ang pagkawala at ang pagbabago ng mga pi

5
Ang Pagkawala at ang Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino Abstrak: Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mapaunawa sa mga mamayang Pilipino tungkol sa mga kaugalian noon na wala na ngayon dito sa pilipinas. Ito ay binigyang pansin para malaman o matutunan ang kulturang Pilipino sa kadahilanan ng mga lumipas na panahon. Kaya napili naming magsagawa ng pananaliksik sa kulturang Pilipino upang makita ang mga naging pagbabago mula noon at sa pang kasalukuyan. Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mamayang Pilipino na nakatira sa Pilipinas, kasama rin dito ang mga posibleng kahihinatnan ng pagbabago pa sa kulturang Pilipino. Panimula: Marahil marami na sa ating mga Pilipino ang nag iisip kung talaga nga bang unti-unting nawawala ang ating sariling kultura sa sariling bansa. Ngunit ang iba ay hindi ito napapansin sa kadahilanang iba ang kinalakihang kultura ngayon, kulturang may halong banyaga. Nais nang mga mananaliksik na ibahagi ang talakaying ito sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan ng makabagong henerasyon ng sa gayon ay kanilang malaman kung ano at paano mamuhay ang mga Pilipino noong unang panahon. Sa pag-aaral na ito, nais mapukaw ng mga mananaliksik ang atensyon ng mga mambabasa batay sa kanilang mga opinion at pananaw sa pagkawala at pagbabago ng ating sariling kultura.

Upload: rofer-arches

Post on 26-Jan-2016

3.286 views

Category:

Documents


114 download

DESCRIPTION

Pinoy Readings

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pagkawala at Ang Pagbabago Ng Mga Pi

Ang Pagkawala at ang Pagbabago ng mga Piling Kulturang Pilipino

Abstrak:

Ang pananaliksik na ito ay naglalayon na mapaunawa sa mga mamayang Pilipino tungkol sa mga

kaugalian noon na wala na ngayon dito sa pilipinas. Ito ay binigyang pansin para malaman o matutunan

ang kulturang Pilipino sa kadahilanan ng mga lumipas na panahon. Kaya napili naming magsagawa ng

pananaliksik sa kulturang Pilipino upang makita ang mga naging pagbabago mula noon at sa pang

kasalukuyan.

Ang pag-aaral na ito ay sumasaklaw sa mga mamayang Pilipino na nakatira sa Pilipinas, kasama

rin dito ang mga posibleng kahihinatnan ng pagbabago pa sa kulturang Pilipino.

Panimula:

Marahil marami na sa ating mga Pilipino ang nag iisip kung talaga nga bang unti-unting

nawawala ang ating sariling kultura sa sariling bansa. Ngunit ang iba ay hindi ito napapansin sa

kadahilanang iba ang kinalakihang kultura ngayon, kulturang may halong banyaga. Nais nang mga

mananaliksik na ibahagi ang talakaying ito sa mga mamamayang Pilipino lalo na sa mga kabataan ng

makabagong henerasyon ng sa gayon ay kanilang malaman kung ano at paano mamuhay ang mga

Pilipino noong unang panahon.

Sa pag-aaral na ito, nais mapukaw ng mga mananaliksik ang atensyon ng mga mambabasa batay

sa kanilang mga opinion at pananaw sa pagkawala at pagbabago ng ating sariling kultura.

Kaligirang Pangkasaysayan:

Ang salitang kultura ay hinango mula sa wikang Latin na "cultura" na may literal na kahulugang

"kultibasyon" o "paglilinang". Ang kultura ay ang pangkabuuang pananaw ng mga tao sa isang lipunan sa

mundo at sa kanilang kapaligiran. Ang pananaw na ito ay hango sa mga paniniwala, tradisyon, uri ng

pamumuhay, at iba pang mga bagay na nag-unay sa kanila at nagpapatibay sa bigkis ng pagkakaisa na

siyang nagpapalaganap sa kanilang pangkalahatang diwa, pananaw, kaugalian, at adhikain.

Page 2: Ang Pagkawala at Ang Pagbabago Ng Mga Pi

Ang bawat tao ay may kinabibilangang kultura na siyang kinalakhan niya at nagtuturo sa kanya

sa mga papel na dapat niyang gampanan sa lipunan at kung paano niya ito maisasagawa sa

pamamaraang maituring na kanais-nais. Higit sa lahat ang kulturang ito ang kanyang sandigan at gabay

sa kanyang paglalakbay tungo sa makabuluhang buhay.

Ang kultura ay likas, ito ay maibabatay sa paraan ng pangaraw-araw na gawi at pamumuhay na

pinaniniwalaan o kinasanayan ng bawat indibidwal sa isang pook o lugar. Ang Pilipinas noon ay mayroon

ng sariling kultura bago pa man dumating ang mga banyagang mananakop at sa pagdaan ng panahon

lalo itong pinalawak at nilinang ng mga henerasyon.

Ang mga kulturang ito ay nagpapatunay kung sino tayo ngayon. Ngunit bakit parang hindi na

natin ito napapansin at binibigyan ng halaga ngayon.

Batayang Teoretikal:

Nagbabago ang hilig at pangangailangan ng tao at hindi tayo makukuntento kung ano lamang

ang mayroon sa atin ngayon. Ang hiyerarkiya ng pangangailangan ng isang teorya sa sikolohiya na

ipiniresenta ni Abraham Maslow sa kanyang nilathala noong 1943 na “ A theory of Human Motivation”.

Ang teorya ni Maslow ay nagkakaroon ng epekto sa pag-aaral ng mga kaugalian ng tao at kinakailangan

matutunan ito ng bawat isa sa atin.

Page 3: Ang Pagkawala at Ang Pagbabago Ng Mga Pi

Ang unang baitang ay ang pangangailangang sikolohikal. Ito ay ang mga pangunahing

pangangailangan ng tao, kagaya ng pagkain, tubig, pagtulog ,paghinga at iba pa.

Ang pangangailangang seguridad ay ang mga bagay na dapat nating ingatan sa buhay.

Halimbawa nito ay ang ating pamilya, ari-arian, kalusugan at iba pa.

Ikatlo sa hiyerarkiya na ito ay ang layong magmahal. Ito ay ang pagiging maiinit sa

pagmamamahal sa ating mga mahal sa buhay.

Ang ikaapat na baitang ay ang esteem. Ito ay ang nagsusukat ng ating sarili, ang mga ugaling

ating ikinikilos sa pangaraw-araw na buhay.

Ang huling baitang ng hiyerarkiya ay ang self-actualization, dito natin ginagawa ang mga bagay

na dapat nating ikinikilos ay naaayon sa ating iniisip.

Balangkas Konseptwal:

Unang paglalarawan: Ang proseso ng kulturang Pilipino

KULTURANG PILIPINO

INPUT PROSESO AWTPUT

Page 4: Ang Pagkawala at Ang Pagbabago Ng Mga Pi

Ikalawang paglalarawan: Paano naipapasa/naipapamana ang kulturang Pilipino

Paglalahad ng suliranin:

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong malaman ang pananaw ng mga mamayang Pilipino patungkol sa unti-unting pag-kawala at pag-kalimot sa ating sariling kultura

1. Ano ang mga naging pagkakaiba sa mga kaugalian natin noon at ngayon?2. Sa modernong panahon natin ngayon, bakit nagbago ang paraan ng pananamit?3. Ano ang naging epekto sa pagtangkilik ng mga Pilipino sa makabagong teknolohiya?

KULTURANG PILIPINO

Ang kaugaliang Pilipino ay isang kultura ng ating bansa kung saan

ipinapamalas ng bawat tao sa ating bansa ang mga

nakasanayang kaugalian na maaaring makabuti o hindi sa

kanilang buhay. Ang karamihan sa mga kaugaliang Pilipino ay

namamana mula sa mga ninuno at ang iba’y sa mga banyagang

sumakop sa ating bansa.

Paano nga ba naipapasa ang mga natutunan nating kaugalian?

Ito ay karaniwang itinuturo sa atin ng ating mga nakatatanda

habang tayo ay maliit pa. Bukod sa mga pangunahing kaugaliang

itinuturo sa atin, sinasanay na rin nila tayo sa mga kaugalian kapag

may tradisyon sa mga bayan.

Ang isang Pilipino ay nagkakaroon ng mabuting

pakikitungo sa ibang tao, at kung anuman ang ginagawa niya’y

babalik rin sa kanya.

Kapag hindi naturuan ang isang tao na matuto ng dapat niyang

matutunan, nag-iiba ang kanyang pananaw at paguugali sa kanyang nakasanayan.