araling panlipunan -4th quarter notes-

15
Julliemirl Mendoza G – 18 III – Diocese of Novaliches REBOLUSYONG INDUSTRIYAL England: Sinilangan ng Rebolusyong Industriyal Ang rebolusyong industriyal ay nagsimula sa England noong 1760 dahil sa mga salik na natagpuan sa bansa: Yamang tao – mayaman sa manggagawa. Maraming manggagawa ang nakabakante dahil sa pagbabagong naganap sa agrikultura. Likas na Yaman – sagana ang Britain sa uling, bakal at bulak at iba pang yamang kailangan sa industriya ng tela. Puhunan – ang pondo ng bansa ay nagmula sa mayamang may-ari ng lupain at mula sa mayayamang negosyante. Transportasyon – may mainam na daungan kaya mas mura ang paglalakbay ng mga kalakal sa tubig kaysa lupa. Napagaan ang pagluwas ng mga hilaw na materyal patungong pabrika at pamilihan. Pamilihan – ang mga kolonya ng England ang nagsilbing pamilihan ng mga produkto. May mga barkong pangkalakal na tagadala ng mga produkto sa ibang bansa. Pamahalaan – malaki ang suporta ng gobyerno sa industriyalisasyon. Inalalayan nito ang interes ng mga negosyante sa tulong ng mga batas na pinairal. Mga Imbensyon para sa Industriya ng Tela Imbensiyon Imbentor Flying Shuttle John Kay Spinning Jenny James Hargreaves Water Frame Richard Awkright Spinning Mule Samuel Crompton Power Loom Edmund Cartwright Cotton Gin Eli Whitney Steam Engine (pinaunlad) James Watt Ang Bakal at Karbon Napakahalaga sa industriya Bakal – higit na matibay kaysa sa kahoy Karbon – higit na mura kaysa uling Imbensiyon Imbentor Paraan upang mahubog ang bakal sa tamang hugis John Wilkinson Paggamit ng karbon bilang paraan ng pagtunaw ng bakal Abraham Darby Ang Paglinang sa Asero Asero – metal na higit na magaan ngunit higit na matigas kaysa bakal. Napakamahal gawin. Imbensiyon Imbentor Paggamit ng ore na walang halong Phosphorus na nakalilikha ng mas mura at mas matibay na asero Henry Bessemer Humawak ng mga minahan ng bakal at karbon at nagpatayo ng mills Andrew Carnegie Napaunlad ang Petrolyo Petrolyo – ginamit bilang fuel sa mga combustion engine at sasakyang de motor. Dinadalisay upang gawing gasolina. Imbensiyon Imbentor Macadamized Road John McAdam Daang-bakal Bismarck, Napoleon, Cavour at iba pang lider ng mga bansa (nagpagawa) Steam engine na pinaaandar ng artificial pump Thomas Newcomen Steam Boat Robert Fulton Ang Pag-unlad ng Komunikasyon Imbensiyon Imbentor Baterya na kayang

Upload: julliemirl-mendoza

Post on 08-Nov-2014

1.084 views

Category:

Documents


16 download

DESCRIPTION

Mula sa iba't ibang aklat ng kasaysayan.Mga aralin:-Rebolusyong industriyal, siyentipiko, intelektwal, amerikano at pranses -Si napoleon bonaparte-ikalawang yugto ng kolonisasyon-panahon ng pagtuklas at pananakop-unipikasyon ng germany, italy-nasyonalismo sa latin america-world war 1 at 2-iba't ibang ideolohiya-cold war

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Julliemirl Mendoza G – 18

III – Diocese of Novaliches

REBOLUSYONG INDUSTRIYAL

England: Sinilangan ng Rebolusyong Industriyal

Ang rebolusyong industriyal ay nagsimula sa England noong 1760 dahil sa mga salik na natagpuan sa bansa:

Yamang tao – mayaman sa manggagawa. Maraming manggagawa ang nakabakante dahil sa pagbabagong naganap sa agrikultura.

Likas na Yaman – sagana ang Britain sa uling, bakal at bulak at iba pang yamang kailangan sa industriya ng tela.

Puhunan – ang pondo ng bansa ay nagmula sa mayamang may-ari ng lupain at mula sa mayayamang negosyante.

Transportasyon – may mainam na daungan kaya mas mura ang paglalakbay ng mga kalakal sa tubig kaysa lupa. Napagaan ang pagluwas ng mga hilaw na materyal patungong pabrika at pamilihan.

Pamilihan – ang mga kolonya ng England ang nagsilbing pamilihan ng mga produkto. May mga barkong pangkalakal na tagadala ng mga produkto sa ibang bansa.

Pamahalaan – malaki ang suporta ng gobyerno sa industriyalisasyon. Inalalayan nito ang interes ng mga negosyante sa tulong ng mga batas na pinairal.

Mga Imbensyon para sa Industriya ng Tela

Imbensiyon ImbentorFlying Shuttle John KaySpinning Jenny James HargreavesWater Frame Richard Awkright

Spinning Mule Samuel Crompton

Power Loom Edmund Cartwright

Cotton Gin Eli Whitney

Steam Engine (pinaunlad) James Watt

Ang Bakal at Karbon

Napakahalaga sa industriya Bakal – higit na matibay kaysa sa kahoy Karbon – higit na mura kaysa uling

Imbensiyon Imbentor

Paraan upang mahubog ang bakal sa tamang hugis John Wilkinson

Paggamit ng karbon bilang paraan ng pagtunaw ng bakal

Abraham Darby

Ang Paglinang sa Asero

Asero – metal na higit na magaan ngunit higit na matigas kaysa bakal. Napakamahal gawin.

Imbensiyon ImbentorPaggamit ng ore na walang

halong Phosphorus na nakalilikha ng mas mura at

mas matibay na aseroHenry Bessemer

Humawak ng mga minahan ng bakal at karbon at nagpatayo

ng millsAndrew Carnegie

Napaunlad ang Petrolyo

Petrolyo – ginamit bilang fuel sa mga combustion engine at sasakyang de motor. Dinadalisay upang gawing gasolina.

Imbensiyon ImbentorMacadamized Road John McAdam

Daang-bakalBismarck, Napoleon,

Cavour at iba pang lider ng mga bansa (nagpagawa)

Steam engine na pinaaandar ng artificial

pumpThomas Newcomen

Steam Boat Robert Fulton

Ang Pag-unlad ng Komunikasyon

Imbensiyon ImbentorBaterya na kayang tumustos

ng sapat na elektrisidad Alessandro Volta

Electric Current (natuklasan) Andre Ampere

Telegraph at Morse Code Samuel Finley Breese Morse

Telepono Alexander Graham Bell

Telepono (pinaunlad; pang-malayuang distansya)

Michael PupinLee de Forest

Wireless Telegraph Guglielmo Marconi

Ang Pag-unlad ng Pagsasaka

Page 2: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Imbensiyon ImbentorSeed Drill Jethro Tull

Crop Rotation George Washington CarverReaper (Traktora) Cyrus McCormick

Iba pang Imbensyon

Imbensiyon ImbentorArarong yari sa asero John Deare

Machine Gun Richard GatlingEroplano Wilbur Wright

Pagpapalahi ng mga hayop Robert BlakewellPagpapalahi ng mga

halamanLuther Burbank

Parachute Andre-Jacques Garnerin

Makina sa Pananahi Elias Howe

REBOLUSYONG SIYENTIPIKO

Imbensiyon/Natuklasan/Pinag-aralan

Imbentor

Heliocentric Theory Nicolaus Copernicus

Telescope Galileo Galilei

CalculusLaw of Gravitation

Isaac Newton

Pagdaloy ng dugo sa katawan

William Harvey

Tungkulin ng bawat bahagi ng katawan

PagbabakunaEdward Jenner

PasteurizationGamot sa rabies

Louis Pasteur

Anesthesiology William Thomas Green Morton

X-ray Wilhelm RoentgenRadium Pierre at Marie Curie

Theory of Evolution Charles DarwinMutation Hugo de Vries

Law of Heredity Gregor MendelChemistry Antoine Lavoisier

Physics Medicine Biology

Astronomy Chemistry Anatomy

Mathematics

REBOLUSYONG INTELEKTWAL

Mga Sanhi ng Rebolusyong Intelektwal

Renaissance – ang muling pagsilang at ang diwa ng pagtatanong ay pumukaw sa pagnanasang pag-aralan ang nakaraan at gawing kapaki-pakinabang sa kasalukuyan

Pagdami ng mga unibersidad at paaralan – lumikha ng maraming iskolar na nagnais maibahagi ang kanilang kaalaman

Movable Type Printer – nakapaghatid ng mga ideya at kaalaman

Pagsulpot ng Makabagong Pilosopiya

Kaisipan/Akda Pilosopo

“I think therefore I am”-Dapat mag-isip ang tao para sa

kanyang sarili at sa tulong ng katwiran at ng isipan

Rene Descartes

Letters to the Engish“I may not agree to what you said, but I

will defend to death your right to say it.”

-Ang tao ay may karapatang pangasiwaan ang kanilang sariling

gobyerno ayon sa batas ng katarungan, katwiran at budhi

Voltaire

Encyclopedia-Hindi tamang patakaran at Gawain ng

estado at SimbahanDenis

Diderot

Social Contract-Walang natural na karapatan ang sinumang taong pamahalaan ang

kanyang kapwa. Ang kapangyarihang pampulitika ay nasa kamay ng taong-bayan at dapat lamang na sundin ng

lahat ang mga batas na sila rin ang may gawa

-Sistemang demokratiko

Jean Jacques Rousseau

On the Spirit of the Law-Tatlong sangay ng pamahalaan

-Checks and balancesMontesquieu

The Treatise on GovernmentLetters on Toleration

-Ang kapangyarihang pulitikal ay wala sa hari kundi nasa taong-bayan.Kapag

ang hari ay nagmalabis, may karapatan ang mga tao na bawiin ang kanyang

kapangyarihan

John Locke

An Inquiry into the Nature and Causes of the Wealth of Nations

-laissez-faire – hindi dapat makialam ang pamahalaan sa mga pang-

ekonomiyang Gawain ng mga tao

Adam Smith

Copernicus Galileo Kepler

Page 3: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Crime and Punishment-Kinondena ang paggamit ng matinding parusa tulad ng torture at kamatayan

-Sinuportahan ang siyentipikong imbestigasyon

-Pagpigil ng krimen sa pamamagitan ng edukasyon

Cesare Beccaria

Mga Simulaing Lumaganap (Ika-19 siglo)

Dalawang doktrinang lumaganap sa buong mundo:

Demokrasya – mula sa Griyego: Ademos (tao) at kratos (kapangyarihan). Kapangyarihang pulitikal ng tao. Dapat tuparin ng mga tao ang kanilang tungkulin at karapatan

Sosyalismo – sumibol dahil sa masamang pamamalakad ng mga kapitalista ng mga bansa

Uri ng Sosyalismo Nagpasimula

Unang ideya ng sosyalismo-Sama-samang pag-aari ng

kayamanan ng bansa sa pangangasiwa ng gobyerno

-Lahat ay dapat gumawa sa abot ng kanyang kakayahan pero kukuha

lang siya ng bahagi batay sa pangangailangan

Mga Aklat: Das Kapital at communist Manifesto

Karl MarxFrederick Engels

(katulong sa pagsulat)

Utopian Socialism-Masyadong ideyalista ang kaisipang ito kaya hindi naging matagumpay

Robert OwenHenri de Saint

SimonCharles Fourier

Fabian Socialism-Kailangan ang pamahalaan upang mapabuti ang kalagayan ng mga

manggagawa-Pag-iwas sa pakikipagtalo sa

pamahalaan

Nagsimula sa England

Anarkismo-Nag-udyok sa pagkabuwag sa lahat ng mga naghaharing pamahalaan

---

Sindikalismo-Pag-alis ng kapitalismo at

pamahalaan-Pagbuo ng samahan o union na

tinawag na syndicates

George Sorrel

Nazismo Adolf Hitler

Fascism o Pasismo-Makabayan at rebolusyonaryong

kilusan-Layuning mapanumbalik ang dating

kadakilaan ng Italy

Benito Mussolini

Mga Bunga ng Rebolusyong Intelektwal

Nagbigay-daan sa mga rebolusyon noong ika-18 at ika-19 na siglo

Natutong igalang ng pamahalaan ang karapatang pantao

Nawalan ng paggalang sa awtoridad at kaayusang panlipunan dulot ng labis na kalayaan

Naging sukdulan ang pagtitiwala sa karunungan at katwiran na nagpabago sa pananalig sa Diyos

Itinaguyod ni Voltaire ang atheism o ang kawalan ng paniniwala sa Diyos

Humantong sa labis na materyalismo

REBOLUSYONG AMERIKANO

Amerika ang isa sa pinakamalaking kolonya ng Great Britain ito ay binubo ng labing-tatlong estado:

-New Hampshire -Connecticut-New York -New Jersey-Massachusetts -Maryland-Pennsylvania -Delaware-Virginia -Georgia-North Carolina -South Carolina-Rhode Island

Merkantilismo – patakarang pangkabuhayan na ang batayan ng yaman ay ang dami ng ginto at pilak

Ilan sa mga ipinataw na buwis:

-Navigation Act -Iron Act-Hat Act -Sugar Act-Stamp Act -Townshend Act

Protesta ng mga Kolonista

Naniwala ang mga tao na tahasan silang nilalapastangan ng mga British dahil sa pagpapataw ng kakaibang buwis ni George Grenville, First Lord ng British Treasury

Tinanggap nila ang katwiran na may karapatan ang Parlamento na ayusin ang kalakalan ngunit tanging ang kanilang represente ang may karapatan silang buwisan

Ito ay taliwas sa prinsipyo ng batas ng English Naging malawak ang protesta laban sa mga buwis

Pagsiklab ng Digmaan

Ang pagkamuhi sa mga patakarang British ay damang-dama sa Boston

Boston Massacre – isang squad ng mga sundalong British ang nagpaputok sa mga tumutuya sa kanila

Boston Tea Party – nagpanggap ang mga Amerikano na mga Indian at umakyat sa barkong lulan ang tsaa ng East India Co. at itinapon sa dagat ang mga ito

Page 4: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Intolerable Act of 1774 – nagsara sa mga daungan ng Boston sa lahat ng mga barko hanggang hindi nababayaran ang East India Co.

Continental Congress – pulong ng mga pinuno ng mga estado kung saan pinag-usapan ang alitan laban sa Britain

2nd Continental Congress – nagtatag sila ng army at hinirang si George Washington na komander

Common Sense ni Thomas Paine – hinikayat ang mga Amerikano na tapusin na ang rekonsilasyon at ideklara na ang kalayaan mula sa Britain

Hunyo 4, 1776 – sinimulang gamitin ng Kongreso ang Deklarasyon ng Kalayaan na isinulat ni Thomas Jefferson

Ang Kasunduan sa Paris (1783)

Kinilala ng England ang kalayaan ng United States Isang pamahalaang federal ang pinagtibay George Washington – unang pangulo sa ilalim ng

bagong Saligang Bata

REBOLUSYONG PRANSES

Ang Estado Heneral

Isa pang tawag sa Kongreso ng France Binubuo ng tatlong kapulungan:

-Unang Estado – mga pari na may hawak ng buhay pulitika at panlipunan ng bansa

-Ikalawang Estado –mga maharlika

-Ikatlong Estado –mga karaniwang tao

Nagpulong ang ikatlong estado sa tennis court

Ang Pagbagsak ng Bastille

Bastille – isang moog na ginawang bilangguang pulitikal. Simbolo ng kalupitan.

Natalo ng mga tao ang mga tagabantay sa Bastille kaya napalaya ang mga bilanggo

Hulyo 14 – Pambansang Araw ng France

Ang Pambansang Asamblea

Nabuo ang isang kasulatan ng Deklarasyon ng mga Karapatan ng Tao noong 1789

Nagtatag ng isang limitadong monarkiya Karamihan ng kapangyarihan ay nasa kamay ng

Asamblea Nagtatag ng hukbo para maipagtanggol ang bansa

sa mga lulusob Marseillaise – Pambansang Awit Islogan – “Kalayaan, Pagkakapantay-pantay at

Kapatiran” (Liberty, Equality and Fraternity)

Ang Unang Republika ng France

Tuluyang inalis ang monarkiya at ipinalit ang Unang Republika

Nilitis si Louis XVI at napatunayang nagkasala sa bansa

Ang Paghahari ng Lagim

Binuo ang komite ng Kaligtasang Pambayan (Public Safety) na pinamunuan nina Robespierre, Danton at Marat

Robespierre – nais linisin ang France at ang lahat ng kaaway nito kaya maraming namatay sa gilotina

Sa pagkamatay ni Robespierre, nagwakas ang paghahari ng lagim

SI NAPOLEON BONAPARTE

Ang Pagsibol ng Kapangyarihan ni Napoleon Bonaparte

Siya ang kawal na pinakamataas na pinuno ng hukbo sa Italy

Napabagsak ang Direktoryo at hinirang ang kanyang sarili bilang Unang Konsul ng France sa pamamagitan ng coup d’etat

Naging diktador ng France Ang pagbagsak ng Direktoryo ang nagwakas sa

Unang Republika ng France

Ang Arko ng Tagumpay ni Napoleon

Napakinabangan ang mga pagbabagong dinala niya sa France

Ipinakilala niya na hindi lamang siya henyo sa digmaan kundi sa kapayapaan din

Naging emperador siya noong 1804 sa pamamagitan ng isang eleksyon

Naging dakilang panginoon sa kontinente ng Europe

IKALAWANG YUGTO NG KOLONISASYON

Mga Anyo ng Imperyalismo

Page 5: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Annexation – pagsasanib sa mga lupaing natuklasan ng isang bansa. Ang natamong teritoryo ay nagiging bahagi ng imperyo.

Protectorate – hinahayaan ng mga mananakop na manatili ang mga katutubong pinuno pero nasa mananakop na bansa ang tunay na kapangyarihan. Ang mga malakas na bansa ay umaaktong tagapag-alaga sa mga bansang hindi pa kayang magsarili.

Concession – nagbibigay-kalayaan at karaptang pang-ekonomiya sa mga dayuhang mananakop at kapitalista.

Sphere of Influence – kinikilala ng ibang bansa ang nananakop na bansa na mag-angkin ng espesyal na pribilehiyo sa ekonomiya at pulitika.

Mga Salik ng Pananakop

Pangangailangan ng mga Pamilihan – paghahanap ng bagong bansang paglalagakan at pagbebentahan ng mga yaring produkto mula sa mga bansang kanluranin

Pangangailangan ng Hilaw na Sangkap – ang pangangailangan sa mga mineral, bulak, gasolina at iba pang yamang-likas ay naging malawak

Interes ng mga Kapitalista – ang mga kapitalista na umasa sa malaking tutubuin ay umupa ng mga mananaliksik upang galugarin ang mga lupalop sa paghahanap ng mga kayamanang mineral

Pambansang Karangalan – paghahangad ng karangalan dulot ng paglawak ng lupaing nasakop

Mabilis na Pagdami ng Tao – kailangang lumipat ng ibang tao sa ibang lugar upang matustusan ang mga pangangailangan at maibsan ang kahirapan

Ang Dakilang Tungkulin ng mga Puti – pagnanais na matulungan ang mga katutubo na maging Kristiyano at matuto ng makabagong kaalamang kanluranin

Ang Pangangailangan ng mga Base Militar – upang may magamit na himpilan para sa mga sasakyang-dagat, lalo na kung nauubusan ng fuel at energy. Kailangan din ng base-militar sa iba’t ibang bahagi ng daigdig upang maproteksyunan ang Inang Bayan

PANAHON NG PAGTUKLAS AT PANANAKOP

Mga Dahilan sa Pagtuklas at Pananakop

Likas sa tao ang pakikipagsapalaran upang magkaroon ng pagbabago sa kanyang buhay

Ang mga kwento ng mga manlalakbay ay gumising sa hangarin at interes na maranasan at mahigitan pa ang mga naibalitang karanasan ng mga unang malalakbay

Ang mga misyonero ay nais maghanap ng bagong lupain upang dito palaganapin Mabuting Balita

Pagnanais na makapagtamo ng ginto at pilak Ninais nilang paunlarin ng lubos ang kabuhayan Nais nilang magtamo ng kabantugan Nakapagpalakas ng loob ng mga manunuklas ang

mga imbensyon tulad ng kompas, astrolabe at mga bagong mapa

Pagtataguyod ng Kristiyanismo sa iba't ibang lupain

Mga Bansa sa Larangan ng Pagtuklas at Pananakop

Portugal

Pinangunahan ang paghahanap ng bago at direktang daan tungo sa Silangan

Unang nagpadala ng sunud-sunod at organisadong ekspedisyon sa Atlantic at baybayin ng Kanlurang Africa

Binuksan ang Age of Exploration noong 1415 Prince Henry, the Navigator

Pinasigla ang paggalugad at paglalakbay Nagtatag ng mga paaralang pangnabigasyon Inimbitahan ang mga heograpong Italyano at

mandaragat na sumama sa kanyang mga simulain

Natuklasan ang: Canary Islands, Madeira at Azores Bartholomew Dias

Inikot ang dulo ng Timog Africa noong Pebrero 3, 1488

Tinawag na Cape of Storms ang Timog Africa (Pinalitan ni John II, hari ng Portugal, ng Cape of Good Hope)

Vasco da Gama

Umalis sa Portugal noong Hulyo 8, 1497 Nalibot ang Cape of Good Hope at tinawid ang

Karagatang Indian Nakarating sa daungan ng Calicut noong

Hunyo 20, 1498

Mabillis na nakapagtatag ng sentrong pangkalakalan sa Silangan

Nakontrol ng mga mangangalakal na Portuges ang kalakalan sa Indian

Sa pagtatatag ng mga sentrong pangkalakalan, pinalitan ng Portugal ang Italy sa pangunguna sa kalakalan sa Silangan

Spain

Karibal ng Portugal sa eksplorasyon Ninais na makapagtatag ng isang imperyong

kolonyal Christopher Columbus

Page 6: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Naniniwalang mararating ang SIlangan sa pamamagitan ng paglalakbay pakanluran

Naniniwala na bilog ang mundo Narating ang maliit na pulo sa may West Indies

noong Oktubre 12, 1492 Nagsagawa pa ng tatlong sunud-sunod na

paglalakbay sa America

Ponce de Leon

Ginalugad ang baybayin ng America noong 1508 at nagtatag ng isang kolonya

Natuklasan ang Florida noong 1513, sa paghahanap niya ng Fountain f Youth

Vasco Nuñez de Balboa

Naglakbay sa mainland ng North America upang maghanap ng ginto

Nagtatag ng panirahan sa Panama Tinawid ang Isthmus ng Panama noong 1513 at

natuklasan ang Pacific Ocean

Ferdinand Magellan

Ang Victoria lamang ang sasakyang nakabalik sa Spain (sa limang sasakyang pandagat na kasama)

Napatunayan na ang lahat ng dagat ay kabit-kabit at ang mundo ay bilog

Hernando Cortes

Nagtatag ng kolonya sa Mexico Ang kanyang pagdakip sa Tenochtitlan ang

nagbigay-daan sa iba pang nabigador na magalugad ang halos lahat ng bahagi ng Central America

Francisco Pizarro

Sumakop sa Peru Pinasok ang kabisera ng mga Inca at itinatag

ang lungsod ng Lima na kilala bilang “Lungsod ng mga Hari”

Dahil sa eksplorasyon, naging pangunahing imperyo ang Spain sa Europe noong ika-16 siglo

Mga nasakop sa Bagong Daigig: West Indies, Florida, Mexico, California, Central America, Timog America (maliban ang Brazil) Nasakop sa Silangan: Pilipinas

Netherlands

Nang isara ng Spain ang Lisbon para sa Netherlands, gumawa sila ng paraan para makakuha ng mga kalakal na makukuha lamang sa Lisbon

Naglakbay pasilangan ang mga barkong Dutch noong 1595

Naging matagumpay ito at sinundan pa ng ibang mga paglalakbay

Inorganisa ang Dutch East Indies Company Natamo ang kalakalan sa East Indies nang

masakop nila ang Malacca noong 1641 Nakagawa ng isang imperyo

Ang mga magsasakang Dutch (Boer) ay nakakuha ng ilang kolonya sa Timog America

Ang mga mandaragat ay nakapagtatag ng kalakalan sa Manhattan

Natamo ng Dutch East Indies Company ang malaking bahagi ng Guiana at ilang bahagi ng West Indies

Mga teritoryo: Netherlands Guiana, Curacao, Aruba at Bonaire

England

Henry VII

Kinomisyon si John Cabot na tumuklas at maggalugad ng mg hindi kilalang mga bansa

Naniniwala na ang kapangyarihan ng England ay wala sa kontinente ng Europe kundi sa mga karagatan

Pinalakas ang navy

Winasak ng English Navy ang Invincible Armada ng Spain at itinanghal na Mistress of the Sea (Panahon ni Elizabeth I)

Ang mga mangangalakal at mga sundalong English ang nagtanghal sa England bilang isang makapangyarihang bansa

Ang imperyo ng England sa North America ay binubuo ng: Newfoundland, Arcadia at mga lupain sa baybayin ng Atlantic tulad ng Massachusetts

May panirahan sa: Bahamas, Jamaica, Belize Nakapagtatag ng sentrong pangkalakalan sa India

tulad ng: Surat, Masulipatam, Armagaon, Madras at Bombay

Isinuko ng Spain sa England ang mga ari-arian sa Mediterranean Sea tulad ng Minorca at Gibraltar

France

Naghanap ng teritoryo sa America Noong 1534, narating ni Jacques Cartier ang Ilog

St. Lawrence Sinakop ang lupain na ngayon ay kilala bilang

Canada Ang Quebec ang unang permanenteng kolonya na

ginawang sentro ng kalakalan Ginalugad ang baybayin ng Maine at nagtatag ng

iba pang paniahan sa Montreal at Nova Scotia Ginalugad ang hilagang-silangan ng Hilagang

America sa paghahanap ng animal furs Samuel de Chaplain – “Ama ng New France”

Mga Lupaing Natuklasan

Natuklasan Nakatuklas

New World Christopher Columbus

Mexico Hernando Cortez

St. Lawrence River Jacques Cartier

North America John Cabot

Incas ng Peru Francisco Pizzaro

Florida Ponce de Leon

Page 7: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Quebec, Canada Samuel de Champlain

Australia James Cook

Pacific Ocean Vasco Nuñez de Balboa

Philippines Ferdinand Magellan

Cape of Good Hope Bartholomew Diaz

UNIPIKASYON NG GERMANY

Ang Pagkakahati sa Germany

Ang mga pinuno ay hindi napanatili ang pagkakaisa ng kanilang mga sakop

Watak-watak sa iba’t ibang estadong pinamumunuan ng mga maharlika

Haring Otto – pinuno ng estadong Saxony. Hinangad na pag-isahin ang Germany sa pamamagitan ng pagsupil sa magugulong mga maharlika.

Ang emperador ay walang kapangyarihan sa kanyang imperyo

Ang mga maharlika ay laging nag-aaway at nilalabanan ang kagustuhan ng emperador na mapag-isa ang kaharian

Ang Hanseatic League

Dumami ang mga bayan at lungsod noong ika-12 at ika-13 na siglo

Ang mga bayan ay naglagay ng sarili nilang mga moog at pader para sa kaligtasan ng mga tao

Nagsulputan sa Hilaga ang malalaking syudad-daungan at marami ang bumuo ng guilds

Ang Tatlumpung Taong Digmaan (1618-1648)

Nag-ugat sa pag-aaway ng mga Prinsipeng Protestante at Katoliko

Ang usaping panrelihiyon ay naging usaping pampulitikal

Ang Germany ay naging pook-labanan Natapos nang lagdaan ang Kasunduan sa

Westphalia noong 1648

Ang mga Hohenzollern

Ang kaharian ng Prussia ay naging makapangyarihan

Ang pinunong pamilya Hohenzollern ay unti-unti nagpalawak ng kanilang lupain

Naluklok sa trono si Frederick II (Frederick the Great) na isang henyong militar noong 1712

Lumakas at lumawak ang Prussia sa pamumuno ni Frederick the Great

Nasakop ni Napoleon Bonaparte noong 1806

Ang Kongreso sa Vienna

Itinatag ang German Confederation sa pangunguna ng Austria

Ang confederation ay nabigong pag-isahin ang Germany

Otto von Bismarck – naniniwalang ang awtokrasya ang paraan upang makamit ang pag-iisa ng Germany

Tungo sa Pag-iisa ng Germany

Otton Von Bismarck – nagsagawa ng pag-iisa ng Germany. Pinakamabuting mambabatas sa kanyang panahon. Naniniwala na ang lahat ng pangunahing suliranin ng kasaysayan ay dapat resolbahin gamit ang digmaan at hindi lang puro debate. Tinawag na “Iron Chancellor”

Napag-isa ang Germany sa pamamagitan ng matalinong pagpaplano, panlilinlang at lakas

Danish War (1804)

Pinagtulungan ng Austria at Prussia ang Denmark at ito ay kanilang natalo

Ang Pitong Linggong Digmaan o Austro-Prussian War (1866)

Nagbigay-daan sa pagiging pangunahing kapangyarihan ng Prussia sa Germany

Madaling nagapi ng Prussia ang Austria sa pamumuno ni Heneral Moltke

Digmaang Franco-Prussian (1870)

Sumiklab nang palitan ni Bismarck ang nilalaman ng Ems Dispatch na isang sensitibong usapin ng France at Prussia

Hinamak ng France ang Prussia sa isang mensahe Nagdeklara si Napoleon III ng digmaan laban sa

Prussia na humantong sa pagkatalo niya Nagwakas nang nagkaroon ng Kasunduan sa

Frankfurt kung saan nagbigay ng bayad-pinsala ang France

UNIPIKASYON NG ITALYAng mga Lungsod-Estado ng Italy

Mga mauunlad na lungsod estado: Florence, Venice, Milan, Genoa

Kahit madalas ang kaguluhan at walang pagkakaisa, ang Italy ay nagbukas ng daan para sa Renaissance

Ang Italy ay nahahati sa magkakaaway na estado Naganyak ang ibang bansa sa Europe na ito ay

pakialaman

Page 8: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Si Napoleon at ang Italy

Nang si Napoleon ay naging pinuno ng France, sinakop niya ang Italy

Naging hari siya ng Italy Isinumpa ng mga Italyano si Napoleon dahil siya ay

isang banyaga Nadala ang mga kaisipan tulad ng kalayaan,

pagkakapantay-pantay at kapatiran Sa pagbagsak ni Napoleon, naging

makapangyarihan ang Austria Napagkaisahan ng mga Italyano na patalsikin sa

pamumuno ang Austria para mapag-isa ang Italy Ang pakikipaglaban ay ginawa ng lihim na

samahan na Carbonari

Sina Mazzini at Garibaldi

Ang pagkabigo ng Carbonari ay nagbigay-daan sa bagong pambansa na pinamunuan ni Joseph Mazzini, ang “Propeta ng Himagsikan”

Joseph Mazzini – nagtatag ng grupong tinawag na Young Italy

Naniniwala siya na sa pamahalaang Parlamentaryo Humingi siya ng tulong sa gitnang uri ng tao para

maghanda sa pakikipaglaban Guiseppe Garibaldi – makabayang katutubo ng

Nice. Sumama sa mga himagsikan laban sa malulupit na pinuno ng estado. Kilala bilang “Espada ng Unipikasyon ng Italy”. Nagwika ng: “Sa halip na maglaban kayo, magsama-sama kayong mga Italyano upang sugpuin ang kahirapan, kamangmangan, pamahiin at sakit.”

Ang Pagsilang ng Kaharian ng Italy

Ang mga kinatawan ng lahat ng bahagi ng tangway ay nagpulong sa Turin at idineklarang hari si Victor Emmanuel

Pinili ng Rome na mapasama sa Italy at ito ay naging punong-lungsod ng kaharian

ANG NASYONALISMO SA LATIN AMERICA

Ang mga kolonya ng Latin America ay naghimagsik laban sa kalupitan ng kanilang mananakop

Ang nasyonalismo ay lumago sa gitna ng mahirap na kalagayan ng mga taga-Latin America

Ang mahigpit na pamamahala ay hindi nakapigil sa pagdaloy ng mga kaisipang liberal sa mga kolonya

Ang ideya ng pagkakapantay-pantay at pagkakapatiran ng mga Pranses ay nagpaalab sa mga aspirasyon ng mga tao

Mga Dahilan ng Digmaan sa Latin America

Ang impluwensiya ng mga liberal na kaisipan Ang di makatarungang pagpapataw ng buwis at

ang pang-aabuso ng pamahalaan sa Inang bansa Ang karalitaan at kahabag-habag na kalagayan ng

mga karaniwang mamamayan Ang pagpapabaya sa mga karapatan ng mga

kolonya Ang hindi pagtamasa ng mga tao ng panlipunan at

pampulitikang karapatan

Mga Huling Pangyayari

Nagkaroon ng mga pagbabagong pampulitika sa iba’t ibang bansa ng Latin America

Noong nakaraang labing-anim na taon, limang bansa ang pinamamahalaan ng military ngunit ito ay naging 2/3 bahagi ng rehyon.

May kaugnayan ang mga suliraning pampulitika at panlipunan sa pagsisikap ng mga bansang ito na pamahalaan ang kanilang sarili

ANG UNANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Dahilan ng Digmaan

Nasyonalismo

Sa loob ng maraming dantaon ay walang umiral na kilalang estado

Ang pag-unlad ng pangangalakal at kaligtasan ay nagbunsod sa mga tao upang magbigkis-bigkis sa higit na malalaking pangkat

Ang pangkat na ito ay nagkaroon ng katutubong wika, kaugalian, tradisyon at kultura at ito ay naging isang bansa

Pagiging makabansa – isang adhikain na tumulong sa mga mamamayan na gumawa ng sama-sama para sa kapakanan nilang lahat. Maaaring maging mapanganib. Isa sa mga pangunahing dahilan ng digmaan.

Ang pag-isahin ang mga tao sa isang bansang may pamahalaan ay naging pangunahing layunin sa Europe

Militarismo

Pinaniniwalaang ang lakas ng armas ay maaaring makalutas sa mga suliraning pandaigdig

Naimpluwensiyahan ng opisyal na military ang desisyon ng mga pinuno ng pamahalaan

Habang tumitindi ang tension sa Europe, pinalalakas naman nila ang kanilang mga hukbo at nag-unahan sila sa pagpaparami ng mga armas

Gumastos ng malaking halaga ang mga bansa para patatagin ang kanilang mga tanggulan

Page 9: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

May isang teorya na kapag ninais ng isang bansa na magkaroon ng kapayapaan, siya ay dapat maghanda para sa digmaan dahil walang sinuman ang magnanais na lusubin siya

Ang teoryang ito ay nagdulot ng kawalan ng katiwasayan

Sa pagdami ng mga armas, lalong nagkaroon ng takot at napipilitan ang mga bansa na makipagtagisan sa pagkakaroon ng mas maraming gamit pandigma

Alyansa

Ang Balance of Power sa Europe ay binago ng pagsasanib ng Germany at Italy

Binuo ni Bismarck ang Dual Alliance na kasama ang Austria-Hungary

Isinama ang Italy sa alyansa at tinagurian itong Triple Alliance

Nangako ang bawat bansa sa alyansa na tutulungan ang kaanib na bansa sakaling lusubin ito ng ibang bansa

Nagkasundo ang France at Great Britain at tinawag na entente ang kanilang kasunduan

Triple Alliance: Germany, Austria-Hungary, Italy

Triple Entente: Great Britain, France, Russia

Imperyalismo

Ang pag-angkin ng teritoryo para sa pang-ekonomiya at pulitikal na katanyagan

Ang rebolusyong industriyal ay nagbigay ng lakas sa pakikipagkompetensya ng mga kanluraning bansa

Nakalikha ng higit na maraming produkto gamit ang mga makinarya

Ang Pagsabog ng Digmaan Ang tagapagmana ng trono ng Austria na si

Archduke Francis Ferdinand ay napatay sa Sarajevo ng isang makabayang taga-Bosnia

Hulyo 28, 1914 – nagdeklara ang Austria ng digmaan laban sa Serbia

Tumulong ang Russia sa Serbia Hiniling ng Germany na itigil ang mobilisasyon pero

hindi nakinig ang Russia kaya nagdeklara ang Germany ng digmaan laban dito at isa pang laban sa France na isang kakampi ng Russia

Napilitan ang Great Britain na magdeklara ng digmaan laban sa Germany dahil sa paglusob ng huli sa Belgium

ALLIED POWERS (bago ang taong 1917): France, Russia, British Empire, Italy, Serbia, Belgium, Montenegro, Japan, Portugal at Rome

CENTRAL POWERS: Germany, Austria-Hungary, Bulgaria, Turkey

Ang United States ay nagdeklara ng digmaan laban sa Germany

Noong 1917, umanib ang China at ilang bansa sa Latin America sa Allies

Ang Allies ay may higit na kayamanan at tauhan kaysa sa Central Powers at mas mataas na uri ng hukbong-dagat

Magkapantay lamang ang lakas sa lupa ng dalawang panig

Ang mga bansang bumubuo ng Central Powers ay magkakatabi lamang habang ang Great Britain at France ay nakahiwalay sa kanilang kaalyadong Russia.

Iba’t Ibang Labanan

Ninais ng Germany na makamtan agad ang tagumpay sa Silangan at Kanluran

Napasok ng mga kawal ng Germany ang H. France ngunit nahadlangan sila ng mga Pranses sa Labanan sa Marne

Ang pagsalakay ng Russia sa S. Prussia ay nahadlangan ng mga German sa Tennenburg

Naging matagumpay ang Germany laban sa Russia sa Labanan sa Lawa ng Masurian

Gumanti ang Russia ngunit ito’y nabigo Ang kabiguang ito ang nagbunsod ng Rebolusyong

Russo kung saan napatalsik ang otokratikong tsar at pumalit ang pamahalaang Bolshevik

Lumagda ang Bolshevik sa isang kasunduang pangkapayapaan kung saan ang mga lalawigan sa Kanluran ng Russia ay napailalim sa Germany, Austria at Turkey

Sa Labanan sa Jutland at sa labanan sa dagat, natalo ng mga Birtish ang plota ng Germany

United States sa Digmaan

Neutral na bansa ang US nang magsimula ang digmaan

Naging tagatustos ito ng pagkain, hilaw na materyales at mga armas

Iginiit ng US ang karapatan ng mga mamamayan nito at ng mga negosyante na makipagkalakalan sa magkabilang kampo

Hindi nagtagal, ang mga negosyanteng Amerikano at sa Allies na lang nakipagkalakalan

Inatake ng Germany ang US kaya pinutol nito ang diplomatikong ugnayan nito sa Germany

Nagpasya ang Germany na wakasan na ang digmaan bago mawala ang nalalabing pag-asa na magtagumpay sa labanan sa gitna ng kakulangan ng pagkain at armas

Pumanig ang US sa Allies Nakahanda ang US na tanggapin ang digmaan

maipagtanggol lang ang demokrasya

Huling Pananalakay ng Germany

Ang Rebolusyong Bolshevik sa Russia ay nagbigay ng pagkakataon sa Germany na sakupin ang Russian Poland

Nang malaki na ang nasakop ng Germany, wala nang nagawa ang pamahalaang Komunista ng Russia kundi sumang-ayon sa Kasunduan ng Brest-Litovsk

Inilipat ng Germany ang libu-libo niyang kawal sa K. Europe nang bumagsak ang Russia

Ang Kasunduan Versailles

Page 10: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Probisyon ng kasunduan: aminin ng Germany na kasalanan nito ang pagsisimula ng digmaan kaya kailangan nitong magbigay ng bayad-pinsala

Pinirmahan noong Hunyo 20 sa palasyo ng Versailles

Babayaran ng Germany ang mga alyadong bansa ng $5M sa loob ng dalawang taon

Itinadhana ang League of Nations Itinadhana na ang hukbo ng Germany ay di dapat

magkakaroon ng sundalong hihigit sa 100,00 at hindi ito pinayagang magkaroon ng malalaking armas, mga sabmarino at eroplanong pandigma

League of Nations

Ligang pinangarap ni Pangulong Woodrow Wilson na pipigil sa isa pang mapaminsalang digmaan

Ang mga malayang bansang kasapi dito ay sumang-ayon na igalang at panatilihin ang hangganan ng bawat miyembrong bansa at nangakong magkakaroon ng arbitasyon sa anumang uri ng sigalot sa pagitan ng mga kasaping bansa

Ang US ay hindi kasapi ng liga NAging kasapi nito ang Germany at Russia noong

1934

Mga Bunga ng Unang Digmaang Pandaigdig

Pagkamatay at pagkabilanggo ng maraming tao Nawasak ang mga ari-arian Naapektuhan ang ekonomiya ng daigdig dahil sa

pinsala sa pagsasaka, industriya, transportasyon at pananalapi

Pagbagsak ng mga imperyo Sumibol ang bagong republika sa Europe

ANG IKALAWANG DIGMAANG PANDAIGDIG

Mga Dahilan ng Digmaan

Di naging makatarungan ang Kasunduang Versailles para sa Germany

Ang patuloy na pagnanasa ng mga bansa na magpalawak ng teritoryo

Di naipatupad ang mga tungkulin ng League of Nations

Ang tangkang paghihiganti ng Germany Humina ang pandaigdigang kalakalan Ang di kanais-nais na lakas ng nasyonalismo at

imperyalismo ay nanaig upang magpakilos sa mga bansa

Ang Japan ay kumalas sa League of Nations noong 1933 at ipinagpatuloy ang matinding pananakop at pananalakay sa Silangan

Adolf Hitler – itinakda ang sarili bilang diktador ng Germany

Benito Mussolini - nagtatag ng isang kilusan sa Italy na tinawag na Black Shirts. Itinalaga ang sarili bilang diktador.

Nagsama sina Hitler at Mussolini at binuo ang Rome-Berlin Axis

Maraming bansa sa Europe ang nasakop ng Germany

Para maiwasan ang pakikidigma, pumirma si Hitler ng nonaggression pact kay Stalin, diktador ng Russia

Hiniling ng France at England ang pag-urong ng Germany pero hindi ito pinansin kaya sila ay nagdeklara ng digmaan noong Steyembre 2.

Blitzkrieg (Lightning War) – pamamaraang mabilis at biglaang pagsalakay sa mga kaaway. Ginamit ng hukbo ng Germany

Ang Simula ng Digmaan

Nais ng mga Nazi na maibalik ang dating kapangyarihan ng Germany

Nagdeklara ng digmaan ang Great Britain at France laban sa Germany

Tinuligsa ng US ang Japan dahil sa pananalakay sa ibang mga bansa

Binomba ng Japan ang Pearl Harbor Disyembre 8, 1941 – nagdeklara ang US ng

digmaan laban sa Japan. Ang Italy at Germany naman ay nagdeklara naman ng pakikidigma laban sa US

AXIS POWERS: Japan, Italy, Germany ALLIED FORCES: France, US, Great Britain

Iba’t Ibang Labanan

Pagsakop ng Nazis sa Scandinavia – itinayo ni Hitler ang pamahalaang puppet sa Norway na pinamunuan ni Vidkun Quisling

Pagsakop sa Low Countries – inatake ng Nazis ang Belgium, Holland at Luxembourg (mga bansang neutral)

Ang Epic of Dunkirk – sa kabila ng malakas na pagsalakay ng Germans sa lupa at himpapawid, ang mga sasakyang-dagat ng France at England ay nakatulong ng malaki. Umulan ng mga bomba sa buong paligid sa gabi at araw.

Ang Pagsakop ng France – isang armistice ang nilagdaan ng pinuno ng France na si Marshall Henri Petain upang tumigil ang labanan. Nasakop ng Germany ang France. Nagtatag ng puppet government.

Ang Pananalakay ng England – kinalaban ng Royal Air Force ang Nazis at hinadlangan ng hukbong dagat ang English Channel para pigilin ang paglusob ng Germany. Natalo ang Germany at hindi nasakop ang England.

Pagsalakay sa Soviet Russia – naglunsad ang Soviet ng isang mabisang pagsalakay. Nagkaroon ng matinding labanan at umurong ang hukbong Nazi. Bigo muli ang Germany.

Ang US sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Sumunod ang US sa isolationist policy

Page 11: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Gumawa ng neutrality laws para hindi masangkot ang US sa labanan sa Europe

Lend-Lease Act – ang US ay magbibigay ng kagamitang pandigma sa lahat ng bansa pati na ang Russia na tumututol sa pananalakay ng Axis

Ang relasyon ng US sa Japan ay sumama dahil sa pananalakay nito sa China at French Indochina

Digmaan sa Pacific

Ipinadala ng Japan si Heneral Hediki Tojo sa Washington upang tulungan si Admiral Nomura sa diplomatikong kasunduan para maibsan ang krisis sa US at Japan

Hindi naging tapat ang Japan dahil habang pinag-uusapan ang kapayapaan, naghahanda ito para sa digmaan

Ang Pagsabog ng Pearl Harbor

Binomba ng Japan ang Pearl Harbor noong Disyembre 8, 1941

Pearl Harbor – himpilan ng hukbong dagat ng US sa Hawaii

Nagpahayag ng digmaan ang US laban sa Japan Sinalakay ng Japan ang Pilipinas na nasa ilalim ng

pamamahala ng US Narating ng Japan ang tugatog ng pananakop sa

Pacific noong 1942

Ang Tagumpay ng Allies

Bumagsak si Mussolini nang matalo ang H. Africa at Sicily

Tumakas sina Mussolini pero nahuli sila at piñata Nilusob ng Nazis ang mga Allied sa Battle of Bulge Naitaboy ang hukbong German at dumating na ang

“V-E Day” (Victory in Europe Day) Maraming naipanalong labanan si Hen. Douglas

MacArthur sa Pilipinas Nalupig ang mga Hapones at ipinahayag ang

paglaya ng Pilipinas Nagpalabas ng ultimatum ng pagsuko ang Japan Ibinagsak ang unang bomba atomika sa Hiroshima

(Agosto 6) Inihulog ang ikalawang bomba atomika sa

Nagasaki (Agosto 9) Ang Japan ay lumagda sa tadhana ng walang

pasubaling pagsuko sa USS Missouri Nagwakas ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Mga Bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Nagwagi ang demokrasya Maraming tao ang namatay at nasira ang mga ari-

arian Nasira ang pandaigdigang ekonomiya dahil

napinsala ang agrikultura, industriya, transportasyon at pananalapi

Lumaya ang maraming bansa

Itinatag ang United Nations upang pangalagaan ang pandaigdigang kapayapaan at kalayaan

IBA’T IBANG IDEOLOHIYA

Ang Pasismo

Diktadurya – pinamamahalaan ng isang tao na nagtataglay ng ganap na kapangyarihan

Naganap sa Italy sa pamumuno ni Benito Mussolini

Tinanggal lahat ng partido pulitikal maliban sa mga Pasista

Ipinagbawal ang pagwewelga ng mga manggagawa

Ipinasunog ang mga aklat tungkol sa demokrasya Ipinasara ang mga pahayagang hindi sang-ayon sa

kanya Islogan: “Ang lahat ay para sa Estado, walang

lalabag sa Estado, walang lalaban sa Estado.”

Ang Nazismo

Adolf Hitler - naging Chancellor ng Germany (1933). Winakasan ang Republika. Itinalaga ang sarili bilang diktador. Tinawag ang sarili na der Fuhrer ("Ang Pinuno"). Suportado ng National Socialist Party o Nazi.

National Socialist Party o Nazi - May suot na kulay tsokolateng t-shirt at balat na sapatos. Itinataas ang kanilang braso bilang pagsaludo.

Swastika - opisyal na simbolo ng mga Nazi. Isang lumang uri ng krus ng mga Greek. Ang apat na dulo ng krus ay nakabaluktot sa clock wise na direksiyon.

Hitler sa kapangyarihan: Winasak ang lahat ng partido politikal Ipinasunog ang lahat ng mga aklat na tungkol sa

demokrasya Ginampanan niya ang papel ng hukom Nagtatag ng lihim na pulisya na may

kapangyarihang pumatay Sinamsam ang radyo at pahayagan Ipinasara ang mga sinehan Inalis ang mga unyon ng manggawa Nilabanan ang Simbahang Katoliko Tinanggalan ng karapatan ang mga Hudyo sa

paniniwalang ang mga ito ang nagbibigay-kamalasan sa mga Aleman

Ang Komunismo

Winalang bahala ang kapitalismo Maaaring gamitin ang rebolusyon kung kailangan

upang maalis ang pribadong pag-aai ng negosyo Lahat ng uri ng produksiyon ay pag-aari ng

pamahalaan

Page 12: Araling Panlipunan -4th Quarter notes-

Ang mga tao sa lipunan ay may pantay-pantay na paghahati ng gawain ayon sa taglay na kakayahan

Ang biyayang natatamo ay batay sa pangagailangan

Mga ideya ng komunismo: Ang lahat ng kapital sa produksiyon ay pag-aari ng

mga tao Walang pribadong ari-arian Lahat ng produkto at serbisyo ay paghahatian ng

lahat

Ang Demokrasya

Mula sa salitang Griyego na demos at kratia (tao at pamamahala)

Tuwirang demokrasya – direktang ibinoboto ng mga tao ang gusto nilang tao o batas

Hindi tuwirang demokrasya – inihahalal ang mga kinatawan ng mga mamamayan para sa pamahalaan

Maaaring ipakita sa iba’t ibang anyo: pulitika, pangkabuhayan at panlipunan

Anyong Pulitikal – maraming karapatan tulad ng pagboto, pananalita at pagpapahayag ng opinyon

Anyong Pangkabuhayan - pagtatatag ng unyon ng mga manggagawa at pagwewelga

Anyong Panlipunan - sa harap ng batas, pantay-pantay ang lahat ng tao

ANG COLD WAR

Ang Marshall Plan/European Recovery Program

“Ang ating patakaran ay hindi laban sa anumang bansa o paninindigang pulitikal kundi laban sa gutom, karalitaan, pangaapi at kaguluhan.” – Kalihim Marshall ng US

Iminungkahi niya sa mga bansa ng Europe na magkaisa sila, alamin ang kanilang mga pangangailangan at gumawa ng paraan ng pakikipagtulungan

Iminungkahi niya na maglaan ang US ng pondo upang makaahon ang mga bansa sa Europe

Inasahan ng mga tao na makakapigil sa pagkalat ng komunismo

Hindi tinaggap ng Russia ang tulong sa pag-iisip na ang Marshall Plan ay isang uri ng imperyalismo at isang paraan upang maging alipin ang Europe

Ang Apat na Puntos

Tinuruan ang mga magsasaka sa paggamit ng siyentipikong paraan sa pagsasaka

Nagbigay ng payo sa larangan ng industriya, edukasyon at medisina

Maraming bansa ang sumali dito gaya ng England, Australia, New Zealand at Japan

Ang Doktrinang Truman

Ang patakaran ng US na nagtaguyod sa mga malayang tao upang maiwasan ang pagsupil ng kaunti ngunit sandatahang mga tao o kaya ng makapangyarihang banyaga

Tinuligsa ng Russia ang Marshall Plan at Apat na Puntos bilang halimbawa ng kapitalismo ng US

Pasulpot-sulpot ang mga labanan sa iba’t ibang pook sa daigdig

United States Soviet Union

1. NATO 1. Warsaw Pact

2. Marshall Plan Pinuno sa 2. Molotov Plan

3. Four Points Ideolohiya 3. Komunismo

4. Doktrinang

Truman

Sanggunian: Kayamanan III: Kasaysayan ng Mundo -Lumang Edisyon-