araling panlipunan baitang 4, yunit 6 hangganan at …

32
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Hangganan ng Pilipinas: Mga Anyong Tubig 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 8 Sagutin Natin 9 Pag-isipin Natin 9 Gawin Natin 9 Aralin 2: Hangganan ng Pilipinas: Pinakadulong Bahagi 11 Layunin Natin 11 Subukan Natin 12 Alamin Natin 13 Pag-aralan Natin 13 Suriin Natin 15 Sagutin Natin 16 Pag-isipin Natin 16 Gawin Natin 16 Aralin 3: Lawak ng Pilipinas 19 Layunin Natin 19 Subukan Natin 20 Alamin Natin 21 Pag-aralan Natin 21 Suriin Natin 22 Sagutin Natin 23 Pag-isipin Natin 23 Gawin Natin 23

Upload: others

Post on 09-Dec-2021

14 views

Category:

Documents


2 download

TRANSCRIPT

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

1

ARALING PANLIPUNAN

BAITANG 4, YUNIT 6

Hangganan at Lawak ng Teritoryo

ng Pilipinas TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3

Aralin 1: Hangganan ng Pilipinas: Mga Anyong Tubig 4

Layunin Natin 4

Subukan Natin 5

Alamin Natin 6

Pag-aralan Natin 6

Suriin Natin 8 Sagutin Natin 9 Pag-isipin Natin 9

Gawin Natin 9

Aralin 2: Hangganan ng Pilipinas: Pinakadulong Bahagi 11

Layunin Natin 11

Subukan Natin 12

Alamin Natin 13

Pag-aralan Natin 13

Suriin Natin 15

Sagutin Natin 16

Pag-isipin Natin 16

Gawin Natin 16

Aralin 3: Lawak ng Pilipinas 19

Layunin Natin 19

Subukan Natin 20

Alamin Natin 21

Pag-aralan Natin 21

Suriin Natin 22 Sagutin Natin 23

Pag-isipin Natin 23 Gawin Natin 23

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

2

Karagdagang Kaalaman 25

Pagyamanin Natin 26

Paglalagom 28

Dapat Tandaan 28

Dagdag Sanggunian 29

Gabay sa Pagwawasto 29

Sanggunian 31

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

3

BAITANG 4 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 6

Hangganan at Lawak ng Teritoryo ng

Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang bansa o

estado. Isa sa mga elemento o

sangkap ng pagiging estado ay

ang pagkakaroon nito ng

tukoy at tiyak na teritoryo.

Ang teritoryong nasasakupan

ng Pilipinas ay may lawak at

hangganan. Mahalagang may

tiyak na hangganan ang isang

teritoryo upang

mapangalagaan ng

pamahalaan hindi lamang ang

mga mamamayan nito kung

hindi ang lahat ng yamang

nakapaloob dito.

Gaano kalaki o kalawak ang

teritoryo ng Pilipinas? Ano-ano

at hanggang saan ang

hangganan ng ating bansa?

Sa yunit na ito, pag-aaralan natin ang mga anyong tubig at ang pinakadulong

bahagi nito na nagsisilbing hangganan at ang lawak ng Pilipinas.

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

4

Aralin 1

Hangganan ng Pilipinas: Mga Anyong Tubig

Ang Pilipinas ay isang kapuluan o arkipelago. Ibig sabihin, ito ay binubuo ng

mga pulo at napaliligiran ng mga anyong tubig. Ang mga anyong tubig na

nakapaligid sa Pilipinas ay itinuturing na hangganan nito.

Hanggang saan sa mga bahaging tubig na nakapalibot sa Pilipinas ang sakop

ng ating teritoryo? Paano malalaman at matitiyak na talagang sa atin ito?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang naiisa-isa

ang mga anyong tubig na nagsisilbing hangganan ng Pilipinas.

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

5

Tukuyin kung saang direksiyon ng Pilipinas matatagpuan ang

sumusunod na anyong tubig.

1. Dagat Celebes

2. Kanlurang Dagat Pilipinas

3. Karagatang Pasipiko

4. Kipot ng Bashi

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

6

Bilang isang arkipelago o kapuluan,

ang Pilipinas ay binubuo ng

malalaki at maliliit na pulo at

napalilibutan ng mga anyong tubig

kagaya ng karagatan, dagat, at

kipot. Maliban pa sa itinuturing na

kayamanan ang katubigan,

nagsisilbi rin itong hangganan ng

bansa.

Gayunpaman, itinuturing din na bahagi ang mga ito ng teritoryo ng Pilipinas.

Ibig sabihin, kasama sa kabuuang lawak ng bansa ang mga anyong tubig na

nakapaligid dito. Dagdag pa, ang lahat ng likas na yaman na matatagpuan sa

mga anyong tubig ay itinuturing ding pag-aari ng Pilipinas.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• nakasaad – nakalagay, nakatala

• kasarinlan – kalayaan

• teritoryo – sakop na lupain at

mga dagat

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

7

Narito ang iba’t ibang anyong tubig na nakapalibot sa bansa, na

itinuturing din na hangganan ng Pilipinas:

Legal na Batayan ng mga Anyong Tubig na Nakapalibot sa

Pilipinas Ang pagtitiyak ng hangganan ng Pilipinas at mga anyong tubig na nakapaligid

dito ay nakasaad na bago pa man makuha ng bansa ang kasarinlan nito.

Ang ikatlong seksiyon ng Kasunduan sa Paris, kasama ang Kasunduang US-UK

ng 1900 at ng Kasunduang US-Spain ng 1930, ay nagpahayag ng tiyak na

sakop ng Pilipinas.

Ginawa ito upang madaling maipahayag ang lawak ng teritoryo ng bansa.

Ang mga batas na ito ay ipinagtibay nang pormal itong ipinahayag sa United

Nations noong 1956. Ang mga naunang batas din ay ginamit na basehan para

sa hangganan ng Pilipinas sa Konstitusyon ng 1987.

Hangganan Anyong Tubig

Hilaga Kipot ng Bashi

Timog Dagat Celebes at Dagat Sulu

Silangan Karagatang Pasipiko at Dagat Pilipinas

Kanluran Kanlurang Dagat Pilipinas

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

8

A. Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.

1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mga pulo at napaliligiran

ng mga anyong tubig.

2. Ang mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas ay

itinuturing na hangganan nito.

3. Hindi kasama sa kabuuang lawak ng Pilipinas ang mga

anyong tubig na nakapaligid dito.

4. Ang lahat ng likas na yaman na matatagpuan sa lahat

ng anyong tubig ay pag-aari ng Pilipinas.

5. Ang Kasunduan sa Paris, kasama ang Kasunduang US-

UK ng 1900 at ng Kasunduang US-Spain ng 1930, ay

nagpahayag ng tiyak na teritoryo ng Pilipinas.

6. Naging batayan ng pagtatakda ng teritoryo ng Pilipinas

ang mga naunang batas.

B. Pagtambalin ang mga hangganang tubig ng Pilipinas sa Hanay A at

ang mga lokasyon o direksiyon sa Hanay B.

Hanay A Hanay B

1. Dagat Celebes A. hilaga

2. Kanlurang Dagat Pilipinas B. silangan

3. Karagatang Pasipiko C. timog

4. Kipot ng Bashi D. kanluran

Suriin Natin

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

9

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Alin sa mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas ang pinakamalaki?

2. Saang mahalagang kasulatan nakasaad ang mga anyong tubig na

teritoryo ng Pilipinas?

3. Ano ang naging batayan ng kasalukuyang pagtatakda ng mga anyong

tubig na nasasakop ng Pilipinas?

Sa iyong palagay, dapat bang pangalagaan at protektahan ng mga Pilipino

ang mga anyong tubig na nakapalibot sa bansa? Ipaliwanag ang sagot.

Gamit ang clay, gumawa ng representasyon ng Pilipinas kasama ang mga

anyong tubig na nakapaligid rito. Gamitin ang sumusunod na mga kulay ng

clay bilang pananda. Maging malikhain.

• Kayumanggi/lunti (brown/berde) para sa mga kalupaan ng Pilipinas

• Bughaw o asul (blue) para sa mga anyong tubig na nakapaligid sa

Pilipinas

Matapos gawin ang representasyon ng Pilipinas, tukuyin ang mga anyong

tubig.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

10

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman/

Representasyon

Hindi nakuha

ang hugis ng

Pilipinas; hindi

maayos ang

pagkakagamit

ng mga kulay;

wala o isa

lamang sa mga

anyong tubig

ang natukoy

nang tama

Bahagyang

nakuha ang

hugis ng

Pilipinas; hindi

gasinong

maayos ang

pagkakagamit

ng mga kulay;

natukoy nang

tama ang

dalawa sa mga

anyong tubig

Nakuha ang

hugis ng

Pilipinas;

maayos ang

pagkakagamit

ng mga kulay;

natukoy nang

tama ang tatlo

sa mga anyong

tubig

Kuhang-kuha

ang hugis ng

Pilipinas;

napakaayos ng

pagkakagamit

ng mga takdang

kulay; natukoy

nang tama ang

lahat ng anyong

tubig

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan,

napakadumi, at

napakagulo ng

representasyon;

walang

nakitang

paghahanda at

pagiging

malikhain

Hindi gaanong

maayos at

malinis ang

representasyon;

nababanaag

ang kakulangan

sa paghahanda

at

pagkamailkhain

Maayos at

malinis ng

representasyon;

Kinakitaan ng

paghahanda at

pagiging

malikhain

Napakaayos at

napakalinis ng

representasyon;

Kitang-kita ang

patunay na

talagang

pinaghandaan

at naging

malikhain;

napaka-

detalyado ng

kabuuan

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ilang

minuto/

oras/araw/

linggo matapos

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

dahil ipinaalala

ng guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/

oras/araw/

linggo matapos

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

11

Aralin 2

Hangganan ng Pilipinas: Pinakadulong Bahagi

Bukod sa mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas, ang mga

pinakadulong bahagi ng bansa sa iba’t ibang direksiyon ay nagtatakda rin ng

hangganan nito. Ang mga lugar na ito ay may iba’t ibang katangian na

nakabatay sa lokasyon nito. Ano ang mga pinakadulong lugar o bahagi ng

Pilipinas na nagtatakda rin ng hangganan nito?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natutukoy

ang mga pinakadulong bahagi ng Pilipinas.

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

12

Lagyan ng tanda/marka o ituro ang sumusunod na bahagi ng Pilipinas:

1. Pinakadulo sa hilaga

2. Pinakadulo sa silangan

3. Pinakadulo sa timog

4. Pinakadulo sa kanluran

Kung alam mo ang pangalan

ng mga pinakadulong lugar o

bahagi na minarkahan o

itinuro mo, isulat ito sa mga

patlang.

1. ____________________

2. ____________________

3. ____________________

4. ____________________

Subukan Natin

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

13

Ang isla ng Y’ami ay ang

pinakadulong bahagi ng bansa sa

hilaga. Napakalapit na nito sa

bansang Taiwan. Ang pinakadulong

bahagi naman ng bansa sa timog ay

ang Saluag na malapit na sa

Borneo. Sa kanluran, ang pulo

ng Balabac ang pinakadulong

bahagi ng bansa; samantalang nasa

pinakadulong bahagi sa silangan ng

bansa ang Pusan Point sa

Mindanao.

Pinakadulong Bahagi sa Hilaga: Y’ami Ang isla ng Y’ami ay matatagpuan sa

lalawigan ng Batanes. Kilala rin ito sa

tawag na “Isla ng Mavulis.” Ang isla ay

may layo lamang na 200 kilometro mula

sa Taiwan. Ang Kipot ng Bashi ang nasa

pagitan ng Y’ami at Taiwan. Mahirap

marating ang isla kahit mula pa sa

Batanes. Dahil dito, ang mga

naninirahan sa Y’ami ay karaniwang

nagpupunta sa Taiwan para bumili ng

kanilang mga pangunahing

pangangailangan. Katunayan, marami sa

mga nakatira sa Orchid Island, na

pinakadulong bahagi ng Taiwan, ay mula

sa Y’ami.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na mga

salita:

• mangrove – bakawan

• mamamalas – makikita

• impraestruktura – estruktura at

pasilidad, halimbawa: kalsada,

gusali

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

14

Pinakadulong Bahagi sa Timog: Saluag

Ang isla ng Saluag ay matatagpuan sa

lalawigan ng Tawi-Tawi. Dito nakatira

ang dalawang tribo—mga Tausug at

Sama Dilaut. Ang pangunahing

hanapbuhay ng mga tagarito ay

pangingisda at paggawa ng bangka.

Pinakadulong Bahagi sa Kanluran: Balabac

Ang Balabac ay binubuo ng

31 isla sa lalawigan ng

Palawan. Sagana ang lugar sa

mga anyong tubig at likas na

yaman. Naninirahan dito ang

mga katutubong Molbog.

Makikita rito ang pilandok,

iba’t ibang uri ng punong

mangrove, at iba’t ibang uri

ng ibon.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

15

Pinakadulong Bahagi sa Silangan: Pusan Point Ang Pusan Point ay

matatagpuan sa Caraga sa

Davao Oriental. Sinasabing

ito ang lugar kung saan

unang mamamalas ang

pagsikat ng araw.

Sa kasalukuyan, maraming

bagong impraestruktura

na ipinatayo rito upang

makahikayat ng mga turista

at maaunlad ang turismo.

Punan ng salita o mga salita ang bawat patlang upang mabuo ang diwa

ng teksto.

Ang Pinakadulong Lugar sa Pilipinas

Ang isla ng (1) ___________________ ay matatagpuan sa pinakadulo ng Batanes.

Mula rito, kailangan tumawid sa (2) ____________________ upang marating ang

Taiwan. Dahil mahirap marating, ang mga naninirahan sa islang ito ay

karaniwang nagpupunta sa (3) ____________________ para bumili ng mga

pangangailangan. Samantala, sa timog ng Pilipinas, ang isla ng (4)

____________________ ay matatagpuan sa pinakadulo ng Tawi-Tawi.

Dito naninirahan ang dalawang tribu—mga (5) ____________________ at Sama

Dilaut. Isa sa mga pangunahing hanapbuhay ng mga tagarito ay pangingisda.

Suriin Natin

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

16

Sa kanluran naman, ang (6) _____________________ ay binubuo ng 31 isla sa

pinakadulo ng Palawan. Sagana ang lugar sa mga likas na yaman. Makikita

rito ang (7) ____________________, ang isa sa pinakamaliliit na usa sa Mundo.

Matatagpuan naman ang (8) _____________________ sa Davao Oriental. Dito

unang mamamalas ang (9) ____________________. Sa kasalukuyan, maraming

bagong impraestrukturang ipinatayo rito upang makahikayat ng mga

(10) ____________________.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Ano ang pinakadulong bahagi ng Pilipinas sa hilaga?

2. Ano ang matatagpuan sa Balabac?

3. Ano ang ikinabubuhay ng mga naninirahan sa Saluag?

Ano ang kahalagahan ng mga pulo o lugar na nagtatakda ng pinakadulong

hangganan ng bansa?

Gamit ang mapa ng Pilipinas, hanapin ang apat na pinakadulong bahagi ng

bansa. Matapos pag-aralan ang lokasyon ng mga ito, punan ang talaan sa

ibaba.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

17

Dulong Bahagi Mga Karatig-Lugar Rehiyong Kinabibilangan

Y’ami

Saluag

Balabac

Pusan Point

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%]

Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Walang tama o

karamihan sa

naibigay na

impormasyon

(karatig-lugar

at rehiyong

kinabibilangan),

ay mali

Naibigay nang

tama ang ilang

impormasyon

(karatig-lugar

at rehiyong

kinabibilangan),

kaya lamang ay

maraming

kulang at mali

Naibigay ang

tamang

impormasyon

(karatig-lugar

at rehiyong

kinabibilangan),

subalit may

ilang kulang

Kumpletong

naibigay ang

tamang

impormasyon

(karatig-lugar

at rehiyong

kinabibilangan)

Kaayusan

at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi ng

talaan;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Medyo hindi

maayos at

malinis ang

talaan;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

talaan; may

ilang nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

talaan; walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

18

Panahon

ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ilang

minuto/

oras/araw/

linggo matapos

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

dahil ipinaalala

ng guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/

oras/araw/

linggo matapos

ang itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

19

Aralin 3

Lawak ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isang

kapuluan na binubuo ng

mahigit sa 7,000 pulo na

may kabuuang lawak na

humigit-kumulang 300,000

kilometro kuwadrado.

Kung ihahambing ito sa

ibang bansa, mas malaki

ang Pilipinas kaysa sa Gran

Britanya (244,045 km2) at

halos kasinlaki ito ng Italya

(301,225 km2).

Ang lawak o sukat ng isang

lugar ay mahalagang salik

sa pagtaya ng

pangkabuhayan at pulitikal

na kakayahan ng bansa.

Malaki o maliit ba ang Pilipinas kung ihahambing sa karamihan ng bansa?

Bakit mahalagang malaman ng mga Pilipino ang kabuuang lawak ng Pilipinas?

Layunin Natin

Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang natatalakay

ang kabuuang lawak ng Pilipinas.

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

20

Magaling ka bang magtantiya o magtaya (estimate) sa pamamagitan

lamang ang pagtingin sa laki o liit ng bansa sa mapa? Subukan mo ang

iyong kakayahan.

Ihambing ang

Pilipinas sa ibang

karatig-bansa nito.

Lagyan ng simbolong

< kung mas maliit

(less than) o > kung

mas malaki (greater

than) ang kahon.

Tandaan:

Ang Pilipinas ay may

kabuuang sukat na

humigit-kumulang

300,000 kilometro

kuwadrado.

1. Pilipinas Malaysia

2. Pilipinas Indonesia

3. Pilipinas Vietnam

4. Pilipinas Laos

5. Pilipinas Thailand

Subukan Natin

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

21

Ang Pilipinas ay may kabuuang sukat na

300,000 kilometro kuwadrado. Kasama

na rito ang lahat ng anyong lupa at

anyong tubig ng bansa. Ang kalupaan ng

bansa ay may kabuuang sukat na

298,190 kilometro kuwadrado.

Samantala, ang katubigan naman ay

may kabuuang sukat na 1,830 kilometro

kuwadrado.

Pitong porsiyento lamang ng mga pulo

sa bansa ang may laki na higit sa isang

milya kuwadrado. Sa mahigit na 7,000

pulo sa Pilipinas, 3,144 lamang ang may

pangalan. Samantala, nasa 1,700 na

pulo lamang sa bansa ang maaaring matirahan ng mga tao. Ang labing-isang

pinakamalaking pulo ay sumasakop sa ika-94 na porsiyento ng kabuuang

lawak ng lupa. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang Luzon na may lawak na

105,000 kilometro kuwadrado. Sinusundan ito ng Mindanao na may 95,000

kilometro kuwadrado.

Nahahati ang kapuluan ng Pilipinas sa tatlong pangkat ng pulo: ang Luzon,

Visayas, at Mindanao. Nasa Luzon ang mga pulo mismo ng Luzon, Mindoro,

Marinduque, Masbate, Romblon, Catanduanes, Batanes, at Polilio. Sakop ng

Visayas ang mga pulo ng Panay, Negros, Cebu, Bohol, Leyte, Samar, Siquijor,

Biliran, at Guimaras. Sa Mindanao matatagpuan ang mga pulo ng mismong

Mindanao, Dinagat, Siargao, Camiguin, Samal, Basilan, Sulu, at Tawi-Tawi.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin

Tandaan at gawing gabay ang

kahulugan ng sumusunod na

salita:

• kilometro kuwadrado –

yunit sa pagsukat ng lawak,

square kilometer sa Ingles

• porsiyento – bahagdan

• salik – dahilan, sanhi

• potensyal – kakayahan

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

22

Kahalagahan ng Lawak Ang lawak ng Pilipinas ay mahalagang salik upang malaman ang

pangkabuhayan at pulitikal na potensyal nito bilang malayang bansa.

Kalimitan sa maliliit na bansa, kagaya ng Singapore, ay limitado ang yamang

lupa. Ang pangangailangan para sa sapat na espasyo ay kailangan

masuportahan ang malaking populasyon at mabigyan ng pagkakataon para

sa pagpapalawak at kaunlaran.

Isulat sa patlang kung Tama o Mali ang bawat pangungusap.

1. Ang Pilipinas ay binubuo ng mahigit sa 7,000 pulo na

may kabuuang lawak na humigit-kumulang 300,000

kilometro kuwadrado.

2. Mas maliit ang sukat ng Pilipinas kaysa sa Gran

Britanya.

3. Ang katubigan ng Pilipinas ay mas malaki kaysa sa

kalupaan nito.

4. Mahigit sa kalahati ng mga pulo ng Pilipinas ang

maaaring tirahan ng mga tao.

5. Ang pinakamalaking pulo ng Pilipinas ay ang Luzon na

may lawak na 105,000 kilometro kuwadrado.

6. Mas mababa sa 10 porsiyento lamang ng mga pulo sa

bansa ang may laki na higit sa isang milya kuwadrado.

7. Sa lahat ng pulo ng Pilipinas, mahigit 3,000 lamang ang

may pangalan.

Suriin Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

23

8. Sakop ng Mindanao ang mga pulo ng Panay,

Negros, Cebu, Bohol, Leyte, at Samar.

9. Mahalagang malaman ang lawak ng Pilipinas upang

magabayan ang bansa sa pagpapatakbo ng kabuhayan.

10. Malaki ang epekto ng lawak ng isang bansa sa

kalagayan ng mga mamamayan nito.

Sagutin ang sumusunod na tanong:

1. Gaano kalaki o kalawak ang Pilipinas?

2. Ilang pulo ang bumubuo sa Pilipinas?

3. Bakit mahalagang malaman ang lawak ng isang bansa?

Sa iyong opinyon, kaya bang tugunan ng lawak ng Pilipinas ang

pangangailangan ng buong populasyon nito? Bakit?

Magsaliksik tungkol sa lawak ng iba pang bansa. Sa ibaba ay makikita ang

listahan ng iba’t ibang bansa. Alamin ang kabuuang lawak ng bawat isa.

Ihambing ito sa kabuuang lawak ng Pilipinas. Gumamit ng mga simbolong

<, >, o =.

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

24

Bansa <, >, = Bansa

Pilipinas Pransya

Pilipinas Myanmar

Pilipinas Ehipto

Pilipinas Colombia

Pilipinas New Zealand

Pilipinas Espanya

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Hindi o

natukoy ang

eksaktong

lawak ng isa

hanggang

dalawa

lamang na

bansa; Wala o

tama ang isa

lamang na

sagot sa

paghahambing

Natukoy ang

eksaktong

lawak ng

tatlong bansa;

Tama ang

tatlong sagot

sa

paghahambing

Natukoy ang

eksaktong

lawak ng apat

hanggang

limang bansa;

Tama ang apat

hanggang

limang sagot

sa

paghahambing

Natukoy ang

eksaktong

lawak ng anim

na bansa;

Tama ang

lahat ng sagot

sa

paghahambing

Kaayusan

at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi

ng listahan;

napakaraming

nakitang bura,

dumi, o

Medyo hindi

maayos at

malinis ang

listahan;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

Maayos at

malinis ang

listahan; may

ilan nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

listahan;

walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

25

pagkakamali pagkakamali

Panahon

ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ilang

minuto/

oras/araw/

linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

dahil ipinaalala

ng guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

minuto/

oras/araw/

linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

minuto/

oras/petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Ayon sa Saligang Batas 1987, ang Pambansang Teritoryo ng Pilipinas ay

binubuo ng sumusunod:

• kapuluan ng Pilipinas,

mga isla at mga bahagi

ng tubig na nakapalibot

dito,

• mga teritoryong

nasasaklaw ng

soberanya ng Pilipinas,

• kalupaan, katubigan, at

himpapawid

• dagat teritoryal, kalaliman ng dagat, at kailaliman ng lupa,

Karagdagang Kaalaman

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

26

• kalapagang insular,

• mga pook-submarino,

• mga karagatang nakapaligid, nakapagitan, at nag-uugnay sa mga pulo at

kapuluan, at

• mga lawak na nag-uugnay sa bahagi ng panloob na karagatan ng

Pilipinas.

Bumuo ng sampung pangkat. Sa malinis na oslo paper, bawat pangkat ay

gagawa ng simpleng brochure na nagpapakita ng lokasyon at katangian ng

alinman sa pinakadulong lugar o hangganan ng Pilipinas. Hinihikayat ang

ibayong pananaliksik. Pumili ng isa lamang sa mga ito: Y’ami, Balabac, Pusan

Point, at Saluag.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%]

Mas Mababa

kaysa

Inaasahan

[50%]

Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%]

Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Nilalaman Hindi naipakita

sa simpleng

brochure ang

lokasyon at

katangian ng

napiling lugar;

wala o hindi

angkop o

kulang na

kulang sa

mahahalagang

impomasyon

Hindi gaanong

malinaw na

naipakita sa

simpleng

brochure ang

lokasyon at

katangian ng

napiling lugar;

kulang sa

maraming

mahahalagang

impomasyon,

umasa lamang

sa napag-aralan

Malinaw na

naipakita sa

simpleng

brochure ang

lokasyon at

katangian ng

napiling lugar;

kulang ng ilang

mahahalagang

impomasyon,

nagsagawa ng

pananaliksik

pero hindi

sapat

Napakalinaw

na naipakita

sa simpleng

brochure ang

lokasyon at

katangian ng

napiling lugar;

kumpleto ito

sa

mahahalagang

impomasyon,

hayag na

nagsagawa ng

ibayo pang

Pagyamanin Natin

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

27

pananaliksik

Kaayusan at

Kalinisan

Walang

kaayusan at

napakadumi

ng brochure;

napakaraming

nakitang bura,

dumi o

pagkakamali

Medyo hindi

maayos at

malinis ang

brochure;

maraming

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Maayos at

malinis ang

brochure; may

ilan nakitang

bura, dumi, o

pagkakamali

Napakaayos at

napakalinis ng

brochure;

walang

nakitang bura,

dumi, o

pagkakamali

Kooperasyon

ng mga Kasapi

ng Pangkat

Hindi

nagtutulungan

ang mga

kasapi sa

pagbuo ng

gawain; isang

kasapi lamang

ang

gumagawa ng

brochure

Ang mga kasapi

ay may kani-

kaniyang ideya

at hindi

magkasundo sa

dapat gawin;

ilang kasapi

lamang ang

nakikipagtulu

ngan sa pagbuo

ng brochure

Ang mga

kasapi ay

tumatanggap

ng ideya nang

hindi

nagbibigay ng

negatibong

komento at

sinusubukang

magkasundo

sa dapat

gawin;

karamihan sa

mga kasapi ay

nagbibigay ng

ambag sa

pagbuo ng

brochure

Ang mga

kasapi ay

tumatanggap

ng ideya ng

isa’t isa at

nagkakasundo

sa dapat

gawin; lahat ng

kasapi ay may

ambag sa

pagbuo ng

brochure

Panahon ng

Paggawa

Nakapagpasa

ng output sa

loob ilang

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

dahil ipinaalala

ng guro

Nakapagpasa

ng output sa

loob ng ilang

araw/ linggo

matapos ang

itinakdang

panahon ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output sa

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

Nakapagpasa

ng output bago

pa ang

itinakdang

petsa ng

pagpapasa

KABUUAN

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

28

Pilipinas

Hangganan

Hilaga: Kipot ng Bashi

Silangan: Dagat Pilipinas at

Karagatang Pasipiko

Timog: Dagat Sulu at Dagat Celebes

Kanluran: Dagat Kanlurang Pilipinas

Pinakadulong Bahagi

Hilaga: Y'ami

Silangan: Pusan Point

Timog: Saluag

Kanluran: Balabac

Kabuuang Sukat300,000 kilomero kuwadrado

mahigit 7,107 pulo

Paglalagom

DAPAT TANDAAN

• Ang mga anyong tubig na nakapaligid sa Pilipinas ay itinuturing na

hangganan at bahagi ng bansa.

• May mga batas na naging batayan sa pagtatakda ng hangganan ng

Pilipinas.

• Ang Y’ami sa hilaga, Saluag sa timog, Pusan Point sa silangan, at

Balabac sa kanluran ang mga pinakadulong bahagi ng Pilipinas.

• Ang kabuuang sukat ng Pilipinas ay 300,000 kilometro

kuwadrado, kasama na ng mga anyong tubig at anyong lupa ng

bansa.

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

29

Ang sumusunod na video link ay maaaring tingnan para sa karagdagang

impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• DFA protests China e-passport ng PTV

(https://www.youtube.com/watch?v=oFPqZa0lUVs)

• AFP hoisted Philippine flag in Batanes ni VJ Norz

(https://www.youtube.com/watch?v=UkLzOK6vZUc)

• Pusan Point Tourism Development Site ng Davao Oriental

(https://www.youtube.com/watch?v=KYHwNyZuxD8)

• Balabac, Palawan - The Last of the last Frontier ng The Chinito Traveler

(https://www.youtube.com/watch?v=0eKSSvmTzJo)

Aralin 1: Hangganan ng Pilipinas: Mga Anyong Tubig

Subukan Natin

1. timog

2. kanluran

3. silangan

4. hilaga

Suriin Natin

A. Tama o Mali

1. Tama

2. Tama

3. Mali

Dagdag Sanggunian

Gabay sa Pagwawasto

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

30

4. Mali

5. Tama

6. Tama

B. Pagtatapat

1. C. timog

2. D. kanluran

3. B. silangan

4. A. hilaga

Aralin 2: Hangganan ng Pilipinas: Pinakadulong Bahagi

Subukan Natin

1. Y’ami, Batanes

2. Pusan Point, Davao Oriental

3. Saluag, Tawi-tawi

4. Balabac, Palawan

Suriin Natin

1. Y’ami

2. Bashi

3. Taiwan

4. Saluag

5. Tausug

6. Balabac

7. pilandok

8. Pusan Point

9. unang sikat ng araw

10. turista/dayuhan

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

31

Aralin 3: Lawak ng Pilipinas

Subukan Natin

1. <

2. <

3. <

4. >

5. <

Suriin Natin

1. Tama

2. Mali

3. Mali

4. Mali

5. Tama

6. Tama

7. Tama

8. Mali

9. Tama

10. Tama

"Kinalalagyan at Laki ng Pilipinas.” Heograpiya. Nakuha mula sa http://www.

seasite.niu.edu/tagalog/modules_in_Tagalog/heograpiya.htm

"Pusan point rises as new tourism landmark.” Republic of the Philippines:

Philippine Information Ageny. Nakuha mula sa

http://news.pia.gov.ph/article/view/1591465179790/pusan-point-rises-

as-new-tourism-landmark

“Philippines Area.” Index Mundi. Nakuha mula sa http://www.indexmundi.

com/philippines/area.html

“Philippines.” Infoplease. Nakuha mula sa http://www.infoplease.com/country/

philippines.html

“Saluag Island.” Mindanao Tours. Nakuha mula sa https://www.mindanao

tours.com/saluag-island/

Sanggunian

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 4, YUNIT 6 Hangganan at …

Copyright © 2018 Quipper Limited

32

“Travel Guide: Balabac.” Lakwatsero. Nakuha mula sa http://www.lakwatsero.

com/destinations/travel-guide-balabac/

“Y’ami Island.” Vista Pinas. Nakuha mula sa http://www.vistapinas.com/

article/yami-island

Baisa-Julian, Ailene G. Lakbay ng Lahing Pilipino. Quezon City, NCR: Phoenix

Publishing House Inc., 2012.

Basallo, Bertito R. IOTOPIA: Pilipinas. Las Pinas City, NCR: Hope Publishing

House Inc., 2010.

Magallona, Merlin at Castillo, Celeste Ann. “Philippine Teritorry and the UN

Convention Law on the Sea.” University of the Philippines. Nakuha sa

http://www.up.edu.ph/philippine-territory-and-the-un-convention-on-

the-law-of-the-sea/