ang retorika tungo sa masining na pagpapahayg
TRANSCRIPT
ANG MGA FUNDASYON NG MASINING NA PAGPAPAHAYAG O
DISKURSONG ARTISTIK
MASINING NA PAGPAPAHAY
AG
GRAMATIKA
LOHIKARETORIKA
SOCRATES
PLATO
ARISTOTLE
LONGHINUS
GRAMATIKA
May kinalaman sa masinop na pagforma ng lahat ng sangkap ng wika upang makabuo ng malilinaw na kaisipan bilang resulta ng paggamit nito.
Nakasalalay ang resultang efekto ng ekspresyon o ng ginawang pagtrato sa pagpapahayag ng mga ito na maaaring mag-utos, magkwento, magtanong, sumagot, manakot, makiusap at iba pa.
Sistema ng pagpapaayon o pagpapatutol sa mga ipinabatid na katotohanan ng mga ipinahahayag sa retorika ang focus o preokuspasyon.
LOHIKA
RETORIKA
PANGKATANG GAWAIN
PANUTOMula sa mga sumusunod na sitwasyon, PAANO NIYO ITO
IPAPAHAYAG??
UNANG GRUPO
Natuklasan ng doktor na ang kanyang pasyente ay may sakit sa kanser. Paano ito ipagtatapat ng doktor gayung ang kanyang pasyente ay may sakit din sa puso.
PANGALAWANG GRUPO
Pagbebenta ng isang produkto at paghihikayat sa kostumer na bumili.
PANGATLONG GRUPO
Isang professor ang nagtuturo sa harapan ng mga estudyante, nakabukas ang zipper. Paano ito sasabihin.
ANG RETORIKA TUNGO SA MASINING
NA PAGPAPAHAYG
• PAGPAPAKAHULUGAN• MGA LAYUNIN • KAHALAGAHAN• KATUTURAN• MGA SANGKAP• KATANGIAN
Inihanda ni Jonah L. Salcedo
ANO ANG RETORIKA?
Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.
(Sebastian, 1967)
KAHULUGUHAN NG
RETORIKA
Maraming pagkakahulugan ang iba’t-ibang tao kung ano ang retorika ayon sa kanilang sariling pananaw, karanasan at lawak ng
tinamong kaalaman. Upang maiwasan ang kalituhan sa sinikap ng mga manunulat na
ihain sa Bahaging ito ang mga baryasyon sa dipinisyon ng retorika.
Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “rhetor” na kapwa nangangahulugang isang “Guro” at “Mananalumpati” o tagapagsalita sa isang
pagpupulong. Matatandaan na Malaking papel ang ginagampanan ng retorika bilang isang mahalagang
sangkap ng pagpapahayag maging sa pormal na pananalumpati.
Ito ay isang pag-aaral sa masining na paggamit ng lenggwahe upang maimpluwensyahan ang damdamin at kaisipan ng ibang tao.
Ito ay nakatuon sa pagbibigay- liwanag sa
simbolo o lenggwaheng ginamit sa likod ng mga
musika, pelikula, radio, pahayagan at telebisyon.
Ito ay ang paggamit ng mga simbolo na may
kakayahang pumukaw sa ating kalikasan na
tumugon sa mensaheng ipinapahatid ng mga
naturang simbolo.
-Kenneth Buke.
.
Beeda ang Sarap!
Bawal Magkasakit
Pasalubong ng Bayan.
Iba ang may Pinagsamahan.
Isang mahalagang kaalaman sa pagpapahayag na
tumutukoy sa kaakit-akit at magandang
pagsasalita at pagsulat. Pinag-aaralan dito ang
ukol sa mga tuntunin ng malinaw, mabisa at
kaakit-akit na pagpapahayag.
-Tumangan, Sr. 13
.
Ang Retorika ay nauukol sa sining ng maganda
at kaakit-akit na pagpapahayag maging pasalita o
pasulat.
-Rubin 46
Ang retorika ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na
tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsasalita at
pagsusulat.
Kung ang balarila ay nauukol sa kawastuhan-
Sa kaibahan ng tama sa maling pangungusap-
Ang retorika naman ay tumutukoy sa mga batas ng malinaw, mabisa
maganda at kaakit-akit na pagpapahayag.
-Sebastian, 1
Si Dr. Venacio L. Mendiola, sa isang pambansang seminar tungkol sa
retorika na ginanap sa PNU (Pebrero 6, 1998) ay nagpahayag ng mga
sumusunod:
a. Ayon kay Socrates (300 BC): “Ang Retorika ay siyensya o agham ng
paghimok o pagpapasang-ayon.”
b. Aristole: “Ang kakayahang maanino, mawari o makilala sa bawat kaso ang
makukuha o magagamit na mga paraan ng paghimok.”
Ang RETORIKA ay isang mahalagang karunungan ng pagpapahayag na tumutukoy sa sining ng maganda at kaakit-akit na pagsusulat at pagsasalita.
(Sebastian, 1967)
KASAYSAYAN NG RETORIKA
Ang sayusay o retorika ay isang uri ng sining na naipapakita sa pamamagitan ng
paggamit ng wika sa paraang pasulat o pasalita. Ito rin ay maihahambing sa
linggwistikal na pananaw kung saan ito ay maaaring maipakahulugan bilang isang pag-
aaral patungkol sa kaalaman ng tao sa mga salita, o sa mas malawak na pagtukoy,
lenggwahe. Ginagamit ng isang indibidwal ang retorika upang maayos at mabisa
nitong maipahayag ang kanyang saloobin patungo sa kanyang tagapakinig na siyang
nakatakdang tumanggap ng mensaheng ipinababatid. Bukod pa rito, ang retorikal na
paggamit ng wika ay mainam upang maipakita ng isang tao ang kanyang kagila-gilalas
na kasanayan sa pakikipagtalastasan.
Ayon sa kanya, upang makuha ang simpatiya ng mga nakikinig kailanagan ang maayos
at sistematikong pagpapahayag ng mga katwiran. Nakasentro ang kanyang pamamaraan
sa talumpati na kakikitaan ng limang mahahalaganag elemento:
ang proem o introdusyon; ang salaysay o pahayag na historical; ang mga
pangunahing argumento; mga karagdagang pahayag (supplemental statements)
o kaugnay na argumento(supporting arguments); at ang konklusyon. naimbento nila
ang retorika sa layuning makahikayat at mapunuan ang anumang pagkukulang sa
mga konkretong katibayan (concrete evidence).
KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN
Sinasabing nagsimula ang retorika bilang isang sistema ng pakikipagtalo
sa syracuse, isang isla sa sicily noong ika-limang siglo bago dumating si kristo.
makaraang bumagsak ang kanilang pamahalaang diktaturyal, ang mga
mamamayan doon ay binigyang pagkaka-dumulog at ipagtalo sa hukuman ang
kanilang karapatan sa mga lupang inilit ng nakaraang rehimen. Ang marunong
na sicorax, isang tagaroon, ang nagpanukala sa mga tuntunin ng paglalahad ng
kanilang argumento.
Makikita agad dito na sadyang ginagamit ang retorika sa pag-apila sa emosyon at di
gananong binibigyang diin ang katumpakan at kalakasan ng argumento. Ayon pa sa
mga sophist, Makapal na panitik (katawagan sa pangkat ng matatalinong tao noon), ang
retorika ay angkop sa pagtatamo ng kapangyarihang political sa pamamgitan lamang ng
kanilang pagpapahalaga sa paksang ipinaglalaban at estilo sa pagbigkas. Maaring
binabatikos naman ito ni Socrates (c. 470–399 B.C.)
Sa pagsasabing walang hangad ang mga sophist maliban sa kabayarang kanilang
tinatanggap sa pagtuturo at ang kanilang lubhang pagbibigay diin
sa retorika bilang sining ng pakikipagtalo (debate) at hindi sustansiya
ng talumpati. Ang ganitong pamamaraan, banta pa niya, ay nagtuturo lamang sa
mga estudyanteng palabasin ang kasamaan ng isang mabuting adhikain.
Kinikilalang pinakama-impluwensiyang retorisyan noon si Isocrates (c. 436–338
B.C.).
Nagtatag siya ng sariling paaralang magtuturo ng istilo ng pananalumpati batay sa
maindayog at magandang pagkakatugma ang mga salita sa
paraang tuluyan o prosa. Kakikitaan ang kanyang sariling prosa ng mga maikli
ngunit eleganteng nakabiting pangungusap na mayaman sa kasaysayan at
pilosopiya. Sa Rhetoric ni Aristotle (384–322 B.C.) sinuri niyang mabuti ang
sining ng panghihikayat (Art of Persuasion), binigyan ng parehas na empasis ang
katangian ng nagsasalita, ang lohika ng kanyang kaisipan, at ang kakayahang
pumukaw ng damdamin ng mga nakikinig.
Inihiwalay niya ang retorika sa pormal na lohika at ang mga kasangkapang
panretorika sa siyentipikong pamamaraan ng pagbibigay katuturan dito ayon sa
maaring maganap kaysa sa tiyak na magaganap. Nilikha niya ang ideya ng
probabilidad o malamang na mangyari o maganap sa pamamagitan ng mga
panumbas na retorikal sa lohikang kaisipan: ang enthymeme kung saan ang
pansamantalang kongklusyon ay kinuha sa pansamantalang batayan, sa halip na
silohismo na mula sa katotohanang unibersal; at ang halimbawa o analogy para
sa pangangatwirang induktibo.
Si Cicero (106–43 B.C.) ang batikang orador ng Roma, katulad din ni Aristotle,
ay hayagan ding nagtagubilin sa kasangkupan ng prinsipyo ng mananalumpati.
Nasabi niyang ang pagtatalakay sa anumang adhikain ay batay sa mabuting
panlasa at pagpasiya ng orador kaya’t sa isyu ng moralidad ipinahayag niyang
nararapat na maging mabuting tao ka muna upang maging mabuting
mananalumpati. Sagana ang prosa ni Cicero sa mga hugnayang nakabiting
pangungusap.
Ipinamana ni Aristotle sa larangan ng oratoryo ang forensic na naging batayan sa ngayon
ng mga abogado para sa kanilang legal na salaysay. Nakatuon ang forensic sa nakaraan.
Sa kaibuturan ng mga pangyayari, iniwan niAristotle ang oratoryong deliberative o
pampolitika na nakatuon naman ang pansin sa hinaharap. Dito sinasabing nagsimula ang
malayang pagkilos at talakayan o mga pagtatalong pampubliko (public debate). Si
Aristotle din ang nagpasimula ng oratoryong panseseremonya o epideictic na kakikitaan
ng mga mabubulaklak at madamdaming mgasalita. Karaniwang binibigkas ito sa
pagbibigay ng papuri. Ito ang tinatawag natin sa Ingles na declamation.
MGA LAYUNIN NG RETORIKA
MGA LAYUNIN
Makapanghikayat na gumawa ng ng isang bagay na ipinadaramang tama
Makapagpabatid ng tungkol sa mga bagay-bagay na hindi pa nalalaman
Makapang-aliw para makapagbigay-kasiyahan at kabutihan sa kapwa
IBA PANG LAYUNIN
Makapagfokus ng atensyon sa tagapakinig. Makapagsanay sa magilas, malinaw, angkop at may
panlasang pagpapahayag. Makapagpaintinding mabuti at maliwanag. Maikintal sa isip at at loob ang diwa o kaisipang
sinasabi. Maipagamit ang inihahayg na mensahe. Makapagtatag ng tiwala sa sarili. Makadebelop ng kritikal na pag-iisip.
Sangkap ngRetorika
Ang kaisipang gustong ipahayag-
Ito ang pangunahing dahilan kung bakit nais
nating magpahayag. May mga mahahalagang
kaisipang nais ipahayag
Ang pagbuo o organisasyon-
Ang pagkakaroon ng lohika ay mabisang
paglalahad, kumakatawan sa kahusayan ng
pagkakabuo.
Ang Istilo ng Pagpapahayag-
Ito ay nagbibigay diin sa ikatlong bahagdang
kaugnayan sa istilo ang anyo o kaayusan ng akda o
komposisiyon ay nakasalalay sa mga para-paraan ng
pagpapahayag, hindi lamang sa kawastuhang ng
balarila kungdi maging sa panitikan.
Bakit mahalaga ang RETORIKA?
DAHIL BAWAT TAO AY NAG-AANGKIN NG LIKAS
NA KAKAYAHANG MAGSALITA.
MAHUHUBOG ANG INTENSIDAD NA KATANGIAN NG BOSES AT MAGILAS NA
PAGSASALITA.
ANGKOP AT MASINING NA
PAGPILI NG MGA SALITANG
GAGAMITIN.
PANRELIHIYON
PAMPANITIKAN
PANG-EKONOMIYA
PANGMEDIA
PAMPULITIKA