anu-ano ang mga kategorya ng quezon medalya ng karangalan

2
Ito ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob ng Lalawigan ng Quezon sa mga natatanging Quezonian dahil sa kanilang mga kapuri-puri at pambihirang nagawa na nagtaguyod ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan sa lalawigan at mga mamamayan nito, ayon sa itinakda ng Kapasiyahan Blg. 612 ng Sangguniang Panlalawigan noong Agosto 5, 1970. Layunin ng Quezon Medalya ng Karangalan na mapanatili sa puso at isipan ng bawat mamamayan ang mga kahanga-hanga at kapita-pitagang katangian ng Pangulong Manuel L. Quezon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga natatanging Quezonian, anuman ang antas ng kanilang pamumuhay, uri ng paniniwala, at pananampalataya. Ang taunang parangal ay inaasahang makapagbibigay ng inspirasyon sa bawat mamamayan upang makibahagi sa pagbuo ng isang makatarungan, makatao, at higit na maunlad na lipunan para sa bawat Pilipino. Anu-ano ang mga kategorya ng Quezon Medalya ng Karangalan? May dalawang kategorya ang parangal: 1. Gintong Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa isang indibidwal lamang, nang hindi kinakailangang taun-taon, na siyang tatanggap din ng isang lantay na gintong medalya at plake ng pagkilala. 2. Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa hindi hihigit sa sampung indibidwal na tatanggap din ng medalya at plake ng pagkilala. Sino ang karapat-dapat pagkalooban ng Quezon Medalya ng Karangalan? a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan ng Quezon nang hindi bababa sa limang (5) taon; (b) hindi ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang Quezonian at nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa sa labinlimang (15) taon; b. Ang mga kontribusyon ng indibidwal na ito ay nagtaguyod ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan sa lalawigan at sa mga mamamayan nito; c. Higit sa tawag ng tungkulin ang kanyang mga kontribusyon; d. Nakikita sa kanyang pamumuhay ang mga katangian at pag-uugali ng Pangulong Manuel L. Quezon; e. Nakagawa siya ng makabuluhang kontribusyon sa pagbuo ng isang matatag na bansa; f. Natatangi siya sa alinmang larangan na hindi limitado sa mga sumusunod : 1. Agrikultura 2. Edukasyon 3. Enhinyerya at Arkitektura 4. Gawaing Pangkapaligiran 5. Serbisyong Pampamahalaan 6. Batas 7. Kalusugan 8. Pilantropiya at Serbisyong Publiko 9. Agham at Teknolohiya 10.Isports, Kultura, at Sining g. Nagpamalas siya ng kamalayang sibiko at tunay na malasakit sa lalawigan; h. Isang huwarang mamamayan na ang buhay at pagpapahalaga ay katulad ng isinabuhay ng dating Pangulong Quezon: h.1. May integridad at nagpakita ng malasakit sa kabutihan ng lahat h.2. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at katarungan para sa lahat h.3. Nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan h.4. Nagpapanatili at nagpapahalaga sa paraan ng pagbuo ng makatarungan at makataong lipunan h.5. Nagtatalaga ng sarili sa pagtatamo ng kahusayan h.6. Namumuhay nang payak at may kabuluhan h.7. May malawak na angking kasanayan at kakayahan h.8. May pagmamahal at paggalang sa pamilya h.9. Nagpapanatili ng malasakit sa pagpapayaman ng kultura at sining Mga kwalipikasyon at batayan para sa Gintong Medalya ng Karangalan: Ano ang Quezon Medalya ng Karangalan? Ano ang layunin ng pagkakaloob ng Medalya ng Karangalan? a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan ng Quezon nang hindi bababa sa limang taon; (b) hindi ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang Quezonian at nanirahan sa lalawigan ng hindi bababa sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit nanirahan sa Quezon nang hindi bababa sa sampung (10) taon; Mga kwalipikasyon at batayan ng Medalya ng Karangalan:

Upload: trinhxuyen

Post on 30-Jan-2017

316 views

Category:

Documents


18 download

TRANSCRIPT

Page 1: Anu-ano ang mga kategorya ng Quezon Medalya ng Karangalan

Ito ang pinakamataas na parangal na ipinagkakaloob

ng Lalawigan ng Quezon sa mga natatanging Quezonian

dahil sa kanilang mga kapuri-puri at pambihirang nagawa na

nagtaguyod ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan

sa lalawigan at mga mamamayan nito, ayon sa itinakda ng

Kapasiyahan Blg. 612 ng Sangguniang Panlalawigan noong

Agosto 5, 1970.

Layunin ng Quezon Medalya ng Karangalan na

mapanatili sa puso at isipan ng bawat mamamayan ang mga

kahanga-hanga at kapita-pitagang katangian ng Pangulong

Manuel L. Quezon sa pamamagitan ng pagkilala sa mga

natatanging Quezonian, anuman ang antas ng kanilang

pamumuhay, uri ng paniniwala, at pananampalataya.

Ang taunang parangal ay inaasahang

makapagbibigay ng inspirasyon sa bawat mamamayan

upang makibahagi sa pagbuo ng isang makatarungan,

makatao, at higit na maunlad na lipunan para sa bawat

Pilipino.

Anu-ano ang mga kategorya ngQuezon Medalya ng Karangalan?

May dalawang kategorya ang parangal:

1. Gintong Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa

isang indibidwal lamang, nang hindi kinakailangang

taun-taon, na siyang tatanggap din ng isang lantay na

gintong medalya at plake ng pagkilala.

2. Medalya ng Karangalan - ipinagkakaloob sa hindi hihigit

sa sampung indibidwal na tatanggap din ng medalya at

plake ng pagkilala.

Sino ang karapat-dapat pagkalooban ngQuezon Medalya ng Karangalan?

a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan

ng Quezon nang hindi bababa sa limang (5) taon; (b) hindi

ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang

Quezonian at nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa

sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon

at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit

nanirahan sa lalawigan nang hindi bababa sa labinlimang

(15) taon;

b. Ang mga kontribusyon ng indibidwal na ito ay nagtaguyod

ng pangkalahatang kagalingan at kapakanan sa lalawigan

at sa mga mamamayan nito;

c. Higit sa tawag ng tungkulin ang kanyang mga

kontribusyon;

d. Nakikita sa kanyang pamumuhay ang mga katangian at

pag-uugali ng Pangulong Manuel L. Quezon;

e. Nakagawa siya ng makabuluhang kontribusyon sa

pagbuo ng isang matatag na bansa;

f. Natatangi siya sa alinmang larangan na hindi limitado sa

mga sumusunod :

1. Agrikultura

2. Edukasyon

3. Enhinyerya at Arkitektura

4. Gawaing Pangkapaligiran

5. Serbisyong Pampamahalaan

6. Batas

7. Kalusugan

8. Pilantropiya at Serbisyong Publiko

9. Agham at Teknolohiya

10.Isports, Kultura, at Sining

g. Nagpamalas siya ng kamalayang sibiko at tunay na

malasakit sa lalawigan;

h. Isang huwarang mamamayan na ang buhay at

pagpapahalaga ay katulad ng isinabuhay ng dating

Pangulong Quezon:

h.1. May integridad at nagpakita ng malasakit sa

kabutihan ng lahat

h.2. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at

katarungan para sa lahat

h.3. Nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan

h.4. Nagpapanatili at nagpapahalaga sa paraan ng

pagbuo ng makatarungan at makataong lipunan

h.5. Nagtatalaga ng sarili sa pagtatamo ng kahusayan

h.6. Namumuhay nang payak at may kabuluhan

h.7. May malawak na angking kasanayan at

kakayahan

h.8. May pagmamahal at paggalang sa pamilya

h.9. Nagpapanatili ng malasakit sa pagpapayaman

ng kultura at sining

Mga kwalipikasyon at batayan para sa GintongMedalya ng Karangalan:

Ano ang Quezon Medalya ng Karangalan?

Ano ang layunin ng pagkakaloob ngMedalya ng Karangalan?

a. Indibidwal na (a) ipinanganak at nanirahan sa lalawigan

ng Quezon nang hindi bababa sa limang taon; (b) hindi

ipinanganak sa Quezon subalit nakapag-asawa ng isang

Quezonian at nanirahan sa lalawigan ng hindi bababa

sa sampung (10) taon; (c) hindi ipinanganak sa Quezon

at hindi rin nakapag-asawa ng isang Quezonian subalit

nanirahan sa Quezon nang hindi bababa sa sampung

(10) taon;

Mga kwalipikasyon at batayan ngMedalya ng Karangalan:

Page 2: Anu-ano ang mga kategorya ng Quezon Medalya ng Karangalan

b. Natatangi siya sa alinmang larangan na hindi limitado sa

mga sumusunod :

1. Agrikultura

2. Edukasyon

3. Enhinyerya at Arkitektura

4. Gawaing Pangkapaligiran

5. Serbisyong Pampamahalaan

6. Batas

7. Kalusugan

8. Pilantropiya at Serbisyo Publiko

9. Agham at Teknolohiya

10.Isports, Kultura, at Sining

c. Nagpamalas siya ng kamalayang sibiko at tunay na

malasakit sa lalawigan;

d. Isang huwarang mamamayan na ang buhay at

pagpapahalaga ay katulad ng isinabuhay ng dating

Pangulong Quezon:

d.1. May integridad at nagpakita ng malasakit sa

kabutihan ng lahat

d.2. Nagtataguyod ng pagkakapantay-pantay at

katarungan para sa lahat

d.3. Nagpapamalas ng pagmamahal sa bayan

d.4. Nagpapanatili at nagpapahalaga sa paraan ng

pagbuo ng makatarungan at makataong lipunan

d.5. Nagtatalaga ng sarili sa pagtatamo ng kahusayan

d.6. Namumuhay nang payak at may kabuluhan

d.7. May malawak na angking kasanayan at

kakayahan

d.8. May pagmamahal at paggalang sa pamilya

d.9. Nagpapanatili ng malasakit sa pagpapayaman ng

kultura at sining

Paano ang paraan ng paghahain ng nominasyon para sa Quezon Medalya ng Karangalan?

Ang nominasyon ng isang indibidwal para sa Quezon Medalya ng Karangalan ay maaaring:

a. Mula sa isang indibidwal na may suportang pag-endorso

mula sa alinmang social, civic, religious, government,

Sino ang naggagawad ng Quezon Medalya ng Karangalan?

Ang QMK Lupon ng Gawad Parangal ay ang komiteng

pangunahing nagsasagawa ng pagsusuri sa mga ihinaing

nominasyon. Ito ay binubuo ng isang Tagapangulo at

labinlimang (15) miyembrong nagmula sa iba’t ibang

sektor kung saan ang resulta ng kanilang deliberasyon ay

isinusumite sa Sangguniang Panlalawigan upang ito ay

pagtibayin.

non-government, or people’s organ-ization o group;

b. Nominasyon mula sa alinmang grupong nabibilang sa

social, civic, religious, government, non-government, o

sa alinmang pribado o business association.

Ang nominator ay kailangang magsumite ng

itinakdang nomination form ng QMK Lupon ng Gawad

Parangal, kasama ang mga dokumentong nagpapatunay

ng mga kwalipikasyon at pambihirang katangian ng

nominado. Marapat na lagdaan din ng nominado ang

form bilang pagsang-ayon sa ihinaing nominasyon.

Ang pagsusumite ng nominasyon ay hindi

lalampas sa petsang itinakda ng QMK Lupon.

Kailan ginaganap ang paggagawad ng Quezon Medalya ng karangalan?

Ang parangal ay isinasagawa tuwing Agosto 19

ng bawat taon, ang araw ng kapanganakan ni Pangulong

Manuel L. Quezon.

Para sa nominasyon at iba pang detalye,makipag-ugnayan sa:

QMK Secretariat c/o Provincial Gender and Development Office (PGAD) 3rd Floor, Social

Services Bldg. Lucena City Telepono Bilang (042) 373-71-75.

www.quezon.gov.ph/qmk