ang pista

12
July 22, 2012 “Sa unang araw ng pista ng tinapay na walang pampaalsa, kaugalian nilang magkatay ng batang tupa ng Paglagpas. Sinabi ng mga alagad ni Jesus sa kaniya: Saan mo nais na kami ay pumunta upang maihanda namin ang hapunang Paglagpas upang ikaw ay makakain?13 Kaya sinugo niya ang dalawa sa kaniyang mga alagad. Sinabi niya sa kanila: Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya. 14 Sabihin ninyo sa may-ari ng sambahayan na kaniyang papasukan. Sinabi ng guro: Saan ang silid-pampanauhin na aking kakainan ng hapunan para sa Paglagpas kasama ng aking mga alagad? 15 Ipapakita niya ang malaking silid sa itaas na may mga kagamitan at nakaayos na. Doon kayo maghanda para sa atin.16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod. Natagpuan nila roon ang gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. Inihanda nila ang hapunang Paglagpas.17 Nang gumabi na, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawang alagad. 18 Habang nakadulog at kumakain, sinabi ni Jesus: Katotohonang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na kumakaing kasalo ko. 19 Sila ay nagsimulang nalungkot at isa-isang nagsabi sa kaniya: Ako ba? Sinabi rin ng iba: Ako ba? 20 Sumagot sa kanila si Jesus: Ang isa sa inyo sa labindalawang alagad na kasabay ko sa pagsawsaw sa mangkok, siya iyon. 21 Ang naisulat patungkol sa Anak ng Tao ay siyang mangyayari sa akin. Ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya

Upload: nely-shih

Post on 31-Mar-2016

228 views

Category:

Documents


3 download

DESCRIPTION

Pahayag noong July 22,2012

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Pista

July 22, 2012

“Sa unang araw ng pista ng tinapay na walang pampaalsa, kaugalian nilang magkatay ng batang tupa ng

Paglagpas. Sinabi ng mga alagad ni Jesus sa kaniya: Saan mo nais na kami ay pumunta upang maihanda

namin ang hapunang Paglagpas upang ikaw ay makakain?13 Kaya sinugo niya ang dalawa sa kaniyang

mga alagad. Sinabi niya sa kanila: Pumunta kayo sa lungsod at may masasalubong kayong lalaki na may

dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya. 14 Sabihin ninyo sa may-ari ng sambahayan na kaniyang

papasukan. Sinabi ng guro: Saan ang silid-pampanauhin na aking kakainan ng hapunan para sa Paglagpas

kasama ng aking mga alagad? 15 Ipapakita niya ang malaking silid sa itaas na may mga kagamitan at

nakaayos na. Doon kayo maghanda para sa atin.16 Umalis ang mga alagad at pumasok sa lungsod.

Natagpuan nila roon ang gaya ng sinabi ni Jesus sa kanila. Inihanda nila ang hapunang Paglagpas.17

Nang gumabi na, si Jesus ay dumating kasama ng labindalawang alagad. 18 Habang nakadulog at

kumakain, sinabi ni Jesus: Katotohonang sinasabi ko sa inyo: Ipagkakanulo ako ng isa sa inyo na

kumakaing kasalo ko. 19 Sila ay nagsimulang nalungkot at isa-isang nagsabi sa kaniya: Ako ba? Sinabi rin

ng iba: Ako ba? 20 Sumagot sa kanila si Jesus: Ang isa sa inyo sa labindalawang alagad na kasabay ko sa

pagsawsaw sa mangkok, siya iyon. 21 Ang naisulat patungkol sa Anak ng Tao ay siyang mangyayari sa

akin. Ngunit sa aba ng taong magkakanulo sa Anak ng Tao. Mabuti pa sa taong iyon kung hindi na siya

Page 2: Ang Pista

ipinanganak. 22 Habang kumakain sila, dumampot ng tinapay si Jesus. Pinagpala niya ito, pinagputul-

putol at ibinigay sa kanila. Sinabi niya: Kunin ninyo ito at kainin, ito ay aking katawan. 23 Kinuha niya ang

saro at matapos magpasalamat ay ibinigay niya sa kanila. Silang lahat ay uminom sa saro. 24 Sinabi niya

sa kanila: Ito ang aking dugo ng bagong tipan na nabuhos para sa marami. 25 Katotohanang sinasabi ko

sa inyo: Kailanman ay hindi ako iinom ng bunga ng ubas hanggang sa araw na maipanumbalik ko ang

aking pag-inom nito sa paghahari ng Diyos. 26 Umawit sila ng isang himno. Pagkatapos, sila ay pumunta

sa bundok ng mga Olibo.”

Ipinaliwanag ni Tim Keller na ang Passover meal na ipinag-utos sa Exodus 12:14,

“„And this day shall be unto you for a memorial, and ye shall keep it a feast to the Lord

throughout your generations; ye shall keep it a feast by an ordinance for ever.”

Page 3: Ang Pista

Ang Passover meal ay (Sa Hebrew ay Passover Seder, Seyder means "order,

arrangement" ay isang Jewish ritual feast na nagmamarka sa simula ng Jewish holiday

ng Passover. Ginagawa ito sa gabi ng ika- 14th day of Nisan sa Hebrew calendar, at sa

15th naman sa traditional observant Jews namumuhay sa labas ng Israel. Ito ay tapat

sa late March or April sa Gregorian calendar. Ang Seyder ay ritual na ginagawa ng

kommunidad o kaya naman ng mga mga henerasyon ng pamilya, at napapaloob dito

ang pagsasalaysay ng storya ng kaligtasan ng mga Israelites mula sa pagka-alipin sa

ancient Egypt. Kailangang ihanda ito sa isang paraan at may naiibang porma. Ito ay

kasama na may apat na puntos kung saan ang presider ay may hawak na baso na may

alak, tatayo at ipinaliliwanag ang ibig sabihin ng pagkain.

Page 4: Ang Pista

Kasama sa ritual ang apat na kupita ng alak na nag-rerepresinta sa apat na pangako na

ginawa ng Diyos sa Exodus 6:6-7.

Ang pangako na ito ay para (1) sagipin mula sa Ehipto (I will bring out), para (2) sa

kalayaan sa pagka-alipin (I will deliver), para (3) sa katubusan (I will Redeem) sa

pamamagitan ng kapangyarihan ng Diyos at para (4) (I will take)baguhin ang relasyon

sa Diyos. Ang ikatlong kupita ay iinumin kung saan ang pagkain ay halos matatapos na.

Ang presider ay gumagamit na ng mga salita mula sa Deuteronomy 26 para pagpalain

ang mga elemento-ang tinapay, ang damo, ang tupa- sa pamamagitan ng

pagpapaliwanag kung paano sila naging simbolo tagapagpa-alala ng iba’t ibang aspeto o

anyo ng mga pagkabihag at pagkakaligtas ng mga sinaunang Israelita. Halimbawa,

ipapakita niya ang tinapay sa kanila at sasabihin, “Ito ang tinapay ng ating dalamhati o

pagdurusa, na kinain ng ating mga ninuno sa kaparangan.”

Page 5: Ang Pista

Si Jesus ngayon ang presider sa Passover meal (Banal na Hapunan) kasama ang mga

alagad at isinalaysay ni Mark ano nangyari sa pagtataas ni Jesus ng ikatlong kupita ( I

will redeem),

“22 Habang kumakain sila, dumampot ng tinapay si Jesus. Pinagpala niya ito,

pinagputul-putol at ibinigay sa kanila. Sinabi niya: Kunin ninyo ito at kainin, ito ay aking

katawan. 23 Kinuha niya ang saro at matapos magpasalamat ay ibinigay niya sa kanila.

Silang lahat ay uminom sa saro. 24 Sinabi niya sa kanila: Ito ang aking dugo ng bagong

tipan na nabuhos para sa marami. 25 Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay

hindi ako iinom ng bunga ng ubas hanggang sa araw na maipanumbalik ko ang aking

pag-inom nito sa paghahari ng Diyos.”-Mark 14:22-25

Page 6: Ang Pista

Akalain mo ang pagkagulat ng mga

alagad, ng pagpalain ang mga

elemento at pagpaliwanag ng

simbolo, iniwan ni Jesus ang

orihinal na skrip na paulit ulit na

ginaganap ng bawat henerasyon.

Ipinakita ni Jesus ang tinapay at

sinabi, “ Ito ang aking katawan.”

Ano ang ibig sabihin nito? Sinasabi

ni Jesus na, “Ito ang tinapay ng

aking pagdurusa, ang tinapay ng

aking paghihirap, sapagkat

pangungunahan ko ang tunay at

pangwakas na exodus at dalhin

kayo sa tunay at pangwakas na

paglaya mula sa pagkaalipin.”

Nuong ancient times, kapag sinabi

ninuman, “Hindi ako kakain o iinom hangga‟t….” sila ay gumagawa ng oath o

panunumpa. Halimbawa sa Acts 23, may mga tao na nagalit kay Apostol Pablo at sinabi

na hindi sila kakain o iinom hagga’t hindi napapatay si Pablo. Para bang sinasabi natin,

“Gagawin ko ito kahit ikamatay ko.” Ngunit sa biblical times, ito ay isang sumpa na

tinatanggap na siryoso at literal na minamarkahan ng dugo. Ang sumpang ito ay

nagsasabi na gumagawa ka ng kasunduan-isang taimtim na relasyon at obligasyon- sa

pagitan mo at kausap mo. Para bang pumirma ka ng kontrata. Ngunit itong kasunduan

na ito ay naitatag at naselyuhan sa pamamagitan ng pagpatay ng isang hayop, paghati

nito sa dalawang bahagi at paglakad sa gitna nito habang sinasabi ang sumpa gaya ng

pakikipagtipan ng Diyos kay Abraham (Gen.15:17-20). Ibang beses naman, magbubo ka

ng dugo at ipawiwisik mo ito sa iyo habang ginagawa mo ang sumpa. Madugo ito ay

nakapandidiri sa atin, ngunit ito ang paraan ng pagsasabi, “Kung hindi ko matupad ang

aking pangako, dumanak sana ang dugo ko at hatiin ako sa dalawang bahagi.” Ito ay

malinaw ng paggawa ng kasunduan na umiral. Alalahanin ang sinabi ni Jesus ng kunin

Page 7: Ang Pista

niya ang kupita: “Kinuha niya ang saro at matapos magpasalamat ay ibinigay niya sa

kanila. Silang lahat ay uminom sa saro. Sinabi niya sa kanila: Ito ang aking dugo ng

bagong tipan na nabuhos para sa marami. Katotohanang sinasabi ko sa inyo:

Kailanman ay hindi ako iinom ng bunga ng ubas hanggang sa araw na maipanumbalik

ko ang aking pag-inom nito sa paghahari ng Diyos”-Mark 14:23-

25

Ang mga salita ni Jesus ay nagsasabi na ang resulta ng substitutionary sacrifice,

mayroon nang bagong kasunduan sa pagitan ng Diyos at tao. At ang batayan ng

relasyon na ito ay ang sariling dugo ni Jesus: “ang sarong ito ang bagong tipan na

pinagtibay ng aking dugo.” Nang inanunsiyo niya na hindi siya kakain o iinom hanggang

tagpuin tayo sa Kaharian ng Diyos, ipinapangako niya na siya ay may walang kondisyon

na pangako sa atin: “dadalhin ko kayo sa bisig ng aking Ama. Dadalhin ko kayo sa Pista

ng Hari.” Malimit na kinukumpara ni Jesus ang Kaharian ng Diyos sapag-upo sa

Page 8: Ang Pista

malaking piging o pista. Sa Mateo 8, sinabi ni Jesus, “Sinasabi ko sa inyo na marami ang

magsisiparito mula sa silangan (east) at sa kanluran(west) at uupo sila sa kanilang lugar

sa pista…sa kaharian ng langit.” Ipinapangako ni Jesus na paruruon tayo sa pista ng

kaharian kasama siya.

Sa simpleng kilos ng paghawak at pagtataas ng tinapay at alak, sa simpleng salita, “Ito

ang aking katawan…ito ang aking dugo,” sinasabi ni Jesus na ang lahat ng pagliligtas,

ang naunang sakirpisyo, ang Passover ng tupa, ay lahat tumuturo sa kanya. Gaya nang

unang Passover ay ginawa sa gabi bago iligtas ng Diyos ang Israel mula sa pagkaka-

alipin sa pamamagitan ng dugo ng mga tupa, ang Passover na ito ay kinain sa gabi

bago iligtas ng Diyos ang mundo mula sa kasalanan at kamatayan sa pamamagitan ng

dugo ni Jesus.

ANG PANGUNAHING PUTAHE

Ang huling hapunan ni Jesus kasama ng mga alagad ay humiwalay din sa orihinal na

skrip sa ibang paraan. Ng tumayo si Jesus upang basbasan ang pagkain, itinaas niya

ang tinapay. Lahat ng Passover meal ay may tinapay. Binasbasan din niya ang alak-

lahat ng Passover meal ay may alak. Ngunit wala ni isa sa Gospels ay nagbanggit ng

main course o

pangunahing

putahe. Walang

binaggit na kinatay

na tupa at inihain

bilang main course.

Ang Passover ay

hindi vegetarian

meal of course.

Anong klaseng

Passover ang

ipinagdiriwang na

walang tupang

kinatay? Walang

tupa sa ibabaw ng

Page 9: Ang Pista

hapag kainan sapagkat ang tupa ng Diyos ay nasa hapag kainan na. Ito ang dahilan

kung kaya sa unang pagkakita ni Juan Bautista kay Jesus, sinabi niya, “ Tignan, ang

Tupa ng Diyos, na mag-aalis ng kasalanan sa mundo!” (John 1:29).

Ito rin kung bakit sinabi sa Isaiah 53, isinulat ng Propeta tungkol sa Messias:

“We all, like sheep, have gone astray, each of us has turned to our own way; and the

Lord has laid on him the iniquity of us all. Therefore I will give him a portion among the

great, and he will divide the spoils with the strong, because he poured out his life unto

death, and was numbered with the transgressors. For he bore the sin of many, and

made intercession for the transgressors. He was oppressed and afflicted, yet he did not

open his mouth; he was led like a lamb to the slaughter, and as a sheep before its

shearers is silent, so he did not open his mouth.”…..“Therefore I will give him a portion

among the great, and he will divide the spoils with the strong, because he poured out

his life unto death, and was numbered with the transgressors. For he bore the sin of

many,and made intercession for the transgressors.”-Isaiah 53:6-7,12

Sinabi ni Tim Keller, sa krus, tinanggap ni Jesus ang kung ano ang marapat sa atin: Ang

kasalanan, pagkakasala, pagkasira ng mundo ay bumagsak sa kanya. Sobrang mahal

niya tayo kaya kinuha niya ang Banal na Katarungan sa sarili para walang hanggan na

lampasan na tayo ng parusa nito.

Mabuting ulitin na sabihin, ” Lahat ng pag-ibig, lahat ng tutuong nakapagbabago na pag-

ibig ay substitutionary sacrifice. Hindi ka pa nakapagmahal ng nasirang tao, hindi ka pa

umibig sa nagkasalang tao, hindi ka pa umibig sa nasasaktang tao liban sa

substitutionary sacrifice.

Isinalaysay ni Tim Keller ang nabasa niya ilan taon nasa National Geographic na

pagkatapos ng sunog sa kagubatan sa Yellow Stone National Park, U.S.A. Ilang forest

rangers ang nasimulang maglakbay tungo sa itaas ng bundok para tignan ang laki ng

nasira o nasunog ng apoy. Isang Ranger ang nakatagpo ng isang ibon na wala nang

natira kundi karbon, naninigas na talukap, natatakpan ng abo na nakasiksik sa ibaba ng

puno. Medyo na napasuka sa nakakapangilabot na pangitain, itinihaya ng ranger ang

ibon ng isang stick- at tatlong maliliit na inakay o sisiw ang kumarimot ng takbo mula sa

ilalim ng pakpak ng kanilang patay na ina. Nang dumating ang liyab ng apoy, nanatili

Page 10: Ang Pista

ang ina kaysa tumakbo. Dahil nahahanda siyang mamatay, yung mga nasa ilalim ng

kanyang pakpak ay nabuhay. At sinabi ni Jesus,

“Jerusalem, Jerusalem! Ikaw ang pumapatay sa mga propeta at bumabato sa kanila na

isinusugo sa iyo. Madalas kong ninais na tipunin ang iyong mga anak tulad ng inahing

manok na nagtitipon ng kaniyang mga inakay sa ilalim ng kaniyang mga pakpak, ngunit

ayaw ninyo.”-Luke 13:34

Tinipon nga niya nag kanyang mga inakay sa ilalim ng kanyang pakpak-at siya ay

tinupok. Lahat ng tutuong pag-ibig na nakapagbabago ay malaking halaga –

substitutionary sacrifice.

ANG HULING PUTAHE

Nang ilarawan ni Lucas ang hapunan sa storya ni Jesus, itinala niya ang ilan pang sinabi

ni Jesus. Idinagdag ni Lucas:

“Pagkakuha niya ng tinapay, nagpasalamat siya. Pinagputul-putol niya ito at ibinigay sa

kanila. Kaniyang sinabi: Ito ang aking katawan na ibinigay para sa inyo. Gawin ninyo ito

sa pag-ala-ala sa akin.”-Lucas 22:19

Ang sinasabi ni Jesus na ang pag-ala-ala sa kanya, ang mga alagad at sino man na

sumampalataya sa kanya ay kakain ng tinapay at iinom ng saro na magkakasama. Ang

gawain ito ay tinawag na “ Hapunan ng Panginoon” o “Lord’s Supper” (1 Cor. 11:20) sa

halata at malinaaw na dahilan. Tinawag din itong “Hapag ng Panginoon” (1 Cor. 10:21)

“Komunyon,” “Nabasbasan kupita” (1 Cor. 10:16) at “Pagpuputol putol ng Tinapay”

(Acts 2:42). Ang tinapay na pinutol, ibinigay at kinain sa Banal na Hapunan ay paalala

ng katawan ni Cristo na ibinigay at naputol sa krus para sa ating kasalanan. Ang alak na

ibinuhos upang inumin ay paalala ng dugo ni Cristo na itinigis sa krus para sa ating

kasalanan. Kaya kapag may kumain ng tinapay at uminom ng alak, na-alala nila ang

substitutionary love ni Jesus.

Ang unang Passover meal sa Ehipto ay talagang aktuwal na pagkain. Hindi pa sapat na

pumatay ng tupa at ang dugo nito ay ipahid sa post eng pintuan. Kailangan din kainin

ang tupa, kailangan isubo ito. Gayun din naman ang Banal na Hapunan ay sa gawi ay

isang “pagsubo” sa pagkamatay ni Cristo para sa atin at iangkop o tanggapin natin.

Isinulat ni Mark,

Page 11: Ang Pista

“Habang kumakain sila, dumampot ng tinapay si Jesus. Pinagpala niya ito, pinagputul-

putol at ibinigay sa kanila. Sinabi niya: Kunin ninyo ito at kainin, ito ay aking katawan.”-

Mark 14:22

Sinabi ni Jesus, “kunin ninyo.” Pina-aalam sa atin na kailangan natin kunin ang

ginagawa niya para sa atin. Kailangan tanggapin ito ng masigla. Pangkaraniwan kapag

ibinabahagi ang banal na hapunan ay sinasabi, “ Kumain sa kanya sa pamamagitan ng

inyong puso sa pananampalataya.” Hindi mo pakikinabangan ang pagkain kundi mo

kukunin at tutunawin. Puedeng ihain sa iyo ang gabundok na masasarap at mabuting

pagkain at magutom ka parin at mamatay. Para mapalusog ng pagkain, kailangan kainin

mo ito. Hindi makakatulong kahit magaling pa ang pagkakahanda nito kung hindi mo na

man gusto at kainin talaga ito. Ang ibig sabihin ng kanin mo ay “heto ang tutuong

pagkain na kailangan ko-ang walang kondisyon na pangako sa akin.” Walang

makikinabang sa pagkamatay ni Jesus kung hindi kakanin ang pangakong kaakibat sa

gawain ng Banal na Hapunan. Kailangan ng personal na relasyon kay Jesus kung nais na

maranasan ang perpekto, substitutionary sacrifice na dumating o mapasa-atin.

Ang isa pang bagay ay ang mga Hudyo at nagdiriwang ng Passover sa pagkain kasama

ng pamilya. Itong Passover ay family meal. Kung gayon, bakit hinila ni Jesus ang mga

alagad palabas sa kanilang pamilya at nagtatag ng Passover meal kasama sila? Ito ay

sapagkat gumagawa siya ng bagong pamilya. Sinabi ni Jesus, “Ito ay sapagkat ang

sinumang gumaganap ng kalooban ng Diyos, siya ang aking kapatid na lalaki, kapatid na

babae at ina” (Mark 3:35). Ang sabi ng isang manunulat, “ Ang nagbubuklod sa

Kristiyano na magsama ay hindi common education, common race, common income

level, common work, common politics, common nationality, common accents…Ang mga

Kristiyano ay nagsasama…dahil iniligtas sila ni Jesu Cristo.. sila ay mga natural na

magkaka-away na umiibig sa isa’t isa para sa kapakanaan ni Cristo. Kaya kapag

kumakain ka sa Banal na Hapunan, ginagawa mo ito kasama ng mga kapatid sa

Panginoon bilang pamilya ni Cristo. Ang pagmamahalang ito ay nakapagbabago ng

buhay at gumagawa na malakas na pagkakaisa na para bang pamilya na pinalaki na

magkakasama.

Pangwakas, ang Banal na Hapunan ay nagtuturo sa atin sa kinabukasan natin kay Jesu

Cristo. Habang pinangungunahan niya ang Banal na Hapunan, sinabi niya ang mga

Page 12: Ang Pista

mangyayari sa dalawang pangungusap lamang, “Ito ang aking dugo ng bagong tipan na

nabuhos para sa marami…….Katotohanang sinasabi ko sa inyo: Kailanman ay hindi ako

iinom ng bunga ng ubas hanggang sa araw na maipanumbalik ko ang aking pag-inom

nito sa paghahari ng Diyos.”

Sinasabi niya na ang Passover meal ay gumagawa ng tunay na Pista na maging posible

at gumuguhit ng di matitinag na arko sa mangyayari sa darating na tatlong araw at ang

katuparan nito sa darating na panahon.

Binigyan tayo ng Banal na Hapunan ng maliit, ngunit sadyang tutuo. Ito ang unang tikim

o karanasan sa darating na panahon. Imaginin mo na nasa Ehipto ka matapos ang

Passover. Kung patitigilin mo ang mga Israelita nuon at sabihin, “Sino kayo at ano ang

nangyayari dito?” Sasagot sila at sasabihin, “ Ako ay alipin sa Ehipto, sentensiyadong

mamatay, ngunit nagtago ako sa dugo ng tupa at nakatakas sa pagka-alipin, at ngayon

ang Diyos ay kasama namin at sinusundan namin siya tungo sa pangakong lupain.” Iyan

din ang sasabihin ng mga Kristiyano ngayon. Kung nagtitiwala ka sa substitutionary

sacrifice ni Jesus, ang pinaka dakilang pinananabikan ng iyong puso ay matutugunan sa

araw na umupo ka sa walang hanggang Pista sa ipinangakong kaharian ng Diyos.