ang pananaw ni ayatullah-ul uzma sayyid ali khamenei tungkol sa dakilang koran

Upload: abuzahra-dimasangca

Post on 05-Apr-2018

240 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    1/9

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    2/9

    Sinalin mula sa wikamg Persyano nina:

    Dr.Mahmood Tajar at Cairoden Dimasangca

    Ang Mga Pananaw ng Kanyang Kataas-taasang Liderato

    Tungkol

    sa

    Banal na Koran

    Ang Lider ng rebolusyonaryong Islamiko ng Iran sa Kanyang talumpati tungkolsa kahalagahang papel na ginagampanan ng Banal na Koran at sa patuloy

    nitong pamamatnubay sa sangkatauhan, gayundin sa pamahalaan ngIslamikong Republika ng Iran. Sa ilang pagkakataon, lalo na sa pagdalaw sakanya ng ilan sa mga guro, mambabasa at mananaulo ng Banal na Koran atganun din ang pagbibigay nito ng pangaral sa kanila tungkol sa Koran upangmaintindihan itong mabuti at maging gabay sa araw-araw na pamumuhay. Ilan

    sa mga pangaral nito sa kanyang mga panauhin ay ganito:

    Kailangan natin tingnan ang banal na Koran bilang isang malinis na salaminupang ito ay magdulot ng aninag sa ating mga puso. Kailangan ito manatili nglubusan sa ating pusot kaisipan.

    Hindi ito pangkaraniwan mangyayari o basta-basta lamang makakamtan ngbawat isa, ito ay nakalaan lamang sa mga taong may malinis na pagkatao, maymalinaw na adhikain at may matibay na pananampalataya. Ang mga taong maynegatibong pananaw sa banal na Koran ay kailanman hindi ito magkakaroon ng

    interest upang tangkilikin ang banal na kasulatang ito. Ang Banal na Koran

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    3/9

    mismo ay nagsasaad: Kahit man ipadala naming ang mga anghel o buhayin panaming ang mga pumananw na upang magsalita sa kanila at ipagkaloob dinnaming ang lahat-lahat sa kanila, ay hinding- hindi sila maniniwala malibanlamang sa kagustuhan ng Allah

    Kahit sa ano pa mang paraan natin pakitunguhan ang Banal na Koran at ganondin ang paulit-ulit natin rito pagbabasa kung tayo mismo ay hindi tapat rito aykailanman ay hindi magiging dahilan yon upang ang puso natin ay mapalapit

    rito.

    Kailangan natin mapalapit sa Banal na Koran. Kayong mga kabataan nanandito, kasama na ang lahat ng mga bagong sibol sa bawat bansa na

    nakakarinig nito, dapat ninyong tandaan na napapaloob sa banal na Koran anglahat ng kaalaman na kinakailangan natin sa ating pamumuhay at pati na angmga lunas sa lahat ng paghihirap, sa mga bagkabalisa o pagkahapo bunga ngpagkawili natin sa makamundong pamumuhay na ito. Bahagyang kaalamnlamang sa Banal na Koran ay kaya nitong pawiin ang mga paghihirap na ito;anglahat ng ito ay katotohanan; minumulat nito ang ating mga pananaw,

    nagbibigay ng bagong pag-asa, naghahatid ng tanglaw na liwanag sa atingmadilim na pagkatao at umaakay ito tungo sa tamang landas ng ating buhay.Kailangan natin bigyan ng sapat na pangangalaga ang Banal na Aklat na ito.Kilalanin natin itong maigi.

    Habang tayo ay nalulunod sa materialistikong pamumuhay sa mundong ibabawna ito ay lalo tayong nawawalay sa ispirituwal nating pagkatao. Parang isangmalinaw na salamin na tuluyan natin itong nilalapatan ng putik na nagigingsanhi upang hindi na ito magbigay ng malinaw na panganganinag. Huwagnating hayaan ang ating mga sarili na mapalayo sa Banal na Aklat na ito.Nakakalungkot sabihin na halos lahat ng mga bansang Islamiko sa ngayon aytuluyan na itong tinalikuran. Bagaman alam nila kung anong pagpapalamayroon sa Banal na Aklat na ito, ngunit sa kabilang dako naman ay sa ibangbagay parin sila kumukuha ng lakas at pamamaraan. Dapat sa Allah lamang silamagtiwala, ngunit kabaligtaran nito ang ginagawa nilang pamamalakad, sila aysumasangguni at umaasa sa mga grupong walang kinikilalang Diyos! Sadyang

    maruming at kabaligtarang pananaw ang mayroon sila!

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    4/9

    Mga minamahal ko, ang banal na Koran ay isang liwanag, ito ay nagbibigay ngtanglaw sa ating puso at isipan. Kung mapalapit tayo sa Banal na Koran,makikita natin kung papaano ito magbigay liwanag sa ating katauhan na siyangmaging dahilan upang mawalay tayo sa ibat ibang uri ng kasamaan at mga di

    kanais-nais na gawain. Diba mas maganda ito para sa atin? (tayo ay mapapaalisnito mula sa kadiliman patungo sa kariwasaan) sa pamamagitan ng biyayamismo ng Koran, ang Allah ay nagpahiwatig, Ang Allah ang tagapagtanggol ngmga mga mananampalataya, mula sa kailaliman ng kadiliman ay gagabay itopabalik sa kaliwanagan) dahil sa biyaya ng Koran, lahat ng mga pagkukulang,mga kamalian at hindi matuwid na pamamalakad ay magkakaroon ito ng

    kaliwanagan at katiwasayan sa buhay.

    Ang Koran ay isang tanyag na banal na kasulatan, ang lahat ng mga suliraninkinakaharap natin mula sa kasalukuyan nating pamumuhay, sa panghinaharapnito at sa anumang uri ng pagsubok na kakaharapin nating sa ating buhay, mgaadhikain nating gusto nating isakatuparan, at sa ibat ibang mga suliranin atmga katanungang hindi natin kayang sagutin o bigyan ng sulusyon ay nasabanal na Koran lamang natin ito maaring maliwanagan.Ang Banal na Koran ayisang tanglaw na liwanag, isang tanyag na karunungan na mag-ahon sa atin sa

    kasamaan, ang magbibigay ng kalusugan sa ispiritual nating pananaw, angtanging gabay natin kung papaano mapalapit sa Allah.

    Mga Minamahal ko! Sa anong paraan natin mapapakinabangan ang mgabiyayang nakapaloob sa banal na Koran. Sapat na bang magkaroon tayo ngkopya sa bawat lalagyan natin? Tama na bang basahin natin ito alinsunod sanakakaaliw nitong tinig o dinggin natin ito sa kagandahan nitong himig upangmakapagdulot sa atin ng kasiyahan? Hindi! Mayroon pa itong higit na

    importansya. Alam ninyo ba kung ano ito? Ito ang masususing pag-aaral.Kailangin natin sisirin ng malalim ang banal na aklat na ito. Ang Koran mismo aypalagi nagpapahiwatig sa atin na kailangan natin ito bigyan ng mas malawak napag-unawa.

    Mga minamahal ko, lubos-lubosin natin intindihin ang Banal na Koran sapamamagitan ng taimtim na pag-aaral rito dahil sadyang marami tayong

    matutuhan rito, marami pa tayong kailanganb alamin ; marami pa tayong

    kinakailangan gampanan; panatilihin natin ang walang katapusang pag-aaralrito, kailangan natin paunlarin ang kaalaman natin dito. Ang lahat ng nakikita

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    5/9

    nating tagumpay sa bansang ito mula pa sa simula ng rebulosyon hanggang sangayon ay bunga ng biyaya sa pagtangkilik natin sa banal na Koran. Ang lahatng namumuno at mga mamamayan ng bansang ito ay hawak kamay nanagsasagawa ng mga pagtitipon na may kaugnayan sa Koran, tulad ng

    pagbabasa rito. Ang totoo ang pagbabasa rito, pagsasa-ulo at ang pag-papalaganap rito sa anumang pagdiriwang ay nagiging dahilan upang lalo tayomapalapit rito. Sadyang ang pagbabasa ng Koran sa kagandahan nitong himigay tunay na kaaya-aya!

    Mga minamahal ko! Ang pagbabasa sa Banal na Koran gaya ng ginagawa natinngayon ay unang hakbang lamang. Ang Koran ay nagpapakilala sa atin sa ibatibang pamamaraan. Halimbawa nito ay ang patnubay nitong mg a salita Angkatotohanan na ang Koran ay gabay sa pinaka-angkop na paraan at

    nagbibigay ng mabuting balita sa mga mananampalataya na mamuhay ng

    matuwid upang sa sila ay tumanggap ng mahusay na gantipala. Ang ibigsabaihin nito ay ang Koran ay nagpapahiwatig sa mga tao tungkol sapinakamagandang paraan at sa paggawa ng tamang sestema ng pamumuhay,pamamhala, moralidad at marami pang iba. Ang mga tao sa panahong ngayonay nagangailangan sila ng pamamatnubay ng Koran at lalong hingit tayong mga

    Muslim ang nangangailangan rito. Tayo ay nasa tiyak na pagkalugi kung hinditayo makinabang sa mga aral nito. Ang mga alituntunin nito ay subok nangnapatunayan ng kasaysayan. Ang tagumpay ng mga sinaunang kabihasnan salarangan ng karunungan, pag-uugali at maging ang materialistiko oispirituwalismong aspeto ng kanilang mga buhay ay epekto ng kanilangpananalig sa pamamatnubay ng Banal na Koran. Ang Koran ay nananatilingbuhay. Ito ay naghahatid ng lahat ng kasagutan sa lahat ng mgapangangailangan ng sangkatauhan. Ang Koran ang tanging banal na kasulatan

    sa anumang panahon na umaakay sa mga tao sa kanyang tagumpay sa buhay.

    Sa panahon nating ito, karamihan sa mga tao ay napapalayo sa ispirituwalnitong katayuan. Lumilihis ito sa tunay nitong pagkatao, maging sa pag-uugaliat sa pagiging maka diyos na siyang dahilan upang tuluyan nang hindimapakinabangan maging ang materialistikong pag-unlad. Bakit kaya? Hindi basa panahon ngayon ang mga tao ay mas lalong mayayaman at sa larangan ngkarunungan ay lalo pa itong umuunlad? Bakit mas lalaong tumitindi angpamumuhay natin sa ngayon? Ano ang ugat ng hindi pagkakasundo na

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    6/9

    nangyayari sa mundong ito? Bakit maraming digmaang nagaganap? Bakitkaramihan sa mga tao ay walang awa at walang pagmamahal sa kapwa? Bakitkaramihan sa mga kabataang namumuhay sa mauunlad na sibilisasyon ay hindinakakaranas ng matiwasay na pamumuhay mapayapang pangkaisipan t? Ano

    ang kakulangan sa mga tao upang mamuhay ng mapayapa? Iisa lamang angmagiging kasagutan nito. Ang mga tao ay salat sa kaalaman sa mga pahayag ngPropeta. Wala silang kaalaman sa mga sali't saling sabi o mga metolohiya ngmga Propeta at kung mayroon man sila nito ay hindi nila ito sinusundan.

    Sa Kasalukuyan ang Banal na Koran ang siyang nangingibabaw sa bansa natin.Ang pinaka-unag hakbang ay ang pag-aaral natin sa banal na aklat na ito at lalonatin ito palawakin sa bawat araw. Kung ninanais natin palaganapin sa bawatmamamayan ay kinakailangan magkaroon tayo ng mga taong may kompletongkaalaman sa Banal na Koran upang siya ang maging modelo sa ibang tao.Katulad ito ng isang koponan sa bawat laro kung saan may natatangingmeymbro na may ganap na angking abilidad sa isang uri ng laro. Ang bawat isaay sumusunod sa kanya, tinatangkilik ng lahat at pinaka-iingatan ng bawattagahanga. Ganun din ang banal na Koran. Kung ninanais natin ito lumaganapsa bawat tahanan, sa bawat mamamayan, bata man o matanda, lalaki man o

    babae ay kailangan natin pangalagaan ang bawat mambabasa ng Koran.Igalang at pag-ingatan natin sila dahil sila ay tagapag-alaga ng Koran, sila aykagalang-galang, ang mga labi nila; mga puso nila ay dakila dahil sila ay

    malalapit sa Koran at sa Koran lamang nakasalalay ang mga buhay natin ito.

    Hindi sapat sa atin ang pag-babasa lamang sa banal na Koran kundi kailangandin natin ito pag-aralan, isalin sa ibat ibang wika para sa kapakanan ng hindi

    marunong sa wikang Arabiko.

    Hindi sapat na maunawaan natin ang kahulugan ng bawat salita nito kundidapat din natin intindihin at suriin ang mga malalalim na mga talinghagangnakasaad rito upang sa ganon ay maintindihan natin ang kabuuang ng aral nanakapaloob rito. Nararapat lamang na mag-ukol ng mas malalim na pag-uunawa sa tunay na kahulugan ng bawat mensahe na nakatago sa Banal naKoran. Ang mga salitang ito ay sadyang malalim, masyadong mataas at

    nangangailangan ito ng mas masusing pananaliksik dahil ang tagapagsalita nito

    ay ang Dakilang Lumikha. Bawat pantig ng mga salita rito ay mula sa Kanya.

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    7/9

    Hindi lang opinion ang nagmumula sa kanya kundi bawat kataga ng mga salita

    rito ay nanggagaling sa Diyos.

    Halina kayo at gumalaw at suriin natin ito at intindihin. Sisirin natin at unawain

    ang kalaliman nito. Sadyang hindi natin ito maabot ng walang taimtim napagmamahal sa bawat talata nito.

    Ang nangyayari sa panahon natin ngayon ay masyado tayong malayo sa Banalna Koran. Hinayaan natin ito magkaroon ng agwat sa ating mga sarili. Sanayinnatin ang ating mga sarili na mahumaling sa banal na Koran upang mapanatilinatin mai-ugnay ang mga sarili natin sa Banal na Kasulatang ito, upang saganon ay ganap natin maintindihan at maunawaan ang nakatagong mensahe

    nito na siyang magbibigay gabay sa ating pusot isipan.

    Ang pamumuhay natin pati narin ang kumunidad natin ay magbabago kung itoay aalinsunod sa pamamatnubay ng Banal na Koran. Hindi na ito mapapailalimsa pampulitikang pamamaraan. Bawat tibok ng ating puso at pananaw sabuhay ay lahat aalinsunod sa pamamatnubay ng Banal na Koran. Hangganghindi nakikilala ng lubusan ang kahalagahan ng banal na Koran ay hindi itomagiging parte ng buhay ng bawat isa ganun din ang kabuuan ng lipunan.

    Dito natin malalaman ang kahalagahan ng mga mambabasa at nang mgamananaulo ng Banal na Koran at gayun din ang mga tagapagturo nito. Sasimula ng unang pagsulong ng Islam ay makikita natin ang malaking papel naginampanan ng pagbabasa sa banal na Koran at kung gaano ito nagiging parte

    ng buhay ng mga tao.

    Ang pagiging maka-Koran ay nangangahulugan ng tapat na didekasyon na ituro

    sa bawat mamamayan at ganap itong ipakilala sa bawat isa at kumilosalinsunod sa mga alituntuntunin nito.

    Sa mundo ng Islam natin sa ngayon ay kakaunti lamang ang mga taong ganito.Bagamt nakikita sa lahat ng lugar an g sagisag ng islam, matatanaw sa bawatpamayanan ang diwa ng Islam, ang alamat ng pagiging isang Muslim ay

    masisilayan sa bawat lokalidad ngunit ang kakulangan lang nito ay ang lubusannatin pagkaintindi sa mga panuntunan nakasaad sa banal na Koran na siyangmaging gabay natin sa araw araw nating pamumuhay.Dito sa banal na Koran

    nakasalalay ang tunay na pagkikilanlan ng isang Muslim.

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    8/9

    Ito ang adhikain ng bansa natin ito. Nais din natin mangyari sa bawatmamamayan na maunawaan nila at mapakinabangan ang banal na Koran naito. Ito ang layunin ng mga pagtitipon na ito kasama na roon ang mgapaligsahan (sa pagbabasa at pagsasaulo) na isinasagawa natin. Ang paglalaan

    ng oras sa mga ganitong okasyon, ang mga didekasyon at pagsisikap naginugugugol ng mga kapatid natin ay para lamang sa hangarin maipakilala natin

    ang tamang anyo ng Banal na Koran.

    Ngunit nakakalungkot sabihin na malayo pa tayo sa mga aral ng Koran, sadyangnapakalayo pa tayo rito. Ang isang bansang may ganap na kaalaman sa banalna Aklat na ito ay sadyang madali sa kanila ang agos ng pag-unlad. Pagmasdanninyo ang bansa nating ito na nagbubukas ng maraming pintuan na maykaugnayan sa Banal na Koran ay masisilayan ninyo ang isang matagumpay napagbabago na naging bunga nito. Ang kaluwalhatian nagaganap sa bansa natinito ay dahilan lamang sa bahagya nating pag-angat tungo sa banal na Koran.Ganito ang Dakilang Koran. Oras na hawakan natin ito ng mahigpit at gawinnating gabay sa ating pamumuhay ay masasaksihan natin mismo ang tunay nakatuturan ng balita na ipinapahiwatig ng Banal na Koran na sa pamamagitan ng

    pagpapala nito ay magbabago ang landas ng kasaysayan ng mga Muslim.

    Ang Dakilang Koran ay maihahalintulad sa patak ng ulan na kung ang mga pusoninyo ay maging isang tulad ng mayabong na lupa ay madali rito manunuot.Ihanda ninyo ang inyong mga sarili, ang puso at isipan ninyo ay ipaubaya sapamamatnubay ng Banal na Koran upang tuluyan ito magkaroon ng ganap naimpluwensya sa inyong pagkatao. Ang mga aral nito mismo ang maghahatid ngliwanag sa inyong buhay sa kondisyong tapat ninyong iuugnay ang inyong mga

    sarili sa banal na Koran.

    Mga minamahal ko! Mga giliw kong kabataan! Isang malaking karangalan angpagbabasa ng banal na Koran. Isang pagpapala na magbibigay daan tungo sapintuan ng karunungan. Isa itong malawak at dakilang karagatan na kunggaano mo ito tahakin ay lalo kang mauuhaw at mawiwili. Magdudulot ito ngkaliwanagan sa inyong mga puso. Dapat natin itong sisirin ng malalim. Muliakong nakiki-usap sa inyong mga kabataan na bigyan ninyo ng seryosong pag-

    unawa ang bawat kahulugan ng Dakilang Aklat na ito. Ganun din ang pagsasalin

    nito sa ibat ibang wika. Ilan beses ko na itong hiniling sa mga giliw nating mgakabataan ganoon din ang reaksyon nilang ipatupad ito.

  • 7/31/2019 Ang Pananaw ni Ayatullah-ul Uzma Sayyid Ali Khamenei Tungkol sa Dakilang Koran

    9/9

    Ang mamamayan ng Islam ay dapat magkaroon ng timbangan sa pamamagitanng banal na Koran. Sa oras na mapansin nito ang sarili na napapalayo satimbangan ng Koran ay sikapin itong mapalapit muli rito. Ang Banal na Koranay isang malawak na karunungan at aklat ng kaalaman. Bawat mamamayan ng

    Islam ay dapat marurunong, matalisik at matatalino. Sikapin ito sa bawat araw

    ay tuluyang maragdagan at dumarami.