ang pagtataya sa klasrum_revised for ntot 2014

26
PAUNANG GAWAIN

Upload: frederick-santos-nieto

Post on 28-Dec-2015

246 views

Category:

Documents


5 download

DESCRIPTION

grade 9

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

PAUNANG GAWAIN

Page 2: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

“If you don’t know where you are headed, you’ll probably end up some

place else.”

Douglas J. Eder, PhD

Page 3: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

GAWAIN 1

• Bumuo ng 10 pangkat.

• Bawat pangkat ay bubuo ng talaan ng 5 gawain na maaaring sumukat sa KAALAMAN, PROSESO/KASANAYAN, PAG-UNAWA, at PRODUKTO o PERPORMANS.

Page 4: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

PAGSUSURI SA GAWAIN• Anong naramdaman mo habang ginagawa

ang gawain?

• Ano-anong mga gawaing pangklasrum ang maaaring ipagawa sa mag-aaral sa ilalim ng Kaalaman, Proseso / Kasanayan, Pag-unawa, at Produkto / Perpormans?

• Alin sa mga gawain ang maituturing na diagnostic, formative, o summative?

Page 5: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• Bakit mahalagang mataya ang mga mag-aaral bago isagawa ang pag-aaral, habang isinasagawa ang pag-aaral, at pagkatapos maisagawa ang pag-aaral?

• Kailan masasabing ang pagtataya ay holistic?

• Ano-anong mga realisasyon ang iyong nabuo tungkol sa pagtataya sa klasrum?

Page 6: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

ANG

PAGTATAYA SA KLASRUM

NATIONAL TRAINING OF TRAINERS FOR GRADE 9 MASS TRAINING OF TEACHERS

Venue: Ecotech Center, Cebu CityDate: April 21-26, 2014

Page 7: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

PAGTATAYA• Isang patuloy na proseso sa pangangalap,

pag-aanalisa, at pagninilay sa mga ebidensya / impormasyon upang mabuo ang isang makabuluhang paghusga sa pagpapataas ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa hinaharap.

Page 8: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

PAGTATAYA• Kritikal na bahagi sa implementasyon ng

kurikulum, ng proseso ng pagtuturo at pagkatuto.• Tunay na sukatan ng pagkamapanghahawakan,

resilyent, at sistema ng edukasyong may kalidad.• Samakatuwid, ang pagtataya ay pangkabuuang

lapit sa pagtataya ng pagtuturo, pagbuo at paglalahat, pagbibigay ng pidbak, upang tuluyang maiangat ang kalidad ng pagtuturo.

Page 9: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Bakit tayo nagtataya?1. Pagtataya para sa pagkatuto

Layunin ng pagtataya ang matukoy at mabigyang-kahulugan ang mga ebidensya na magagamit ng mag-aaral at guro sa pag-alam ng kahandaan ng mga mag-aaral, anong tunguhin at paano tutungo sa nais puntahan. Bahagi nito ang pagtatayang ginagawa sa klasrum upang mapabuti ang pagkatuto.

Page 10: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Bahagi ng prosesong ito ang diagnostic at formative na pagtataya.

Ang diagnostic ay nagaganap bago pa simulan ang pagtuturo upang alamin ang dating kaalaman ng mag-aaral at karanasan, mga maling konsepto, kawilihan, at ang kanilang paraan ng pagkatuto.

Halimbawa: pre-test, sarbey, pag-alam sa kakayahan, K-W-L

Page 11: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Ang formative ay ang on going na pagtataya na nagbibigay ng impormasyon upang magabayan ang pagtuturo at pagkatuto upang mapabuti ang pagkatuto at pagganap sa klase. Maaari itong pormal o impormal na paraan.

Halimbawa: quiz, pagtatanong, magmamasid, draft work, think aloud, dress rehearsal, portfolio

Page 12: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

2. Pagtataya ng pagkatuto

Layunin nitong tayain o sukatin ang natutuhan o magagawa ng mga mag-aaral. Sa madaling salita, tinataya nito ang antas ng pagkatuto ng mga mag-aaral. Bahagi nito ang summative na pagtataya.

Ang summative ay ang panghuling pagtataya o culminating assessments na isinasagawa pagkatapos ng isang yunit upang tayain ang antas ng masteri o kahusayan batay sa inaasahang bunga.

Page 13: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Ang summative na pagtataya ay ebalwatib na nagreresulta sa pagbibigay ng iskor o marka.

Halimbawa: pagsusulit, gawaing pagganap, panghuling proyekto o pagganap, portfolio

Page 14: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Hindi dahil alam na ng mag-aaral….

Ang katibayan ng pag-unawa ay higit na mapanghamon kaysa ng katibayan na alam ng mag-aaral kung ano ang tama o balidong sagot.

Ang tunay na pag-unawa ay nakikita lamang kapag alam ng mag-aaral kung bakit mahalaga ang pinag-aaralan at kung paano ito ilalapat.

Page 15: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

ANTAS NG PAGTATAYA SA K-12

ANTAS NG PAGTATAYA

• KAALAMAN

• PROSESO / KASANAYAN

• PAG-UNAWA

• PRODUKTO / PERPORMANS

Kabuuan………….

BAHAGDAN

15%

25%

30%

30%

100%

Page 16: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• KAALAMAN. Tumutukoy sa kasapatan ng kaalaman sa nilalaman ng mga aralin, mga totoong impormasyon na nakalap ng mag-aaral

• PROSESO / KASANAYAN. Nauukol sa operasyong kognitib ng mag-aaral sa pamamagitan ng paggamit ng mga impormasyon sa pagbuo ng kahulugan o pag-unawa.

Page 17: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• PAG-UNAWA. Tumutukoy sa pangmatagalang malalaking kaisipan o ideya, prinsipyo at paglalahat na mahalaga sa bawat disiplina na maaaring masukat gamit ang mga yugto ng pag-unawa.

• PRODUKTO / PERPORMANS. Tumutukoy sa mga makatotohanang paglalapat ng pag-unawa ng mag-aaral sa buhay na pinatutunayan ng produkto/perpormans ng mga awtentikong gawain.

Page 18: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

GRASPS GOAL (Layunin): Ano ang layunin sa

pagsasagawa ng produkto/pagganap? ROLE (Papel na gagampanan ng bawat

isa kung ito ay kolaboratibong gawain at ng Mg kung ito’y indibidwal): Ano ang papel na gagampanan ng indibidwal / kasapi ng bawat pangkat?

Page 19: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

AUDIENCE (Awdyens): Sino ang tagatangkilik ng produkto/pagganap?

SITUATION (Sitwasyon): Ano ang sitwasyon? Bakit gagawin ang produkto/pagganap?

PRODUCT/PERFORMANCE (Produkto/Pagganap): Ano ang inaasahang produkto/pagganap?

STANDARDS (Mga Pamantayan): Paano mamarkahan/itataya ng mga tagatangkilik ang produkto/ pagganap?

Page 20: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

GAWAIN 2

• Bawat pangkat ay bumuo ng isang perpormans gamit ang modelo ng GRASPS.

Page 21: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

PAGSUSURI SA GAWAIN• Anong naramdaman mo habang ginagawa ang

gawain?• Anong nakatulong sa iyo sa pagsasagawa ng

gawain?• Anong naging balakid sa pagsasagawa ng

gawain?• Ano-ano ang iyong isinaalang-alang sa pagbuo

ng perpormans? Rubriks?• Anong kaalaman ang natutuhan mo sa gawain?

Page 22: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

ANTAS NG KAHUSAYAN• Beginning (B) 74 at pababa

• Developing (D) 75 - 79• Approaching Proficiency (AP) 80 - 84

• Proficient (P) 85 - 89

• Advanced (A) 90 at pataas

Page 23: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• BEGINNING (74 at pababa). Ang mag-aaral ay kulang sa mahahalagang pangangailangan o ang mga kasanayan ay kulang o hindi pa nalinang bilang pangunahing kahingian sa pag-unawa.

• DEVELOPING (75-79). Ang mag-aaral ay may minimum na kaalaman at kasanayan sa pag-unawa ngunit nangangailangan pa ng paggabay upang maisagawa ang mga awtentikong gawain.

Page 24: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• APPROACHING PROFICIENCY (80-84). Nalinang na sa mag-aaral ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa, na may kaunting paggabay pa mula sa guro at mga kaklase upang mailipat ang kasanayan sa pag-unawa sa pamamagitan pagsasagawa ng mga awtentikong gawain.

• PROFICIENCY (85-89). Nalinang na sa mag-aaral ang mahahalagang kaalaman at kasanayan sa pag-unawa, at nagagawa na nang mag-isa ang mga awtentikong gawain.

Page 25: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

• ADVANCED (90 at pataas). Ang mag-aaral sa antas na ito ay humigit na sa inaasahang pangangailangan/kaalaman o kasanayan sa pag-unawa, at nakapaglilipat o nakaaayon agad-agad sa pagsasagawa ng mga awtentikong gawain.

Page 26: Ang Pagtataya Sa Klasrum_revised for Ntot 2014

Maraming salamat.