ang paglalakbay ni diego - the beacon academy...“wheee” sabi niya. si diego ay lumangoy sa dagat...
TRANSCRIPT
Ang Paglalakbay ni Diego akda at guhit nina
Martha Yupangco at Catharina Kole
Si Toby ay may alagang isda na ang pangalan ay Diego.
Isang araw, si Toby at si Diego ay pumunta sa dagat. Habang naglalaro sila, biglang bumagsak ang mangkok na kinalalagyan ni Diego.
Si Diego ay nahulog sa dagat.
“Wheee” sabi niya.
Si Diego ay lumangoy sa dagat at nakakita siya ng mga bagong isda.
“Magandang umaga,” sabi niya sa pawikan.
“Magandang tanghali,” sabi niya sa pugita.
“Magandang gabi,” sabi niya s alimango.
Makalipas ang isang linggo ay nalungkot si Diego.
Lumangoy si Diego hangang makarating sa baybaying-dagat.
Nandoon din si Toby. Bumalik siya upang hanapin si Diego.
Naging masaya na uli si Diego at si Toby.
PROJECT: Early Readers at The Beacon Academy
Cecilia Araneta Parkway, Binan, Laguna, Philippines www.beaconacademy.ph