anti sexual harassment law presentation

10
ANTI-SEXUAL HARRASSMENT LAW (REPUBLIC ACT 7877) SMP SECURITY DETACHMENT Laguna Technopark Inc., Binan, Laguna September 28, 2012

Upload: dionicel-de-leon

Post on 14-Apr-2015

397 views

Category:

Documents


6 download

DESCRIPTION

Anti-Sexual Harassment law elaborated

TRANSCRIPT

Page 1: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANTI-SEXUAL HARRASSMENT LAW

(REPUBLIC ACT 7877)

SMP SECURITY DETACHMENTLaguna Technopark Inc., Binan, Laguna

September 28, 2012

Page 2: Anti Sexual Harassment Law Presentation
Page 3: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?• Ang tinatawag na sexual harassment ay isang pangaabuso

na maaring mangyari sa pagitan ng guro at mag-aaral/estudyante o sa isang empleyado at ang kanyang amo o sa isang empleyado at kapwa empleyado

• Ayon sa Republic Act No. 7877, o ang Anti-Sexual Harassment Act of 1995, ito ay nangyayari kung ang isang kawani o empleyado, manager, bisor, ahente ng amo o employer, guro, propesor, tagapagturo, coach, trainor, o isang taong may awtoridad, impluwensiya o iba pang pwersang moral na maari niyang gamitin laban sa biktima, ay humingi o nagutos sa biktima na gumawa ng isang pabor na sekswal, gawin man ito o hindi.

Page 4: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?• Sa ilalim ng nasabing batas, ang sexual harassment ay

nangyayari sa isang working environment kung ang paghingi o pagutos ay ginawang kundisyon sa pag-empleyo o sa patuloy na pagtratrabaho ng biktima, o sa pagtanggap ng karagdagang sahod, working conditions, promotions, o mga working privileges.

• Nangyayari din ito kung ang pagtanggi sa kautusan ay magdudulot ng anumang diskriminasyon o aksyon laban sa biktima, tulad ng pagharang nito sa ibang mga employer, pagbawas sa kanyang labor rights, o magiging sanhi ng pagkaroon ng isang hostile o di magandang work environment para sa biktima.

Page 5: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?Bukod sa mga administrative sanctions na pwedeng ipataw sa taong napatunayan na gumawa ng sexual harassment, maari din siyang hatulan ng isang husgado ng parusang pagpapakulong mula isa hanggang anim na buwan, at maari din siyang patawan ng multa ng sampu hanggang dalawampung libong piso. Kung sa tingin ng hukuman na ito ay nararapat, maari ring magpataw ng parusang pagpapakulong at magpataw rin ng multa bukod sa pagpapakulong.

Page 6: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?

Ang acts of lasciviousness (gawang kahalayan) naman ay maaring gawin ng isang tao na nagkaroon ng physical contact sa ibang tao para sa gratipikasyong sekswal, basta walang ninanais o binabalak na pagtatalik o sexual intercourse sa sinabing physical contact o paglapit ng katawan.

Page 7: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?• Kung ito ay ginawa sa pamamagitan ng

force, violence o intimidation, ito ay papatawan ng hukuman ng parusang prison correctional, o pagpapakulong mula 2 taon, 4 buwan at 1 araw hanggang 4 taon at 2 buwan.

• Kung ito ay ginawa ng isang taong may public authority tulad ng guro o hukom, o ng isang pari, katulong, taongbahay, guardian, o taong ipinagkatiwala ang edukasyon o kustodiya ng biktima, kung ang biktima ay birhen mula 12 hanggang 18 taong gulang, papatawan siya ng parusang pagpapakulong mula 6 buwan at 1 araw hanggang 4 taon at 2 buwan.

• Kung ito ay ginawa ng isang kapatid, ama, o lolo, kahit hindi na birhen o matanda na ang babae, papatawan siya ng parusang pagpapakulong mula 6 taon at 1 araw hanggang 8 taon at 1 araw.

Page 8: Anti Sexual Harassment Law Presentation

ANO ANG REPUBLIC ACT 7877 ?• Kung ito ay ginawa sa isang

biyuda o birhen, at pumayag ang babae dahil sa panloloko ng lalake (tulad ng di makatotohanang pangakong pagpapakasal sa isang takdang panahon), paparusahan ito ng pagpapakulong ng mula 2 buwan at 1 araw hanggang 4 buwan.

• Sa batas, ang birhen ay isang taong hindi nakikipagtalik sa kung sino-sinong tao lamang. Hindi porke't hindi na birhen talaga ang isang bata ay hindi na siya birhen sa batas.

Page 9: Anti Sexual Harassment Law Presentation

RECAPKahulugan

Ang Sexual Harassment ayon sa Republic Act 7877 ay nangangahulugang

a. Pagamit, paghiling o pag utos ng sekswal na pabor mula sa isang tao;

b. Pagamit ng awtoridad, impluwensya o kapangyarihang moral upang mapasunod ang biktima;

c. Naganap sa lugar na may kinalaman sa trabaho, pag-aaral o pagsasanay.

Page 10: Anti Sexual Harassment Law Presentation

RECAPKahulugan

Ito ay nangyayari sa mga pulong, asembilya, pagsasanay, seminar at sa komunidad. Sakop din nito ang mga sekswal na pamamahayag na laban sa loob ng biktima. Kasama dito ang:

• Panghihipo• Panghihimas sa maseselang parte ng katawan• Paghalik sa leeg, batok o likod• Pambabastos tulad ng paninipol• Pagtingin ng may malaswang intension• Paninilip• Pagpapakita ng mga malalaswang larawan, babasahin at panoorin• Pagsusulong ng mga dokumento na may seksist na lenggwahe • Pagkilos na may malaswang kahulugan (ibang kilos sa paghawak

ng kamay, salitang may patungkol sa maselang bahagi ng katawan, at iba pa).

• Iba pang gawain o salitang may sekswal na kahulugan