araling panlipunan...inilimbag sa pilipinas ng kagawaran ng edukasyon – rehiyon iii office...
TRANSCRIPT
Araling Panlipunan
Unang Markahan - Modyul 4:
Ang Yamang Likas at Ang
Pamumuhay ng mga Asyano
7
ii
Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 4: Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.
Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]
Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul
Manunulat: Queenza D. Villareal / Jocelyn D. Flores / Reysielyn E. Santos
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /
Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay
Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD/
Benedict Viola/Anastacia M. Victorino PhD
Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte
Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte
Tagaguhit: Queenza D. Villareal
Tagalapat: John Eric B. Calderon / Joyce O. Saraza
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD
Angelica M. Burayag PhD
Nestor Nuesca EdD
Gregorio C. Quinto, Jr. EdD
Rainelda M. Blanco PhD
Agnes R.Bernardo PhD
Virgilio L. Laggui PhD
iii
7
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 4
Ang Yamang Likas at Ang
Pamumuhay ng mga Asyano
iv
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay
ng mga Asyano.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang
mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano.
Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.
Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
Mga Tala para sa Guro
Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.
v
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin
nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Subukin
Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung
ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.
Balikan
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral
upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.
Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay
ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Suriin
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.
Pagyamanin
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Isaisip
Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Isagawa
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
vi
Tayahin
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang
Gawain
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.
Susi sa Pagwawasto
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat
ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
1
Alamin
Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay
upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling
Panlipunan Baitang 7.
PAMANTAYAN SA PAGKATUTO
Natataya ang mga implikasyon ng kapaligirang pisikal at yamang-likas ng
mga rehiyon sa pamumuhay ng mga Asyano noon at ngayon.
Ang modyul na ito ay nahahati sa dalawang aralin:
Ang Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano
Kapag natapos mo ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:
1. naisasalaysay ang epekto ng kapaligirang pisikal sa pag-unlad ng
pamumuhay sa Asya;
2. nasusuri ang ugnayan ng kapaligirang pisikal at pamumuhay ng mga
Asyano; at
3. natatalakay ang paraan ng paggamit ng mga Asyano sa likas na yaman sa
kanilang pamumuhay noon at ngayon.
Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.
2
Subukin
Ngayon, subukin mong sagutin ang paunang pagsusulit upang matukoy ang
lawak ng iyong kaalaman tungkol sa mga paksang tatalakayin. Bigyang-pansin ang
mga tanong na hindi masasagutan nang wasto at alamin ang sagot nito sa iba’t ibang
aralin sa modyul na ito.
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Pinakamalaking kontinente sa daigdig ang Asya. Ano-ano ang mga likas na
yaman na bumubuo sa Asya?
A. kagubatan at yamang mineral
B. yamang-lupa at yamang tubig
C. yamang tubig, lupa, mineral at kagubatan
D. yamang lupa, tubig at mineral
2. Ang Hilagang Asya ay binubuo ng mga bulubunduking lugar. Alin sa mga
sumusunod ang yamang mineral ang matatagpuan sa nasabing rehiyon?
A. tanso at uranium
B. tanso, phosphate at natural gas
C. langis at natural gas
D. tungsten, tinga at tanso
3. Alin sa mga sumusunod ang maaaring maging bunga ng hindi tamang paglinang
at pangangalaga ng likas na yaman?
A. pagkakaroon ng masaganang hanapbuhay.
B. uunlad ang ekonomiya ng bansa.
C. hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.
D. mapapaunlad ang sistema ng agrikultura.
4. Katatagpuan ng malawak na damuhan ang Hilagang Asya. Ano ang maaaring
maging hanapbuhay ng mga naninirahan sa nasabing rehiyon?
A. pangingisda
B. pangangaso
C. pagmimina
D. pagtatanim
5. Mayroong tatlong uri ng yamang mineral sa Tajikistan. Alin sa mga sumusunod
ang HINDI kabilang sa yamang mineral ng Tajikistan?
A. industriyal na di-metal
B. industriyal na metal
C. mineral na panggatong
D. metalikong mineral
3
6. Bawat rehiyon ng Asya ay may taglay na yamang likas. Anong rehiyon ng Asya
ang may kakayahang magluwas ng liquefied gas sa iba’t ibang panig ng mundo?
A. Kanlurang Asya
B. Timog Asya
C. Silangang Asya
D. Hilagang Asya
7. Ang mga tao ay itinuturing na yaman ng kanyang bansa. Ano ang maaaring
maging epekto ng patuloy na paglaki ng populasyon sa Asya?
A. Hindi matutugunan ang pangangailangan ng tao.
B. Babagsak ang ekonomiya ng bansa.
C. Maraming mawalan ng hanapbuhay ang tao.
D. Lahat ng nabanggit
8. Kilala ang rehiyon ng Silangang Asya sa husay sa paggawa ng mga kagamitang
elektroniko. Alin sa sumusunod na bansa ang matatagpuan sa Silangang Asya
at tinaguriang World’s Leading Industrial Power?
A. Thailand
B. Saudi Arabia
C. Pilipinas
D. Japan
9. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa sistemang pang-irigasyon, paggamit
ng iba’t ibang butil at makabagong abono?
A. Land Reclamation Schemes
B. Land Subdivision Schemes
C. Land Rehabilitation Schemes
D. Land Mall Schemes
10. Ang bawat rehiyon ng Asya ay nagsusumikap na mapataas ang antas ng
kanilang ekonomiya. Kinikilala ang rehiyong ito sa Asya bilang Rising Economy?
A. Silangang Asya
B. Timog-Silangang Asya
C. Hilagang Asya
D. Kanlurang Asya
11. Sagana ang Kanlurang Asya sa yamang mineral. Anong bansa mula sa nasabing
rehiyon ang may ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong mundo?
A. Saudi Arabia
B. Dubai
C. Qatar
D. Lebanon
12. Ito ang itinuturing na pinakamahalagang produkto ng Yemen?
A. langis
B. bulak
C. gas
D. palay
4
13. Sa pamamagitan ng pagsasaka, natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Gayundin, nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Hindi na kailangan ang pangingisda at pag-aalaga ng hayop upang punan
ang pangangailangan sa pagkain
B. Mahalagang pangalagaan ang mga lupang sakahan upang mapanatiling
sagana sa suplay ng pagkain at ng iba’t ibang produkto ang mga Asyano.
C. Hindi napapakinabangan ng mga Asyano ang mga produkto at hilaw na
materyales mula sa pagsasaka
D. Higit na mahalaga ang industriyalisasyon sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga tao
14. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang
Asya. Bakit ito itinuturing na mahalagang butil-pananim?
A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog-Silangang Asya.
B. Mahirap itong itanim dahil mayroon lamang angkop na lupa para rito
C. Higit na masustansya ang ibang butil gaya ng mais, barley at trigo
kumpara sa palay.
D. Kakaunting produkto lamang ang magagawa mula sa mga palay
15. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga u
sumusunod ang HINDI kabilang sa halaga ng sektor na ito?
A. Pinagkukuhanan ito ng hilaw na materyales.
B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao.
C. Nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga magsasaka at ng may-ari ng lupa.
D. Pinagkukuhanan ito ng kitang panlabas.
Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay
madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa
naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan
pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at
pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.
5
Aralin
1 Ang Mga Yamang Likas at Ang Pamumuhay ng mga Asyano
Sa ika-apat na bahagi ng modyul na ito ay pag-aaralan
natin ang mga yamang likas ng Asya at ang kaugnayan nito
sa pamumuhay ng mga Asyano. Sa naunang aralin ay
ipinakilala ang mga likas na yaman ng bawat rehiyon ng Asya.
Ngayon naman ay ang epekto ng likas na yaman sa
pamumuhay ng mga Asyano.
Balikan
Bago ka magtungo sa susunod na aralin ay ating balikang muli ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa gawaing nasa ibaba.
MAYAMAN ang ASYA!
Gamit ang mapa, punan mo ang mga kahon ng limang halimbawa ng mga
katangi-tanging likas na yaman na matatagpuan at sagana sa bawat rehiyon ng
Asya. Sagutin mo rin ang mga gabay na tanong na nakapaloob sa gawaing ito.
HILAGANG ASYA
KANLURANG
ASYA
TIMOG-SILANGANG ASYA
TIMOG ASYA
SILANGANG
ASYA
6
Sagutin mo ang mga sumusunod:
1. Ipaliwanag mo kung ano-ano ang pagkakatulad ng mga likas na yamang taglay
ng bawat rehiyon sa Asya.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Paano nagkaiba-iba ang mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa kabuuan, papaano mo mailalarawan ang likas na yamang taglay ng Asya
bilang pinakamalaking kontinente sa mundo?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Tuklasin
Ang mga bagay na likas na makikita sa ating kapaligiran tulad
ng kalupaan, katubigan, malalawak na kagubatan, mga hayop, mineral
at iba pang mga katulad nito ay maituturing na yamang-likas sa isang
lugar. Kung hindi sa yamang taglay ng kapaligiran, ano kayang uri ng
pamumuhay mayroon tayo? Paano kaya tayo makagagawa ng mga
produkto at kagamitan natin sa araw-araw? Uunlad kaya ang paraan
ng ating pamumuhay?
Ating bibigyan ng mga kasagutan ang ilan sa mga katanungang ito sa
pamamagitan ng pag-aaral at pagsasagot sa mga gawaing nakapaloob sa modyul na
ito.
Kaya Kong Iugnay! (Pagsusuri ng Diagram)
Suriin mo ang mga larawan at alamin ang nais na ipahiwatig ng diagram na
nasa ibaba sa pamamagitan ng pagsagot sa mga gabay na katanungan para sa
gawaing ito.
A B
7
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang ipinapahiwatig ng unang pangkat ng mga larawan? ________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
2. Ano naman ang ipinapahiwatig ng ikalawang pangkat ng mga larawan?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
3. Paano kaya nagkakaugnay ang ipinapakita ng dalawang pangkat ng larawan sa bawat isa?
________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________________
4. Nagiging mahalagang salik ba ang mga bagay na nakukuha ng tao sa kapaligiran
upang magkaroon ng pagbabago sa pamumuhay sa paglipas ng panahon?
Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Suriin
Ang mga bansa sa Asya ay nagpakita ng kahusayan sa iba’t ibang larangan
tulad ng agrikultura, ekonomiya at kultura. Kaya naman sa pagdaan ng panahon ay
unti-unting nakikita ang pag-unlad ng kanilang pamumuhay gamit ang kani-
kanilang likas na yamang taglay. Ang mga yamang-likas na ito ay nagbigay ng hilaw
na materyales na maaaring iproseso upang maging panibagong produkto na
nakatulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Asyano. Kung iyong
matatandaan sa nakaraang modyul, natuklasan mo na hindi magkakamukha ang
mga likas na yamang taglay ng bawat rehiyon sa Asya sapagkat ito ay nakadepende
sa heograpiya o katangiang pisikal na taglay nito.
Gamit ang mga bagay na natutuhan mo tungkol sa likas na yaman ng Asya,
atin naman ngayong alamin at mas unawain ang implikasyong nadudulot ng mga
ito sa pamumuhay ng mga Asyano. Ang mga ito ay nakaaapekto sa iba’t ibang
larangan ng pamumuhay ng mga Asyano kagaya ng agrikultura, ekonomiya,
panahanan at kultura.
8
Sa bahaging ito ng modyul, ay ating susuriin sa kung papaano na
nakakaapekto ang likas na yaman ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano at ang
implikasyon nito sa mga larangan tulad ng agrikultura, ekonomiya at panahanan.
IMPLIKASYON NG LIKAS YAMAN SA PAMUMUHAY NG MGA ASYANO
Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang anyong
lupa, anyong tubig, anyong gubat at mineral na lubos na nakaaapekto sa takbo ng
pamumuhay ng mga Asyano. Bukod sa naging panirahan ng tao, ang anyong lupa
ay nakapagdulot ng malaking impluwensya sa kultura at pamumuhay ng mga tao.
Ang mga bulubundukin ay nakatutulong upang maging tanggulan o idepensa ng
isang lugar laban sa mga mananakop at harang sa malalakas na bagyo. Ang ilang
mga disyerto, baybay-gilid at mga kabundukan sa iba’t ibang bahagi ng Asya ay
nagtataglay ng samut-saring yamang mineral, mga metaliko, di-metaliko, at gas.
Ang bundok at gubat ay naging panirahan ng mga hayop, lalo na ng wildlife.
Ito rin ay nagbibigay ng mga bungang kahoy, mga herbal na gamot, at mga hilaw na
materyales. Ang kapatagan at mga lambak naman ay binubungkal, sinasaka at
nililinang ng tao para sa mga pananim. Ang mga damuhan at mga burol ay
ginagawang pastulan na nakatutulong sa pagtustos sa pang-araw-araw na
pamumuhay. Ang paggamit ng tao sa iba’t ibang uri ng anyong lupa ay nakapag-
ambag sa paghubog ng kanyang uri ng pamumuhay at ng kabihasnan.
Katulad sa sinaunang kabihasnan, ang mga anyong tubig tulad ng lawa at
ilog ay pinagkukuhanan ng tubig bilang inumin at ginagamit sa pang-araw-araw na
gawain. Ito rin ang pinagmumulan ng sistema ng irigasyon sa mga sakahan at
taniman, daanan ng mga transportasyong pantubig, kalakalan at pinagkukuhanan
ng mga pagkain at mga palamuti.
Agrikultura
Ang agrikultura ay isang napakahalagang
sektor sa isang bansa dahil ito ang nagbibigay ng
kabuhayan sa maraming mamamayan. Ang pagkain
at ilang produktong panluwas ay nagmumula sa
pagsasaka. Ang mga Asyano ay may organisadong
irigasyon, may malawakang kultibasyon ng lupain,
paggamit ng araro at pagkakaroon ng
espesyalisadong mga manggagawa sa ilalim ng
burokratikong kontrol. Sa paglaki ng produksyon,
ang ilang kompanya ay gumagamit ng makabagong
makinarya upang mapabilis at maparami ang
produkto. Katuwang ito ng pamahalaan sa pagtugon
ng pangangailangan ng mamamayan.
9
KAHALAGAHAN NG AGRIKULTURA SA BANSA
Pinagkukuhanan ng kitang panlabas.
Pangunahing nagbibigay trabaho sa mamamayan.
Pinagkukuhanan ng hilaw na materyal upang makabuo ng bagong produkto.
Ekonomiya
Ang likas na yaman ang naging susi sa pag-
unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa Asya. Ang
ekonomiya ay sumasagot sa tanong na: Paano
tutugunan ng pamahalaan ang walang katapusang
pangangailangan at kagustuhan ng mga tao? Ang mga
bansa sa Asya ay unti-unting umunlad gamit ang
kani-kanilang likas na yaman na ginawang panustos
sa materyales na kailangan sa mga pagawaan. Ang
ilang salat sa likas yaman ay umaangkat at
nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang
bansa upang tugunan ang kanilang pangangailangan
sa produksyon. Nakatutulong nang higit ang
makabagong teknolohiya sa pagtaas ng pambansang
kita na nakabubuti sa pamumuhay ng mga mamamayan.
Panahanan
Ang patuloy na paglaki ng populasyon ay
nakaaapekto nang lubos sa likas na yaman. Ang
pangangailangan at kagustuhan ng tao ay walang
hanggan ngunit ang pinagkukunan ng yaman ay
limitado lamang. Sa katunayan, ang populasyon ng
Asya ay mabilis na lumolobo ngunit ang lupa ay
mananatili sa sukat nito. Samakatuwid, lumiliit ang
espasyo ng lupa para sa panahanan ng mga tao. Kung
kaya’t ang ilan ay isinagawa ang land conversion na
nakapagdudulot ng pagkasira ng tirahan ng mga hayop. Ginagamit ng tao ang
espasyo ng panirahan na dapat lamang ay para sa mga hayop. Dahil sa talino ng
mga tao sa kasalukuyan at bunga ng teknolohiya, nakakayang baguhin ang
kakayahan ng lupa at kanilang kapaligiran.
Ngayon ay nalaman mo na kung saan sa mga pangunahing larangan ng
pamumuhay ng mga Asyano nagkakaroon ng implikasyon ang likas na yaman. Sa
puntong ito, atin namang suriin ang implikasyon ng agrikultura, ekonomiya at
panahanan sa pamumuhay ng mga Asyano. Gamit ang mga impormasyong nakatala
sa sumusunod na smart art graphic organizer na magbibigay ng mas malalim na pag-
unawa sa pag-angkop ng bawat rehiyon sa Asya upang matamasa ang pag-unlad sa
kanilang pamumuhay. Unawaing mabuti ang mga impormasyon upang masagutan
at maisagawa mo ang mga gawain na kaugnay nito.
10
HILAGANG ASYA
SILANGANG ASYA
Itinuturing na sentro ng agrikultura sa rehiyong ito ang Fergana
Triangle at ang lambak ng Chui River. Ito ay kilala rin sa pagkakaroon
ng masagana at mayamang lupain. Ang Syr Darya River at Amu Darya
River naman ang pinagmumulan ng kuryente sa malawak ng lupain ng
rehiyon. Samantala, ang kagubatan ng Alpine naman ang sumusustento
sa pangangailangan ng mga alagang hayop. Sa ilang bansa naman sa
Hilagang Asya ay pagtatanim ng palay, trigo, barley, bulak, tabako, sugar
beets, sibuyas, ubas at mansanas ang kanilang ikinabubuhay.
Agrikultura
Maliban sa produktong agrikultural, kilala ang rehiyong ito na mayaman
sa mga mineral tulad ng krudo, iron ore, petrolyo, at natural gas.
Itinuturing din ang rehiyong ito na pangwalo sa pinakamalaking
prodyuser ng ginto at kemikal sa buong mundo, sapagkat ito ay sagana
sa yamang-mineral. Sa rehiyong ito rin matatagpuan ang pinakamalaking
minahan sa buong mundo, ang Muruntau Gold Mine na matatagpuan sa
disyerto ng Qyzylqum, Uzbekistan.
Ekonomiya
Ang Kazakhstan ay isa sa may malaking pagtaas sa bilang ng populasyon
sa Hilagang Asya.
Ang tirahan ng mga tao sa rehiyong ito ay tinatawag na yurts na animo
isang tolda na madaling itiklop sa sandaling kailangang ilipat ng lugar
upang makapanginain ang kanilang mga alagang hayop. Samantala, sa
pook-urban naman nananahan ang mga tao sa mga pabahay na gawa sa
modernong arkitektura.
Panahanan
Ang mga lambak-ilog ng China, ang Huang Ho at Yangtze, ay nakatulong sa
pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino sapagkat ito ay nagbibigay ng matabang lupa
para sa pangunahing produkto ang trigo, palay, barley, bulak, tabako, sugar beets,
sibuyas, ubas at patatas. Sa rehiyong ito ay ipinatupad ang land reclamation
shemes, sistemang irigasyon, paggamit ng iba’t ibang uri ng butil at makabagong
abono.
Agrikultura
Sa rehiyong ito matatagpuan ang pinakamalaking tagapagtustos ng tungsten,
tin, antimony, zinc at iba pang metal at maging sa yamang hydropower.
Ilan sa mga bansang kilala rito ay sagana sa iba’t ibang likas na yaman tulad ng:
China- ito ay may langis at iba pang mineral na karaniwang nagmumula sa gitna
at hilagang kabundukan nito.
Taiwan-nakatulong ang wind at solar energy sa pag-unlad ng mga industriyang panteknolohiya tulad ng gadget.
Japan- naman ang naging kauna-unahang economic miracle sa rehiyon, bagay
na nagbigay-daan sa World’s Leading Industrial Power.
South Korea- naging maunlad sa produktong tela, plastic, abono, at mga
kagamitang elektroniko. North Korea naman ay nanguna sa mga produksyon ng graphite, tungsten at
magnesite.
Mongolia- na mayaman sa mineral na ginto at wolfam.
Ekonomiya
11
TIMOG – SILANGANG ASYA
Ang klimang monsoon ang nagbibigay ng higit na
masaganang produksyon ng bigas at iba pang produkto sa
mga bansa ng rehiyong ito. Halimbawa ang bansa ng
Indonesia na katatagpuan ng masaganang sakahan na
ikinabubuhay ng mga tao roon. Sa Malaysia, Thailand at
Cambodia naman matatagpuan ang malawak na
plantasyon ng goma.
Kinilala bilang Rising Tiger Economy o may maunlad
na ekonomiya sa mundo ang rehiyong ito. Naging
mahalagang produkto ng mga bansa rito ang mga
pampalasa tulad ng paminta, luya, bawang at nutmeg.
Samantala, 70% naman ng ekonomiya ng Cambodia ay
nakatuon sa paggawa ng mga kahoy na
pangkonstruksiyon. Mahalaga naman sa Malaysia ang
industriya ng timber samantalang, binigyang pansin ng
Laos ang industriyang handricraft. Ang Vietnam naman ay
kilala sa paggawa ng tela, electronics at sasakyan.
Samantala, nalinang ng Singapore ang kalakalang
extended entrepot na may kinalaman sa pagbili ng hilaw
na materyales mula sa ibang bansa. Ang bansang ito ay
kilala sa kasalukuyan bilang pinaka-industriyalisadong
bansa sa Timog-Silangang Asya.
Ilan sa mga bansa rito ay karaniwang gumagamit ng
prefabricated o pinagkabit-kabit na materyales sa pagbuo
ng panahanan. Ang tirahan ng mga mangingisda na malapit
sa tabing-dagat ay sinusuportahan ng mga poste.
Sa bansang Indonesia, ipinatupad ang transmigration
policy. Ito ay pagtugon ng kanilang pamahalaan sa mga
taong walang tahananna naninirahan sa mga lugar na
punung-puno ng tao. Sila ay tutulungan ng pamahalaan na
lumipat at magkaroon ng bahay sa isang lugar na kakaunti
ang mga tao.
Agrikultura
Ekonomiya
Panahanan
Karaniwang magkakalapit na pamayanan na gawa sa luwad at adobe ang
tirahan ng mga magsasaka. Sa probinsya ng Sichuan, China, gawa sa ladrilyo ang
tirahan na karaniwang nakatayo sa gilid ng bundok. Ang mga Tsinong
naghahanapbuhay sa lungsod ay naka-condominium. Samantala, nomadic o walang
permanenteng tirahan ang buhay sa hilagang bahagi ng Xinjiang at Tian Shan. Sa
mga magsasaka Koreano, sila ay karaniwang naninirahan sa Hilagang bahagi ng
South Korea na nang naglaon at nagsimula ang modernisasyon ay unti-unting
lumipat sa lungsod upang mag-aral at maghanapbuhay.
Panahanan
12
TIMOG ASYA
Ekonomiya
Panahanan
Agrikultura
Ang 80% ng populasyon ng Timog Asya ay umaasa sa
pagsasaka. Ang mga bansa na sakop nito ay umaani ng palay,
trigo, jute, tubo, mais, patatas, kamote.
Katulad sa Bangladesh, pinakamahalaga sa kanila ang
sektor ng agrikultura. Gayon din sa Bhutan at Nepal na
pagsasaka at paghahayupan ang pangunahing ikinabubuhay.
Sa India naman na tinaguriang Pusong Lupain ng India at
kinilalang pinagmulan ng sinaunang kabihasnan
matatagpuan ang malawak na lambak ng Indus, Ganges at
Brahmaputra nakabilang sa pinakamatabang kapatagang
sakahan sa daigdig.
Ang mga bansa sa rehiyong ito ay mayaman sa
kagubatan. Dito matatagpuan ang mga tanyag na teak wood
at sandal wood na gamit sa konstruksyon. Sa kabilang
banda, pumapang-apat sa buong daigdig ang India na
nagtataglay ng reserbang karbon. Ang Bangladesh naman ay
mayaman sa natural gas at karbon. Samantalang, ang
Pakistan ay nagtataglay ng natural gas, petrolyo, iron ore,
tanso at limestone. Sa Nepal naman matatagpuan ang
maraming uri ng calcium carbonate, hydropower, at
gypsum. Ang hydroelectric power ay lubos na nakatutulong
sa mga bansa tulad ng India, Pakistan, Bangladesh.
Ang panahanan at kultura ng mga bansa sa Timog
Asya ay naiuugnay sa uri ng klima at topograpiya sa rehiyon.
Ang mga panahanan ay karaniwang parihaba na gawa sa
luwad, kawayan, o pulang ladrilyo. Ang mga panahanang ito
ay kailangang mas mataas sa lupa o kalsada upang
makaiwas sa baha. Sa mga pulo ng Maldives at Sri Lanka,
ang mga panahanang loob ay nakapagbibigay ng mas
malamig na pakiramdam. Sa Bhutan naman ay
kinakailangan ng tirahan na makatatagal sa mahaba at
napakalamig na klima. Samantala, ang Bangladesh ay
nanatili sa rural na uri ng buhay.
13
KANLURANG ASYA
Agrikultura
• Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang Iran nakilalang pinanggagalingan ng cereal, tubo, iba’t ibangprutas, wheat at barley. Sa Armenia naman, 16% ng lupainay pawang sakahan at 10% ang lakas-manggagawangmagsasaka. Ang Azerbaijan ay 30% ang tinuturing na lakaspaggawa. Sa Turkey at Cyprus naman ay nakapagtatanimat nakapag-aani ng mais, barley at bigas. Samantalangang Yemen ay may produktong millet, sorghum at sesamengunit bulak ang itinuturing na pinakamahalaga sa lahat.
Ekonomiya
• Nakapagpoprodyus ng mga produktong dairy ateksplorasyon ng mineral sa bansa at kilala sa pagluluwasng langis at natural gas. Dito kilala ang Saudi Arabia napag-aari ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buongmundo. Binigyang-pansin din ng Dubai sa United ArabEmirates ang turismo, financing, manufacturing, at sektorng serbisyo. Samantalang ang Qatar naman ang nanguna sapaglinang ng knowledge economy na tumutukoy sapagkilala at paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,pagbabahagi, at paggamit ng kaalaman.
Panahanan
• Ang panahanan ng mga kawani ay gawa sa luwad atsemento. Sa mabubundok naman na bansa ng Lebanon, ilangbahagi ng Syria, Turkey, Iran at Iraq ay may mga panirahanggawa sa malaking tipak na bato at semento.
14
Pagyamanin
A. I – Tseklist Mo!
Panuto: Lagyan ng tsek ( ) ang mga rehiyon sa Asya na tinutukoy at
inilalarawan sa bawat bilang. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
Paglalarawan
Hilagan
g
Asya
Silan
gan
g
Asya
Tim
og-
Silan
gan
g
Asya
Tim
og A
sya
Kan
lura
ng
Asya
1. Ang rehiyong ito ay kilala bilang “rising tiger
economy”.
2. Ang rehiyong ito ay mayaman sa deposito ng
langis.
3. Lubos na nakatutulong ang hydroelectric
power sa pamumuhay ng tao sa mga bansa
tulad ng India, Pakistan, at Bangladesh.
4. Sa rehiyong ito matatagpuan ang bansang
kinilala bilang kauna-unahang economic
miracle.
5. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine
na tinatayang pinakamalaking minahan sa
buong mundo na matatagpuan sa Uzbekistan.
6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang Vietnam na
kilala sa paggawa ng tela, electronics at
sasakyan.
7. Sa rehiyong ito nalinang ang knowledge
economy na tumutukoy sa pagkilala at
paggamit ng teknolohiya sa paglilinang,
pagbabahagi, at pagagamit ng kaalaman.
8. Ang rehiyong ito ay mayaman sa kagubatan,
at matatagpuan ang mga tanyag na teak wood
at sandal wood na gamit sa konstruksyon.
9. Sa rehiyong ito matatagpuan ang South Korea
na naging maunlad sa produktong tela,
plastic, abono, at mga kagamitang
elektroniko.
10.Ang rehiyong ito ang pinakamalaking
prodyuser ng ginto at kemikal sa buong
mundo.
15
B. Hanap Salita!
Panuto: Hanapin sa kahon ang mga salitang inilalarawan sa ibaba. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.
_______________ 1. Ito ang naging susi ng pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa
Asya.
_______________ 2. Isa sa mga uri ng yamang-likas na may impluwensya sa kultura
at pamumuhay ng mga tao.
_______________ 3. Ito ang pangunahing iniluluwas na produkto ng Kanlurang Asya.
_______________ 4. Ito ang pinakamahalagang sektor sa isang bansa dahil dito
nagmumula ang pangunahing pangangailangan ng tao.
_______________ 5. Dito nagmula ang ikalimang bahagi ng reserbang langis sa buong
mundo.
_______________ 6. Sa rehiyong ito matatagpuan ang ilog Huang Ho at Yang Tze na
nakatutulong sa pag-unlad ng pagsasaka ng mga Tsino.
_______________ 7. Ang bansang ito ang pang-apat sa daigdig na nagtataglay ng
pinakamaraming reserbang karbon.
_______________ 8. Dito matatagpuan ang Muruntau Gold Mine na pinakamalaking
minahan sa buong mundo.
_______________ 9. Ang bansang ito ay katatagpuan ng maraming calcium carbonate,
hydropower at gypsum.
_______________ 10. Ipinatupad sa bansang ito ang transmigration policy para sa mga
mamamayan nito na walang tahanan.
Silangang Asya Yamang-Likas Natural gas Nepal
Langis at Petrolyo Agrikultura Pagmimina India
Yamang Lupa Kanlurang Asya Indonesia Uzbekistan
16
C. Describe it in a Wheel!
Panuto: Ilarawan ang katangian ng sistema ng agrikultura ng bawat rehiyon
sa Asya gamit ang describing wheel na nasa ibaba. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.
D. Sagot Mo…Ipaliwanag Mo…
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ang iyong sagot sa
sagutang papel.
1. Sa iyong palagay, anong rehiyon sa Asya ang may mas maunlad na sistema ng
agrikultura? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Sa paanong paraan napaunlad ng mga Asyano ang kanilang sistema ng
agrikultura?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Sa iyong palagay, mahalaga ba ang larangan ng agrikultura upang mapaunlad
ng mga Asyanong bansa ang kanilang ekonomiya? Ipaliwanag.
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Sa paanong paraan nakatutulong ang agrikultura sa paglago ng ekonomiya ng
isang bansa?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
Hilagang
Asya
Silangang
Asya
Timog-Silangang
Asya Timog
Asya
Kanlurang
Asya AGRIKULTURA Sa Asya
17
E. Tahanang Asyano, I-Guhit Mo!
Panuto: Iguhit sa loob ng bahay ang estilo ng panirahan ng mga Asyano
gayundin ang ilan sa kanilang mga kultura batay sa kanilang rehiyon.
Gawin ito sa nakalaang sagutang papel.
F. I-Tama o Mali Mo!
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang diwang ipinahahayag ng
nakasalungguhit na salita sa bawat pangungusap at kung hindi, isulat ang
kataga o salita na maaaring magwasto rito. Isulat ang sagot sa nakalaang
sagutang papel.
___________ 1. Ang kontinente ng Asya ay biniyayaan at nagtataglay ng iba’t ibang
yamang-likas.
___________ 2. Ang Saudi Arabia ang pang-apat sa buong daigdig na nagtataglay ng
reserbang karbon.
___________ 3. Ang mga bansang salat sa likas na yaman ay umaangkat at
nakikipagpalitan ng hilaw na materyales sa ibang bansa.
HILAGANG ASYA SILANGANG ASYA
TIMOG-SILANGANG
ASYA
TIMOG ASYA KANLURANG ASYA
18
___________ 4. Ang Pilipinas ay nangunguna sa produksyon ng langis ng niyog at
kopra.
___________ 5. Ang Kanlurang Asya ang pangunahing tagapagtustos ng tungsten,
tin at iba pang metal.
___________ 6. Ang paglobo ng populasyon ay may malaking epekto sa ekonomiya
ng bansa.
___________ 7. Ang mga bundok at kagubatan ay nagsisilbing tirahan ng mga hayop
lalo na ng mga wildlife.
___________ 8. Nangunguna ang Dubai sa paglinang ng knowledge economy.
___________ 9. Nalinang ng Pilipinas ang kalakalan na tinatawag na extended
entrepot.
___________ 10. Ang Japan ang kauna-unahang economic miracle sa rehiyon ng
Silangang Asya.
Isaisip
Punan ang patlang sa bawat pangungusap ng tamang sagot mula
sa kahon sa ibaba.
1. Ang ________________ ay masagana sa likas na yaman na kinabibilangan ng
kagubatan, iba’t ibang uri ng hayop, yamang-tubig, lupa at mineral.
2. Ang bawat rehiyon ay nagtataglay ng mga katangi-tanging ________________ na
nakabase sa katangiang pisikal na kinapapalooban ng mga anyong-lupa at tubig,
klima at maging vegetation cover na matatagpuan dito.
3. Ang bawat rehiyon sa Asya ay nagtataglay ng yamang-mineral, ngunit ang
________________ ang pinakasagana rito. Ito rin ang naging dahilan sa pag-unlad
ng mga bansang matatagpuan dito.
4. Ang mga lupain sa ________________ ay mainam sa pagtatanim at
nakapagpoprodyus ng sapat na produktong agrikultural.
5. Ang sobrang supply ng produkto ay kinakalakal at iniluluwas sa karatig-rehiyon
upang matugunan rin ang kanilang ________________.
6. Malaki ang implikasyon ng likas na yaman sa ________________ ng tao sapagkat
ito ang tutugon sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan.
7. Ang kapaligiran at mga likas na yaman ay natutuhang gamitin at paunlarin ng
mga Asyano upang makabuo sila ng natatanging ________________ na patuloy na
nababago sa pagdaan ng panahon.
hanapbuhay pangangailangan Saudi Arabia
lambak-ilog likas na yaman pamumuhay
Kanlurang Asya Asya panahanan
yaring produkto kabihasnan mineral
19
8. Ang ________________ang pinakamalaking tagapagluwas ng petrolyo sa buong
daigdig.
9. Ang mga mauunlad na bansa ay umaangkat ng mga likas na yaman sa mga
maliliit na bansa na walang kakayahang gumawa at magprodyus ng
________________
10. Sa patuloy na pagdami ng tao, patuloy din ang pagtaas ng bilang ng mga
manggagawang nangangailangan ng ________________ at________________.
Isagawa
Ngayon ay naunawaan mo na ang implikasyon ng katangi-tanging
likas na yaman ng Asya sa iba’t ibang larangan ng pamumuhay noon at
ngayon. Bilang pangwakas na gawain, gumawa ka ng isang ISLOGAN na
magpapakita ng mensahe na maghihikayat na pangalagaan at
pahalagahan ang likas na yaman dahil sa mga bagay na dulot nito sa
ating pamumuhay bilang Asyano.
Sa paggawa mo ng islogan ay isaalang-alang mo ang mga pamantayan sa
pagbibigay ng marka ng iyong guro na makikita mo sa rubrik na nasa susunod na
pahina.
“Likhang Islogan Para sa Likas na Yaman”
20
RUBRIK para sa ISLOGAN
PAMANTAYAN 4 3 2 1
Mensahe
Ang mensahe
ay mabisang
naipakita
Hindi gaanong
nailahad ang
mensahe
Hindi malinaw
ang mensahe
na nais ilahad
Walang
naipakitang
mensahe
Pagkamalikhain
Napakaganda
at napakalinaw
ng
pagkakasulat
ng mga titik
Maganda at
malinaw ang
pagkakasulat
ng mga titik
Maganda
ngunit di
gaanong
malinaw ang
pagkakasulat
ng mga titik
Hindi maganda
at malinaw ang
pagkakasulat
ng mga titik
Kaugnayan sa
Paksa
Malaki ang
kaugnayan ng
mensahe
nakasaad sa
paksa
Hindi gaanong
naiugnay ang
mensahe sa
paksa
Kaunti lamang
ang kaugnayan
ng mensahe sa
paksa
Walang
kaugnayan ang
mensahe sa
paksa
Kalinisan
Malinis na
malinis ang
pagkakagawa
Malinis ang
pagkakagawa
Hindi gaanong
malinis ang
pagkakagawa
Marumi ang
pagkakagawa
Tayahin
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa inilaang
sagutang papel.
1. Ano-ano ang bumubuo sa mga yamang –likas?
A. yamang lupa at yamang tubig
B. yamang kagubatan at mga produktong agrikultura
C. yamang mineral at kagubatan
D. yamang kagubatan, lupa, mineral at yamang tubig
2. Ang palay ang pangunahing pananim sa maraming bansa sa Timog-Silangang
Asya. Bakit ito itinuturing na mahalaganag butil pananim?
A. Pangunahing pagkain ito ng mga tao sa Timog Silangang Asya.
B. Maraming lupa at bukirin ang hindi angkop sa pagtatanim nito.
C. Hindi masarap ang palay kaya mas nais na kainin ang mga pamalit
tulad ng butil ng mais, barley at trigo.
D. Maraming panluwas na produkto maliban sa palay.
21
3. Bakit itinuturing na pangunahing mineral ng ating bansa ang tanso?
A. Bagong tuklas ang mineral na ito sa ating bansa.
B. May mga yamang mineral sa ating bansa ang nauubos maliban sa tanso.
C. May reserba at may potensyal na mamimili nito.
D. Marami tayong mapagkukunan ng tanso sa ating bansa.
4. Anong yamang mineral mayroon ang lahat ng bansa sa Hilaga o Gitnang Asya?
A. ginto, tanso at uranium C. karbon, langis at natural gas
B. tanso, phosphate at natural gas D. natural gas, tingga at tungsten
5. Dahil sa malawak na damuhan sa Hilagang Asya, ano ang maaaring maging
hanapbuhay dito?
A. pag-aalaga ng hayop
B. pagtatanim ng iba’t ibang punong kahoy
C. pagtatanim ng iba’t ibang produktong pang agrikultura
D. pagtotroso
6. Ano ang maaaring maging epekto sa mga tao kung hindi nila lilinangin at
aalagaan ang ating likas na yaman.
A. pagkakaroon ng magandang hanapbuhay
B. pagkakaroon ng kasalatan sa pagkain at iba pang pangangailangan
C. pag-angat ng industriya
D. pag-unlad ng ekonomiya
7. Sa Hilagang Asya, partikular sa Tajikistan ay matatagpuan ang tatlong uri ng
yamang mineral. Alin sa sumusunod ang HINDI kabilang?
A. industriyal na Metal C. mineral na panggatong
B. natural gas at liquefied gas D. metalikong mineral
8. Sa pamamagitan ng pagsasaka, natutugunan ang pangangailangan ng mga tao.
Gayundin, nagkakaroon sila ng mga produktong panluwas. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. Hindi na kailangan ang pangingisda at pag-aalaga ng hayop upang punan
ang pangangailangan sa pagkain
B. Mahalagang pangalagaan ang mga lupang sakahan upang mapanatiling
sagana sa suplay ng pagkain at ng iba’t ibang produkto ang mga Asyano.
C. Hindi napapakinabangan ng mga Asyano ang mga produkto at hilaw na
materyales mula sa pagsasaka
D. Higit na mahalaga ang industriyalisasyon sa pagtugon sa
pangangailangan ng mga tao
9. Magkakaiba ang likas na yaman ng mga rehiyon sa Asya. Ano ang maidudulot
nito sa mga tao?
A. Pagbagal ng pag-unlad ng pamumuhay ng mga tao.
B. Matuto ang mga Asyano na linangin at paunlarin ang kani-kanilang
taglay na likas na yaman.
C. Pagkaubos ng likas na yaman ay maaaring maranasan ng mga Asyano.
D. Pagkakaroon ng alitan at pag aagawan ng mga Asyano sa kani-kanilang
yamang likas.
22
10. Alin sa mga sumusunod ang posibleng epekto ng paglaki ng populasyon ng
bansa?
A. Pagkaubos ng likas na yaman ng mga bansa.
B. Pagsasagawa ng land conversion upang may matirhan ang mga tao.
C. Pagkakaroon ng iba’t ibang uri ng polusyon.
D. Lahat ng nabanggit
11. Dahil sa taglay na yamang likas ng Timog Asya partikular ang pagkakaroon ng
matabang lupa, nagdulot ito ng mabuting epekto sa tao dahil sa pagkakaroon
nila ng mapagkukunan ng hanapbuhay. Alin sa sumusunod ang higit angkop na
gawaing pang-ekonomiya ayon sa kanilang likas na yaman?
A. pagsasaka C. pangingisda
B. pagmimina D. pagtrotroso at pagmimina
12. Ang Kanlurang Asya ay biniyayaan ng anong uri ng yamang mineral na
iniluluwas sa iba’t ibang panig ng mundo?
A. natural gas C. petrolyo at langis
B. liquefied gas D. lahat ng nabanggit
13. Malaki ang bahaging ginagampanan ng yamang likas ng isang rehiyon sa pag-
unlad ng kanilang ekonomiya. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap na ito?
A. Natutugunan nito ang pangangailangan sa hilaw na materyales ng bawat
bansa upang tugunan ang pangangailangan sa produksyon.
B. Nagbibigay ito ng hanapbuhay sa iilang mamamayan lamang
C. Natutugunan nito ang kagustuhan ng mga mayayamang tao.
D. Dahil sa yamang likas na taglay ng bawat bansa, maaaring kakaunti ang
mamuhunan sa kanila .
14. Ang sektor ng agrikultura ay maraming halaga sa isang bansa. Alin sa mga u
sumusunod ang HINDI kabilang sa halaga ng sektor na ito?
A. Pinagkukuhanan ito ng hilaw na materyales.
B. Nagbibigay ng hanapbuhay sa tao.
C. Nagkakaroon ng sigalot sa pagitan ng mga magsasaka at ng may-ari ng lupa.
D. Pinagkukuhanan ito ng kitang panlabas.
15. Bakit tinaguriang “Rising Tiger Economy” ang Timog Silangang Asya?
A. Dahil sa patuloy na sigalot sa pagitan ng mga bansa sa rehiyon
B. Dahil sa kakaunti ang mga namumuhunan dito
C. Dahil sa iilang bansa lamang dito ang umuunlad
D. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng ekonomiya ng mga bansa sa rehiyon
Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo
sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng
harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung
iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa
karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa
sa aralin. Muli ang aking pagbati!
23
Karagdagang Gawain
A. Punan Mo Ito!
Para sa mga karagdagang gawain, sagutin mo ang mga sumusunod na
pagasanay. Gamiting batayan ang mga salitang nakasulat sa loob ng bawat hugis
upang makumpleto ang sumusunod na diyagram. Isulat ang sagot sa nakalaang
sagutang papel.
Agrikultura
Ekonomiya
Panahanan
Silangang Asya Kanlurang Asya
Timog-Silangang
Asya
Hilagang Asya
Timog Asya
Mga Ambag ng
mga Asyano
24
Susi sa Pagwawasto
SUBUKIN
1. C
2. B
3. C
4. D
5. A
6. A
7. D
8. D
9. A
10 B
11. A
12. B
13. A
14. B
15. C
TAYAHIN
1. D
2. A
3. B
4. B
5. A
6. B
7. B
8. B
9. B
10 D
11. A
12. B
13. A
14. C
15. D
ISAISIP
1.Asya
2.Likas na Yaman
3.Kanlurang Asya
4.Lambak – Ilog
5.Pangangailangan
6.Pamumuhay
7.Kabihasnan
8.Saudi Arabia
9.Yaring Produkto
10.Populasyon
PAGYAMANIN A
1.Silangang Asya
2.Kanlurang Asya
3.Timog Asya
4.Silangang Asya
5.Hilagang Asya
6.Timog Silangang
Asya
7.Kanlurang Asya
8.Timog Asya
9.Hilagang Asya
10.Hilagang Asya
PAGYAMANIN B
1.Yamang Likas
2.Yamang Lupa
3.Langis Petrolyo
4.Agrikultura
5.Kanlurang Asya
6.Silangang Asya
7.India
8.Uzbekistan
9.Nepal
10.Indonesia
PAGYAMANIN F
1.Tama
2.Ikalima
3.Tama
4.Tama
5.Silangang Asya
6.Tama
7.Tama
8.Qatar
9.Singapore
10.Tama
25
Sanggunian
Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna
ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education
Bureau of Learning Resources.
"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of
Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01
/AP-CG.pdf.
"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management
and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.
"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource
Management and Development System, 2014.
https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]