araling panlipunan baitang 8, yunit 2 heograpiyang …

37
Copyright © 2018 Quipper Limited 1 ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang Pantao ng Daidig TALAAN NG NILALAMAN Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Lahi at Pangkat-Etniko sa Daigdig 4 Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11 Aralin 2: Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 20 Sagutin Natin 21 Pag-isipin Natin 21 Gawin Natin 22 Aralin 3: Mga Pangunahing Wika sa Daigdig 23 Layunin Natin 23 Subukan Natin 24 Alamin Natin 25 Pag-aralan Natin 25 Suriin Natin 27 Sagutin Natin 28 Pag-isipin Natin 28 Gawin Natin 28

Upload: others

Post on 04-Dec-2021

67 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 1

ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2

Heograpiyang Pantao ng Daidig TALAAN NG NILALAMAN

Introduksyon 3 Aralin 1: Mga Lahi at Pangkat-Etniko sa Daigdig 4

Layunin Natin 4 Subukan Natin 5 Alamin Natin 6 Pag-aralan Natin 6 Suriin Natin 10 Sagutin Natin 11 Pag-isipan Natin 11 Gawin Natin 11

Aralin 2: Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig 13 Layunin Natin 13 Subukan Natin 14 Alamin Natin 15 Pag-aralan Natin 15 Suriin Natin 20 Sagutin Natin 21 Pag-isipin Natin 21 Gawin Natin 22

Aralin 3: Mga Pangunahing Wika sa Daigdig 23 Layunin Natin 23 Subukan Natin 24 Alamin Natin 25 Pag-aralan Natin 25 Suriin Natin 27 Sagutin Natin 28 Pag-isipin Natin 28 Gawin Natin 28

Page 2: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 2

Karagdagang Kaalaman 30 Pagyamanin Natin 31 Paglalagom 32 Dapat Tandaan 33 Dagdag Sanggunian 33 Gabay sa Pagwawasto 34 Sanggunian 35

Page 3: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 3

BAITANG 8 | ARALING PANLIPUNAN

YUNIT 2

Heograpiyang Pantao ng Daigdig

Ang heograpiyang pantao ay ang pangunahing sangay ng heograpiya na may kinalaman sa pag-aaral ng distribusyon, kultura, at mga gawain ng mga tao sa daigdig. Napalalawak ng heograpiyang pantao ang ating kamalayan at pag-unawa tungkol sa iba’t ibang kultura, kung kaya naman, mahalaga ito sa pakikipag-ugnayan ng tao sa iba pang grupo. Ano ang iba’t ibang pangkat etniko at lahi sa daigdig? Ano ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig? Ano ang wika?

Pindutin ang Home button para bumalik sa Talaan ng Nilalaman

Iba’t ibang tao sa mundo; (sa itaas, mula sa kaliwa) babaeng Inuit mula sa Alaska, lalaking mula sa Timog India, (sa ibaba, mula sa kaliwa) babaeng kabilang sa tribu ng Kikuyu sa Kenya,

pinuno ng tribung Ainu mula sa Hapon

Page 4: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 4

Aralin 1

Mga Lahi at Pangkat Etniko sa Daigdig

Tingnan ang larawan ng isang pamilya. Sa anong bansa kaya sila galing? Magugulat ka ba kung iyong malaman na sila ay mula sa Hapon? Kadalasang ay tinutukoy natin ang pinagmulan at ugali ng mga tao batay sa kanilang pisikal na anyo. Sa katunayan ay mayroon tayong nagawang pagpapangkat ng mga tao batay sa pisikal na anyo, pinanggalingan, at kultura. Ngunit sa panahon ngayon, ano ang batayan at silbi ng pagkakapangkat na ito? Ating talakayin at linawin sa araling ito.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang napahahalagahan ang natatanging lahi ng mga rehiyon, bansa, at mamamayan ng daigdig.

Pamilyang Ainu

Page 5: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 5

Pagtambalin ang mga pangkat-etniko sa Hanay A at mga larawan sa Hanay B. Hanay A Hanay B

1. Australoid a.

2. Negroid b.

3. Caucasoid c.

4. Mongoloid d.

Subukan Natin

Page 6: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 6

Ang isang lahi ay binubuo ng mga grupo ng tao na mayroong katangiang pisikal o biological na magkakahawig, katulad ng kulay ng balat at buhok, estruktura ng katawan, at iba pa. Ang pangkat etniko ay isang grupo ng tao na mayroong iisang lahi o pinagmulan, kultura, at/o wika, na nagbubukod sa kanila sa ibang grupo. Mauuri ang mga lahi sa daigdig sa sumusunod na pangunahing mga grupo: Negroid, Caucasoid, Mongoloid, at Australoid. Ang mga Negroid ay karaniwang may maitim na balat, kulot na buhok, at maaaring maging matangkad o pandak. Kabilang sa mga Negroid ang mga pangkat etniko mula sa Africa, mga Negrito sa Asya, at ilang pangkat-etniko sa mga isla sa Pasipiko. Ang mga Caucasoid ay maaaring mayroong maputi o kayumangging balat, maaaring mapusyaw hanggang maitim ang buhok, at maaaring maging matangkad o katamtaman ang taas. Kabilang dito ang mga pangkat etniko sa Europa at sa gitna, timog, at ilang bahagi ng Hilagang Asya.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • estruktura – pagkakaayos

ng mga bahagi, porma • globalisasyon – pagsasama

at paghahalo ng ekonomikal, pulitikal, at kultural na pamumuhay ng iba’t ibang bansa sa mundo.

• genes – isang yunit ng katangian na ating namamana mula sa ating mga magulang

• diskriminasyon – hindi makatarunangan at ibang pakikitungo sa isang tao ayon sa kaniyang kasarian, lahi, o estado sa buhay

Representasyon ng Pisikal na Anyo ng isang Negroid

Representasyon ng pisikal na anyo ng Caucasoid

Page 7: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 7

Ang mga Mongoloid ay karaniwang may madilaw o mamula-mulang balat, tuwid at maitim na buhok, at may karaniwang tangkad. Kabilang sa mga Mongoloid ang mga pangkat etniko mula sa Silangang Asya (katulad ng mga Koreano, Hapones, at Tsino), mga Eskimo, at mga katutubo ng Amerika (American- Indian).

Marami sa pangkat etniko sa daigdig ngayon ay mayroong pinaghalong katangian mula sa tatlong grupong ito, dahil sa patuloy na pakikipag-ugnayan ng mga tao. Ang isang halimbawa ng grupong may katangiang pinaghalo ay ang Australoid, na sinasabing mayroong katangian ng Negroid, Malay, at katutubong Indian.

Sa katunayan, dahil sa globalisasyon at mas malayang paggalaw ng mga tao sa iba’t ibang bahagi ng mundo, hindi na nagiging angkop ang pag-uuri sa mga tao batay sa kanilang pisikal na katangian. Ang mga scientist na gumawa ng pag-aaral tungkol sa DNA ng mga tao ang nagsabi na ang konsepto ng lahi o race ay walang batayan sa agham. Ayon sa kanila, ang pagkakaiba-iba ng ating pisikal na anyo ay dahil sa genes o mga katangiang ating namana mula sa ating mga ninuno at magulang.

Representasyon ng pisikal na anyo ng Mongoloid

Representasyon ng pisikal na anyo ng Australoid

Paglalarawan ng DNA

Page 8: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 8

Dahil na rin sa pangangalakal, pananakop, at pandarayuhan sa ibang kontinente ay naghalo-halo na ang genes ng mga tao. Kahit matangos ang ilong at maputi ang balat ng isang tao, hindi ibig sabihin na siya ay isang Caucasoid at wala siyang dugo o lahi ng mga tao mula sa Timog-Silangang Asya o Aprika.

Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas. Dahil sa ating bukas na ugnayan sa iba’t ibang lahi at dahil sa pananakop ng mga dayuhan ay masasabing halo-halo na ang ating lahi o dugo. Marami sa atin ay pinaghalong Malay, Tsino, Espanyol, Amerikano, Hapones, at iba pa kaya hindi ganoon kadaling masabi na tayo ay Caucasoid, Negroid, Mongoloid, at Australoid. Ang konsepto ng lahi at paggamit ng pisikal na anyo bilang batayan nito ay isang mahalagang isyu sa mga bansang mayroong populasyon na may iba-ibang pinanggalingan at kultura. Halimbawa nito ay ang bansang Estados Unidos. Mayroong nangyayaring diskriminasyon sa mga taong hindi nagtutugma ang pisikal na anyo sa sinasabing lahing Caucasoid. Ang pinanggalingan ng diskriminasyong ito ay ang paniniwalang mas angat ang mga lahing puti o Caucasoid kaysa sa ibang lahi.

Dahil sa mas pinadaling paglalakbay mas marami na ang may kakayahang dumayo at manirahan sa ibang bahagi ng mundo.

Page 9: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 9

Sa ilang siglo ng pananakop ng mga dayuhan ay atin na ring naranasan ang diskriminasyon. Sinakop ang Pilipinas ng mga Espanyol kasama ang paniniwala na sila ay mas nakaaangat sa mga katutubo. Ilang halimbawa ng mababang pagtingin na ito ay ang pagtawag sa mga katutubo bilang indio at ang pagbawal sa mga paring katutubo na humawak ng parokya. Ipinaramdam din ng mga Amerikano ang mababang pagtingin sa mga katutubo noong sinakop nila ang Pilipinas. Sa katunayan, ang ibinigay nilang dahilan ng pananakop ay upang turuan tayo kung paano mamahala ng isang bansa sa paniniwalang wala tayong kakahayan upang gawin ito. Hanggang ngayon ay hindi pa rin naaalis ang mababa nating pagtingin sa kayumangging balat. Makikita ito sa dami ng mga produktong pampaputi. Mararamdaman ito sa pagbibigay-puri sa mga taong nagsasabi na sila ay halo ng ibang lahi o sila ay mestiza at mestizo. Isang madaling gabay sa pagkakakilanlan ng isang tao ang kanilang pisikal na anyo o lahi, ngunit hindi lamang ito ang dapat gawing batayan. Maaaring isipin na mas mahalaga ang iba-ibang karanasan, kultura, pamumuhay, at ang katotohanang kahit ano man ang pisikal na anyo, lahat tayo ay mamamayan ng daigdig.

Mga Mamamayan ng Daigdig

Page 10: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 10

Suriin kung TAMA o MALI ang bawat pangungusap. _______________ 1. Ang pagkakauri ng mga tao batay sa lahi ay walang batayan sa agham.

_______________ 2. Marami sa pangkat etniko sa daigdig ay may pinaghalong katangian mula sa iba’t ibang lahi.

_______________ 3. Ang taong may maputing balat at may matangos na ilong ay walang ibang halong lahi.

_______________ 4. Halimbawa ng lahing may katangiang pinaghalo ay ang Austronesoid.

_______________ 5. Ang pangkat etniko ay isang grupo ng mga tao na mayroong iisang pinagmulan, kultura, at/o wika, na nagbubukod sa kanila sa ibang grupo.

_______________ 6. Mataas ang pagtingin ng mga Espanyol sa mga katutubong Pilipino.

_______________ 7. Maaaring maging maputi ang balat ang taong napapangkat sa mga Australoid.

_______________ 8. Ang pagkakaiba ng ating pisikal na anyo ay nakabatay sa ating pinagmulang kultura.

_______________ 9. Isa sa mga nagiging batayan ng diskriminasyon ay ang pisikal na anyo at kulay ng balat.

_______________ 10. Hindi isyu sa Pilipinas ang pagkakaroon ng kayumanggi o maputing balat.

Suriin Natin

Page 11: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 11

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang mga pangunahing grupo ng lahi? 2. Ano ang kinalaman ng lahi ng tao sa isyu ng diskriminasyon? 3. Ano ang halimbawa ng lahi na may pinaghalong katangian?

Maaari kayang magbago o mawala ang pagkakapangkat ng mga tao ayon sa lahi?

Kumausap ng 4 na kakilala at kunin ang kanilang iniisip o opinyon tungkol sa pisikal na anyo ng mga Pilipino. Ipasagot sa kanila ang sumusunod na mga tanong:

1. Para sa mga Pilipino, ano ang kanais-nais na pisikal na anyo? 2. Bakit ito kanais-nais?

Ibuod ang kanilang mga sagot at sumulat ng sanaysay tungkol dito. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Paglalahad ng Impormasyon

Karamihan sa impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa mga impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang impormasyong inilahad

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 12: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 12

Pagsasaayos ng sanaysay

Hindi maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; walang lohika at estruktura ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ng sanaysay

Mayroon lohika at maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; ngunit mayroong mga bahagi na magulo

Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling maintidihan ang sanaysay

Maganda ang pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling basahin ang sanaysay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng kaniyang likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 13: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 13

Aralin 2

Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig

Isang malaking bahagi ng buhay ng tao ang relihiyon at pananampalataya. Ito ang karaniwang gumagabay sa kaniya sa pagharap sa buhay, pag-intindi sa kaniyang karanasan, at sa kaniyang paniniwala sa mga bagay-bagay. Sa araling ito malalaman natin ang iba’t ibang relihiyon ng mundo.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang nasusuri ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig batay sa mga turo at pagsasabuhay nito.

Sambahan at Templo ng mga Pangunahing Relihiyon sa Mundo

Page 14: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 14

Tukuyin ang relihiyon batay sa larawan ng lugar-sambahan.

Subukan Natin

1. 2.

3. 4.

Page 15: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 15

Ang relihiyon ay isang sistema ng pormal at impormal na pagsamba at paniniwala sa mga bagay o entidad na sagrado at banal. Maraming umiiral na relihiyon sa mundo. Mga Uri ng Relihiyon Mayroong ilang paraan kung paano mauuri ang mga relihiyon. Ang mga paraang ito ay ang sumusunod: ayon sa dami ng sinasambang diyos at ayon sa lawak ng epekto. Mga Relihiyon Ayon sa Dami ng Sinasambang Diyos Mayroong dalawang uri ng relihiyon ayon sa dami ng sinasambang diyos—monotheism at polytheism. Ang mga monotheistic na relihiyon ay iisa lamang ang sinasambang diyos, samantalang ang mga polytheistic na relihiyon ay maraming itinuturing na diyos. Mga Relihiyon Ayon sa Lawak ng Epekto Magkakaiba ang paraan ng pagpapalaganap ng relihiyon at magkakaiba rin ang pagtanggap ng tao sa mga relihiyon. Ang universalizing religions ay ang mga relihiyong malawak ang pagpapalaganap at pangtanggap at maaaring sumali ang kahit sinuman sa mga relihiyong ito. Halimbawa ng isang universalizing religion ay ang Islam na mayroon ilang milyong mananampalataya sa

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na mga salita: • pilosopikal – mula sa

pilosopiya; masuring pag-iisip tungkol sa iba’t ibang aspekto ng buhay katulad ng karanasan at katotohan

• makamit – maabot, matamo

Simbahang Katoliko, Isang Monotheistic na Relihiyon

Page 16: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 16

iba’t ibang bahagi ng mundo. Ang pagpapalaganap naman ng mga relihiyong etniko (ethnic religion) ay limitado lamang sa isang teritoryo o pangkat etniko. Ang mga tribal o tradisyunal na relihiyon ay uri ng relihiyong etniko na isinasagawa lamang ng maliliit na grupo na hindi pa itinuturing na bahagi ng modernong lipunan. Halimbawa nito ay ang paniniwala at pananampalataya ng mga katutubong Aboriginal sa Australia. Sila ay naniniwala sa kapangyarihan ng lupa na nagbigay buhay sa mga tao, halaman, at hayop. Ang mga Pangunahing Relihiyon Ang mga pangunahing mga relihiyon sa daigdig ngayon ay ang Kristiyanismo, Islam, Hinduismo, at Budismo. Bukod sa mga relihiyong ito, marami rin ang kabilang ng mga relihiyong etniko at tribal, at mayroong ding hindi kabilang ng kahit anong relihiyon. Pag-aralan ang mga grapikong pantulong sa ibaba.

Sagrado para sa mga katutubong Aboriginal ng Australia ang kapaligiran. Isa ang talampas ng Uluru sa mga

itinuturing nilang sagradong lugar.

Page 17: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 17

Kristiyanismo Ang Kristiyanismo ay nakabatay sa buhay at mga turo ni Hesus ng Nazareth, na pinaniniwalaang anak at sugo ng Diyos na ipinadala sa mundo upang iligtas ang sangkatauhan. Ang Kristiyanismo ay kumalat dulot ng malawakang pagpapatanggap dito at mga gawain ng mga misyonaryo. Kung babalikan ang mga grapikong pantulong, makikita na tinatayang 2.3 bilyong tao ang naniniwala sa Kristiyanismo. Ang mga banal na utos para sa mga Kristiyano ay nakasaad sa Bibliya. Sa loob ng Kristiyanismo ay mayroong iba’t ibang pangkat at sekta. Ang mga ito ay nagkakaiba batay sa kanilang pag-unawa at pagsasabuhay ng mga turo ni Hesus. Ang ilan sa pinakamalaking pangkat ng mga Kristiyano o iglesia (church) ay ang Roman Catholic Church, Eastern Orthodox Church, at Protestant Churches. Islam Ang Islam ay nangangahulugang "pagsunod" o "pagpapakumbaba" sa kalooban ng Diyos o Allah, na siyang inihayag ng Diyos kay Propetang Mohammed. Ang mga inihayag na salita ng Diyos o Allah ay nakasaad sa Koran. Ilan sa itinuturing na sagradong lugar ng mga Muslim ay ang Mecca, ang pinagmulan ni Propetang Mohammed, at ang Medina. Hindi lamang espirtuwal na pamumuhay ang binibigyang gabay ng Islam. Kasama sa turo ng Islam ang pagpapalakad ng isang lipunan batay sa mga batas ng Islam sa ilamin ng isang estado. Samakatuwid ay mayroong pulitikal na aspekto rin ang Islam. Para sa mga naniniwala sa Islam, ang isang huwarang lipunan ay ginagabayan ng mga batas ng Diyos at hindi ng mga batas ng tao. Ang mga batas na ito ay nakasaad sa Sharia o ang batas ni Allah. Saklaw ng batas ang iba’t ibang aspektong ng pamumuhay katulad ng pagkain, pagnenegosyo, pagpaparusa sa mga nagkasala, at pag-aalaga ng mga anak.

Kaaba sa Mecca, Saudi Arabia

Page 18: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 18

Hinduismo Ang Hinduismo ang pinakamatandang pangunahing relihiyon sa daigdig. Binubuo ang Hinduismo ng mga paniniwalang relihiyoso, pilosopikal, sosyal, ekonomikal, at pulitikal ng kabihasnan ng India. Ayon sa mga Hindu, ang posisyon ng tao sa kaniyang kasalukuyang buhay ay dulot ng kaniyang karma o mga gawain sa kaniyang nakaraang mga buhay. Maraming itinuturing na diyos ang relihiyong Hinduismo. Marami ring uri ng paniniwala at tradisyon ang nakapalood sa Hinduismo. Para sa mga Hindu, katangga-tanggap ang pagkakaiba ng mga ganitong paniniwala. Sa Hinduismo, hindi lamang iisa ang pinagmumulan ng katotohanan, salungat sa paniniwala ng mga Katolisismo at Islam. Ang karamihan sa paniniwala ng mga Hindu ay nakapaloob sa mga libro ng mga Veda. Naniniwala ang mga Hindu na ang mundo at mga tao ay gawa ni Brahma, ang kanilang diyos at manlilikha. Ayon din sa Hinduismo nahahati ang lipunan sa iba’t ibang pangkat ng tao batay sa bahagi ng katawan ni Brahma. Ang mga pangalan ng mga pangkat na ito ay Brahmin, Kshatriya, Vaishya, at Shudra. Ang pinakamataas sa mga pangkat na ito ay ang mga Brahmin na binubuo ng mga pari at mga guro. Pinaniniwalaan na sila ay nanggaling sa ulo ni Brahma. Kasunod naman ang Kshatriya, mga mandirigma at pinuno na nanggaling sa mga kamay ni Brahma. Ang pangatlo ay Vaishya o mangangalakal na ginawa mula sa kaniyang mga hita. Nasa ibaba ng pagkakapangkat na ito ang mga Shudra na mula sa mga paa ni Brahma at inatasang gumawa ng mabababang uri ng gawain katulad ng paglilinis. Sa labas ng sistemang ito ay ang mga Dalit, o ngayon at tinatawag na “untouchables”. Sila ang inatasang gumawa ng mga trabaho na itinuturing na madumi. Kasama sa mga trabahong ito ang pagpatay ng hayop at ang paglilinis ng dumi ng tao. Batay sa sistemang ito na tinatawang

Tinutukoy sa larawan ang mga bahagi ng katawan ni Brahma kung saan nanggaling ang iba’t ibang pangkat

ng sistemang caste. (kuha ni shibainu [CC BY 2.0] mula sa Wikimedia Commons)

Page 19: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 19

na caste system, hindi bahagi ng caste ang mga Dalit. Hindi rin maaaring magpakasal ang isang tao sa labas ng kaniyang caste. Budhismo Ang Budhismo ay isa sa mga relihiyong nagmula sa pagreporma ng relihiyong Hinduismo. Ang nagtatag ng relihiyong Budismo ay si Siddhartha Gautama o Buddha na nabuhay sa Hilagang India. Ayon sa Budismo, maaaring makamit ang nirvana o enlightenment sa pamamagitan ng pagtanggal ng pagnanais at pamumuhay nang may moderasyon, may tamang ugali, at tamang pag-iisip. Ang mga kasulatan ng Budismo ay nakasaad sa Tripitaka. Mayroong Apat na Katotohanan o Four Noble Truths sa mundo ayon sa Budhismo. Ipinaliliwanag ng mga katotohang ito ang mga paraan upang harapin at mabuhay sa mundo, at kung paano maaabot ang nirvana.

1. Ang unang katotohanan ay mayroong paghihirap sa mundo. Ilan sa pinanggagalingan ng paghihirap ay kamatayan, sakit, hindi pagkamit ng mga ninanais.

2. Ang pangalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng paghihirap sa mundo. Ayon sa Budismo ang paghihirap ay nagmumula sa pagnanais. May iba naman na nagsasabi na ang paghihirap ay galing sa masamang gawain tulad ng pagpatay at pagsisinungaling, at masamang pag-iisip katulad ng pagkamuhi, galit, at kamangmangan.

3. Ang pangatlong katotohanan ay ang pagkawala ng paghihirap sa pamamagitan pag-abot ng nirvana.

4. Itinuturo ng pang-apat na katotohanan ang paraan kung paano makahuhulagpos sa paghihirap upang maabot ang nirvana.

Ang Budismo ay nagsimula sa Hilagang India. Lumawak ang impluwensiya nito hanggang sa mga Tsina, Hapon, at Korea.

Imahe ni Buddha

Page 20: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 20

Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ano ang tawag sa relihiyong iisa lamang ang sinasambang diyos? a. universalizing religion b. ethnic religion c. polytheistic d. monotheistic

2. Ano ang tawag sa relihiyong malawak ang pagpapalaganap at pangtanggap? a. universalizing religion b. ethnic religion c. polytheistic d. monotheistic

3. Alin ang isang halimbawa ng pangkat ng Kristiyanismo? a. Mahayana b. Eastern Orthodox c. Sunni d. Theravada

4. Ano ang tawag sa sistema ng pagpapangkat ng mga tagasunod ng Hinduismo? a. caste b. Brahma c. untouchable d. Veda

5. Ano ang tawag sa batas ni Allah? a. Sharia b. Sunni c. Shiite d. Shah

6. Ayon sa Islam, ano ang isang huwarang estado? a. May pagkilala at respeto sa iba’t ibang paniniwala b. Ginagabayan ng batas ng Diyos at hindi batas ng tao c. Pagkakaroon ng iisang paniniwala d. Pagwawaksi sa lahat ng kasamaan

Suriin Natin

Page 21: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 21

7. Paano kumalat ang Kristiyanismo? a. Sa pagkukusa na maging Kristiyano ang mga tao dahil ito ang kagustuhan ng

Diyos. b. Sa pamamagitan ng malawakang pagpapatanggap at mga gawaing

pangmisyon c. Sa paglilimbang ng Bibliya at pamimigay nito sa ilang mga tao d. Sa pagpapatayo ng simbahan sa mga liblib na lugar

8. Alin sa sumusunod ang paniniwala ng mga Hindu tungkol sa katotohanan? a. Hindi lamang iisa ang pinagmulan nito b. Mayroong paghihirap sa mundo c. Lahat ng kahirapan ay mawawala na sa langit d. Iisa lamang ang batas ng Diyos

9. Ayon sa Budismo, ano ang pinanggagalingan ng paghihirap sa buhay? a. pagwawaksi sa Diyos b. pagnanais ng kasikatan c. pagpatay ng banal na tao d. hindi pagsunod sa kagustuhan ng Diyos

10. Alin sa sumusunod ang maaring gawin upang matamo ang nirvana? a. pag-iisip ng malalim b. tamang ugali c. pagbibigay ng alay sa simbahan d. pagpunta sa simbahan bawat Linggo

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang dalawang uri ng relihiyon ayon sa dami ng sinasambang diyos? 2. Ano ang mga uri ng relihiyon ayon sa lawak ng epekto? 3. Ano ang apat na pangunahing relihiyon sa daigdig ngayon?

Sa iyong palagay, bakit mahalagang pag-aralan ang iba’t ibang paniniwala o relihiyon?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Page 22: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 22

Magsaliksik tungkol pa sa ibang relihiyon sa mundo. Batay sa iyong mga malalaman, gumuhit ng isang larawan na nagpapakita kung paano sila sumasamba o nananampalataya. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Paglalahad ng Impormasyon

Karamihan sa impormasyong inilahad ay hindi tama

Karamihan sa impormasyong inilahad ay tama

Halos lahat ng impormasyong inilahad ay tama

Tama ang impormasyong inilahad

Kasanayan/ Husay

Walang kahusayan sa pagguhit o paggawa ng likhang sining

Nagpapakita ng pagnanais na mapaghusay ang paggawa ng likhang sining

May angking husay sa paggawa; kailangan pa ng kaunting pagsasanay

Nagpapakita ng husay at galing sa paggawa; may sapat na kaalaman o pagsasanay

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Gawin Natin

Page 23: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 23

Aralin 3

Mga Pangunahing Wika sa Daigdig

larawan

Maliban sa Filipino at Ingles, marunog ka bang magsalita ng ibang wika? Sa lawak ng mundo at sa napakayamang kultura nito, hindi nakapagtataka na maraming wikang ginagamit ang mga tao. Sa araling ito, pag-aralan natin ang iba’t ibang wika sa daigdig.

Layunin Natin Pagkatapos ng araling ito, ang mag-aaral ay inaasahang nagkakaroon na ng kamalayan ukol sa iba’t ibang wika ng grupo ng mamamayan sa daigdig.

Iba’t ibang Wika sa Daigdig

Page 24: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 24

Tukuyin ang wika ng mga bansang itinuturo sa mapa. Sumangguni sa kahong pagpipilian.

Subukan Natin

5.

4.

3. 2.

1.

Ingles Espanyol

Italian Nihonggo

Bahasa Indonesia

Page 25: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 25

Mahalaga ang wika sa kultura at identidad ng isang bansa. Ang mga wika ay mga organisadong sistema ng mga salita na ginagamit ng mga tao sa pagpapabatid ng mga ideya sa ibang tao, sa pamamagitan ng kaparehong pag-unawa. Kasalukuyang mayroong 6,000 hanggang 7,000 na wika sa daigdig ngayon, ngunit hindi lahat ng ito ay aktibong ginagamit.

Pag-aralan Natin

Alamin Natin Tandaan at gawing gabay ang kahulugan ng sumusunod na salita: • kalkulasyon - pagtatantiya

upang matukoy ang kalagayan o sitwasyon

Mapa ng mga Wika sa Daigdig

Page 26: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 26

Ang mga wika sa daigdig ay maaaring igrupo ayon sa pamilya ng wika o language family. Tumutukoy ito sa isang grupo ng wika na nagmula sa isang mas matandang wika. Ang tawag sa mga pinagmulang wika ay mga protolanguage. Ayon sa iba’t ibang kalkulasyon, mayroong mahigit 30 hanggang 100 na language family na matatagpuan sa daigdig. Ang limang pangunahing language family ayon sa dami ng gumagamit ay ang Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger Congo, at Sino-Tibetan. Pag-aralan ang tsart:

Language Family

Buhay na Wika

Bilang ng Gumagamit Mga Rehiyon at Bansang Karaniwang

Gumagamit Bilang Kabuuan

Afro-Asiatic 366 444,845,814 Hilagang Aprika, Kanlurang Asya (Middle East)

Austronesian 1,224 324,883,805 Insular na Timog Silangang Asya, katutubong Taiwan, Madagascar, at Polynesia

Indo-European 440 3,077,112,005 Europa, mga naging kolonya ng Europa, Hilaga at Gitnang Asya, Iran, at Hilagang India

Niger-Congo 1,526 458,899,441 Bahagi ng Aprika sa ilalim ng Sahara (Sub-Saharan Africa)

Sino-Tibetan 452 1,355,708,295 Tsina, mga karatig at naimpluwensiyahan ng Tsina at mga gumagamit ng wikang Tsino, Hilagang India

Sinasalamin ng wika ang karanasan, kapaligiran, at kultura ng mga tao. Isang halimbawa nito ay ang salitang “niyebe” ng mga Eskimo. Sila ay nakatira sa pinkahilagang bahagi ng mundo kung saan mayroong niyebe sa malaking bahagi ng taon. Ang niyebe ay isang mahalagang bahagi ng kanilang kapaligiran at kanilang pamumuhay kaya sila ay mayroong mahigit 50 na salita para sa niyebe. Hindi rin lahat ng tao sa iisang bansa ay magkakapareho ng wika. Maaaring magkaroon ng iba’t ibang wika at diyalekto batay sa rehiyon. Isang magandang halimbawa nito ang Pilipinas na mayroong iba’t ibang wika depende sa kung nasaan kang bahagi ng bansa. Kasama rin ang India sa mga bansang may iba’t ibang wika.

Page 27: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 27

A. Isulat ang tamang sagot sa patlang upang mabuo ang diwa ang sumusunod na

mga pangungusap. 1. Ang ________________________ ay isang grupo ng wika na nagmula sa isang mas

matandang wika.

2. Ang tawag sa pinagmulang wika ay ________________________.

3. Mahalaga ang wika dahil ito ay nagpapabatid ______________________ sa pamamagitan ng kaparehong pag-unawa.

B. Itala sa patlang ang hinihingi ng sumusunod na mga bilang. 2. Limang pangunahing language family:

a. _________________________

b. _________________________

c. _________________________

d. _________________________

3. Mga rehiyon o bansang karaniwang gumagamit ng wikang Afro-Asiatic: a. ________________________

b. ________________________

Suriin Natin

Page 28: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 28

Sagutin ang sumusunod na mga tanong:

1. Ano ang wika? 2. Ano ang tawag sa grupo ng wika na may iisang pinagmulang wika? 3. Ano ang tawag sa wikang pinagmulan ng ibang wika?

Sa iyong palagay, ano ang kahalagahan ng wika sa identidad ng isang grupo o ng isang bansa?

Ang sumusunod na mga wika ay nagmula sa iisang language family, ang Austronesian. 1. Isalin ang sumusunod na mga salita sa ibang wika. Sumangguni sa talahanayan.

Ingles Tagalog

(Pilipinas) Bahasa Indonesian

(Indonesia) Malagasy

(Madagascar) fire

four

new

Ano ang napansin mo sa isinaling mga salita? May pagkakatulad ba ang mga ito?

Sagutin Natin

Pag-isipan Natin

Gawin Natin

Page 29: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 29

2. Sumulat ng isang pahinang sanaysay tungkol dito.

Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa

ng Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%]

Napakahusay Marka

Paglalahad ng Impormasyon

Tama ang pagkakasalin ng isang salita; hindi nakabuo ng sanaysay, sa halip nakasulat ng ilang pangungusap lamang

Tama ang pagkakasalin ng dalawang salita; nakabuo ng maikling sanaysay, sinikap na iugnay sa resulta ng ginawang pagsasalin

Tama ang pagkakasalin ng mga salita; mahusay ang pagkakasulat ng isang pahinang sanaysay, sinikap na iugnay ito sa resulta ng ginawang pagsasalin

Tama ang pagkakasalin ng mga salita; napakahusay ng isang pahinang sanaysay, may kaugnayan ito sa resulta ng ginawang pagsasalin

Pagsasaayos ng Sanaysay

Hindi maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; walang lohika at estruktura ang pagkakasunod-sunod ng mga ideya ng sanaysay

Mayroong lohika at maayos ang pagkakasulat ng sanaysay; ngunit mayroong mga bahagi na magulo

Maayos ang pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling maintidihan ang pagkasulat

Napakaayos ng pagkasunod-sunod ng mga ideya at lohika ng mga ito; madaling maintidihan ang pagkasulat; nakawiwiling basahin

Panahon ng Paggawa

Nakapagpasa ng likhang sining sa loob ng dalawang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining sa loob ng isang linggo matapos ang itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining sa itinakdang petsa ng pagpapasa

Nakapagpasa ng likhang sining bago pa ang itinakdang petsa ng pagpapasa

KABUUAN

Page 30: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 30

Ang Lungsod ng Jerusalem sa Israel ay sagrado sa tatlong pinakamalaking relihiyon sa mundo. Itinuturing ng mga naniniwala sa Kristiyanismo, Hudaismo, at Islam na sagrado ang ilang lugar sa Jerusalem. Taon-taon, maraming deboto at mananampalataya ng tatlong relihiyong ito ang dumadayo sa Jerusalmem. Makikita rito ang paghalo-halo ng mga taong mayroong iba’t ibang paniniwala.

Sa Jerusalem naganap ang pagpako kay Hesus sa krus at ang kaniyang mulingpagkabuhay. Para naman sa mga Muslim, pinaniniwalang naglakbay rito si Mohammed upang magdasal kasama ng mga propeta at dito rin siya umakyat patungong langit. Para naman sa mga Hudyo, nasa Jerusalem ang dating Holy Temple kung nasaan ang Holy of Holies, ang pinakasagradong lugar para sa mga Hudyo. Sa ngayon ang Kanlurang Pader (Western Wall o Wailing Wall) na lamang ang natira sa templong ito, at dito nagdadasal ang mga Hudyo.

Karagdagang Kaalaman

Ang Western Wall sa Jerusalem, Israel

Page 31: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 31

Gumawa ng isang pagtatanghal na nagpapakita ng yaman at lawak ng heograpiyang pantao ng daigdaig. Maaaring sumayaw, gumawa ng awit, magtanghal ng isang iskit. Maging malikhain sa pagtatahangal. Gamitin ang sumusunod na rubrik bilang gabay:

Pamantayan

[25%] Mas Mababa

kaysa Inaasahan

[50%] Kailangan pa ng

Pagsasanay

[75%] Magaling

[100%] Napakahusay Marka

Pag-unawa sa Paksa/ Gawain

Karamihan sa impormasyong inilahad ay hindi tama; ang pagtatanghalay hindi tumutugma sa paksa o gawain

Karamihan sa impormasyong inilahad ay tama; nagpapakita ng pag unawa sa paksa o gawain

Halos lahat ng impormayong inilahad ay tama; nagpapakita ng tamang pag-unawa sa paksa o gawain

Tama ang impormasyong inilahad; nagpapakita ng ganap na pag-unawa sa paksa o gawain

Kooperasyon ng mga kasapi ng Pangkat

Hindi nagtutulungan ang mga kasapi para sa kanilang gagawing pagtatanghal; isang tao lamang ang gumagawa para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay may kani-kaniyang ideya at hindi magkasundo sa dapat nilang gawin; ilang kasapi lamang ang nag-aambag para sa pagtatanghal

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya nang hindi nagbibigay ng negatibong komento at sinusubukang magkasundo sa dapat gawin; karamihan sa mga kasapi ay nagbibigay ng ambag sa pagbuo ng presentasyon

Ang mga kasapi ay tumatanggap ng ideya ng isa’t isa at nagkakasundo as dapat gawin; lahat ng kasapi ay may ambag sa pagbuo ng presentasyon

Pagyamanin Natin

Page 32: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 32

Heograpiyang Pantao sa Daigdig

Lahi/ Pangkat Etniko

Relihiyon

Wika

Presentasyon/ Pagtatanghal

Nagpuputol-putol ang pagtatanghal; hindi halos nakikinig o nanonood ang mga manonood; maraming pagkakataon na bumubulong at hindi naririnig; hindi gumagamit ng angkop na galaw o kilos; o hindi masyadong gumagalaw

Nagpapakita ng pagkahiya o hindi tiyak ang gagawin; sinusubukang makuha ang interes ng mga manonood; hindi masyadong marinig sa ilang pagkakataon; gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa ilang pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa; nakukuha ang interes ng mga manonood; nagsasalita sa paraang naririnig ng mga manonood; gumagamit ng angkop na galaw at kilos sa maraming pagkakataon

Nagpapakita ng kumpiyansa; nakaaaliw at nakukuha ang interes ng mga manonood; nagsasalita nang malakas at malinaw; gumagamit ng angkop na galaw at kilos

KABUUAN

Paglalagom

Page 33: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 33

Ang sumusunod na links ay maaaring tingnan para sa karagdagang impormasyon o mas malalim na pagtalakay:

• “These Twins, One Black and One White, Will Make you Rethink Race” ni Edmonds, Patricia. National Geographic. Nakuha mula sa (https://www.nationalgeographic.com/magazine/2018/04/race-twins-black-white-biggs/)

• “The science of skin color” ni Angela Koine Flynn (https://www.youtube.com/watch?v=_r4c2NT4naQ&t=5s)

• NativLang (https://www.youtube.com/channel/UCMk_WSPy3EE16aK5HLzCJzw)

DAPAT TANDAAN

• Ang isang lahi ay binubuo ng grupo ng tao na mayroong katangiang pisikal o biyolohikal na pagkakahawig, katulad ng kulay ng balat at buhok, estruktura ng katawan, at iba pa.

• Ang pangkat etniko ay isang grupo ng tao na mayroong iisang lahi o pinagmulan, kultura, at/o wika, na nagbubukod sa kanila sa ibang grupo.

• Ang relihiyon ay isang sistema ng pormal at impormal na pagsamba at paniniwala sa mga bagay o entidad na sagrado at banal.

• Mayroong dalawang uri ng relihiyon ayon sa dami ng sinasambang diyos—monotheism at polytheism.

• Mayroong tatlong uri ng relihiyon ayon sa lawak ng epekto—universalizing, relihiyong etniko, at relihiyong tribal o tradisyunal.

• Ang mga wika ay mga organisadong sistema ng mga salita na ginagamit ng mga tao na magpabatid ng mga ideya sa ibang tao, sa pamamagitan ng mutual na pag-unawa.

Dagdag Sanggunian

Page 34: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 34

Aralin 1: Mga Lahi at Pangkat-Etniko sa Daigdig Subukan Natin

1. c 2. a 3. d 4. b

Suriin Natin

1. Tama 2. Tama 3. Mali 4. Mali 5. Tama

6. Mali 7. Tama 8. Mali 9. Tama 10. Mali

Aralin 2: Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig Subukan Natin

1. Hinduismo 2. Islam 3. Kristiyano 4. Budismo

Suriin Natin

1. c 2. a 3. b 4. a 5. a

6. b 7. b 8. b 9. b 10. b

Gabay sa Pagwawasto

Page 35: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 35

Aralin 3: Mga Pangunahing Wika sa Daigdig Subukan Natin

1. Ingles 2. Espanyol 3. Italian 4. Nihonggo 5. Bahasa Indonesia

Suriin Natin A.

3. language family 4. protolanguage 5. ng mga ideya

B. 1. Afro-Asiatic, Austronesian, Indo-European, Niger Congo, at Sino-Tibetan 2. Hilagang Aprika, Kanlurang Asya

“Australian Aboriginal Religion”. Nakuha mula sa http://www.philtar.ac.uk/encyclopedia/

westoc/abor.html “Buddism: An Introduction.” Nakuha mula sa http://www.pbs.org/edens/thailand/

buddhism.htm "Chapter Five: Language Families." University of Oslo. Nakuha mula sa

https://www.uio.no/studier/emner/hf/ikos/EXFAC03AAS/h05/larestoff/linguistics/Chapter%205.(H05).pdf

“Christianity.” British Broadcasting Corporation. Nakuha mula sa http://www.bbc.co.uk/ religion/religions/christianity/

"Ethnic Groups." Boundless.com. Nakuha mula sa https://www.boundless.com/sociology/ textbooks/boundless-sociology-textbook/race-and-ethnicity-10/race-and-ethnicity-in-the-u-s-84/ethnic-groups-490-2424/

Sanggunian

Page 36: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 36

“Hinduism.” Nakuha mula sa http://www.qcc.cuny.edu/socialsciences/ppecorino/ phil_of_religion_text/CHAPTER_2_RELIGIONS/Hinduism.htm

“Islam.” New World Encyclopedia. Nakuha mula sa http://www.newworldencyclopedia.org/ entry/Islam

"Major Physical Characteristics of Racial Groups." GeographyNotes.com. Nakuha mula sa http://www.geographynotes.com/human-geography/major-physical-characteristics-of-racial-groups/1012

"Maps of Some of the World's Language Families." Nativlang.com. Nakuha mula sa http://www.nativlang.com/linguistics/language-family-maps.php

"Race and Ethnicity Defined." CliffsNotes.com. Nakuha mula sa https://www.cliffsnotes. com/study-guides/sociology/race-and-ethnicity/race-and-ethnicity-defined

"Race, Biology, and Human Diversity." California State University. Nakuha mula sa https://www.google.com.ph/url?sa=t&rct=j&q=&esrc=s&source=web&cd=12&cad=rja&uact=8&ved=0ahUKEwjMy6buqvTTAhUKa7wKHe9xCXM4ChAWCCYwAQ&url=http%3A%2F%2Fwww.csub.edu%2F~ryohe%2FRACE%2C%2520BIOLOGY%2C%2520AND%2520HUMAN%2520DIVERISTY.ppt&usg=AFQjCNEE844RKkcjPO-cAdboRMocdg_mbA&sig2=NHxe-cgeTSEBfxi-PBN1zw

“Sharia.” New World Encyclopedia. Nakuha mula sa http://www.newworldencyclopedia.org/ entry/Sharia

“Summary by Language Family.” Ethnologue.com. Nakuha mula sa https://www.ethnologue. com/statistics/family

“Untouchable.” Encyclopedia Britannica. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/ topic/untouchable

“What is India’s Caste System?” British Broadcasting Corporation. Nakuha mula sa http://www.bbc.com/news/world-asia-india-35650616

“What Makes Jerusalem so Holy?” British Broadcasting Corporation. Nakuha mula sa http://www.bbc.com/news/world-middle-east-26934435

Buiten, J.A.B. van, at iba pa. “Hinduism.” Encyclopedia Britannica. Nakuha mula sa https://www.britannica.com/topic/Hinduism

Fellman, Jerome, Arthur Getis, and Judith Getis. Human Geography: Landscapes of Human Activities. New York, USA: McGraw-Hill Higher Education, 2007.

Hacket, Conrad and David Macclendon."Christians Remain World's Largest Religious Group, But They are Declining in Europe." Pew Research Center. Nakuha mula sa http://www.pewresearch.org/fact-tank/2017/04/05/christians-remain-worlds-largest-religious-group-but-they-are-declining-in-europe/

Page 37: ARALING PANLIPUNAN BAITANG 8, YUNIT 2 Heograpiyang …

Copyright © 2018 Quipper Limited 37

Kolbert, Elizabeth. “There’s No Scientific Basis for Race—It’s a Made-up Label”. National Geographic. Nakula mula sa https://www.nationalgeographic.com/magazine/

2018/04/race-genetics-science-africa/ Lopez, Donald S. “Four Noble Truths”. Encyclopedia Britannica. Nakuha mula sa

https://www.britannica.com/topic/Four-Noble-Truths Mahdi, Muhsin S., Schimmel, Annemarie, Rahman, Fazlur. “Islam.” Encyclopaedia Britannica.

Nakuha mula sa https://www.britannica.com/topic/Islam Molnar, Stephen. Human Variation: Races, Types, and Ethnic Groups. Abingdon, UK:

Routledge, 2015.