araling panlipunan 5 araling 3 pamumuhay at teknolohiya ng … · 2 days ago · volcanic glass,...

29
ARALING PANLIPUNAN 5 Araling 3 Pamumuhay at teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino.

Upload: others

Post on 20-Oct-2020

3 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

  • ARALING PANLIPUNAN 5

    Araling 3

    Pamumuhay at teknolohiya ng mga

    sinaunang Pilipino.

  • Layunin:Makikilala ang mga pamumuhay at

    Teknolohiya ng mga sinaunang Pilipino.

  • TIMELINE

    PANAHONG PALEOLITIKO (TINATAYANG MULA 500 000–7000 BCE)

    PANAHONG NEOLITIKO (TINATAYANG MULA 5000–500 BCE)

    PANAHON NG METAL (TINATAYANG MULA 2000 BCE–200 CE)

  • PANAHONG PALEOLITIKO (TINATAYANG MULA

    500 000–7000 BCE)

    PANAHON NG LUMANG BATO

  • Sa Panahong Paleolitiko, nabuhay ang

    mga sinaunang tao sa ating kapuluan

    sa pamamagitan ng pagpapalipat-lipat

    sa mga lugar na may makakalap na

    pagkain

  • Ang kanilang pebble tools ay nabubuo

    sa pamamagitan ng chipping o

    pagtatapyas ng mga bato, tulad ng

    mga batong-ilog (river stones), upang

    makuha ang matalim na bahagi ng

    mga ito.

  • Bukod sa flint, gumamit din silang chert o

    volcanic glass, isang uri ng natunaw na bato

    dahil sa init ng bulkan. Ito ay may matalim na

    bahagi kung tinapyas. Bukod sa mga

    kagamitang bato, gumamit din ang mga

    sinaunang tao ng mga kagamitang gawa sa

    kahoy.

  • Ang tahanan naman ng mga

    sinaunang tao sa ating

    kapuluan ay binubuo ng mga

    dahon na itinayo sa

    pamamagitan ng patpat. Ang

    halimbawa nito ay ang tirahan

    ng mga Dumagat sa silangang

    Luzon.

  • Tumira rin ang ating mga

    ninuno sa mga yungib

    bilang permanente nilang

    tirahan. Nahukay sa

    yungib ng Callao sa

    Peñablanca, Cagayan ang

    pinakamatandang labi ng

    tao sa bansa.

  • Tinatayang nabuhay ang

    taong ito 67,000–50,000 taon

    na ang nakalilipas. Ang

    ikalawang pinakamatandang

    labi ng sinaunang tao sa

    bansa ay ang nahukay na

    bahagi ng bungo at bagang (

    jawbone) sa yungib ng Tabon

    sa Palawan, na tinatayang

    nabuhay 22,000 taon na ang

    nakalilipas.

  • PANAHONG NEOLITIKO (TINATAYANG MULA 5000–

    500 BCE)

    PANAHON NG BAGONG BATO

  • Sa Panahong Neolitiko, ay

    umunlad ang paggamit ng

    ating mga ninuno sa mga

    bato. Patunay rito ang ilang

    mga kagamitang bato na

    natuklasan ng mga

    dalubhasa.

  • Halimbawa, natagpuan sa yungib

    ng Guri ng Lipuun Point, Palawan

    ang pinakinis ( polished) na

    kagamitang bato na nahulma sa

    pamamagitan ng pagkiskis ng bato

    sa halip na pagtapyas dito.

    Tinatayang ang mga kagamitang

    batong ito ay mula pa noong 7,000–

    3500 BCE.

  • Sa Panahong Neolitiko rin

    nagsimula ang agrikultura sa

    Pilipinas na tinatayang naganap

    mga taong 5,000 BCE.

    Nagsimulang magtanim ang mga

    unang tao upang madagdagan ang

    kanilang pagkain na nakukuha nila

    sa pangangaso at pangangalap.

  • Isinagawa sa panahong ito ang dry

    agriculture tulad ng pagkakaingin.

    Noong 3,000 BCE, pinaniniwalaang

    nagsimula ang wet rice agriculture

    o ang pagtatanim ng palay sa mga

    payew.

  • Ito ang nagpausbong sa pagbuo ng mga

    hagdan-hagdang palayan tulad ng mga

    makikita hanggang sa ngayon sa Ifugao. Ang

    mga pader ng terraces ay yari sa bato at

    lupa. Hindi lamang sa Ifugao may mga

    hagdan-hagdang palayan.

    https://image.slidesharecdn.com/pamumuhayngmgasinaunangpilipino-140910060600-phpapp02/95/araling-panglipunan-pamumuhay-ng-mga-sinaunang-pilipino-14-638.jpg?cb=1410329268

  • Sa Panahong Neolitiko, natuto

    rin ang ating mga ninuno ng

    pagpapalayok ( pottery) na

    tinatayang nagsimula noong 3,000

    BCE.

  • Dahil sa mga pagbabagong

    naganap sa Panahong Neolitiko,

    naging mas maunlad ang mga

    pamayanan sa tabi ng mga daang-

    tubig. Nabuo ang kulturang

    kaugnay sa tubig at isa na rito ang

    pamayanang tinawag na barangay.

  • Sa Panahong Neolitiko, may

    mga pamayanan ding nabuo

    sa kabundukan. Ang mga ito

    ay matatagpuan malapit sa

    mga sapa kung saan

    ginagamit ang tubig bilang

    inumin at panustos sa

    irigasyon.

  • . PANAHON NG METAL (TINATAYANG MULA 2000 BCE–

    200 CE)

    https://image.slidesharecdn.com/pamumuhayngmgasinaunangpilipino-140910060600-phpapp02/95/araling-panglipunan-pamumuhay-ng-mga-sinaunang-pilipino-21-638.jpg?cb=1410329268

  • Nagsimula ang Panahon ng Metal sa bansa mga 800 BCE. Tinatawag din ito bilang incipient period na tumagal mula 500 BCE hanggang 900 CE. Sa panahong ito ay napayabong angmga pamayanang barangay.

  • Dati-rati ay binubuo ang barangay ng kalipunan ng mga pamilya at ng ilangmga magkakamag-anak. Kalaunan, sumanib na rin dito ang magkakaibangbarangay na bumuo sa higit namalalaking pamayanan.

  • Bukod sa pag-unlad ng mgapamayanan, umunlad din angteknolohiya sa Panahon ng Metal. Natuto ang mga tao namagpanday ng bakal upanggawing kagamitan at armas. Natuto na rin ang mga tao nagumawa ng alahas na yari saginto, jade, carnelian, at iba pang materyales.

  • Ang mga pinapanday na ginto ay mula sa mga ilog habang angbakal naman ay galing sapagmimina o pakikipagkalakalansa mga dayuhan. Nagsimula narin ang teknolohiya ng paghahabiat pag-ukit sa kahoy sa mga taong200 CE.

  • Karamihan sa mga kalakalan ay isinasagawa sa pamamagitan ng sistemang barter. Gumagamit narin ng mga perang ginto na sapanahon ng mga Espanyol ay tinawag na piloncitos.

  • Nagsimula na rin angpakikipagkalakalan sa malalayonglugar. Dahil dito, napaunlad angpaggawa ng sari-saring sasakyang-pandagat para sa iba’t ibang gamittulad ng caracoa na ginagamit sadigmaan.

  • Mayroon na ring sistema ng

    pagsulat ang mga katutubo

    noon. Tinawag itong baybayin

    na mula sa pinaghalong

    impluwensiyang Javanese at

    Indian na galing sa Sanskrit.

    Naisulat ito sa mga piraso ng

    kawayan, dahon, at naukit samga palayok.

  • Isulat ang mga sumusunod ang bawat

    pagkakakilanlan, mga pagbabago,

    pamumuhay sa bawat Panahon

    Panahon

    Paleolitiko

    Panahon

    Neolitiko

    Panahon ng

    Metal