ang pampublikong pagsasalita ccos

42
Ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA Inihanda ni Val Vibal AMA – ATM May 13 – 14, 2015

Upload: val-vibal

Post on 09-Nov-2015

815 views

Category:

Documents


60 download

DESCRIPTION

A short presentation on Pampublikong Pagsasalita

TRANSCRIPT

Ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA

Ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITAInihanda ni Val VibalAMA ATMMay 13 14, 2015ANO ang PAGSASALITA?isa sa pangkalahatang kasanayan ng taoisang likas na gawain ng tao na wika ang midyum sa pagpapahayag ng kanyang diwa, iniisip, paniniwala at damdamin (Garcia, 2006)Paraan ito ng pakikipag-ugnayan sa ibang tao sa anumang lugar, sitwasyon at panahon

ANO ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?Ito ay pagharap sa maraming tao habang ipinararating sa kanila ang kanyang nasa isipan

Ito ay ang pakikipagkomunikasyon o pagpaparating ng ideya gamit ang wika at may pagkilos upang ipaalam sa kanila ang nangyayari sa isipan ng tagapagsalita.

Ito ay ang pagbuo ng talumpati o pormal na pagbigkas ng talumpati sa harap ng maraming tao, kung saan pinakikita ng ispiker ang kahusayan sa pagbigkas

ANO ang PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?

isang anyo ng komunikasyon na ang tagapagsalita ay humaharap sa malaking bilang ng tagapakinig at nagsasalita tungkol sa isang paksa. Ito ay ang pakikipagugnayan ng mga ideya gamit ang mga salita at kilos upang malaman ng iba kung ano ay iyong isinasaisip (word net dictionary)

Isang sining, maaring binuo sa pamamagitan ng pagsasanay.

BAKIT MAHALAGA ang EPEKTIBONG PAGSASALITA?Ang isang taong epektib na magsalita sa harap ng pangkat ng mga tao ay higit na madaling nakakakuha ng respeto ng ibang tao.

Lahat ng mga pangunahing pinunong natanyag sa kasaysayan ng daidig ay may mataas ng antas ng kakayahang magpahayag ng ideya ng kanilang naging kasangkapan upang umakit ng mga tagahanga at tagasunod.

BAKIT MAHALAGA ang EPEKTIBONG PAGSASALITA?

Ang paglinang sa kasanayang ito ay malamang na magbunga ng mga positibong pagbabago hindi lamang sa iyong personalidad kundi maging sa iyong buhay. Ang pagsasalita sa harap ng publiko ay hindi naiiba sa pakikipag-usap nang pribado sa isang tao.ANO ang LAYUNIN ng EPEKTIBONG PAGSASALITA?Ayon kina White at Henderlider sa kanilang aklat na Public Speaking may 3 layunin ng pagsasalita:MagpabatidManghikayatManlibangPreparado/may Kahandaang Talumpati (Prepared Speech) dahil itoy may paghahanda, binibigkas ito nang maayos, detalyado at masusi. Ditoy may pagkakataong makapangalap ng impormasyon o datos ang magtatalumpati sapagkat binibigyan siya ng sapat na oras.Mga Uri ng Talumpati2. Walang Ganap na Kahandaan (Impromptu Speech) sapagkat walang paghahanda, ang mananalumpati ay nagsasalita nang ayon sa kanyang kaalaman o kabatiran lamang.

3. Talumpating Ekstemporanyo (Extemporaneous Speech) ang nagtatalumpati ay naghahahanda ng balangkas ng kanyang sasabihin. Inihahanda niya ang panimula at pangwakas ng kangyang talumpati, at saka niya nilalagyan ng laman sa kanyang isip ang kabuuan ng kanyang sasabihin. TATLONG BAHAGI ng PAMPUBLIKONG PAGSASALITAPAMBUNGAD

KATAWAN ng TALUMPATI

PAGSASARA o HULING BAHAGIANO ang MAHAHALAGANG ASPETO ng PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?Ang mabisang komunikasyon ay nakasalalay nang malaki sa mga partisipant nito. Kung gayon, malaki ang impluwensiya ng mabisang pagsasalita sa epektibong proseso ng komunikasyon.ANO ang MAHAHALAGANG ASPETO ng PAMPUBLIKONG PAGSASALITA?KAALAMANKASANAYANTIWALA sa SARILIKAALAMANUpang maging isang epektib natagapagsalita, kailangang may sapat kangkaalaman hinggil sa ibat ibang bagay.

Una, kailangang alam mo ang paksa ng isang usapan.Ikalawa, kailangang may sapat na kaalaman sa gramatika.Ikatlo, kailangang may sapat na kaalaman sa kultura ng pinanggalingan ng wikang ginagamit mo, sariling kultura at kultura ng iyong kausap.KASANAYANAng pagsasalita ay isa sa apat namakrong kasanayan kung kayat ito ayisang kasanayang maaaring linangin.

Una, kailangang may sapat na kasanayan sa pag-iisip ng mensahe sa pinakamaikling panahon. (May mga sitwasyon kasing nangangailangan ng presence of mind.)Ikalawa, kailangang may sapat na kasanayan sa paggamit ng mga kasangkapan sa pagsasalita tulad ng tinig, tindig, kumpas at iba pang anyong di-berbal.KASANAYANIkatlo, kailangang may sapat siyang kasanayan sa pagpapahayag sa ibat ibang genre tulad ng pagsasalaysay, paglalarawan, paglalahad at pangangatwiran.TIWALA sa SARILIAng isang taong walang tiwala sa sarili ay karaniwang nagiging kimi o hindi palakibo.Madalas din silang kabado lalo na sa harap ng pangkat ng tagapakinig o sa harap ng publiko.Mahihirapan silang papaniwalain ang ibang tao sa kanilang mensahe.Ang mga ganitong tao ay mahirap makaakit, makakumbinsi o makahikayat ng pagsang-ayon sa mga tagapakinig.ANO ang mga SALIK sa EPEKTIBONG PANANALITA? Masusukat ang bisa ng isang tagapagsalita sa lakas ng kanyang panghikayat sa kanyang tagapakinig o di kayay sa kakayahan niyang mapanatili ang interes ng kanyang tagapakinig sa kanyang sinasabi. Ito ay makikita sa reaksyon ng kanyang tagapakinig sakanya.

ANO ang mga SALIK sa EPEKTIBONG PANANALITA? TINDIGKUMPASTINIGKILOSBIGKASTINIGPinaka mahalagang puhunan sa isang nagsasalita.Kinakailangang ito ay mapanghikayat at nakakaakit talagang pakinggan.May mga sitwasyon na hindi nangangailangan ng malakas na tinig.Ano mang lakas o hina ng tinig, dapat ito ay angkop sa partikular na sitwasyon at sa damdaming nais na ipahiwatig ng isang nagsasalita.

Kaakibat ng tinig ay ang himig.May himig na mabagal, may himig na pataas at mayroon ding pababa.Katulad ng lakas kailangan ang himig ay angkop din.

BIGKASNapakahalang maging wasto ang bigkas ng isang nagsasalita.Kailangan ito ay mataas at malinaw sa pagbigkas ng mga salita.Ang maling pagbigkas ay maaaring magdulot ng maling interpretastyon para sa mga tagapakinig.Lalo nat ang ating wika ay napakaraming Homonimo.Maaari din maging katawa tawa ang salita kung mali ang pagbibigkas dito.

Kaugnay nito, kailangang maging maingat din siya sa pagbibigay diin o stress sa mga salita at sa paghinto at paghinga sa loob ng mga pangungusap at talata upang maging malinaw ang mensahe ng kanyang pahayag.

TINDIGAng isang tagapagsalita lalo na sa isang pagtitipon ay kailangan may magandang tindig.Kinakailangang my tikas mula ulo hanggang paa.Hindi magiging kapani paniwala ang isang mambibigkas kung siyay parang nanghihina o kung siyay mukhang sakitin.Ang isang tagapagsalita ay kinakailangan maging kalugud-lugod hindi lamang sa pandinig ng tagapakinig.Kailangan din niyang maging kalugud-lugod sa kanilang paningin upang siyay maging higit na mapanghikayat.

KUMPASKumpas ng kamay ay importante rin sa pagsasalita.Kung walang kumpas ang nagsasalita ay magmumukhang tood o robot.Ngunit ang paglumpas ay kinakailangan maging angkop sa diwa o salitang binabanggit.Tandaan na ang bawat kumpas ay may kalakip ding kahulugan.

Kung gayon ang kahulugan ng kumpas ay tumutugma sa kahulugan ng nagsasalitang binibigkas kasabay ng kumpas.Tandaan na kailangang maging natural ang kumpas.Hindi rin maganda tignan ang labis, maging ang kulang o alanganing kumpas ng kamay.

KILOSSa pagsasalita, ang ibang bahagi ng katawan ay maaaring gumalaw.Mga mata, balikat, paa, at ulo. ang pagkilos ng mga ito ay maaaring makatulong o makasira sa isang nagsasalita.Isang halimbawa ay ang labis na paggalaw ng mga mata o kawalan ng panuunan ng paningin sa kausap.

Samantala, ang mabisang pagpapanatili ng pakikipagugnayan sa tagapakinig sa pamamagitan ng panuunan ng paningin ay maaaring makatulong sa kanya.Ang labis na paggalaw naman ng ulo ay hindi angkop kagaya ng pagtango o pagiling ay maaaring makapagpalabo sa mensaheng ipinahahatid ng isang nagsasalit. Ang labis na paggalaw o paglalakas naman ay pwedeng maging dahilan ng pagkahilo ng kanyang kausap.

Propayl ng Epektibong Ispikera. Responsable b. Magiliw at kawili wiling pakingganc. Malawak ang kaalamand. Palabasae. Palaisipf. Mayaman ang koleksyon ng ideyag. May interes sa paksang tinatalakayh. Obhetiboi. May sense of humor

j. Gumagamit ng mga angkop na salitak. Nirerespeto ang pagkakaiba-iba ng tagapakinigl. Sapat at angkop ang lakas ng tinigm. Malinaw at wasto ang pagbigkas ng salitan. Gumagamit ng angkop na kumpas at kilos. Hindi iniinsulto o sinasaktan ang damdamin ng tagapakinigng. Maingat sa paggawa ng kongklusyon, paratang at batikos

o. May panuunan ng paningin sa tagapakinigp. Angkop ang kasuotan sa okasyonq. Pinaniniwalaan at isinasabuhay ang sinasabir. Walang nakakadistrak na mannerismss. Mainam ang tindig o postyurt. Maayos at lohikal ang presentasyon mula sa simula, gitna hanggang wakasu. Iniiwasan ang mapalabok na pananalitav. Binibigyang-diin ang mahahalagang konseptoo kaisipanw. Alam kung kailan tatapusin ang pagsasalitax. Iniiwasan ang pagyayabangy. Mayaman ang bokabularyoz. Taglay ang mga angkop at inaasahang gawi, personalidad at karakter

BAKIT TAYO MAY TAKOT sa PAMPUBLIKONG PAGSASALITA

Ang takot sa pagsasalita sa harap ng madla ay tinatawag na XENOPHOBIA o STAGE FRIGHT . Ito ang takot na mapagtawanan bunga ng maling gramar, maling bigkas, o masagwang tindig o postyur.

Ang pinakamabuting paraan ng paglaban sa takot , kung gayon, ay ang pagharap, at hindi ang pagtalikod dito.

Manipestasyon ng Stage FrightPanginginig ng kamay.Pangangatog ng tuhod.Kawalan ng ganang kumain.Pananakit ng tiyan.Di-pagkatulog.Pananakit ng ulo.Pagkautal.Pagkalimot ng sasabihin.Paninigas ng pagkakatayo.Kawalan ng panuunan ng paningin.Biglang pagbilis ng pulso.Mataas na presyon ng dugo.

Ibat Ibang Dahilan ng Stage FrightTakot sa malaki at di-pailyar na madlang tagapakinig.Di kaaya-ayang karanasan sa pagsasalita sa harap ng madla.Damdaming kakulangan o isekyuriti bunga ng anyong pisikal tulad ng kabataan, kapayatan, di kaaya ayang mukha o kulay o di magandang postyur.Kakulangan o kawalan ng kahandaanKakulangan o kawalang ng pamilyaridad sa lugar o okasyon.

Ngunit kailangan ng bawat tagapagsalita ang tensyon. Ito kasi ang magtritriger sa katawan ng lumikha ng adrenalin upang magtulak ng isang indibidwal na mag-perporm ng higit na mabuti.Nagagawa ng isang matalinong tagapagsalita na maging positibo ang tensyon at hindi negatibo.Ngunit kung labis ang takot, hindi na ito magiging produktibo.Samakatwid, kailangan itong kontrolin.MGA DAPAT GAWIN UPANG MAWALA ang KABA sa PAGSASALITAMaaring isagawa ang mga sumusunod:Pag-eensayoMaging pamilyar sa mga kontekstoPisikal na GawainHigit sa lahat, ang takot at pangamba ay maiiwasan kapag ang mananalumpati ay nakakasiguro sa kanyang sarili at siyay handang-handa sa kanyang sasabihin.Sa paghahahanda ng isang mahusay na talumpati, isaalang-alang ang mga sumusunod:Maliwanag na paksaTiyak ang layuninNakatatawag-pansin ang introduksyon at nagbibigay ito ng diwa ng direksyon na patutunguhan ng talumpatiMaliwanag na ipinahahayag ang paksa at layunin sa tesisDapat itong nagpapakita ng pruweba ng pagsusuri sa manonoodAng talumpati ay may maliwanag at tiyak na punto tungkol sa tesisG. Ang talumpati ay malinaw at nauunawaan H. Ang wikang ginamit ay maliwanag at angkop para sa paksa I. Gumagamit ng mga kilos ng katawan na makatutulong sa pagpapahayag ng mga kaisipan J. Gumagamit ng sapat na lakas ng tinig, tamang pagbibigkas o artikulasyon ng mga salita at tunogK. Ang kongklusyon ay nagbubuod ng mga pangunahing ideya at nagbibigay ng diwa ng pagtatapos ng talumpatiEtika sa Pagsasalita sa Publiko

1. Iwasan ang paggaya o sa madaling salita wag mangopya ng ibang talumpati, maliban na lang kung binigyan mo ng pagkilala ang mga salita na hiniram mo mula sa kanyang talumpati.

2.Wag magbigay ng maling impormasyon !

3.Paghandaan ang araw ng iyong talumpati.

4. Respetuhin ang iyong sarili. Manindigan sa iyong mga paniniwala

5. IGALANG ang inyong TAGAPAKINIG