aralin 8 kagustuhan at pangangailangan

16
Aralin 8 Kagustuhan at Pangangailangan Inihanda ni: ARNEL O. RIVERA www.slideshare.net/ sirarnelPHhistory

Upload: rivera-arnel

Post on 26-May-2015

4.935 views

Category:

Education


38 download

TRANSCRIPT

Aralin 8

Kagustuhan at PangangailanganInihanda ni: ARNEL O. RIVERA

www.slideshare.net/sirarnelPHhistory

Balik-aral:

Ang ekonomiks ay nakatuon sa pinakamahusay na paggamit ng pinagkukunang-yaman sa kabila ng walang katapusang kagustuhan at pangangailangan ng tao.

Ano ang pagkakaiba ng kagustuhan sa pangangailangan?

Break muna!

Kung ikaw ay binigyan ng isang libong piso, paano mo ito gagastusin?

Ano ang iyong naging batayan sa pagpili?

PANIMULA

Araw-araw, ang tao ay nahaharap sa iba’t ibang uri ng pagpapasya.

Dahil sa kakapusan sa salapi, dapat na maging matalino sa pagpili ng mga kalakal o serbisyo na bibilhin.

Ano ang pagkakaiba ng Pangangailangan sa Kagustuhan?

Pangangailangan Kagustuhan

• Mga bagay na lubhang mahalaga upang ang tao ay mabuhay

• Mga bagay na ginusto lamang ng tao at maari itong mabuhay kahit wala ito.

• Kung ipagkakait ito, magdudulot ito ng sakit o kamatayan.

• Ang pagnanais na tugunan ito ay bunga lamang ng layaw ng tao.

Pangangailangan Kagustuhan

Teorya ng Pangangailangan

Ayon kay Abraham Harold Maslow, ang pangangailangan ng tao ay mailalagay sa isang hirarkiya.

Kailangan munang matugunan ng tao ang mga pangunahing pangangailangan bago umusbong ang panibagong pangangailangan.

Hirarkiya ng Pangangailangan

Actualization

Self-Esteem

Social

Safety

Physiological

Physiological Needs

Kabilang ang mga biyolohikal na pangangailangan tulad ng pagkain, tubig at hangin.

Ang kakulangan sa antas na ito ay maaring maging sanhi upang siya ay makaranas ng karamdaman at panghihina ng katawan.

Safety Needs

Kabilang dito ang mga pangangailangan para sa kaligtasan at katiyakan ng buhay gaya ng hanapbuhay, pinagkukunang-yaman at seguridad para sa sarili at pamilya.

Social Needs

Ito ay nauukol sa pangangailangang panlipunan. Hangad ng isang tao na siya ay matanggap at mapasama sa iba’t ibang uri ng pangkat at pamilya. Ang kawalan nito ay maaring magdulot sa kanya ng kalungkutan at pagkaligalig.

Self-Esteem

Ito ay nauukol sa mga pangangailangan sa pagkakamit ng respeto sa sarili at sa kapwa.

Hangad ng tao na makilala at magkaroon ng ambag sa lipunan.

Ang kakulangan nito ay magdudulot sa mababa o kawalan ng tiwala sa sarili.

Actualization

Hangad ng tao na magamit nang husto ang kanyang kakayahan upang makamit ang kahusayan sa iba’t ibang larangan. Tanggap ng taong ito ang katotohanan ng buhay.

Ayon kay A.H.Maslow:

Habang patuloy na natutugunan ng mga tao ang kanilang batayang pangangailangan (basic needs), sila ay naghahangad ng mas mataas na pangangailangan (higher needs) ayon sa pagkakasunod-sunod ng herarkiya.

Ang paghangad ng mas mataas na antas ay tinatawag na growth force samantalang ang paghangad ng mas mababang antas ay tinatawag na regressive force.

• Anu-ano ang dapat isaalang-alang ng tao upang

magkaroon ng matalinong pagpapasya sa pagtamo ng

kanyang pangangailangan at kagustuhan?

PAGPAPAHALAGA

References:

Chua, Johannes L., Panahon, Kasaysayan at Lipunan (Ekonomiks) Ikalawang Edisyon, DIWA Publishing House

Nolasco, Libertty I. et. Al. , Ekonomiks: Mga Konsepto, Applikasyon at Isyu, VPHI

Mateo, Grace Estela C. et. al., Ekonomiks Mga Konsepto at Aplikasyon (2012), VPHI

De Leon, Zenaida M. et. al. (2004), Ekonomiks Pagsulong at Pag-unlad, VPHI