aralin 4 pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paggawa 2.docx

2
Monday June 1, 2009 7:00-7:15 Ground Improvement 7:15-7:30 Flag Raising Ceremony I. Layunin Natutukoy ang mga pangkalusugan at pangkaligtasan gawi sa paggawa. Nakasusunod sa panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na kaugnay ng paggawa. II. Paksang Aralin Paksa : Sanggunian : Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan VI dd. 151-152 Kagamitan : tsart, plaskard Saloobin : Pagkamaingat III. Pamaraan A. Panimulang Gawain Talasalitaan Ligtas maingat makaiwas angkop Pagsasanay Pagsama-samahin ang mga magkakaugnay sa mga larawan ng iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng proyekto. Balik-aral Ano ang ibig sabihin ng kasabihang “May lugar para sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay nasa kanyang lugar”? B. Panlinang na Gawain Pagganyak Pagpapakita ng larawan ng maayos na pagkakasalansan ng mga kagamitan sa cabinet o lalagyan. Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila sa pagkakaayos ng mga kasangkapan. Paglalahad Pagrereport ng bawat pangkat sa: Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paggawa 1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa. 2. Gamitin nang buong ungat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamitang matatalim. 3. Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon. 4. Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa. 5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga kasangkapang dekuryente bago gamitin an mga ito. 6. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung gagamit ng mga kasangkapan tulad ng welding machine, lathe machine, mga kemikal, at ibang makapipinsala sa katawan. 7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, over-all at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa. 8. Maghugas ng mabuti ng mga kamay pagkatapos gumawa. Pagtatalakay Anu-ano ang panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan na dapat tandaan habang gumagawa? Bakit kailangang isaalang-alang ang mga ito? C. Pangwakas ng Gawain Paglalahat Ano ang dapat nating isaalang- alang upang maiwasan natin ang sakunang maaaring mangyari sa paggawa ng isang proyekto? Pagsasanay Pagpapangkat ng mga bata at paggawa ng isang dula-dulaan tungkol sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa. IV. Pagtataya Piliin ang patlang ng tamang sagot.

Upload: crystaldianemercado

Post on 27-Dec-2015

1.996 views

Category:

Documents


19 download

TRANSCRIPT

Page 1: aralin 4 Pangkaligtasan at Pangkalusugang Panuntunan sa Paggawa 2.docx

Monday June 1, 20097:00-7:15 Ground Improvement7:15-7:30 Flag Raising Ceremony

I. LayuninNatutukoy ang mga pangkalusugan at pangkaligtasan gawi sa paggawa.Nakasusunod sa panuntunang pangkaligtasan at pangkalusugan na kaugnay ng paggawa.

II. Paksang AralinPaksa : Sanggunian : Makabuluhang Gawaing

Pantahanan at Pangkabuhayan VI dd. 151-152

Kagamitan : tsart, plaskardSaloobin : Pagkamaingat

III. PamaraanA. Panimulang Gawain

TalasalitaanLigtas maingat makaiwas

angkop

PagsasanayPagsama-samahin ang mga magkakaugnay

sa mga larawan ng iba’t ibang kagamitan sa paggawa ng proyekto.

Balik-aralAno ang ibig sabihin ng kasabihang “May

lugar para sa lahat ng bagay at ang lahat ng bagay ay nasa kanyang lugar”?

B. Panlinang na GawainPagganyak

Pagpapakita ng larawan ng maayos na pagkakasalansan ng mga kagamitan sa cabinet o lalagyan. Tanungin ang mga bata kung ano ang masasabi nila sa pagkakaayos ng mga kasangkapan.

PaglalahadPagrereport ng bawat pangkat sa:

Mga Panuntunang Pangkalusugan at Pangkaligtasan sa Paggawa

1. Maglaan ng lugar, kahon o cabinet para sa mga kasangkapan at kagamitan sa paggawa.

2. Gamitin nang buong ungat ang mga kasangkapang dekuryente at kagamitang matatalim.

3. Tiyakin na ang mga kasangkapang gagamitin ay nasa maayos na kondisyon.

4. Ibigay ang buong atensyon sa ginagawa.5. Basahin ang mga tagubilin sa paggamit ng mga

kasangkapang dekuryente bago gamitin an mga ito.6. Maglagay ng panakip sa mata, ilong o bibig kung

gagamit ng mga kasangkapan tulad ng welding

machine, lathe machine, mga kemikal, at ibang makapipinsala sa katawan.

7. Gumamit ng damit pantrabaho tulad ng apron, over-all at magpalit kaagad ng kasuotan matapos gumawa.

8. Maghugas ng mabuti ng mga kamay pagkatapos gumawa.

PagtatalakayAnu-ano ang panuntunang pangkalusugan at

pangkaligtasan na dapat tandaan habang gumagawa?Bakit kailangang isaalang-alang ang mga ito?

C. Pangwakas ng GawainPaglalahat

Ano ang dapat nating isaalang-alang upang maiwasan natin ang sakunang maaaring mangyari sa paggawa ng isang proyekto?

PagsasanayPagpapangkat ng mga bata at paggawa ng

isang dula-dulaan tungkol sa mga panuntunang pangkalusugan at pangkaligtasan sa paggawa.

IV. PagtatayaPiliin ang patlang ng tamang sagot.1. Maglaan ng __________ para sa

kasangkapan.2. Ang __________ ay maiiwasan sa maingat

na paggawa.3. Iwasan ang paglalagay ng mga ___________

at matutulis na kasangkapan sa paligid ng mesa.

4. Ituon ang ____________ sa ginagawa upang maiwasan ang sakuna.

5. Lagging ____________ ang mga pangkaligtasan at pangkalusugang panuntunan sa paggawa.

V. Takdang AralinSauluhin ang mga panuntunang

pangkalusugan at pangkaligtasa sa paggawa at bigkasin sa umaga.

1:55-2:15 Free Period2:15-3:15 Shop/Repair Work3:15-3:30 Flag Retreat