ang pambansang ekonomiya

21
ANG PAMBANSANG EKONOMIYA Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang napakalawak na gawain. At upang mailarawan ang galaw ng buong ekonomya sa isang payak na kalagayan na maipakikita sa pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo.

Upload: benchhood

Post on 23-Jan-2015

8.697 views

Category:

Documents


21 download

DESCRIPTION

 

TRANSCRIPT

Page 1: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang pagsusuri sa buong gawi ng lipunan ay isang napakalawak na gawain. At upang mailarawan ang galaw ng buong ekonomya sa isang payak na kalagayan na maipakikita sa pamamagitan ng paikot na daloy ng produkto at serbisyo.

Page 2: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

1. Ang payak na paglalarawan ng ekonomya ay kinapapalooban ng dalawang sektor, ang sambayanan at kompanya. Ang ideya ng circular flow ay buhat kay Francois Quesnay na batay sa kanyang Tableau Economique.

Paikot na Daloy ng Produkto at Serbisyo

Page 3: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

KOMPANYA

SAMBAHAYAN

PAMILIHAN NG MGA SALIK NG PRODUKSYON

PAMILIHAN NG MGA

NAGAWANG PRODUKTO

Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyur

Produkto at Serbisyo

Dayagram Blg. 1

Page 4: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang dalawang sektor ay gumaganap ng gawaing pamproduksyon at gawaing pandistribusyon. Makikita natin sa dayagram blg. 1 na ang ugnayan ng dalawang sektor ay nagaganap sa tulong ng pamilihan, ang pamilihan ng salik ng produksyon at pamilihan ng nagawang produkto. Ang sambahayan ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon sa isinusuplay niya sa pamilihan ng salik ng produksyon. Mula sa pamilihan, ito ay kukunin ng kompanya upang magamit sa paglikha ng mga produkto. Ang anumang produkto na nagawa ng kompanya ay dadalhin nito sa pamilihan ng nagawang produkto.

Page 5: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang mga yaring produkto ay kukunin naman ng sambahayan para sa kanilang pangangailangan. Ang dalawang sektor ay nagtatamo ng kapakinabangan kahit hindi gumagamit ng salapi sapagkat ginamit nila ang anumang bagay na mayroon sila upang makamit ang ibang bagay.

2. Paggamit ng Salapi bilang Kabayaran ng Dalawang Sektor

Page 6: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Halimbawa, ang kompanya ay nagbayad ng halagang P10M sa paggamit ng mga salik. Tingnan ang Dayagram blg. 2.

Mula sa pagkakaroon ng unang daloy na nagmumula sa sambahayan, ang dayagram ay nagpapakita ng panibagong daloy na kung saan ang kompanya ay magsisimulang magkaloob ng kabayaran sa mga salik ng produksyon na ginamit sa paglikha ng produkto.

Page 7: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

KOMPANYA

SAMBAHAYAN

PAMILIHAN NG MGA SALIK NG PRODUKSYON

PAMILIHAN NG MGA

NAGAWANG PRODUKTO

Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyur

Produkto at Serbisyo

Dayagram Blg. 2

Upa, Tubo, Sahod, Interes

Kita

Kita Pagkonsumo

P10M P10M

P10M P10M

Page 8: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang kabayaran ng kompanya ay tatanggapin ng sambahayan bilang kita nito. Ang sambahayan ang tatanggap ng P10M dahil ito ang nagmamay-ari ng mga salik ng produksyon. Ang lupa ay tatanggap ng upa o renta, sahod para sa paggawa, tubo para sa entreprenyur at interes para sa kapital.

Page 9: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang kita ng sambahayan ay ginagastos sa pagkonsumo at pagbabayad sa mga yaring produkto na mula sa kompanya. Ang kabayaran sa mga yaring produkto ay tinatanggap ng kompanya bilang kita. Upang matamo ang ekwelibryo o kabalansehan ng ekonomya, ang anumang kita na tinatanggap ng dalawang sektor ay katumbas ng kanilang pagkonsumo.

Page 10: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang ganitong ugnayan ng mga sektor ay patuloy na nagaganap upang maisagawa ang mga gawaing pamproduksyon at distribusyon ng ekonomya. Kung ang kita ay P10M, ang pagkonsumo ay P10M din upang maging balanse ang ekonomya.

3. Pag-iimpok ng Sambahayan at Pamumuhunan ng Kompanya

Page 11: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

May pagkakataon na ang sambahayan ay natutong mag-impok ng kanilang kita. Mababawasan ang salapi na kanilang gagamitin sa pagkonsumo. Ang pag-iimpok ay pagtatabi o pag-iipon ng ilang bahagi ng kanilang kita para sa hinaharap.

Page 12: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Maraming anyo ang pag-iipon ng ilang bahagi ng kanilang kita para sa hinaharap. Maraming anyo ang pag-iimpok. Ang pag-iimpok ng pera sa bangko ay isang paraan, ang pagbili ng insurance o seguro ay isa pa ring uri ng pag-iimpok. Sinasabing ang ganitong gawain ng sambahayan ay nagbubunga ng diskwilibryo sa ekonomya.

Page 13: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Halimbawa, sa P10M na kinita ng sambahayan, ang P2M ay inilaan sa pag-iimpok na magbubunga ng pagkabawas ng salaping pangkonsumo ng sambahayan, ito ay magiging P8M na lamang. Ang tatanggapin ng kompanya bilang kabayaran ng mga ginawang produkto ay P8M nangangahulugang maraming produkto ang hindi mabibili na makadaragdag sa imbentaryo ng kompanya.

Page 14: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Halimbawa, sa P10M na kinita ng sambahayan, ang P2M ay inilaan sa pag-iimpok na magbubunga ng pagkabawas ng salaping pangkonsumo ng sambahayan, ito ay magiging P8M na lamang. Ang tatanggapin ng kompanya bilang kabayaran ng mga ginawang produkto ay P8M nangangahulugang maraming produkto ang hindi mabibili na makadaragdag sa imbentaryo ng kompanya.

Page 15: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang imbentaryo ay dami ng produkto na itinatago upang gamitin sa darating na panahon. Kapag marami ang stock ng kompanya, liliit ang produksyon ng kompanyasa hinaharap na maaaring magdulot ng pagbaba ng konsumo sa mga salik ng produksyon. Nakita natin ang pagkakaroon ng diskwilibryo sa isang payak na ekonomya.

Page 16: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang pag-iimpok ay bahagi ng buhay at upang maging kapaki-pakinabang ang inimpok na salapi, ilagay ito sa mga bangko o institusyong pinansyal o iyong tinatawag na pamilihan ng kapital na makatutulong sa pagsasagawa ng isang gawain ng kompanya upang maibalik muli ang ekwilibryo sa ekonomiya.

Page 17: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

KOMPANYA

SAMBAHAYAN

PAMILIHAN NG MGA SALIK NG

PRODUKSYON

PAMILIHAN NG MGA

NAGAWANG PRODUKTO

Produkto at Serbisyo

Dayagram Blg. 3

Upa, Tubo, Sahod, Interes

Kita

Kita Pagkonsumo

P10M P8M + P2M

P10M P8MPAMILIHAN NG KAPITAL (bangko,

institusyong

pinansyal

Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyur

P2M impok

P2M pamumu-hunan

Page 18: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Kaya ang kompanya ay may magagamit na puhunan na P10M sa paglikha ng produkto, sa pagkat tumanggap ito ng P8M sa pagkonsumo ng sambahayan at P2M mula sa pamumuhunan. Ito ay nangangahulugan na ang anumang lumabas sa daloy ay kailangang pantayan ng pagpasok na halaga sa daloy upang ang mga nabuong produkto ay maubos at mabili para ang kabuuang suplay ay kapantay ng kabuuang demand.

Pagpasok ng Pamahalaan sa Ugnayan ng Sambahayan at Kompanya

Page 19: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Ang isang ekonomya ay hindi kumpleto kung hindi isasama sa ugnayan ng mga sektor ang tungkulin at gawain ng pamahalaan.

Ang pamahalaan ay may tungkulin na maningil ng buwis sa dalawang sektor upang magkaroon ng kita na gagamitin sa pagbibigay ng mga serbisyong panlipunan.

Kung ang pamahalaan ay naniningil ng P1M halaga ng buwis sa dalawang sektor, ito ay adapat niyang ibalik sa paikot na daloy upang matamo ang balanse sa ekonomya.

Pamahalaan ang nagkakaloob ng subsidy sa kompanya at nagiging konsyumer at supplier din ng mga yaring produkto sa pamilihan.

Page 20: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

Binibigyan din niya ng transfer payment ang sambahayan tulad ng pensyon, scholarship, donasyon at mga benepisyo. Bumibili at nagbibili rin ito ng mga salik ng produksyon upang makatulong sa patuloy na pag-ikot ng daloy ng mga produkto at serbisyo sa ekonomya.

Ang pamahalaan din ang nangungunang sektory na nakikipag-ugnayan sa ibang bansa upang palawakin ang ating kalakalan. Ang pump priming ay isang hakbang na isinasagawa ng pamahalaan upang bigyang-buhay at pasiglahin ang lahat ng sektor na bumubuo sa ating ekonomya. Sa tulong nito nagiging aktibo ang lahat ng gawaing pangkabuhayan.

Page 21: ANG PAMBANSANG EKONOMIYA

KOMPANYA

SAMBAHAYAN

PAMILIHAN NG MGA SALIK NG

PRODUKSYON

PAMILIHAN NG MGA

NAGAWANG PRODUKTO

Produkto at Serbisyo

Dayagram Blg. 4

Upa, Tubo, Sahod, Interes

Kita

Kita Pagkonsumo

P10M P7M + P2M + (subsidy) 1M

P10M P7M

PAMAHALAAN

PAMILIHAN NG DAYUHANG PRODUKTO

PAMILIHAN NG KAPITAL (bangko,

institusyong

pinansyal

Lupa, Paggawa, Kapital, Entreprenyur

Buw

is p

1M

subs

idy

tran

sfer

paym

ents

Buw

is p

1M

P2M impok

P2M pamumu-hunan