· ang sinasalanta ng gerang oplan kapayapaan, batas militar sa min-danao, oplan tokhang at...

12
L abis ang pagdurusa ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng papalubhang krisis sa ekonomya at pulitika ng naghaharing sistema sa ilalim ng rehi- meng US-Duterte. Bunga ito ng pagmamatigas ng rehimen na ipatupad ang mga patakarang neoliberal sa ekonomya habang pinaghahari ang tiraniya at pasismo upang isagasa ang mga patakarang ito at itatag ang kanyang dik- tadura. Patuloy na nasasadlak sa krisis ang ekonomyang atrasado, di industriyal, agraryo, nakasalalay sa importasyon at nakatuon sa pag-eeksport. Tulad ng nagdaang mga rehimen, bulag na sinu- sunod ng rehimeng Duterte ang mga patakarang neoliberal. Itinutulak niya ngayon ang pagsasagad ng liberalisa- syon sa kalakalan at pamumuhunan, partikular ang lalo pang pagluluwag sa importasyon ng bigas at ibang produk- tong agrikultural. Pinalalabas ng rehimen na ito ang solusyon sa kakulangan ng suplay at EDITORYAL mataas na presyo ng pagkain. Pinag- tatakpan nito kung papaanong winasak ng todong liberalisasyon mula dekada 1990 ang lokal na kapasidad sa pro- duksyon, gayundin ang usapin ng labis na kakulangan na suporta ng estado sa lokal na produksyon. Sa nagdaang da- lawang dekada, lalong nalumpo ang lokal na ekonomya ng Pilipinas at la- long sumalalay sa pag-aangkat ng pagkain at iba pang pangangailangan. Lumalala ang palagiang tagibang na kalakalang panlabas. Sa unang pi- SERYE NG MGA armadong aksyon ang inilunsad ng mga yunit ng Bagong Hukbong Ba- yan (BHB) sa iba't ibang ba- hagi ng bansa. Agusan del Norte. Noong Setyembre 18, alas-3:40 ng hapon, pinasabugan ng com- mand detonated explosive ng BHB ang nag-ooperasyong mga tropa ng 23rd IB sa Ba- rangay Lower Olave, Bue- navista. Tatlo ang napatay at apat ang sugatan sa mga sundalo. Nang araw ding iyon, alas-5:24 ng umaga, hinaras ng BHB ang mga pulis na na- kaistasyon sa Barangay San Mateo, Butuan City. Sugatan ang isang pulis na si PO1 Ritchel Gulandreno. Noong Setyembre 15, alas-2 ng hapon, nakasagupa "Armadong...," sundan sa pahina 3 "Singilin...," sundan sa pahina 2

Upload: others

Post on 08-Oct-2019

71 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

ANGPahayagan ng Partido Komunista ng Pilipinas

Pinapatnubayan ng Marxismo-Leninismo-Maoismo

Tomo XLIX Blg. 18

Setyembre 21, 2018

www.phi l ippinerevolution. info

Labis ang pagdurusa ng mamamayang Pilipino sa ilalim ng papalubhangkrisis sa ekonomya at pulitika ng naghaharing sistema sa ilalim ng rehi-meng US-Duterte. Bunga ito ng pagmamatigas ng rehimen na ipatupad

ang mga patakarang neoliberal sa ekonomya habang pinaghahari ang tiraniyaat pasismo upang isagasa ang mga patakarang ito at itatag ang kanyang dik-tadura.

Patuloy na nasasadlak sa krisis angekonomyang atrasado, di industriyal,agraryo, nakasalalay sa importasyon atnakatuon sa pag-eeksport. Tulad ngnagdaang mga rehimen, bulag na sinu-sunod ng rehimeng Duterte ang mgapatakarang neoliberal. Itinutulak niyangayon ang pagsasagad ng liberalisa-syon sa kalakalan at pamumuhunan,partikular ang lalo pang pagluluwag saimportasyon ng bigas at ibang produk-tong agrikultural.

Pinalalabas ng rehimen na ito angsolusyon sa kakulangan ng suplay at

Singilin ang rehimengUS-Duterte sa sumisidhingkrisis sa ekonomya at pulitika

EDITORYAL

mataas na presyo ng pagkain. Pinag-tatakpan nito kung papaanong winasakng todong liberalisasyon mula dekada1990 ang lokal na kapasidad sa pro-duksyon, gayundin ang usapin ng labisna kakulangan na suporta ng estado salokal na produksyon. Sa nagdaang da-lawang dekada, lalong nalumpo anglokal na ekonomya ng Pilipinas at la-long sumalalay sa pag-aangkat ngpagkain at iba pang pangangailangan.

Lumalala ang palagiang tagibangna kalakalang panlabas. Sa unang pi-

Armadong mgaaksyon sa NCMR,Negros at BicolSERYE NG MGA armadongaksyon ang inilunsad ng mgayunit ng Bagong Hukbong Ba-yan (BHB) sa iba't ibang ba-hagi ng bansa.

Agusan del Norte. NoongSetyembre 18, alas-3:40 nghapon, pinasabugan ng com-mand detonated explosive ngBHB ang nag-ooperasyongmga tropa ng 23rd IB sa Ba-rangay Lower Olave, Bue-navista. Tatlo ang napatay atapat ang sugatan sa mgasundalo.

Nang araw ding iyon,alas-5:24 ng umaga, hinarasng BHB ang mga pulis na na-kaistasyon sa Barangay SanMateo, Butuan City. Sugatanang isang pulis na si PO1Ritchel Gulandreno.

Noong Setyembre 15,alas-2 ng hapon, nakasagupa

"Armadong...," sundan sa pahina 3"Singilin...," sundan sa pahina 2

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN2

Ang Ang Bayan ay ini la lathala dalawang beses bawat buwan

ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Pi l ipinas

Tomo XLIX Blg. 18 | Setyembre 21, 2018

Nilalaman

Ang Ang Bayan ay ini la labas sa

wikang Pi l ipino, Bisaya, I loco,

Hi l igaynon, Waray at Ingles.

Tumatanggap ang Ang Bayan ng

mga kontribusyon sa anyo ng mga

artikulo at bal ita. Hinihikayat din ang

mga mambabasa na magpaabot ng

mga puna at rekomendasyon sa

ikauunlad ng ating pahayagan.

ANG

instagram.com/sine.proletaryo

@prwc_info

fb.com/groups/cppinformationbureau

[email protected]

Editoryal: Singilin ang rehimeng US-Duterte sa sumisidhing krisis sa ekonomyaat pulitika 1

Armadong mga aksyon ng BHB 1

Balik tanaw sa diktadurang US-Marcos 4

Mga protesta kontra batas militar 5

Duterte, Trump, hinatulang maysala 7

Palparan, habambuhay na ikukulong 7

7 Tausug, minasaker 8

Mga paglabag sa karapatang-tao 9

Gastos sa produksyon ng palay 10

Importasyon ng bigas 11

Panukalang badyet ng 2019 12

Malalaking mina, pinapanagot 12

tong buwan ng taon, walang kapa-ris sa nakaraan ang paglobo ng de-pisito sa kalakalan. Sumirit ang de-pisito sa balanse sa kabayaran.Noong nakaraang linggo, sumadsadang halaga ng piso sa P54 bawatdolyar ng US, pinakamababa sa ha-los isa't kalahating dekada.

Tulad sa nakaraan, pinapabu-ran at inaakit ni Duterte ang mala-laking kapitalistang mamumuhu-nang dayuhan at lokal. Angkanyang programang "Build, Build,Build" ay nakatuon sa pagtatayo ngmga imprastrukturang pabor sakanila. Kabilang dito ang mga pro-yektong hydroelectric dam, kalsada,riles, paliparan at iba pa. Nagsisilbiang mga ito sa pagdudugtong ngmga "special economic zone" sa in-ternasyunal na assembly line ngmga korporasyong multinasyunal.Milyun-milyon ang namemeligrongmasagasaan ang kanilang lupangsakahan, lupang ninuno, tirahan,pangisdaan at iba pang pinagkuku-nan ng kabuhayan.

Pinaglalawayan ng mga buruk-ratang kapitalista ang mga pro-

yektong pang-imprastruktura dahilsa makukuha nilang kickback. Ma-rami sa mga kontrata sa mga pro-yekto ay napunta sa mga kroni,tau-tauhan at mga kamag-anak niDuterte at ng kanyang mga alipu-res, gayundin, sa mga pinapabu-rang malalaking burgesyangkumprador.

Bangkarote ang rehimeng Du-terte. Nakatakda itong humiramnang halos P900 bilyon ngayongtaon, malaking bahagi mula sa mgadayuhang ahensya sa mataas nainteres. Upang itaas ang "grado" ngPilipinas bilang bansang mangu-ngutang, ipinataw ni Duterte angbungkos ng buwis sa ilalim ng batasna TRAIN, hakbanging matagalnang itinutulak ng mga dayong"credit rating agency."

Mabilis na sumirit ang presyong mga bilihin ngayong taon. NoongAgosto, umabot sa 6.4% ang impla-syon o bilis ng pagtaas ng presyo,pinakamataas sa halos isang deka-da. Pumapaimbulog ang presyo ngbigas, isda at iba pang pagkain, la-ngis at iba pang mga saligang pa-ngangailangan, habang nananati-

ling mababa ang sahod at kita ngkaraniwang mamamayan.

Ang krisis sa ekonomya at ka-buhayan ay lalong naghihiwalay sarehimeng Duterte sa mamamayanat nagbubunsod ng malalim na kri-sis nito sa pulitika.

Para panatilihin ang katataganng kanyang paghahari, lalong su-masandig si Duterte sa paggamit ngterorismo ng estado upang papag-hariin ang sindak at takot. Libu-liboang sinasalanta ng gerang OplanKapayapaan, batas militar sa Min-danao, Oplan Tokhang at digmanganti-Moro.

Dahil sa paggamit ng terorismoat laganap na mga abuso ng mgapwersa ng estado, kabilang ngayonsi Duterte sa pinakakinamumuhiangsimbolo ng pasismo sa kasaysayanng Pilipinas. Sa isinagawang Inter-national People's Tribunal sa Bel-gium kamakailan, hinatulan si Du-terte at President Donald Trump ngUS na nagkasala sa malawakangpaglabag sa karapatang-tao ngmamamayang Pilipino.

Lalo pang nahihiwalay si Du-terte dahil sa konsolidasyon ng al-yansang Duterte-Marcos-Arroyo.Tumitindi ang panloob na tungga-lian ng naghaharing rehimen dahilsa pag-uunahan ng iba't ibangpaksyon sa pork barrel at mga bu-rukratikong pakinabang. Ang iske-ma ni Duterte na itatag ang sari-ling diktadura sa bihis ng "charterchange" ay mahigpit na nilalaba-nan maging ng ilan niyang kaalya-do.

Lumalawak ang hanay ng iba'tibang mga pwersang demokratikona magkaisa at paigtingin ang ka-nilang komun na pakikibaka parapatalsikin si Duterte sa Malaca-ñang. Tanda ng paglawak nito angmalalaking demonstrasyong ini-lunsad nitong nagdaang mga bu-wan.

Para konsolidahin ang kanyangkontrol sa poder, nais ni Duterte namuling palawigin ang batas militarsa Mindanao at ipataw ito sa buongbansa.

"Singilin...," mula pahina 1

"Singilin...," sundan sa pahina 3

ANG BAYAN Setyembre 21 , 2018 3

ng BHB-Agusan del Norte ang nag-ooperasyong mga tropa ng 23rd IBsa Minpayaw Creek sa Sityo Bulak,Barangay Lower Olave, Buenavis-ta. Dalawa ang naitalang napataysa mga sundalo. Kinaumagahan,alas-3 ng hapon, muling nakasagu-pa ng BHB ang mga tropa ng 23rdIB sa parehong lugar. Dalawa rinang nasawi sa mga sundalo.

Bukidnon. Hinaras ng BHB-Bukidnon ang nag-ooperasyongyunit ng AFP sa Purok 3, BarangaySan Rafael, Talakag noong Set-yembre 16. Isa ang kumpirmadongnapatay at sampu ang sugatan samga sundalo.

Misamis Oriental. Hinaras ngBHB-Misamis Oriental ang de-tatsment ng 58th IB-CAFGU sa Pa-lo, Barangay Minalwang, Claveria.

Southeast Negros. Isang pu-nitibong aksyon ang inilunsad ngBHB-Southeast Negros sa ilalimng Rachalle Mae Palang Command(RMPC) laban sa H.N., isang ma-paminsalang opereytor ng quarrysa Sityo Major, Barangay Cawi-tan, Sta. Catalina noong Set-yembre 15.

Dinisarmahan ng BHB ang mgagwardya at sinunog ang mgabackhoe at payloader ng kumpanyana pagmamay-ari nina Hayney atNestor Lim.

Ayon kay Ka Estrella Banagba-nag, tagapagsalita ng RMPC, tu-gon ang naturang aksyon sa mgadaing ng mamamayan. Sa panana-liksik ng RMPC, pitong residentena ng lugar ang namatay bunga ngpaghuhukay ng H.N. sa CawitanRiver.

Camarines Sur. Noong Set-yembre 6, alas-12:30 ng madalingaraw, hinaras ng BHB-WestCamarines Sur ang detatsment ng22nd IB-CAFGU sa Sityo Dinumpi-

lan, Barangay Malinao, Libmanan.Isang myembro ng CAFGU angnapatay.

Noong Agosto 14, alas-6 ngumaga, patay si PFC Espiritu ha-bang sugatan ang isang CAFGU sapananambang ng BHB sa BarangayCambalidio, Libmanan. Bago nito,hinaras ng mga Pulang mandirigmaang naturang detatsment noongHulyo 27.

Noong Agosto 10 sa BarangayVeneracion, Pamplona, pinaputu-kan ng BHB ang mga armadongelemento ng Military IntelligenceCompany (MICO) sa ilalim ng 9thID kasabay ang ilang datingPulang mandirigma na sina "Boris"at dalawang iba pa. Isa sa grupoang napatay. Responsable anggrupo sa pagpatay sa mag-amangDanilo Abunin Sr. at Danilo AbuninJr. noong Agosto 26, alas-5 ngumaga, sa naturang barangay.

Sa parehong barangay noongHulyo 20, alas 10:00 ng umaga,napatay sa pananambang ng BHBsi PFC Jhony Franco habang naka-motorsiklo. Si Franco ay myembrong MICO. Nakumpiska sa kanyaang isang kalibre .45 na pistola,magasin at mga dokumentong pa-niktik.

Sorsogon. Pinaputukan ngBHB-Sorsogon ang detatsment ngAlpha Coy 31st IB sa BarangayCasay, Casiguran noong Agosto28, bandang alas-8 ng gabi. Isangoras bago nito, pinaputukan ngmga Pulang mandirigma angkampo ng 22nd IB-CAFGU sa Sit-yo Bungsaran, Barangay Rizal,Gubat.

Noong Setyembre 2, alas-2 nghapon, pinaputukan ng BHB angisang kumpanya ng 31st IB nanag-ooperasyon sa Sityo Lokot,Barangay Sta. Cruz, Barcelona.

"Armadong...," mula sa pahina 1Subalit ang kumbinasyon ng

krisis sa ekonomya at pulitika aylalo lamang gumagatong sa apoy ngpaglaban ng sambayanan. Malawakang sigaw para lutasin ang proble-ma ng pagsirit ng presyo ng pagka-in, gastos sa edukasyon, gamot atiba pang pangangailangan. Luma-lakas ang sigaw ng mga manggaga-wa para sa dagdag na sahod, parasa trabaho at seguridad sa trabaho,at para sa kanilang karapatangmag-unyon at magwelga.

Sa kanayunan, natutulak angmasang magsasaka at minoryangmamamayan na maramihang mag-bangon para makibaka para sa lu-pa, igiit ang karapatang magbung-kal ng tiwangwang na lupa para saproduksyon ng pagkain, igiit angtamang presyo sa kanilang pro-dukto at subsidyong pang-estadosa produksyong agrikultural. Sigawdin nila ang katarungan para salahat ng biktima ng terorismo niDuterte.

Ang rebolusyonaryong arma-dong pakikibaka na isinusulong ngBagong Hukbong Bayan ay matatagna sumusulong sa buong bansa.Mabibigo ang mga deklarasyon niDuterte at ng AFP na gagapiin angBHB bago magtapos ang 2018 o saunang hati ng 2019. Araw-araw,lumalawak ang BHB dahil paraminang parami ang nais magsandataupang labanan ang armadong pa-nunupil ng AFP sa interes ng mala-laking kapitalista.

Ang krisis sa ekonomya at puli-tika sa ilalim ng rehimeng Duterteay palatandaan ng patuloy at ma-bilis na pagkabulok ng naghaharingsistemang malakolonyal at mala-pyudal. Nagdurusa ang sambaya-nan sa matalim na krisis at pagsad-sad ng kalagayang sosyo-ekonomi-ko. Paborable ang sitwasyon parasa pagsusulong ng armado at ibanganyo ng pakikibaka para ibagsakang pasista, bulok at papet na re-himeng US-Duterte at isulong angpambansa demokratikong rebolu-syon.

"Singilin...," mula pahina 2

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN4

Matinding krisis ng diktadurang US-Marcos

Apatnapu't anim na taon na ang nakalilipas nang idineklara ng diktadu-rang US-Marcos ang Proclamation 1081 na nagpataw ng batas militar

sa buong bansa. Sa taong 1979, kalahati ng buong panahong pag-iral ng ba-tas militar, sadlak ang bansa sa matinding krisis sa ekonomya at pulitika.Matindi rin ang panggigipit sa mga demokratikong sektor.

Sa gitna nito, lumakas ang pag-laban ng mamamayang Pilipino saiba't ibang panig ng bansa. Libu-liboang kumilos sa hayag at di hayag namga pakikibaka at daan-daan anglumahok sa armadong pakikibakapara ibagsak ang diktadurang US-Marcos.

Bangkaroteng ekonomyaDumausdos ang ekonomya ng

Pilipinas dahil sa pagsirit ng tantosng implasyon sa taong 1979. Dulotito ng paghahabol ng diktadura namakalikom ng pondo para sa ambi-syosong mga programang impras-truktura nito. Dumami ang bilang ngmga manggagawa at magsasaka nadalawang beses na lamang kumaka-in sa isang araw.

Itinulak ng pagtaas ng presyong krudo, pinakamalaki simula ba-tas militar, ang pagtaas ng mgapresyo ng iba't ibang bilihin at ser-bisyo. Sumirit ang presyo ng prim-yum na gasolina nang 800% sa1979, mula P0.37/litro bago idekla-ra ang batas militar tungong P3/lit-ro. Ang ordinaryong gasolina namanay tumaas nang 900%, mula saP0.31 tungong P2.8/litro sa pare-hong panahon.

Litaw sa pagtaas na ito angsabwatan ng imperyalismong US atng tuta nitong si Marcos. Nakakuhang 36% bahagdan ng dagdag-presyoang imperyalistang kartel sa gasoli-na, samantalang 60% naman angnapunta sa rehimen sa porma ngbuwis. Dulot nito, pumalo ang tan-tos ng implasyon sa 21% noong Hul-yo at 30% sa pagtatapos ng taon.

Dahil dito, bumagsak ang datinang mababang halaga ng sahod ngmga manggagawa. Ito ay sa kalaga-

yang umaabot sa 11.5 milyong Pili-pino ang walang trabaho, 40% ngkabuuang lakas-paggawa ng bansa.

Naging sunud-sunuran ang dik-tadura sa mga utos ng Internatio-nal Monetary Fund (IMF) na tang-galin ang lahat ng kontrol sa lokalna mga presyo. Kapalit ito sa hina-habol ni Marcos na utang mula saIMF, World Bank at Asian Develop-ment Bank.

Sa unang hati ng 1979, umabotsa P70 bilyon ($8.7 bilyon sa pali-tang $1=P8) ang utang panlabas ngbansa. Lumaki pa ito tungong P72bilyon ($9 bilyon) bago matapos angtaon.

Sunud-sunod na mga bagongbuwis ang ipinataw ng diktadura.Ang buwis sa pabahay na nasa P1ay itinaas tungong P10. Pinatawandin ng buwis ang mga migrantengmanggagawa at propesyunal, ga-yundin ang mga opereytor ng dyipat maging ang mga pautang ng mgainstitusyong pinansyal.

Para pahupain ang galit ng ma-mamayan, naglabas ang rehimengUS-Marcos ng dikreto para umen-tuhan ang minimum na sahod mulaP11 tungong P13. Pero kulang nakulang ito sa P45-50 na pangangai-langan ng isang pamilya na mayanim na kasapi sa panahong iyon.

Pagsulong ng kilusang masaat armadong pakikibaka

Noong 1979, ilang libong kasaping Partido at Bagong Hukbong Ba-yan (BHB) ang nagmulat, nag-or-ganisa at nagpakilos sa masang Pi-lipino sa sampung rehiyon sa buongbansa—Northeastern Luzon, North-western Luzon, Eastern CentralLuzon, Western Central Luzon,

Southern Tagalog, Eastern Visayas,Western Visayas, Mindanao at Ma-nila-Rizal.

Inilunsad ng mga manggagawa,ang sektor na pinakatinamaan ngimplasyon, ang kilusang welga samga pagawaan. Ang mga magsasa-ka ay naglunsad ng mga lakbayantungong kalunsuran para iprotestaang militarisasyon at ang nagma-mahalang bilihin.

Naglunsad ng mga boykot atlumahok sa mga protesta para ita-guyod ang mga kalayaang sibil atdemokrasya ang mga guro, kaba-taan-estudyante at propesyunal.Nakaalyado at lumahok din sa mgapaglaban ang ilan sa mga pamban-sang burgesya. Lumahok na rin sakilusang protesta ang simbahangKatoliko at iba pang relihiyoso.

Dahil sa malalapad na protes-tang bayan, lumakas ang loob ngreaksyunaryong uri na kumilos la-ban sa diktadura. Kabilang sa mgatumindig sina Sen. Benigno Aquino,Jr., Sen. Gerardo Roxas at DiosdadoMacapagal.

Sa kanayunan, bagaman maliitang bilang at mahina ang lakas-pa-mutok kumpara sa reaksyunaryonghukbo, nakapagpundar ang BHB nglakas at kakayahang lumaban samaraming larangang gerilya. Sapanahong ito, mayroon nang 29 la-rangang gerilya sa 39 na prubinsyasa buong bansa.

Kaagapay ng rebolusyonaryongkilusan ang Moro National Libera-tion Front at ang mamamayangMoro na naglunsad ng armadongpakikibaka sa Mindanao. Dahil dito,napilitan ang diktadurang US-Marcos na banatin ang mga arma-dong pwersa nito sa iba't ibang ba-hagi ng bansa. Noong 1981,napilitan si Marcos na magkun-waring tapusin ang batas militar.

Halaw sa Ang Bayan, Nobyembre 1979

Balik tanaw

ANG BAYAN Setyembre 21 , 2018 5

Mga kilos protesta kontra batas militar

Sunud-sunod na mga pagkilos ang inilunsad ng iba’t ibang sektor bilangpaghahanda sa paggunita sa ika-46 taon ng pagpataw ng diktadurang US-

Marcos ng batas militar noong Setyembre 21, 1972. Sa harap nito, nanawaganang Partido Komunista ng Pilipinas sa mamamayan na gamitin ang mga aral sapaglaban sa diktador sa pagpapabagsak sa kinamumuhiang rehimeng US-Duterte.

Noong Setyembre 7, naglunsadng "Black Friday Protest" sa BoyScouts Circle, Quezon City ang gru-pong Rise Up for Life and for Rights,kasama ang mga magulang ng mgabiktima ng Oplan Tokhang ng rehi-meng Duterte at mga tagapagtang-gol ng karapatang-tao.

Isinabuhay nila sa nasabingprotesta ang tanyag na lilok na"Pieta" bilang simbolo hindi lamangng dalamhati kundi ng pagnanais ngmga magulang ng biktima na mata-mo ang hustisya. Anila, halatang-halata ang pag-idolo ni Duterte kayMarcos dahil nais nitong malagpa-san ang rekord ng huli sa bilang ngnapatay sa ilalim ng kanyang rehi-men.

Kabilang sa mga nagprotestaang ina ni Joshua Laxamana, 17,isang kilalang manlalaro ng sikat nalaro sa kompyuter na DotA na pina-tay sa "gera kontra-droga." SiLaxamana ay pinaratangan ng puli-sya na magnanakaw na may dalangshabu at baril upang bigyang-kat-wiran ang pagpatay sa kanya noongAgosto 17. Hanggang ngayon,nawawala pa rin ang kasama niyana si Julius Sebastian, 15 taong gu-lang.

Samantala, noong ika-101 kaa-rawan ng dating diktador, nagpro-testa ang Campaign Against the Re-turn of the Marcoses to Malacañang(CARMMA) sa Libingan ng mga Ba-yani sa Taguig City, kung saan pina-yagan ni Duterte na ilibing angkanyang idolo. Ayon sa CARMMA,kasuklam-suklam ang hayagang pa-kikipag-alyansa ni Duterte sa pamil-ya ng yumaong diktador kapalit ngpaghigpit ng kapit sa kapangyari-han.

Noong hapon ng Setyembre 11,

nagprotesta ang mga progresibonggrupo sa iba't ibang panig ng bansabilang sagot sa mahigit isang orasna “pribadong usapan” ni Duterteat kanyang tagapayong ligal na siSalvador Panelo kung saan muli si-yang naghugas-kamay sa mga ka-salanan niya sa bansa at nagturo ngkanyang mga kritiko bilang maysalasa kasalukuyang krisis sa ekonomyaat pulitika sa bansa.

Maging ang administrasyon ngUnibersidad ng Pilipinas, sa ilalimng pangulo nitong si DaniloConcepcion, ay naglabas ng prokla-masyon na nagdedeklara sa Set-yembre 21 bilang "Araw ng Pag-a-lala" sa mga iskolar ng bayan nanakibaka at nagbuwis ng buhaynoong panahon ng batas militar niMarcos.

Lakbayan mula Timogat Gitnang Luzon

Daan-daang magsasaka, katu-tubo, at mangingisda mula saCentral Luzon ang naglunsad ngtatlong-araw na "Lakbayan ngMagbubukid ng Gitnang Luzon,"mula Setyembre 18 para ipanawa-gan ang tunay na reporma sa lupaat kundenahin ang tiraniya at pa-sismo ng rehimen.

Ayon sa mga magsasaka, angkasalukuyang krisis sa bigas aybunsod ng pagwawalang-bahala atpagpapabaya ng estado sa kalaga-yan ng mga magsasaka at kanilangproduksyon, partikular sa CentralLuzon na tinaguriang "rice granaryof the Philippines." Sa halip nabigyang suporta ang mga magsasa-ka para paunlarin ang produksyonng palay, lulong ang rehimen sapagpapalit-gamit ng lupa at sinu-suhayan pa ang pangangamkam ng

lupa ng mga lokal at dayuhang pa-nginoong maylupa at malalakingburgesya-komprador.

Kinundena rin ng mga magsa-saka ang Oplan Kapayapaan nanagmilitarisa sa kanilang mga ko-munidad.

Lumahok sa lakbayan ang mgamagsasaka, Aeta, at mangingisdamula sa Tarlac, Zambales, Pampa-nga, Nueva Ecija, Aurora, Bataan,Bulacan at Pangasinan. Una silangnagprograma sa harap ng panrehi-yong upisina ng Department ofAgrarian Reform sa San Fernando,Pampanga, bago tumungo sa Bu-lacan, at sa Maynila para makiisa saUnited People's Action againstMartial Law.

Daan-daang magsasaka at mgakasapi ng Bicol Movement AgainstTyranny (BMAT) at Bayan-Bicolang naglunsad din ng lakbayantungong Maynila upang makiisa sapaggunita sa ika-46 na taon ngbatas militar.

Sa rehiyon ng Bicol, nagdaos ng"Lakbay Dalangin" noong Set-yembre 15 ang mga progresibonggrupo sa pangunguna ng BMAT atBayan, kasabay ng pista ng Pe-ñafrancia sa Setyembre. Nagdaossila ng prusisyon mula PeñarandaPark, Albay tungong Naga City,kung saan nag-alay sila ng dasalpara sa mga biktima ng karahasanng estado, at nanalanging itigil naang mga pamamaslang sa Bicol.

WelgaSa unang pagkakataon, naka-

takdang magkasa ng welga ang mgamanggagawa mula sa tinaguriang"sunshine industry" na businessprocess outsourcing (BPO).

Nagsumite na ng "notice ofstrike" ang Unified Employees ofAlorica, na binubuo ng 1,500 mgacall center agent. Ayon sa mgamanggagawa ng Alorica, nakarara-nas sila ng iba't ibang porma ngpagsasamantala, kabilang ang iligal

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN6

na tatanggalan, siste-matikong pagpapalit ngmga empleyado na la-bag kahit sa Labor Co-de, at patuloy na pag-tanggi ng maneydsment na kilala-nin ang kanilang unyon.

Ayon sa BPO IndustryEmployees Network (BIEN), angnakatakdang welga sa Aloricaay senyales na hindi na mana-nahimik ang mga call centeragent kaugnay sa hirap na ka-nilang dinaranas.

Samantala, nagtayo ngkampuhan sa labas ng pabrikang Jolly Plastics Molding Cor-poration sa Valenzuela Cityang mga manggagawang ti-nanggal ng nasabing kumpanyanoong Setyembre 17. Tinanggalang naturang mga manggagawamatapos nilang suwayin ang utos ngmaneydsment na sabihing walongoras lamang silang nagtatrabaho atna tumatanggap sila ng minimum nasahod nang magdaos ang De-partment of Labor and Employment(DOLE) ng inspeksyon noong Set-yembre 11.

Sa halip na sundin ang utos ngng maneydsment, nagsagawa ng"walk-out" ang mga manggagawasa araw ng inspeksyon at isinum-bong nila sa DOLE na 12 oras silangpinagtatrabaho araw-araw at su-musweldo lamang ng P430 para ri-to. Tinanggal sila kinabukasan.

Tumungo naman sa tanggapanng DOLE sa Intramuros ang daan-daang manggagawang kontraktwalng Magnolia (na pagmamay-ari ngSan Miguel Corporation) noong Set-yembre 12 upang kalampagin siDOLE Sec. Silvestre Bello III paratuparin na ang pangakong maglabasng pinal na kautusan para iregulari-sa ang 404 na manggagawangkontraktwal ng kumpanya sa Gene-ral Trias, Cavite. Karamihan sa mgamanggagawa ay mahigit dalawangtaon nang nagtatrabaho sa mga pa-gawaan ng produktong mantikilyaat keso, kabilang ang Star

Margarine at Dari Creme. Daing dinnila ang napakababang pasahod,walang benepisyo, walang araw ngpahinga, at pwersahang pagpapa-obertaym ng kumpanya.

Paaralang bakwitBinuksan sa University of San

Jose-Recoletos sa Cebu noongunang linggo ng Setyembre ang“Paaralang Bakwit” ng mga estud-yanteng Lumad na napalayas sakanilang mga komunidad dulot ngmatinding militarisasyon sa kana-yunan ng Mindanao. Mayroon itongmahigit 30 estudyante. Kasabaynito ang pagbubukas ng isa pang“Paaralang Bakwit” sa BaclaranChurch sa Metro Manila na may hi-git 70 estudyante.

Noong Setyembre 10, binuksandin ng University of Santo Tomas saMaynila ang kanilang mga pinto pa-ra sa mga estudyanteng Lumad.Nakatakda ring magbukas ng ibapang pansamantalang paaralan saiba pang mga lugar sa Metro Manilaat mga sentrong lungsod sa iba'tibang rehiyon sa susunod na mgalinggo.

Protesta sa ibang bansaSa US, nagkasa ng raling iglap

ang mahigit 300 ka-sapi ng BagongAlyansang Makaba-yan (Bayan-USA)noong Setyembre 16

sa New York City.Nagladlad ang grupo ng mga

banderang may mga katagang"Resist US-led war and milita-rism" (Labanan ang pakananggera at militarismo ng US) at"United States out of the Phi-lippines" (US layas sa Pilipi-nas) sa Grand Central Stationsa Manhattan bago sila nag-martsa tungong PhilippineCenter New York upang mag-sagawa ng programa. Ayon saBayan-USA, si Duterte ang isasa mga pinakamapanganib napangulo ng Pilipinas, hindi la-

mang sa larangan ng pagpatay,kundi bunsod na rin ng pagbulusokng ekonomya, pagtaas ng presyo ngbilihin, at pangangayupapa sa mgadayuhang kapangyarihan.

Sa Japan, nagsagawa ng seryeng protesta ang mga manggagawang Toyota Motors Philippines Wor-kers Association (TMPWA) upangipanawagan sa pandaigdigang him-pilan ng Toyota Motors na ibalik satrabaho ang 237 manggagawa natinanggal sa planta nito sa Pilipinashalos 17 taon na ang nakararaan.Sa protestang ginawa sa harap ngToyota Nagoya Building noong Set-yembre 16, nanawagan din angTMPWA na bigyan ng danyos angmga manggagawang iligal na ti-nanggal at sundin ng kumpanya angrekomendasyon ng InternationalLabor Organization na ibalik sila satrabaho.

Isang protesta rin ang inilunsadng mga kasapi ng TMPWA sa Japa-nese Embassy sa Pasay City noongSetyembre 17. Umani ng suportaang mga manggagawang Pilipino ngToyota mula sa mga kapwa mang-gagawa sa Indonesia, na naglunsadng protesta laban sa kumpanya samga distrito ng Temate, Ambon, atMakassar.

ANG BAYAN Setyembre 21 , 2018 7

Duterte at Trump, hinatulang nagkasalasa internasyunal na hukuman

Hinatulang nagkasala sa International People's Tribunal (IPT) o pan-daigdigang hukumang bayan sa Brussels, Belgium sina Rodrigo Duter-

te at US President Donald Trump sa kanilang mga pasistang krimen laban sasambayanang Pilipino noong Setyembre 19.

Dininig ng IPT mula Setyembre18 ang 21 kasong isinampa laban sasa dalawang presidente. Kabilang samga ito ang mga kaso ng paglabag sakarapatang sosyo-ekonomiko, sibil-pulitikal at sa pagpapasya-sa-sarili.

Ang IPT ay isang pandaigdiganghukuman na binubuo ng mga inter-nasyunal na organisasyon ng mgaabugado at tagapagtanggol ng ka-rapatang-tao. Ayon sa Karapatan,bahagi ang paglilitis ng hukuman salumalapad na paglaban sa tiraniya,pasismo, militarismo, at dayuhangpanghihimasok na pinahihintulutanng rehimen.

Sa kabila ng tangka ng Malaca-ñang na palabasing "walang saysay"at pawang "propaganda" lamangang ginanap na pagdinig ng IPT,iginiit at ipinaalala ng mga organi-sador ng pandaigdigang hukumangbayan na ang otoridad ng anumangkorte—lokal man o internasyu-nal—ay nagmumula sa taumbayan.

Nagsilbing hurado sa IPT angmga kilalang internasyunal na abo-gado at tagapagtanggol ng karapa-tang-tao mula sa US, The Nether-lands, Iran, Italy at France. Anghatol mula sa IPT ay isusumite saInternational Criminal Court, Euro-pean Parliament, at sa United Nati-ons Human Rights Council bilangkaso laban sa rehimeng Duterte nasinusuhayan ng US.

Kabilang sa mga kasong dininigsa IPT ang lansakang pagpatay ngmahigit 23,000 mahihirap na Pilipi-no sa ilalim ng "gera kontra-droga,"at mahigit 160 pagpatay sa mga li-der-magsasaka at lider-katutubo.Kabilang din ang pagsasampa nggawa-gawang mga kaso laban samga lider, aktibista, at kritiko ngrehimen at ang pagpapakulong sahigit 500 indibidwal dahil sa kani-

Palparan, habambuhay na ikukulongHINATULAN NG HABAMBUHAY na pagkakakulong ang berdugong siPhilippine Army Ret. Maj. Gen. Jovito Palparan, kasama ang dalawapang akusadong dating upisyal ng militar, ng Malolos Regional TrialCourt noong Setyembre 17 kaugnay ng kaso ng pagdukot at pagkawalang mga estudyante ng University of the Philippines na sina KarenEmpeño at Sherlyn Cadapan noong Hunyo 2006.

Batay sa hatol na inilabas ni Judge Alexander Tamayo, walang-dudang maysala sina Palparan, Lt. Col. Felipe Anotado Jr., at S/Sgt.Edgardo Osorio sa mga kasong kidnapping at serious illegal detentionkaugnay ng kaso nina Empeño at Cadapan. Ang isa pa sa mga akusado,si M/Sgt. Rizal Hilario, na kasalukuyan pa ring hinahanap, ay ipinag-u-tos na arestuhin. "Reclusion perpetua" o habambuhay na pagkakaku-long ang parusa sa mga hinatulan.

Higit 12 taon na mula nang dukutin ng mga elemento ng militar si-na Empeño at Cadapan mula sa kanilang tinutuluyang bahay sa Hago-noy, Bulacan.

"Paunang tagumpay" ang tawag ng mga nanay nina Empeño atCadapan sa hatol ng korte. Anila, kahit pa makulong si Palparan atkanyang mga kasabwat, hindi pa rin naililitaw ang kanilang mga anak,at napakarami pang kaso ng pagpatay at iba pang paglabag sa kara-patang-tao na sangkot ang berdugo na hindi pa nabibigyan ng husti-sya.

Pinangangambahan din ni Concepcion Empeño, nanay ni Karen, atErlinda Cadapan, nanay ni Sherlyn, na bigyan ng "pardon" ni RodrigoDuterte si Palparan, ang paboritong heneral ni Gloria Arroyo, na nga-

lang paninindigan sa pulitika.Dininig din sa IPT ang mga

paglabag sa sosyo-ekonomikongkarapatan, kabilang ang patuloy napagpapatupad ng rehimen sa mgapatakarang kontra-manggagawa atkontra-mamamayan.

Samantala, ang mga paglabagsa internasyunal na makataongbatas at karapatan sapagpapasya-sa-sarili ay kinabibi-langan ng mga kaso ng atake sa226 na paaralang Lumad sa Min-danao, ang panganganyon atairstrike sa mga katutubong ko-munidad at ang patuloy na pang-hihimasok ng militar ng US sapagpapalakad ng reaksyunaryong

gubyerno at militar sa bansa.Kabilang sa mga tumestigo sa

korte sina Sultan Hamidullah Atarng Marawi City na nag-ulat ng mgakrimen ng militar sa pang-aatakenito sa Marawi City noong 2017, atsi Suara Bangsamoro ChairpersonJerome Succor Aba na biktima ngdiskriminasyon, tortyur, at iligal napagkakakulong sa US noong Abril.Tumestigo rin si Rev. Ritchie Ma-segman ng Rise Up for Life and forRights para sa mga biktima ng OplanTokhang.

Hindi ang rehimeng US-Duterteang unang tutang rehimen sa Pili-pinas na hinatulang nagkasala ngIPT. Noong 1980, hinatulan din ngkorteng ito ang diktadurang US-Marcos na nagkasala sa lantarangpaglabag sa mga karapatang-tao ngmamamayang Pilipino.

"Palparan...," sundan sa pahina 8

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN8

7 kabataang Tausug, minasakerwalang-awang minasaker ang pitong kabataang Tausug, na may mgaedad na 18-31, ng mga elemento ng Task Group Panther sa

pamumuno ni Lt. Col. Samuel Yunque at ng 5th Scout Ranger Battalion sapangunguna ni Capt. Michael Asistores noong hapon ng Setyembre 14 saKabbon Takas, Patikul, Sulu.

Kinilala ang mga biktima nasina Makrub Diray, Basirun Hay-rani, Mijan Hayrani, BinnajarAsak, Salip Maknun Sakirin, Has-san Hamsam at Alpadal Diray.

Bandang alas-9 ng umaga ngSetyembre 14, nagpaalam ang pi-tong kabataang lalaki sa mga upi-syal ng 55th IB na nag-oopera-syon sa kanilang lugar na pupun-ta sila sa Sityo Tubig Bato ng na-sabing barangay upang mag-aning mangosteen at lansones.Isang "Lt. Col. Salvador" angnagbigay ng permiso sa kanila.

Bandang alas-11 ng parehongaraw, dinakip ng mga Scout Ra-nger ang pito. Kinabukasan, Set-yembre 15, nadatnan na lamangng kanilang mga kamag-anak angkanilang mga walang-buhay nakatawan sa himpilan ng militar saJolo, at iprinisinta ng mgasundalo bilang mga kasapi ng AbuSayyaf Group (ASG).

Sa isang pahayag, sinabi ngSuara Bangsamoro na ang mgabiktima ay mga asawa ng mga be-nepisyaryo ng Pantawid Pamil-yang Pilipino Program sa Patikul,at ang kanilang mga pamilya aykabilang sa mga lumikas at pan-samantalang naninirahan sa Ba-rangay Igasan.

Ayon sa mga pamilya ng mgabiktima, nagkaroon ng engkwen-tro sa pagitan ng ASG at ArmedForces of the Philippines (AFP) sakalapit na Barangay Bakongnoong Setyembre 14. Ngunit nangdumaan sa Barangay Kabbon Ta-kas ang mga sundalo, basta nalamang inaresto ng mga ito angpito.

Iginigiit ng AFP na mga kasa-pi ang pito ng ASG, kahit pa maymga testigong nagsasabing bitbit

pa ng pito ang kanilang inaningmangosteen nang sila ay dakpinng mga Scout Ranger. Isa sa mgabiktima, si Alpadal Diray, ay es-tudyante sa Jallao National HighSchool.

Samantala, sunud-sunod nabinomba at kinanyon ng AFP JointTask Force Central ang mga ba-yan ng Shariff Saydona Mustaphaat Datu Saudi Ampatuan sa Ma-guindanao noong ikalawang ling-go ng Setyembre. Itinaboy nitoang daan-daang residente tungosa Libutan, Datu Salibo at ShariffSaydona Mustapha.

Nauna nang nambomba atnanganyon ang AFP noong Set-yembre 5 sa Barangay Bialong,Shariff Aguak, Maguindanao.Ayon sa fact-finding team nggrupong Kawagib at Suara Bang-samoro, napatay sa nasabinginsidente si Ustadz AbdulladzisAbdulrahim, 58. Malubha namangnasugatan sina Farida Asim, 48,Saiden Ismael, 23, at Sema Bido,62.

Noong Setyembre 4, binombarin ng AFP, katuwang ang USArmy Special Forces, ang ShariffAguak, Maguindanao, upang tar-getin umano ang mga nasa likodng magkasunod na pambobombasa bayan ng Isulan, Sultan Kuda-rat noong Agosto 28 at Set-yembre 3. Nagresulta ang nasa-bing airstrike sa tatlong sugatangsibilyan, isang patay, at pwersa-hang paglikas ng libu-libong pa-milya.

Kinundena ng Suara Bangsa-moro hindi lamang ang sunud-su-nod na pambobomba kundi angpatuloy na direktang paglahok ngmga pwersang Amerikano sa na-sabing mga operasyong kombat.

yo'y tumatayong House Speakerat kaalyado ni Duterte.

Kilala si Palparan hindilamang bilang berdugo, kundinangungunang tagapagpatupadng madugong Oplan Bantay Laya(OBL) 1 at 2 ng rehimeng Arro-yo.

Saanman italaga si Palparannoon, nag-iiwan siya ng bakasng dugo. Mula Mindoro, EasternVisayas, at Central Luzon, wa-lang ampat ang pagdanak ngdugo sa ilalim ng kanyang pa-mumuno. Bukod sa pagdukot ki-na Empeño at Cadapan, pina-ngunahan niya ang pagpatay salider-aktibistang si Eden Mar-cellana at lider-magsasakang siEddie Gumanoy sa Mindoronoong 2003, kay UCCP PastorEdison Lapuz at Atty. FedelitoDacut sa Leyte noong 2005, atkay Supreme Bishop AlbertoRamento ng Iglesia FilipinaIndependiente sa Tarlac noong2006.

Naglabas naman ng paha-yag ang mga progresibong or-ganisasyon bilang pakikiisa samga kapamilya at pagpapahig-pit pa ng panawagang hustisyasa lahat ng paglabag sa kara-patang-tao ng Armed Forces ofthe Philippines at upang pana-gutin ang utak ng OBL na siHouse Speaker Gloria Macapa-gal Arroyo.

Pahayag ng Partido Komu-nista ng Pilipinas, ang hatol kayPalparan ay nararapat magpa-tatag at magbigay-tapang sasambayanang Pilipino na mag-pursige sa paggiit ng hustisya atpagtapos sa Oplan Kapayapaan,batas militar, at iba pang pasis-tang pakana ng rehimeng US-Duterte.

Nararapat na pasigabuhinang paglaban sa nasabing mgapasista sa pamamagitan ngpagmomobilisa sa lahat ng re-bolusyunaryong pwersa upangmakamit ang hustisya.

"Palparan...," mula sa pahina 7

ANG BAYAN Setyembre 21 , 2018 9

Sa ibang bahagi ng bansa:

SA MALABOG, Caramoan, Camari-nes Sur, pinatay ng mga sundalo ng83rd IB ang mag-asawang magsa-sakang sina Hermenio Aragdon, 69,at Soledad Aragdon, 60 noong Set-yembre 11.

Tumungo ang mag-asawa sakanilang bukid upang mag-ani ngtanim na saging na kanila sanangibebenta para may pamasahe silapapunta sa pista ng Peñafrancia saNaga City. Habang papunta sa ka-nilang bukid, hinarang sila ng mgasundalo at pinagbabaril. Sa paha-yag ng mga sundalo sa midya, mgakasapi umano ng Bagong HukbongBayan (BHB) ang mag-asawa kahitpa may edad na sila, at engkwentroumano ang nangyari.

Sa tala ng Karapatan-Bicol, 51na ang biktima ng ekstrahudisyalna pagpatay sa rehiyon sa ilalim ngrehimeng Duterte.

Isang magsasakang Lumad na-man ang pinatay sa pamamaril ngmga elemento ng 23rd IB sa SityoBulak, Lower Olave, Buenavista,Agusan del Norte noong Setyembre15.

Ang biktimang si Rex Hangadonat ang kanyang tatay ay nagpapa-hinga sa isang kubo sa bukid ng ka-nilang komunidad nang bigla silangpaulanan ng bala ng mga sundalo.Ayon sa mga testigo, binuhat ngmga sundalo ang walang-buhay nakatawan ni Hangadon palabas ngkubo. Samantala, nawawala pa rinang kanyang tatay.

Bunsod nito, lumikas ang buongkomunidad tungo sa isa pang baha-gi ng kanilang barangay. Dati nanglumikas ang may 38 pamilyang Hi-gaonon noong Setyembre 7 dahil sapresensya ng militar.

Sa Masbate, naiulat ang sunud-sunod na pagpaslang sa mga sibil-yan mula Agosto hanggang unanghati ng Setyembre na kagagawanng mga elemento ng 2nd IB, 22ndIB-CAFGU, PNP Regional MobileForce Battalion 5, at mga "rebelreturnees."

Kabilang sa mga biktima sinaNonong Capellan ng bayan ngUson, Johnel Dejucos at Pablo Dilaong Barangay Burgos, San Jacinto;mag-asawang Dominggito at MariaDeinla ng Barangay Resurreccion,San Fernando; Dingdong Escorel ngBarangay Cantorna, Monreal; atRuel Nuñez ng Barangay Biyong,Masbate City.

Panggigipit. Kinundena ng mgagrupong nagtatanggol sa karapa-tang-tao ang paglabas ng isangmemorandum ng PNP IntelligenceGroup noon pang Mayo na nag-uu-tos sa pulisya sa buong bansa namag-ipon ng impormasyon kaugnaysa mga pinagbibintangang lider ngBHB.

Kabilang sa mga nasa listahanang ilang kilalang tagapagtanggolng karapatan ng mga katutubo mu-la sa Cordillera na sina VictoriaTauli-Corpuz, Joan Carling, Atty.Jose Molintas, Beverly Longid,Joanna Patricia Cariño, Windel Bo-linget, Jeannete Ribaya-Cawidingat Sherwin De Vera.

Sa UP Diliman, pinuntahan ngmga pulis mula sa Quezon City Po-lice Department ang bahay ni Stu-dent Regent Ivy Joy Taroma atpaulit-ulit na itinanong sa kasama-han niya ang kanyang kinaroroo-nan. Kinwestyon naman ng admi-nistrasyon ng UP ang walang pa-alam na panghihimasok ng PNP saloob ng unibersidad.

Iligal na pag-aresto. Sa Cala-yan, Cagayan, inaresto ng mgapulis at militar ang mag-asawangEdison at Divina Erece at sinam-pahan ng gawa-gawang mga kasonoong Setyembre 3. Ang mag-asa-wang Erece ay aktibong mgamyembro ng Amihan-Cagayan,isang organisasyon ng maliliit namagsasaka.

Militarisasyon. Sa loob ngunang dalawang linggo ng Set-yembre, dalawang magsasaka angbiktima ng kalupitan ng 94th IB saBarangay San Quintin, Moises Pa-

dilla (Magallon), Negros Occiden-tal. Si Esoy Villahermosa, mahigit40 taong gulang at residente ngSityo Uway-uway, ay pinagbanta-ang papatayin at pwersahang isi-nama para magsilbing giya sa ope-rasyong kombat ng mga sundalo.Pinahirapan si Villahermosa nangmagtangka siyang tumakas.

Samantala, nilooban ang bahayat ninakaw ng mga sundalo angpinaghirapang pera ni Eke Gem-payan sa kalapit na Sityo Tibobong.

Sa Sta. Catalina, Negros Ori-ental, ginawang pananggalang ngmga sundalo ng 62nd IB ang mgaresidente ng Barangay Cawitan.Matapos ang aksyong pamarusa ngBHB-Negros sa isang mapaminsa-lang kumpanyang mina noongSetyembre 15, nagkampo ang mgasundalo sa Danao ElementarySchool at inutusan ang 20 resi-dente, kabilang ang walong menorde edad, na bantayan sila tuwinggabi.

Inatake rin ng 24th IB, sa pa-mumuno ni 2Lt. Alquin Bolivar, angmga komunidad ng katutubo saSallapadan, Abra. Kabilang sa ka-nilang mga paglabag ang pagdukotat sapilitang pagpapagiya kayAdjato Pati. Bago nito, tinutukanng mga sundalo ang kanyang asawaat 8-taong gulang na anak upangpaaminin kung nasaan siya. Sa pa-mamagitan ng panunuhol, panggi-gipit at pagsasampa ng gawa-ga-wang mga kaso, binubuyo ng mgasundalo ang mga residente natumestigo laban sa kanilang mgakatribu.

Sa Mindoro Oriental, 58 pamil-yang katutubong Hanunuo ang na-pilitang umalis sa Sityo Panhulu-gan, Barangay Panaytayan, Man-salay dahil sa presensya ng 4th IBsimula noong Setyembre 10. Oku-pado ng mga sundalo ang es-kwelahan ng barangay, at pinipigi-lan ang mga residente na magsakaat magdala ng kanilang mga ani sapamilihan.

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN10

Gastos sa produksyon ng palay sa Kalinga

Palagiang isinasangkalan ng mga upisyal ng reaksyunaryong estado angmataas na presyo ng lokal na bigas para bigyang katwiran ang pag-

aangkat nito. Gayunpaman, anumang pagtaas ng presyo ng bigas ay hindi pi-nakikinabangan ng mga magsasakang nagpuprodyus nito.

Habang tuluy-tuloy na sumisiritang presyo ng bigas, tumataas dinang gastos sa produksyon ng mgamagsasaka habang nananatilingmababa ang presyo ng inaani nilangpalay.

Isa ang Kalinga sa mga pru-binsyang may mataas na produk-syon ng palay sa bansa. Ang Tabuk,sentrong syudad nito, ay matata-wag na "rice granary" ng Cordille-ra. Nasa 23,000 ektarya o 37% ngkabuuang 116,000 ektaryang kalu-paan ng prubinsya ang tinatamnanng palay. Karugtong ng Pinukpuk atRizal, mga lugar kung saan nagsa-salubong ang malalaking ilog tu-ngong Chico River, nagpuprodyusang prubinsya ng hanggang176,000 metriko toneladang (MT)palay kada anihan.

Sa kabila nito,hindi umuunlad angkabuhayan ng mgamagsasaka sa Kalinga.Sa pangkalahatan,umaabot sa P45,000ang gastos ng magsa-saka para sakahin angisang ektarya ng lupa.Saklaw nito ang ma-mahaling sangkap (a-bono, pestisidyo, pa-matay ng damo) napinoprodyus ng mala-laking dayuhang kum-panyang agro-kemikal.(Tingnan ang talaan.)Malaki rin ang gina-gastos sa upa sa ma-kinarya, pasahod attransportasyon. Anglahat ng ito ay bina-balikat ng magsasaka.Kung maayos ang pa-nahon (walang sakuna

o bagyo), maaaring makabentanang hanggang P73,893 ang mag-sasaka. Aawasin mula rito anggastos sa produksyon at parte ngpanginoong maylupa (P24,630) sahatiang tersyuhan. Lalabas na nasaP4,508 ang netong kita ng magsa-saka kada anihan. Kung hahatiin itosa apat na buwan, lalabas naP37.50 lamang ang arawang kita ngmagsasaka, kulang pa para ipam-bili ng isang kilong bigas.

Ang ganitong kaliit na kita angnagtutulak sa mga magsasaka namangutang para sa pangangaila-ngan ng kanilang pamilya, gayundinpara sa susunod na taniman. Sina-samantala ang kagipitang ito ngmga usurero na nagpapautang ngabono at/o pestisidyo na may ma-

taas na interes o di kaya’y nagpa-pabayad gamit ang iskemang palit-palay o “sanla-bili” ng kanilanglupa.

Umaabot sa 5-7% ang intereskada buwan sa inuutang parapang-abono at pestisidyo. Ibaba-was ang halagang ito sa benta napalay ng magsasaka. Sa ilalim ngiskemang “palit-palay,” may dag-dag na dalawang kaban na palayang kada P1,000 na uutangin ngmagsasaka. Kung pipiliin ng mag-sasaka na magbayad ng interes,buwan-buwan ay itinataas ito ngusurero ng 5-15% o 20-60 % kadaanihan. Sa ilalim naman ng "sanla-tubos," ginagawang kolateral anglupa sa halagang P50,000-P60,000/ektarya. "Tutubusin" ngmagsasaka ang lupa sa pamamagi-tan ng pagbabayad ng ani nito saloob ng isang takdang panahon.Kung hindi mabayaran ang halaga,kukumpiskahin ng usurero ang lupa

sa iskemang "sanla-bili."Dagdag na panga-

nib sa kabuhayan ngmga magsasaka saprubinsya, laluna sakapatagan ng Rizal, angpang-aagaw ng mgapanginoong maylupa sakanilang mga sakahan.Isa rito ang mga lupa saHacienda Madrigal nasumasaklaw sa mgabarangay ng BabalagEast, Babalag West,Macutay, Bolbol, SanPascual at San Quintin.Sa pamamagitan ngisang deed of assign-ment, isinalin ni DonVicente Madrigal angtitulo ng asyenda saSusana Realty, Inc.,isang kumpanyang pag-aari rin ng kanilang pa-milya. Dahil dito, ilangulit nang nakaranas ng

ANG BAYAN Setyembre 21 , 2018 11

pagpapalayas ang mga magsasa-ka. Pinakamalala rito ay ang de-molisyon noong Hunyo 25, 2007kung saan siyam ang namatay,apat ang sugatan at marami angiligal na inaresto sa tinaguriangMasaker sa Malapiat.

Pahamak na mga patakaranHalos sangkatlo sa gastos ng

magsasaka ay nakatuon sa pag-bili ng mga dayuhang binhi atproduktong agro-kemikal na ini-lalako mismo ng Department ofAgriculture. Kabilang dito angmga hybrid na binhi tulad ngRC4, RC14, IR10, IR36, IR64 atiba pa. Ang mga binhing ito aygaling sa International Rice Re-search Institute (IRRI), na pi-nopondohan ng mga korporas-yong transnasyunal tulad ngAventis, Bayer, Cyanamid, Mon-santo at Novartis. Umaabot saP584 milyon ang benta ng mgahiganteng kumpanya tulad ngBayer, Pioneer, SL Agritech,Monsanto at Syngenta sa isangtaon sa mga kapatagan pa la-mang ng prubinsya.

Dagdag sa gastos ng produk-syon ang sumisirit na presyo ngmga produktong petrolyo na idi-nudulot ng bagong mga buwis.Nitong taon, tumaas na nangabereyds na P12/litro ang mgaproduktong petrolyo.

Liban sa malaking gastos saproduksyon, kulang na kulang angserbisyo sa agrikultura na ibini-bigay ng estado. Kabilang ditoang kakulangan ng irigasyon pa-ngunahin sa Tabuk at Pinukpuk.Marami sa 6,180 ektaryang lupaang hindi inaabot ng patubig. Sakabila nito, tuluy-tuloy na sinisi-ngil ng National Irrigation Admi-nistration ang mga magsasaka sabuong erya kahit kulang na kulangang dumadaloy na tubig sa kani-lang mga sakahan.

Importasyon ng bigas,

papatay sa maliliit na magsasaka

IGINIGIIT NG MGA upisyal ng rehimeng US-Duterte na ang tanging solu-syon sa nagtataasang presyo ng pagkain ay ang malawakang pag-aangkat ngmga ito. Partikular sa bigas, itinutulak ng mga upisyal ng estado ang pagta-tanggal ng mga quantitative restriction (QR o espesyal na turing sa bigas nanaglilimita sa maksimum na bolyum na pwedeng iangkat ng bansa) at paglu-lusaw sa National Food Authority. Bibigyang-daan nito ang todong deregu-lasyon ng importasyon ng bigas na magpapahintulot sa malalaking kapitalis-ta na direktang mag-angkat ng gaanuman kadaming bigas.

Sa halip na QR, iminumungkahing rehimen na patawan ng taripang35% ang imported na bigas, alin-sunod sa mga obligasyon ng Pilipinassa ASEAN. Unti-unting ibaba ito sadarating na mga taon. Anang mgaupisyal ni Duterte, ibababa ng im-ported na bigas ang lokal na presyohanggang P7/kilo o higit pa, dahilmas murang nabibili ang importedna bigas kaysa lokal na bigas.

Pero ayon mismo sa mga pag-aaral ng reaksyunaryong gubyerno,malaking pinsala ang kaagad na idu-dulot nito sa mga magsasaka nanagtatanim ng palay. Dahil mabibiling mga komersyante nang mas muraang imported na bigas (P27/kilo ngbigas mula Vietnam, kasama anggastos sa transportasyon at taripa),maoobliga ang lokal na mga mag-sasaka na ibenta ang kanilang palaysa mas mababang presyo, kundi ayhindi bibilhin ang kanilang produkto.

Sa presyong 2014, tinatayangkakailanganing ibaba ang presyo ngpagbili ng palay mula P12/kilo tun-gong P7-8/kilo na lamang (pagba-was na hanggang P4.50/kilo).

Noon ding 2014, ang halaga ngbigas mula sa Vietnam (di kasaliang gastos sa importasyon) ay nasaP9.92/kilo lamang, kumpara saP19.24/kilo na presyo ng lokal nabigas. Ito ay dahil diumano sa masmababang gastos sa produksyon ngbigas doon na P6.53/kilo kada ek-taryang tinatamnan ng palay, kum-para sa P12.41/kilo sa Pilipinas.Bago ipinataw ang bagong mga bu-wis nitong taon, nangahulugan itong minimum na P18,240 o mahigit30% na pagbagsak sa kita sa bawatektaryang tinamnan ng palay. Sagayon, lubusan nitong ilulugmok sa

pagkabangkarote ang dati nangnaghihikahos na magsasaka.

Ayon sa isa pang pag-aaral ngreaksyunaryong gubyerno noong2004, hindi kapakipakinabang sabansa ang walang-sagka at dere-gularisadong pag-aangkat ng bigas.Katunayan, magdudulot ito ng ma-tinding pahirap at dislokasyon ngmilyun-milyong magsasakang nag-tatanim ng palay at sa mga in-dustriyang nakakabit sa subsektor.Babagsak ang produksyon ng palaykasabay ng pagbagsak ng presyonito. Babagsak din ang negosyo atoperasyon ng mga kiskisan. Bababaang pangangailangan ng lakas-paggawa at daan-daang libo, kun-di man milyun-milyon, ang mawa-walan ng trabaho. Tinatayang nasadalawang milyong magsasaka angdirektang nagtatanim ng palay.Dahil ninipis ang subsektor, babag-sak ang pasahod sa loob nito.

Ayon pa sa naturang pag-aa-ral, hindi sapat ang pagbaba ngpresyo ng bigas para balansehinang idudulot nitong pinsala sa pi-nakamalaking subsektor sa agri-kultura. Nasa 60% ng kabuuanggastos ng mayorya ng mga pamil-yang Pilipino ang napupunta sapagkain. Umaabot sa 21% ng bad-yet ng pinakamahihirap na pamilyaang napupunta sa pagbili ng bigas.Gayunpaman, malaking bahagi ngmga pamilyang ito (nasa kalahating populasyon sa kanayunan) aynakasandig sa produksyon ng pa-lay at ibang pagkaing pangkonsu-mo at sa gayon ay potensyal namawawalan ng kabuhayan. Sa ka-dulu-duluhan, palalalain ng walangsagkang importasyon ang kanilangkahirapan.

Halaw sa Dangadang,Hulyo-Agosto 2018

Setyembre 21 , 2018 ANG BAYAN12

Panukalang 2019 badyet, pondo para sa todong pananalasa

MALALAKING KALTAS sa mga pangunahing serbisyongpanlipunan habang dagdag pondo naman ang inilagak ngrehimeng Duterte sa isinumite nitong panukalangP3.757 trilyong pambansang badyet para sa 2019.

Sa kabuuan, kinaltasan ng rehi-men ang pondo para sa mga serbi-syong pang-ekonomiko nang P2.18bilyon, samantalang P1.2 bilyonnaman ang binawas sa serbisyongpanlipunan. Kabilang sa mga maka-kaltasan ay ang Department ofEducation, na may P54.9 bilyongkaltas; Department of AgrarianReform, na may P1.7 bilyong kaltas;Department of Agriculture, na mayP5.9 bilyong kaltas; at ang NationalHousing Authority, na may P2.9 bil-yong kaltas.

Sa kabila ng pagpasa ng reak-syunaryong batas na gagawing libreang edukasyon sa mga pampubli-kong pamantasan, 63 sa 114 napampublikong kolehiyo at uniber-sidad naman ang kinaltasan din ngpondo para sa 2019.

Wala namang laan ni singkongpondo para sa pagpapatayo ng mgabagong pabahay at maging ng mgabagong pasilidad para sa mga pam-publikong ospital.

Samantala, tataas nang halos35% ang badyet para sa Departmentof National Defense (DND). Uma-abot sa P183.4 bilyon ang kabu-uang badyet ng DND, kasama angP25 bilyon para sa Revised AFPModernization Program, ang pondopara sa pagbili ng mga armas; atP82 bilyon para pondohan ang mgabatalyon ng Philippine Army.

Tataas din ng halos 31% angpondo para sa Department of Inte-rior and Local Government, na aa-bot na sa P225.6 bilyon sa 2019.Kasama dito ang P151.7 bilyongnakalaan para sa PNP CrimePrevention and Suppression Prog-ram, na malinaw na gagamitin parasa pagpapaigting ng pagpatay,pandarahas at pamamasista ngberdugong pulisya.

Nagmamantika ang badyet niDuterte sa laki ng pork barrel nainilaan nito para sa sarili at

kanyang mgakapartido. Sakatunayan,sa bawattatlong pi-song gagastahin ng reaksyunar-yong gubyerno sa 2019, piso ritoay mapupunta sa pork barrel. Ma-higit sangkatlo o P1.69 trilyon angnakalagak sa "special purposefund." Kabilang dito ang idinagdagna P2.86 bilyon o 9% sa Local Go-vernment Support Fund, at P400milyon para sa Calamity Fund.

Sa pagdinig sa Kongreso, hindina maitago ang bangayan ng mganaghaharing-uri sa hatian sa porkbarrel. Litaw ang bangayan ng mgakampo nina Committee on Approp-riations Chairman Karlo Nograles atHouse Speaker Gloria Arroyo hing-gil sa paggamit ng P55-bilyongkwestyunableng pondong isiningitsa badyet ng Department of PublicWorks and Highways. Ayon kay

Nograles, personal na hiling umanoni Duterte na huwag galawin angnaturang pondo. Ayon sa Makaba-yan, tiyak na gagamitin ni Duterteang pondong ito para sa sarilingpakinabang at para sa kampanya ngkanyang mga kandidato sa elek-syong 2019.

Upang pondohan ang nasabingbadyet, bilyun-bilyon na naman anguutangin ng reaksyunaryong gub-yerno mula sa lokal at dayuhanginstitusyong pampinansya. Aabot saP624.4 bilyon ang nakatakdanguutangin ng rehimeng para sa pa-nukalang badyet nito sa susunod nataon. Bunsod nito, tataas ang utangng bawat Pilipino, mula sa tinata-yang P68,773 ngayong 2018 tu-ngong P74,957 sa 2019.

Papanagutin ang malalaking mina — Kalikasan

PINAPANAGOT NG GRUPONG Kalikasan at Cordillera People's Allianceang malalaking kumpanya sa mina sa naganap na mga pagguho ng lupasa Barangay Ucab, Itogon, Benguet habang nananalasa ang bagyongOmpong noong Setyembre 15 at sa Naga, Cebu noong Setyembre 20.

Sa pinakahuling mga ulat, umaabot na sa 69 patay at 43 nawawalamatapos gumuho ang lupa mula sa abandonadong minahang open-pit ngBenguet Corporation sa Antapok. Bumagsak ang lupa sa komunidad ngmaliitang mga minero na nasa baba ng mina sa Acupan at nagbaon sakanilang mga bahay sa kasagsagan ng bagyo. Maling sisihin ang mgaoperasyon ng maliitang pagmimina bilang salarin ng pagguho ng lupa,ayon sa Kalikasan, dahil ang malalaking tunnel sa lugar ay mula pa samga operasyon ng dambuhalang kumpanya. Dagdag dito, nakakontratasa kumpanya ang maliitang minero sa itinatag nitong Acupan ContractMining Project. Ang Benguet Corporation ay pagmamay-ari ng pamilyangRomualdez.

Umaabot naman sa 52 ang patay at puu-puo ang nawawala sa Bara-ngay Tinaan, Naga, Cebu nang gumuho ang lupa mula sa quarry site ngApo Land and Quarry Corporation, isang kumpanyang nagsusuplay nglimestone sa Cemex Holding Philippines. Ang Cemex Holding ay isa samga pangunahing kumpanyang nagsusuplay ng semento sa programangBuild-Build-Build ng rehimen. Nagmimina ng limestone ang naturangkumpanya para sa pagawaan nito ng semento.