ang teknolohiya at ang edukasyon - · pdf filekasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay...

2
6 March 2017 Publications ANG TEKNOLOHIYA AT ANG EDUKASYON by: Jenilla Mae O. Rodrigo Filipino Teacher Kasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay kalakip din ang pag-unlad ng Teknolohiya. Mula sa simpleng Type Writer ay naging isang Computer. Malaking tulong ang makabagong Teknolohiya lalo at patuloy ang paglago nito. Halimbawa na lamang ay sa pag-aaral ng mga mag- aaral kung dati ay gumagamit pa ng mga ensayklopedia ang mga mag-aaral upang mangalap ng mga impormasyon ngayon ay isang kisap mata lamang ay makikita mo na kaagad ang mga impormasyong iyong nais.Malaking bagay rin ang teknolohiya sa mga Guro, napapadali rin ang kanilang mga gawain at nakatutulong sa mabilis na pagka tuto ng mga mag-aaral sa isang aralin. Hindi lang sa pag-aaral at marami pang iba.Na papadali nito ang lahat ng gawain maging sa kahit na anong lugar man ito o panahon.Sabi nga ng marami ay tila nagiging instant na ang lahat ng ating ninanais na gawain sa ating pang araw-araw na pamumuhay. Ngunit sa kabila nito ay may masama rin itong maidudulot. Dahil habang umuunlad ang Teknolohiya ay nagiging sakim ang mga tao dahil sa pag abuso rito.Unahin na natin ang mga kabataan na tila ay hindi na nakikila ang libro, oo at malaki ang naidudulot na ginhawa ng teknolohiya subalit tila sa pag lagong ito ay tinuturuan na rin ng Teknolohiya na gawing pala-asa at tamad ang mga kabataan.Paano na ang sinasabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa ng ating bayan, kung sa ganitong paraan pa lamang na naka tikim ng teknolohiya ay tila nalilimutan na nila ang tunay na kahalagahan ng Edukasyon. Hindi lamang sa edukasyon nagkakaroon ng pagbabago na dulot ng Teknolohiya,sa maraming pagkakataon ay nagagamit na rin ng kabataan ang Social Media sa Cyber bullying Ayon kay Alma M. Dayag sa kanyang librong Pluma,Maaring sa Cyber bullying ay walang pisikal na pananakit na nangyayari di tulad sa harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological trauma na maaring maransan ng isang biktima ng cyberbullying.Sa isang pag-aaral na isinagawa lumalabas na malaking porsyento ng mga gumagawa ng pambu-bully ay ang mga kabataan na nasa sekondarya,na isa sa maituturing na masamang epekto ng teknolohiya lalo na sa patuloy na pag-unlad nito.

Upload: ngominh

Post on 31-Jan-2018

290 views

Category:

Documents


14 download

TRANSCRIPT

Page 1: Ang Teknolohiya at ang Edukasyon - · PDF fileKasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay kalakip din ang pag-unlad ng Teknolohiya. Mula sa simpleng Type Writer ay naging isang Computer

6 March 2017

Publications

ANG TEKNOLOHIYA AT ANG EDUKASYON by: Jenilla Mae O. Rodrigo

Filipino Teacher

Kasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay kalakip din ang pag-unlad ng Teknolohiya.

Mula sa simpleng Type Writer ay naging isang Computer. Malaking tulong ang makabagong

Teknolohiya lalo at patuloy ang paglago nito. Halimbawa na lamang ay sa pag-aaral ng mga mag-

aaral kung dati ay gumagamit pa ng mga ensayklopedia ang mga mag-aaral upang mangalap ng

mga impormasyon ngayon ay isang kisap mata lamang ay makikita mo na kaagad ang mga

impormasyong iyong nais.Malaking bagay rin ang teknolohiya sa mga Guro, napapadali rin ang

kanilang mga gawain at nakatutulong sa mabilis na pagka tuto ng mga mag-aaral sa isang aralin.

Hindi lang sa pag-aaral at marami pang iba.Na papadali nito ang lahat ng gawain maging sa kahit

na anong lugar man ito o panahon.Sabi nga ng marami ay tila nagiging instant na ang lahat ng

ating ninanais na gawain sa ating pang araw-araw na pamumuhay.

Ngunit sa kabila nito ay may masama rin itong maidudulot. Dahil habang umuunlad ang

Teknolohiya ay nagiging sakim ang mga tao dahil sa pag abuso rito.Unahin na natin ang mga

kabataan na tila ay hindi na nakikila ang libro, oo at malaki ang naidudulot na ginhawa ng

teknolohiya subalit tila sa pag lagong ito ay tinuturuan na rin ng Teknolohiya na gawing pala-asa

at tamad ang mga kabataan.Paano na ang sinasabi ni Dr. Jose Rizal na ang kabataan ang pag-asa

ng ating bayan, kung sa ganitong paraan pa lamang na naka tikim ng teknolohiya ay tila nalilimutan

na nila ang tunay na kahalagahan ng Edukasyon.

Hindi lamang sa edukasyon nagkakaroon ng pagbabago na dulot ng Teknolohiya,sa

maraming pagkakataon ay nagagamit na rin ng kabataan ang Social Media sa Cyber bullying Ayon

kay Alma M. Dayag sa kanyang librong Pluma,Maaring sa Cyber bullying ay walang pisikal na

pananakit na nangyayari di tulad sa harapang pambu-bully na kung minsa’y humahantong sa

pananakit subalit mas matindi ang sakit at pagkasugat ng emosyon o emotional at psychological

trauma na maaring maransan ng isang biktima ng cyberbullying.Sa isang pag-aaral na isinagawa

lumalabas na malaking porsyento ng mga gumagawa ng pambu-bully ay ang mga kabataan na

nasa sekondarya,na isa sa maituturing na masamang epekto ng teknolohiya lalo na sa patuloy na

pag-unlad nito.

Page 2: Ang Teknolohiya at ang Edukasyon - · PDF fileKasabay ng pag-unlad ng ibat-ibang bansa ay kalakip din ang pag-unlad ng Teknolohiya. Mula sa simpleng Type Writer ay naging isang Computer

6 March 2017

Publications

Kung hindi ito magagmit nga tama ay hindi mag kakaroon ng pag-unlad ang ating

bansa,sana ay gamitin ito sa tama at sa paraang maraming tao ang makikinabang.Hindi masama

ang makisabay sa agos ng pag-yabong ng makabagong panahon,ngunit laging paka tandaan na

“Tao ang nagpapagana sa Teknolohiya,Hindi Teknolohiya ang magpapagana sa Tao”!!

-

Sanggunian: https://prezi.com/4g03apy6ihwq/epekto-ng-teknolohiya-sa-edukasyon-pag-aaral-at-pagkatuto/

https://vhalerieoandasan.wordpress.com/2014/12/15/ppaggmamit-ng-teknolohiya-sa-edukasyon/ http://cjefo1.blogspot.com/2011/12/makabagong-teknolohiya-tulong-sa.html