araling panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. bukod dito, inaasahan mula sa iyo na...

30
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 5: Mga Likas na Yaman at Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano 7

Upload: others

Post on 10-Nov-2020

39 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

Araling Panlipunan

Unang Markahan - Modyul 5:

Mga Likas na Yaman at

Implikasyon nito sa Pamumuhay

ng mga Asyano

7

Page 2: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 5: Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD, CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Dionalyn U. Dimagiba

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /

Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Aileen C. Clemente / Maesie T. Dela Peña

Tagalapat: Ruel S. Reyes / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R. Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 5

Mga Likas na Yaman at

Implikasyon nito sa Pamumuhay

ng mga Asyano

Page 4: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Likas na Yaman ng Asya at

Implikasyon nito sa Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode

(ADM) Modyul ukol sa Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa

Pamumuhay ng mga Asyano.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

v

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Nasusuri ang yamang likas at ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal sa

pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.

Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:

Leksyon 1: Mga Likas na Yaman ng Asya

Leksyon 2: Implikasyon ng Kapaligirang Pisikal at Yamang Likas sa

Pamumuhay ng mga Asyano.

Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. natutukoy ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at likas na yaman sa

pamumuhay ng mga Asyano;

2. napapahalagahan ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman at

kapaligirang pisikal sa pagpapaunlad ng ekonomiya, agrikultura, at

panahanan ng bansa; at

3. nakapagbibigay ng hakbang o pamamaraan ng wastong paglinang at

paggamit ng likas na yaman at kapaligirang pisikal.

Mga Tala para sa Guro

Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

2

Subukin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang sagutang papel.

1. Ano ang pangkalahatang tawag sa mga bagay na nagmumula sa kalikasan tulad

ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga depositong mineral?

A. heograpiya

B. kapaligirang pisikal

C. likas na yaman

D. vegetation

2. Alin sa sumusunod ang itinuturing na pangunahing tagalinang ng kapaligiran

para sa kabuhayan at pagtugon sa pangangailangan?

A. halaman

B. hayop

C. kapaligiran

D. tao

3. Anong rehiyon sa Asya ang kinikilalang may pinakamaraming yamang mineral

partikular na ang petrolyo at langis?

A. Hilagang Asya

B. Kanlurang Asya

C. Silangang Asya

D. Timog Asya

4. Bakit mahalaga ang mga likas na yaman sa buhay ng mga Asyano?

A. Dahil ito ang tumutustos sa pangangailangan ng bansa

B. Dahil ito ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng bansa

C. Dahil ito ay nagbibigay panahanan, pagkain at kabuhayan sa

mamamayan

D. Lahat ng nabanggit

5. Sa paanong paraan nakatutulong ang tatlong uri ng mineral sa pamumuhay ng

mga taga Tajikistan?

A. Hinahayaan lamang ito upang mapreserba

B. Ginagamit ito upang kainggitan ng iba pang mga bansa

C. Ginagamit nila ito upang makipagpalitan ng produkto

D. Tumutulong ito upang mapaangat ang kanilang ekonomiya

6. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang likas na yaman?

A. Ginagamit ng tao ang likas ng yaman upang yumaman

B. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang kumita ng pera

C. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapakipakinabang

D. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang hindi maubusan para sa

kanyang pansariling pangangailangan

Page 9: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

3

7. Ano ang hindi mabuting dulot ng walang habas na paggamit ng tao sa kalikasan?

A. Pagkasira ng kalikasan sa patuloy na hindi tamang paglinang nito

B. Pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon

C. Patuloy nitong matutugunan ang ating mga pangangailangan

D. Patuloy na pagdami ng likas na yaman

8. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang Kyrgyzstan na itinuturing na

isa sa may pinakamalaking deposito ng ginto?

A. Hilagang Asya

B. Kanlurang Asya

C. Silangang Asya

D. Timog Asya

9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa mga gawain na may kaugnayan sa

produksyon ng halaman at hayop?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

10. Anong bansa sa Timog-Silangang Asya ang nangunguna sa produksiyon ng

langis ng niyog at kopra?

A. Brunei

B. Cambodia

C. Myanmar

D. Pilipinas

11. Sa patuloy na pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan

ng ikabubuhay at pananahanan. Anong implikasyon ang tinutukoy nito?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

12. Ang mga likas na yaman ay nagbibigay pagkain mula sa pagsasaka. Anong

implikasyon ang pinapakita ng pahayag na ito?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

13. Ang mga likas na yaman ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng isang

bansa kung malilinang ito ng tama. Anong implikasyon ang tinutukoy nito?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

Page 10: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

4

14. Habang patuloy na tumataas ang populasyon ng mga tao, lalong nagiging mataas

ang pangangailangan ng lupain na mapagtataniman upang makasapat sa

pagtugon sa pangangailangan sa pagkain. Anong implikasyon ang pinapakita ng

pahayag na ito?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

15. Ang land conversion o pagpapalit-gamit ng lupa ay isang halimbawa ng anong implikasyon?

A. agrikultura

B. ekonomiya

C. kapaligiran

D. panahanan

1

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 11: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

5

Aralin

1 Mga Likas na Yaman ng Asya at Implikasyon nito sa Pamumuhay

ng mga Asyano

Natuklasan mo sa nakaraang aralin kung paano

natutugunan ng mga yamang likas ang pangangailangan ng

tao. Sa iyong paglalakbay sa nakaraang aralin, naitanong mo

ba sa iyong sarili kung ano ang mga likas na yaman na taglay

ng bawat rehiyon sa Asya? Ano ang implikasyon nito sa

pamumuhay ng mga Asyano? Bago mo tuklasin ang

kasagutan sa mga katanungan na ito, mahalagang balikan mo

ang iyong mga natutuhan sa nakaraang aralin upang lubos

mong maunawaan ang mga paksa na tatalakayin sa bagong

araling ito.

Balikan

Aral ng Nakaraan, Ating Balikan!

Bilang pagbabalik-aral sa iyong mga natutuhan tungkol sa mga uri ng likas

na yaman sa Asya, sagutin ang sumusunod na mga katanungan. Gamiting gabay

ang larawan sa ibaba.

Page 12: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

6

Malaki ang bahaging ginagampanan ng likas na yaman sa pagpapaunlad ng

kabihasnan noon at maging sa kaunlarang hinahangad ng mga mamamayan sa

kasalukuyan. Ito ang tumutustos sa pangangailangan ng tao upang mabuhay at

mapaunlad ang kanilang kabuhayan.

Tuklasin

Sa bahaging ito ay magsisimula na ang iyong pagtuklas sa

bagong aralin. Tuklasin ang mga likas na yaman ng Asya at ang

implikasyon nito sa pamumuhay ng mga Asyano noon at sa ngayon.

Handa ka na bang matuto? Halina at sasamahan kita sa iyong

pagtuklas! Simulan mo ito sa pagsasagot ng gawaing magpapakilala

sa bagong aralin.

Pagsusuri sa Tula

Panuto: Basahin at unawain ang tula sa ibaba at sagutin ang sumusunod na mga

katanungan.

Kalikasang aking Kayamanan

Ni Dionalyn Dimagiba

Kalikasan, ikaw ang aking kayamanan

Sa iyo nagmumula ang aming kabuhayan

Dahil sa likas mong yaman, napupuno ang hapag-kainan

Ika’y pinagmumulan ng bawat pagkaing pinagsasaluhan.

Sa kapaligiran nanggagaling, produktong iniluluwas

Kaya antas ng pambansang kita ay tumataas

Katawan ay lumalakas, nag-aabang ng magandang bukas

Bansa ay umuunlad, salamat sa iyong yamang likas.

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

___________________

Ano ang mga uri ng

likas na yaman na

matatagpuan sa Asya?

Paano natutugunan ng

likas na yaman ang

pangangailangan ng

tao?

Ano-ano ang epekto

ng paglinang ng tao sa

kapaligiran?

Page 13: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

7

Patuloy ang biyaya mo, noon at maging sa ngayon

Bigay mo ring tirahan dala ay proteksyon

Hindi maikakaila ang natatangi mong kontribusyon

Naging dahilan ng pagsulong ng mga nasyon.

Ngunit unti-unting nababahala sa mga kaganapan

Hindi namamalayang inaabuso ka na nang tuluyan

Pagkuha ay walang habas, paggamit ay walang alinlangan

Sa huli naunawaan, ang lahat ay may hangganan.

Kapaligiran ay dumurumi, basura ay dumadami

Suliranin ay lumalaki, nawawala na rin ang biodiversity

Sa pagkawala ng kayamanan, ako mismo ang saksi

Sa paglaho ng kalikasan, paano ba iwawaksi?

Sagutin ang mga kasunod na tanong.

1. Tungkol saan ang tulang iyong binasa?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

2. Bakit itinuturing ang kalikasan bilang kayamanan?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

3. Sa paanong paraan nakatulong ang likas na yaman sa kabuhayan at pag-unlad

ng mga bansa?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

4. Ipaliwanag ang ibig sabihin ng mga pahayag na “Sa pagkawala ng kayamanan,

ako mismo ang saksi. Sa paglaho ng kalikasan, paano ba iwawaksi”?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

5. Ano ang mensaheng gustong iparating ng may akda sa kanyang tula?

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

______________________________________________________________________________

Page 14: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

8

Suriin

Napag-isipan mo na ba kung ano-ano ang mga likas na yaman na

taglay ng bawat rehiyon? Paano ito nakatulong sa pagpapaunlad ng

pamumuhay sa mga rehiyon nito? Halina at iyong tuklasin ang

kasagutan sa mga katanungan na ito.

Tunghayan mo ang dayalogo ng bawat rehiyon tungkol sa

saganang likas na yaman na kanilang taglay.

MGA LIKAS NA YAMAN NG ASYA

Sagana ang Asya sa likas na yaman o pangkalahatang tawag sa mga bagay

na nagmumula sa kalikasan tulad ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga

depositong mineral. Malaki ang kapakinabangan ng mga likas na yaman na ito

hindi lamang sa pansariling kapakanan at kabuhayan, maging sa pagpapaunlad

ng ekonomiya ng bansa. Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagtataglay ng mga likas

na yaman na nakakatulong sa pag-unlad ng pamumuhay sa mga rehiyon na ito.

Ako si Hilagang Asya, may malawak

akong damuhan na mainam pagpastulan ng

mga alagang hayop. Ngunit dahil sa matinding

lamig na aking taglay halos walang puno ang

nabubuhay sa akin. Ang tanging yamang gubat

ko lang ay ang troso mula sa Siberia.

Gayunpaman, matatagpuan mo sa akin ang

Kyrgyzstan na isa sa may pinakamalaking

deposito ng ginto at Uzbekistan na nangunguna

sa produksyon nito. Samantalang ang

Tajikistan naman ay sagana sa phosphate,

ginto, at natural gas na produkto rin ng

Turkmenistan at Russia.

Sa yamang tubig naman, nariyan ang

caviar (itlog) ng malalaking isdang likas dito na

tinatawag na sturgeon. Mayroon din akong

tanim na trigo, palay, at barley, gayundin ang

bulak, gulay, tabako, at sugar beets.

Nagkakaroon din ang aking mga tao ng karne at

gatas na nagmumula sa mga alagang baka at

tupa. Anong likas na yaman ang taglay mo?

Timog Asya?

Page 15: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

9

Ako naman si Timog Asya, pangunahing

kinabubuhay rito ay pagsasaka kaya sa yamang

lupa ako ay sagana. Mahalagang produkto ko ay

trigo, jute, tubo, gulay lalo na ang palay.

Pinagmamalaki ko rin ang mga kapatagan at

lambak na pinagyayaman ng ilog Indus, Ganges,

at Brahmaputra sa India. Malaki ang reserba ng

bakal at karbon ng bansang ito. Sa yamang

kagubatan naman, nariyan ang kagubatan ng

Nepal na sa gulod ng bulubunduking Himalayas

matatagpuan. Sa mga baybaying dagat naman

ng Pakistan ay matatagpuan ang mga gubat ng

bakawan. Hitik naman sa puno ng mahogany at

iba’t ibang uri ng palm ang gubat ng Timog-

Kanlurang Sri Lanka. Sa akin mo rin

matatagpuan ang kagubatang evergreen at mga

punong satinwood at ebony.

Sagana ang Indian Ocean sa iba’t ibang

yamang dagat. Paghahayupan naman ang

kapakinabangang hatid ng Bangladesh at

Afghanistan. Sa yamang mineral naman,

pangunahing produkto ko ay batong apog,

bakal, tanso, langis, karbon, asin at gypsum.

May likas na yaman ka rin bang ipagmamalaki

sa Silangang Asya?

Oo naman Timog Asya, ako si

Silangang Asya na sagana sa yamang lupa.

Sa akin ninyo matatagpuan ang China na

sakop ang 7% ng lupa sa mundo na

maaaring pagtaniman ng iba’t ibang uri ng

pananim. Ako ay nangunguna sa

produksyon ng palay sa buong mundo. Ilang

bahagi rin ng Silangang Asya ay nakatuon sa

paghahayupan kung saan ang malalaking

hayop ang kanilang ginagamit sa

paghahanapbuhay. Malaki rin ang ambag ng

mga anyong tubig sa pamumuhay ng mga

nakatira sa akin. Salat man ang Japan sa

yamang mineral, nangunguna pa rin ang

bansang ito sa industriyalisasyon.

Nagtatanim sila ng mulberry na pagkain ng

silkworm na dahilan upang manguna sila sa

industriya ng telang sutla.

Page 16: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

10

Sa yamang mineral naman, ako ay mayaman.

Kanlurang Asya ang pangalan ko, sagana ako sa

langis at petrolyo. Sa akin ninyo matatagpuan ang

Saudi Arabia na pinakamalaking tagaluwas ng

petrolyo sa buong daigdig. Malaki rin ang

produksyon ng langis sa mga bansang Iran, Iraq,

United Arab Emirates (UAE), Kuwait, at Oman. Ang

natural gas, tanso, potash, zinc, magnesium at

phosphate ay ilan din sa mga yamang mineral na

mayroon ako.

Ang mga nakatira sa akin ay nagtatanim sa

mga oasis. Ilan sa pangunahing produkto sa Iran ay

trigo, barley, palay, bulak, mais, tabako, at prutas.

Nangunguna naman ang Iraq sa produksyon ng

dates at dalandan naman sa Israel. Ang

paghahayupan din ay isa sa kabuhayan ng mga

naninirahan sa akin.

Hindi rin ako magpapahuli, Timog-

Silangang Asya ang ngalan ko, sa yamang

kagubatan ay mayaman ako. Ang bansang

Brunei ay may malalawak na kagubatan na

tirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at

reptile. Sa kagubatan naman ng Myanmar ay

matatagpuan ang pinakamaraming punong

teak sa buong mundo, samantalang sa

Pilipinas naman matatagpuan ang mga

punong palm at matitigas na kahoy gaya ng

apitong, yakal, kamagong, ipil, at narra.

Sagana rin ako sa mga pananim. Sa

katunayan ay sa akin mo matatagpuan ang

Pilipinas na siyang nangunguna sa

produksyon ng langis ng niyog at kopra. Sa

yamang mineral naman, malaki ang

kapakinabangan ng Indonesia dahil sa

malaking deposito ng langis at natural gas na

pangunahing mineral rin sa Malaysia. Ang

malalaking ilog ko rin ay pinagtatayuan ng

dam na nililinang para sa hydroelectric power

na pinagkukunan ng kuryente. Mayroon ka rin

bang maipagmamalaking likas yaman?

Page 17: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

11

IMPLIKASYON NG LIKAS NA YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO

Natatangi ang kontinente ng Asya dahil sa taglay nitong mga bagay na may

buhay na bumubuo sa kalikasan at kapaligirang pisikal na nililinang ng mga tao

upang mapaunlad ang kanilang pamumuhay. Ang kapaligirang pisikal ay ang

katangian ng daigdig na binubuo ng anyong lupa, klima, anyong tubig, wildlife,

vegetation, at mineral. Malaki ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa iba’t ibang

aspekto tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan. Ang agrikultura ay

tumutukoy sa mga gawaing may kaugnayan sa produksyon ng halaman at hayop

kasama ang paglilinang ng lupa. Samantalang ang ekonomiya naman ay binubuo

ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan sa paglikha,

pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at serbisyo. Malaki rin ang

implikasyon ng likas na yaman sa panahanan o istrukturang gawa ng tao kung saan

namumuhay ang mga ito.

*

PAGSURI SA

BALANGKAS

Sa pagsasaka nagmumula ang pagkain ng mga

tao maging ang produktong panluwas. Kung ang lupain ay

malawak at mataba, mas matutugunan ang pangangailangan

ng bansa at mas makapagluluwas ng maraming produkto.

Karamihan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya

upang mapalaki ang kanilang produksyon samantalang may

ilang mga mamamayan ang may maliit na sakahan at

nagbubukid para sa pansariling kabuhayan.

Agrikultura

Malaki ang naging bahagi ng likas na yaman

sa pag-unlad ng maraming bansa sa Asya. Sa likas na yaman

nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga produktong

kanilang iniluluwas. Sa tulong ng tradisyunal at makabagong

teknolohiya ay napapataas ang antas ng pambansang kita na

magpapabuti sa pamumuhay ng mamamayan ng isang bansa.

Gayunpaman, hindi maiiwasan ang pagkaubos ng likas na

yaman dahilan upang ang ilang mga bansa ay hindi na ito

mapakinabangan.

Ekonomiya

Sa patuloy na pagtaas ng populasyon, patuloy

ring dumarami ang nangangailangan ng ikabubuhay o

pananahanan. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang

lupa ay limitado lamang kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa

ang land conversion o pagpapalit-gamit ng lupa, na nagiging

dahilan ng pagkasira ng tirahan ng hayop at pagkawala ng

ilang mga sakahan. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang

baguhin ang kakayahan ng lupa at maging ang kanilang

kapaligiran.

Panahanan

Implikasyon ng Likas na Yaman

Page 18: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

12

Mahusay! Natuklasan mo ang mga likas na yaman na taglay ng mga rehiyon

sa Asya gayundin ang implikasyon ng kapaligirang pisikal sa kanilang pamumuhay.

Napagtagumpayan mo rin ang paunang gawaing patungkol sa bagong

konsepto at mga kasanayan nito. Handa ka na ba sa pagpapatuloy ng mga gawain

at pagsasanay na magpapatibay sa iyong pag-unawa at mga kasanayan sa paksa?

Halina at iyong kaalaman ay pagyamanin!

Pagyamanin

A. Anong Mayroon sa Iyong Rehiyon?

Panuto: Punan ng mga detalye ang diyagram sa ibaba. Isulat sa kahon

ang likas na yaman na sagana sa bawat rehiyon sa Asya. Isulat ang sagot

sa sagutang papel.

B. Dalawang Pagpipilian

Panuto: Basahin ang mga pahayag sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot na nasa

loob ng panaklong. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang Asya ay (sagana / salat) sa likas na yaman.

2. Ang Hilagang Asya ay (malawak / makitid) na damuhan na maaaring

pagpastulan ng alagang hayop.

Hilagang Asya

Kanlurang Asya

Silangang Asya

Timog Asya

Timog-

Silangang Asya

Likas na

Yaman sa

Asya

Page 19: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

13

3. Sa Kyrgyzstan matatagpuan ang isa sa may (pinakamalaki / pinakamaliit) na

deposito ng ginto.

4. Likas ang (malalaki / maliliit) na isdang sturgeon sa Hilagang Asya.

5. Sagana sa yamang (lupa / tubig) ang Indian Ocean ng rehiyong Timog Asya.

6. Ang Pilipinas ay (nangunguna / nahuhuli) sa produksyon ng langis ng niyog at

kopra.

7. Ang Kanlurang Asya ay sagana sa yamang (mineral / tubig)

8. Maraming bansa sa Asya ang (papaunlad / papalugi) dahil sa likas na yaman.

9. Ang land conversion ay isang halimbawa ng implikasyon sa

(ekonomiya / panahanan).

10. Ang pagpapataas ng antas ng pambansang kita mula sa pagluwas ng likas na

yaman ay nagpapakita ng implikasyon sa (ekonomiya / agrikultura).

C. Kabuhayang Dala ng Yaman

Panuto: Suriin ang mga likas na yaman o produktong nasa ibaba. Isulat

sa kahon ang kabuhayang bunsod nito. Isulat ang sagot sa sagutang

papel.

palay

trigo

mais at

prutas

sturgeon

yamang

dagat mula

Indian

Ocean

ginto

tanso

apog

phosphate

Kabuhayan:

kambing

baboy

baka at

manok

silkworm

Kabuhayan: Kabuhayan:

Kabuhayan: Kabuhayan:

1. 2. 3.

4. 5.

Page 20: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

14

D. Kulang Ako Kung Wala ka!

Panuto: Punan ng tamang kasagutan ang bawat patlang upang mabuo ang

sanaysay. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

E. Positibo o Negatibo

Panuto: Isulat ang (plus sign) kung positibo ang inilalahad ng

pahayag at kung negatibo naman ay isulat ang (minus sign). Isulat

ang sagot sa sagutang papel.

1. Sagana ang Asya sa iba’t ibang likas na yaman.

2. Mayaman ang Indian Ocean sa mga yamang dagat.

3. Patuloy ang pagkaubos ng likas na yaman dahil sa walang habas na

paggamit nito.

4. Natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan ng bansa.

5. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang.

6. Sa tulong ng mga likas na yaman, napataas ang antas ng pambansang

kita ng mga bansa na nagpabuti sa pamumuhay ng mga mamamayan

nito.

Natatangi ang kontinente ng 1. ______________________ dahil sa

taglay nitong 2. ______________________ o mga bagay na nagmumula sa

kalikasan tulad ng lupa, kagubatan, karagatan, ilog at mga depositong

mineral. Malaki ang kapakinabangan ng mga likas na yaman na ito hindi

lamang sa pansariling kapakanan at 3. ______________________ maging sa

pagpapaunlad ng ekonomiya ng bansa. Ang bawat rehiyon sa Asya ay

nagtataglay ng mga likas na yaman na syang nakakatulong sa pag-unlad

ng pamumuhay sa mga rehiyon na ito. Ilan sa pangunahing produkto ng

Hilagang Asya ay mga yamang 4. ______________________ tulad ng ginto,

phosphate at natural gas. Pagsasaka naman ang pangunahing

ikabubuhay sa Timog Asya. Mahalagang produkto dito ay jute, trigo,

tubo at gulay. Sagana naman ang 5. ______________________ sa yamang

kagubatan. Sa rehiyon na ito matatagpuan ang bansang Pilipinas na

sagana sa punong palm at matitigas na kahoy gaya ng apitong, yakal at

narra. Palay ang pangunahing pananim sa Silangang Asya na

nangunguna sa produksyon nito sa buong mundo. Ang

6. ______________________ ay sagana sa yamang mineral partikular na sa

7. ______________________ at petrolyo. Matatagpuan sa rehiyong ito ang

bansang 8. ______________________ na pinakamalaking tagaluwas ng

petrolyo sa buong daigdig. Ang likas na yaman at kapaligirang pisikal ay

may malaki ang implikasyon sa iba’t ibang aspekto tulad ng

9. ______________________, 10. ______________________, at panahanan.

Page 21: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

15

7. Ang tirahan ng mga hayop ay nasisira dahil sa pagpapalit-gamit ng lupa

o land conversion.

8. Ang malalaking ilog ay pinagtatayuan ng dam ng ilang mga bansa at

nililinang para sa hydroelectric power na siyang pinagkukunan ng

kuryente.

9. Ang Pilipinas ay nangunguna sa buong daigdig sa produksyon ng langis

ng niyog at kopra.

10. Ang Timog-Silangang Asya ay may malawak na kagubatan na

nagsisilbing panirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon at reptilya.

F. ImPILIkasyon

Panuto: Suriin ang mga pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik A kung ang

pahayag ay implikasyon sa Agrikultura, E kung sa Ekonomiya at P kung ito ay

implikasyon sa Panahanan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___ 1. Ito ay tumutukoy sa mga gawain na may kaugnayan sa produksyon ng

halaman at hayop kasama na ang paglilinang ng lupa.

___ 2. Binubuo ng mga gawain ng tao, pamayanan at institusyon na may kaugnayan

sa paglikha, pamamahagi, palitan at pagkonsumo ng mga produkto at

serbisyo.

___ 3. Kayarian o istrukturang gawa ng tao kung saan namumuhay ang mga ito.

___ 4. Isang katotohanan na ang populasyon ay lumalaki ngunit ang lupa ay hindi,

kung kaya’t ang ilan ay isinasagawa ang land conversion o pagpapalit-gamit

ng lupa.

___ 5. Ang mga likas na yaman ay nagpapataas ng antas ng pambansang kita ng

isang bansa kung malilinang ito nang tama.

___ 6. Ang mga likas na yaman ay nagbibigay ng pagkain mula sa pagsasaka.

___ 7. Sa pagdami ng tao ay patuloy din ang pagdami ng nangangailangan ng

pananahanan.

___ 8. Paggamit ng tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan lupa.

___ 9. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga

produktong iniluluwas ng mga bansa.

___ 10. Karamihan ay gumagamit ng mga makabagong makinarya upang mapalaki

ang kanilang produksyon.

Page 22: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

16

Isaisip

Ganap mo nang napaunlad sa bahaging ito ang iyong kasanayan

at kaalaman tungkol sa mga likas na yaman ng Asya at implikasyon nito

sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa puntong ito, ay magagamit mo ang

iyong mga natutunan sa pagsagot sa gawaing ito. Kumpletuhin ang

sumusunod na mga pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Natutunan ko na ang mga likas na yaman sa Asya ay

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Malaki ang implikasyon ng kapaligirang pisikal at

likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano sapagkat

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

___________________________________________________________

Page 23: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

17

Isagawa

Ako ang Boses ng Kalikasan!

Panuto: Ikaw ay nabigyan ng pagkakataon na makausap ang iba’t ibang

pinuno ng mga bansa mula sa mga rehiyon sa Asya. Kinakailangan

makapagbigay ka ng mensahe na magsusulong sa pangangalaga at

wastong paggamit ng likas na yaman. Sa paanong paraan mo hihikayatin

ang iyong mga tagapakinig? Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

Rubrik: Ako ang Boses ng Kalikasan

Pamantayan Puntos

Nilalaman Mahusay na nakalikha ng mensahe. Nabigyang-

diin ang layunin ng mensahe na isulong ang

pangangalaga sa kapaligiran at wastong paggamit

ng likas na yaman.

8

Organisasyon Malinaw ang layunin at kaisipang inilalahad sa

mensahe. Mahusay ang pagkakasunod-sunod ng

ideya.

5

Kakintalan Napukaw ang atensyon ng mga mambabasa at nag-

iwan ng malalim at magandang na impresyon. 7

Kabuuang Puntos 20

Page 24: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

18

Binabati kita dahil maayos mong natapos ang mga nakalipas na gawain.

Napagtagumpayan mo ang iyong paglalakbay at may sapat ka ng kaalaman at

kasanayan patungkol sa mga likas na yaman sa Asya at implikasyon nito sa

pamumuhay ng mga Asyano.

Inaasahan ko na isasabuhay mo ang kaalaman na iyong natutunan sa

paksang tinalakay.

Tayahin

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang

sagutang papel.

1. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa likas na yaman na taglay ng Asya?

A. Ang Asya ay sagana sa likas na yaman na pinagmumulan ng kabuhayan

dito.

B. Hindi napakikinabangan ng mga Asyano ang likas na yaman sa Asya.

C. Hindi natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan ng mga Asyano.

D. Salat sa mga likas na yaman ang kontinente ng Asya.

2. Paano nagkakaroon ng tamang ugnayan ang tao at ang mga likas na yaman?

A. Ginagamit ng tao ang likas ng yaman upang yumaman.

B. Ginagamit ng tao ang likas na yaman upang kumita ng pera.

C. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang maging kapakipakinabang.

D. Nililinang ng tao ang likas na yaman upang hindi maubusan para sa

kanyang pansariling pangangailangan.

3. Paano mo ilalarawan ang mga likas na yaman sa Hilagang Asya?

A. Bagama’t wala halos nabubuhay na puno dahil matinding lamig ay sagana

naman ito sa mga yamang mineral gaya ng ginto, phosphate at natural gas.

B. May malawak na kagubatan na tirahan ng iba’t ibang uri ng unggoy, ibon

at reptile.

C. Sagana at nangunguna sa produksyon ng palay sa buong mundo.

D. Salat sa yamang mineral ngunit nangunguna sa industriyalisasyon ng tela.

4. Ano ang hindi mabuting dulot ng walang habas na paggamit ng tao sa kalikasan?

A. Patuloy na pagdami ng likas na yaman.

B. Patuloy nitong matutugunan ang ating mga pangangailangan.

C. Pagkasira ng kalikasan dahil sa hindi wastong paglinang dito.

D. Pagkakaroon ng magandang kinabukasan ng mga susunod na henerasyon.

Page 25: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

19

5. Saang rehiyon matatagpuan ang bansang Pilipinas na nangunguna sa

produksyon ng langis ng niyog at kopra sa buong mundo?

A. Hilagang Asya

B. Kanlurang Asya

C. Silangang Asya

D. Timog Silangang Asya

6. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng kapakinabangan ng

likas na yaman sa pamumuhay ng mga Asyano.?

A. Natutugunan ng likas na yaman ang pangangailangan sa panahanan at

kabuhayan.

B. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at produktong

iniluluwas ng mga bansa sa Asya.

C. Tumataas ang antas ng pambansang kita ng mga bansa dahil sa paglinang

sa mga likas na yaman.

D. Lahat ng nabanggit.

7. Salat man ang Japan sa yamang mineral ay nangunguna pa rin ang bansang ito

sa industriyalisasyon. Sa anong partikular na industriya nangunguna ang

bansang Japan?

A. ginto C. petrolyo

B. langis ng niyog D. telang sutla

8. Alin sa mga sumusunod ang angkop na konklusyon sa pahayag na “Ang

populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang kung kaya’t

ang ilan ay isinasagawa ang land conversion na nagiging dahilan ng pagkasira

ng tirahan ng mga hayop”?

A. Habang patuloy lumalaki ang populasyon, lalong nagiging mataas ang

pangangailangan para sa likas na yaman partikular sa panahanan.

B. Hindi mapipigilan at makokontrol ang pagtaas ng populasyon.

C. Mahalaga ang land conversion upang matugunan ang pangangailangan sa

panahanan ng tao.

D. Nagiging sagabal ang tirahan ng mga hayop sa pangangailangan ng tao.

9. Sa Kanlurang Asya matatagpuan ang Saudi Arabia na pinakamalaking tagaluwas

ng petrolyo sa buong daigdig. Sagana rin ang rehiyong ito sa natural gas, tanso,

potash, zinc, magnesium at phosphate. Anong konklusyon ang mabubuo mula

sa pahayag?

A. Pagluluwas ng petrolyo ang tanging kabuhayan sa Kanlurang Asya.

B. Salat sa yamang mineral ang Kanlurang Asya.

C. Sagana at kilala ang Kanlurang Asya sa mga yamang mineral.

D. Walang likas na yamang taglay ang Kanlurang Asya.

10. Sa likas na yaman nagmumula ang mga hilaw na materyales at mga produktong

iniluluwas ng mga bansa sa bawat rehiyon sa Asya. Anong implikasyon ang

ipinapakita ng pahayag na ito?

A. agrikultura C. ekolohiya

B. ekonomiya D. panahanan

Page 26: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

20

11. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon sa agrikultura?

A. Ang pagsasaka ang pangunahing pinagmumulan ng pagkain at produktong

iniluluwas ng mga bansa.

B. Gumagamit ang tao ng teknolohiya upang baguhin ang kakayahan ng lupa

at maging ang kanilang kapaligiran.

C. Maraming mamamayan ang nagsasagawa ng land conversion upang

matugunan ang pangangailangan sa panahanan.

D. Patuloy ang pagtaas ng antas ng pambansang kita ng bansa dahil sa

makabagong teknolohiyang ginagamit sa paglinang ng likas na yaman.

12. Alin sa mga sumunod na pahayag ang nagpapakita ng implikasyon sa ekonomiya?

A. Ang populasyon ng tao ay lumalaki ngunit ang lupa ay limitado lamang.

B. Isa ang land conversion sa pangunahing dahilan ng pagkasira ng tirahan ng

mga hayop at pagkawala ng ilang sakahan.

C. Maraming mamamayan ang may maliit na sakahan at bukid na

pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

D. Patuloy ang pagtaas ng antas ng pambansang kita ng bansa dahil sa

makabagong teknolohiyang ginagamit sa paglinang ng likas na yaman.

13. Saang rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang China na sumasakop sa pitong

porsiyento (7%) ng lupa sa mundo at nangunguna rin sa produksyon ng palay?

A. Hilagang Asya C. Silangang Asya

B. Kanlurang Asya D. Timog Asya

14. Habang patuloy na tumataas ang populasyon ng mga tao, lalong nagiging mataas

ang pangangailangan ng lupain na mapagtataniman upang makasapat sa

pagtugon sa pangangailangan sa pagkain. Sa anong implikasyon ang ipinapakita

ng pahayag na ito?

A. agrikultura C. ekolohiya

B. ekonomiya D. panahanan

15. Alin sa mga sumusunod ang hindi makatutulong sa pangangalaga ng

kapaligirang pisikal at mga likas na yaman?

A. Pagkontrol sa dami ng populasyon.

B. Pakikiisa sa mga programang nagsusulong sa pangangalaga sa kalikasan.

C. Patuloy at walang habas na paggamit ng likas na yaman para sa pansariling

kapakanan.

D. Wastong paggamit at paglinang ng mga likas na yaman.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Page 27: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

21

Karagdagang Gawain

Ang Panata Ko

Panuto: Gumawa ng isang panata/panunumpa para sa kalikasan. Kinakailangan na

ang iyong panata ay naglalaman ng mga hakbang na iyong handang isagawa upang

mapangalagaan ang kapaligiran gayundin ang maisulong ang wastong paggamit ng

likas na yaman. Dugtungan ang open-ended statement sa ibaba sa pagbuo ng

panata. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rubrik: Ang Panata ko

Pamantayan Puntos

Nilalaman Mahusay ang pagkakalikha sa panata.

Nakapagbigay at nabigyang-diin ang mga hakbang o

gawaing nais isagawa upang mapangalagaan ang

kapaligiran at maisulong ang wastong paggamit ng

likas na yaman.

8

Organisasyon Malinaw na naipakita ang layunin at kaisipang nais

ilahad sa isinagawang panata. Mahusay ang

pagkakasunod-sunod ng ideya.

5

Kakintalan Napukaw ang atensyon ng mga mambabasa at nag-

iwan ng malalim at magandang impresyon. 7

Kabuuang Puntos 20

Bilang isang mabuting kabataang Pilipino, ako ay

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

_______________________________________________________

Page 28: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

22

Susi sa Pagwawasto

PAGYAMANIN D

1.Asya

2.Likas na yaman

3.Kabuhayan

4.Mineral

5.Timog-Silangang

Asya

6.Kanlurang Asya

7.Langis

8.Saudi Arabia

9.Agrikultura

10.Ekonomiya

PAGYAMANIN E

1.+ (plus sign)

2.+ (plus sign)

3.- (minus sign)

4.+ (plus sign)

5.- (minus sign)

6.+ (plus sign)

7.- (minus sign)

8.+ (plus sign)

9.+ (plus sign)

10.+ (plus sign)

SUBUKIN

1.C 2.D 3.D 4.C 5.D 6.C 7.A 8.A 9.A 10.D 11.D 12.A 13.B 14.A

15.D

PAGYAMANIN B

1.sagana

2.malawak

3.pinakamalaki

4.malalaki

5.tubig

6.nangunguna

7.mineral

8.papaunlad

9.panahanan

10.ekonomiya

PAGYAMANIN F

1.A

2.E

3.P

4.P

5.E

6.A

7.P

8.P

9.E

10.E

TAYAHIN

1.A

2.C 3.A 4.C 5.D 6.D 7.D 8.A 9.C 10.B 11.A 12.D 13.C 14.A 15.C

BALIKAN

May kanya-kanyang sagot.

TUKLASIN

May kanya-

kanyang sagot

PAGYAMANIN A

May kanya-

kanyang sagot

PAGYAMANIN C

May kanya-

kanyang sagot

ISAISIP

May kanya-

kanyang sagot

ISAGAWA

May kanya-

kanyang gawa

KARAGDAGANG

GAWAIN

May kanya-

kanyang gawa

Page 29: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

23

Sanggunian

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K to 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 30: Araling Panlipunan - 307020-srnhs.com...sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]