araling panlipunan€¦ · kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang...

33
Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 2: Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng Kabihasnang Asyano 7

Upload: others

Post on 10-Nov-2020

21 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Page 1: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

Araling Panlipunan

Unang Markahan - Modyul 2:

Ang Ugnayan ng Tao at

Kapaligiran sa Paghubog ng

Kabihasnang Asyano

7

Page 2: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

ii

Araling Panlipunan– Ikapitong Baitang Alternative Delivery Mode Unang Markahan – Modyul 2: Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng

Kabihasnang Asyano

Unang Edisyon, 2020 Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran. Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Nicolas T. Capulong, PhD.,CESO V Ronilo AJ K. Pirmo, PhD, CESO V Librada M. Rubio, PhD.

Inilimbag sa Pilipinas ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III

Office Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: John Revin V. De Jesus / Joanna D. Balde

Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Virgilio L. Laggui PhD /

Eva Fe Taclibo PhD / Rizaldy Aglipay

Tagasuri ng Wika: Edwin T. Marcos EdD / Marie Anne Ligsay PhD /

Bennedick Viola / Anastacia M. Victorino PhD

Tagasuri sa ADM: Jovannie B. Belmonte

Tagasuri ng Paglapat/Pagguhit: Jovannie B. Belmonte

Tagaguhit: Maesie T. Dela Peña

Tagalapat: Maesie T. Dela Peña / Joyce O. Saraza

Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V

Librada M. Rubio PhD

Angelica M. Burayag PhD

Nestor Nuesca EdD

Gregorio C. Quinto, Jr. EdD

Rainelda M. Blanco PhD

Agnes R.Bernardo PhD

Virgilio L. Laggui PhD

Page 3: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

iii

7

Araling Panlipunan Unang Markahan - Modyul 2

Ang Ugnayan ng Tao at

Kapaligiran sa Paghubog ng

Kabihasnang Asyano

Page 4: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

iv

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 7 ng Alternative

Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa

Paghubog ng Kabihasnang Asyano.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga

edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang

gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang

itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,

panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa

mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,

bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang

mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga

pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang

kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang

mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan

at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang

sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at

gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa

modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery

Mode (ADM) Modyul ukol sa Ang Ugnayan ng Tao at Kapaligiran sa Paghubog ng

Kabihasnang Asyano.

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.

Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at

magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na

Mga Tala para sa Guro

Ito'y naglalaman ng mga paalala,

panulong o estratehiyang magagamit sa

paggabay sa mag-aaral.

Page 5: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

v

ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga

kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay

nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin

nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.

Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga

dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung

ano na ang kaalaman mo sa aralin ng

modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng

tamang sagot (100%), maaari mong laktawan

ang bahaging ito ng modyul.

Balikan

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral

upang matulungan kang maiugnay ang

kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay

ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad

ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na

suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling

pagtalakay sa aralin. Layunin nitong

matulungan kang maunawaan ang bagong

konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa

malayang pagsasanay upang mapagtibay ang

iyong pang-unawa at mga kasanayan sa

paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot

mo sa pagsasanay gamit ang susi sa

pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip

Naglalaman ito ng mga katanungan o

pupunan ang patlang ng pangungusap o

talata upang maproseso kung anong

natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong

sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman

o kasanayan sa tunay na sitwasyon o

realidad ng buhay.

Page 6: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

vi

Tayahin

Ito ay gawain na naglalayong matasa o

masukat ang antas ng pagkatuto sa

pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang

Gawain

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong

panibagong gawain upang pagyamanin ang

iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang

aralin.

Susi sa Pagwawasto

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat

ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang

marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel

sa pagsagot sa mga pagsasanay.

2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing

napapaloob sa modyul.

3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.

4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at

sa pagwawasto ng mga kasagutan.

5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.

6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang

sagutin lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,

huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka

rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino

man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa

iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng

makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa

kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa

paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Page 7: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

1

Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay

upang matulungan kang unawain ang mga araling tinatalakay sa Araling

Panlipunan Baitang 7.

PAMANTAYAN SA PAGKATUTO

Napahahalagahan ang ugnayan ng tao at kapaligiran sa paghubog ng

kabihasnang Asyano.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

Aralin 1: Lokasyon, Hugis, Sukat at Anyo ng Asya

Aralin 2: Iba’t Ibang Anyong Lupa at Anyong Tubig

Aralin 3: Behetasyon at Klima sa Asya

Aralin 4: Pacific Ring of Fire

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:

1. nakapaglalarawan ng mga katangian ng kapaligirang pisikal sa mga rehiyon ng Asya katulad ng kinaroroonan, hugis, anyo, sukat, klima at vegetation cover;

2. nakapaghahambing ng mga kalagayan ng kapaligiran sa iba’t ibang bahagi ng Asya; at

3. nakapagsusuri ng epekto ng mga katangiang pisikal ng Asya sa pamumuhay ng mga Asyano.

Mga Tala para sa Guro Kailangang gumamit ng mga pamprosesong tanong upang

maiugnay ang natapos na aralin tungo sa bagong aralin. Ituro ang konsepto ng araling ito sa pamamagitan ng mga malikhaing pamamaraan na makikita sa mga gawain sa modyul na ito. Makikita rin sa huling bahagi ng modyul na ito ang mga rubric na gagamitin sa pagmamarka sa ilang mga gawain.

Page 8: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

2

Subukin

Panuto: Basahing mabuti at sagutin ang sumusunod na katanungan. Piliin ang titik

ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ilang rehiyon ang bumubuo sa Asya?

A. lima B. anim C. pito D. walo

2. Ano ang tawag sa pinakamalaking masa ng lupain sa daigdig?

A. Tectonic plate C. Pacific Ring of Fire

B. Kontinente D. Monsoon

3. Isa ito sa pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon na nakabatay sa nakapalibot na

anyong tubig sa isang lugar.

A. bisinal B. insular C. absolute D. concrete

4. Ano ang tawag sa uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng

pagkakaroon ng kagubatan o damuhan na epekto ng klima nito?

A. monsoon C. vegetation cover

B. plant geography D. botanical garden

5. Ito ay karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa

loob ng mahabang panahon?

A. temperature B. monsoon C. hangin D. klima

6. Alin sa mga sumusunod na ilog ang HINDI kabilang sa nagsilbing lunduyan ng

sinaunang kabihasnan?

A. Ilog Tigris at Euphrates C. Ilog Indus

B. Dagat Caspian D. Ilog Huang Ho

7. Ang rehiyon ng Timog-Silangang Asya ay may klimang tropikal. Ano ang

implikasyon nito sa pamumuhay ng mga taga-rito?

A. Makakapal ang kanilang mga kasuotan bunga ng matinding lamig.

B. May malalawak na disyerto na sagana sa mga mineral at ginto.

C. Sagana sa mga yamang-likas tulad ng kagubatan, mga pananim at rekado.

D. Nagyeyelo ang paligid bunga ng makapal na niyebe.

8. Ano ang pinakamalawak at pinakamalalim na karagatan sa buong mundo na

makikita sa Asya?

A. Karagatang Pasipiko C. Karagatang Indian

B. Karagatang Artiko D. Karagatang Atlantik

9. Namasyal ka sa bahay ng iyong kaibigan at nalaman mo na ang bahay nila ay

nasa gitna ng palayan. Anong anyong lupa ang kinatitirikan ng bahay nila na

kadalasang nakikita sa mga probinsya ng Gitnang Luzon?

A. lambak B. bundok C. burol D.kapatagan

Page 9: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

3

10. Niyaya ka ng barkada mo sa Bataan at ibinilin nya sa iyo na magdala ng sobrang

damit para maligo. Sa anong anyong tubig kaya kayo magtutungo?

A. lawa B. bukal C. dagat D. ilog

11. Ano ang maaaring magandang epekto sa mga Asyano na nakatira sa Pacific Ring

of Fire?

A. Paghagupit ng mga tsunami sa tabing dagat na nakakaantala ng pag-

unlad ng bayan.

B. Pagkakaroon ng mga bagong anyong lupa at anyong tubig bunga ng

pagsabog ng mga bulkan.

C. Madalas na pagbuga ng lava mula sa bulkan na ikinamamatay ng mga

hayop at halaman.

D. Palagiang paglipat ng mga tao sa ibang lugar.

12. Si Albert ay nakatira malapit sa isang ilog. Alin sa mga sumusunod ang hindi

niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?

A. maligo araw-araw C. maglaba araw-araw

B. uminom ng malinis na tubig D. manguha ng halamang gamot

13. Bakit mahalagang malaman ang ugnayan ng tao sa kapaligiran?

A. Dahil sa kapaligiran nakasalalay ang ating pinagkukunan ng yaman.

B. Dahil sa kapaligiran makikita ang magagandang tanawin.

C. Dahil sa kapaligiran ay may kapayapaan.

D. Dahil sa kapaligiran nakatuon ang kasiyahan.

14. Paano magkakaroon ng ugnayan ang tao sa kanyang kapaligiran?

A. Sa pamamagitan ng mabuting pagtugon sa hamon ng kapaligiran.

B. Sa pamamagitan ng pagsuko sa mga pagsubok.

C. Sa pamamagitan ng pagsasarili ng mga problema.

D. Sa pamamagitan ng pang-aabuso sa paggamit ng kalikasan.

15. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa kahalagahan ng mga Ilog

Tigris / Euphrates, Ilog Indus at Ilog Huang Ho?

A. Dahil sa tabing-ilog sila nakakapagtanim at nakakapag-alaga ng hayop.

B. Dahil dito sila nakikipagkalakalan sa mga kalapit lugar.

C. Dahil dito sila kumukuha ng pangangailangan sa araw-araw.

D. Dahil dito sila natutong magbasa at magsulat.

Mahusay! Kung marami kang nasagot sa bahaging ito ng modyul ay

madali mong maiintindihan ang nakapaloob ditong aralin. Kung mababa

naman ang nakuha mong marka ay dapat pagsumikapang mas maintindihan

pa ang aralin sa pamamagitan ng pagbabasang mabuti sa mga teksto at

pagsasagawa ng mga dinesenyong gawin.

Page 10: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

4

Aralin

1

Halika na at sabay nating tuklasin ang Yamang Likas ng

Asya upang mas maunawaan natin ang kahalagahan nito sa

paghubog ng kabihasnang Asyano at pamumuhay ng mga

taong nakatira rito.

.

Balikan

Sa bahaging ito, ating balikan ang iyong nalalaman ukol sa mga rehiyon ng

Asya. Gamit ang kasunod na mapa ng Asya, lagyan ng kaukulang rehiyon ang

kanang bahagi ng tsart kung saan kabilang ang bawat bansa na makikita naman sa

kaliwang kolum. Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.

Tingnan ang mapa ng mga Rehiyon ng Asya

Bansa Rehiyon sa Asya

1. Pilipinas Timog-Silangang Asya

2. Mongolia

3. Saudi Arabia

4. India

5. China

6. Indonesia

Page 11: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

5

Tuklasin

Sa bahaging ito ay inaasahang basahin mo at unawain ang tula.

Maaari din itong bigkasin nang malakas upang maramdaman mo ng

husto ang mensaheng nais iparating nito sa iyo.

Alam mo ba na marami ang nagmamahal sa Asya? Ano kaya ng

mga katangian nito na nakakaapekto sa paghubog ng sinaunang

sibilisasyon? Malalaman natin yan sa pagbabasa ng tulang ito. Handa na

ba kayo?

Asya: Mahal Kita

(wala nang patumpik-tumpik pa!)

Joanna D. Balde

Tulad ng hinahangaan mo, ang Asya ay may pisikal na katangian,

Nandyan ang sukat, hugis, anyo, lawak at kinaroroonan.

Isama na rin natin ang klima at behetasyon,

Na nakakaapekto sa pagbuhog ng sinaunang sibilisasyon.

Ibatay naman natin sa kinaroroonan,

Tinawag na Orient, dahil nasa gawing silangan.

Iyan ang sabi ng mga sinaunang manlalakbay,

Na hanggang ngayon ay ating binubulay-bulay.

Ang pagtukoy ng lokasyon ay may tatlong paraan,

Bisinal na batay sa anyong lupa na nagsisilbing hangganan;

Insular na batay sa anyong tubig na nakapalibot,

At absolute na nakabatay sa digri ng latitude at longitude.

Sa bandang huli ay may Pacific Ring of Fire,

Na parang simbolo ng pagmamahal na walang humpay.

Na dapat ay makita mo ang ganda ng tanawin,

Sa kabila ng idinulot nito sa atin.

Kaya naman napakaraming bagay ang pwedeng sambitin,

Nang nag-aalab na puso at damdamin.

Ngunit sa dami nito ay isa lang ang uubra,

Mahal kita Asya, wala nang patumpik-tumpik pa…

Page 12: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

6

Suriin nang mabuti ang binasang tula at sagutin nang buong husay ang mga

katanungan. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Katulad ng hinahangaan mo, ano-ano ang pitong katangiang pisikal ng Asya na

nakakaapekto sa paghubog ng sibilisasyon? ___________________________________

2. Batay sa kinaroroonan, tinawag ng mga sinaunang manlalakbay ang Asya na

___________________________________ sapagkat ito ay matatagpuan sa gawing

silangan.

3. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa digri ng latitude

at longitude? ___________________________________

4. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong lupa na

nagsisilbing hangganan? ___________________________________

5. Ano ang tawag sa paraan ng pagtukoy sa Asya na nakabatay sa anyong tubig na

nakapalibot? ___________________________________

Suriin

Ang kontinente ng Asya ay bahagi ng pitong kontinente na bumubuo

sa daigdig. Bilang isang Pilipino, marapat lamang na alam natin na tayo ay

bahagi ng kontinente ng Asya.

ANG KONTINENTE NG ASYA

Ang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng mundo. Sa pag-aaral ng

heograpiya, iba’t ibang aspeto ang ating matututunan tulad ng kinaroroonan, sukat,

hugis, anyo, lawak o sakop nito, klima, topograpiya, mga yamang likas, at iba’t ibang

kalupaan at katubigan na matatagpuan sa isang tiyak na lugar o pook.

Narito ang pitong kontinente ng daigdig.

Kontinente Sukat (km2) Kontinente Sukat (km2)

Africa 30,330,000 Europe 10,500,000

Antarctica 14,160,000 North America 24,000,000

Asya 44,390,000 South America 17,800,000

Australia 7,700,000

Pinagkunan: Project EASE Araling Panlipunan III Modyul 1: Heograpiya ng Daigdig

Page 13: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

7

ANG KATANGIANG PISIKAL NG ASYA

Ang Mapa ng Daigdig

LOKASYON NG ASYA

Pansinin ang mapa ng daigdig. Ano ang iyong napansin? Pagmasdang mabuti

ang lokasyon ng Asya. Sa mga sinaunang manlalakbay, tinatawag nilang orient o

silangan ang kontinente ng Asya sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe.

Samantala, occident naman o kanluran ang sa kontinente ng Europa. Ang

lokasyon ay tumutukoy sa kalagayang pang heograpiko ng isang lugar o pook. Ang

mga eksperto sa pag-aaral ng lokasyon ay gumagamit ng iba’t ibang paraan sa

pagtukoy ng kinaroroonan ng isang lugar.

Natutukoy natin ang lokasyon ng isang bansa batay sa tatlong pamamaraan:

LOKASYONG BISINAL Sa lokasyong bisinal, binabatay natin ang lokasyon ng isang lugar sa mga

kalapit na bansa at mga pangunahing anyong lupa na nagsisilbing hangganan ng bawat lugar.

Ang kontinente ng Asya ay matatagpuan sa hilagang-silangan ng Africa, silangan ng Europe. Nasa gawing kanluran naman ito ng Pacific Ocean.

LOKASYONG INSULAR

Batay naman sa mga nakapalibot na anyong tubig sa isang bansa o lugar.

Ang Asya ay napalilibutan ng napakaraming uri ng anyong tubig tulad ng Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak na karagatan sa mundo.

Page 14: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

8

HUGIS, SUKAT AT ANYO NG KONTINENTE NG ASYA

Ang Asya ay may kabuuang sukat sa kilometro

kwadrado na 44,579,000. Sa kabuuan, ito ay 31% o

halos isang-katlo (1/3) ng kabuuang lupain sa daigdig.

Pinakamalaki ito sa lahat ng kontinente sa daigdig.

Masasabing may iba-ibang anyo ang pisikal na katangian

ng Asya. Ang pagkakaroon nito ng magkakaibang anyo ay

lubos na nakakaapekto sa paghubog ng pamumuhay ng

mga Asyano. Ang pagkakaroon ng napakaraming uri o

katangian ng kapaligirang pisikal ng Asya ay isang kalakasan.

IBA’T IBANG URI NG ANYONG LUPA SA ASYA

Ang kontinente ng Asya ay nagtataglay ng napakaraming uri ng anyong lupa

na nagtataglay ng iba’t ibang katangian. Ang mga ito ay pawang may

kapakinabangang dulot sa mga Asyano. Bawat uri nito ay nililinang, patuloy na

ginagamit at naghahatid ng mga pakinabang sa bawat Asyano.

LOKASYONG ABSOLUTE

Nakabatay sa digri ng latitude at longitude.

Tandaan: Ang nasasakop ng Asya ay mula sa 10° Timog hanggang 90° Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longitude.

BUNDOK - pinakamataas na anyong lupa

Ang Mt. Everest pinakamataas na bundok sa mundo na may sukat na 8,850 metro na nakahanay sa Himalayas. K2 Mountain naman ang pangalawa sa pinakamataas na bundok sa daigdig at sinusundan ng

Mt. Kanchenjunga bilang pangatlong pinakamataas na bundok sa daigdig.

BULUBUNDUKIN - hanay ng mga bundok

Ang Himalayas ay may 2,415 kilometro at pinakatanyag sa lahat ng bulubundukin dahil sa lawak nito. Ilan pa sa mga halimbawa ng bulubundukin ay ang Hindu Kush na matatagpuan sa Afghanistan at Ural na matatagpuan sa Kanlurang Asya.

Page 15: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

9

IBA’T IBANG URI NG ANYONG TUBIG SA ASYA

May malaking bahaging ginampanan ang mga anyong tubig sa mga nakatira sa Asya. Kaya naman ating tunghayan ang mga halimbawa.

KAPULUAN - binubuo ng maraming pulo

Ang kapuluan ng Pilipinas na nasa Timog-Silangang Asya na may mahigit pitong libong mga pulo. Samantala, ang bansang Indonesia ang pinakamalaking kapuluan sa daigdig na may humigit-kumulang na 17,000 pulo.

DISYERTO - tigang na lupaing natatabunan ng buhangin

Ang Gobi Desert na nasa hilagang China at Timog Mongolia na may 1,295,000 kilometro kwadrado na siyang pinakamalaki sa Asya at pang-apat sa buong mundo. Matatagpuan rin sa Asya ang mga disyerto ng Taklimakan sa China at Kara Kum sa Turkmenistan.

BULKAN - isang bundok na nagbubuga ng nagbabagang mga bato, usok at iba pang materyal na galing sa ilalim ng lupa

Ilan sa mga tanyag na bulkan sa mundo ay ang Mayon at Pinatubo na matatagpuan sa Pilipinas. Fuji na matatagpuan sa Japan at Krakatoa na matatagpuan sa Indonesia.

PULO - anyong lupa na napapaligiran ng tubig

Ang mga pulo ng Borneo, Sumatra at mga pulo ng Pilipinas sa Timog-Silangang Asya ay pawang mga tanyag na pulo sa Asya.

KARAGATAN - pinakamalaking bahagi ng tubig Matatagpuan sa hilaga ng Asya ang Karagatang Artiko na pawang nagyeyelong karagatan. Sa timog na bahagi naman ang Karagatang Indian at sa Silangang bahagi naman ang Karagatang Pasipiko, ang pinakamalawak na karagatan sa buong mundo.

Page 16: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

10

Ating tunghayan ang mga pakinabang na dulot ng mga anyong lupa at anyong tubig sa pamumuhay ng mga Asyano sa pamamagitan ng graphic organizer.

DAGAT - mas maliit at nakadugtong sa karagatan na may bahagi na nakadikit sa lupa

Sa silangan ng Asya ay matatagpuan ang mga East China Sea, Japan Sea, Bering Sea, West Philippine Sea.

ILOG - uri ng katubigang karaniwang nagmumula sa kabundukan at umaagos patungo sa ibang ilog, lawa o dagat Ang mga ilog ng Tigris at Euphrates, Indus at Huang Ho ay nagsilbing lunduyan ng mga sinaunang kabihasnan ay pawang matatagpuan sa Asya.

LAWA - isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain Mayroong apat na katangi-tanging lawa ang matatagpuan sa Asya. Ang Caspian Sea ang pinakamalaking lawa sa mundo. Ang Lake Baikal ang pinakamalalim na lawa, ang Dead Sea ang pangalawa sa pinakamaalat na anyong tubig sa buong daigdig at ang Aral Sea ang pinakamalaking lawa sa Asya.

GOLPO - anyong tubig at bahagi ng dagat na pinaliligiran ng lupa

Ang mga Golpo ng Oman, Golpo ng Thailand at Golpo ng Persia ay ilan lamang sa mga golpo na matatagpuan sa Asya.

Page 17: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

11

ANG MGA VEGETATION COVER NG ASYA

VEGETATION/BEHETASYON – uri o dami ng mga halaman sa isang lugar tulad ng

pagkakaroon ng kagubatan o damuhan ay epekto ng klima nito.

Steppe Prairie Savanna

Sa Hilagang Asya, ang katangiang pisikal ng kapaligiran nito ay ang

pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands na nahahati sa tatlong uri:

1. STEPPE – uri ng damuhang may ugat na mabababaw o shallow-rooted

short grasses. Maliliit lamang ang damuhan sa lupaing ito dahil

tumatanggap lamang ito ng 10-13 pulgada ng ulan. Mayroong mga steppe

sa Mongolia gayundin sa Manchuria at Ordos Dessert sa Silangan Asya.

2. PRAIRIE – ang lupaing may damuhang matataas na malalim ang ugat o

deeply-rooted tall grasses. Sa hilagang bahagi ng mga steppe ng Russia at

Manchuria at maging sa Mongolia matatagpuan ang prairie.

3. SAVANNA – lupain ng pinagsamang mga damuhan at kagubatan na

matatagpuan sa Timog Silangang Asya partikular sa Myanmar at

Thailand.

Ang mga taong naninirahan sa mga steppe, prairie at savanna ay kadalasang

nakatuon sa pagpapastol at pag-aalaga ng mga hayop tulad ng baka at tupa na

pinagkukunan nila ng lana, karne at gatas. Ang mga lambak-ilog at mabababang

burol ay ginagawa nilang pananinam.

Page 18: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

12

Samantala nahahati naman sa tatlong uri ang kagubatan:

Taiga Tundra Tropical Rainforest

1. BOREAL FOREST/ TAIGA (ROCKY MOUNTAINOUS TERRAIN) ay matatagpuan

sa Hilagang Asya partikular na sa Siberia. Coniferous ang mga kagubatang ito

bunsod ng malamig na klima dahil sa presipitasyon na maaaring nasa anyong

yelo o ulan.

2. TUNDRA / TREELESS MOUNTAIN TRACT. Sa bahagi ng Russia at sa Siberia

matatagpuan ito. Kakaunti ang mga halamang tumatakip at halos walang puno

sa lupaing ito dahil sa malamig na klima. Ang lupaing malapit sa baybayin ng

Arctic Ocean ang saklaw ng behetasyon ito.

3. TROPICAL RAINFOREST. Sa Timog-Silangang Asya at sa mga bansang nasa

torrid zone ang biniyayaan ng mainam na klima nito na halos may pantay na

panahon ng tag-ulan at tag-araw.

KLIMA – Ang karaniwang panahon o average weather na

nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang

panahon.

MONSOON – Mga hanging nagtataglay ng ulan ay isang bahagi ng klima na

may matinding epekto sa lipunan at iba pang salik ng pamumuhay ng tao lalo’t higit

yaong mga nasa Silangan at Timog-Silangang Asya. Depende sa lakas ng bugso nito,

ito ay maaaring magdulot ng parehong kapakinabangan at kapinsalaan.

Nagmumula sa karagatan

patungong kontinente

Nagmumula ang hangin sa Siberia

patungong karagatan

Direksyon ng umiiral na hangin

AMIHAN o Northeast Monsoon HABAGAT o Southwest Monsoon

Page 19: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

13

Ang Pilipinas ay nakalatag sa Timog-

Silangang Asya at madalas na dinaraanan ng

Hanging Amihan at Hanging Habagat.

Maaaring nakakabuti sa mga magsasaka ang

madalas na pag-ulan ngunit may mga hindi

rin magandang naidudulot ito.

Dahil sa lawak ng Asya matatagpuan

dito ang lahat ng uri ng klima at panahon.

Narito ang isang talahanayan na nagpapakita

ng iba’t ibang uri ng klima sa mga rehiyon ng

Asya. Basahin at unawain mo itong mabuti.

MGA URI NG KLIMA SA ASYA

REHIYON KATANGIAN NG KLIMA

Hilagang Asya

Sentral Kontinental. Mahaba ang taglamig at

malaking bahagi ng rehiyon ay hindi kayang tirahan

ng tao dahil sa sobrang lamig.

Kanlurang Asya

Hindi palagian ang pagbabago ng klima.

Maaaring magkaroon ng labis o di kaya’y

katamtamang init o lamig ang lugar na ito. Bihira at

halos hindi nakararanas ng ulan ang malaking

bahagi ng rehiyon.

Timog Asya

Iba-iba ang klima sa loob ng isang taon.

Mahalumigmig kung Hunyo hanggang Setyembre,

taglamig kung buwan ng Disyembre hanggang

Pebrero, at kung Marso hanggang Mayo, tag-init at

tagtuyot. Nananatiling malamig dahil sa niyebe o

yelo ang Himalayas at ibang bahagi ng rehiyon.

Silangang Asya

Monsoon climate ang uri ng klima sa rehiyon.

Dahil sa lawak ng rehiyong ito, ang mga bansa rito

ay nakararanas ng iba’t ibang panahon; mainit

para sa bansang nasa mababang latitude, malamig

at nababalutan ng yelo ang ilang bahagi.

Timog-Silangang Asya

Halos lahat ng bansa sa rehiyon ay may

klimang tropikal. Nakakaranas ang mga ito ng

tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.

Page 20: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

14

ANG PACIFIC RING OF FIRE

Ang Pilipinas ay nakalatag sa isang malawak na sona na kung tawagin ay

Pacific Ring of Fire, o Circum-Pacific Seismic Belt. Ang lugar na ito ay nagtataglay

ng maraming hanay ng mga bulkan, kasama na ang mga Bulkang Mayon, Pinatubo,

Taal. Ang pagsabog ng mga bulkan ay kadalasang nagdudulot ng paglindol o

paggalaw ng lupa na nagbubunsod naman ng mga pagbabago sa pisikal na porma

ng anyong lupa at anyong tubig. Tinatayang 81% ng mga pinakamalakas na lindol

na mundo ay nagaganap dito. Sinasabing noong araw pa man bago maisulat ang

kasaysayan, ang karamihan sa mga anyong lupa at anyong tubig sa daigdig ay

hinubog at binigyang porma dulot ng mga pagyanig mula sa pagsabog ng bulkan.

Magaling! Ngayon ay handa ka na upang magsagot ng mga pagsasanay batay

sa iyong mga natutuhan. Magpatuloy ka.

Ipinapakita ng larawan ang mga bulkang

nakapalibot sa Pacific Ring of Fire.

Page 21: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

15

Pagyamanin

A. PinakaBar Mo Ako!

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga kontinente ng daigdig ayon sa sukat

nito mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit at ilagay ang

numero sa loob ng bar graph ng mga nasabing kontinente. Tingnan ang

unang halimbawa. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

B. Kelan naging tama ang mali?

Panuto: Basahin nang mabuti ang tanong at isulat ang salitang OO kung ito ay may katotohanan at HINDI kung walang katotohanan. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

_________1. Ang salitang heograpiya ay tumutukoy sa paglalarawan ng daigdig.

_________2. Kapag ba sinabing kontinente ay pinakamaliit na masa ng lupain sa

daigdig?

_________3. Totoo bang ang mga lokasyong bisinal, insular at solar ay mga

pamamaraan ng pagtukoy ng lokasyon ng isang lugar?

_________4. Ang tiyak nga bang kinaroroonan ng Asya ay 10° Timog hanggang 90°

Hilagang latitude at mula sa 11° hanggang 175° Silangang longitude?

_________5. Ang Asya nga ba ay tinatayang 31% o halos isang-katlo (1/3) ng

kabuuang lupain sa daigdig?

KONTINENTE

7

6

5

4 3

3

2

1

1

2

3

4

5

6

7

Mga Kontinente

1. Africa

2. Antarctica

3. Asya

4. Australia

5. Europe

6. North America

7. South America

Page 22: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

16

C. Cross my Heart, Na Puzzle ako!

Panuto. Kumpletuhin ang crossword puzzle. Gamiting gabay ang mga

tanong sa ibaba. Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

Pababa

1. Ito ay ang pinakamataas na anyong lupa. (Halimbawa: Mt. Everest, K2 Mountain at Mt. Kanchenjunga)

3. Isang bundok na nagbubuga ng

nagbabagang bato, usok o iba pang

materyal galing sa ilalim ng lupa.

(Halimbawa: Fuji, Mayon, Pinatubo)

4. Anyong lupa na napaliligiran ng

tubig.

(Halimbawa: Borneo, Sumatra,

Pilipinas)

5. Tigang na lupaing natatabunan ng

buhangin

(Halimbawa: Gobi, Taklimakan at

Kara Kum)

7. Mas maliit at nakadugtong sa

karagatan at may bahagi na

nakadikit sa lupa

(Halimbawa: East China Sea, Japan

Sea, Bering Sea, West Philippine Sea)

10. Ito ay binubuo ng maraming pulo

(Halimbawa: Pilipinas at Indonesia)

Pahalang

2. Ang tawag sa hanay ng mga bundok

(Halimbawa: Himalayas, Hindu Kush

at Ural Mountain)

6. Pinakamalaking bahagi ng anyong

tubig

(Halimbawa: Pasipiko, Artiko at

Indian)

8. Uri ng katubigang karaniwang

nagmumula sa kabundukan at

umaagos patungo sa ibang ilog,

lawa o dagat

(Halimbawa: Tigris at Euphrates,

Indus at Huang Ho)

9. Isang anyong tubig na

pinapalibutan ng lupain

(Halimbawa: Caspian Sea, Lake

Baikal at Dead Sea)

Page 23: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

17

Hanay A Hanay B

A. Ilog

Halimbawa: Ilog Pampanga

B. Kapatagan

Halimbawa: Bulacan Ricefields

C. Bulubundukin

Halimbawa: Sierra Madre

D. Lawa

Halimbawa: Mt. Pinatubo Crater Lake

E. Bundok

Halimbawa: Mt. Samat

D. Iba ang may alam sa sariling bayan!

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang angkop na anyong lupa/tubig na nasa sa Hanay

A na makikita sa Gitnang Luzon. Isulat ang sagot sa patlang.

_____1

.

_____2

.

_____3

.

_____4

.

_____5

.

Page 24: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

18

E. Challenge Accepted!

Panuto: Pumili sa loob ng kahon ng tamang sagot ng katangian ng

vegetation cover sa Asya at ilagay ang TITIK sa ibabang kahon ng

larawan. Samantala, isulat ang katangian ng behetasyon sa patlang.

Gawing halimbawa ang nasa unang bilang.

F. Tuwing umuulan ay kapiling ka

Panuto: Pumili sa loob ng ulap ng tamang sagot para sa tanong at isulat sa patlang.

_____________ 1. Ang tawag sa karaniwang panahon o average weather na

nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.

_____________ 2. Antas ng init o lamig ng kapaligiran.

1. Steppe: mababaw

na ugat 2. Savanna: ____________ 3. Prairie: __________

4. Taiga: _________

6. Rainforest: _______

5. Tundra: ___________

f.

a. Klima – Mainam d. Coniferous

b. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat

c. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat

d. Klima – Mainam d. Coniferous

e. Halaman – Kaunti e. Malalim na ugat

f. Damuhan at Kagubatan f. Mababaw na ugat

Klima Monsoon Habagat Amihan Sona Bulkan Hangin Tectonic Ulan Temperatura Pacific Ring of Fire

Page 25: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

19

_____________ 3. Ito ay nabubuo kapag ang mga patak ng tubig ay nalalaglag sa lupa galing sa mga ulap.

_____________ 4. Ito ay halo-halong mga gas at bumubuo sa atmospera ng mundo.

_____________ 5. Ito ay hanging nagtataglay ng ulan.

_____________ 6. Ang Pilipinas ay isa sa mga bansang nakalatag sa isang malawak

na sona na nagtataglay ng maraming hanay ng mga bulkan na

kadalasang nagdudulot ng paglindol at paggalaw ng lupa.

_____________ 7. Paggalaw ng malalaking mga bato na nakapatong sa isa’t isa, ito

ay gumagalaw ng 2 pulgada sa loob ng isang taon.

_____________ 8. Tinatawag din na Northeast Monsoon na nagmumula sa Siberia

ang hangin patungong karagatan (kaliwa).

_____________ 9. Tinatawag ding Southwest Monsoon na nagmumula sa karagatan

patungong kontinente.

_____________ 10. Anyong lupa na nagbubuga ng apoy.

Isaisip

Dugtungan Na!

Panuto: Gumawa ng hanggang tatlong pangungusap upang makumpleto

ang sumusunod na pahayag at makabuo ng isang ideya o konsepto.

1. Aking nalaman na ang pag-aaral ng katangiang pisikal ng Asya ay nakakaapekto

sa pamumuhay ng mga Asyano sapagkat _____________________________________

___________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

________________________________________________________________________

Page 26: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

20

Isagawa

Timbangin Natin Mga Lods!

Panuto: Punan ang tsart. Magbigay nang mabuti at hindi mabuting epekto sa pamumuhay ng mga Asyano ang mga sumusunod na paksa o sitwasyon.

MABUTING EPEKTO PAKSA MASAMANG EPEKTO

Pagkakaroon ng monsoon

Pagsabog ng mga bulkan

Pagkakaroon ng mga anyong lupa at tubig sa lugar.

Tayahin

Mahuli Taya!

Panuto: Basahin at sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Piliin ang

titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang

pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng

grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang

bahagi ng Russia at Manchuria?

A. prairie B.savanna C.steppe D. tundra

Page 27: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

21

2. Kung ang Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay

mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano naman ang katangian ng klima

sa Timog-Silangang Asya?

A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw

at tag-ulan.

B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon na

nababalutan ng yelo.

C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong

ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.

D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.

3. Ang China ay kilalang nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na

pinasasagana pa ng Huang Ho River at Yangtze River. Alin sa mga sumusunod

na gawain ang maaaring nakatulong sa paglinang ng ekonomiya ng bansa?

A. agrikultura C. pagmimina

B. pangingisda D. pagtotroso

4. Ito ay ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang

lugar sa loob ng mahabang panahon.

A. Klima B. Temperatura C. Hangin D. Monsoon

5. Ano ang kontinenteng may pinakamalaking sukat?

A. Africa B. Europa C. Asya D.Australia

6. Bakit tinawag na “orient” ang kontinente ng Asya ng mga sinaunang

manlalakbay?

A. Sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe

B. Sapagkat ito ay nasa gawing kanluran ng Europe

C. Sapagkat ito ay nasa gawing timog ng Europe

D. Sapagkat ito ay nasa gawing hilaga ng Europe

7. Paano nababago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na

matatagpuan sa Pacific Ring of Fire?

A. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong

pisikal ng anyong lupa at tubig.

B. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao

C. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno

D. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan

8. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa pagkakaroon ng kaugnayan

ng vegetation cover sa pamumuhay ng mga tao sa Asya?

A. Kung ang mga tao ay nakatira sa pinagsamang damuhan at kagubatan,

sila ay nakatuon sa pagpapastol na pinagkukunan ng karne at gatas.

B. Kung ang mga tao ay nakatira sa may mainam na klima, sila ay nakatuon

sa pagtotroso.

C. Kung ang mga tao ay nakatira sa malamig at nagyeyelong lugar ay marami

makakapagtanim sila para sa pagsasaka.

D. Kung ang mga taong nakatira sa kagubatan, sila ay nakatuon sa pagkuha

ng mga halamang gamot.

Page 28: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

22

9. Ang mga sumusunod ay mga kilalang bulkan sa Asya MALIBAN sa

A. Mt. Mayon ng Pilipinas C. Mt. Krakatoa ng Indonesia

B. Mt. Fuji ng Japan D. Ural Mountain ng Russia

10. Si Nash ay nakatira malapit sa dagat, ano sa palagay mo ang kaugnayan ng

dagat sa buhay niya?

A. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangingisda.

B. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangtotroso.

C. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay magsasaka.

D. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangangalakal.

11. Si Rey ay may planong mamasyal kasama ang pamilya sa Ilog Pampanga ngunit

nakita niyang makulimlim ang kalangitan. Ano ang kaniyang gagawin?

A. Sabihin sa pamilya na ipagpaliban na lang dahil may parating na malakas

na ulan.

B. Itutuloy ang balak dahil wala ng ibang panahon.

C. Aalis ng maaga at uunahan ang ulan sa lugar na pupuntahan.

D. Pupunta sa lugar at habang umuulan ay makikipagselfie na lang sa

pamilya.

12. Si Albert ay nakatira malapit sa Angat Dam sa Bulacan. Alin sa mga sumusunod

ang hindi niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?

A. Maligo araw-araw.

B. Uminom ng malinis na tubig

C. Maglaba araw-araw.

D. Manguha ng halamang gamot.

13. Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang na pitong-libong mga pulo.

Paano ito nakakaapekto sa paghubog ng ating kultura bilang Pilipino?

A. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay nakabuo ng iba’t-ibang kultura.

B. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay hindi naging hadlang para magkaisa ng paniniwala.

C. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay dumami rin ang mga nasasakupan ng kanilang teritoryo.

D. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay

nakakapamasyal ang mga tao sa iba’t ibang lugar.

14. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano sa

kanyang kapaligiran MALIBAN sa

A. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t-ibang bansa sa Asya dahil sa

karagatan.

B. Nakakapagtanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.

C. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng

pagputok ng mga bulkan sa Pacific Ring of Fire.

D. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid-19 pandemic.

Page 29: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

23

15. Ano ang magandang epekto ng kaugnayan ng kapaligiran sa iyo bilang isang

mag-aaral?

A. Nagiging masayahin sa araw-araw.

B. Nagiging mabait sa kapitbahay.

C. Nagiging masunurin sa magulang.

D. Nagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.

Magaling! Ako ay lubhang nagagalak sapagkat hindi mo

sinukuan ang unang paksa sa ating modyul. At handa ka ng

harapin ang mga susunod na paksa sa ating modyul. Kung

iyong nanaisin, maaari mong ipagpatuloy ang pagsasagot sa

karagdagang gawain na mas magpapalalim sa iyong pag-unawa

sa aralin. Muli ang aking pagbati!

Karagdagang Gawain

Ikaw ay napili ng iyong paaralan upang lumahok sa poster making contest ng

mga iba’t ibang paaralan. Gumawa ka ng isang poster na naglalarawan ng lugar na

iyong tinitirahan at ipakita ang kaugnayan ng mga tao sa kaniyang kapaligiran,

gayundin ang kahalagahan nito sa iyo bilang isang mag-aaral. Maaaring gumamit

ng krayola sa pagbuo nito. Ano ang hinuha mo dito sa iyong poster? Ipaliwanag.

Page 30: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

24

RUBRIK SA PAGTATAYA NG POSTER

Iskala ng Pagmamarka:

4 – 100 : Di-pangkaraniwan

3 – 90 : Kahanga-hanga

3 – 80 : Katanggap-tanggap

1 – 70 : Pagtatangka

Kraytirya Di-

Pangkaraniwan 4

Kahanga-hanga 3

Katanggap-tanggap

2

Pagtatangka

1

1.Paksa Angkop na angkop at

eksakto ang kaugnayan sa

paksa

May kaugnayan sa paksa

May maliit na kaugnayan

Walang kaugnayan

2.Pagkamallikhain

Gumamit ng

maraming kulay na may

kaugnayan sa paksa

Gumamit ng

kulay na may bahagyang

kaugnayan sa paksa

Makulay subalit

hindi tiyak ang kaugnayan

Hindi makulay

at walang kaugnayan sa

paksa

3.Kalidad Makapukaw

interes at tumitimo sa

isipan

Makatawag

pansin

Pansinin ngunit

di-makapukaw isipan

Di-pansinin, di-

makapukaw ng interes at isipan

4.Kalinisan Maganda,malinis

at kahanga-hanga ang pagkagawa

Malinis Ginawa ng

apurahan ngunit di-marumi

Inapura ang

paggawa at marumi

Page 31: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

25

Susi sa Pagwawasto

SUBUKIN

1 A

2 B

3 A

4 C

5 D

6 B

7 C

8 A

9 D

10 C

11 B

12 D

13 A

14 A

15 D

BALIKAN

1 Timog-Silangang Asya

2 Hilagang Asya

3 Kanlurang Asya

4 Timog Asya

5 Silangang Asya

6 Timog-Silangang Asya

TUKLASIN

1

Sukat, hugis, anyo,lawak,

kinaroroonan,klima, behetasyon

2 Orient

3 Absolute

4 Bisinal

5 Insular

6 Pacific Ring of Fire

PAGYAMANIN A

1 3

2 1

3 6

4 7

5 2

6 5

7 4

PAGYAMANIN B

1 OO

2 HINDI

3 HINDI

4 OO

5 OO

PAGYAMANIN C

1.Bundok

2.Bulubundukin

3.Bulkan

4.Pulo

5.Disyerto

6.Karagatan

7.Dagat

8.Ilog

9.Lawa

10.Kapuluan

PAGYAMANIN D

1 C

2 A

3 D

4 B

5 E

PAGYAMANIN E

1 F mababaw na ugat

2 C damuhan at kagubatan

3 E malalim na ugat

4 D coniferous

5 B halaman - kaunti

6 A klima - mainam

PAGYAMANIN F

1 Klima

2 Temperatura

3 Ulan

4 Hangin

5 Monsoon

6 Pacific Ring of Fire

7 Tectonic

8 Amihan

9 Habagat

10 Bulkan

TAYAHIN

1 A 9 D

2 A 10 A

3 B 11 A

4 A 12 D

5 C 13 A

6 A 14 D

7 A 15 D

8 C

ISAISIP/

ISAGAWA/

KARAGDAGANG

GAWAIN

-Maaaring

magkakaiba ang

sagot ng mag-

aaral

Page 32: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

26

Sanggunian

"BALS: The World According To Map". Learning Resource Management and

Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6458.

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: ASYA: Pagkakaisa sa Gitna

ng Pagkakaiba. 1st ed. Pasig City, Philippines: Department of Education

Bureau of Learning Resources.

"K To 12 Gabay Pangkurikulum Araling Panlipunan Baitang 1-10". Department of

Education, 2016. https://www.deped.gov.ph/wp-content/uploads/2019/01

/AP-CG.pdf.

"Most Essential Learning Competencies (MELCs)". Learning Resource Management

and Development System, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-

view/18275.

"Project EASE Modyul 1: Heograpiya Ng Daigdig". Learning Resource Management

and Development System, 2014. https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6035.

"Project EASE: Araling Panlipunan II - Heograpiya Ng Asya". Learning Resource

Management and Development System, 2014.

https://lrmds.deped.gov.ph/pdf-view/6012.

Page 33: Araling Panlipunan€¦ · Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad. Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan,

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa: Department of Education – Region III Learning Resource Management Section (LRMS) Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P) Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 E-mail Address: [email protected]