ang panglalakbay ni dave sa · 2018. 9. 10. · ang hilagang asya ay binubuo ng mga bansang dating...
TRANSCRIPT
ANG PANGLALAKBAY NI
DAVE SA
Sa isang maliit na bayan sa bulubunduking probinsya ng Compostela
Valley ay nakatira ang isang batang nagngangalang Dave. Siya ay ikaapat sa
anim na magkakapatid. Ang kanyang mga magulang ay magsasaka.
Itinataguyod silang magkakapatid mula sa mga kinikita ng kanilang magulang
sa pagbebenta ng ani at pag-aalaga ng ibat-ibang hayop katulad ng baboy,
tupa at kalabaw. Sa murang edad pa lamang ay namulat na si Dave sa hirap
ng kanilang buhay bagamat malawak ang kanilang lupain sapat lang ang
kinikita ng kanyang mga magulang para sa kanilang pangaraw-araw na
pangangailangan at pagpapa-aral sa kanilang magkakapatid. Kaya naman
pinagsusumikapan niya palagi ang kanyang pag-aaral upang masuklian niya
ang pagsusumikap ng kanyang mga magulang.
1
Maagang gumising si Dave upang makapag-almusal at gawin ang
kanyang mga gawain sa buhay bago umalis papuntang paaralan. Pagpasok ni
Dave sa kanilang silid-aralan ay agad niyang nadatnan ang kanyang
paboritong guro na naghahanda para sa tatalakayin nilang paksa. Hangang-
hanga si Dave kay sir Harvey sapagkat napakagaling nitong magturo ng
asignaturang Araling Panlipunan. Bawat araw ay inaabangan niya ang mga
kwento ng kanyang guro tungkol sa mga lugar sa ibayong dagat na
napuntahan nito tulad ng Singapore, Malaysia , Japan at Thailand. Nang dahil
kay sir Harvey ay nagkaroon siya ng interes na tuklasin ang mga lugar na parating
binabanggit nito. Kaya naman nagsusumikap siya nang husto sa pag-aaral
upang baling araw ay mapuntahan niya ang mga lugar na iyon.
2
Malapit ng magtakip-silim nang makauwi si Dave. Sabik na sabik siyang
magkwento sa kanyang mga magulang tungkol sa mga natutunan nito sa klase
pati ang mga kwento ng kanyang paboritong guro. Habang silay
nagsisihapunan walang sawa niyang naibanggit ang mga nakamamanghang
lugar na napuntahan ng kanyang guro at paulit –ulit niyang sinasabi na balang
araw ay mapupuntahan niya iyon. Pagkatapos , ay agad silang nagligpit ng
pinagkainan. Makalipas ang ilang minuto ay kanya-kanya silang pumasok sa
kanilang silid.
3
Nagmumuni-muni sa Dave sa kanyang silid habang siya ay nakahiga at
inaaliw ang sarili sa kaiisip tungkol sa mga naikwento ng kanyang guro.
Makaraan ang ilang sandal ay hindi niya namalayan na siya’y nakatulog nang
mahimbing. Pagkalipas ng ilang oras ay bigla siyang nagising nang may
maaninag siyang liwanag sa labas ng bintana. Malalim na ang gabi ngunit hindi
mapakali si Dave sa ilaw na nagmumula sa labas. Nilapitan niya ito at laking gulat
niya nang makakita siya ng isang matandang babae na nakasuot ng isang
makinang na damit. Takot at hindi makapagsalita si Dave dahil nang Makita niya
ang babae ay nakalutang lamang ito sa ere. Sa isip niya baka ang matandang
babae ay isang maligno. Ngunit bigla namang napawi ang kanyang takot nang
magpakilala ang matandang babae at sinabi ang pakay nito sa kanya.
4
Ayon sa matandang babae na nagpakilala bilang Diyosa ng Panaginip,
siya ay matagal nang nagmamasid kay Dave simula noong musmus pa lamang
ito. Tuwang-tuwa si Diyosa ng Panagginip kay Dave dahil siya ay mabuting anak.
Alam rin niya ang mga pangarap ni Dave. Katulad ng makapaglakbay sa mga
lugar sa Asya na parating binabanggit ng kanyang guro. Kaya naman sinabi ni
Diyosa ng Panaginip na tutungan niya si Dave na matupad ang kahilingan nito
basta’t wala siyang pagsasabihan tungkol sa kanilang pagtatagbo. Hindi
naman natakot si Dave at madaling nakuha ng Diyosa ang kanyang loob at sa
isang iglap lang ay agad na naglaho si Dave sa kanyang kinatatayuan at siya’y
napadpad sa ibang lugar .
5
Napunta si Dave sa isang napakadilim na silid. Wala siyang maaninag na
liwanag. Siya’y nanginig sa takot nang biglang lumiwanag at nagpakita sa
kanya ang Diyosa ng Panag-inip. Lumapit ito sa kanya at sinabihan siyang
machining muna sa kanya . Sinabi ng Diyosa na may kailangan muna siyang
aalamin bago simulan ang engrandeng paglalakbay. Nalaman niya mula sa
Diyosa na pinakamalaki ang kontinente ng Asya kung ihahambing sa ibang mga
kontinente sa daigdig. Sa kabuuang sukat nitong mahigit 17 milyong milya
kwadrado (humigit kumulang na 44,936,000 kilometro parisukat), katumbas nito
ang pinagsama-samang lupain ng North America, South America, at Australia,
at halos sankapat (¼) lamang nito ang Europe. Tinatayang sangkatlong (⅓)
bahagi ng kabuuang lupain ng daigdig ang kabuuang sukat ng Asya.
6
Maliban doon ay nalaman din niyang nahahati sa limang rehiyon ang Asya:
Hilaga, Kanluran, Timog, Timog Silangan, at Silangang Asya. Heograpikal at
kultural na sona ang mga rehiyong ito sapagkat isinaalang-alang sa
paghahating ito ang pisikal, historikal at kultural na aspeto. Ang Hilagang Asya
ay binubuo ng mga bansang dating Soviet Central Asia (Kazakhstan, Kyrgyzstan,
Tajikistan, Azerbaijan, Turkmenistan, Uzbekistan, Georgia, Armenia) Mongolia at
Siberia. Kilala ang rehiyong ito sa katawagang Central Asia o Inner Asia. Sa
Kanlurang Asya matatagpuan ang hangganan ng mga kontinenteng Africa,
Asya at Europa. Dito nakalatag ang mga bansang Arabo (Saudi Arabia,
Lebanon, Jordan, Syria, Iraq at Kuwait), Gulf States (Yemen, Oman, United Arab
Emirates, Qatar, at Bahrain), Iran, Israel, Cyprus, at Turkey. Bahagi naman ng
Timog Asya ang India; mga bansang Muslim ng Afghanistan, Pakistan at
Bangladesh; mga bansang Himalayan ng Nepal at Bhutan; at mga bansang
pangkapuluan ng Sri Lanka at Maldives. Ang Timog-Silangang Asya ay nakilala
bilang Farther India at Little China dahil sa impluwensya ng mga nasabing
kabihasnan sa kultura nito. Ang rehiyong ito ay nahahati sa dalawang sub-
regions: ang mainland Southeast Asia (Myanmar, Thailand, Vietnam, Laos,
Cambodia) at insular Southeast Asia (Pilipinas, Indonesia, Malaysia, Brunei,
Singapore, East Timor). Ang Silangang Asya ay binubuo ng China, Japan, North
Korea, South Korea, at Taiwan.
7
Maraming nalaman si Dave mula sa mga sinabi sa kanya ng Diyosa.
Masasabi niyang kasingtalino nito ang kanyang paboritong guro na si Sir Harvey.
Busog na busog siya sa kaalaman ng sandaling iyon. Maya-maya ay tinapik siya
ng Diyosa at sinabing siya’y maghanda at magsisimula na ang kanilang
paglalakbay at sa isang iglap ay narating nila ang rehiyon ng Timog- Silangang
Asya.
Unang tinungo nila sa rehiyong ito ang ibat-ibang anyong lupa at tubig na
matatagpuan rito katulad ng mga isla, kapatagan, kagubatan at kabundukan.
Ilan sa mga tanyag na anyong lupa ay ang hagdan-hagdang palayan ng
Ifugao sa Pilipinas, Mt. Kota Kinabalu sa Malaysia, mga magagandang isla sa el
nido Palawan at Sangkhlaburi Thailand. Kabilang naman sa mga tanyag na
anyong tubig ang Mekong river ng China, Manila Bay ng Pilipinas, Straits of
Melacca sa Malaysia at Underground river ng Palawan.
8
Sa kanyang pagtuklas ng ibat-ibang mga lugar sa Timog-
Silangang Asya ay may nakilala rin siyang mga tao. Katulad ng pangkat
ng Balinese ay matatagpuan sa kapuluan ng Bali , Lombok at kanlurang
bahagi ng Sumbawa sa Indonesia. Hinduismo ang pangunahing
relihiyon nila. Ang kultura ng Balinese ay nag-uugat sa ispiritwalidad ,
relihiyon , tradisyon at sining. Para sa mga Balinese ang relihiyon ay
sining. Karamihan sa mga Balinese ay mga magaling sa sining.
Nahinuna rin ni Davve na pangunahing hanap buhay ng mga taga
Balinese ang pagsasaka. Sinasalamin ng kabuhayan ng mga Balinese
ang karaniwang hanap buhay ng mga tao sa Timog-Silangang Asya
dahil sa nakakaranas ito ng katamtamang klima. Kaya maraming
makakapal na kagubatan sa rehiyong ito at napakayaman rin sa
biodiversity.
9
Matapos niyang puntahan ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay
tumungo siya sa rehiyon ng Silangang Asya at ditto ay nakilala niya ang
mga Ngalops na nagdala ng kulturang Tibetan at Buddhismo sa Bhutan
na hanggang sa kasalukuyang panahon ay umiiral sa bansa.Ang
kanilang wikang Dzongkha ang pambansang wika sa Bhutan. Iniangkop
ng mga Ngalops ang kanilang kabuhayan sa kanilang kapaligiran sa
kapatagan at lambak karaniwang pag-aalaga ng baka at pagsasaka
ang hanapbuhay. Pangunahing pananim ay palay , patatas , trigo at
barley. Pagaalaga at pagpapastol naman ng yak ang pinagkakakitaan
sa mga kabundukan. Dahil sa uri ng pamumuhay ng mga Ngalops ay
nahinuha ni Dave kung anong uri ng klima mayroon ang rehiyong ito.
Napag-alaman niyang Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.
Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre, taglamig kung
buwan ng Disyembre hanggang Pebrero, at kung Marso hanggang
Mayo, tag-init at tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o yelo
ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon. Samantala, kabilang sa
anyong tubig at lupa na kanyang natuklasan ay ang Indian Ocean at
ang bulubundukin ng Himalayas na kung saan matatagpuan ang Mount
Everest ang pinakamataas na bundok sa buong mundo.
10
Naging masaya ang paglalakbay ni Dave sa dalawang rehiyon.
Ang ikatlo niyang pupuntahan ay ang rehiyon ng Kanlurang Asya. Ang
rehiyong ito ay mayaman sa deposito ng langis kaya naman halos lahat
ng mga bansa dito ay kabilang sa mga pinakamayayamang bansa sa
daigdig. Yun nga lang ay salat sa tubig ang mga bansa dito dahil sa
malawak nitong disyerto. Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga
Arabo na kabilang sa mga kapatid nating mga Muslim. Ang mga lugar
ditto ay nakararanas ng pinakamainit na panahon at napakalamig na
panahon tuwing taglamig. Karaniwang nabubuhay na hayop ang mga
kamelyo kaya naman napakahalaga nito para sa mga Arabo.
Samantala may tumtutbo naming mga halaman sa mga OASIS sa gitna
ng disyerto na kung saan ay mayroong tubig at pinamumugaran ng mga
pananim tulad ng cactus. Ang mga tanyag na lugar sa rehiyong ito ay
ang Dubai ng United Arab Emirates , Kuwait at Saudi Arabi na maraming
kababayan nating mga pinoy ang nagtatrabaho.
11
Mula sa napakainit na lugar ay nagtungo naman si Dave sa rehiyon
ng Hilagang Asya. Mararanasan dito ang mahabang taglamig na
karaniwang tumatagal ng anim na buwan, at maigsi ang tag-init, ngunit
may ilang mga lugar na nagtataglay ng matabang lupa. Gayunpaman,
malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang panirahan ng tao dahil sa
sobrang lamig. Matatagpuan dito ang Laike Baikal , ang pinakamalalim
na lawa sa buong mundo. Bagamat namangha siya sa kanyang mga
Nakita ay hindi na siya gaanong nagtagal dahil sa sobrang lamig ng
klima at napadesisyunan niyang tumungo sa Silangang Asya bago
umuwi sa kanyang tahanan.
Pgadating niya sa Silangang Asya ay agad bumungad sa kanya
ang malamig na simoy ng hangin at mga magagandang tanawin na
matatagpuan ditto. Kabilang sa mga anyong lupa na kanyang
napuntahan ay ang tanyag na Mount Fuji sa Japan at Gobi desert ng
China. Sa anyong tubig naman ay nakita rin niya ang napalaking
Guangzho River at Victoria Harbor na daanan ng mga barkong palabras
at papasok ng Hong Kong , China. Sa paglalakbay niya sa rehiyong ito
ay nakilala niya ang mga Hapones, Tsino, Taiwanese at mga Koryano.
Namasdan niyang pare-pareho ang pagmumukha ng mga taga
silangang rehiyon ng Asya, mapuputi at singkit.
12
Monsoon Climate ang uri ng klima ng rehiyon. Dahil sa lawak ng
rehiyong ito, ang mga bansa rito ay nakakaranas ng iba-ibang panahon:
mainit na panahon para sa mga bansang nasa mababang latitude,
malamig at nababalutan naman ng yelo ang ilang bahagi ng rehiyon .
Dahil sa klima dito , taglay ng rehiyog ito ang mga halaman katulad ng
tundra at steppe na tumutubo lamang sa mga lugar na may kagayang
klima ng rehiyong ito. Hindi rin niya pinalampas na makapamasyal sa
mga matataong lugar katulad ng Beijing at Shanghai sa China at Tokyo
, Japan. Namangha siya sa napakamodernong pamumuhay mayroon
ang mga tao rito na malayong-malayo sa kinagisnan niyang lugar.
Matapos siyang makapaglibot ay napagdesissyunan niyang umuwi na
sapagkat siya ay napapagod na rin sa kapapamasyal.
13
Pagdating ni Dave sa kanilang tahanan ay hindi parin siya
makapaniwala natupad ang lahat ng mg pangarap niya. Ngunit
ikinagulat niya ang pangyayari nang makarinig siya ng ingay. Iyon pala
ay hindi totoo ang mga panaginip niya. Halos kathang isip lang. Nagising
siya nang maaga at agad niyang nahinuha na ang lahat ng nangyari ay
sadyang panaginip lang . Ngunit maganda naman ang kinalabasan
sapagkat nakadagdag ito sa kanyang kaalaman at mas nagsumikap pa
siyang mag-aral.
Hangang dito lamang.
14