa iba’t ibang antas? Maglahad ng ilang patunayan.

Page 17: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

2. Sa iyong palagay, bakit kinakailangang magkaroon ng pagbabago o baguhin ang/sa kurikulum ng ating edukasyon? Makabuluhan ba ito? Bakit? Patunayan ang iyong kasagutan.

3. Ano ang mahalagang papel na ginagampanan ng Thematic Curriculum sa pagpapatupad ng binagong kurikulum sa batayang edukasyon?

4. Ipaliwanag ang sumusunod na kasabihan. Ano kaya ang kaugnayan nito sa pagtamo nang layunin ng binagong kurikulum ng 2002 sa batayang edukasyon?

“Tell me and I forget

Show me and I remember,

Involve me and I understand”

-Chinese Proverb

1. II.   PAGLALAPAT2. Pag-aralan ang mga pangunahing pagdulog sa pagtuturo ng Filipino sa antas elementary.

Pumili ng 1-2 angkop na gamitin sa pagtuturo. Ipaliwanag kung bakit ang mga ito ang napili.

ULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINOPosted on March 29, 2013 by filipinotek

MGA SULIRANIN NG MGA GURO SA PAGTUTURO NG FILIPINO

MGA POSIBLENG SOLUSYON SA BAWAT SULIRANIN

1.   Oras na itinakda para sa asignatura. 

Higit na makakatulong sa guro at sa mga mag-aaral ang magkaroon ng sapat na oras sa pagtuturo/pag-aaral upang maisakatuparan ang layunin sa pagtuturo sa araw na iyon.

Sa kasalukuyan ang oras ng pagtuturo sa asignaturang Filipino ay nadagdagan ng 20 minuto mula baitang I-III at 60 minuto naman sa baitang IV-VI hanggang sekundarya.

2.   Kapaligiran ng paaralan.  Magkadaragdag sa pagkatuto ng mga mag-aaral ang may maayos na kapaligiran sa lugar na kanilang pinag-aaralan gayundin sa mga guro sa kanilang pagtuturo kung kaya’t nararapat na magkaroon ng maayos,malinis, maliwanag,maganda at maaliwalas na

Page 18: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

kapaligiran sa isang paaralan.

3.   Kakulangan sa  kaalaman sa mga makabagong pamamaraan o istratehiyang pampagtuturo. 

Makatutulong ang pagdalo ng mga guro sa mga seminar-worksyap na ibinibigay ng KWF o anumang samahang nagtataguyod ng wikang Filipino upang mas lalong madagdagan ang kanilang kaalaman hinggil sa makabagong pamamaraan o estratehiyang pampagtuturo.

Makakatulong din ang palagiang pagbabasa ng mga aklat, magasin o anumang babasahin na may kinalaman sa pagtuturo ng wika at panitikan.

4.   Kakulangan sa mga makabagong kagamitang pampagtuturo. 

Ang tagapamahala ng paaralan ay maaaring makatulong sa paghahanda ng mga kagamitang pampagtuturo ng mga guro kabilang na ang paggamit ng kompyuter sa modernong pagtuturo.

Paglaanan ng tagapamahala ng paaralan at maging ng guro ang mga kagamitang pampagtuturo upang magkaroon ng makabago at epektibong pagtuturo sa wika at pantikan.

Maaari ding gumawa ang guro ng batid niyang mga kagamitang pampagtuturo bago pa lamang magsimula ang pasukan.

5.   Kawalan ng interes ng mga mag- aaral dahil sa pagdating ng mga makabagong kagamitan na  mas pinagkakaabalahan ng mga mag- aaral.(cellphone, computer,atbp.) 

Umisip ng mga teknik o estratehiya na makahihikayat sa mga mag-aaral na makuha ang kanilang atensyon habang nagtuturo ang guro sa wika at panitikan katulad ng pagbabawal sa pagpapadala ng kanilang cellphone o anumang gadgets sa pagpasok sa paaralan o pagbabawal na paggamit nito habang nagtuturo ang kanilang guro.

Bigyan ang mga mag-aaral ng mga takdang-aralin na maaaring hindi gagamitin ang kompyuter upang mapigilan ang pagkahumaling nila dito, gamitin ang silid-aralan sa paghanap ng kasagutan sa kanilang mga gawaing-bahay.

Bigyan ng gantimpala ang mag-aaral na susunod sa mga panuto ng guro.

6.   Kakulangan sa bokabularyong Filipino/Tagalog. 

Makatutulong ang madalas na pagbabasa ng mga diksyunaryong Filipino upang lalong madagdagan ang bokabularyong Filipino/Tagalog.

7.   Pagdating ng mga makabagong salita na wala naman sa diksyunaryong Filipino.(jejemon at bekemon) 

Sanayin/hikayatin ang mga mag-aaral na bumigkas o gamitin ang mga wastong pananalita sa kanilang araw-araw na pakikipagtalastasan lalo na kung nasa loob ng

Page 19: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

paaralan. Bigyan ng gantimpala ang mga mag-aaral na susunod sa

panuto ng guro at bigyan ng magaan n parusa ang mga mag-aaral (hal. multa kung makariringgan ng pagsasalita ng mga jejemon o bekimon na salita sa loob at labas ng silid-aralan.

8.   Ang mahinang kakayahan  ng mga mag-aaral sa pakikinig.

Mahahasa ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa pakikinig kung mas bibigyan ng guro ng mga pagsasanay ang mga mag-aaral hinggil dito (pakikinig).

1. 9.   Ang kawalan ng interes ng mga mag- aaral sa pagbabasa ng mga akdang pampanitikan.

 

Gumamit ng iba’t ibang estratehiya o pagdulog pagtuturo ng akdang Pilipino upang makapukaw sa interes ng mga mag-aaral na basahin ang mga ito.

Gumamit ng multimedia sa pagtuturo ng mga akda (vcd,dvd etc.) o maging ang kompyuter katulad ng powerpoint presentation upang mas higit na mahikayat ang mga mag-aaral sa pagbabasa o pag-aaral ng mga akda.

Gamitin ang masining na paraan ng pagtatanong sa talakayan upang maturuang mag-isip at mahikayat na basahin ng mga mag-aaral ang akdang binabasa.

1. 10.          Kamalayang makadayuhan  ( colonial mentality  )

 

Magkaroon ng mga patakaran sa loob ng silid-aralan ang guro sa wika at panitikan upang maiwasan ang kolonisado ng isip ng mga mag-aaral lalo na sa paraan ng kanilang pakikipagtalasatasan.

Higit na hikayatin silang gamitin ang sariling wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga gantimpala sa mga mag-aaral.

1. 11.           Miskonsepsyon sa gamit ng wika

 

Ituro sa mga mag-aaral ang wika sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga pagsasanay ayon sa gamit ng wika makatutulong ito upang maunawaan ng mga mag-aarala ng wastong gamit ng isang wika.

12. Pagbibigay ng higit na pansin at halaga sa Wikang Ingles ( oras , gawain , mga proyekto  )

 

Iwasan ang paggamit ng wikang Ingles (guro-mag-aaral) sa loob ng klase ng Filipino.

Magbigay ng insentibo sa mga mag-aaral na gumagamit ng wikang Filipino sa talakayan sa klase at bigyan ng magaang parusa ang gumagamit ng wikang Ingles sa mga talakayan sa klase ng Filipino.

Magbigay ng mga proyekto na mas magpapahalaga sa wikang Filipino at Panitikan.

Page 20: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

13.         Obsesyon ng guro at mga mag-aaral  na makamit ang bentahe  sa kahusayan sa wikang Ingles bilang tanging instrumento ng pandaigdigang kompetisyon. 

Bilang guro ng wikang Filipino at Panitikan, kinakailangang mas pahalagahan ang wikang itinuturo kung kaya’t dapat na kakitaan ito ng kasigasigan sa pagtuturo ng wikang Filipino.

14.           Kakulangan ng kaalaman ng guro sa mga teknik o estratehiya sa larangan ng  pagtuturo ng pagsulat.

Makatutulong ang pagbabasa, pagdalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa pagsulat upang sa gayon ay lumawak pa ang kaalaman sa pagtuturo ng pagsulat.

15.       Kakulangan sa kaalaman ng guro sa istrukturang gramatikal (pagbabaybay,gamit ng iba’t ibang bahagi ng pananalita atbp.)

Dumalo sa mga seminar-worksyap hinggil sa suliraning ito.

Makatutulong ang internet sa pagdaragdag ng kaalaman ng guro pagdating sa pagtuturo ng istruktura ng gramatika.

16.       Di-lubusang paglinang sa kahusayang magamit ang  wikang Filipino sa pagtuturo.

Mas makabubuting iwasan ng guro ang pagsasalita ng wikang Ingles sa loob ng silid-aralan ng sa gayon ay maging modelo siya ng kanyang mga mag-aaral sa paggamit ng wikang Filipino sa pakikipagtalastasan (tag-lish na sistema na pakikipagtalastasan)

 

17.       Hindi sapat na kaalaman sa pag-unawa ng iba’t ibang pagdulog sa pagtuturo ng akdang pampanitikan.

Makatutulong ang pagbabasa,pananaliksik,paggamit ng mga aklat at paggamit din ng internet sa pagpapalawig ng kaalaman sa paggamit ng mga pagdulog pampanitikan.

Higit na suriing mabuti,basahin ng may pag-unawa,kunin ang pangunahing kaisipan ng mga akda upang malaman kung anong pagdulog ang maaaring gamitin sa nasabing akda.

18.       Hirap sa pagtuturo ng mga matatalinghagang salita/pahayag ang guro at mag-aaral.

Iaplay ang kolaboratibong pagtuturo kung saan ang bawat mag-aaral ay magkakaroon ng ugnayan upang magbahagi ng kanilang nalalaman sa mga matatalinghagang pahayag.

Sa parte ng guro mas makabubuting magkaroon ng oras at panahon sa pagbabasa, paggamit ng internet at aklat upang maunawaan ang ituturong matatalinghagang pahayag.

Maging mapanuring mambabasa.

19.       Kakulangan ng  kaalaman ng guro  sa paggamit ng mga awtentikong kagamitan sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral.

Pananaliksik ang unang paraan upang malaman kung ano-ano ang mga awtentikong kagamitan na maaaring gamitin sa pag-ases sa kaalaman ng mga mag-aaral

Page 21: Ang Mga Estratehiya Sa Pagtuturo Ng Wika at Ang Pamaraang Komunikatib Sa Pagtuturo Ng

Pag-aralang mabuti ang awtentikong kagamitan ang maaaring akmang gamitin sa paksang-aralin na tinalakay

20.       Hindi nagiging sensitibo ang guro sa suliraning pangwika na matatagpuan sa mga aklat,materyal at maging sa kanyang pananalita na nakapagpapahirap sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa wika at panitikang Filipino.

Maging sensitibo higit sa lahat. Dapat ang guro ay mulat din sa lahat ng pagbabagong

nagaganap sa kapaligiran lalo na sa larangan ng wika at panitikan upang sunod sa bagong estratehiya/teknik sa pagtuturo ng wika na makatutulong sa mga mag-aaral.

Gumamit lamang ang guro ng mga pananalitang talos sa isip ng kanyang mag-aaral. Dapat ding ibagay nito ang mga salitang kanyang gagamitin sa lebel ng isip ng mga mag-aaral  habang nagtuturo ng wika at panitikan upang makamit mga ito  ang pagkatuto sa itinuturo ng guro.