ang problema na aking naransan sa pagiging tinedyer ay noong umalis ulit ang aking mama para...

2
Ang problema na aking naransan sa pagiging tinedyer ay noong umalis ulit ang aking mama para mangibang bansa. Kahit noon pa ay malayo na ang aking loob sa kanya , sapagkat lagi siyang wala sa aking tabi. Naiingit nga ako sa aking mga kaklase, sapagkat nandyan ang kanilang ina sa kani-kanilang tabi. Pati rin sa mga kaklase kong kahit na sa ibang bansa ang kanilang mga magulang ay malapit na malapit sila sa kanilang mga magulang. Kahit noong maliit pa ako ay naghahanap ako ng pag-aaroga ng isang ina. Naiisip ko palagi na ang swerte ng aking kuya, sapagkat nandyan palagi ang aming mama sa kanyang kaarawan, ngunit kung sa aking karawan ay palagi siyang wala. Nang dahil dun ay naging pasaway ako at natutuong uminom . Bumaba ang aking mga marka sa ilang asignatura. Noong umuwi siya ay ang aking kuya ang lagi niyang kasama hindi niya ako pinapansin at lagi nalang ang aking mga kamali ang kanyang nakikita. Kaya mas lalong lumayo ang aking loob sa kanya. Umalis siya ulit ng hindi kami nagkakaayos. Pero hindi kala-onan ay nakapag usap kami at nalaman niya ang aking mga hinanakit sa kanya. Nangibang bansa ulit siya noong 2014 lumayo ulit ang aking loob sa kanya. Ang hirap na wang inang umaalalay sayo, wala kang mapupuntahan sa oras na wala kang mga kaibigan, walang sumosuporta sayo. Nandyan nga ang aking papa pero iba talaga ang pagmamahal ng isang ina na laging nakabatay sayo. Iniisip ko na ang lahat ng ginagawa niya ay para rin sa amin ng kuya ko, pero kahit paulit- ulit kong itatak sa aking isipan ay nasasaktan ako. Kung may problema ka ay wala kang mapagsabihan at walang nagtatanong sayo kung ano ang masasaya o malulungkot na pangyari sa paaralan, kung kamusta ang pag-aaral mo. Yun ang lagi kung naiisip kung nandyan lang ang aking ina na nakabatay sa akin. Ngayon ay maayos na aming relasyon ni mama kasi ipinaliwanag na niya kung bakit kailangan niya kaming iwan at magtrabaho sa ibang bansa. Ang nais lamang niya ay mabigyan kami ng maayos na buhay at mapagtapos kami ng pag-aaral. Sana sa aking pagtatapos sa secondary ay makauwi na siya iyon na ang pinaka masayang araw para sakin.

Upload: jcfish07

Post on 04-Oct-2015

44 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

ang

TRANSCRIPT

Ang problema na aking naransan sa pagiging tinedyer ay noong umalis ulit ang aking mama para mangibang bansa. Kahit noon pa ay malayo na ang aking loob sa kanya , sapagkat lagi siyang wala sa aking tabi. Naiingit nga ako sa aking mga kaklase, sapagkat nandyan ang kanilang ina sa kani-kanilang tabi. Pati rin sa mga kaklase kong kahit na sa ibang bansa ang kanilang mga magulang ay malapit na malapit sila sa kanilang mga magulang. Kahit noong maliit pa ako ay naghahanap ako ng pag-aaroga ng isang ina. Naiisip ko palagi na ang swerte ng aking kuya, sapagkat nandyan palagi ang aming mama sa kanyang kaarawan, ngunit kung sa aking karawan ay palagi siyang wala. Nang dahil dun ay naging pasaway ako at natutuong uminom . Bumaba ang aking mga marka sa ilang asignatura. Noong umuwi siya ay ang aking kuya ang lagi niyang kasama hindi niya ako pinapansin at lagi nalang ang aking mga kamali ang kanyang nakikita. Kaya mas lalong lumayo ang aking loob sa kanya. Umalis siya ulit ng hindi kami nagkakaayos. Pero hindi kala-onan ay nakapag usap kami at nalaman niya ang aking mga hinanakit sa kanya. Nangibang bansa ulit siya noong 2014 lumayo ulit ang aking loob sa kanya. Ang hirap na wang inang umaalalay sayo, wala kang mapupuntahan sa oras na wala kang mga kaibigan, walang sumosuporta sayo. Nandyan nga ang aking papa pero iba talaga ang pagmamahal ng isang ina na laging nakabatay sayo. Iniisip ko na ang lahat ng ginagawa niya ay para rin sa amin ng kuya ko, pero kahit paulit- ulit kong itatak sa aking isipan ay nasasaktan ako. Kung may problema ka ay wala kang mapagsabihan at walang nagtatanong sayo kung ano ang masasaya o malulungkot na pangyari sa paaralan, kung kamusta ang pag-aaral mo. Yun ang lagi kung naiisip kung nandyan lang ang aking ina na nakabatay sa akin.

Ngayon ay maayos na aming relasyon ni mama kasi ipinaliwanag na niya kung bakit kailangan niya kaming iwan at magtrabaho sa ibang bansa. Ang nais lamang niya ay mabigyan kami ng maayos na buhay at mapagtapos kami ng pag-aaral. Sana sa aking pagtatapos sa secondary ay makauwi na siya iyon na ang pinaka masayang araw para sakin.

Ipinasa ni : Jasmin G. Malic

Ipinasa kay : Jinabel n. ismil