august rapidost issuefv_online

4
Ayon sa kanya, ang National Innovation Agenda na tinawag na “Filipinnovation” ay kumakatawan sa direksyong tinatahak ng bagong administrasyon. Kanyang binigyang diin ang mga pagsulong sa agham at teknolohiya noong nakaraang mga taon, ang sambayanang Filipino ay maka-aasa sa mga lokal na mananaliksik kung mabibigyan lamang ng tamang pansin at suporta at magkaroon ng pakikipagtulungan sa mga lokal na industriya upang magkaroon ng mga mataas na uri ng mga produkto, serbisyo, at teknolohiya. “Remember that we are encouraging complementation where initiatives are harmonized for the various disciplines to work together with the goal of making things simple yet beneficial,” paliwanag ni Secretary Montejo. Mahalaga rin ang mga hakbang na tinatahak ng ahensiya sa pagpapakilala ng mga teknolohiyang gawa ng mga Filipino. Dagdag pa Ni Aristotle P. Carandang S&T Media Service, STII L ocal technology works! Ito ang mensaheng inihayag ni Department of Science and Technology secretary Mario G. Montejo nya, Another good side of this effort is that we are attacking problems via strong partnership. Here, the government, academe, and private sector are working together towards attaining a common goal.” Ani Sec. Montejo, ilan sa mga planong nais ng ahensiya na matupad ay ang pagkakaroon ng mass transit system na gawa ng mga Filipino na sa kasalukuyan ay nasa paunang hakbang na ng pagsulong. Planong ilagay ang prototype nito sa University of the Philippines Diliman. Kanyang inihayag na maaring sa Nobyembe ito magkaroon ng groundbreaking at inaasahang matapos ito sa loob ng anim na buwan matapos ang groundbreaking. “What makes this mass transport system different is that it will be locally manufactured and would cost much less that other mass transport systems developed from other countries,” wika niya. Upang magsilbing isang halimbawa ng pagkakaroon ng luntiang kapaligiran sa kalagitnaan ng kalungsuran, pinangunahan ng Department of Science and Tehnology ang pagtatanim ng may 100 na pirasong puno na bukod tanging sa bansa lamang makikita sa loob ng DOST Biodiversity Park sa Bicutan, Taguig City. Pinangunahan ni DOST Secretary Mario G. Montejo ang Tree Planting Activity na inorganisa ng DOST National Capital Region at Philippine Center for Environmental Protection and Sustainable Development, Inc. (PCEPSDI). Layunin nito na pag-ibayuhin ang kaalaman sa pag-aalaga ng ating kapaligiran. Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang Chairperson ng PCEPSDI at dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na si Elizea Gozun, Foreign Chamber of Commerce of the Philippines President Ram Sitaldas, at Petteri Makitalo ng Finland Chamber of Commerce. Wika ni Sec. Montejo, “I believe that most of the solutions to the environmental problems in the Philippines can, and should be addressed, by us Filipinos using science and technology.” Ayon sa ulat ng Woodland Trust, isang charity conservation organization mula sa United Kingdom, ang pagtatanim ng mga puno Pagtatanim sa kalungsuran Ni Joy M. Lazcano S&T Media Service, STII DOST, isusulong ang lokal na teknolohiya Mga nilalaman Agosto 2010 ISSN 2094-6597 Vol. 1 No. 8 DOST, isusulong lokal na teknolohiya Pagtatanim sa kalungsuran Mga nagwagi sa 2010 MICE Paglilinaw sa krisis sa PAGASA p. 1 p. 1 p. 2 p. 3 p. 4 May pera sa Ilang-Ilang sundan sa pahina 2 sundan sa pahina 3

Upload: monotobo-x-makina

Post on 22-Nov-2014

105 views

Category:

Documents


11 download

TRANSCRIPT

Page 1: August Rapidost IssueFV_online

Ayon sa kanya, ang National Innovation Agenda na tinawag na “Filipinnovation” ay kumakatawan sa direksyong tinatahak ng bagong administrasyon. Kanyang binigyang diin ang mga pagsulong sa agham at teknolohiya noong nakaraang mga taon, ang sambayanang Filipino ay maka-aasa sa mga lokal na mananaliksik kung mabibigyan lamang ng tamang pansin at suporta at magkaroon ng pakikipagtulungan sa mga lokal na industriya upang magkaroon ng mga mataas na uri ng mga produkto, serbisyo, at teknolohiya.

“Remember that we are encouraging complementation where initiatives are harmonized for the various disciplines to work together with the goal of making things simple yet beneficial,” paliwanag ni Secretary Montejo.

Mahalaga rin ang mga hakbang na tinatahak ng ahensiya sa pagpapakilala ng mga teknolohiyang gawa ng mga Filipino. Dagdag pa

Ni Aristotle P. Carandang S&T Media Service, STII

Local technology works! Ito ang mensaheng inihayag ni Department of Science and Technology secretary Mario G. Montejo

nya, “Another good side of this effort is that we are attacking problems via strong partnership. Here, the government, academe, and private sector are working together towards attaining a common goal.”

Ani Sec. Montejo, ilan sa mga planong nais ng ahensiya na matupad ay ang pagkakaroon ng mass transit system na gawa ng mga Filipino na sa kasalukuyan ay nasa paunang hakbang na ng pagsulong. Planong ilagay ang prototype nito sa University of the Philippines Diliman. Kanyang inihayag na maaring sa Nobyembe ito magkaroon ng groundbreaking at inaasahang matapos ito sa loob ng anim na buwan matapos ang groundbreaking. “What makes this mass transport system different is that it will be locally manufactured and would cost much less that other mass transport systems developed from other countries,” wika niya.

Upang magsilbing isang halimbawa ng pagkakaroon ng luntiang kapaligiran sa kalagitnaan ng kalungsuran, pinangunahan ng Department of Science and Tehnology ang pagtatanim ng may 100 na pirasong puno na bukod tanging sa bansa lamang makikita sa loob ng DOST Biodiversity Park sa Bicutan, Taguig City.

Pinangunahan ni DOST Secretary Mario G. Montejo ang Tree Planting Activity na inorganisa ng DOST National Capital Region at Philippine Center for Environmental Protection and Sustainable Development, Inc. (PCEPSDI). Layunin nito na pag-ibayuhin ang kaalaman sa pag-aalaga ng ating kapaligiran.

Dumalo rin sa nasabing pagtitipon ang Chairperson ng PCEPSDI at dating kalihim ng Department of Environment and Natural Resources na si Elizea Gozun, Foreign Chamber of Commerce of the Philippines President Ram Sitaldas, at Petteri Makitalo ng Finland Chamber of Commerce.

Wika ni Sec. Montejo, “I believe that most of the solutions to the environmental problems in the Philippines can, and should be addressed, by us Filipinos using science and technology.”

Ayon sa ulat ng Woodland Trust, isang charity conservation organization mula sa United Kingdom, ang pagtatanim ng mga puno

Pagtatanim sa kalungsuranNi Joy M. LazcanoS&T Media Service, STII

DOST, isusulong ang lokal na teknolohiya

Mga nilalaman

Agosto 2010 ISSN 2094-6597 Vol. 1 No. 8

DOST, isusulong lokal na teknolohiyaPagtatanim sa kalungsuranMga nagwagi sa 2010 MICE

Paglilinaw sa krisis sa PAGASA

p. 1

p. 1

p. 2p. 3

p. 4

May pera sa Ilang-Ilang

sundan sa pahina 2

sundan sa pahina 3

Page 2: August Rapidost IssueFV_online

Mga mag-aaral na mananaliksik mula sa CARAGA ang nagwagi ng pinakamataas na parangal sa nakaraang Mindanao Invention Contest and Expo 2010 para sa Sibol category na hatid ng Department of Science and Technology Region XI sa pakikipagtulungan ng Technology Application and Promotion Institute.

Tatlo sa mga mag-aaral mula sa CARAGA ang nahigitan ang 14 pang mga mag-aaral mula sa iba’t-ibang lugar sa Mindanao para sa Outstanding Student Creative Research-SIBOL-High School category.

Nanguna sa patimpalak ay ang pananaliksik sa Physico-Chemical Analysis of Matured Bamboo Leaf Extract: Potential Agent Against Hypercholesterolemia in Rabbits ng grupo nila Jefferson L. Mosquera, Carmela L. Bahalla, at Honellee M. Paciente ng Agusan del Sur National High School.

Pumangalawa ang isa pang taga Agusan Del Sur National High School na si Mary Joy E. Bantugan para sa Gmelina (Gmelina arborea Roxb.) Nuts Oil as a Potential Source of Biodiesel.

Pangatlo naman ang Utilizing Rice Hulls as a Potential Source of Organic Semiconductor: Innovative Approach for Electronic Research na sinaliksik nina Anthony O. Maputi, Ma. Vivian Theresa A. Barace, Ana May M. Guinsisana, Mae Antonette R. Ramilo, at Marc Harenz Dangate ng Bayugan National Comprehensive High School, sa lungsod ng Bayugan.

Samantala, ang mga mag-aaral mula sa Rehiyon 10 ang nanguna sa Outstanding Creative Research (SIBOL-College) category.

Napili bilang pinakamahusay ang saliksik na From Processed Sea Cucumber Waste to Novel Practical Clinical/Medical Applications ni Emil Keith N. Antonio ng Mindanao State University- Marawi, Lanao del Sur.

Pumangalawa ang Postsynaptic Neurotransmitter Binding Inhibition and Analgesic Mimicking Activity of “Opposite leaf

Mga nagwagi sa 2010 MICE

Spot flower” (Acmella opositifolia) Isolate nina Malaya Negad at Beverly Casimero ng Mindanao State University – Iligan Institute of Technology.

Ikatlo naman ang The Effectiveness of Different Concentrations of Calcium Chloride on the Shelf-Life of Pineapple ng grupo nina Jerrel Amarante, Judy Baconguis, Rhema Manguilimotan, Joseph Flores, James Raven Sarsona, at John Michael Ausejo ng University of Southeastern Philippines sa Lungsod ng Davao.

Ang mga napili naman para sa Outstanding Creative Research category ay ang mga sumunod 1) Power Saving Device for Inductive Loads nina Ermildo R. Diamante, at Emma R. Diamante ng Sindangan, Zamboanga del Norte; 2) In-Line Ozone Washing and Disinfection System for Fresh Fruits and Vegetables nina Jessve D. Daypuyart,

at Gina T. Daypuyart ng Lungsod ng Davao; at 3) Automotive and Industrial Lubricant from Coconuts (BioLubricant) ni Sarlo Gentapan ng Lungsod ng Davao.

Ang panghuli ay ang nag-iisang kalahok para sa Outstanding Invention category na The Electronic Arc Welding Machine ni Ermildo R. Diamante mula sa Sindangan, Zamboanga del Norte.

Ang bawat nagwagi ay tumanggap ng P10,000.00 at sertipikasyon. Sila ang kakatawan sa Mindanao sa 2010 National Invention Contest and Expo sa darating na Nobyembre 25-27 sa Lungsod ng Cebu.

Ang NICE 2010 ay taunang patimpalak upang kilalanin ang mga imbentor, innovator,at mga mananaliksik upang pag-ibayuhin ang mga research based product at mga serbisyo para sa ikauunlad ng buhay ng mga Filipino.

Ni Ma. Victoria DadoS&T Media Service, Region 11

Ibinahagi rin ni Sec. Montejo ang posibilidad na paggamit ng wind enegy sa pamamagitan ng mga windmill. “But we are seriously looking at the most cost-effective design unlike the one currently use in Ilocos. We hope to bring down the cost of production to at least 50% compared with what is currently in use,” dagdag pa niya. Isa pang proyekto

ay ang flood monitoring at Flood control. Sa kasalukuyan, ang DOST ay pinapagbuti ang mga sensors nito sa Marikina River at nagdidisenyo ng mga flood control system sa pakikipagtulungan nito sa iba pang ahensiya.

Marami pang mga balakin ang ninanais na masakatuparan lalo na sa larangan ng information and communications technology.

DOST isusulong....Mula sa pahina 1

Mariing isinusulong ng DOST ang paggawa ng isang “PC Tablet” para sa mga mag-aaral na magkakahalaga ng PhP3,000.00 lamang. Ito ay lubhang napakamura kumpara sa mga nasa merkado ngayon. “Imagine a PC Tablet at PhP3,000.00; if mass manufactured there is still the possibility of pulling down its cost thereby making it even more affordable,” pahabol ni Sec. Montejo.

2 Balitang RapiDOST Agosto 2010

Page 3: August Rapidost IssueFV_online

Ayon kay Pedrito Q. Lontok, isang mananaliksik sa Forest Products Research and Development Institute (FPRDI), malaki ang iniunlad ng buhay ng mga taga-Anao dahil sa kanilang Ilang-Ilang Livelihood Program. At ang maganda nito, ang tagumpay ng Anao ay puwede ring maranasan sa ibang sulok ng Pilipinas.

Taong 1989 nang itatag ng lokal na pamahalaan ang isang Ilang-Ilang essential oil business sa pinakamaliit na bayan ng Tarlac. Upang masimulan ang proyekto, nagbigay ang munisipyo ng lupaing tatamnan ng mga puno at humingi ng tulong teknikal at pinansiyal sa iba’t-ibang organisasyon.

Halos buong bayan ng Anao ay nakibahagi sa pagtatanim at pangangalaga ng mga puno. Kasama rin sila, pati ang maraming batang mag-aaral, sa pagpitas ng mga bulaklak.

Ang mga bulaklak ay binibili ng munisipyo na siyang nagpapatakbo ng essential oil extraction and distillation technology o EOEDT, isang makinang ginawa ng FPRDI. Kinakatas ng EOEDT ang langis ng mga bulaklak at pinoproseso ito hanggang maging puro.

Malaking bahagi ng langis ng ilang- ilang ay ibinebenta sa isang pagawaan ng mababangong kandila sa Bulacan. Ang iba naman ay ginagamit na sangkap sa mga sabong panligo at panlaba na ginagawa sa Anao o kaya ay ginagawa mismong pabango na mabenta sa mga trade fairs. Kilala sa buong mundo ang langis ng Ilang-Ilang bilang isang relaxant kaya’t paborito itong massage oil sa industriya ng spa at aromatherapy.

Mula nang gamitin sa Anao ang bagong disensyo ng FPRDI EOEDT noong 2004, gumanda

ang kalidad ng langis, tumaas ang produksiyon at bumaba ang konsumo ng tubig at kuryente sa pagpo-proseso. Naging mas madali rin at ligtas ang paglalagay ng mga bulaklak sa makina. Sa ngayon, nagne-neto ang munisipyo ng P100,000 kada taon mula sa operasyon.

Ayon kay Engr. Belen B. Bisana ng FPRDI, mga P400,000 ang halagang kakailanganin para magtayo ng isang essential oil business. Sakop na nito ang gusali, ang EOEDT at ang pang araw-araw na kapital. Umaabot sa isang litrong langis ang produksyon sa isang araw, at nagkakahalaga ito ng P35,000 hanggang P45,000, depende sa kalidad.

Ang uri ng langis mula sa EOEDT ay pumasa sa pagsusuri ng Plant Resources of Southeast Asia (PROSEA) at sa Centre for the Promotion of Imports from Developing Countries ng Netherlands.

http

://av

roto

r.blo

gspo

t.com

/200

9/11

/sw

eet-s

cent

-of-

ilang

-ilan

g.ht

ml

Ang Balitang RapiDOST ay buwanang

lathalain ng Institusyon ng Impormasyon sa

Agham at Teknolohiya (STII) para sa Kaga-

waran ng Agham at Teknolohiya (DOST).

Para sa inyong mga tanong at

suhestiyon, maari po kayong mag-email sa

[email protected] o tumawag

sa DOST trunkline (02)837-2071 loc. 2148.

Aristotle P. Carandang Editor-In-Chief Joy M. Lazcano Layout Mario B. Buarao Design

sa mga urbanisadong lungsod ay napakahalaga sa pagbawas ng pagbaha lalo na sa panahon ng tag-ulan. Ito ay nakapagpapaganda rin ng kalidad ng hangin na nagreresulta sa mas mababang insidente ng pagkakaroon ng asthma sa mga kabataan.

At dahil na rin sa taglay nitong lilim, ito ay nakapang-eengganyo sa mga tao na makapag-ehersisyo sa umaga na mainam sa kalusugan at

Pagtatanim....Mula sa pahina 1

sa kalusugan ng isip. Ang aktibidad ay sinundan ng isang

MOA signing upang pormal na pagtibayin ang dalawang taong pakikipagtulungan sa pagitan ng DOST, FCCP, at PCEPSDI.

Ikinagalak rin ni Sec. Montejo ang pagbubuklod ng gobyerno, at pribadong sektor, at ang mga dayuhang organisasyon, upang isulong ang mga mahahalagang proyekto gaya nito.

Matamis ang simoy ng hangin sa bayan ng Anao sa Tarlac. Nakatanim kasi rito ang higit pa sa sampung libong puno ng ilang-ilang na pinagkakakitaan ng halos lahat ng nakatira roon.

Ang Ilang-Ilang Livelihood Program naman ay tatlong beses nang tumanggap ng prestihiyosong pagkilala dahil sa naging ambag nito sa kalikasan at sa kabuhayan ng mga taga-Anao.

Ayon kay Lontok, “Bunsod ng paglago ng spa and aromatherapy industry sa buong mundo, maganda ang hinaharap ng essential oil business. Sana’y maging inspirasyon ang tagumpay ng Anao sa lahat ng bayan sa Pilipinas na maaaring pagtamnan ng mga halamang may taglay na essential oil gaya ng sampaguita, citronella, patchouli at salay.”

Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa EOEDT, tumawag po sa (049) 536-2586/2377 o mag-email sa [email protected]. Ang FPRDI ay isang ahensiya ng Department of Science and Technology. Ito ay matatagpuan sa Narra Road, Forestry Campus, UP Los Baños, College, Laguna.

May pera sa ilang-ilangNi Paula Bianca FerrerS&T Media Service, FPRDI

3Balitang RapiDOST Agosto 2010

Page 4: August Rapidost IssueFV_online

Paglilinaw sa krisis sa PAGASA

Humupa na ang mga ispekulasyon hinggil sa tunay na dahilan ng pagkaka-alis sa pwesto ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) Director Prisco Nilo.

Sa nakaraang press conference noong Agosto 10, ipinaliwanag ni Department of Science and Technology Secretary Mario G. Montejo na ang pagkakaiba sa istilo ng pamamalakad at ang pagkakaroon ng mas epektibong pamamahala ng ahensiya ang malaking dahilan sa pagpapalipat ng una kay Dr. Nilo. Samantala, si Dr. Nilo ay pangungunahan ang isang proyekto sa Climate Change Mitigation and Adaptation sa ilalim ni DOST Undersecretary for S & T Services Fortunato T. De a Pena.

Ayon pa kay Secretary Montejo, malaki ang maitutulong ng kaalaman ni Dr. Nilo sa proyekto ng ahensiya patungkol sa climate change.

Dagdag pa nya na ang pagkakaroon ng mabilisan, makabago, at mas pinagbuting pamimigay ng mga impormasyon sa pamamagitan ng mga cellular phone at ang ibat-ibang pamamaraan sa pagsagip ng mga buhay at kagamitan ang higit na kailangang pagtuunan ng pansin. Kanya ring binanggit ang pagkakaroon ng mga early warning system sa pamamagitan ng pagpapaikli ng mga weather bulletin sa dalawang oras na lamang lalo na sa mga apektadong lugar.

Hahawakan ni DOST Undersecretary for Research and Development Graciano P. Yumul

sa loob ng tatlong buwan ang pwestong babakantihin ni Dr. Nilo.

Ayon kay Usec. Yumul, maliban pa sa mga early warning system, pagtutuunan ng pansin ng PAGASA ang pagbibigay impormasyon na madaling maintindihan ng mga tao, at ang pagsasanay ng mga PAGASA forecaster tungo sa mas epektibong pakikipagkomunikasyon.

Noong Agosto 6, ipinahayag ni Pangulong Benigno C. Aquino na ang pagkaka-iba ng pananaw sa pamamalakad ng ahensiya ang dahilan ng pagkakalipat ni Dr. Nilo sa DOST Central.

Ni Aristotle P. CarandangS&T Media Service, STII

Sina DOST Secretary Mario G. Montejo at Usec. Graciano P. Yumul, Jr. [Kuha ni Joy M. Lazcano, S&T Media Service, STII]

Pinangunahan ni DOST Secretary Mario G. Montejo (naka-upo) ang pagtatanim ng mga lokal na uri ng mga punong halaman sa loob ng DOST Biodiversity Park sa Bicutan, Taguig City bilang bahagi ng dalawang taong pakikipagtulungan sa pagitan ng FCCP at PCEPSDI para sa pagpapalawig ng kaalaman ng mga mamamayan sa pangangalaga ng ating kapaligiran. Kabilang sa larawan mula kaliwa ay sina PCEPSDI Chairperson Elisea Gozun, DOST NCR Director Teresita Fortuna, FCCP Chairman Ram Sitaldas, Spanish Chamber of Commerce General Manager Fernando Muñoz at FCCP President and Environmental Committee Chair Petteri Makitalo. [Kuha ni Gerardo Palad, S&T Media Service, STII]