back to back na proyekto, handog ni vice-gov. daniel ... · pamamaraan at proseso ng paggawa ng mga...

4
Taon 16 Blg. 2 Abril - Hunyo 2017 Dalawang malalaking proyekto ang magkasabay na isinakatuparan ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan noong Mayo 12, 2017 sa Bulacan Provincial Gymnasium bilang handog ni Vice- Governor Daniel R. Fernando sa kanyang mga kalalawigan, kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ang unang proyektong isinagawa ay ang “Dugong Alay Ng Bulakenyo,” isang Blood Letting Project ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng Damayang Filipino Movement, Inc. Nakatuwang ng mga kawani ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Tanggapan ang mga manggagamot, nars at iba pang medical personnel ng Bulacan Medical Center, gayundin ng iba pang medical personnel mula sa iba’t-ibang institusyon na buong pusong nagboluntaryo. Mahigit isanlibong (1,000) Bulakenyo na nagmula sa halos lahat ng sektor ng lipunan, ang lumahok at nakiisa sa makabuluhang proyekto ito upang magkaloob ng dugong pamatid-buhay. May mga sundalo, kapulisan, mga kabataan, mga empleyado, mga kababaihan, mga mamamahayag, pati ng mga mula sa mga people’s organizations (POs) at non- government organizations (NGOs). Sa kabuuan, umabot sa 244 ang nagkwalipikado na makuhanan ng dugo, higit na mas marami kaysa noong isang taon, kaya naman tuwang-tuwa ang simpatikong vice- governor. Kasunod nito ay idinaos ang Mass Graduation ng mga lumahok sa “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo,” isang Livelihood Training Program ng Damayang Filipino Movement, Inc. 112 Bulakenyo, karamihan ay mga kabataan, ang lumahok at makikinabang sa proyektong ito ng Pangalawang Punong Lalawigan. Pagkatapos ng mga gawaing ito, isang masaganang pananghalian ang idinaos sa Bulwagang Pulungan ng Senador Benigno S. Aquino (Session Hall) at dito ay nakasalo ng Vice-Governor ang halos lahat ng kawani ng Kapitolyo, mga mamamahayag at iba pa nating kababayan. OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph Back to Back na Proyekto, Handog ni Vice-Gov. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo

Upload: others

Post on 11-Sep-2019

14 views

Category:

Documents


0 download

TRANSCRIPT

Taon 16 Blg. 2 Abril - Hunyo 2017

Dalawang malalaking proyekto ang magkasabay na isinakatuparan ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan noong Mayo 12, 2017 sa Bulacan Provincial Gymnasium bilang handog ni Vice-Governor Daniel R. Fernando sa kanyang mga kalalawigan, kaugnay ng pagdiriwang ng kanyang kaarawan.

Ang unang proyektong isinagawa ay ang “Dugong Alay Ng Bulakenyo,” isang Blood Letting Project ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Lalawigan, sa pakikipagtulungan ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan at ng Damayang Filipino Movement, Inc.

Nakatuwang ng mga kawani ng Tanggapan ng Pangalawang Punong Tanggapan ang mga manggagamot, nars at iba pang medical personnel ng Bulacan Medical Center, gayundin ng iba pang medical personnel mula sa iba’t-ibang institusyon na buong pusong nagboluntaryo.

Mahigit isanlibong (1,000) Bulakenyo na nagmula sa halos lahat ng sektor ng lipunan, ang lumahok at nakiisa sa makabuluhang proyekto ito upang magkaloob ng dugong pamatid-buhay. May mga sundalo, kapulisan, mga kabataan, mga empleyado, mga kababaihan, mga mamamahayag, pati ng mga mula sa mga people’s organizations (POs) at non-government organizations (NGOs). Sa kabuuan, umabot sa 244 ang nagkwalipikado na makuhanan ng dugo, higit na mas marami kaysa noong isang taon, kaya naman tuwang-tuwa ang simpatikong vice-governor.

Kasunod nito ay idinaos ang Mass Graduation ng mga lumahok sa “Pangkabuhayan Mo, Sagot Ko, Paunlarin Mo,” isang Livelihood Training Program ng Damayang Filipino Movement, Inc. 112 Bulakenyo, karamihan ay mga kabataan, ang lumahok at makikinabang sa proyektong ito ng Pangalawang Punong Lalawigan.

Pagkatapos ng mga gawaing ito, isang masaganang pananghalian ang idinaos sa Bulwagang Pulungan ng Senador Benigno S. Aquino (Session Hall) at dito ay nakasalo ng Vice-Governor ang halos lahat ng kawani ng Kapitolyo, mga mamamahayag at iba pa nating kababayan.

OPISYAL NA PAHAYAGAN NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG BULACAN

Website: http://www.sp.bulacan.gov.ph

Back to Back na Proyekto, Handog ni

Vice-Gov. Daniel Fernando sa mga Bulakenyo

Pansamantalang itinigil ng mga pinuno at kawani ng Sangguniang Panlalawigan ang kanilang mga gawain at gampanin noong Mayo 4 – 5, 2017 at lumabas ng kanilang mga tanggapan upang magsagawa ng “Midyear Assessment and Team Building” na ginanap sa West Wind Beach Resort and Hotel, Nagbalayong, Morong, Bataan. Ang dalawang araw na gawain ay dinaluhan ng lahat ng kawani ng Vice-Governor’s Office, mga tanggapan ng mga Board Members at ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan. Dumalo rin sa nasabing gawain ang ilang miyembro ng Sangguniang Panlalawigan upang magbigay ng suporta at pakikiisa sa mga empleyado. Pinasimulan ang gawain sa pamamagitan ng isang maikling programa kung saan naging tagapagsalita sina Bokal Felix V. Ople at Bokal Alan P. Andan na tinalakay at binigyang pansin ang kahalagahan at pagpapanatili ng mabuting relasyon sa pagitan ng mga kawani. Tinalakay naman ni Kalihim Ma. Perpetua R. Santos ang mga pamamaraan at proseso ng paggawa ng mga batas, partikular ang tungkol sa pagsasakatuparan ng mga pagdinig at pagbalangkas ng mga batas.

2

Nagsagawa din ng workshop ang mga kalahok na ginabayan ni Kalihim Santos, upang masukat at mapalakas at mapagbuti pa ang kakayahan at kapasidad ng bawat isa. Nagsagawa din sila ng role-playing at problem solving activities upang magkaroon ng kasanayan at kakayahan sa pagharap at pakikitungo sa mga kliyente, gayundin ang pagtuon sa mga dumarating na suliranin at pagsubok na karaniwang nararanasan ng mga kawani sa kanilang pang-araw-araw na gawain sa loob ng tanggapan. Nagkaroon din ng mga group dynamic activities ang mga lumahok upang maisulong ang diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa, gayundin upang maimulat at maisapuso ng bawat kalahok ang pagpapahalaga sa paggawa at paglilingkod bilang mga lingkod-bayan at kabalikat ng komunidad tungo sa kaunlaran at kapayapaan. Nagtapos ang dalawang araw na seminar sa pamamagitan maikling programa kung saan ang ilang kawani ay nagpahayag ng kanilang mga natutuhan. Nagbigay din ng pangwakas na pananalita sina Kalihim Santos at Abgdo. Jayric Amil, Chief of Staff ng Vice-Governor’s Office.

SP Nagsagawa ng Midyear Assessment & Team Building

3

1. KAPASIYAHAN BLG. 205-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG BULACAN STATE UNIVERSITY, NA KAKATAWANIN NI DR. CECILIA N. GASCON, PANGULO, HINGGIL SA PAGPAPATULOY NG IMPLEMENTASYON NG PROGRAMANG KALINGA TUNGO SA BAGONG ANYO NG BUHAY (KABANYUHAY) SA PANLALAWIGANG PIITAN

2. KAPASIYAHAN BLG. 212-T’17 KAPASIYAHANG NAGBIBIGAY NG KAPANGYARIHAN SA PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA ISANG MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT (DSWD), NA KAKATAWANIN NG REGIONAL DIRECTOR, GEMMA B. GABUYA, HINGGIL SA PROGRAMANG EXPANDED ASSISTANCE TO INDIVIDUALS IN CRISIS SITUATION (E-AICS)

3. KAPASIYAHAN BLG. 213-T’17 KAPASIYAHANG PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN, NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG DEPARTMENT OF LABOR AND EMPLOYMENT (DOLE) REGIONAL OFFICE III, NA KAKATAWANIN NG REGIONAL DIRECTOR, ABGDO. ANA C. DIONE, CPA, UKOL SA DOLE LIVELIHOOD (KABUHAYAN) PROGRAM

4. KAPASIYAHAN BLG. 245-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG

7 Pang CSOs

Naakredita ng SP

Pito (7) pang Civil Society Organizations

(CSOs) ang napagkalooban ng

Akreditasyon ng Sangguniang

Panlalawigan para sa ikalawang tremestre

(2nd quarter) ng taong 2017. Ito ang mga

sumusunod:

1. Kababaihan (KPK) Bustos, Inc., Poblacion,

Bustos, Bulacan

2. Bulacan Environment and Natural Resources

Officers Association (BENROA), Norzagaray,

Bulacan

3. International Police Commission, Philippine

Command

4. Sampaloc Senior Citizen Association,

Barangay Sampaloc, San Rafael, Bulacan

5. Galilee Home (Home for the Spiritually

Wounded People), Barangay Sampaloc, Doña

Remedios Trinidad, Bulacan

6. San Rafael Cops (Civil Organization for

Prevention and Suppresions of Crimes),

Amanda Ville, Mabalas-balas, San Rafael,

Bulacan

7. Federation of Senior Citizens Association of

the Philippines, Meycauayan Chapter (FSCAP

MCC)

2nd

Quarter

AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN – BULACAN POLYTECHNIC COLLEGE (BPC) NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG PAMAHALAANG BAYAN NG ANGAT NA KAKATAWANIN NG PUNONG BAYAN IGG. LEONARDO R. DE LEON HINGGIL SA PAGTATAYO NG GUSALI PARA SA BULACAN POLYTECHNIC COLLEGE (ANGAT CAMPUS)

5. KAPASIYAHAN BLG. 246-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY (PCA) HINGGIL SA PRIBILEHIYO NG ATING LALAWIGAN NA MAGING PROGRAM PARTNER SA COCONUT SEEDLINGS DISPERSAL PROJECT NG PHILIPPINE COCONUT AUTHORITY (PCA)

6. KAPASIYAHAN BLG. 255-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY ANG PEACE AND ORDER AND PUBLIC SAFETY PLAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN PARA SA TAONG 2017-2019

7. KAPASIYAHAN BLG. 259-T’17 KAPASIYAHAN NA PINAGTITIBAY AT PINAHIHINTULUTAN ANG PUNONG LALAWIGAN, IGG. WILHELMINO M. SY-ALVARADO, NA MAKAPASOK AT MAKALAGDA SA MEMORANDUM OF AGREEMENT (MOA) SA PAGITAN NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN NG BULACAN NA KANYANG KAKATAWANIN AT NG NATIONAL HOUSING AUTHORITY (NHA) NA MAGBIBIGAY DAAN UPANG ANG P40M GRANT MULA SA NHA AY MAIBABA AT MAIPASOK SA PONDO NG PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PARA SA PAGPAPAGAWA NG PANDI DISTRICT HOSPITAL GAYUNDIN ANG PAGBILI NG KAKAILANGANING KAGAMITAN PARA DITO

8. KAPASIYAHAN BLG. 266-T’17 ISANG KAPASIYAHAN NA MAGALANG NA HINIHILING ANG PAGKAKAROON NG “GERIATRIC WARD” SA LAHAT NG PAMPUBLIKONG OSPITAL SA LALAWIGAN NG BULACAN

9. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 034-2017 KAUTUSAN NA NAGTATAKDA SA BUWAN NG SETYEMBRE BILANG BUWAN NG TURISMO KUNG SAAN MAGKAKAROON NG PATIMPALAK, PAGKILALA AT PARANGAL SA NATATANGING TURISMO NA TATAWAGING “GAWAD SINGKABAN”

10. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 35-2017 KAUTUSANG NAGSUSUSOG SA PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 04-T’04, NA MAY PAMAGAT NA: KAUTUSANG NAGTATAKDA NG MALAWAKANG SISTEMA NG SUPORTA SA KAPAKANAN NG MGA BATA NA MAKIKILALA BILANG “BATAS SA KAPAKANAN NG MGA BATA NG BULACAN” O “CHILDREN’S WELFARE CODE OF BULACAN”

11. PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 36-2017 IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS NG PANLALAWIGANG KAUTUSAN BLG. 23-2016 NA NAGTATADHANA SA PAGBIBIGAY NG DISKWENTO AT IBA PANG BENEPISYO SA MGA SOLO PARENTS, ALINSUNOD SA REPUBLIC ACT 8972 SA LALAWIGAN NG BULACAN

APRIL MAY JUNE TOTAL

A. NUMBER OF SESSIONS CONDUCTED

1. Regular 3 4 5 12

2. Special - - - -

TOTAL 3 4 5 12

B. NUMBER OF RESOLUTIONS/ORDINANCES ENACTED

1. Provincial Resolutions 9 16 17 42

2. Provincial Ordinances - 2 2 4

3. Provincial Appropriation Ordinances 1 - - 1

4. Mun./City Resolutions (reviewed) 10 4 5 19

5. Mun./City Ordinances (reviewed) 26 21 47 94

TOTAL 46 43 71 160

C. NUMBER OF COMMITTEE MEETINGS/ PUBLIC HEARINGS

CONDUCTED

1. Committee Meetings 24 21 55 100

2. Public Hearings 22 22 16 60

D. SPECIAL PROGRAMS/PROJECTS

1. Broadcast of SP Radio Program “SP Files” every Wednesday 1 1 4 6*

2. Printing of SP Quarterly Newsletter “Legislative Digest” for 2nd Quarter - - 1 1

3. Maintenance/Updating of SP Web ** ** ** **

* - from April to May, radio station was closed for repair ** - Continuous

Ang Legislative Digest ay

inilalathala ng Tanggapan ng Kalihim ng Sangguniang Panlalawigan apat na beses sa isang taon. Para sa komento, puna, suhestiyon o katanungan, makipag-ugnayan sa naturang tanggapan. Telepono Blg. – (044) 791-8168 Website – http://sp.bulacan.gov.ph

4

MAKINIG AT MAKISANGKOT!

sa Radio Program ng Sangguniang Panlalawigan na:

“SP Files”

Mapapakinggan tuwing araw ng MIYERKULES, ika-

9:30 – 10:30 ng umaga sa himpilan ng Radyo

Bulacan, 95.9fm sa talapihitan ng inyong mga radyo.

Hosted by Sec. Ma. Perpetua “Ua” R. Santos, Mr.

Renato Francisco & Mr. Anthony Amizona.

SUMMARY OF ACCOMPLISHMENT 2ND Quarter

(April - June 2017)