ang pancasila at ang indonesia ng bagong panahon (presentation)

15
Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon

Upload: paul-eugenio

Post on 27-Nov-2014

282 views

Category:

Documents


53 download

DESCRIPTION

TesisMalaki ang naging papel ng ideolohiya at pilosopiyang Pancasila sa pagbuo ng Indonesia bilang nasyon, paghubog sa uri ng gobyernong umiiral at pagimpluwensiya sa mga patakaran, kaisipan at kabuuang pamamalakad ng bansa.Kasaysayan ng IndonesiaMalaki ang naging bahagi ng dagat sa paghubog ng bansang Indonesia sapagkat dahil sa dagat, nakapaglayag ang mga mamamayan patungo sa ibang lupa, at ang mga tao mula sa ibang bansa patungong Indone

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon

Page 2: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

TesisMalaki ang naging papel ng ideolohiya at pilosopiyang Pancasila sa pagbuo ng Indonesia bilang nasyon, paghubog sa uri ng gobyernong umiiral at pagimpluwensiya sa mga patakaran, kaisipan at kabuuang pamamalakad ng bansa.

Page 3: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kasaysayan ng IndonesiaMalaki ang naging bahagi ng dagat sa paghubog ng bansang Indonesia sapagkat dahil sa dagat, nakapaglayag ang mga mamamayan patungo sa ibang lupa, at ang mga tao mula sa ibang bansa patungong Indonesia. Nakgkahiraman ng kultura ngunit dahil sa dagat, nakapagsarili ang Indonesia. Nagkaroon ng maliliit na mga komunidad.

Page 4: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kasaysayan ng Indonesia

Masasabing kalahating milyon na ang kasasayan ng Indonesia dahil iyon ang petsa na umaayon sa hominid fossils na natagpuan noong 1809 ni Eugene Dubois malapit sa Trinil Village, Kanluran ng Java.

Page 5: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kasaysayan ng Indonesia

Marami sa mga sinaunang kaharian ay Hindu-Buddhist dahil sa impluwensiya mula sa India at sa Tsina. Noong ika-11 na siglo lamang nagsimulang lumaganap ang Islam at unti-unting nabuo ang mga iba-ibang sultanato sa rehiyon.

Page 6: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kasaysayan ng IndonesiaMula 1602 hanggang 1799, ang bansa ay pinamunuuan ng Dutch East India Company. Sa dulo ng taon, ang naghihingalong kumpanya ay napalala ng gobyernong Dutch. Ang mga pondo nito ay mabilis na nabawasan dahil ang Indonesia ngayon ay kaya nang tumakbo sa sarili niyang paa at halos hindi na magpapaamo sa kolonyalismo. Nagtaguyod na sila ng daan pang kalakalan upang malihis ang Dutch East India Company. Kahit na may mga rebelyon, ang Indonesia ay nanatiling kolonya ng mga Dutch hanggang 1942.

Page 7: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kasaysayan ng Indonesia

Sinakop ng mga Hapon ang kapuluuan noong 1942 – 1945 bago bumalik ang Dutch at inako ang kanilang kolonya. Sa dulo ng 1949, inatras ng Dutch ang kanilang pamumuno sa buong Indonesia maliban sa Kanlurang Irian. Noong 1956, ang mga nalalabing alyansa sa Netherlands ay nahinto.

Page 8: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Ang Pancasila

Page 9: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Sa Madaling Salita

Ang Pancasila ay isang idelohiya at pilosopiya. Ito’y binubuo ng limang prinsipiyo na gumabay sa pagbuo ng Indonesia sa kung ano ito ngayon. Bilang instrumento ng pamamahala, ang paraan ng paggamit nito nag-iiba ayon sa nasa kapangyarihan.

Page 10: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Simulain Bunga ng Badan

Penyelidik Usaha Persiapan Kemerdekaan Indonesia o ang Body to Investigate Efforts for Preparing [Indonesian] Independence (BPUPKI) at mga hakbang patungong kasarinlan

Hunyo 1, 1945, “The Birth of Pancasila Address”

Page 11: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Ang Pancasila na nasa Preamble ng Konstitusyong

1945 Sila Ketuhanan yang Maha

Esa- Paniniwala sa nag-iisang makapangyarihan kataas-taasang nilalang.

Sila Kemanusian yang Adil dan Beradab- Paninindigan sa pagpapanatili ng humanitarianism.

Sila Persatuan Indonesia- Paninindigan sa pagkakaisa ng Indonesia.

Page 12: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Ang Pancasila na nasa Preamble ng Konstitusyong

1945 Sila Kerakyatan yang Dipimpin

oleh Hikmat Kebijaksanaan dalam Permusyawaratan - Wastong pamamalakad ng gobyerno sa pamamagitan ng konsultasyon (musyawarah) at pagdating sa nagkakaisang pinagkasunduan (mufakat).

Sila Keadilan Sosial bagi Seluruh Rakyat Indonesia- Paninindigan sa pagpapanatili ng kaayusan at katarungang panlipunan.

Page 13: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Ang Pancasila mula 1945-1969

1945-1950: Bandera ng Rebulosyon

1950-1957: Panahon ng Parlyamentong demokrasya; paghina ng Pancasila sa eksana

1957-1966: Panahon ng Guided Democracy; pagbalik sa pundamental na Pancasila ni Sukarno

Page 14: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kongklusyon

• Ang Pancasila ay ang pambansang ideolohiya ng Indonesia. Binubuo ito ng limang sila o prinsipyo na gumagabay sa pamamahala at pamumuhay sa Indonesia.

• Nagsimula ang Pancasila bilang isang reaksyon sa kasaysayan ng Indonesia at sa paghahanap ng mga namumuno ng ideya na maaring pundasyon sa pagsisimula ng bansa.

Page 15: Ang Pancasila at ang Indonesia ng Bagong Panahon (Presentation)

Kongklusyon

• Mula kay Sukarno, Suharto at sa makabagong panahon, nagkaroon ng iba’t-ibang anyo at interpretasyon ang Pancasila kaya maituturing itong isang ideolohiyang pulitikal at dinamiko.

• May mga pangkat mula sa loob at labas ng bansa na sumusuri at kumokontra sa Pancasila, ngunit nananatili pa rin itong matatag.