araling panlipunan · 2020. 8. 30. · araling panlipunan – ikawalong baitang alternative...

28
Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2: Ang Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa Daigdig 8

Upload: others

Post on 01-Feb-2021

69 views

Category:

Documents


7 download

TRANSCRIPT

  • Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:

    Ang Natatanging Kultura ng mga

    Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa

    Daigdig

    8

  • Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Natatanging Kultura ng mga Rehiyon, Bansa at Mamayan sa Daigdig Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

    Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

    Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Firmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando

    Telefax: (045) 598-8580 to 89

    E-mail Address: [email protected]

    Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

    Manunulat: Geline T. Fajardo

    Content Editors: Rowel S. Padernal / Angelica M. Burayag, PhD

    Mary Jane P. Soriano / Ma. Leonora B. Cruz

    Tagasuri: Nenita J. Barro / Ma. Leonora B. Cruz

    Diosdado S. Mateo / Erfe Donna A. Aspiras

    Edelwiza L. Cadag

    Illustration/Layout Editor: Jonathan Paranada / Ryan Corpuz Pastor

    Tagaguhit: Joey-Rey D. Magracia

    Tagalapat: Phoebe Marie B. Santarromana

    Tagapamahala: Nicolas T. Capulong, EdD, CESO V

    Librada M. Rubio, PhD

    Angelica M. Burayag, PhD

    Ma. Editha R. Caparas, PhD

    Nestor P. Nuesca, EdD

    Marie Ann C. Ligsay, PhD

    Dominador M. Cabrera, PhD

    Edward C. Jimenez, PhD

    Ma. Leonora B. Cruz

  • 8

    Araling Panlipunan Unang Markahan – Modyul 2:

    Ang Natatanging Kultura ng mga

    Rehiyon, Bansa, at Mamamayan sa

    Daigdig

  • ii

    Paunang Salita

    Para sa tagapagdaloy:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative

    Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga

    Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

    Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

    edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

    gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

    itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

    panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

    Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

    mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

    bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

    mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

    pangangailangan at kalagayan.

    Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

    kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

    Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

    mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

    at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

    sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

    gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

    modyul.

    Mga Tala para sa Guro

    Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong

    o estratehiyang magagamit sa paggabay sa

    mag-aaral.

  • iii

    Para sa mag-aaral:

    Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 Alternative

    Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Natatanging Kultura ng mga

    Rehiyon, Bansa at Mamamayan sa Daigdig!

    Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

    Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

    magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

    ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

    kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

    nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

    Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

    nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

    Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

    Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

    Alamin

    Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

    dapat mong matutuhan sa modyul.

    Subukin

    Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

    ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

    modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

    tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

    ang bahaging ito ng modyul.

    Balikan

    Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

    upang matulungan kang maiugnay ang

    kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

    Tuklasin

    Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

    ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

    ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

    suliranin, gawain o isang sitwasyon.

    Suriin

    Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

    pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

    matulungan kang maunawaan ang bagong

    konsepto at mga kasanayan.

  • iv

    Pagyamanin

    Binubuo ito ng mga gawaing para sa

    malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

    iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

    paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

    mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

    pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

    Isaisip

    Naglalaman ito ng mga katanungan o

    pupunan ang patlang ng pangungusap o

    talata upang maproseso kung anong

    natutuhan mo mula sa aralin.

    Isagawa

    Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

    sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

    o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

    realidad ng buhay.

    Tayahin

    Ito ay gawain na naglalayong matasa o

    masukat ang antas ng pagkatuto sa

    pagkamit ng natutuhang kompetensi.

    Karagdagang

    Gawain

    Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

    panibagong gawain upang pagyamanin ang

    iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

    aralin.

    Susi sa Pagwawasto

    Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

    ng mga gawain sa modyul.

    Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

    Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

    1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

    marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

    sa pagsagot sa mga pagsasanay.

    2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

    napapaloob sa modyul.

    3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

    4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

    sa pagwawasto ng mga kasagutan.

    5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

    6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

    sagutin lahat ng pagsasanay.

    Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

    paglikha o paglinang ng modyul na ito.

  • v

    Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

    huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

    rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

    man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

    iyong isipang hindi ka nag-iisa.

    Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

    makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

    kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

  • 1

    Alamin

    Ang modyul na ito ay ginawa upang makatulong na higit mong maunawaan

    ang aralin tungkol sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa, at mamayan sa

    daigdig. Pagtutuonan ng pansin sa ating pag-aaral sa modyul na ito ang mga

    mahahalagang bagay o datos na bumubuo sa heograpiyang pantao at kung paano

    nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng indibiduwal o isang

    pangkat ng tao.

    Ang modyul na ito ay nahahati sa mga sumusunod na paksang talakayan:

    Talakayan 1 – Heograpiyang Pantao

    Talakayan 2 – Wika

    Talakayan 3 – Relihiyon

    Talakayan 4- Lahi/Pangkat Etniko

    Pagkatapos na mapag-aralan ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang

    a. nakapag-iisa-isa ang bumubuo sa heograpiyang pantao;

    b. nakapagsusuri ang wika, relihiyon, lahi, at pangkat-etniko ng daigdig; at

    c. nakapagpahahalaga sa natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at

    mamamayan sa daigdig (lahi, pangkat, etno-lingguwistiko, at relihiyon sa

    daigdig).

  • 2

    Subukin

    Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

    iyong sagutang papel.

    1. Ilang pamilya ng wika ang mayroon sa buong daigdig ayon sa Ethnologue

    (16th edition)?

    A. 147 C. 149

    B. 148 D. 150

    2. Laking Australia ang kaklase ni Tere na si Gabriel kaya naman hindi sila

    magkaintidihan nang mabuti. Anong aspekto ng heograpiyang pantao ang

    naging hadlang sa kanila?

    A. disiplina C. lahi

    B. relihiyon D. wika

    3. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Negroid at Caucasoid?

    A. lahi C. wika

    B. relihiyon D. disiplina

    4. Bakit mahalaga ang wika sa mga tao?

    A. dahil wala silang maipapahayag na mensahe kung hindi sila

    magsasalita

    B. dahil kailangan nila ito sa pang-araw-araw na pamumuhay

    C. dahil ito ang nagbibigay sa tao ng pagkakakilanlan

    D. dahil gusto nila ng may sariling wika

    5. Ang mga sumusunod ay pangunahing lahi sa daigdig MALIBAN sa:

    A. Latinoid C. Mongoloid

    B. Caucasoid D. Negroid

    6. Sa Rehiyong Antarctic, Australia, at Ocenia, ano ang tawag sa nabuong wika

    ng mga katutubo at Europeo?

    A. Ruso C. Pidgin English

    B. Quechua D. Griyego

    7. Sa Silangang Europe, anong paniniwala ang mayroon ang mga taong nakatira

    sa dating Soviet Union?

    A. Greek Orthodox C. Roman Orthodox

    B. Western Orthodox D. Eastern Orthodox

    8. Anong salita ang may ibig sabihin ng “buoin ang mga bahagi para maging

    magkakaugnay ang kabuoan nito”?

    A. religare C. lengguwahe

    B. ethnos D. cultura

    9. Sa anong aspekto ng pamumuhay nabibilang ang Islam at Kristiyanismo?

    A. wika C. pangkat-etniko at lahi

    B. nasyonalidad D. relihiyon

    10. Ano ang iba pang tawag sa heograpiyang pantao?

    A. kultural na heograpiya C. pisikal na heograpiya

    B. disiplinang heograpiya D. makasaysayang heograpiya

  • 3

    11. Ano ang tawag sa wikang Indian at Espanyol na opisyal na wika ng Peru?

    A. Macedonian C. Ruso

    B. Quechua D. Pidgin English

    12. Alin sa sumusunod ang HINDI batayan sa paghahati-hati ng mga tao? Sa

    mga pangkat?

    A. wika C. yaman

    B. relihiyon D. pangkat-etniko at lahi

    13. Saang kultural na heograpiya nabibilang ang Filipino at Mandarin?

    A. relihiyon C. tao

    B. wika D. pangkat-etniko at lahi

    14. Ano ang tawag sa pag-aaral ng distribusyon ng mga tao, ang kanilang

    katangiang kultural, at mga gawain sa daigdig?

    A. populasyon C. heograpiyang pisikal

    B. heograpiyang pantao D. kasaysayan

    15. Bakit mahalaga ang relihiyon sa tao?

    A. dahil isa itong oportunidad upang maparami ang kaibigan at kakilala

    B. dahil ito ang gumagabay sa kanilang pamumuhay at pakikitungo sa

    kapwa

    C. dahil natatakot silang walang mapuntahan kapag namatay

    D. dahil ito ang nagbibigay sa kanila ng pangangailangan.

  • 4

    Aralin

    1 Heograpiyang Pantao Ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa mga aspektong kultural na

    matatagpuan sa daigdig; paraan ng interaksiyon ng tao sa kanyang kapaligiran;

    kung paano niya binabago at kung paano rin siya nababago o naapektuhan ng

    kalikasan ay tinatawag na heograpiyang pantao. Sa modyul na ito, hihimay-himayin

    ang mga bumubuo sa heograpiyang pantao: ang wika, relihiyon, lahi at pangkat-

    etniko ng rehiyon, bansa at mamamayan sa daigdig. Pagtutuunan nang pansin dito

    kung paano nakaaapekto ang heograpiyang pantao sa pagkakakilanlan ng

    indibiduwal o isang pangkat ng tao. Gayundin, ang pagiging instrumento ng kultural

    na heograpiya sa pagkakaisa ng mga tao sa daigdig. Halina’t simulan na ang

    pagkatuto.

    Balikan

    Binubuo ng kalupaan, klima, katubigan, wildlife, lupa, at mineral ang pisikal

    na katangian ng daigdig. Nakaiimpluwensiya ang isa’t isa sa pamumuhay at kultura

    ng mga tao. Maglista ng mga salitang naglalarawan sa heograpiya. Ang mga salitang

    ito ay dapat nagsisimula sa titik na bumubuo sa heograpiya.

    H

    E

    O

    G

    I

    Y

    A

    R

    A

    P

  • 5

    Tuklasin

    Hanapin ang limang salitang may kaugnayan sa natatanging kultura ng mga

    rehiyon, bansa, at mamamayan sa daigdig. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    A B Q S H H J K C L Q W E U I O P A

    Q V D G Q Q Z Z M L B M D F H K L O

    F G H B C S E T Y A K S M H J K K B

    C D E T F B H Y H H M K L L L I M E

    A A D F R A R E L I H I Y O N X S A

    K O P L K F T B G H J E R T V C B E

    I A S S R R T T Y Y D G E U U J F B

    W V F C H G Y K L W E T H J G J M V

    K L R S C E Y I O Z A T K G S E E V

    G D D R Z C E W B K H E O K M A N B

    X D F C U V A D G T E Q Q I P L M N

    A S D V C E N N R A W T J S Y Y H J

    A Z K L Q R A V W Z O A X X I O U J

    O A T N A P G N A Y I P A R G O E H

    Mga Tala para sa Guro

    Importanteng maging pamilyar sa mga simbolo ng mga

    relihiyon upang makatulong sa mas malalim na pagkaunawa.

    Gayundin, ang sariling pagsasaliksik ng karagdagang kaalaman

    patungkol sa mga wikang sinasalita ng bawat rehiyon, kultura ng

    bawat lahi at pangkat-etniko. Marapat na ipaunawa sa mga mag-

    aaral ang kahalagahan ng respeto at pagkakaisa sa kabila ng

    pagkakaiba-iba.

  • 6

    Heograpiyang Pantao

    Tinatawag ding heograpiyang kultural ang heograpiyang pantao. Ang paggamit ng

    mga heograpo ng iba’t ibang pananaw upang maipakita ang kultural na rehiyon at

    mga bansang kabilang dito. Relihiyon, wika, medisina, ekonomiya, politika, mga

    lungsod, populasyon, kultura, at iba pang aspektong kultural na maaaring

    magbigay-liwanag kung bakit kumikilos ang mga tao sa isang lugar tulad ng

    kanilang ginagawa sa kanilang buhay ang pinag-aaralan dito. Ating suriin ang mga

    pangunahing aspekto ng heograpiyang pantao:

    Ang race o lahi ay tumutukoy

    sa pagkakakilanlan ng isang pangkat

    ng mga tao, pisikal o bayolohikal na

    katangian ng pangkat.

    Maihahalintulad sa isang mosaic ang

    daigdig dahil na rin sa maraming

    natatanging paglala-rawan ng mga

    naninirahan dito.

    Nagmula naman ang salitang

    “etniko” sa salitang Griyego na

    ethnos na ang ibig sabihin ay “mamamayan”. Ang mga miyembro ng pangkat-etniko

    ay may iisang maliwanag na sariling pagkakakilanlan.

    Suriin

    Ang wika ay isang masistemang

    balangkas na sinasalitang tunog na

    pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo

    upang magamit ng mga tao sa

    pakikipagtalastasan na nabibilang sa

    iisang kultura ayon kay Henry Gleason.

    Isang organisadong paraan ng pagsamba

    sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay

    ay tinatawag na relihiyon. Madalas, ang mga tao

    ay idinidikit ang sining sa relihiyon.

    https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/3/37/Re

    ligious_symbols-4x4.svg/768px-Religious_symbols-4x4.svg.png

  • 7

    Wika

    Nagbibigay ng identidad o pagkakakilanlan sa taong kabilang sa isang

    pangkat. Itinuturing din itong kaluluwa ng isang kultura. Ang mga taong may

    magkakaparehong wika ay kadalasang may pareho ring kaasalan at paniniwala

    Nakapaloob ang mga wikang ito sa mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-

    ugatan o language family Sa kabuoan, ayon sa Ethnologue (16th edition), mayroong

    147 language families sa buong daigdig. Ang ilan sa pangunahing pamilya ng wika

    sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger-Congo, Sino-

    Tibetan.

    Afro-Asiatic

    Buhay na Wika: 366

    Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.81

    Bansang Gumagamit ng Wika: Algeria, Bahrain, Cameroon, Chad, Cyprus,

    Egypt, Eritrea, Ethiopia, Georgia, Iran, Iraq, Israel, Jordan, Kenya, Libya, Mali, Malta, Mauritania, Morocco, Niger, Nigeria, Oman, Palestine, Saudi Arabia,

    Somalia, Sudan, Syria, Tajikistan, Tanzania, Tunisia, Turkey, United Arab

    Emirates, Uzbekistan, at Yemen

    Austronesian

    Buhay na Wika: 1,221

    Bahagdan ng mga Nagsasalita: 5.55

    Bansang Gumagamit ng Wika:

    Brunei, Cambodia, Chile, China, Cook Islands, East Timor, Fiji, French

    Polynesia, Guam, Indonesia, Kiribati,

    Madagascar, Malaysia, Marshall Islands, Mayotte, Micronesia,

    Myanmar, Nauru, New Caledonia, New Zealand, Niue, Northern Mariana

    Islands, Palau, Papua New Guinea, Philippines, Samoa, Solomon Islands,

    Suriname, Taiwan, Thailand, Tokelau, Tonga, Tuvalu, United States,

    Vanuatu, Vietnam, Wallis at Futuna

    Indo-European

    Buhay na Wika: 436

    Bahagdan ng mga Nagsasalita:

    46.77

    Bansang Gumagamit ng Wika:

    Afghanistan, Albania, Armenia,

    Austria, Azerbaijan, Bangladesh, Belarus, Belgium, Bosnia and

    Herzegovina, Brazil, Bulgaria, Canada, China, Croatia, Czech

    Republic, Denmark, Fiji, Finland, France, Germany, Greece, Iceland,

    India, Iran, Iraq, Ireland, Isle of Man,

    Israel, Italy, Latvia, Lithuania, Luxembourg, Macedonia, Maldives,

    Myanmar, Nepal, Netherlands, Norway, Oman, Pakistan, Peru,

    Poland, Portugal, Romania, Russian Federation, Serbia, Slovakia,

    Slovenia, South Africa, Spain, Sri Lanka, Suriname, Sweden,

    Switzerland, Tajikistan, Turkey,

    Ukraine, United Kingdom, United States, Vatican State, at Venezuela

    Sino-Tibetan

    Buhay na Wika: 456

    Bahagdan ng mga Nagsasalita: 20.34

    Bansang Gumagamit ng Wika:

    Bangladesh, Bhutan, China, India, Kyrgyzstan, Laos, Myanmar, Nepal,

    Pakistan, Thailand, at Vietnam

    Niger-Congo Buhay na Wika: 1,524

    Bahagdan ng mga Nagsasalita: 6.91 Bansang Gumagamit ng Wika: Angola, Benin, Botswana, Burkina Faso,

    Burundi, Cameroon, Central African Republic, Chad, Comoros, Congo, Côte

    d’Ivoire, Cuba, Democratic Republic of the Congo, Equatorial Guinea, Gabon, Gambia, Ghana, Guinea, Guinea- Bissau, Kenya, Lesotho, Liberia, Malawi, Mali,

    Mayotte, Mozambique, Namibia, Niger, Nigeria, Rwanda, Senegal, Sierra Leone, Somalia, South Africa, South Sudan, Sudan, Swaziland, Tanzania, Togo, Uganda,

    Zambia, at Zimbabwe

  • 8

    Mga Wika sa Iba’t Ibang Rehiyon sa Daigdig

    Latin America at Carribean

    Wikang Espanyol ang opisyal na ginagamit ng mahigit kalahati ng mga

    bansa sa Latin America at Carribean. Pagpasok ng mga Indian ay nabago ito kaya

    tinawag ang wika sa Mexico na Mexican Spanish.

    Sa Brazil, Portuges ang opisyal na wikang nagtataglay ng salitang Indian

    at African. Pranses sa Haiti at Martinique, at Ingles sa Jamaica at Guyana.

    Quechua, isang wikang Indian at Espanyol ang opisyal na wika sa Peru.

    Kanlurang Europe at Silangang Europe

    Karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay nagsasalita ng wikang

    nagmula sa Indo-European. Sa hilagang bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng

    Ingles, Danish, at Swedish. Sa France-French, Portugal-Portugese, Spain-

    Spanish, at Italy-Italia ay mga wikang Romano.

    Halos 100 wika ang ginagamit sa Silangang Europe. Ang wika at diyalekto

    dito ay nagmula sa pamilya ng wika ng Indo-European at Ural-Atlaic. Sa hilagang

    bahagi ng rehiyon ay nagsasalita ng wika mula sa Ural-Atlaic. Ang wikang

    Romano na gamit sa rehiyon ay Romanian. Nagmula sa Germanic ang wikang

    German na ginagamit ng iilang lugar sa rehiyon. Karamihan sa Indo-European ay

    ang Russian, Polish, Bulgarian, Serbo-Croatian, Solvenne, at Macedonian.

    Hilaga, Gitnang Silangan, at Sub-Saharan Africa

    Sa Hilaga at Gitnang Silangan ng Africa, natuto ng Muslim ang mga hindi

    Arabong yumakap ng Islam. Nagmula sa pamilya ng Afro-Asiatic ang Arabic. Sa

    Israel ay Hebrew ang sinasalita, Berber naman sa Timog Morocco at Algeria.

    Turkish ang ginamit na salita ng Turkey at Cyprus. Galing sa sangay ng wikang

    Indo-European ang iba pang pangunahing wika ng rehiyon tulad ng Pashto na

    ginagamit ng Afghanistan at Persian ng Iran. Wikang Pranses at Espanyol naman

    ang ginagamit sa mga transaksiyon sa gobyerno at negosyo sa ibang mga bansa

    ng rehiyon tulad ng Morocco na nasakop noon.

    African, Afro-Asiatic, at Indo-European ang tatlong pamilya ng wika sa

    Sub-Saharan Africa. Wikang African ang sinasalita sa pinakamaraming tao. Ang

    pinakamalaking pangkat naman ay ang wikang Bantu na ginagamit sa sentral,

    silangan, at timog na bahagi ng rehiyon. Arabic at Berber ang pangunahing Afro-

    Asiatic na ginagamit sa hilagang-kanluran ng Sub-Sahara. Sa Timog Africa

    naman ay malawakang paggamit ng wikang Indo-European tulad ng Ingles at

    African ay nahubog mula sa mga mananakop na mga Olandes.

    Timog Asya

    Ang mga wikang Hindu, Urdu, at Bengali ang pangunahing ginagamit na

    wika sa rehiyon. Sa Nepal at Sri Lanka, Nepali at Sinhalese ang opisyal na wika

    na mula sa pamilya ng wikang Indo-European. Wikang Hindi naman bilang una

    o ikalawang wika ng halos kalahati ng populasyon sa India na mga taga-hilaga at

    sentral. Ang wikang Ingles ay popular din sa India na naging impluwensiya ng

    pananakop ng Britain. Ang opisyal na wika ng Pakistan ay Urdu. Dravidian aman

    ang wika ng 1/5 na tao sa Timog India at hilagang bahagi ng Sri Lanka.

  • 9

    Relihiyon

    Nagmula ang salitang relihiyon sa “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang

    mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuoan nito”. Ilan sa mga

    pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, Kristiyanismo, Islam, Budismo,

    at Confucianismo. Ang tanong ukol sa kahulugan at layunin ng buhay ang

    sinasagot ng relihiyon. Sinusuportahan din nito ang isang mahahalagang

    pagpapahalaga ng isang pangkat ng tao. Mayroong iba-ibang paniniwalang

    pangrelihiyon ang tao: monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang Diyos; ang

    pananampalataya naman sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo. Ang

    sumusunod ay ilan sa iba’t ibang relihiyon sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig:

    Silangang Asya

    Sa kadahilanang maraming iba’t ibang pangkat ang nanakop sa rehiyon

    iba’t ibang wika rin ang dulot nito. Nagmula sa tatlong sangay ang wika sa

    rehiyon: ang Sino-Tibetan, Tibet o Burman na gamit ng mga tao sa talampas ng

    Tibet, at ang Chinese. Nahahati ang wikang Chinese sa iba’t ibang sangay gaya

    ng Mandarin na gamit ng Hilagang China, Wu, at Cantonese sa timog ng China.

    Karamihan ng mga Tsino sa kasalukuyan ay gumagamit ng Mandarin bilang

    opisyal na wika ng China. Mandarin din ang gamit ng Taiwan kabilang sa

    diyalektong Taiwanese at Hakka. Ang Japan at Korea ay may wikang nagmula sa

    sangay ng Japanese at Korean. Samantala, Mongol naman ang salita sa Mongolia.

    Manchu ang gamit na wika sa Manchuria na nagmula sa sangay ng Ural-Atlaic

    na ginagamit din madalas ng mga taong naninirahan sa hilaga at kanlurang

    bahagi ng rehiyon.

    Timog-Silangang Asya

    Nagmula sa tatlong sangay ang wikang ginagamit sa rehiyon: Malayo-

    Polynesian, ang Sino-Tibetan, at ang Mon-Khmer.Karamihan ng diyalekto ay

    resulta ng migrasyon at kolonyalismo sa rehiyon tulad ng mga sumusunod: Ilang

    Espanyol, Ingles, at Pilipino sa Pilipinas; sa Singapore ay Chinese, Malay, at Tami;

    ang ginagamit sa negosyo ng Malaysia ay Ingles ngunit may hakbang na

    isinagawa upang salitang Malay ang gamitin sa pangkalahatan; nagsasalita ng

    Ingles, Pranses, Chinese, at Ruso ang karamihan ng tao sa mga lungsod ng

    Vietnam bilang karagdagan sa wikang Vietnamese.

    Antarctic, Australia, at Oceania

    Sa sangay ng Indo-European nagmula ang malaking bahagi ng sinasalita

    sa rehiyon. Sa Australia, New Zealand, at maraming bahagi sa Oceania ay Ingles

    ang wikang gamit. Ang wikang Pranses ang gamit sa French Polynesia at iba pang

    bahagi ng Oceania na nanatiling nasa ilalim ng politikal na kontrol ng France.

    May iba pang katutubong wika ang gamit sa Oceania na kabilang sa sangay ng

    Malayo-Polynesia. Halos 700 na lokal na diyalekto ang ginagamit sa Papua New

    Guinea at dulot ng pangangailangan sa kalakalan, nabuo ang isang wika na may

    halong katutubo at Europeo na tinawag na Pidgin English.

  • 10

    Antarctic, Australia, at Oceania

    Bago pumasok ang mga

    Europeo, ang mga tao sa rehiyon ay

    sumusunod sa iba’t ibang relihiyon.

    Pagpasok ng mga misyonaryong

    Europeo dala-dala nila ang ideya at

    pagpapahalaga ng Kristiyanismo.

    Nagpatuloy ang tradisyonal na

    paniniwala sa maraming bahagi ng

    rehiyon. Iilan lamang ang sumusunod

    sa prinsipyong Islam at Hindu.

    Latin America at Carribean

    Relihiyong Romano Katoliko

    ang malakas na impluwensiya sa

    Latin America at Carribean. Ito ay

    relihiyon ng pitong bansa bagama’t

    ang bawat isa ay may kalayaang

    pumili ng kanilang pananam-

    palataya. Ang mga Indian at African

    ay kinikilala ang Romano Katoliko

    ngunit patuloy pa rin nilang

    sinusunod ang kaugalian sa

    pananampalataya ng kanilang mga

    ninuno.

    Kanlurang Europe

    Ang karamihan sa mga taga-

    Kanlurang Europe ay Katoliko.

    Protestante naman ang dominante sa

    hilaga at hilagang kanluran. Ang mga

    bansang malapit sa Dagat

    Mediterranean Sea sa Ireland ay mga

    Romano Katoliko. Greek Orthodox ang

    sinusunod ng karamihan sa taga-

    Greece na anyo rin ng Kristiyanismo.

    Sa Hilagang Ireland ay may

    minsanang pagsiklab ng hidwaan sa

    pagitan ng mga Romano Katoliko at

    Protestante ngunit sila ay malayang

    pumili ng kanilang pananampalataya.

    Hilagang Africa at Gitnang Silangan

    Halos sa lahat ng rehiyon

    maliban sa Israel ay Islam ang

    sinusunod ng mga tao. Bagama’t ang

    Hudaismo at Kristiyanismo ay

    nagsimula sa rehiyon, iilang bahagi

    lamang ang yumakap dito. Sa Israel

    matatagpuan ang karamihan sa mga

    Hudyo. Kristiyanismo ang

    pananampalataya ng karamihan sa

    Lebanon at Cyprus. Maronites naman

    sa mga Kristiyanong Lebanese na

    isang sangay ng Katolisismo.

    Samantalang Greek Orthodox ang

    sinusunod ng mga taga-Cyprus.

    Sub-Saharan Africa

    Tradisyonal na relihiyon tulad

    ng African, Islam at Kristiyanismo

    ang pangunahing relihiyon sa

    rehiyon. Naniniwala sila sa animismo

    o ang kaluluwa ng mga ninuno ay

    pinaniniwalaang buhay sa kalikasan.

    Gayundin ang paniniwala nila sa

    iisang tagalikha ng tao. May malawak

    na tagasunod ang Islam na

    matatagpuan sa Ethiopia, Nigeria at

    Tanzania. Ang malaking bahagi ng

    Kristiyano ay matatagpuan sa Timog

    Africa.

    Silangang Europe

    Silangang Orthodox at sangay ng

    Romano Katoliko ang pangunahing

    relihiyon dito. Ang relihiyon ng bawat

    lugar ay nagpapakita ng kasaysayan.

    Ang iba pang relihiyon sa rehiyon ay

    Protestantismo, Hudaismo, at Islam.

    Ang karamihan sa naninirahan sa

    dating Soviet Union ay may

    paniniwalang Eastern Orthodox.

    Malawak din ang pagtanggap nito sa

    Romano Katoliko at halos 1/3 ng

    mga tao sa Albania ay kabilang sa

    ganitong pananampalataya.

    Gayundin sa Polan, Czechoslovakia,

    at Hungary.

  • 11

    Ilan sa mga Simbolo ng Relihiyon sa Daigdig

    Timog Asya

    Binubuo ng Hinduismo,

    Islam, at Budismo ang pangunahing

    relihiyon dito. May ilan din na

    yumakap sa Kristiyanismo. Ang

    mga tao sa India at Nepal ay

    sumusunod sa Hinduismo. May

    mga Hindu rin sa Bhutan, Sri

    Lanka, Pakistan, at

    Bangladesh.Karamihan ng mga tao

    sa Pakistan at Bangladesh ay Islam

    ang sinusunod at may mangilan-

    ngilan sa Hilagang India. Sa Sri

    Lanka at Bhutan ay malakas ang

    Budismo. May ilan din sa Nepal at

    Sentral India. May mga tagasunod

    ang ibang relihiyon tulad ng

    Kristiyanismo sa Timog India at

    Sikh sa Punjab. Ang Sikh ay

    kombinasyon ng Islam at

    Hinduismo.

    Silangang Asya

    Ang pagkakaroon ng relihiyon

    ay pinahina ng gobyernong

    komunista sa China, Mongolia, at

    North Korea. Ninais palitan ng

    gobyerno ng China ang prinsipyong

    Confucianismo kaya karamihan sa

    mga tao na naninirahan sa

    Silangang Asya ay walang

    sinusunod na relihiyon. May ilang

    mga tao sa lugar na sumusunod pa

    rin sa aral ng Budismo,

    Confucianismo, o Taoismo. Sa mga

    hindi komunistang bansa

    karamihan dito ay yumakap sa

    Confucianismo o Taoismo. Minsan,

    sumusunod ang mga tao sa mahigit

    sa iisang relihiyon. Sa Japan

    matatagpuan ang maraming taga-

    sunod ng Shintoismo. May maliit na

    bilang ng Muslim ang naninirahan

    sa rehiyon dulot ng kalakalan.

    Yumakap ang ilan sa Kristiyanismo

    sa may South Korea.

    Timog Silangang Asya

    Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina.

    Malaking populasyon ng Malay Peninsula ang yumakap sa Islam dala ito ng

    mangangalakal na Muslim. Sa Pilipinas, malaki ang bahagdan ng tao ang

    tagasunod ng Romano Katoliko dulot na rin ng mahigit 300 daang taong

    pananakop ng mga Espanyol. Malaking bahagi ng populasyon sa rehiyon ay

    mula sa China kaya sumunod sila sa Confucianismo o Taoismo. Tradisyonal

    na relihiyon batay sa animismo ang ilan na nasa bulubunduking lugar.

  • 12

    Lahi o Pangkat-etniko

    Pinag-uugnay ng magkakatulad na kultura, wika, pinagmulan, at relihiyon

    ang mga miyembro ng pangkat-etniko. Maraming eksperto ang namumuno sa pag-

    aaral ng iba’t ibang klasipikasyon ng tao sa daigdig, ngunit marami rin ang

    nagsabing nagdulot ito ng kontrobersiya sapagkat maaari ito pagmulan ng

    diskriminasyon. Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: Mongoloid na nagmula

    sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

    Pagyamanin

    Gawain 1: 3-2-1 CHART

    Sa tulong ng mga kaalaman sa nasuring teksto, punan ang chart ng hinihingi nitong

    impormasyon. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    Bumubuo sa

    heograpiyang pantao 3

    Kahalagahan kung

    bakit kailangan pag-

    aralan ang

    heograpiyang pantao 2

    Sariling pakahulugan

    sa heograpiyang pantao

    1

  • 13

    Gawain 2: KA-PARES

    Basahing mabuti ang mga pahayag at tukuyin ang mga kahulugan at halimbawa sa

    HANAY A na bumubuo ng heograpiyang pantao sa HANAY B. Maaring maulit ang

    iyong sagot. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    Gawain 3: INFO-GRAPHIC POSTER

    Sa mga wikang napag-aralan sa iba’t ibang rehiyon ng daigdig, gumawa ng info-

    graphic poster na nagtataglay ng impormasyon ukol dito at may adhikaing palaguin

    ang sariling wika. Bago i-upload sa napiling social networking site ang nagawang

    info-graphic poster, siguraduhing ito ay nasuri muna ng iyong guro. Sagutin ang

    katanungang “Bilang isang mag-aaral, paano mo mapahahalagahan at mapauunlad

    ang iyong sariling wika?”.

    1. Ito ay tumutukoy sa pagkakakilanlan ng isang pangkat ng mga tao, pisikal o bayolohikal na

    katangian ng pangkat

    a. kultura

    2. Ang karamihan ng tagasunod ng Budismo ay mula sa Indochina

    b. relihiyon

    3. Monoteismo ang tawag sa paniniwala sa iisang

    Diyos c. wika

    4. Ang may halong katutubo at Europeo na tinawag

    ay Pidgin English. d. lahi

    5. Ang mga tao ay idinidikit ang sining, madalas sa aspektong kultural na ito.

    e. pangkat-etniko

    6. Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, at

    Niget Congo Sino-Tibetan

    7. Ito ay nagmula sa salitang Griyego na “ethnos”, na

    ang ibig sabihin ay “mamamayan”.

    8. Ito ang sumsasalamin sa kultura ng tao.

    9. Nagmula sa salitang “religare” na ang ibig sabihin ay “buoin ang mga bahagi para maging

    magkakaugnay ang kabuoan nito”.

    10. Ito ay isang organisadong paraan ng pagsamba sa isang bagay na espiritwal o kaisipan sa buhay.

    Pamantayan sa Pagmamarka ng Info-graphic Poster

    Pamantayan Paglalarawan Puntos

    Nilalaman Nakapaloob sa info-graphic poster ang wikang kanyang napili ay nagtataglay ng

    wasto at napakahalagang impormasyon

    10

    Pagkamalikhain

    Ang pagkakadisenyo ng info-graphic

    poster ay may kaaya-ayang disenyo at naaangkop sa konsepto.

    10

    Kabuluhan

    Naglalahad ng makabuluhang pahayag

    ang info-graphic poster na sumasagot sa katanungan

    5

    Kabuoan 25

    HANAY A HANAY B

  • 14

    Gawain 4: TAMA o MALI

    Tukuyin kung Tama o Mali ang ipinapahayag ng bawat pangungusap. Isulat sa

    sagutang papel ang TAMA kung wasto ang pangungusap. Kung mali, isulat ang

    salitang naging dahilan kung bakit naging mali ang pahayag at isulat muli ang buong

    pangungusap gamit ang salitang magwawasto sa pahayag.

    1. Ang pananampalataya sa maraming Diyos ay tinatawag na politeismo

    2. Greek Orthodox ang tawag sa isang sangay ng Katolisismo na sinusunod

    ng mga Kristiyanong Lebanese.

    3. Monoteismo ang tawag sa kaluluwa ng mga ninuno na pinaniniwalaang

    buhay sa kalikasan.

    4. Ang karamihan sa mga taga-Kanlurang Europe ay Katoliko.

    5. Protestantinismo ang sinusunod ng karamihan sa taga-Greece na anyo

    rin ng Kristiyanismo.

    6. Sa Japan matatagpuan ang maraming taga-sunod ng Sikhismo.

    7. Malakas ang impluwensiya ng Relihiyong Romano Katoliko sa Latin

    America at Carribean.

    8. Pinahina ng gobyernong komunista sa China, Mongolia, at North Korea

    ang pagkakaroon ng relihiyon sa Silangang Asya.

    9. Sa Timog Silangang Asya, malaking bahagdan ng populasyon na

    nanampalataya sa relihiyong Budismo ay mula sa Pilipinas.

    10. Kombinasyon ng Islam at Hinduismo ang Sikh.

    Gawain 5: E-POST CARD

    Pumili ng isang relihiyon at lumikha ng E-postcard tungkol dito. Sundin ang format

    sa ibaba. Sagutin ang katanungang “Paano mo maipaliliwanag ang katagang “unity

    in diversity” sa konsepto ng relihiyon?” bilang caption sa iyong post. Bago i-upload

    sa napiling social networking site ang nagawang E-postcard, siguraduhing ito ay

    nasuri muna ng iyong guro

    Simbolo ng relihiyon

    Pangalan ng relihiyon

    Impormasyon

    Kahalagahan ng Relihiyon

  • 15

    Pamantayan sa Pagmamarka ng E-postcard

    Pamantayan Paglalarawan Puntos

    Nilalaman Nakapaloob sa E-postcard ang wikang kanyang napili ay nagtataglay ng wasto at napakahalagang

    impormasyon

    10

    Pagkamalikhain Ang pagkakadisenyo ng E-postcard ay may kaaya-

    ayang disenyo at naaangkop sa konsepto

    10

    Kabuluhan Naglalahad ng makabuluhang pahayag ang E-postcard na sumasagot sa katanungan

    5

    Kabuoan 25

    Gawain 6: SALIKSIKIN

    Punan ang graphic organizer base sa hinihinging impormasyon. Kung

    kinakailangang magsaliksik pa ng karagdagang impormasyon ay iyong gawin.

    Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    Pangunahing

    Lahi/Pangkat-etniko Katangian Rehiyon sa Daigdig

    1.

    2.

    3.

    Isaisip

    Ibuod ang mahahalagang kaisipan sa natatanging kultura ng rehiyon, bansa, at mga mamamayan sa daigdig. Isulat ang tamang impormasyon upang mabuo ang diwa ng

    mga pangungusap. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.

    Ang _____________ ay ang sangay na tumutukoy sa mga pag-aaral sa

    mga aspektong kultural na matatagpuan sa daigdig.

    Mayroong _____________ language families sa buong daigdig. Ang ilan

    sa pangunahing pamilya ng wika sa daigdig ay ang Afro-Asiatic, ____________,

    Indo-European, Niger-Congo, Sino-Tibetan.

    Nagmula ang salitang relihiyon sa “___________” na ang ibig sabihin ay

    “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang kabuuan nito”. Ilan

    sa mga pangunahing relihiyon sa mundo ay Hinduismo, ______________,

    Islam, Budismo, at Confucianismo

    Ilan sa mga pangunahing lahi sa daigdig ay: _____________ na nagmula

    sa Asya, Caucasoid na nagmula sa Europa, at Negroid na nagmula sa Aprika.

  • 16

    Isagawa

    Sagutin ang katanungan batay sa iyong sariling pagkaunawa sa aralin. Isulat ang

    iyong sagot sa sagutang papel.

    Tayahin

    Basahing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat ito sa

    iyong sagutang papel.

    1. Anong matandang relihiyon ang umunlad sa India?

    A. Budismo C. Islam

    B. Hinduismo D. Kristiyanismo

    2. Sa heograpiyang pantao, anong aspekto ang tumutukoy sa pagkakakilanlang

    bayolohikal ng pangkat ng tao?

    A. lahi C. wika

    B. relihiyon D. kultura

    3. Saang pamilya ng wika nabibilang ang wikang Filipino?

    A. Afro-Asiatic C. Indo European

    B. Niger-Congo D. Austronesian

    4. Anong aspekto ng kultural na heograpiya ang tumutukoy sa sistema ng

    paniniwala at ritwal?

    A. lahi C. wika

    B. relihiyon D. kultura

    5. Anong heograpiyang pantao ang tumutukoy sa pangkat ng taong may iisang

    kultura at pinagmulan?

    A. etniko C. wika

    B. relihiyon D. kultura

    6. Ano ang salitang Greek ng mamamayan?

    A. religare C. lengguwahe

    B. ethnos D. cultura

    Paano naaaninag ang kultura sa isang

    lugar o rehiyon?

  • 17

    7. Anong pamilya ng wika ang may pinakamaraming taong gumagamit?

    A. Austronesian C. Indo-European

    B. Afro-Asiatic D. Sino Tibetan

    8. Anong relihiyon ang itinuturing na may pinakamaraming tagasunod?

    A. Islam C. Confucianismo

    B. Kristiyanismo D. Buddhismo

    9. Ano ang salitang-ugat ng relihiyon?

    A. cultura C. ethnos

    B. lengguwahe D. religare

    10. Si Zico ay nakatira sa Pilipinas at ginagamit na wikang pang-komunikasyon sa

    ibang tao ay Filipino. Anong kultural na heograpiya ang tinutukoy dito?

    A. lahi C. wika

    B. relihiyon D. kultura

    11. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa iisang Diyos?

    A. animismo C. politeismo

    B. monoteismo D. shamanismo

    12. Namasyal ang magbabarkadang Deru, Renee, Josel at Mikaela sa bansang

    Vietnam, Laos, at Cambodia. Anong relihiyon ang maaring dominante sa rehiyon?

    A. Budismo C. Hinduismo

    B. Islam D. Kristiyanismo

    13. Sinakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ng mahigit 300 daang taon. Ano ang

    kanilang wikang sinasalita?

    A. Pidgin English C. Cantonese

    B. Spanish D. Ruso

    14. Anong tawag sa paniniwalang panrelihiyon ang naniniwala sa maraming Diyos?

    A. animismo C. politeismo

    B. monoteismo D. shamanismo

    15. Ang pamilyang Chiu ay mula sa bansang China. Alin sa mga sumusunod ang

    maaaring wikang kanilang ginagamit o sinasalita?

    A. Mandarin C. Bantu

    B. Tami D. Filipino

  • 18

    Karagdagang Gawain

    Basahin ang mga salitang nasa Geopardy Board. Bumuo ng

    mga tanong na akma sa mga salita. Isulat ang sagot sa iyong

    sagutang papel.

    heograpiyang pantao wika relihiyon

    kultura lahi pangkat-etniko

    Kristiyanismo Austronesian Mongoloid

  • 19

    Susi sa Pagwawasto

    TUKLASIN

    SUBUKIN

    1.A 9. D

    2.D 10. A 3.A 11. B

    4.C 12. C

    5.A 13. B

    6.C 14. B

    7.D 15. B

    8.B

    Activity 1

    Batay sa sariling

    pagkaunawa ng mag-aaral

    ang kasagutan

    Assessment 1

    1.D 6. C

    2.B 7. E

    3.B 8. C

    4.C 9. B

    5.B 10. B

    Activity 2

    Batay sa sariling

    pagkaunawa ng mag-aaral

    ang kasagutan

    Assessment 2

    1. TAMA

    2. Greek Orthodox-

    Maronites

    3. monoteismo-animismo

    4. TAMA

    5. Protestantenismo- Greek

    Orthodox

    6. Sikhismo-Shintoismo

    7. TAMA

    8. TAMA

    9. Pilipinas- Indochina

    10. TAMA

    Activity 3

    Batay sa sariling

    pagkaunawa ng mag-aaral

    ang kasagutan

    Assessment 3

    1. Mongoloid- Asya

    2. Caucasoid-Europa

    3. Negroid-Aprika

    Ang mga katangian ng bawat

    lahi/pangkat-etniko ay

    nakadepende sa

    masasaliksik ng mga mag-

    aaral

    ISAISIP

    -heograpiyang pantao

    -147

    -Austronesian

    -religare -Kristiyanismo

    -mongoloid

    ISAGAWA

    Batay sa sariling

    pagkaunawa ng mag-aaral ang kasagutan

    TAYAHIN

    1.B 11. B

    2.A 12. A

    3.D 13. B

    4.B 14. C 5.A 15. A

    6.B

    7.C

    8.B

    9.D

    10.C

    KARAGDAGANG GAWAIN

    Batay sa sariling pagkaunawa

    ng mag-aaral ang kasagutan

  • 20

    Sanggunian

    Antonio, Eleanor D. et al. Kayamananan (Kasaysayan ng Daigdig). (2017). Rex Book

    Store, Inc., 856 Nicanor Reyes sr. St., Sampaloc, Manila

    K to 12 Curriculum Most Essential Learning Competencies in Araling Panlipunan. Deped Learning Portal https://lrmds.deped.gov.ph/detail/

    18275

    Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan. Modyul ng Mag-aaral (2014) Department

    of Education-Instructional Materials Council Secretariat. Deped Complex

    Meralco Avenue, Pasig City.

    Project EASE Araling Panlipunan III, Modyul 1 Heograpiya ng Daigdig

    http://www.lrmds.depedldn.com/DOWNLOAD/MODYUL_01__HEOGRAPIYA_NG_DAIGDIG.PDF

    Tiamson, Juan Alvin B. Ang Ating Daigdig: Kasaysayan, Pagsulong, at

    Pag-uugnayan. (2007). St. Augustine Publications. Inc. España cor. Don Quijote st., Sampaloc, Manila

    https://lrmds.deped.gov.ph/detail/

  • Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

    Department of Education Region III – Learning Resources

    Management Section (DepEd Region III-LRMS)

    Office Address: Diosdado Macapagal Government Center

    Maimpis, City of San Fernando (P)