araling sagisag kultura - philippineculturaleducation.com.ph · maisalaysay ang mahahalagang...

34
ARALING SAGISAG KULTURA Grade 9 Semi-Detailed Culture-based Lesson Exemplar in Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig Ikalawang Digmaang Pandaigdig Inihanda ni F. TARROBAL

Upload: buikiet

Post on 29-Aug-2019

296 views

Category:

Documents


1 download

TRANSCRIPT

ARALING SAGISAG KULTURA

Grade 9Semi-Detailed Culture-based

Lesson Exemplar in Araling Panlipunan Kasaysayan ng Daigdig

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Inihanda ni F. TARROBAL

66 ARALING SAGISAG KULTURA

LAYUNIN Pangkalahatan

Masuri ang mga pangyayari at kontekstong may kinalaman sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Unang Araw1. Maisalaysay ang mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang

Pandaigdig.2. Mabigyang-kahulugan ang mga pangyayaring naglundo sa Ikalawang

Digmaan Pandaigdig.   

Ikalawang Araw1. Maipaliwanag ang kahalagahan ng mga pangunahing pangyayari noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig.2. Matukoy ang kahalagahan ng ambag ng mga beteranong sundalo, mga

lokal na lugar, at mga pangyayari na may kinalaman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Probinsiya ng Catanduanes.

NILALAMANPaksa

Mahahalagang Pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

KagamitanGuro: Mga larawan ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig,

mga kuwestiyoner, activity sheet, laptop, over-head projectorMag-aaral: kamera, mga larawan ng beteranong sundalo, larawan ng mga lugar

na pinangyarihan, mga dokumento na may kaugnayan sa paksa

Tinakdang Oras:    1 oras at 20 minuto

67ARALING SAGISAG KULTURA

Sanggunian

Aklat

Mateo, Grace Estela C. 2012, -“Aralin 31,” Araling Panlipunan Serye III Kasaysayan ng Daigdig,  Batayang Aklat  para sa Ikatlong Taon. Vidal Publishing House Inc., Mga pahina 322 -335.

Bureau of Secondary Education, Department of Education, Project EASE (Effective Alternative Secondary Education). 2004, Araling Panlipunan III, “Module 17 Labanan ng mga Bansa sa Daigdig (Una at Ikalawang Digmaang Pandaigdig),” Araling Panlipunan III.

Blando, Rosemarie C. et.al 2013.Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan - Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon. Department of Education–Instruc-tional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Mga Website

http://www.war-veterans.org/Pearl3.jpghttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/0/0e/Douglas_MacArthur_

lands_Leyte1.jpghttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/7/7c/Manila_de-

clared_open_city.jpg/200px-Manila_declared_open_city.jpghttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/fc/Ww2_131.jpghttp://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f5/Mile_long_bar-

racks_2%2Ccorregidor.jpg/800px-Mile_long_barracks_2%2Ccorregidor.jpghttp://www.oldmanila.net/index.php?option=com_joomgallery&func=water-

mark&catid=1&id=66&Itemid=174http://xiaochua.files.wordpress.com/2012/12/at-alangan-river-the-last-stand-li-

may-bataan41363_1446144466847_7433404_n.jpg?w=500&h=414http://xiaochua.files.wordpress.com/2012/12/16-matapos-mapulbos-ang-

maynila-at-maging-second-most-destroyed-allied-city-in-the-world.jp-g?w=500&h=403

http://xiaochua.files.wordpress.com/2013/05/17-mga-ordinaryong-mga-sundalong-hapones-ang-namatay-sa-digmaan-cdn-theatlantic-com.jp-g?w=500&h=356

http://www.mysocialstudiesteacher.com/wiki/images/b/b8/Germanrubble.jpg

68 ARALING SAGISAG KULTURA

PagpapahalagaMagbigay ng sariling opinyon sa pamamagitan ng pagguhit ng larawan tungkol sa pahayag na ito:

“Sa digmaan, walang talo, walang panalo.”

Mga KaugalianMakatao, Mapagmahal sa Bayan, Magalang, Mapanuri, Masunurin, Maka-Diyos, Makakalikasan, Maawain, Mapagkumbaba

Pamamaraan ng PagtuturoUnang Araw- Team Teaching, Cooperative Learning Approach, Pag-uulat, ICT (Information and Computer Technology), Dulog na Nakabatay sa Kultura

Ikalawang Araw- Panayam, Pangkatang–gawain, Pag–uulat, Pananaliksik, Pagninilay, Pagpapayaman ng Kaalaman, Dulog na Nakabatay sa Kultura

69ARALING SAGISAG KULTURA

PANIMULA

Unang Araw

A. PANIMULANG GAWAIN

Pagdarasal

Tumayo ang lahat para sa ating pagdarasal.

Pagbati sa  mga Mag-aaral:

Isang magandang araw sa inyo lahat!

Pagsasaayos ng mga upuan

Ayusin nang maayos ang mga upuan at pulutin ang mga nakakalat sa paligid dahil ang pagkakaroon ng maaliwalas at kaaya–ayang kapaligiran ay magdudulot din sa atin ng maaliwalas na kaisipan at malawak na karunungan.

Pagtsetsek ng Pagdalo sa Klase

Maraming salamat sa inyong kooperasyon. Sa tingin ko, ang lahat ay naririto ngayon at walang lumiban.

B. PAGGANYAK

(Bilang pangganyak, ang guro ay magpapakita ng mga larawan ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.)

Ano ang nakikita ninyo sa mga larawan A,B,C,D,E,F?

Larawan A Larawan B

70 ARALING SAGISAG KULTURA

Larawan C Larawan D

Larawan E Larawan F

• Ang larawan A ay nagpapakita ng mga pangyayari noong pataksil na pasabugin ang Pearl Harbor.

• Ang larawan E naman ay nagpapakita ng mga sundalong Filipino na naghahanda sa digmaan.

• Ipinapakita sa larawan F ang Maynila nang ng ito ay ideklarang “Open City” noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

• Ang larawan B ay nagpapakita ng pagdating ni Heneral Douglas Mac Arthur sa Leyte.

• Nakikita ko po sa larawan C ang Corregidor na kung saan ito ang naging

71ARALING SAGISAG KULTURA

huling tanggulan ng mga sundalong Filipino at Amerikano noong digmaan.• Magaling! Tama ang inyong mga sinabi tungkol sa mga larawan. Lahat ng mga

larawan ay nagpapakita ng mga tao, pook, at pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa loob at labas ng Pilipinas.

C. PAGTALAKAY SA TAKDANG ARALIN

Kahapon, nagbigay ako ng takdang aralin tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin natin ang mga tanong.

Ano–ano ang mga dahilan ng salik sa pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

• Ang pag-agaw ng Japan sa Manchuria• Pag – alis ng Germany sa Liga ng mga bansa• Pagsakop ng Italya sa Ethiopia• Digmaang Sibil sa Spain• Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)• Paglusob sa Czechoslovakia• Paglusob ng Germany sa Poland

(Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et.al 2013.Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon. Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Ano-anong mga mahahalagang pangyayari bago at noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

• Marso 1939–sinakop ng Germany ang Czechoslovakia• Abril 1939–sinakop ng Albania ang Italy ng Albania• Agosto 1939–Kasunduang Nazi–Soviet• Setyembre 1939–sinakop ng Germany ang Poland matapos isagawa ang

blitzkrieg• Abril 1940–sinalakay ng Germany ang Norway at Denmark• Mayo 1940–sinalakay ng Germany ang Belgium, Netherlands at

Luxembourg• Hunyo 1940–sinakop ng Germany ang hilagang bahagi ng France• Agosto 1940–tinangkang sakupin ng Germany ang Great Britain sa Battle

of Britain subalit nabigo

72 ARALING SAGISAG KULTURA

• Abril 1941–sinakop ng Germany ang Yugoslavia at Greece• Hunyo 1941-Enero 1943–tinangka ng Germany   na sakupin ang Soviet

Union subalit nabigo• Agosto 1941–paglagda ng   Atlantic Charter na nagtakda ng kasunduan

ng kung saan nagkasundo ang U.S. at Great Britain na itaguyod ang kapayapaan

• Disyembre 1941–binomba ng Japan ang squadron ng mga sasakyang pandagat ng U.S. sa Pearl Harbor;, binomba din ang Pilipinas, Guam, at Midway Islands

• Agosto 1942–sinakop ng U.S. ang Solomon Islands• Nobyembre 1942–Naitaboy ng U.S. at Great Britain ang Italy at Germany

mula sa hilagang baybayin ng Africa• Setyembre 1943–sinalakay ng Allies ang mainland Italy• Hunyo 1944–Sinimulan ng Allies ang pagsalakay sa puwersang German

sa Europe• Abril 1945–Nagpakamatay si Hitler bago pa man madakip ng Allies• Agosto 1945–inihulog ng eroplanong Enola Gay ng U.S. ang atomic bomb

sa Hiroshima at Nagasaki, Japan• Setyembre 1945–nilagdaan ng Japan ang pormal na dokumento ng

pagsuko

(Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et.al 2013.Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon. Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

Napakagaling! Tama ang mga sagot sa takdang-aralin.

 

73ARALING SAGISAG KULTURA

D. PANIMULANG GAWAIN

Ngayon naman, magkakaroon tayo ng mga tagapagsalita tungkol sa ating paksa. Magbabahagi sila ng kanilang mga kaalaman na makakatulong sa atin upang lalo nating maintindihan ang mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig dito sa ating probinsiya.

(Ang guro ay magtatanong kung ano ang mga nararapat na gawin at asal kapag mayroong nagsasalita sa unahan. Magbibigay rin ang guro ng mga “activity sheets” na naglalaman ng mga gabay na tanong tungkol sa paksang tatalakayin ng mga gurong tagapagsalita.)

Ano-ano ang mga dapat tandaan sa masusing pakikinig?• Una, umupo nang mabuti at huwag mag-ingay.• Ikalawa, ihanda ang mga sulatang-papel at panulat para sa pagtatala ng mga

impormasyong ibibigay ng mga gurong tagapagsalita.• Ikatlo, iwasang makipag-usap sa katabi at mag-ingay upang maintindihan

ang sinasabi ng gurong tagapagsalita.• Ikaapat, iwasang makipagtalo sa gurong tagapagsalita habang siya ay

nagbibigay ng ulat.• Ikalima, intindihing mabuti ang mga sinasabi ng gurong tagapagsalita upang

masagutan ang activity sheet.

Mahusay! Sana masunod nang mabuti ang mga gabay pamantayan sa pakikinig para maging maayos at maintindihan ang mga inilahad na impormasyon ng mga gurong tagapagsalita.

74 ARALING SAGISAG KULTURA

Gawain: Pagbabahagi ng Resource Person

(Magbibigay ng ulat ang gurong tagapagsalita tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa lalawigan at bayan habang ang mga mag-aaral ay makikinig at sasagutin ang activity sheet.)

Activity Sheet (Gabay sa Pagkalap ng Impormasyon)

Pangalan ng Gurong Tagapagsalita:

Paksa:

Mga Gabay na tanong:

1. Ano-anong mahahalagang pangyayari dito sa ating bayan ng Bato noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang tinalakay ng gurong-tagapagsalita? Itala.

Sagot:

2. Kilala ba ninyo ang mga nabanggit na pangalan ng mga beterano sa ating bayan na may karanasan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Sinou-sino sila at anou-ano ang kanilang mga nagawa upang ipagtanggol ang ating bayan?    Sagot:

3. Paano ipinakita ng mga Filipinong sundalo ng Bato ang kanilang kabayanihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?    Sagot:

4. Alin sa mga paksang nabanggit ng gurong-tagapagsalita ang tumimo sa iyong isipan? Bakit?         Sagot:

Pagkatapos ng pag-uulat ng gurong tagapagsalita, hahatiin sa tatlong grupo ang mga mag-aaral at magkakaroon ng pagbabahaginan tungkol sa mga nakalap na impormasyon gamit ang activity sheet bilang gabay.

75ARALING SAGISAG KULTURA

E.     PANGWAKAS NA GAWAIN

Gawain: Pag–uulat ng mga Grupo

(Magbibigay ang guro ng mga panuto sa gagawin ng bawat grupo at pagkatapos ay isa-isang mag-uulat base sa tinalakay ng mga gurong tagapagsalita.)

• Ang UNANG GRUPO ay magbabahaginan ng kanilang nakalap na impormasyon tungkol sa mga TAO sa ating probinsiya na may ginampanang papel noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin ang mga tanong na ito:

1. Sino-sino ang mga taga-rito sa Bayan ng Bato ang nakaranas ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Itala ang kanilang mga pangalan.

2. Ano-ano ang kanilang mga karanasan?3. Paano ang kanilang mga pamumuhay bago, habang, at pagkatapos ng

digmaan dito sa ating bayan?4. Ano-ano ang mahahalagang aral ang natutunan ninyo sa digmaan?5. Maglista ang bawat isa sa grupo ng ang mga kahanga-hangang kaugalian

na ipinamalas ng mga taong mayroong kaugnayan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Pangatwiranan ito.

• Ang PANGALAWANG GRUPO ay magbabahaginan ng kanilang mga nakalap na impormasyon tungkol sa mga LUGAR dito sa ating lalawigan ng Catanduanes at bayan ng Bato na pinangyarihan ng mahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin ang mga tanong na ito:

1. Saang mga lugar dito sa ating lalawigan at bayan may naganap na mahalagang pangyayari noong ang may mahalagang ginampanan noong digmaan?

2. Ano-ano ang mga pangyayari ang naganap sa nasabing lugar?3. Gaano kahalaga ang mga nabanggit na lugar dito sa bayan natin noong

digmaan?4. Bilang mag-aaral, paano mo mapapangalagaan ang mga lugar na

mayroong bahaging ginampanan sa kasaysayan?

• Ang PANGATLONG GRUPO ay magbabahaginan ng kanilang nakalap na impormasyon tungkol sa mga PANGYAYARI dito sa ating lugar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sagutin ang mga tanong na ito:

76 ARALING SAGISAG KULTURA

1. Ano- anong mahahalagang pangyayari noong digmaan dito sa ating lugar ang nabanggit ng mga gurong tagapagsalita? Isa-isahin.

2. Sa mga nabanggit na pangyayari, alin ang tumimo sa iyong isipan? Bakit?3. Bakit importanteng malaman natin ang mahahalagang pangyayari noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig dito sa ating bayan?

Mahusay! Palakpakan natin ang lahat sa magagandang ulat ng bawat grupo. Ito ay pagpapakita ng pagpapahalaga sa ating Kulturang Catandungan.

F. PAGLALAGOM

Sa bahaging ito, inaasahang mas lalawak ang inyong kaalaman at pag– unawa sa pamamagitan ng malayang talakayan tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. (Ang guro ay magbibigay ng mga pamprosesong tanong.)

Ano–anong pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Isa- isahin ang mga pangyayari at ipaliwanag ang mga dahilan na ito.

• Pag-agaw ng Japan sa Manchuria• Pag–alis ng Germany sa Liga ng mga bansa (ayusin ang mga espasyo

bago at pagkatapos ng gitling; gawin ito sa buong file)• Pagsakop ng Italya sa Ethiopia• Digmaang Sibil sa Spain• Pagsasanib ng Austria at Germany (Anschluss)• Paglusob sa Czechoslovakia• Paglusob ng Germany sa Poland

(Sanggunian: Blando, Rosemarie C. et.al 2013.Kasaysayan ng Daigdig Araling Panlipunan-Kagamitan ng Mag-aaral Unang Edisyon. Department of Education–Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS)

77ARALING SAGISAG KULTURA

Tama! Ano-ano naman ang iba pang mahahalagang pangyayari na naganap sa digmaang ito? Buuin ang graphic organizer sa pamamagitan ng pagsusulat sa bilog ng mahahalagang pangyayaring naganap sa mga tinutukoy na lugar.

Pagsagot sa mga pamprosesong tanong na makakatulong sa mas malalim na pag-unawa sa paksang tinatalakay:

1. Kailan nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?2. Paano sinakop ng Germany ang Poland? Magkuwento.3. Bakit lumaganap sa ibang kontinente ang digmaan?4. Bakit sumali ang Amerika sa digmaan?5. Kung ikaw si Pangulong Franklin D. Roosevelt, ang Pangulo ng Amerika,

susuong ka rin ba sa panganib? Bakit?6. Paano napasama ang Pilipinas sa digmaan?7. Ano–anong mahahalagang pangyayari dito sa Pilipinas ang naganap noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

Digmaan sa Europe

Digmaan sa Hilagang Africa

Digmaan sa Pasipiko

IkalawangDigmaang

Pandaigdig

78 ARALING SAGISAG KULTURA

• Matapos ang pagsalakay sa Pearl Harbor, sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagwasak ng hukbong panghimpapawid ng mga Amerikano sa Clark Field sa Pampanga.

• Nagdeklara ng “Open City” ang Maynila.• Bumagsak sa kamay ng mga Hapones ang Bataan (Fall of Bataan).• Bumagsak ang huling tanggulan ng Pilipinas—ang   Corregidor.• Naganap ang Death March.

8. Kailan natapos ang digmaan?• Ang pormal na pagsuko ng Japan noong Setyembre 2, 1945 sa USS

Missouri ang naging hudyat ng pagwawakas sa Ikalawang Digmaang Pandaidig?

9. Ano–ano ang naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?• Maraming namatay na tao at nasirang ari-arian• Natigil ang pagsulong ng ekonomiyang pandaigdig dahil sa

pagkawasak ng agrikultura, industriya, transportasyon, at pananalapi ng maraming bansa

• Bumagsak ang pamahalaang totalitaryang Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini at Imperyong Hapon ni Hirohito.

• Napagtibay ang simulaing command responsibility para sa pagka-kasalang nagawa ng mga opisyal ng bayan at mga pinunong mili-tary.

• Naging daan ito ng pagsilang ng malalayang bansa.• Itinatag ang United Nations upang mapangalagaan ang kapayapaan,

kalayaan, at katarungan sa daigdig.

Napakagaling! Mahusay ang inyong mga sagot! Ngayon, alam na natin ang mahahalagang detalye kung paano nagsimula, bakit naganap, at sino-sino ang mga tao at bansang sangkot noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

79ARALING SAGISAG KULTURA

G. PAGBUBUOD

Lagumin natin ang mga natutuhan sa pamamagitan ng pagsagot sa mga sumusunod:

1. Kailan nagsimula ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?2. Ano-anong mga pangyayari ang naging dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang

Digmaang Pandaigdig?3. Ano-ano naman ang iba pang mahahalagang pangyayari na naganap sa

digmaang ito?4. Paano at kailan natapos ang digmaan?5. Ano-ano ang naging bunga ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

H. PAGNILAYIN-UNAWAIN

Gawain: Pangarap Ko sa Mapayapang Mundo

(Ang guro ay magpaparinig ng kantang OPM, “Ang Bayan Ko.” Habang ang mga mag-aaral ay isinasadiwa ang linya ng kanta.)

Pagkatapos mapakinggan ang kanta, suriin ang nilalaman nito at iugnay sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pag-sagot sa mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang mensaheng nais ipabatid ng awit?2. Aling bahagi ng awit ang pumukaw nang lubos sa iyo diwa at damdamin

Bakit?3. Paano makapagbibigay ng inspirasyon sa ating mga Catandunganon ang

awiting ito?4. Ano-anong mga kaugaliang Pilipino ang nais ipabatid ng awit?5. Bilang isang kabataang Catandunganon, saan mo maaaring gamiting

inspirasyon ang awiting ito kahit na wala tayong digmaan?

80 ARALING SAGISAG KULTURA

BAYAN KO

Ang bayan Kong PilipinasLupain ng ginto’t bulaklak

Pag–ibig na sa kaniyang paladNag–alay ng ganda’t dilag.

At sa kaniyang yumi at gandaDayuhan ay nahalinaBayan ko, binihag ka

Nasadlak sa dusa.

Ibon man may layang lumipadKulungin mo at umiiyak

Bayan pa kayang sakdal dilagAng di mag nasang makaalpas.

Pilipinas kong minumutyaPugad ng luha ko’t dalita

Aking adhikaMakita kang sakdal laya!

(Jose Corazon de Jesus, 1929)

81ARALING SAGISAG KULTURA

I. PAGTATAYA

Paksa LayuninANTAS NG PAGTATAYA

Ka

ala

ma

n

(15

%)

Pro

seso

/

Ka

ka

ya

ha

n

(25

%)

Pa

g –

un

aw

a

(30

%)

Pro

du

kto

/

Pa

gg

an

ap

(30

%)

Ka

bu

ua

n

Te

st P

lac

em

en

t

Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Matukoy ang mga dahilan ng pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig

1, 2, 3,  4, 5,

6, 8 71, 2, 3, 4, 5, 6, 8

Matukoy ang bunga ng digmaan

7, 109 3 7, 9,

Kabuuan 7 2 1 10

I. PANUTO Sagutin ang bawat item ng pagsusulit. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Anong taon sumiklab ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?a. 1945b. 1943c. 1939d. 1940

2. Alin sa mga sumusunod ang pangyayaring kagyat na nagpasiklab sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig?a. Pag – alis ng Germany sa Liga ng mga Bansab. Paglusob ng Germany sa Polandc. Pagbomba ng mga Hapon sa Pearl Harbor

82 ARALING SAGISAG KULTURA

d. Pag – agaw ng Manchuria sa Japan

3. Alin ang HINDI kabilang sa mga pangyayari pagkatapos ng digmaan?a. Naitatag ang United Nations. b. Nagkaroon ng World War III.c. Nawala ang Fascism at Nazism.d. Nagkaroon sa daigdig ng labanan ng ideolohiya.

4. Ang mga sumusunod na pangungusap ay tumutukoy sa tunay na interes ng Hapon sa pag-atake sa Pearl Harbor maliban sa ISA. Alin ang hindi kasali?a. Maging kaanib ang mga bansa sa Asya sa samahan ng mga Nagkakaisang

Bansab. Mapabilis ang kalakalan sa pagitan ng mga Hapon, Aleman, at Italyano sa

Pasipikoc. Mapalawak ang imperyo ng Hapon sa Asya at ang kaisipang Asya para sa

mga Asyanod. Mapalaya ang mga bansa sa Asya na sakop ng mga Ingles, Pranses,

Olandes, at Amerikano

5. Ang D-Day sa Normandy noong Hunyo 6, 1944 ay inaalala bilang:a. pagsuko ng mga Aleman sa Great Britainb. malagim na pagpatay sa mga Hudyo na nasa Europa.c. matagumpay na pagdaong dito ng Allied Powers.d. pag-urong ng Italya sa digmaan sa Europa.

6. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong IkalawangDigmaang Pandaigdig?1. Pagdating ng Allied Powers sa Pransiya bilang D-Day2. Pagdeklara ng Estados Unidos ng digmaan laban sa Hapon.3. Paglusob ng Hapon sa Manchuria.4. Pagsalakay ng Alemanya sa Poland.

Ang wastong pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari ay:a. 2-4-3-1b. 4-1-3-2c. 1-2-4-3d. 3-4-2-1

83ARALING SAGISAG KULTURA

7. Sa pagtatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, naganap ang mga sumusunod, maliban sa:a. pagbagsak ng totalitaryang Nazi ni Hitler, Pasismo ni Mussolini, at

Imperyong Hapon ni Hirohitob. paghina ng pandaigdigang ekonomiya tulad ng mga industriya,

transportasyon, komunikasyon, at pananalapic. pagsilang ng malalayang bansa mula sa pagiging dating kolonyad. pagtitiwalag ng Germany sa Liga ng mga Bansa at pagbabawal na lumikha

ng mga armas pandigma

8. Ano ang pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa Pilipinas?1. Nagdeklara ng “Open City” ang Maynila.2. Naganap ang Death March.3. Sinalakay ng mga Hapones ang Pilipinas sa pamamagitan ng pagwasak

ng hukbong panghimpapawid ng mga Amerikano sa Clark Field sa Pampanga.

4. Naganap ang Fall of Bataan.5. Pagbagsak ng huling tanggulan ng Pilipinas-ang, Corregidor.

Ang wastong pagkakasunoud-sunod ng mga pangyayari ay:a. 3-1-4-5-2b. 2-4-3-1-5c. 4-5-3-2-1d. 3-4-2-1-5

9. Alin sa mga sumusunod ang mahihinuha mo mula sa mga larawan?

a. Maraming ari- arian at buhay ang nawawasak at nawawala dahil sa digmaan

b. Malaking halaga ang kailangan para sa pagbangong-muli pagkatapos ng

84 ARALING SAGISAG KULTURA

digmaanc. Sa mga digmaan, walang panalo, walang talo, lahat ng bansang sangkot

ay apektadod. Lahat ng nabanggit

10. Siya ang heneral na nag-utos ng pagsuko sa Corregidor at sa lahat ng puwersa ng USAFFE sa buong Pilipinas. Sino Sya?a. Gen. Douglas MacArthurb. Gen. Jonathan Wainwrightc. Gen. William Howard Taftd. Gen. Dwight Eisenhower

Gabay sa Pagwawasto

1. C2. B3. B4. C5. A6. D7. D8. A9. D10. B

85ARALING SAGISAG KULTURA

J. TAKDANG- ARALIN

Gawain: Pakikipanayam/Interbiyu

Mag-interbiyu sa mga beteranong sundalo o matatanda sa inyong lugar tungkol sa mga karanasan nila noong Ikalawang Digmaang Pandaidig gamit ang Heritage Mapping – Template for Personalities at Template for Cultural Mapping Events/Places. Kunan ito ng mga larawan bilang katibayan.

Ang guro ay magbibigay ng isang linggong palugit para sa pagsasagawa ng takdang aralin na ito.

Ang buong klase ay bubuo ng Gabay sa Pagsasagawa ng Interbiyu. Maaaring lamanin nito ang sumusunod:

1. Maging magalang sa lahat ng oras sa mga tao o lugar—mula sa pagpunta sa taong kakausapin hanggang sa pagtatapos ng interbiyu/pakikipanayam.

2. Huwag kalimutang magdala ng mga kailangang gamit tulad ng questionnaire, sagutang papel, bolpen, kamera, at rekorder.

3. Tiyakin ang mga dapat na itanong bago pumunta sa taong kakapanayamin. Kabisaduhin ang mga tanong nang hindi masayang ang oras ng taong kakausapin. Maging handa.

4. Huwag makipagtalo sa taong kakapanayamin. 5. Isulat at itala nang maayos ang lahat ng mahahalagang impormasyon

na makukuha at makakalap para maiwasang abalahing muli ang taong kakapanayamin.

6. Huwag madaliin ang mga tanong at siguruhing naiintindihan ang mga ito ng taong kakapanayamin.

7. Pagkatapos ng pakikipanayam, huwag kalimutang pasalamatan ang kinapanayam.

8. Igalang ang lugar na inyong pupuntahan at huwag mag-iiwan ng anumang basura o kalat.

86 ARALING SAGISAG KULTURA

Ikalawang Araw

Pagpapalawak ng mga kaalaman tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig sa pamamagitan ng pakikipanayam at pagsasaliksik tungkol sa mga tao, lugar at pangyayari sa Bato, Catanduanes.

LAYUNINPangkalahatan

1. Naipapaliwanag ang kahalagahan ng mga pangunahing pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

2. Mapahalagahan ang mga beteranong sundalo, tao, lokal na lugar, at mga pangyayari sa Catanduanes na may kinalaman sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig  sa Probinsiya

Tiyak1. Magsagawa ng interbiyu tungkol sa mga beteranong sundalo, tao, lokal

na lugar, at mga pangyayari sa Catanduanes na may kinalaman sa Ikalawa-ng Digmaang Pandaigdig na may kinalaman noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

2. Makapag–ulat ng mga nakalap na impormasyon sa pakikipanayam gamit ang Heritage Mapping–Template for Personalities at Template for Cultural Mapping Events/Places.

Pamamaraan ng PagtuturoInterbiyu, Gawaing-Pangkat, Pag–uulat, Pananaliksik, Pagninilay, Pagpapayaman ng Kaalaman, Dulog na Nakabatay sa Kultura, Malayang Talakayan, Debate

87ARALING SAGISAG KULTURA

A. PANIMULANG GAWAIN: Balik-Aral

Pagbabalik–aral sa pamamagitan ng pagbibigay ng maikling buod tungkol sa mga mahahalagang pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

B. PAGGANYAK

Pamilyar ba sa inyo ang mga larawang ito?

       

       

   

88 ARALING SAGISAG KULTURA

• Opo! Sila po ang mga lolo na nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig

• Opo! Nakikita ko sa larawan ang Luyang Cave sa Calolbon at Garison sa Batalay, Bato na ginamit ng mga sundalong Filipino noong sila ay makipaglaban sa mga Hapon

Magaling! Nakilala ninyo agad ang mga larawan. Sila ang mga beteranong sundalo sa ating lugar na buong tapang na nagtanggol sa ating bayan at mga lugar na naging bahagi ng kasaysayan sa Catanduanes noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.

C. PAGTALAKAY NG TAKDANG ARALIN

Ang mga mag–aaral ay maglalahad ng kanilang mga nakalap na impormasyon tungkol sa kanilang pagkikipanayam gamit ang Heritage Mapping–Template for Personalities at Template for Cultural Mapping Events/Places.

PAGMAMAPA NG PAMANANG PANGKULTURA para sa PANGYAYARI(Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig Pandaigdig)

Pangalan ng Lugar: Larawan:

Petsa:

Lokasyon:

(Dating Pangalan)Lokasyon: (Pangalan Ngayon)

Kahalagahan ng lugar noong Ikalawang

Digmaang Pandaigdig

Larawan ng Lugar Noon (kung

mayroon)

Larawan ng Lugar Ngayon:

89ARALING SAGISAG KULTURA

Mga tao o personalidad na may kinalaman

sa lugar ( mga taong ininterbiyu)

1. Pangalan:

Edad:

Trabaho:

2. Pangalan:

Edad:

 Trabaho:

3. Pangalan:

Edad:

Trabaho:

Mga Larawan:

A. Ano ang mga makasaysayang pangyayaring naganap sa lugar? Ilarawan

ang mga pangyayaring naganap sa lugar noong Ikalawang Digmaang

Pandaigdig.

B. Ano-ano ang kahalagahan ng mga lugar na ito sa lalawigan ng

Catanduanes?

C. Sa kasalukuyan, paano pinapahalagahan ng mga tao sa kumunidad ang

makasaysayang lugar noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

D. Larawan ng mahahalagang pangyayari sa lugar (may caption)

90 ARALING SAGISAG KULTURA

PAGMAMAPA NG PAMANANG PANGKULTURA TEMPLATEpara sa MAHAHALAGANG TAO

(Panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig)

Pangalan: Larawan:

Edad:

Araw ng Kapanganakan:

Lugar ng Kapanganakan:

Pangalan ng Ama: Larawan:

Pangalan ng Ina: Larawan

A. Ano ang iyong katungkulan/posisyon sa Hukbong Sandatahan ng Pilipinas

bilang beteranong sundalo na nakipaglaban noong Ikalawang Digmaang

Pandaigdig?

B. Ano- ano ang iyong mga naging karanasan bilang sundalong

tagapagtanggol bansa noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

1.

2.

3.

4.

5.

C. Paano mo nalampasan ang iyong mga mapanghamong karanasan noong

Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Ano–ano ang iyong mga ginawa upang

makaligtas sa malagim na digmaan?

91ARALING SAGISAG KULTURA

D. Paano mo mailalarawan ang digmaang naganap dito sa ating probinsiya?

E. Bilang Filipino, ano ang mga damdamin mo noong bago naganap, habang

nagaganap, at pagkatapos maganap ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

a. Bago Maganap –

b. Habang Nagaganap –

c. Pagkatapos Maganap –

F. Ano ang mahahalagang aral ang natutuhan mo sa iyong mga naging

karanasan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig?

G. Bilang bayani na nagkaroon ng pagkakataong maipagtanggol ang inyong

lalawigan sa mga mananakop, ano ang maipapayo mo sa mga kabataang

Catandunganon tulad namin?

F. Mga larawan (Lagyan ng caption ang bawat larawan)

92 ARALING SAGISAG KULTURA

D. PANLINANG NA GAWAIN

Gawain: Malayang Talakayan

(Ang guro ay magbibigay ng mga pamprosesong tanong tungkol sa mga impormasyong nakalap sapakikipanayam ng mga mag –aaral.)

1. Sino-sinong mga beteranong sundalo, matatanda, o mga tao sa inyong lugar na may karanasan noong digmaan ang inyong nakapanayam?

2. Saang mga lugar dito sa Bayan ng Bato at Lalawigan ng Catanduanes ang pinangyarihan ng digmaan o may kaugnayan sa digmaan?

3. Ano–anong mga pangyayari ang naganap noong digmaan dito sa ating lugar?

4. Alin sa mga nakalap ninyong impormasyon ang tumatak sa inyong isipan? Bakit?

5. Mahalaga bang malaman natin ang mga tao, pook na pinangyarihan at mga pangyayaring naganap noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Bakit?

6. Bilang mag –aaral, makakatulong ba ang mga kaalamang ito para mapanatili at mapahalagahan ang ating kultura? Paano?

7. Paano nakakatulong ang ibang ahensiya ng pamahalaan tulad ng National Commission on Culture and the Arts (NCAA) sa pagpapanatili, pag–aalaga at pagpapa-halaga sa ganitong mahahalagang impormasyon?

Mahusay! Binabati ko kayo sa napakagandang pag – uulat ng mga impormasyong inyong nakalap na magbibigay sa atin ng sapat na kaalaman sa ating paksa gayundin sa ating ipinagmamalaking Kulturang Catandunganon!

E. PAUNLARIN

Ngayon naman, mayroon akong ipapakilala sa inyo na higit na makakatulong sa atin para sa susunod nating gawain. Isa siyang guro ng Physics dito sa ating paaralan at naging iskolar ng National Commission on Culture and the Arts sa Bicol University noong nakaraang taon. Nanalo rdin siya noong nakaraang taon sa isang patimpalak ng NCCA tungkol sa Culture-Based Lesson Exemplar in Physics na ginanap sa Malolos, Bulacan. Marami siyang karanasan sa larangan ng teatro, pag- arte at musika. Palakpakan natin si G. Armando R. Suaverdez Jr.

93ARALING SAGISAG KULTURA

Ang gurong tagapagsalita ay magbibigay ng “workshop” sa teatro at pag–arte. Magbibigay rin siya ng ilang puntos sa dapat at di-dapat gawin ng isang artista ng teatro.

Palakpakan natin si G. Armando S. Suaverdez Jr. sa kaniyang “mini –workshop” ng teatro. Malaking tulong ito para sa inyo upang mapabuti at mapaganda ang inyong gagawin na tableau.

F. PAGLALAPAT

Ang mga mag-aaral ay hahatiin sa tatlong grupo at bibigyan sila ng pangyayari noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig na siyang gagawan nila ng tableau.

Ibibigay ang Rubric sa pagmamarka ng Tableau. Para maging gabay sa gagawin ng mga mag-aaral.

Deskripsiyon:

a. Presentasyon - nagpamalas ng pagkamalikhain, kahandaan, kooperasyon, at kalinawan sa presentasyon

b. Nilalaman - may tuwirang kaugnayan sa pananaw batay sa pamantayan tulad ng kaangkupan ng arte at kasuotan, pagkakabuo, pagkakaugnay ng mga arte at makatotohanan ang mga nais ipakita.

c. Pangkalahatang Impak – sa kabuuan ng presentasyon, nakakapukaw sa mga manonood, positibo ang kanilang pagtanggap at reaksiyon

Panukatan:                                 a. Napakahusay 5-lahat ng pamantayan ay nakitab. Mahusay 4-nagpamalas ng 3 sa 4 na pamantayan sa pagtatanghalc. Karaniwan–nagpamalas ng 2 lamang sa 4 na pamantayan sa pagtatanghal

Ang mga mag-aaral ay bibigyan ng 20 dalawampung minuto para magkapag- ensayo ng kanilang mga gagawin na tableau.

94 ARALING SAGISAG KULTURA

G. PAGLALAHAD

Gawain: TABLEAU

• Ang UNANG GRUPO  ay magpapakita ng mga pangyayari sa Labanan sa Virac.• Ang PANGALAWANG GRUPO ay magpapakita ng mga pangyayaring may

kinalaman sa Death March• Ang PANGATLONG GRUPO ay magpapakita ng kanilang interpretasyon ng

pagdating ni Heneral Douglas MacArthur sa Leyte

H. PAGBIBIGAY NG GANTIMPALA

Napakahusay! Lahat kayo ay aking binabati dahil sa husay ng inyong pagtatanghal. Ipinagmamalaki ko ang bawat isa sa inyo. Palakpakan natin ang bawat isa!

I. PAGBUBUOD • Ano-ano ang mga natutunan ninyo sa workshop tungkol sa teatro?• Ano-ano ang dapat isaalang–alang kapag magtatanghal sa entablado?• Paano makakatulong ang teatro para malinang at mapanatili ang kulturang

Filipino?

J. PAGBIBIGAY-HALAGA

Gawain: DYORNAL NG PAGNINILAY

Nasa ibaba ang mga larawan na nagpapakita ng epekto ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Isipin mong nanirahan ka sa mga lugar na ito. Ano ang mararamdaman mo? Gumawa ng Dyornal ng Pagninilay at isulat doon ang iyong mga idea at damdamin. Gamitin ang mga sumusunod na pamprosesong tanong:

1. Ano ang ipinapakita ng larawan?2. Ano ang mararamdaman mo kapag nangyari ito sa inyong bayan o bansa?3. Bilang mag –aaral, paano ka makakatulong upang maiwasan ang ganitong

pangyayari?

95ARALING SAGISAG KULTURA

Dyornal ng Pagninilay:

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

___________________________________________________________________

96 ARALING SAGISAG KULTURA

K. TAKDANG-ARALIN

Ilahad ang lahat ng inyong nakalap na impormasyon sa inyong pakikipanayam tungkol sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Organisahin ang inyong mga kuwento, isulat ito nang maayos, at isumite sa lokal na pahayagang Catanduanes Tribune upang mailathala bilang lathalain.

*Photos from Google images

97ARALING SAGISAG KULTURA

MGA LITRATO NG PAGTUTURO

98 ARALING SAGISAG KULTURA

F redelyn De Leon Marcaida-Tarrobal, Teacher III at the Bato Rural Development High School, Division of Catanduanes, Bicol Region, is a secondary school teacher , handling subjects in Social Studies (World History), and English. She

is also currently the adviser of the school’s Supreme Student Government (SSG), a designation she has held for four years now. She would also be regularly assigned as trainer and coach in various endeavors such as volleyball, essay writing and oratory.She is currently finishing her Master of Arts in Education, major in Educational Management at the Catanduanes State University.