araling panlipunan 2nd term reviewer
DESCRIPTION
Araling Panlipunan 2nd Term ReviewerTRANSCRIPT
ARALING PANLIPUNAN 2ND TERM REVIEWER
KOLONYALISMO: Panimula sa Panahon ng Pananakop
-konsepto ng pagkontrol ng isang bansa sa mas mahinang bansa o kalipunan ng mga mamamayan.
Ang proseso ng pagsasakatuparan sa mga ideyal ng kolonyalismo ay tinatawag na KOLONISASYON.
MGA PANGUNAHING DAHILAN NG PANANAKOP
a. Pagpapalakas ng kapangyarihang pulitikal (sa pamamagitan ng pagsakop sa mga lupain o pagpapalawak ng mga teritoryo).
b. Pagpapalakas sa ekonomiya 1. Pagpaparami ng merkado at; 2. Mapagkukunan ng hilaw na sangkap
c. Pagpapalaganap ng kultura (relihiyon at mga paniniwala)
MGA PARAAN NG PANANAKOP
a. Pagkubkob sa mas mahinang bansa gamit ang kakayahang military (hard power)b. Pakikipagkalakalan (soft power)c. Pagpapalaganap ng kultura (soft power)
MGA TUGON SA PANANAKOP
a. Pagtanggapb. Pagtutol
MGA EPEKTO NG PANANAKOP
a. Pagbabago sa teritoryob. Paglala o pag-angat ng ekonomiya ng bansang sinakopc. Sosyo-kultural na pagbabago (impluwensiya dulot ng asimilisasyon)
PAGSAKOP NG ESPANYOL pp. 83-90
KONSOLIDASYONG EKONOMIKO
MGA PAGBABAGO Bagong pamamaraan ng pagmamay-ari ng lupa Pag-alis ng pang-aalipin Kalakalang Galleon at taunang subsidy mula sa Mexico Pagpapakilala ng mga bagong halaman at hayop Pagpapakilala ng bagong industriya Pagbubukas natin sa kalakalan ng mundo Pag-unlad ng mga bangko Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon Mga bagong antas ng lipunan
TRIBUTO Isang uri ng buwis kinukuha ng hacienda publika upang maging panustos sa
kolonisasyon Mga karaniwang mamayan lamang ang nagbabayad
POLO ‘Y SERVICIOS Sapilitang pagtatrabaho sa mga Pilipino Sa loob ng 40 araw Mga 16-60 taong gulang lamang Maaaring lumiban kapalit ng 1.5 real bawat araw
VANDALA Sapilitang pagbenta ng produkto Madalas na hindi binabayaran
ENCOMIENDA Karapatang ipinagkakaloob ng hari ng Espanya sa sinumang Espanyol o
institusyong mamaha;a sa malawak na lupain sa mga kolonya Pinuno ay Encomendero Maaaring mangolekta ang Encomendero ng buwis
KALAKALANG GALLEON Nagsimula noong 1565 Transshipment operation Lakbay Manila-Acapulco
Tumagal ng 250 taon Dalawang galleon lamang ang maaaring maglakbay sa isang taon Mga Espanyol lamang ang maaaring mangalakal
PAPEL NG MGA TSINO Tagadala ng produkto
KALAKAL MULA SA ASYA Porselana Perlas Spices Ivory Saging Sampalok Mangga
KALAKAL MULA SA MEXICO Pilak Mais Sayote
MGA POSITIBONG PAGBABAGO Nabuksan ang Maynila sa malawak na kalakalan Bagong uri ng mga flora at fauna Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon Pagdami ng mga bangko
MGA NEGATIBONG PAGBABAGO Nakakamkam ng mga Espanyol ang mga yaman ng Pilipinas Natututo ng masasamang ugali ang mga katutubo mula sa mga Espanyol Pagkaalipin ng mga indio
IMPLUWENSIYANG KULTURAL NG ESPANYA (Sosyo-Kultural)
RELIHIYON Katoliko Mga kagawiang Katoliko
LENGGUWAHE (wikang Espanyol ang mga salitang ito) Mesa, aparado Cuarto, sala Opicina Gobierno Estudiante Uno, dos, tres Enero, Pebrero, Marso Lunes, Martes
FIESTAS Pasko Cuaresma Pascua Semana santa
PAGKAIN Arroz caldo Paella Arroz Valencia Menudo Afritada Mechado Adobo
ARCHITECTURA Ventana Asotea Balkonahe Bahay kubo (naimpluwensiyahan)
SINING Musica Baila Moda Teatro Belles artes
MGA PABIGAT Racial discrimination- pagtatangi sa antas Colonial Mentality- pag-iisip na kolonyal Manana habit- mamaya na, cramming Hypocritic religiosity- malinis sa labas, pusali sa loob (masama ugali)
ANTAS Peninsulares- mga Espanyol galing sa Iberia Insulares- may dugong Espanyol na ipinanganak sa Pilipinas, tinatawag na
Filipinos Mestizos- may halong dugong banyaga (mestizo de espanyol, mestizo de
sangley) Indios- may dugong malayo, katutubo Sangleyes- may dugong tsino, mga mangangalakal
TUGON: Pag-aalsa (revolt)LAYUNIN
a. Personalb. Malupit na Patakaran
NASYONALISMO Ang mga indio wala ng konseptong ito (dahilan ng pagkatalo) Konsepto ng pagbubuo o pagtataguyod ng bayan Kondisyon ng nagkakaisang isipan, damdamin at ng layunin ng kalipunan ng
mga tao
PAMPANGA, ILOCOS, MORO AT IGOROT “bangsa” o bansa (konsepto nila sa kanila)
SEKULARISASYONA. Konteksto- proseso ng pagsesekular, pagsasa-Pilipino ng kaparian ng bansa
1. Sekular- nakapailalim sa mga Obispo2. Regular- nabibilang sa mga orden
2 Batas (1768)1. Pagpapatalsik sa mga Heswita2. Visita
“liberal” ang mga pariEPEKTO
Napasailalim sa arsobispo Nagkulang sa pari
AKSYON Ipinalit ang mga sekular
REAKSYON Binatikos ang mga sekular
B. Sekularisasyon (DISKRIMINASYON)1. Padre Pedro Pelaez- reporma sa pangasiwaan2. Padre Jose Burgos- isyu sa lahi
C. Pag-aalsa sa Cavite (Enero 1872)1. Fort San Felipe2. Hukbo (arsenal)3. Sgt. F. Lamadrid4. Francisco Zaldua (nagdiin sa Gomburza)
D. GOMBURZA (mga sekular na pari pinatay, ipinaglaban ang pagkakapantay- pantay)
1. Padre M. Gomez2. Padre Jose Burgos3. Padre Jacinto Zamora (hindi talaga sangkot kundi si Jose Zamora)4. Pebrero 18725. Bagumbayan- lugar kung saan pinapatay ang mga “enemy of the state”
KILUSANG PROPAGANDA
ILUSTRADOS Lustre- liwanag Ilustrado- naliwanagan Nabibilang sa media clase (middle class) Mayayaman Matatalino Sa Europa nag-aral dahil limitado ang edukasyon na binibigay ng mga Espanyol
sa mga paaralan dittoREFORMA
Dahilan: Abuso ng mga Espanyol Layunin ng mga reformista: Pilipinas maging provincia ng Espanya
LA SOLIDARIDAD
LAYUNIN
Pagsulong ng demokrasya Maging provincia ng Espanya ang Pilipinas Pagkakaroon ng kinatawan sa Cortes ng Espanya Magkaroon ng boses ang Filipinas
GRACIANO LOPEZ JAENA (1856-1896) Orator, editor Nag-aral ng medisina sa Espanya noong 1880 Unang patnugot ng La Solidaridad Namatay sa sakit na tuberculosis
MARCELO DEL PILAR (1850-1896) Manunulat Nagtapos sa Unibersidad ng Santo Tomas Patnugot ng Diyaryong Tagalog Pumunta ng Espanya para maging patnugot ng La Solidaridad Nakilala siya sa satirikong (parody) pagsusulat Namatay sa pagkagutom
JOSE RIZAL (1861-1896) Doctor, manunulat Noong 1882, umalis siya patungong Europa Nag-aral ng medisina Nakapagsulat siya ng mga artikulo sa La Solidaridad Sa gulang na 26, natapos ang nobelang Noli Me Tangere (socio-historical novel) Noong 1891, inilimbag ang ikalawa niyang nobela ang El Filibusterismo (political
novel) Bumalik sa Pilipinas sa ikalawang pagkakataon noong 1892 at nanguna sa
pagsulong ng mga reporma sa Pilipinas Hindi pa nagtatagal mula nang itatag ang La Liga Filipina, siya ay hinuli at dinala
sa Fort Santiago Ipinatapon sa Dapitan noong 1892. Nanatili siya roon ng apat na taon Siya ay binaril sa Bagumbayan noong Disyembre 1896
REBOLUSYON Malawakan at komprehensibong pagbabago Hindi limitado sa armadong pakikipaglaban
HIMAGSIKAN Bagsik Himagsik Sama-samang paghihimagsik May element ng paggamit ng dahas o armadong pakikipaglaban
KATIPUNAN (KKK) Kataas-taasang Kagalang-galangang Katipunan ng mga Anak Bayan Hulyo 7, 1892 Isang lihim na samahan na may tatlong pangunahing layunin:
1. Paghihiwalay ng Pilipinas sa Espanya (Pulitikal)2. Pagtuturo ng kabutihan (Moral)3. Pagtulong sa sarili at depensa sa mahihirap at mahihina (Sibiko)
ANDRES BONIFACIO (SUPREMO) Proletaryo Nobyembre 30, 1863 Karaniwang pamilya Mestizo de sangley Hindi pormal na edukasyon; natuto dahil nagsikap Ang trabaho niya ay isang ahente ng isang kumpanyang Briton o British
Company
PAGBUNYAG SA KATIPUNAN Maliit na pag-aawaysa pagitan ni Apolonio dela Cruz at Teodoro Patino Gumanti si Patino sa pamamagitan ng pagsasabi sa kanyang kapatid na babae
ng lihim ng Katipunan Ang kapatid na babae ni Patino ay nagkumpisal kay Padre Mariano Gil Ang padre ay kaagad-agad na nagsumbong sa mga awtoridad Bilang tugon napgpatawag si Bonifacio ng pulong tungkol sa “pagkatuklas”
noong Agosto 24 sa Balintawak AGENDA: makagawa ng nararapat na tugon “Sigaw sa Pugadlawin”- hudyat ng Rebolusyong Pilipino
PAGHAHASIK NG TAKOT (TUGON NG ESPANYA) Habulan at labanan BULACAN, PAMPANGGA, CAVITE, TARLAC, NUEVA ECIJA, LAGUNA at
TARLAC Batas Militar
Sedisyon
MGA PANGKAT NG KATIPUNAN SA CAVITE Magdiwang- naniniwalang dapat ipagpatuloy ang himagsikan Magdalo- naniniwalang pagkakaroon ng Rebolusyonaryong Pamahalaan
PAGTITIPON SA TEJEROS Marso 22, 1897 Eleksyon ng mga pinuno Aguinaldo- pinuno Bonifacio- kalihim panloob Umalis sa bulwagan si Bonifacio
MAYO 10, 1897 Si Andres Bonifacio at ang kapatid na si Procopio ay nilitis at hinatulan ng
kamatayan
REPUBLIKA NG MALOLOS Itinatag noong Setyembre 5, 1898 Barasaoin, Malolos Pinuno si Aguinaldo Tagapayo si Apolinario Mabini Ang unang pangulo ay si Pedro Paterno
KAHINAAN Kakulangan sa armas Kakulangan sa maayos na plano Kakulangan (kawalan) ng pagkakaisa
MGA PANGYAYARI SA BIAK NA BATO1. Pagbabago sa istratehiya: naging gerilya (patago)2. Promulgasyon ng Konstitusyong Biak-na-Bato3. Kasunduan sa Biak-na-Bato
Pag-uusap sa pagitan ni Aguinaldo at Gobernador Heneral Primo de Rivera
APAT NA PROBISYON NG KASUNDUAN
Nangako si Emilio Aguinaldo at kanyang mga kasamahan na lilisanin ang bansa patungong ibang bayan bilang mga tapon
Magsusuko ng mga armas ang mga Pilipino Magbabayas ang pamahalaang Espanyol ng 800,000 piso na huhulugan
sa tatlong paraan (INSTALLMENT) :1. 400,000 piso, pag-alis ni Aguinaldo sa Biak-na-Bato2. 200,000 piso, kapag lumampas sa 700 ang mga armas na isinuko
ng mga rebelled3. 200,000 piso, matapos awitin ang Te Deum sa simbahan at
ipahayag ng gobernador heneral ang amnestiya sa mga rebelled Magbabayad ang pamahalaang Espanyol ng 900,000 piso sa mga
pamilyang ‘di lumahok sa digmaan ngunit napinsala ng digmaan
KAHINAAN1. Kahinaan ng Pamahalaan
a. Mga inggitan sa hanay ng mga opisyal2. Paghina ng Hukbo
a. Pagkamatay ni Gregorio Del Pilar at Antonio Lunab. Pagkahuli kay Aguinaldo
3. Kawalan ng Pagkakaisa at Pagtutulungana. Pagkakabahabahagi ng mga sundalo (usapin ng katapatan)b. Pagtulong ng mga taga-Macabebe sa mga sundalong amerikano upang
madakip si Aguinaldo
MGA POSIBLENG DAHILAN NG PAGKATALO1. Kahinaan ng pamahalaan at military2. Kawalan pagkakaisa at pagtutulungan3. Pagtataksil
DIGMAANG PILIPINO-AMERIKANO
KASUNDUAN SA PARIS Disyembre 10, 1898 Kasuduan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos Nilagdaan ng tig-isang kinatawan mula sa dalawang bansa
Magbibigay ang US ng 20 milyong dolyar sa Espanya bilang bayad pinsala
Isusuko ng Espanya ang Pilipinas sa Estados Unidos
BENEVOLENT ASSIMILATION Disyembre 21, 1898 Pahayad ni Pangulong William McKinley Ipinalalabas na mananatili sa Pilipinas ang mga Amerikano hindi bilang
manlulupig kundi bilang kaibigan Tungkulin ng mga Amerikano na kupkupin ang mga Pilipino at tulungang
magkaroon ng maunlad at sibilisadong pamumuhay Hiniling ni Aguinaldo na maging protectorate ang Pilipinas ng Amerika Pagkakaroon ng saligang batas ng Malolos Inagurasyon ng republika Pagpapatibay ng pamamahala ni Aguinaldo
SIMULA NG DIGMAAN Pebrero 4, 1899 Tulay ng Santa Mesa, Maynila Pagkamatay ng 3 Pilipino Binaril ni Robert Grayson at Miller Binaril dahil sumagot ang isang Pilipino ng Halto Dali-daling sinang-ayunan ang Kasunduan sa Paris dahil ditto
SITWASYON Matagal at madugong digmaan Sa una harapan ang nagging laban Noong nagkulang sa armas at bala nagging gerilya ang taktika ng mga
Pilipino Ang mga base ng mga Pilipino ay nasa mga liblib at mahirapna
matumbok na mga lugar Mga hukbong Pilipino ay maliliit Sa bandang huli hindi na sila nagrebelde sa Luzon dahil “walang
natirang” magrerebelde
PAGKAHULI KAY EMILIO AGUINALDO Nahuli dahil sa mga taga-Macabebe na tumulong sa mga Amerikano Palanan, Isabela Pagpapanggap ng mga taga-Macabebe Sorpresa kela Aguinaldo
Sumuko si Aguinaldo
KONSOLIDASONG PULITIKAL
KOMISYONG SCHURMAN Itinalaga noong ika-20 ng Enero taong 1899 Kaunaunahang amerikanong komisyon sa Pilipinas Pinamumunuan ni John Schurman Madaling pagkuha ng mga Pilipino ng benepisyo Pagpapadali ng makatao, mapayapa at epektibong pagtatalaga ng panunungkulan ng Estados Unidos sa Pilipinas Pagkakaroon ng Gobernador-Heneral na mamumuno sa Pilipinas Pagkakaroon ng grupo na gagawa ng mga batas Pagkakaroon ng hukuman Pagkakaroon ng sibilyang empleyado ng pamahalaan na kukunin batay
sa kanilang galing
KOMISYONG TAFT Itinatag isang taon matapos Itinatag ang Komisyong Schurman Marso 1900 Pinamunuan ni William Howard Taft Nagpapatupad ng higit kumulang limang daang batas Magtatag ng isang pamahalaang sibil
1902 PHILIPPINE ORGANIC ACT Naitalaga ang pamahalaang sibil sa pamamagitan ng act na ito Itatatag ang pambansang asambleang binubuo ng Pilipinong gagawa ng
batas kasama ang komisyong sibil Pagkakaroon ng talaan ng karapatan ng mga Pilipino sa Estados Unidos
upang magmasid sa kanilang kongreso Bibigyan ng karapatan ang mga Pilipino na makausap ang mga prayle
tungkol sa isyu ng lupa Aalisin ang katolisismo bilang pangunahing relihiyon sa Pilipinas Magiging pananalapi ng Pilipinas ang dolyar ng Estados Unidos
BATAS JONES 1916 Ikalawang batas organiko Pangako ng Estados Unidos sa pagsasatupad ng kasarinlan ng Pilipinas
Sinasaad na ipagkakaloob ng Estados Unidos ang kasarinlan sa Pilipinas kung matatag ang pamahalaan ng mga Pilipino
Nagkaloob ng lehislatibong sangay ng pamahalaan na binubuo ng mga Pilipino na maaring gumawa ng mga batas
Ang mga tagagawa ng batas na Pilipino ay hindi maaaring gumawa ng mga batas may kinalaman sa karpatan ng mamayan, ugnayang panlabas, at buwis at pananalapi
Kailangan muna padaanin sa Kongreso ng Estados Unidos
BATAS TYDINGS-MCDUFFIE AT BATAS HARE-HAWES CUTTING Itinalaga noong taong 1935 Si Manuel Roxas at Sergio Osmena ay pumunta sa Estados Unidos
upang gawing isang malayang bansa ang Pilipinas. Dahil dito, itinalaga ang batas Hare-Hawes Cutting
Makalaya ang Pilipinas kapag natapos ang sampung taon sa pamahalaang transisyon
Ang pamahalaang Commonwealth ay magbabayad ng buwis kapag ang produkto ng Pilipinas ay papasok sa Estados Unidos
Tinanggi ang batas at pinalitan ng Batas Tydings-McDuffie dahil ikinabahala ng Estados Uindos ang pangalawang kondisyon
Ito ang mga kondisyon ng Batas Tydings-McDuffie: Magkakaroon nang sampung taong pamahalaang transisyon, bago ibigay
ang kalayaan ng Pilipinas Magtatawag nang Kumbensyong Konstitusyonal o Constitutional
Conventions na bubuuin ng mga delegadong Pilipino Ang ibang lupain ng Pilipinas ay magiging pag-aari ng Estados Unidos at
gagamitin ang lupain para sa base militar ng Estados Unidos Limampung Pilipino lamang ang maaaring pumasok sa Estados Unidos
PAALAALA: Ang pinagkaiba lamang ng Batas Hare-Hawes Cutting at Batas Tydings McDuffie ay ang huling dalawang kondisyon sa idinagdag ng US.
KONSOLIDASYONG EKONOMIKO
Basahin sa Libro pahina 198-201
KONSOLIDASYONG SOSYO-KULTURAL
Basahin sa Libro pahina 202-206