ang santo rosaryo

24
1 | P a g e

Upload: che-villorante

Post on 07-Oct-2015

986 views

Category:

Documents

29 download

DESCRIPTION

Rosary guide

TRANSCRIPT

BLOCK ROSARY (Rosaryong Pampurok)

ANG SANTO ROSARYO Ang Rosaryo ay isang debosyon sa Mahal na Birhen. Ito ay isang Korona o tuhog na bulaklak na iniaalay sa Mahal na Birhen ng mga nagdadasal ng Santo Rosaryo. Ito ay binubuo ng labing-limang bahagi. Ang isang bahagi ay nabubuo ng isang Ama Namin at sampung Aba Ginoong Maria, na sinusundan ng Luwalhati sa Ama. Ang bawat isang bahagi ay dinadasal bilang pagpupuri sa isang himala ng buhay na pinagdaanan n gating Mahal na Panginoon at ng Kanyang Mahal na Ina. Habang ginagawa ang isang sampuan, ay alalahanin ang himala na ipinatutungkol at idalangin lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng Iyong habag.Tagubilin1. Ang pagpanhik ng Birhen sa bawat tahanan ay sa loob ng isang Linggo.2. Ang isa sa mga kaanib ng angkan ay isang mamumuno sa dasal ng Rosaryo.3. Ang susunding panalangin, ay iyon lamang nakasulat sa aklat na ito.4. Mahigpit na IPINAGBABAWAL sa tahanang pinanhikan ang PAGPAPAKAIN O PAGPAPAINOM sa kanino pa man, bilang pagsunod sa hinihingi ng Mahal na Birhen sa Fatima, na magpakasakit at magpenitensiya.

PANALANGIN (Basahin sa uangn araw ng pagpanhik ng Birhen sa tahanan)O Ina ng Diyos at Ina naming/ Mariang pinagpala/ ikinalulugod at ipanagkakapuri naming/ ang pagdalaw mong ito/ sa aming maralitang tahanan/ na iyong piniling dapat na maging pugad ng iyong pag-ibig/ sa loob ng pitong araw/ na iyong ipamamalagi sa Aming piling./ Igawad mo sa amin/ Inang sinisinta/ ang iyong pagpapala./ Basbasan mo kaming lahat sa tahanang ito/ at huwag mong itulot/ na kami ay makagawa ng anumang ikalulumbay mo./ Kami ay iyo/ aming reyna at aming Ina./ Ingatan mo kaming lagi/ bilang pag-aari mong tunay/ magpakailanman. Siya nawa.Panginoon ikaw ang nagsasabing kung may isa o dalawang nagtitipon sa Iyong harapan ay iyong pakikinggan. Narito kami ngayon Panginoon upang magpasalamat binigyan mo kami ng kalakasan ng katawan upang magkasama-samang muli. Nang dahil sa Iyo nagpapasalamat din kami Panginoon sa mga biyayang ipinagkaloob mo sa amin. Idinadalangin ko po sa inyo Panginoon ang may-ari ng tahanang ito na sina _______________. Patnubayan mo po sila sa kanilang paghahanap-buhay at ilayo mo po sila sa anumang karamdaman at sana po ay matupad ang kanilang natatanging kahilingan. Isinasamo ko rin po sa Iyo ang bawat isa sa amin ay lagi Mo rin pong patnubayan. Wala po kaming magagawa Panginoon kundi sundin ang bawat kalooban mo sa amin. Ang lahat po ng panalangin at kahilingang ito ay sa matamis na pangalan ni Hesukristong aming Panginoon at ng Espiritu Santo na nabubuhay at naghahari magpasawalang hanggan. Amen.

ANG PAGDATING NG MAHAL NA BIRHENO Ina ni Kristo at aming Ina, pinagpalang Maria, kami ay naliligayahan at ikinararangal ang iyong pagdating sa aming hamak ng tahanan na ginawa Mong tahanan ng Iyong pag-ibig sa loob ng pitong (7) araw na Iyong pamamalagi sa amin. Igawad Mo po sa amin Mahal naming Ina ang iyong bendisyon. Bendisyunan Mo po kami sa tahanang ito, huwag po Ninyong ipahintulot na kami ay makagawa ng anumang Iyong ikalulungkot. Kami ay Iyo aming Reyna at Ina, Pangalagaan Mo po kaming lahat tulad ng sa Iyo ngayon at magpakailanman Siya nawa

PAGPAPAALAMO ginigiliw naming Ina, ang sandaling ito ay dumating na sa Iyong pag-alis sa aming hamak na tahanan na naging tahanan Mo rin sa loob ng pitong (7) araw na Iyong pamamalagi sa amin. Ang aming mga labi ay di maibulalas ang katuwaan na nag-uumapaw sa aming mga puso. Sa Iyong pangunguna Mahal naming Ina, ninais Mong mamalagi sa amin kahit sandali lamang. Maraming salamat aming Ina, maraming salamat, bumalik Kang muli sa ibang araw, kami ay maghihintay ng buong puso at kataimtiman. Sa Iyong pag-alis isama mo ang aming puso, huwag Mong ipahintulot na kami ay makalimot sa Iyo o kaya ay lumayo sa Iyong kalinga ngayon at magpakailanman Siya nawa

SIMULA NG ROSARYO(Sa ngalan ng Ama, at ng Anak at ng Espiritu Santo, Amen)Namumuno:Aba Ginoong Maria napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay Sumasaiyo.Lahat:Bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Hesus.Namumuno:Buksan Mo Panginoon ko ang aking mga labi.Lahat:At purihin ka ng aking dila.Namumuno:Pagsakitan Mo, Diyos ko, ang pag-aampon at saklolo mo sa amin.Lahat:At iadya mo kami sa mga kaaway.Namumuno:Lualhati sa Ama at sa Anak at Espiritu Santo.Lahat:Kapara noong una, gayon din ngayon at magpakailanman, magpasawalang hanggan.SUMASAMPALATAYASumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumaon; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula't pariritot huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya namanako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

Namumuno:Ama naming, sumasalangit ka, sambahin ang ngalan mo, mapasaamin ang kaharian mo, sundin ang loob mo dito sa lupa para ng sa langit. Bigyan mo kami ngayon ng aming kakanin, sa araw-araw at patawarin mo kami sa aming mga sala para ng pagpapatawad namin sa mga nagkakasala sa amin at huwag mo kaming ipahintulot sa tukso at iadya mo kami sa lahat ng masama. Siya nawa.

(TATLONG ABA GINOONG MARIA)

Namumuno:Aba Ginoong Mari, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong anak na si Hesus.Lahat:Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan ngayon at kung kamiy mamamatay. Amen.Namumuno:Lawalhati sa Ama, at sa Anak, at sa Diyos Espiritu Santo.Lahat:Kapara ng una, ngayon at magpakailanman at magpasawalang hanggan, Amen.

SUMASAMPALATAYASumasampalataya ako sa Diyos Amang makapangyarihan sa lahat, na may gawa ng langit at lupa. Sumasampalataya naman ako kay Hesukristo, iisang Anak ng Diyos, Panginoon nating lahat. Nagkatawang tao Siya lalang ng Espiritu Santo; ipinanganak ni Santa Mariang Birhen. Pinagpakasakit ni Ponsio Pilato; ipinako sa krus, namatay, inilibing, nanaog sa kinaroroonan ng mga yumaon; nang may ikatlong araw nabuhay na mag-uli. Umakyat sa langit; naluluklok sa kanan ng Diyos Amang makapangyarihan sa lahat. Doon magmumula't pariritot huhukom sa nangabubuhay at nangamatay na tao. Sumasampalataya namanako sa Diyos Espiritu Santo, sa Banal na Simbahang Katolika; sa kasamahan ng mga banal, sa kapatawaran ng mga kasalanan, sa pagkabuhay na mag-uli ng nangamatay na tao at sa buhay na walang hanggan. Amen.

AMA NAMINAma namin, sumasa-langit Ka. Sambahin ang ngalan Mo. Mapasa amin ang Kaharian Mo. Sundin ang loob Mo dito sa lupa para nang sa langit. Bigyan Mo kami ngayon ng aming kakanin sa araw-araw. At patawarin Mo kami ng aming mga sala, para nang pagpapatawad namin sa mg nagkakasala sa amin. Athuwag Mo kaming ipahintulot sa tukso, at iadya Mo kami sa dilang masama. Amen.

ABA GINOONG MARIAAba Ginoong Maria, napupuno ka ng grasya, ang Panginoong Diyos ay sumasaiyo, bukod kang pinagpala sa babaeng lahat at pinagpala naman ang iyong Anak na si Jesus.

Santa Maria, Ina ng Diyos, ipanalangin mo kaming makasalanan, ngayon at kung kamiy mamamatay. Amen.

LUWALHATI SA AMALuwalhati sa Ama at sa Anak at sa Espiritu Santo. Kapara noong una, ngayon at magpasawalang hanggan. Siya nawa.

O HESUS KOO Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala. Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno. Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo. Lalong-lalo na yaong mga walang nakakaalaala.

PARA SA ARAW NG LINGGO

Ang mga Misteryo ng Luwalhati

1. Ang pagkabuhay ng mag-uli ni Hesus.2. Ang pag-akyat sa langit ni Hesus.3. Ang pagbaba ng Espiritu Santo sa mga apostoles.4. Ang pag-akyat sa langit ng Mahal na Birhen.5. Ang pagpuputong ng korona sa Mahal na Birhen.

Isang (1) AMA NAMIN Sampung (10) ABA GINOONG MARIA Isang (1) LUWALHATI

Lahat:O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala

Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno

Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo

Lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng iyong awa.

Katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po kami,

Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang buong daigdig, lalung-lalo na ang Pilipinas

At papagbalik-loobin Mo po ang mga makasalanan at ituro Mo po sa kanila ang daan

Patungo sa Iyo. O aming Ina kamiy lukuban ng Iyong mapagpalang puso na ubod ng linis.

PARA SA ARAW NG LUNES

Ang mga Misteryo ng Tuwa

1. Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen.2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.3. Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos.4. Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.5. Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem.

PARA SA ARAW NG MARTES

Ang mga Misteryo ng Hapis

1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani.2. Ang paghampas kay Hesus sa haliging bato.3. Ang pagpapatong ng koronang tinik.4. Ang pagpapasan ng krus.5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus.

PARA SA ARAW NG MIYERKULES

PARA SA ARAW NG HUWEBES

Ang mga Misteryo ng Liwanag

1. Ang pagbibinyag kay Hesus sa Ilog Jordan.2. Ang pagpapahayag ni Hesus ng kanyang sarili sa kasalan sa Cana.3. Ang pagpapahayag ni Hesus ng Kaharian ng Diyos, sa pagtawag patungo sa pagbabago.4. Ang pagbabagong-anyo ni Hesus sa bundok ng Tabor.5. Ang pagtatatag ni Hesus ng Banal na Eukaristiya, bilang pagpapahayag na Sakramental ng Misteryong Paskwal.

Isang (1) AMA NAMIN Sampung (10) ABA GINOONG MARIA Isang (1) LUWALHATI

Lahat:O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala

Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno

Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo

Lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng iyong awa.

Katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po kami,

Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang buong daigdig, lalung-lalo na ang Pilipinas

At papagbalik-loobin Mo po ang mga makasalanan at ituro Mo po sa kanila ang daan

Patungo sa Iyo. O aming Ina kamiy lukuban ng Iyong mapagpalang puso na ubod ng linis.

PARA SA ARAW NG BIYERNES

Ang mga Misteryo ng Hapis

1. Ang pananalangin ni Hesus sa halamanan ng Getsemani.2. Ang paghampas kay Hesus sa haliging bato.3. Ang pagpapatong ng koronang tinik.4. Ang pagpapasan ng krus.5. Ang pagpapako at pagkamatay ni Hesus sa krus.

Isang (1) AMA NAMIN Sampung (10) ABA GINOONG MARIA Isang (1) LUWALHATI

Lahat:O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala

Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno

Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo

Lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng iyong awa.

Katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po kami,

Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang buong daigdig, lalung-lalo na ang Pilipinas

At papagbalik-loobin Mo po ang mga makasalanan at ituro Mo po sa kanila ang daan

Patungo sa Iyo. O aming Ina kamiy lukuban ng Iyong mapagpalang puso na ubod ng linis.

PARA SA ARAW NG SABADO

Ang mga Misteryo ng Tuwa

1. Ang pagbati ng anghel sa mahal na Birhen.2. Ang pagdalaw ng Birheng Maria kay Santa Isabel.3. Ang pagsilang sa daigdig ng Anak ng Diyos.4. Ang paghahain sa Templo sa Anak ng Diyos.5. Ang pagkakita kay Hesus sa Templo ng Herusalem.

Isang (1) AMA NAMIN Sampung (10) ABA GINOONG MARIA Isang (1) LUWALHATI

Lahat:O Hesus ko, patawarin Mo ang aming mga sala

Iligtas Mo kami sa apoy ng impiyerno

Hanguin Mo ang mga kaluluwa sa purgatoryo

Lalung-lalo na yaong mga nangangailangan ng iyong awa.

Katamis-tamisang puso ni Hesus, iligtas Mo po kami,

Pagkalooban Mo po ng kapayapaan ang buong daigdig, lalung-lalo na ang Pilipinas

At papagbalik-loobin Mo po ang mga makasalanan at ituro Mo po sa kanila ang daan

Patungo sa Iyo. O aming Ina kamiy lukuban ng Iyong mapagpalang puso na ubod ng linis.

ABA PO SANTA MARIANG HARI

Lahat:Aba Po Santa Mariang Hari, Ina ng Awa. Ikaw ang kabuhayan at katamisan; Aba pinananaligan ka namin.Ikaw nga ang tinatawagan namin, pinapanaw na taong anak ni Eba. Ikaw rin ang pinagbunbuntuhang hininga namin ng aming pagtangis dini sa lupang bayang kahapis-hapis. Ay aba, pintakasi ka namin, ilingon mo sa amin, ipakita mo sa amin ang iyong Anak na si Hesus. Santa Maria, Ina ng Diyos, maawain, maalam at matamis na Birhen.

Isa:Ipanalangin mo kami, Reyna ng kasantusantuhang Rosaryo.

Lahat:Nang kami'y maging dapat makinabang ng mga pangako ni Hesukristo.

LITANYA SA MAHAL NA BIRHENG MARIA Panginoon, maawa Ka sa amin; Kristo, maawa Ka sa amin; Panginoon, maawa Ka sa amin; Kristo, pakinggan Mo kami;Kristo, pakapakinggan Mo kami; Diyos Ama sa langit, maawa Ka sa amin; Diyos Anak na tumubos sa Sanlibutan, maawa Ka sa amin; Diyos Espiritu Santo, maawa Ka sa amin;Santisima Trinidad na tatlong Persona at iisang Diyos, maawa Ka sa amin;Santa Maria, Ipanalangin mo Kami;Santang Ina ng Diyos, Ipanalangin mo Kami; Santang Birhen nh mga Birhen, Ipanalangin mo Kami;Ina ni Kristo, Ipanalangin mo Kami; Ina ng grasya ng Diyos, Ipanalangin mo Kami; Inang kasakdal-sakdalan, Ipanalangin mo Kami; Inang walang malay sa kahalayan, Ipanalangin mo Kami; Inang di malapitan ng masama, Ipanalangin mo Kami; Inang kalisin-linisan, Ipanalangin mo Kami; Inang pinaglihing walang kasalanan, Ipanalangin mo Kami; Inang kaibig-ibig, Ipanalangin mo Kami; Inang kataka-taka, Ipanalangin mo Kami; Ina ng mabuting kahatulan, Ipanalangin mo Kami; Ina ng may gawa sa lahat, Ipanalangin mo Kami; Ina ng mapag-adya, Ipanalangin mo Kami; Birheng kapahampahaman, Ipanalangin mo Kami; Birheng dapat igalang, Ipanalangin mo Kami; Birheng dapat ipagbantog, Ipanalangin mo Kami; Birheng makapangyayari, Ipanalangin mo Kami; Birheng maawain, Ipanalangin mo Kami; Birheng matibay na loob sa magling, Ipanalangin mo Kami; Salamin ng katuwiran, Ipanalangin mo Kami; Mula ng tuwa namin, Ipanalangin mo Kami; Sisidlan ng kabanalan, Ipanalangin mo Kami; Sisidlan ng bunyi at bantog, Ipanalangin mo Kami; Sisidlan ng bukod-tanging katimman, Ipanalangin mo Kami;Rosang bulaklak, na di mapuspos ng bait ng tao ang halaga, Ipanalangin mo Kami; Torre ni David, Ipanalangin mo Kami; Torreng garing, Ipanalangin mo Kami; Bayan na ginto, Ipanalangin mo Kami;Kaban ng tipan, Ipanalangin mo Kami; Pinto ng langit, Ipanalangin mo Kami; Talang maliwanag, Ipanalangin mo Kami;Mapagpagaling sa mga maysakit, Ipanalangin mo Kami;Pagsasakdalan ng mga taong makasalanan, Ipanalangin mo Kami; Mapang-aliw sa nangagdadalamhati, Ipanalangin mo Kami;Mapag-ampon sa mga kristiyano, Ipanalangin mo Kami;Reyna na mga angel, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng mga patriarka, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng mga profeta, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng mga apostol, Ipanalangin mo Kami;Reyna ng mga martir, Ipanalangin mo Kami;Reyna ng mga confesor, Ipanalangin mo Kami;Reyna ng mga birhen, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng lahat ng mga santo, Ipanalangin mo Kami;Reynang ipinaglihi na di nagmana ng salang orihinal, Ipanalangin mo Kami; Reynang iniakyat sa langit, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng kasantu-santuhang rosaryo, Ipanalangin mo Kami; Reyna ng kapayapaan, Ipanalangin mo Kami; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Patawarin Mo po kami, Panginoon; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng sanlibutan, Pakapakinggan Mo po kami, Panginoon; Kordero ng Diyos na nakawawala ng mga kasalanan ng santinakpan, Maawa Ka sa amin. Namunumo: Ipanalangin mo kami, Santang Ina ng Diyos. Lahat: Nang kami ay magin dapat makinabang sa mga pangako ni Hesukristong Panginoon.

PANALANGINO Diyos,/ na ang bugtong na Anak ay nagtawang tao/ namatay at muling nabuhay/ upang tamuhin para sa amin/ ang gantimpalang walang hanggang kaligtasan/ ipagkaloob Mo/ na sa pamamagitan ng pagdidili-dili namin/ ng mga misteryo ng kabanal-banalang Rosaryo ng Birheng Maria/ na matamo ang kanilang mga ipinangangako./ Alang-alang din kay Kristong Panginoon namin. Amen. Isa: Sumaatin nawa ang tulong ng Maykapal Lahat: Siya Nawa. Isa: Sumapayapa nawa ang kaluluwa ng mga yumao sa grasya ng Panginoong Diyos. Lahat: Siya Nawa. Isa: Manatili nawa sa atin ang biyaya ng Makapangyarihang Diyos Ama, Anak at Espiritu Santo. Lahat: Siya Nawa.

PANALANGIN SA KRUSADAMakapangyarihang Ama/ isinasamo namin sa Iyo sa Ngalan ni Hesukristong Anak mo/ na pagpalain Mo/ ang aming Krusada ng Rosaryo ng mag-anak. Pagkalooban Mo po kami/ at ang aming bayan/ ng lakas ng loob/ at biyayang gumawa/ ng pangakong magdarasal ng Rosaryo/ ng mag-anak sa araw-araw/ at matapat naming tupdin/ ang aming pangako.Amen. Isa: Reyna Kasantu-santusang Rosaryo. Lahat: Ipag-adya Mo ang mga sambahayang Pilipino. Isa: Reyna ng Kasantu-santusang Rosaryo. Lahat: pagpalain Mo ang mga sambahayang Pilipino.

PAGPAPAALAM(Babasahin sa huling araw bago manaog ang Birhen sa tahanan.) O Inang kaibig-ibig,/ dumating na ang sandali/ ng iyong paglisan sa aming tahanan/ naging tahanan mo rin/ sa loob ng pitong araw/ na pananatili mo sa aming piling,/ hindi kayang banggitin/ ng aming mga labi/ ang pasasalamat na nag-uumapaw sa aming puso. Udyok ng Iyong pagmamahal Ina, manarapat mong makiisa sa amin/ kahit sumandali./ Salamat, Ina,/ salamat./ Magbalik kang muli, sa aming piling/ sa ibang araw./ Dito ay hihintayin ka namin/ ng buong pananabik. Sa iyong pagpanaog,/ baunin mo ang aming pagmamahal;/ isama mo ang aming mga puso./ Huwag mong itulot na kami ay makalimot/ at mawalay sa iyongpag-aaruga, kailan man./ Amen.

24 | Page