araling panlipunan baitang 5, yunit 4 pinagmulan ng
TRANSCRIPT
Copyright © 2018 Quipper Limited 1
ARALING PANLIPUNAN BAITANG 5, YUNIT 4
Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang Kabihasnan
TALAAN NG NILALAMAN
2 Introduksyon Aralin 1: Mga Teorya Tungkol sa Pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas 3
Layunin Natin 3 Subukan Natin 4 Alamin Natin 5 Pag-aralan Natin 5 Suriin Natin 9 Sagutin Natin 10 Pag-isipan Natin 10 Gawin Natin 10
Aralin 2: Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas 12 Layunin Natin 12 Subukan Natin 13 Alamin Natin 14 Pag-aralan Natin 14 Suriin Natin 17 Sagutin Natin 18 Pag-isipan Natin 18 Gawin Natin 18
Karagdagang Kaalaman 19 Pagyamanin Natin 20 Paglalagom 21 Dapat Tandaan 22 Dagdag Sanggunian 22 Gabay sa Pagwawasto 23 Sanggunian 24
Copyright © 2018 Quipper Limited
2
BAITANG 5 | ARALING PANLIPUNAN
YUNIT 4
Pinagmulan ng Pilipinas at mga Sinaunang
Kabihasnan
Kweba ng Tabon sa Palawan kung saan nakita ang buto ng Taong Tabon
Minsan ay napaisip ka ba kung paano nabuo ang Pilipinas? O kung paano nakarating ating
mga ninuno sa Pilipinas?
Maraming teorya ang inilahad ng mga dalubhasa kung saan nagmula ang mga kapuluan
ng Pilipinas at mga unang tao sa bansa. Ating tatalakayin sa yunit na ito ang mga
pangunahing teoryang ito gaya ng Continental Drift, Bulkanismo, at ang teoryang
Austronesyo.
Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman
Copyright © 2018 Quipper Limited
3
Aralin 1:
Mga Teorya Tungkol sa Pagkabuo ng Kapuluan ng Pilipinas
Maraming dalubhasa ang nag-aral at naglahad kung saan nagmula ang mga kapuluan ng
Pilipinas gayun din ang iba pang mga bansa sa mundo. Mula sa mga pag-aaral na ito, ang
mga pangunahing teorya na nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga bansa, ang
Continental Drift at Bulkanismo, ay nabuo.
Ano ang Teoryang Continental Drift at Teoryang Bulkanismo? Paano inilahad sa mga
teoryang ito ang pagkabuo ng Pilipinas at pinagmulan ng mga unang tao sa bansa?
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na naipapaliwanag at
napapahalagahan ang mga ang mga teoryang naglalahad ng pagkabuo ng kapuluan
ng Pilipinas.
Ang pagsabog ng bulkan ay naglalabas ng mga materyal na sa kalaunan ay nagiging bato at bahagi
ng lupa. (larawan ni C.G. Newhall mula sa Wikimedia Commons)
Copyright © 2018 Quipper Limited
4
Ituro ang wastong pagkasunod-sunod ng pagbuo ng mga kontinente sa mundo.
Iguhit ang tunod () na nagpapahiwatig ng tamang pagkakasunod.
Subukan Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
5
May dalawang pangunahing teorya na
nagpapaliwanag kung paano nabuo ang iba’t
ibang kontinente sa mundo. Ito ang Teorya ng
Continental Drift at Teorya ng Bulkanismo.
Teorya ng Continental Drift Ang pundasyon ng Teorya ng Continental Drift
ay ang teorya ng plate tectonics kung saan
pinaniniwalaan na ang bawat kontinente ay
nakapatong sa malalaking plates na maaring
gumalaw.
Ayon kay Alfred Wegener, isang geophysicist,
noong 1912, ang mga kontinente at mga bansa
tulad ng Pilipinas ay nabuo sa paghihiwalay ng
mga continental plates.
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na mga
salita:
• teorya – pagpapaliwanag o
pahayag na naisipan sa
pamamagitan ng maingat at
matalinong pag-iisip at
pagtingin ng mga ebidensiya
• labi – katawan na wala nang
buhay
• sona – isang lugar o rehiyon na
naiiba sa nakapaligid dito.
Paghihiwalay ng mga Kontinente
Copyright © 2018 Quipper Limited
6
Tinatayang mahigit 200 milyong taon na ang nakalipas, ang lahat ng kontinente
sa mundo ay kabilang sa isang malaking tipak ng lupa na ang tawag ay Pangaea.
Ito ay nahati sa dalawa: ang Laurasia sa hilaga at Gondwanaland sa timog. Ang dalawang
kontinenteng ito ay naghiwa-hiwalay sa mas maliliit na tipak ng lupa kung saan nagmula
ang iba’t ibang mga kontinente sa mundo. Ang mga ito ay naanod sa karagatan hanggang
marating ang kanilang kasalukuyang posisyon.
Patunay ng Teorya ng Continental Drift Ang Laurasia ay binubuo ng
Asya (maliban sa India), Europa,
at Hilagang Amerika. Ang
Gondwanaland naman ay
binubuo ng Antartika, Aprika,
India, at Timog Amerika. Sa
hugis ng mga kontinente, ang
Aprika at Timog Amerika ay
akma kung pagdidikitin.
Mayroon ding magkakatulad na
labi ng mga halaman at hayop
ang natagpuan sa iba’t ibang
kontinente ng mundo tulad ng
buwayang tabang na
matatagpuan sa Brazil at South
Africa. Gayundin, ang labi ng
mga halamang tropikal na
matatagpuan sa Antartika.
Mangyayari lamang ang mga ito kung magkakadugtong nga ang mga kalupaan noon.
Tinatanggap na rin ng mga siyentipiko ang teorya ng plate tectonics dahil napatunayan ng
mga pagsusuri noong 1950 ang paglawak ng sahig ng dagat. Dahil dito, naniniwala ang
mga heologo na mayroon malaking posibilidad na nangyari nga ang continental drift.
Mayroong magkakaparehas na fossil ang natagpuan sa iba’t
ibang kontinente
Copyright © 2018 Quipper Limited
7
Ang Teorya ng Bulkanismo Ang Teorya ng Bulkanismo ay nagsasaad na nabuo ang mga kapuluan ng Pilipinas sa
pamamagitan ng pagputok ng mga bulkan. Tinatayang mga 200 milyong taon na ang
nakalipas nang naganap ang mga pagputok ng mga bulkan. Ang mga bulkang ito ay
matatagpuan sa ilalim ng Pacific Ocean, gawing silangan ng Asya.
Ang nabuong bato mula sa mga bulkan ay nagkahiwa-hiwalay at nagkaroon ng
katubigan sa pagitan ng mga ito. Mula rito ay nagkaroon ng malaking tipak ng lupa. Kapag
tumagal ay nakakabuo na ito ng grupo ng mga isla o kapuluan na tulad ng sa Pilipinas.
Pagputok ng bulkan sa ilalim ng Karagatang Pasipiko
(larawan ng NSF at NOAA mula sa Wikimedia Commons)
Copyright © 2018 Quipper Limited
8
Patunay ng Teoryang Bulkanismo Ang Pilipinas ay nasa Pacific Ring of Fire kaya naman kilala rin ang teoryang ito sa tawag
na Teoryang Pasipiko. Ang Pilipinas, kabilang ang ilang mga bansa sa Asya Pasipiko, ay
matatapuan sa sonang ito. Kaya ito tinawag na Ring of Fire ay dahil dito matatagpuan ang
maraming hanay ng mga bulkan. Walang tigil na pagsabog ng mga bulkan at lindol ang
nagaganap sa sonang ito.
Sa katunayan, ang Pilipinas ay may 22 na aktibong bulkan tulad ng Kanlaon sa Negros,
Mayon sa Albay, Pinatubo sa Gitnang Luzon, at Taal sa Batangas. Ang bulkanismo
pinaniniwalaang naganap din sa bansang Japan, Indonesia, Taiwan, New Zealand, at
Solomon Islands.
Ang Pilipinas sa Pacific Ring of Fire
Copyright © 2018 Quipper Limited
9
A. Tukuyin kung TEORYA NG CONTINENTAL DRIFT o TEORYA NG BULKANISMO ang
tinutukoy sa sumusunod na pangungusap.
_______________1. Nagmula kay Alfred Wegener na isang geophysicst noong 1912.
_______________2. Ayon sa teoryang ito, nabuo ang Pilipinas mula sa paghihiwalay ng
mga continental plates kung saan nakapatong nag kontinente.
_______________3. Ayon sa teoryang ito ang Pilipinas ay nabuo mula sa pagputok ng
mga bulkan.
_______________4. Ang mga nabuong bato mula sa pagsabog ng bulkan ay
nagkawatak-watak at naging arkipelago ng Pilipinas.
_______________5. Patunang ng teoryang ito ang pagiging malapit ng Pilipinas sa
Pacific Ring of Fire.
B. Tukuyin kung ano ang tawag sa sinaunang continental plates ang nasa kahon sa
sumusunod na mga mapa:
1. ________________________
2. ________________________
3. ________________________
Suriin Natin
1
2
3
Copyright © 2018 Quipper Limited
10
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang Teoryang Continental Drift?
2. Ano ang Teoryang Bulkanismo?
3. Ano ang kahalagahan ng mga teoryang ito?
Sa iyong palagay, alin ang mas kapani-paniwalang teorya, ang Continental Drift o
Bulkanismo? Bakit ito ang iyong napili?
Bumuo ng pangkat na may 4 na kasapi. Ipakita sa klase ang paghiwahiwalay ng mga
continental plates sa pamamagitang ng isang malikhaing pagtatahanghal. Maari itong gawin
sa isang pamamagitan ng isang tula, awit, sayaw, o pagsasadula.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
impormasyon Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
hindi
tama
Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
tama
Halos lahat ng
impormasyong
inilahad ay
tama
Tama ang mga
impormasyong
inilahad
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
11
Kooperasyon
ng mga
Kasapi ng
Pangkat
Hindi
nagtutulungan
ang
mga kasapi
para sa
kanilang
gagawing
pagtatanghal at
isang tao
lamang
ang gumagawa
para sa
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay may kani-
kaniyang ideya
at hindi
magkasundo sa
dapat nilang
gawin
Ilang kasapi
lamang ang
nag-aambag
para sa
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay
tumatanggap
ng ideya nang
hindi
nagbibigay ng
negatibong
komento at
sinusubukang
magkasundo sa
dapat gawin at
karamihan sa
mga kasapi ay
nagbibigay ng
ambag sa
pagbuo ng
presentasyon/
skit/
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay
tumatanggap
ng ideya ng
isa’t isa at
nagkakasundo
as dapat gawin
at lahat ng
kasapi ay may
ambag sa
pagbuo ng
presentasyon/
skit/
pagtatanghal
Pagtatanghal Hindi halos
nakikinig/nano
nood ang mga
manonood
Maraming
pagkakataon
na
bumubulong at
hindi naririnig
Hindi
gumagamit ng
angkop na
galaw o kilos; o
hindi
masyadong
gumagalaw
Sinusubukang
makuha ang
interes ng mga
manonood
Hindi
masyadong
marinig sa ilang
pagkakataon
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
sa ilang
pagkakataon
Nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Nagsasalita sa
paraang
naririnig ng
mga
manonood
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
sa maraming
pagkakataon
Nakakaaliw at
nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Nagsasalita
nang malakas
at malinaw
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
KABUUAN
Copyright © 2018 Quipper Limited
12
Aralin 2
Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng mga Unang
Tao sa Pilipinas
Marahil ay nabasa o narinig mo na ang
alamat ni Malakas at Maganda. Ayon sa
alamat, sila ay lumabas galing sa isang
mataas na kawayan at naging unang tao
sa mundo.
Ngunit sa labas ng mga alamat at kwento,
sino ba talaga ang unang mga tao sa
Pilipinas?
Ano ang Teoryang Austronesyo?
Paano inilahad sa mga teoryang ito ang
pagkabuo ng Pilipinas at pinagmulan ng
mga unang tao sa bansa?
Alamin natin ang mga sagot sa araling ito.
Layunin Natin
Pagkatapos ng araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahan na naipapaliwanag at
napapahalagahan ang mga ang mga teoryang naglalahad ng pinagmulan ng mga
unang tao sa bansa.
Si Malakas at si Maganda
(larawan ni Rodsan18 mula sa Wikimedia Commons)
Copyright © 2018 Quipper Limited
13
Ano-anong mga kagamitan o sinong sinaunang tao ang nahanap sa mga lugar na
nakapaloob sa bilog? Isulat ang mga sagot sa kahon.
Subukan Natin
1
2
3
Copyright © 2018 Quipper Limited
14
Tulad ng pagkabuo ng kapuluan ng Pilipinas,
mayroon ding iba’t ibang teorya ang
nagpapaliwanag sa pinagmulan ng mga tao sa
bansa. Bawat teorya ay batay sa pag-aaral at
masusing pananaliksik ng mga arkeologo sa
mga nahukay na artifact sa iba’t ibang bahagi
ng bansa.
Teoryang Austronesyano Ang teoryang ito ay iminungkahi nina
Peter Bellwood at Eusebio Dizon, mga
tanyag na archaeologist, sa kanilang
papel na ‘The Batanes Archaeological
Project and the "Out of Taiwan Hypothesis
for Austronesian Dispersal.”
Ayon dito, ang mga Austronesyano ay
mga tao na pinaniniwalaang nanggaling
sa timog na bahagi ng Tsina. Mula sa
Formosa (kasalukuyang Taiwan), sila ay
naglayag patungo sa Timog-Silangang
Pag-aralan Natin
Alamin Natin
Tandaan at gawing gabay ang
kahulugan ng sumusunod na
salita:
• pananaliksik – paraan ng
pangangalap ng ebidensiya
upang matukoy ang katangian
at ugnayan ng mga bagay
• arkeologo – tao na
nagsasaliksik tungkol sa
kasaysayan at pangyayari sa
sinaunang panahaon sa
pamamagitan ng pag-aaral at
pagsusuri ng mga pisikal na
ebidensiyang naiwan mula sa
mga panahong iyon
• naglayag – naglakbay sa gamit
ang bangka
Pagitan ng Batanes at Taiwan
Copyright © 2018 Quipper Limited
15
Asya at Karagatang Pasipiko. Pinaniniwalaang narating nila ang isla ng Batanes
noong tinatayang 3,500 BC.
Pinaniniwalaang ang mga Pilipino sa kasalukuyan ay mga apo na ng mga sinaunang
taong piniling manirahan sa Pilipinas nang ang ibang miyembro ng tribo ay lumipat
patimog, pakanluran, at pasilangan.
Patunay ng Teoryang Austronesyano • Iba’t ibang artifacts ang natagpuan sa isla ng Batanes tulad ng Taiwan nephrite at
slate, mga palayok na may mahabang patayong hawakan, spindle whorls, at
binotched stone fishing sinkers.
• May pagkakahawig ang wika ng mga Malayo-Polynesian sa mga Pilipino.
Teorya ng Core Population Pinalawig naman ni F. Landa Jocano ang teoryang
Austronesyano sa pamamagitan ng pagsulong sa Teorya ng
Core Population. Sa ilalim ng teoryang ito, sinasabing ng mga
Pilipino ngayon ay nagmula sa mga isang lahi ng sinaunang
tao na lumipat hindi lang sa Pilipinas kundi pati na rin sa
Borneo, Australia, at New Guinea.
Sinasabi ni Jocano na ang mga Pilipino ngayon ay produkto ng
mahabang proseso ng ebolusyon at palipat-lipat sa iba’t ibang
lugar sa bansa. Giit pa ni Jocano na hindi masasabing mula sa
lahing Malay ang mga Pilipino dahil ang mga Malaysian at
Indonesian ay nag-evolve lang din batay sa kung ano ang
mayroon sa kanilang kapaligiran.
Patunay sa Teoryang Core Population
• Sa isang pag-aaral na ginawa ng mga siyentipiko sa Unibersidad ng Stanford,
nadiskubreng mayroong pagkakaparehas ang DNA ng mga Pilipino, Tsino, Koreano,
at Vietnamese. Pinakamalapit ang DNA ng mga Pilipino sa mga kabilang sa tribo ng
Ami mula sa Taiwan. • Isa pang pag-aaral ang nagpatunay na mayroong kaparehas na DNA ang mga
Pilipino sa aborigine ng Taiwan, mga Indonesian, Thai at Tsino.
Si F. Landa Jocano ay isa sa mga
kilalang antropologo sa Pilipinas.
Copyright © 2018 Quipper Limited
16
• Nakita rin sa isang pagsusuri noong 2008 na walang ebidensiya ng malawakang migrasyon mula Taiwan patungong Pilipinas ngunit ang mga DNA ng
mga tao sa timog-silangang Asya ay nag-evolve.
Pandarayuhan o Wave Migration Ang teoryang ito ay iminungkahi ni Otley H. Beyer. Ayon sa
teoryang ito, ang kasalukuyang lahi ng mga tao sa Pilipinas ay
mula sa tatlong pangunahing pangkat—Negrito, Indones, at
Malay. Ang iba’t ibang grupo na ito ay naglayag patungo sa
Pilipinas sa pamamagitan ng tulay na lupa at mga bangkang
tinatawag na balangay.
Dahil sa pag-unlad ng mga metodolohiyang gamit sa
pagnanaliksik, sinasabi ng mga mananalaysay at mga
antropologo na masyadong simple at di kapani-paniwala ang
teoryang ito ni Beyer. Gayundin, mayroong mga ebidensiyang
nakalap na hindi sumasang-ayon sa pahayag ni Beyer kaya’t
hindi na kinikilala ang wave migration bilang isang posibleng
eksplenasyon sa pagkakaroon ng mga tao sa Pilipinas.
Mga Sinaunang Tao sa Pilipinas Sa mga pagsusuri, dalawang labi ng sinaunang tao ang nahanap sa Pilipinas. Ang taong
callao at taong tabon ay mayroong magkaibang katangian na importanteng malaman ng
isang mag-aaral ng kasaysayan.
Ang Taong Callao
Sa pangunguna ni Dr. Armand Mijares noong
2007, nahukay ang buto sa paa (metatarsal) ng
tao sa kweba ng Callao sa Peñablanca, Cagayan.
Gamit ang uranium series dating, ang buto ay
tinatayang 67,000 taong gulang.
May mga parte ng buto ng usa at baboy ramo ang natagpuan malapit sa labi
ng tinaguriang Taong Callao. Ayon kay Dr. Mijares, ito raw ay patunay na si Taong Callao
ay isang sanay na mangangaso.
Buto ng Taong Callao
Si Henry Otley Beyer ay isang
kilalang antropologo.
Copyright © 2018 Quipper Limited
17
Ang Taong Tabo
Natuklasan naman ang mga labi ng
Taong Tabon sa Kuweba ng Tabon sa
Quezon, Palawan noong 1962 sa
pangunguna ni Dr. Robert Fox. Ang
mga buto na natagpuan ay bungo at
panga na pinaniniwalaang nagmula sa
tatlong indibiduwal. Ang Taong Tabon
ay pinaniniwalaang nabuhay mula
22,000BC hanggang 24,000 BC.
Isulat sa patlang ang wastong sagot.
1. Ayon sa ______________________ ang mga Pilipino ay galing sa tatlong pangunahing
pangkat: Negrito, Indones, at Malay.
2-4. Ang mga ______________________ ay pinaniniwalaang nanggaling mula sa
______________________ patungo sa sa Timog-silangang Asya kung saan sila ay
nakarating sa ______________________.
5. Ang Taiwan ay dating tinatawag na ______________________.
6. Patunay ang mga natagpuang artifacts sa Batanes katulad ng nephrite at slate na
matatagpuan din sa ______________________.
7. Hindi na iminungkahi ang teorya ng pandarayuhan o Wave Migration dahil hindi
sang-ayon ang mga natagpuang buto sa ______________________ sa iminungkahi ni
Otley H. beyer.
8. Tinatayang ______________________ taong gulang ang butong nahukay sa Callao sa
Peñablanca, Cagayan.
9. Ang mga natagpuang buto ng usa at baboy ramo sa tinaguriang Taong Callao ay
nagpapatunay na siya ay maaring isang ______________________.
10. Ang mga butong natagpuan sa Kuweba ng Tabon ay pinaniniwalang nagmula sa
______________________ indibiduwal.
Suriin Natin
Kuweba ng Tabon mula sa dalampasigan
(larawan ni Jimaggro mula sa Wikimedia Commons)
Copyright © 2018 Quipper Limited
18
Sagutin ang sumusunod na tanong:
1. Ano ang Teoryang Austronesyo?
2. Ano ang iba pang Teorya sa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa Pilipinas?
3. Ano ang kahalagahan ng mga teoryang ito?
Sa iyong palagay, mahalaga bang malaman kung saan nagmula ang Pilipinas at ang lahing
Pilipino? Bakit?
Ilarawan sa pamamagitan ng pagpinta sa cardboard ang maaring naging pamumuhay ng
mga unang tao sa Pilipinas. Magsaliksik ng karagdagang impormasyon ng tungkol kanilang
pamumuhay mula sa internet o mga aklat. Siguraduhing nakapaskil at nakatala sa likod ng
cardboard ang iyong mga pinagkunan ng impormasyon.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
importmasyon
Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
hindi tama
Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
tama
Halos lahat ng
impormasyong
inilahad ay
tama
Tama ang mga
impormasyong
inilahad
Sagutin Natin
Pag-isipan Natin
Gawin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
19
Maraming naiwang mga artifacts o pisikal
na ebidensiya na ang mga sinaunang tao
sa Pilipinas. Maari mong hanapin ang mga
ito sa internet ngunit kung may paraan para
makita mo ito ng mas malapitan.
Ang iba sa mga artifacts na ito ay nasa
National Museum of Anthropology o Museum
of the Filipino People sa Ermita, Maynila. Ito
ay bukas mula Martes hanggang Linggo ng
alas-diyes ng umaga hanggang alas-singko
ng hapon. Ilan sa importanteng artifacts na
iyong makikita ay ang banga ng Manunggul
na nahukay sa Kweba ng Tabon.
Kasanayan/
Husay
Walang
kahusayan sa
pagguhit o
paglikha ng
likhang sining
Nagpapakita ng
pagnanais na
mapaghusay
ang kanyang
paggawa ng
likhang sining
May angking
husay sa
paggawa;
kailangan pa
ng kaunting
pagsasanay
Nagpapakita
ng husay at
galing sa
paggawa; may
sapat na
kaalaman o
pagsasanay
Panahon ng
Paggawa
Nakapagpasa
ng kanyang
likhang sining
sa loob ng
dalawang
linggo
matapos ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng kanyang
likhang sining
sa loob ng
isang linggo
matapos ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng kanyang
likhang sining
sa itinakdang
petsa ng
pagpapasa
Nakapagpasa
ng kanyang
likhang sining
bago pa ang
itinakdang
petsa ng
pagpapasa
KABUUAN
Karagdagang Kaalaman
Museum of the Filipino People
Copyright © 2018 Quipper Limited
20
Bumuo ng apat na angkat. Magtanghal ng iskit na nagpapakita ng paglalakbay ng mga
Austronesiyano mula sa Formosa hanggang sa Batanes.
Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:
Pamantayan
[25%]
Mas Mababa
kaysa
Inaasahan
[50%]
Kailangan pa
ng
Pagsasanay
[75%]
Magaling
[100%]
Napakahusay Marka
Paglalahad ng
importmasyon
Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
hindi
tama
Karamihan sa
mga
impormasyong
inilahad ay
tama
Halos lahat ng
impormasyong
inilahad ay tama
Tama ang mga
impormasyong
inilahad
Kooperasyon
ng mga Kasapi
ng Pangkat
Hindi
nagtutulungan
ang
mga kasapi
para sa
kanilang
gagawing
pagtatanghal
at
isang tao
lamang
ang gumagawa
para sa
pagtatanghal
Ang mga
kasapi ay may
kani-kaniyang
ideya at hindi
magkasundo
sa dapat nilang
gawin
Ilang kasapi
lamang ang
nag-aambag
para sa
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay tumatanggap
ng ideya nang
hindi nagbibigay
ng negatibong
komento at
sinusubukang
magkasundo sa
dapat gawin at
karamihan sa
mga kasapi ay
nagbibigay ng
ambag sa
pagbuo ng
presentasyon/
skit/
pagtatanghal
Ang mga kasapi
ay
tumatanggap
ng ideya ng
isa’t isa at
nagkakasundo
as dapat gawin
at lahat ng
kasapi ay may
ambag sa
pagbuo ng
presentasyon/
skit/
pagtatanghal
Pagtatanghal Hindi halos
nakikinig/nano
nood ang mga
manonood
Sinusubukang
makuha ang
interes ng mga
manonood
Nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Nagsasalita sa
Nakakaaliw at
nakukuha ang
interes ng mga
manonood
Pagyamanin Natin
Copyright © 2018 Quipper Limited
21
Maraming
pagkakataon
na
bumubulong at
hindi naririnig
Hindi
gumagamit ng
angkop na
galaw o kilos; o
hindi
masyadong
gumagalaw
Hindi
masyadong
marinig sa
ilang
pagkakataon
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
sa ilang
pagkakataon
paraang
naririnig ng mga
manonood
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos sa
maraming
pagkakataon
Nagsasalita
nang malakas
at malinaw
Gumagamit ng
angkop na
galaw at kilos
KABUUAN
Pinagmulan ng Pilipinas at mga
Sinaunang Kabihasnan
Mga Teorya sa Pagkabuo ng
Pilipinas
Continental Drift
Bulkanismo
Mga Teorya Tungkol sa
Pinagmulan ng mga Unang Tao
sa Pilipinas
Austronesyano
Core Population
Pandarayuhan o
Wave Migration
Mga Sinaunang Tao sa Pilipinas
Taon Callao
Taong Tabon
Paglalagom
Copyright © 2018 Quipper Limited
22
Ang sumusunod na link ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas
malalim na pagtalakay:
• “National Museum Archeological Section” ng National Museum Collections
(http://www.nationalmuseum.gov.ph/nationalmuseumbeta/Collections/Archaeology
.html)
• “Philippines Most Stunning Archeological Discoveries” ng PhFacts
(https://www.youtube.com/watch?v=0VT7JXYfbOY)
• “Austronesian Migration (Crossroads – Civilizations)” ni Nusantu
(https://www.youtube.com/watch?v=LuDqAD2VtDQ)
DAPAT TANDAAN
• Ang Teorya ng Continental Drift ay nagpapaliwanag na ang Pilipinas ay
nabuo dahil sa paghihiwalay ng mga continental plates.
• Ang Teorya ng Bulkanismo ay naglalahad na ang Pilipinas ay nabuo dahil
sa pagsabog ng mga bulkan.
• Ang teorya tungkol sa mga Austronesyano ay nagpapaliwanag na ang
lahing Pilipino ay nagmula sa mga grupo ng tao na Austronesyo na
nanggaling sa timog na bahagi ng Tsina.
• Ang iba pang mga teorya ng pinagmulan ng lahing Pilipino ay ang Teorya
ng Pandarayuhan o Wave Migration Theory, at Teorya ng Core
Population.
• Mayroon mga nahukay na labi ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Ang mga
ito ay kilala ngayon sa tawag na Taong Callao, at Taong Tabon.
Dagdag Sanggunian
Copyright © 2018 Quipper Limited
23
Aralin 1: Mga Teorya sa Pagkabuo ng Pilipinas
Subukan Natin
Suriin Natin
A.
1. Teorya ng Continental Drift
2. Teorya ng Continental Drift
3. Teorya ng Bulkanismo
4. Teorya ng Bulkanismo
5. Teorya ng Bulkanismo
B.
1. Pangaea
2. Laurasia
3. Gondwanaland
Aralin 2: Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng mga Unang Tao sa
Pilipinas
Subukan Natin
1. nephrite at slate, mga palayok na may mahabang patayong hawakan, spindle whorls,
at binotched stone fishing sinkers
2. buto sa paa (metatarsal, buto ng usa at baboy ramo), taong Callao
3. buto o bungo at panga, taong Tabon
Gabay sa Pagwawasto
Copyright © 2018 Quipper Limited
24
Suriin Natin
1. Pandarayuhan o Wave Migration Theory
2. Austronesyano
3. Formosa o Taiwan
4. Batanes
5. Formosa
6. Taiwan
7. taon o panahon
8. 67, 000
9. mangangaso
10. tatlo
“Alfred Wegener (1880-1930)”. UCMP Berkeley. Nakuha mula sa http://www.ucmp.berkeley.
edu/history/wegener.html
“Continental Drift”. BBC UK. Nakuha mula sa http://www.bbc.co.uk/schools/gcsebitesize/
science/21c_pre_2011/earth_and_space/continentaldriftrev1.shtml
Bellwood, P. at Dizon, E. The Batanes Archaeological Project and the "Out of Taiwan"
Hypothesis for Austronesian. Nakuha mula sa http://pages.upd.edu.ph/sites/default/
files/pawlik/files/bellwood2005_batanes_archaeological_project_and_out_of_taiwan_hy
pothesis.pdf
Halili, M. N. Philippine History. Manila: Rex Book Store, Inc., 2008
Henderson, B. Archaeologist Unearth 67, 000 year-old human bone in Philippines. Nakuha
mula sa http://www.telegraph.co.uk/news/worldnews/asia/philippines/
7924538/Archaeologists-unearth-67000-year-old-human-bone-in-Philippines.html
Peralta, J. In Focus: The Austronesian Expansion- a Reaction to “Paths of Origin”. Nakuha mula
sa http://ncca.gov.ph/about-culture-and-arts/in-focus/the-austronesian-expansion-a-
reaction-to-paths-of-origin/
Rama, M. DC., et.al. Pilipinas Isang Sulyap At Pagyakap. Makati: EdCrisch International Inc.,
2006
Sanggunian