bahagi ng liham
DESCRIPTION
TRANSCRIPT
![Page 1: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/1.jpg)
Bahagi ng Liham
![Page 2: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/2.jpg)
Ang mga bahaging ito ay may malaking ambag sa paggawa ng isang maganda, maayos, at pormal na liham.
![Page 3: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/3.jpg)
PETSA
Ito ay pagpapatunay ng araw ng pagkakasulat ng liham.
Upang malaman kung kailan ito naisulat.
Upang malaman kung gaano katagal bago ito dumating.
![Page 4: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/4.jpg)
Dito nakasaad ang lugar ng
sumulat at petsa kung kailan ito
isinulat.
Pamuhatan
![Page 5: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/5.jpg)
PATUNGUHAN
binubuo ng pangalan at katungkulan ng susulatan, tanggapan, o opisina ng direskyon ng sulat. Dinadaglat ang pamagat-tawag tulad ng Ginoo – G, Miss – Ms.
![Page 6: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/6.jpg)
Dito nakalagay ang pangalan ng
sinusulatan. Nagtatapos ito sa bantas na kuwit.
Bating Panimula
![Page 7: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/7.jpg)
Nakapaloob dito ang nilalaman o mensaheng nais
ipahatid ng sumulat.
Katawan ng liham
![Page 8: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/8.jpg)
Ito ang pinakahuling bati
ng sumulat. Nagtatapos ito sa bantas na kuwit.
Bating Pangwakas
![Page 9: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/9.jpg)
Dito nakapaloob ang pangalan ng
sumulat.
Lagda
![Page 10: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/10.jpg)
Liham Pangkaibigan
Katawan ng Liham
(“May Yupi”)
![Page 11: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/11.jpg)
Halimbawa: Pamuhatan
#20 San Roque St.Brgy. Balulos, Quezon CityHunyo 24, 1998
Mahal kong Ina, Bating Panimula
Magandang araw aking Ina! Kamusta na po kayo? Sana po ay nasa mabuting kalagayan kayo. Makakabalik na po ako ng probinsya sa susunod na buwan dahil makukuha ko na po ang aking tatlong buwang sweldo na galing sa aking amo. Uuwian ko po kayo ng mga tsokolate at bagong damit. Abangan niyo po ang aking pagbabalik! Ingat po kayo palagi!Katawan ng liham Nagmamahal,
ShairaBating Pangwakas lagda
![Page 12: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/12.jpg)
Ating alalahanin ang mga bahagi ng liham.
![Page 13: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/13.jpg)
Dalawang Uri ng Liham
![Page 14: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/14.jpg)
-ay karaniwan na nagbabalitaan, nangungumusta, nag-aanyaya, bumabati sa isang nagwagi o may kaarawan at nakikiramay sa isang namatayan.
LIHAM PANGKAIBIGAN
![Page 15: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/15.jpg)
LIHAM PANGANGALAKALIto ay sinusulat upang
makapag-ugnayan sa mga tanggapan o opisina. Sa ganitong uri ng liham ay kailangan ang mga katangiang malinaw, maikli, magalang, tapat, mabisa, maayos, malinis at makinilyado o encoded. Gumagamit ng papel na legal size.
![Page 16: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/16.jpg)
MGA URI NG LIHAM PANGKAIBIGAN
Liham ng Pagbabalita
Liham Paanyaya
Liham Pagtatanggap
Liham Pagtanggi Liham Pakikiramay
Liham Paumanhin
![Page 17: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/17.jpg)
LIHAM PAGBABALITA• Ito ay uri ng liham na
pinakamadalas sulatin. Sa liham na ito ay ating ipinababatid sa mga kaibigan o mahal sa buhay ang mga balita, o anumang pangyayaring nais nating malaman nila tungkol sa atin. Nararapat kung gayon na maging masigla, kawili-wili, at parang nakikipag-usap lang ang tono ng liham na ito.
![Page 18: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/18.jpg)
LIHAM PAANYAYA• Liham na nagsasaad ng paanyaya
sa isang mahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad sa liham ang mahahalagang detalye ng okasyon tulad ng kung ano ito, kailan at saan magaganap. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyon.
![Page 19: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/19.jpg)
LIHAM PAGTATANGGAP• Liham na nagsasaad ng paanyaya sa
isang mahalagang okasyon o pagtitipon. Nakalahad sa liham ang mahahalagang detalye ng okasyon tulad ng kung ano ito, kailan at saan magaganap. Madalas inilalagay rin ang uri ng kasuotang inaasahan gayundin ang direksyon papunta sa lugar ng okasyon.
![Page 20: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/20.jpg)
LIHAM PAGTATANGI• Isa ring kabutihang-asal ang
pagpapahayag ng pagtanggi sa isang paanyaya kung sadyang hindi makadadalo upang hindi umasa ang nag-aanyaya na dadalo ang inaanyayahan. Magalang na ilahad ang dahilan sa pagtanggi upang ito’y maunawaan ng nag-aanyaya
![Page 21: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/21.jpg)
LIHAM PAKIKIRAMAY
• Liham na nagsasaad ng pakikiisa sa kalungkutan o nararamdaman ng sinusulatan. Karaniwan itong isinusulat para sa namatayan.
![Page 22: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/22.jpg)
LIHAM PAUMANHIN
• Liham na nagsasaad ng paghingi ng tawad o dispensa sa pagkakamaling nagawa sinasadya man o hindi. Kasabay nito ang pangakong iiwasang maulit pa ang naging pagkakamali.
![Page 23: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/23.jpg)
MGA URI NG LIHAM PANGANGALAKAL
Liham Pagpapakilala
Liham ng Aplikasyon
Liham ng Pamimili
Liham ng Subskripsyon
Liham na Nagrereklamo
Liham na Nagtatanong
![Page 24: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/24.jpg)
• Isinusulat upang irekomenda ang isang tao sa trabaho o ang isang bagay / produkto na iniendorso.
Liham Pagpapakilala
Liham ng Aplikasyon• Isinusulat upang humanap ng
trabahoLiham ng Pamimili• Isinusulat upang bumili ng paninda
na ipinadadala sa koreo
![Page 25: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/25.jpg)
Liham ng Subskripsyon• Isinusulat upang maglahad nng
intensyon sa subskripsyon ng pahayagan, magasin at iba pang babasahin
Liham na Nagrereklamo
• Isinusulat upang maglahad ng reklamo o hinaing
Liham na Nagtatanong•Upang humingi ng impormasyon
![Page 26: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/26.jpg)
Sa paggawa ng isang Liham Pangkalakalan, huwag kaligtaan ang paggamit ng bantas na tutuldok sa bating panimula. Gamitin din ang kuwit sa bating pangwakas.
PAALALA
![Page 27: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/27.jpg)
ANYO NG LIHAM
![Page 28: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/28.jpg)
Ganap na Blak (“Full Block”)Petsa
Pamuhatan
Patutunguhan
Bating Panimula
Katawan ng liham (walang indensyon)
Bating Pangwakas
Lagda
![Page 29: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/29.jpg)
Di-ganap na Blak (“Semiblock”)Petsa
Pamuhatan
Patutunguhan
Bating Panimula
Katawan ng liham(may indensyon)
Bating Pangwakas
Lagda
![Page 30: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/30.jpg)
Blak (Block Form)Petsa
Pamuhatan
Patutunguhan
Bating Panimula
Katawan ng liham (walang indensyon)
Bating Pangwakas
Lagda
![Page 31: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/31.jpg)
Palawit na Estilo (“Hanging Style”)
Petsa
Pamuhatan
Patutunguhan
Bating Panimula
Katawan ng liham(may indensyon)
Bating Pangwakas
Lagda
![Page 32: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/32.jpg)
Makaluma o May Yuping Estilo(“Traditional or Indented Style”)
Petsa
Pamuhatan
Patutunguhan
Bating Panimula
Katawan ng Liham(may yupi)
Bating Pangwakas
Lagda
![Page 33: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/33.jpg)
HUWAG KAKALIMUTAN NA ANG ANYO O AYOS NG LIHAM PANGANGALAKAL AT LIHAM PANGKAIBIGAN AY MAGKAIBA. ISIPIN DIN NG MABUTI ANG ANYO NA GAGAMITIN AT ANG PAGKAKASUNOD - SUNOD NG MGA BAHAGI NITO.
![Page 34: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/34.jpg)
MARUNONG KA NA BANG GUMAWA NG
LIHAM???
![Page 35: Bahagi ng liham](https://reader031.vdocuments.pub/reader031/viewer/2022020917/54966925b479599e0c8b48ea/html5/thumbnails/35.jpg)
Sige Nga Subukan mo!Ipadala mo sa
akin ahhhhh..