bakahin ang dekahong estilo ng pagsusulat

23
BAKAHIN ANG DE-KAHONG ESTILO NG PAGSUSULAT SA PARTIDO (Binigkas ni Kasamang Mao Tse-tung ang talumpating ito sa isang pulong ng mga kadre sa Yenan) Pebrero 8, 1942 Kalalahad pa lamang ni kasamang Kai-fen ng layunin ng ating pulong sa araw na ito. Ngayon naman nais kong talakayin kung paano ginagamit ng suhetibismo at sektarismo ang de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido (o ang “walong- paang sanaysay” ng Partido) bilang kasangkapan nila sa propaganda o porma ng pagpapahayag. Binabaka natin ang suhetibismo at sektarismo, ngunit mayroon pa rin silang mapagkukublihan kung hindi natin kasabay na iwawaksi ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido. Kung sisirain din natin ito, “mamamate” natin ang suhetibismo at sektarismo at maitutulak natin ang dalawang halimaw na ito na ipakita ang tunay nilang kulay at sa gayo’y madali na natin silang mapupuksa, tulad ng “mga dagang lumilitaw sa kalsada” habang sumisigaw ang lahat: “Patayin sila! Patayin sila!.” Hindi malaking usapin kung ang isang tao ay lumilikha ng mga akdang may de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido at siya lamang ang babasa nito. Kung ipapasa niya ito sa iba, marami pang makakabasa, at hindi na maliit ang pinsalang magagawa. Kung ipinapaskel, iminimimyograp, inilalathala sa mga pahayagan o inilalathala bilang aklat ang mga ito, talagang lumalaki na ang problema dahil maaari na itong makaimpluwensya ng maraming tao. At yaong mga lumilikha ng estilong de-kahon ng pagsusulat sa Partido ay laging naghahanap ng maraming mambabasa. Kayat lubhang kailangang ilantad na ito at wasakin. Bukod dito, ang estilong de-kahong pagsusulat sa Partido ay isang tatak ng “dayuhang estilong de-kahon”, na noon pa ma’y tinuligsa na ni Lu Hsun 1 . Kung gayon, bakit natin tinatawag itong “walong-paang sanaysay” ng Partido? Sapagkat bukod sa lasang banyaga, ito’y may bahagyang katutubong amoy. Marahil ay maituturing din itong isang klase ng mapanlikhang

Upload: charisse-bernadine-banez

Post on 12-Mar-2015

719 views

Category:

Documents


9 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

BAKAHIN ANG DE-KAHONG ESTILO NG PAGSUSULAT SA PARTIDO(Binigkas ni Kasamang Mao Tse-tung ang talumpating ito sa

isang pulong ng mga kadre sa Yenan)Pebrero 8, 1942

Kalalahad pa lamang ni kasamang Kai-fen ng layunin ng ating pulong sa araw na ito. Ngayon naman nais kong talakayin kung paano ginagamit ng suhetibismo at sektarismo ang de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido (o ang “walong-paang sanaysay” ng Partido) bilang kasangkapan nila sa propaganda o porma ng pagpapahayag. Binabaka natin ang suhetibismo at sektarismo, ngunit mayroon pa rin silang mapagkukublihan kung hindi natin kasabay na iwawaksi ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido. Kung sisirain din natin ito, “mamamate” natin ang suhetibismo at sektarismo at maitutulak natin ang dalawang halimaw na ito na ipakita ang tunay nilang kulay at sa gayo’y madali na natin silang mapupuksa, tulad ng “mga dagang lumilitaw sa kalsada” habang sumisigaw ang lahat: “Patayin sila! Patayin sila!.”

Hindi malaking usapin kung ang isang tao ay lumilikha ng mga akdang may de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido at siya lamang ang babasa nito. Kung ipapasa niya ito sa iba, marami pang makakabasa, at hindi na maliit ang pinsalang magagawa. Kung ipinapaskel, iminimimyograp, inilalathala sa mga pahayagan o inilalathala bilang aklat ang mga ito, talagang lumalaki na ang problema dahil maaari na itong makaimpluwensya ng maraming tao. At yaong mga lumilikha ng estilong de-kahon ng pagsusulat sa Partido ay laging naghahanap ng maraming mambabasa. Kayat lubhang kailangang ilantad na ito at wasakin.

Bukod dito, ang estilong de-kahong pagsusulat sa Partido ay isang tatak ng “dayuhang estilong de-kahon”, na noon pa ma’y tinuligsa na ni Lu Hsun1 . Kung gayon, bakit natin tinatawag itong “walong-paang sanaysay” ng Partido? Sapagkat bukod sa lasang banyaga, ito’y may bahagyang katutubong amoy. Marahil ay maituturing din itong isang klase ng mapanlikhang akda! Sino ngayon ang may sabing hindi pa nakagawa ng mapanlikhang akda ang ating kababayan? Heto ang isa! (Umuugong na tawana.)

May mahabang kasaysayan na sa ating Partido ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido; ito’y paminsan-minsang lumaganap, lalo na noong Rebolusyong Agraryo.

Sa istorikal na pagtanaw, ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido ay isang reaksyon sa Kilusang Mayo 4.

Noong Kilusang Mayo 4, tinutulan ng mga taong may makabagong pag-iisip ang paggamit ng klasikal na wikang Tsina at itinaguyod ang bernakular na Tsino, tinutulan ang mga dogmang tradisyunal at itinaguyod ang syensya at demokrasya, na lubos namang mabuti sa lahat. Ang kilusan noon ay masigasig at masigla, progresibo at rebolusyonaryo. Noong mga panahong iyon, itinuro ng mga naghaharing uri sa mga estudyante ang mga doktrina ni Confucius at ipinilit sa mga tao na sambahin ang lahat ng doktrinang ito bilang dogma sa relihiyon at lahat ng manunulat ay gumamit ng wikang klasiko. Sa madaling

Page 2: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

sabi, ang isinulat at itinuro ng mga naghaharing uri at ng kanilang mga asungot ay may katangiang de-kahong estilo ng pagsusulat at dogma, sa nilalaman at maging sa porma. Iyan ang lumang estilong de-kahong estilo at lumang dogma. Napakalaking tagumpay ng Kilusang Mayo 4 ang paglantad sa publiko ng kapangitan ng lumang de-kahong estilo at lumang dogma, at ang panawagan nito sa sambayanan na labanan ang mga ito. Isa pang dakila at kaugnay na tagumpay ang paglaban nito sa imperyalismo, subalit nananatili pa ring isa sa mga dakilang tagumpay ng Kilusang Mayo 4 ang pagbaka sa lumang de-kahong estilo at lumang dogma. Ngunit nang lumaon, lumitaw ang dayuhang de-kahong estilo at dogma tungo sa suhetibismo, sektarismo at estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido. Ito ang mga bagong de-kahong estilo at mga bagong dogma. Ang mga ito’y malalim nang nakatanim sa isipan ng maraming kasama kayat mabigat na tungkulin para sa atin ngayon ang pagpapanibagong-hubog sa mga ito. Kaya makikita natin na ang masigla, malakas, progresibo at rebolusyonaryong kilusan ng panahong Kilusang Mayo 4 na lumaban sa lumang pyudal na estilong de-kahon na pagsusulat at dogma, kalauna’y ginawa mismong kabaligtaran nito ng ilang tao, at lumitaw ang bagong estilong de-kahon na pagsusulat at dogma. Ang huli’y hindi masigla at malakas, kundi patay at matigas, hindi progresibo kundi paurong, hindi rebolusyonaryo kundi mga balakid sa rebolusyon. Ibig sabihin, ang dayuhang estilong de-kahon na pagsusulat, o ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido, ay reaksyon sa orihinal na katangian ng Kilusang Mayo 4. Gayunman, may mga kahinaan din ang Kilusang Mayo 4. Marami sa mga namumuno ay naging salat sa mapanuring diwa ng Marxismo, at ang ginamit nilang pamamaraan sa pangkalahatan ay yaong sa burgesya, ibig sabihin, ang pormalistang pamamaraan. Lubos silang tumpak sa pagbaka sa lumang estilong de-kahon at lumang dogma, at sa pagtataguyod ng syensya at demokrasya. Subalit sa pagharap sa kasalukuyang mga kalagayan, sa kasaysayan, sa dayuhang mga bagay, naging salat sila sa mapanuring diwa ng istorikong materyalismo at itinuring nila ang anumang masama bilang lubos at ganap na masama at ang anumang mabuti bilang lubos at ganap na mabuti. Ang pormalistang paraang ito sa pagharap sa mga problema ay nagkaroon ng epekto sa itinakbo ng kilusan. Sa pag-unlad nito, nahati ang Kilusang Mayo 4 sa dalawang agos. Minana ng isang seksyon ang syentipiko at demokratikong diwa nito, at binago ito batay sa Marxismo; ito ang ginawa ng mga Komunista at ng ilang Marxistang di-kasapi ng Partido. Ang isa pang seksyon ay tumahak sa landas ng burgesya; ito ang pag-unlad ng pormalismo tungo sa Kanan. Subalit hindi pantay-pantay ang kalagayan maging sa loob ng Partido Komunista, doon ma’y nalihis ang ilang kasapi, at dahil sa di-gaanong sapol ang Marxismo, nagawa ang mga kamalian ng pormalismo, ibig sabihin ang mga kamalian ng suhetibismo, sektarismo at estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido. Ito ang pag-unlad ng pormalismo tungo sa “Kaliwa”. Kaya makikita na hindi isang aksidente ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido kundi, isang reaksyon sa mga positibong elemento ng Kilusang Mayo 4, sa isang banda; at isang pamana, isang pagpapatuloy o pag-unlad ng mga negatibong elemento nito sa kabilang banda. Mahalagang maintindihan natin ang puntong ito. Kung rebolusyonaryo at kinailangan ang paglaban sa lumang estilong de-kahon na pagsusulat at lumang dogmatismo noong panahon ng Kilusang Mayo 4, ngayon nama’y rebolusyonaryo at kailangan nating gamitin ang Marxismo upang punahin ang bagong estilong de-kahon na pagsusulat at bagong dogmatismo. Kung hindi binaka ang lumang de-kahong estilo at ang lumang dogmatismo noong panahon ng Mayo 4, hindi sana nakalaya mula rito ang isipan ng sambayanang Tsino at hindi na sana nagkaroon ng pag-asang makalaya at

2

Page 3: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

makapagsarili ang Tsina. Ang tungkuling ito ay sinimulan noon lamang panahon ng Kilusang Mayo 4 at kailangan pa rin ang puspusang pagsisikap – isang napakalaking gawain sa landas ng rebolusyonaryong pagpapanibagong-hubog – upang lubusang mapalaya ng buong sambayanan ang sarili mula sa dominasyon ng lumang de-kahong estilo at dogmatismo. Kung hindi natin babakahin ngayon ang bagong de-kahong estilo at bagong dogmatismo, ang kaisipan ng sambayanang Tsino ay aalipinin ng isa pang tipo ng pormalismo. Kung hindi natin iwawaksi ang lason ng estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido at ang kamalian ng dogmatismo na matatagpuan sa isang seksyon (iisang seksyon, mangyari pa) ng mga kasama sa Partido, imposibleng mapukaw ang malakas at masiglang rebolusyonaryong diwa, imposibleng mapawi ang masamang ugaling magkaroon ng maling aktitud sa Marxismo, at imposibleng mapalaganap at mapaunlad ang tunay ng Marxismo; dagdag pa, imposibleng maisagawa ang masiglang pakikibaka laban sa impluwensya ng lumang estilong de-kahon na pagsusulat at dogma sa buong sambayanan, at laban sa impluwensya ng dayuhang estilong de-kahon na pagsusulat at dogma ng maraming mamamayan, at imposibleng matamo ang layuning wasakin at palisin ang mga impluwensyang ito.

Suhetibismo, sektarismo at estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido – ang tatlong ito’y pawang anti-Marxista at tumutugon hindi sa pangangailangan ng proletaryo kundi ng mga nagsasamantalang uri. Sinasalamin ng mga ito ang petiburges na ideolohiya sa Partido. Ang Tsina ay isang bansang may napakalaking petiburgesya at napaliligiran ang ating Partido ng napakalaking uring ito; maraming kasapi ng Partido ang nagmula sa uring ito, at pagsapi nila sa Partido tiyak na dala-dala nila sa loob ang kanilang petiburges na buntot, mahaba man o maikli. Hanggat di napipigil at nababago, ang pagkapanatiko at pagkamakaisang-panig ng mga rebolusyonaryong petiburges ay madaling magbunsod ng suhetibismo at sektarismo, na kung saan ang dayuhang estilong de-kahon na pagsusulat, o estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido, ay isang anyo ng ekspresyon nito.

Hindi madaling bunutin at palisin ang mga bagay na ito. Dapat itong isagawa nang wasto, ibig sabihi’y sa pamamagitan ng matiyagang pakikipagmatwid sa mga tao. Kung tapat at wasto ang ating pakikipagmatwid, ito’y magiging mabisa. Ang unang magagawa sa pakikipagmatwid na ito ay biglain ang pasyente sa pamamagitan ng pagsigaw sa kanya, “Maysakit ka!” upang masindak siya at pagpawisan, at pagkatapos ay tapatang payuhan siya na magpagamot.

Suriin natin ngayon ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido at tingnan kung nasaan ang kasamaan nito. Sa paggamit ng lason bilang pamatay-bisa sa lason, gayahin natin ang porma ng estilo ng “walong-paang sanaysay” at ihanay ang sumusunod na “walong-paa”, na maaaring tawaging walong pangunahing paratang.

Ang unang paratang laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido: pinupuno nito ng mga hungkag na salita ang napakaraming pahina. Mahilig magsulat ang ilan sa ating mga kasama ng mahahabang artikulo na walang nilalaman, katulad na katulad ng “mga pantali sa paa ng isang babaeng burara, mahaba na’y mabaho pa”. Bakit sila sumusulat ng gayong kahaba-haba at walang kapararakang mga artikulo” Isa lamang ang dahilan: disidido silang hindi mabasa ng masa ang mga ito. Sapagkat ang mga

3

Page 4: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

artikulo ay mahahaba at walang nilalaman, makita lamang ang mga ito’y iiling na ang masa. Paano sila maaasahang magbasa nito? Ang mga akdang ito’y walang kwenta maliban sa manlansi sa mga walang-muwang, na kinalatan na nila ng masasamang impluwensiya at tinuruan ng masasamang ugali. Noong Hunyo 22 ng nakaraang taon, naglunsad ang Unyong Sobyet ng napakalaking digma laban sa pananalakay, ngunit ang talumpati ni Stalin noong Hulyo 3 ay kasinghaba lamang ng isang editoryal sa ating Dyaryo sa Pagpapalaya. Isipin na lamang kung isa sa ating mga ginoo ang sumulat ng talumpating iyon! Tiyak na aabot iyon ng di-bababa sa sanlaksang salita. Tayo’y nasusuong sa isang digmaan at dapat tayong matututong magsulat ng mga artikulong mas maikli at mas malaman. Bagamat wala pang labanan dito sa Yenan, araw-araw napapalaban ang ating mga tropa sa larangan, at abala sa gawain ang mga tao sa likuran. Kung napakahahaba ng mga artikulo, sino ang babasa ng mga ito? Ilang kasama sa larangan ang mahilig ding magsulat ng mahahabang ulat. Pinaghihirapan nilang isulat ang mga ito at ipinadadala rito para mabasa natin. Ngunit sino ang may tiyagang babasa nito? Kung ang mahahaba at hungkag na artikulo ay walang kuwenta, may higit na ibubuti ba ang mga maiiksi at hungkag? Wala ring kuwenta ang mga ito. Dapat nating ipagbawal lahat ng hungkag na pananalita. Subalit una’t higit sa lahat ang tungkuling itapon sa basurahan ang mahaba’t mabahong tali sa paa ng babaeng burara. Maaaring magtanong ang ilan, “Hindi ba napakahaba ng Kapital? Ano ang gagawin natin dito?” Simple lang ang sagot dyan, ipagpatuloy lang ang pagbabasa nito. May isang kasabihan, “Umawit ng iba’t ibang kanta sa iba’t ibang bundok”; ang isa pa, “Iangkop ang gana sa putahe at ang damit sa katawan”. Dapat nating iangkop sa mga tunay na kalagayan ang anumang ating gagawin, at ganito rin sa pagsusulat ng artikulo at talumpati. Binabaka natin ang mga paliguy-ligoy at hungkag na estilong de-kahon na pagsusulat, ngunit hindi natin sinasabing lahat ay dapat maging maikli para maging mahusay. Totoo na kailangan natin ng maiikling artikulo sa panahon ng digmaan, ngunit higit sa lahat ay kailangan natin ng mga artikulong may nilalaman. Ang mga artikulong walang nilalaman ang pinakawalang kabuluhan at pinakakasuklam-suklam. Ganito rin dapat sa pagtatalumpati. Itigil na natin ang lahat ng hungkag at paliguy-ligoy na talumpati.

Ang ikalawang paratang laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido: umaasta ito upang manindak ng tao. Ang ilang akdang may estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido ay hindi lamang mahaba at hungkag, kundi mapagkunwari pa at sadyang naglalayong manindak ng tao. Taglay nito ang pinakamasamang klase ng lason. Ang pagsusulat ng paliguy-ligoy at hungkag na mga artikulo ay maaaring dala ng kamusmusan, ngunit ang pag-aasta para manggulat ng tao ay hindi lamang kamusmusan kundi saksakan ng katusuhan. Minsa’y sinabi ni Lu Hsun sa pagpuna sa ganitong mga tao, “Ang pang-iinsulto at pananakot ay hindi tunay na paglaban”2 Ang anumang bagay na syentipiko ay hindi natatakot mapuna sapagkat ang syensya ay katotohanan at hindi natatakot mapabulaanan. Subalit yaong mga sumusulat ng suhetibo at sektaryong mga artikulo at mga talumpati sa porma ng de-kahong estilo sa Partido ay natatakot na mapabulaanan, ubod nang duwag, kayat umaasa sa pagkukunwari para makapanindak, sa paniniwalang mapatatahimik nila sa gayon ang iba at “maipagwawagi ang araw”. Hindi masasalamin ng gayong pagkukunwari ang katotohanan, bagkus isa itong sagabal sa katotohanan. Ang katotohanan ay hindi umaasta upang manindak ng tao kundi tapat at wagas na nagsasalita at kumikilos. Dalawang kataga ang dati’y lumalabas sa mga artikulo

4

Page 5: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

at talumpati ng maraming mga kasama, isa ang “walang awang pakikibaka” at isa pa ang “malulupit na dagok”. Ang ganitong mga hakbang ay lubusang kailangan laban sa kaaway o laban sa ating mga kasama. Madalas mangyari na ang kaaway o ang ideolohiya ng kaaway ay nakakapuslit sa Partido, tulad ng tinatalakay sa Punto 4 ng Kongklusyon ng Kasaysayan ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Bolsebik), Maikling Kurso. Laban sa mga kaaway na ito, walang dudang dapat tayong gumamit ng walang-awang pakikibaka at malulupit na dagok, sapagkat ginagamit ng mga buhong na ito ang ganito mismong mga hakbangin laban sa Partido; kung tayo’y mapagbigay sa kanila, tuluy-tuloy tayong mahuhulog sa kanilang patibong. Ngunit di dapat gamitin ang ganitong mga hakbang laban sa mga kasama na paminsan-minsang nagkakamali; dapat nating gamitin sa kanila ang paraan ng punahan at pagpuna-sa-sarili, ang pamamaraang itinuturo sa Punto 5 ng Kongklusyon ng Kasaysayan ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Bolsebik), Maikling Kurso. Ang mga kasama na lantarang nagtataguyod noong araw ng ‘walang-awang pakikibaka” at “malulupit na dagok” laban sa mga kasamang paminsan-minsang nagkakamali ay nakagawa ng ganito sapagkat, una na, hindi nila nasuri ang mga taong pinakikitunguhan nila, at isa pa, sila’y umaasta para manindak. Ang pamamaraang ito ay di mabuti, kahit na sino pa ang iyong pinakikitunguhan. Kung gagamitin sa kaaway, ang taktikang ito ng paninindak ay walang kasilbi-silbi, at kung gagamitin sa mga kasama, ito nama’y makapipinsala. Ito’y taktikang kinagawian ng mapagsamantalang mga uri at ng lumpen-proletaryado,ngunit walang silbi sa proletaryado. Para sa proletaryado, pinakamatalas at pinakamabisang sandata ang taimtim at militanteng syentipikong pananaw. Nabubuhay ang Partido Komunista sa katotohanan ng Marxismo-Leninismo, sa pag-alam ng katotohan mula sa mga pangyayari, sa pamamagitan ng syensya, at hindi sa pananakot ng mga tao. Sabihin pa, ang paghahangad ng katanyagan at pusisyon para sa sarili sa pamamagitan ng pagkukunwari ay higit pang kasuklam-suklam. Sa madaling sabi, kapag ang mga organisasyo’y gumagawa ng mga desisyon at nagpapalabas ng mga tagubilin, at kapag ang mga kasama’y sumusulat ng mga artikulo at nagtatalumpati, dapat silang magbatay nang walang pasubali sa katotohanan ng Marxismo-Leninismo at magsikap na maging kapaki-pakinabang ang kanilang ginagawa. Tanging ito ang batayan ng ipagtatagumpay ng rebolusyon; wala nang kabuluhan ang iba pa.

Ang ikatlong paratang laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido: ito’y basta na lamang tumutudla nang hindi isinasaalang-alang ang mambabasa. Ilang taon na ang nakararaan, nabasa sa pader sa lungsod ng Yenan ang isang islogang nagsasaad na “Mga mamamayang anakpawis at magsasaka, magkaisa at sikaping magtagumpay sa Digmang Pagtatanggol Laban sa Hapon!”. Ang ideya ng islogan ay hindi naman masama, subalit ang karakter ng “I” (kung, ang ibig sabihi’y paggawa) sa “I” (kung je, ang ibig sabihi’y manggagawa), isinulat ang --- nang --- at ang guhit ng perpendikular ay binaluktot. Paano namana ang titik na --- ( jen, ibig sabihi’y tao)? Ito’y naging --- na may tatlong pahilig na guhit na ikinabit sa kanang paa nito. Tiyak na disipulo ng mga sinaunang iskolar ang kasamang sumulat nito, subalit nakapagtataka naman kung bakit niya isinulat ang gayong mga titik, sa pader sa lunsod ng Yenan, sa panahon ng Digma ng Pagtatanggol. Marahil may sumpa siyang hindi ito dapat mabasa ng mga karaniwang tao; mahirap mag-isip ng iba pang paliwanag. Ang mga Komunistang tunay na nagnanais magpropaganda ay dapat magsaalang-alang ng kanilang madla, isaisip ang magbabasa ng kanilang mga artikulo at islogan o makikinig sa kanilang mga talumpati at pananalita; kung

5

Page 6: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

hindi’y para na rin silang nagpapasyang hindi mabasa o mapakinggan ninuman. Maraming taong nagpapalagay na madaling maintindihan ng lahat ang kanilang sinusulat at sinasabi, gayong hindi naman totoo ito. Paano sila maiintindihan ng mga tao kung nagsusulat at nagsasalita sila sa de-kahong estilo sa Partido? Ang kasabihang “ang tumugtog ng kudyapi sa harap ng isang baka” ay nagpapahiwatig ng pangungutya sa mga nakikinig. Kung ipapalit natin ang ideya ng paggalang sa mga nakikinig, mababaling ang pangungutya sa tumutugtog. Bakit siya tumutugtog nang hindi isinasaalang-alang ang kanyang tagapakinig? Masahol pa, lumilikha siya ng isang estilong de-kahon sa Partido na kasimpagaw ng uwak, at sa kabila nito’y magpipilit pa siyang magpipiyak sa masa. Kapag pumapana, dapat asintahin ang target; kapag tumutugtog ng kudyapi, dapat isaalang-alang ang tagapakinig; kung gayon, paano makakasulat ng artikulo o makakagawa ng talumpati nang hindi isinasaalang-alang ang mambabasa o tagapakinig? Ipagpalagay na nais nating makipagkaibigan, sinuman siya, maaari bang maging matalik na magkaibigan kung hindi nagkakaunawaan ang mga puso, hindi nagkakaalaman ng mga iniisip? Walang mapapala yaong mga nasa gawaing pamproganda kung magdadaldal sila nang hindi sinisiyasat, pinag-aralan at sinusuri ang kanilang tagapakinig.

Ang ikaapat na paratang laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido: ang walang siglang lengguwahe na nagpapagunita ng isang piehsan3. Katulad ng ating estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido, pawang tuyot at pangit ang mga nilalang na kilala sa Shanghai na “maliliit na piehsan”. Kung ang isang artikulo o talumpati ay kariringgan lamang ng mga pagbabago sa ilang kataga sa tonong pang-silid-aralan nang walang gahiblang sigla o diwa, hindi ba ito katulad ng isang piehsan, walang sigla sa pananalita at nakasusuklam ang anyo? Kapag pumasok ang isang tao sa paaralang primarya sa pitong taong gulang, pumasok sa mataas na paaralan sa kanyang kasibulan, nagtapos sa kolehiyo sa mga gulang na dalawampung taon at minsan ma’y hindi nagkaroon ng pakikipag-ugnayan sa masa ng mamamayan, hindi siya masisisi kung nakababagot at hindi mayaman ang kanyang lengguwahe. Ngunit tayo’y mga rebolusyonaryong naglilingkod sa masa, at kung hindi natin matutunan ang wika ng masa,hindi tayo makakikilos nang maayos. Sa ngayon, marami sa ating mga kasama sa gawaing propaganda ang hindi nag-aaral ng wika. Walang kasigla-sigla ang kanilang propaganda at iilang tao lamang ang nag-aabalang magbasa ng kanilang mga artikulo o makinig sa kanilang sinasabi. Bakit natin kailangang pag-aralan ang wika at pagsumikapan pa ito? Sapagkat hindi madaling magpahusay sa wika at nangangailangan ito ng puspusang pagsisikap. Una, matuto tayo ng wika mula sa masa. Ang bokabularyo ng mamamayan ay mayaman, masigla, maliwanag at naglalarawan ng tunay na buhay. Marami sa atin ang hindi nagpakahusay sa wika, kayat iilan ang mga pananalitang masigla, maliwanag at mabisa sa ating mga artikulo at talumpati, at nagiging kawangis hindi ang matipuno at malusog na tao, kundi isang payat na piehsa, buto’t balat na lamang. Ikalawa, kumuha tayo ng dayuhang pananalita mula sa dayuhang mga wika. Huwag nating angkatin sa paraang mekanikal ang mga salitang banyaga, o gamitin ang mga ito nang walang pamimili; kundi, dapat nating kunin ang mahusay at angkop sa ating mga pangangailangan. Marami nang banyagang salita sa ating bokabularyo ngayon dahil hindi na nakasasapat ang lumang bokabularyong Tsino. Halimbawa, may pulong tayo ngayon ng mga kanpu (mga kadre), at ang salitang kanpu ay hango sa salitang banyaga. Dapat tayo ang magpatuloy sa pagtanggap ng mga bagong bagay mula sa ibang

6

Page 7: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

lugar, hindi lamang mga progresibong kaisipan kundi maging ang bagong mga salita. Ikatlo, dapat din nating matutunan ang anumang may buhay sa klasikal na wikang Tsino. Dahil sa hindi natin napag-aralan nang husto ang klasikal na wikang Tsino, hindi natin lubos at tumpak na nagagamit ang marami sa mga buhay pang bagay doon. Mangyari pa, matatag nating nilalabanan ang paggamit ng mga luma nang pananalita o pagpapahiwatig, at iyan ay pinal na; ngunit dapat tanggapin yaong mabuti at magagamit pa. Yaong mga taong lubhang inaalihan ng de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido ay hind nagsisikap matuto ng mga bagay na mahalaga sa wika ng mga mamamayan, sa mga wikang banyaga, o sa klasikal na wikang Tsino, kaya hindi tinatanggap ng masa ang kanilang tuyot at walang siglang propaganda, at di rin natin kailangan ang ganitong mahihina at walang-kakayahang propagadista. Sinu-sino ang ating mga propagandista? Kasama dito hindi lamang mga guro, peryodista, manunulat at artista kundi lahat ng ating kadre. Tingnan halimbawa ang ating mga kumander sa militar. Bagamat di sila nagbibigay ng anumang pahayag sa publiko, kailangan nilang makipag-usap sa mga sundalo at makipag-ugnayan sa mga mamamayan. Ano pa ito kundi propaganda? Kailanmang makipag-usap ang isang tao sa iba, nagpupropaganda na siya. Maliban kung siya ay pipi, lagi siyang may masasabi. Kung gayon, kailangang-kailangang pag-aralan ng ating mga kasama ang wika.

Ang ikalimang paratang laban sa de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido: isinasaayos nito ang mga bagay-bagay sa kumplikadong balangkas ng mga pamagat na animo’y nagpupundar ng botikang Tsino. Pagmasdan ang alinmang botikang Tsino, at makikita ninyo ang mga kabinet na may napakaraming kahon, bawat isa ay may

1 Ang pagbaka sa estikong de-kahon na pagsusulat, maging luma man o bago, ay tumatagos sa lahat ng akda ni Lu Hsun. Ang dayuhang estilong de-kahon ay pinalaganap pagkatapos ng Kilusang Mayo 4, ng ilang mababaw na intelektuwal na burges at petiburges, palibhasa’y ikinalat nila kaya umiral nang matagal sa hanay ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa kultura. Sa ilang sanaysay, nilabanan ni Lu Hsun ang dayuhang estilong de-kahon na nakikita niya sa kanilang hanay at binatikos niya ito ng ganito :

“Dapat puspusang palisin ang lahat ng estilong de-kahon ng pagsusulat, luma man o bago… Halimbawa, isang klase rin ng estilong de-kahon kung ang ginagawa ay pawang pang-iinsulto, pananakot, o kaya’y paghusga, at manggaya lamang ng mga lumang pormula at gamitin ito nang walang pagtatangi sa bawat pangyayari, sa halip na gamitin sa partikular at kongkretong paraan ang pormulang hango sa syensya upang ipaliwanag ang mga bagong pangyayari at penomena na lumilitaw araw-araw. (“Sagot sa Liham ni Chu Hsiu-hsia” na idinagdag sa “Nabisto ang Palabas”.) 2 “Ang Pang-iinsulto at Pananakot ay Hindi Tunay na Paglaban” ang pamagat ng isang sanaysay na sinulat noong 1932 na isinama sa koleksyong “Halu-halong mga Diyalekto”. (Lu Hsun, Kumpletong akda, ed. Tsino, 1957, Tomo V.) 3 Tinatawag na piehsan ng mga taga-Shanghai iyong mga bagamundong nabubuhay sa pagpapalimos o pagnanakaw at samakatwid ay kadalasang sakitin at patpatin.

7

Page 8: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

pangalan ng isang gamot – bayabas, banaba, mayana, salitre . . . talagang naroroon na halos lahat. Ginaya ng ating mga kasama ang paraang ito. Sa kanilang mga artikulo at talumpati, mga aklat at ulat, una nilang ginagamit ang malalaking numeral na Tsino, ikalawa ang maliliit na numeral na Tsino, ikatlo ang mga karakter para sa sampung tangkay sa kalangitan ng sodiakong Tsino, ikaapat ang mga karakter para sa labindalawang sanga sa lupa ng sodiakong Tsino, at saka ang malalaking titik na A, B, K, D, pagkaraa’y ang maliliit na titik na a, b, k, d, sinusundan ng mga numerong Arabe at kung anu-ano pa. Kay laking suwerte’t nilikha ng ating mga ninuno at mga dayuhan ang lahat ng simbolong ito para mapagpundar tayo ng botikang Tsino nang wala ni katiting na hirap. Pagkarami-rami man ng palabok ng isang artikulo, kung ito’y namumutiktik sa ganitong mga simbolo, hindi naglalahad, nagsusuri ni lumulutas ng mga suliranin at hindi naman sumasang-ayon ni sumasalungat sa anuman, wala itong tunay na nilalalaman at walang iniwan sa isang botikang Tsino. Hindi ko sinasabi na ang ganitong mga simbolo, gaya ng sampung tangkay sa kalangitan atbp. . , ay di dapat gamitin, kundi mali ang ganitong klase ng pagharap sa mga suliranin. Ang paraang hiniram mula sa botikang Tsino na kinagigiliwan ng marami sa ating mga kasama sa katunayan ay siyang pinakakrudo, pinakamusmos at pinakabulgar sa lahat. Ito’y isang pormalistang paraan ng pag-uuri ng mga bagay ayon sa kanilang panlabas na anyo, hindi sa kanilang panloob na ugnayan. Kung ang isang tao’y kukuha ng samutsaring konsepto na wala namang ugnayang panloob at isasaayos ang mga ito sa isang artikulo, talumpati o ulat ayon lamang sa panlabas na anyo ng mga bagay, ito’y isang pagbabalasa sa mga konsepto at maaaring mahikayat ang ibang maglaro rin ng ganito, na ang resulta’y hindi na nila gagamitin ang kanilang mga utak upang pag-isipan ang mga problema at maarok ang esensya ng mga bagay, kundi masisiyahan na lamang silang maglista ng mga pangyayari sa ayos-ABKD. Ano ang isang problema? Ang problema ay ang kontradiksyon sa loob ng bagay. Kung saan may di-resolbadong kontradiksyon, doon may suliranin. Dahil may problema, kailangan kang pumanig sa isa laban sa kabilang panig, at dapat mong ilahad ang problema. Upang mailahad ang problema, dapat ka munang gumawa ng panimulang pagsisiyasat at pag-aaral ng dalawang saligang aspeto ng problema o kontradiksyon bago mo maliwanagan ang kalikasan ng kontradiksyon. Ito ang paraan ng pagtuklas sa problema. Ang panimulang pagsisiyasat at pag-aaral ay maaaring makapaglahad ng problema, pero hindi pa sapat ang mga ito para lutasin ang problema. Para malutas ang problema, kailangang gumawa ng sistematiko at puspusang pagsisiyasat at pag-aaral. Ito ang paraan ng pagsusuri. Sa paglalahad ng problema, kailangan din ang pagsusuri; kung hindi, sa harap ng magulo at nakalilitong kulumpon ng mga pangyayari’y hindi mo makikita ang problema o kontradiksyon. Ngunit dito ang ibig nating sabihin sa paraan ng pagsusuri ay ang paraan ng sistematiko at lubusang pagsusuri. Madalas mangyari na bagamat nailahad ang panloob na ugnayan ng mga bagay-bagay, sapagkat hindi pa naisasagawa ang paraan ng sistematiko at lubusang pagsusuri; kaya’t hindi pa natin makita nang malinaw ang hugis ng problema, hindi pa tayo makagawa ng sintesis at sa gayon ay di pa malutas nang mabuti ang problema. Kung ang isang artikulo o talumpati ay mahalaga at naglalayong gumabay, kailangan nitong maglahad ng partikular na problema, pagkatapos ay suriin ito at saka gumawa ng sintesis na siyang tutukoy sa kalikasan ng problema at magbibigay ng paraan ng tutukoy sa kalikasan ng problema at magbibigay ng paraan ng paglutas nito; sa lahat ng ito, walang silbi ang paraang pormalista. Sapagkat laganap sa ating Partido ang musmos, krudo, bulgar at tamad-mag-isip na mga paraang pormalista, kailangan nating ilantad ang mga ito;

8

Page 9: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

sa ganitong paraan lamang matututo ang lahat na gumamit ng paraang Marxista sa pagmamasid, paglalahad, pagsusuri at paglutas ng mga problema; sa ganitong paraan lamang natin magagampanan nang mabuti ang mga gawain at maipagtagumpay ang simulain ng rebolusyon.

Ang ikaanim na paratang laban sa de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido: iresponsable ito at nakapipinsala sa mga tao saanman ito lumitaw. Ang lahat ng kamaliang nabanggit sa itaas sa isang bahagi’y dahil sa kamusmusan at sa isa pang bahagi’y dahil sa kasalatan sa pagiging responsible. Kunin nating halimbawa ang paghihilamos para ilarawan ang puntong ito. Naghihilamos tayo araw-araw, marami sa ati’y di lang miminsan, pagkatapos ay humaharap tayo sa salamin para “magsiyasat at mag-aral” (umuugong na tawanan), sa pangambang may anumang wala-sa-lugar. Napakaresponsable! Kung ganito tayo karesponsable sa pagsusulat ng mga artikulo at paggawa ng mga talumpati, huhusay ang ating gawain. Huwag iprisinta ang anumang di-prisintable. Pakatandaang maaaring maimpluwensyahan nito ang pag-iisip at kilos ng iba. Kung ang isang tao’y hindi nakapaghilamos nang isa o dalawang araw, mangyari pa hindi iyon mabuti, at kung pagkahilamos ay nag-iwan ng dusing, iyan din ay hindi gaanong kahali-halina, datapwat wala namang gaanong malaking panganib. Iba ang pagsusulat ng mga artikulo at paggawa ng mga talumpati; tanging layunin ng mga ito ang makaimpluwensya ng iba. Gayunman, isinasagawa ng ating mga kasama ang tungkuling ito nang parang walang anuman; nangangahulugang ipinauuna sa mahalaga ang hindi mahalaga. Maraming tao ang nagsusulat ng mga artikulo at gumagawa ng talumpati nang hindi muna nag-aaral o naghahanda, at pagkasulat ng artikulo’y hindi man lamang nila ito binabalikan nang makailang ulit nang tulad ng pagbisita nila sa kanilang mukha sa salamin pagkahilamos; sa halip, kaagad itong ipinadadala sa palimbagan. Ang madalas mangyari’y “Libong salita ang dumadaloy sa pluma, sampung libong li naman ang layo sa tema.” Bagamat waring matalino ang mga manunulat na ito, sa katunayan nakapipinsala sila sa tao. Ang ganitong masamang ugali, ang kawalan ng responsibilidad, ay dapat maiwasto.

Ang ikapitong paratang laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido: nilalason nito ang buong Partido at inilalagay sa panganib ang rebolusyon. Ang ikawalong paratang: ikapipinsala ng bayan at ikapapahamak ng mamamayan ang paglaganap nito. Malinaw ang dalawang paratang na ito at hindi na kailangan pang ipaliwanag. Sa ibang salita, kung hindi babaguhin at kung hahayaang lumaganap ang estilong de-kahon ng pagsusulat sa Partido, talagang napakasama ng ibubunga nito. Ang kamandag ng suhetibismo at sektarismo ay nakakubli sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido at kapag kumalat ang kamandag na ito’y kapwa manganganib ang Partido at ang bayan.

Ang walong paratang na nabanggit ay siya nating panawagan sa pakikibaka laban sa estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido.

Bilang isang porma, ang de-kahong estilo sa Partido ay hindi lamang di-akma sa pagpapahayag ng diwang rebolusyonaryo kundi malamang na humadlang pa mga rito. Upang malinang ang rebolusyonaryong diwa, kailangang iwaksi ang de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido at sa halip ay gamitin ang Marxista-Leninistang estilo ng pagsusulat

9

Page 10: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

sa Partido – estilong masigla, buhay, sariwa at mabisa. Matagal na ang estilong ito ng pagsusulat ngunit kailangan pa itong pagyamanin at palaganapin sa ating hanay. Kapag nawasak na natin ang dayuhang de-kahong estilo ng pagsusulat at ang de-kahong estilo ng pagsusulat sa Partido, mapagyayaman natin ang ating bagong estilo ng pagsusulat at malawak na mapalalaganap ito, at sa gayo’y maisusulong ang rebolusyonaryong simulain ng Partido.

Ang estilong de-kahon sa Partido ay di lamang matatagpuan sa mga artikulo at talumpati, kundi maging sa pagpupulong. “1. Pambukas na Pahayag; 2. Pag-uulat; 3. Talakayan; 4. Mga Kongklusyon; at 5. Pagsasara”. Kung laging susundin ang ganitong mahigpit na sistema sa bawat pulong, malaki man o maliit, saanman o kailanman, hindi ba ito isa pang de-kahong estilo sa Partido? Kapag ginawa ang mga “ulat” sa mga pulong, madalas na ang takbo’y ganito: 1. kalagayang pandaigdig; 2. kalagayan sa loob ng bayan; 3. ang Hanggahang Purok; at 4. ang ating kagawaran”; at kadalasa’y tumatagal ang pulong mula umaga hanggang gabi, nagsasalita pati ang mga wala namang sasabihin, na para bang hindi nila napaunlakan ang iba kung hindi sila nagsalita. Sa madaling sabi, may pagbabalewala sa aktuwal na mga kalagayan at pagkapit-tuko sa mga nanigas nang lumang porma at ugali. Hindi ba dapat ding iwasto ang mga bagay na ito?

Maraming tao ang humihingi ngayon ng transpormasyon tungo sa isang pambansa, syentipiko at pangmasang estilo. Napakainam nito. Ngunit ang “transpormasyon ay nangangahulugan ng lubusang pagbabago, mula taas pababa, at mula sa loob palabas. Ngunit may ilang taong humihingi ng transpormasyon, gayong sila mismo’y hindi nagbabago nang kahit katiting. Pinapayuhan ko ang mga kasamang ito na magsimula sila sa pamamagitan ng kaunting pagbabago sa kanilang sarili bago sila tumuloy sa “pagtransporma”, kundi’y mananatili silang nakabuhol sa dogmatismo at estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido. Matatawag itong matayog ang layunin ngunit kakarampot naman ang kakayahan, mataas ang ambisyon ngunit kakatiting ang talino, at ang ganito’y walang kahihinatnan. Kaya sinumang magaling magsalita tungkol sa “transpormasyon tungo sa isang estilong pangmasa” samantalang mahigpit na nakatali pa rin sa kanyang munting sirkulo ay dapat maging maingat, balang araw ay baka makabunggo niya sa daan ang isang masa at tanungin siya, “Ano ba itong sinasabing transpormasyon, ginoo? Maaari ko bang makita kahit katiting man nito?”, at malalagay siya sa alanganin. Kung hindi siya nagdadadakdak lamang, at tapat ang pagnanais magtransporma tungo sa estilong pangmasa, dapat siyang makisalamuha sa mga karaniwang mamamayan at matuto sa kanila, kung hindi ay mananatiling nakalutang sa hangin ang kanyang “transpormasyon”. May mga nag-iingay tungkol sa transpormasyon sa estilong pangmasa pero hindi naman makapagsalita ng kahit tatlong pangungusap man lang sa wika ng karaniwang mamamayan. Nagpapakita ito ng kawalan ng determinasyong matuto mula sa masa. Nananatili pa ring nakakulong ang kanilang isipan sa kanilang maliliit na sirkulo.

Ipinamahagi sa pulong na ito ang sipi ng Patnubay sa Propaganda, isang polyetong may apat na artikulo, at ipinapayo ko sa mga kasama na ulit-uliting basahin ito.

10

Page 11: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

Ang unang dokumento, na pawang mga halaw mula sa Kasaysayan ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Bolsebik), Maikling Kurso, ay tungkol sa paraan ng pagkilos ni Lenin sa gawaing propaganda. Kabilang sa mga ito ang pamamaraan ni Lenin sa pagsusulat ng mga polyeto:

Sa pamamatnubay ni Lenin, ang Liga ng Petrograd sa Pakikibaka para sa Pagpapalaya ng Uring Manggagawa ang siyang unang pangkat na nagsimulang mag-ugnay ng Sosyalismo sa kilusang manggagawa. Kapag may welga sa ilang pabrika, ang Liga sa Pakikibaka, na matamang nakasusubaybay sa takbo ng mga pangyayari sa mga pabrika sa pamamagitan ng mga kasapi ng mga sirkulo nito, ay kagyat na kumikilos sa pamamagitan ng pagpapalabas ng mga polyeto at mga proklamasyong Sosyalista. Inilantad ng mga polyetong ito ang pang-aapi ng mga pabrikante sa mga manggagawa, ipinaliwanag kung paano dapat ipaglaban ng mga manggagawa ang kanilang kapakanan, at inilahad ang mga kahilingan ng mga manggagawa. Inilahad ng mga polyeto ang payak na katotohanan tungkol sa ulser ng kapitalismo, ang karukhaan ng mga manggagawa, at ang kanilang di-mabatang paggawa na umaabot ng 12 hanggang 14 oras araw-araw at ang kanilang ganap na kawalan ng mga karapatan. Naghaharap din sila ng mga angkop na kahilingan pampulitika.

Pansinin, “matamang nakasusubaybay” at “inilahad ang payak na katotohanan”! Muli:

Sa pakikipagtulungan sa manggagawang si Babushkin, isinulat ni Lenin noong magtatapos ang 1894 ang unang polyetong pampaalab-damdamin na ganitong klase, at isang panawagan sa mga manggagawa ng Pabrikang Semyanikow sa Petrograd, na noo’y nag-aaklas.

Sa pagsusulat ng polyeto, dapat kang sumangguni sa mga kasamang nakaaalam nang husto sa takbo ng mga pangyayari. Sa ganitong pagsusuri at pag-aaral ibinatay ni Lenin ang kanyang pagusulat at pagkilos.

Bawat polyeto’y nakatulong sa pagpapasigla ng diwa ng mga manggagawa.Nakita nilang sila’y tinutulungan at ipinagtatanggol ng mga Sosyalista4.

Sumasang-ayon ba tayo kay Lenin? Kung sumasang-ayon tayo, dapat tayong kumilos ayon sa diwa ni Lenin. Ibig sabihi’y, dapat nating gawin ang ginawa ni Lenin, huwag punuin ang napakaraming pahina ng paliguy-ligoy na salita o basta na lamang tumudla nang hindi isinasaalang-alang ang mga mambabasa, o mag-akalang ang sarili’y laging tama at maghahambog.

Ang ikalawang dokumento ay naglalaman ng mga halaw mula sa mga pahayag ni Dimitrov sa Ikapitong Pandaigdig na Kongreso ng Komunistang Internasyonal. Anong sinabi ni Dimitrov? Aniya:

4 Tingnan ang Kasaysayan ng Partido Komunista ng Unyong Sobyet (Bolsebik), Maikling Kurso, ed. Ingles, PWD Mosku, 1951, pp.36-37.

11

Page 12: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

Dapat tayong matutong makipag-usap sa masa, hindi sa wika ng mga pormula sa aklat. Kundi sa wika ng mga nakikibaka para sa adhikain ng masa, na ang bawat salita, ang bawat ideya ay naglalarawan ng kaibuturan ng kaisipanat damdamin ng milyun-milyong tao5.

At muli :

. . . hindi matatanggap ng masa ang ating mga desisyon kung hindi tayonatututong magsalita sa wikang nauunawaan ng masa.

Hindi lagi nating alam kung paano magsalita nang simple, kongkreto,sa paglalarawang pamilyar sa at nauunawaan ng masa. Hindi pa rin natinmaiwasan ang mga abstraktong pormulang isinaulo natin. Ang totoo, kungtitingnan ninyo ang ating mga polyeto, pahayagan, resolusyon at tesis, matutuk-lasan ninyong madalas nasusulat ang mga ito sa wika at estilong napakabigatkaya mahirap maunawaan kahit na ng mga opisyal ng Partido, huwag nangbanggitin pa ang karaniwang manggagawa6.

Hindi ba natukoy ni Dimitrov ang ating kahinaan? Lumalabas tulad sa Tsina, ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido ay umiiral din, kaya makikita ninyong pangkaraniwan itong sakit. (Tawanan) Gayunman, dapat nating gamutin kaagad ang ating sakit ayon sa tagubilin ni Kasamang Dimitrov.

Dapat itong gawing batas ng bawat isa sa atin, isang batas ng Bolshebik,isang pangunahing alituntunin :

Sa pagsusulat o pananalita, laging alalahanin ang karaniwang manggagawana dapat makaunawa sa iyo, dapat maniwala sa iyong panawagan at dapat maginghandang sumunod sa inyo. Dapat mong laging alalahanin kung para kanino kasumusulat, kung sino ang iyong kinakausap7.

Ito ang tagubiling iniwan sa atin ng Komunistang Internasyonal, isang tagubiling dapat nating sundin. Dapat maging isang batas ito para sa atin!

Ang ikatlong dokumento, mula sa Kumpletong mga Akda ni Lu Hsun ay ang sagot ng may-akda sa magasing ang Tabo8 na tumatalakay sa paraan ng pagsusulat.

5 Georgi Dimitrov, “Pagkakaisa ng Uring Manggagawa Laban sa Pasismo”, “Mga Piling Artikulo at Talumpati”, ed. Engles, Lawrence & Weishart, London, 1951, pp.116-117. 6 Ibid., pp. 132-133. 7 Ibid., pp. 135.

12

Page 13: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

Ano ang sinabi ni Lu Hsun? Sa kabuuan ay nagbigay siya ng walong alituntunin sa pagsusulat, na ang ila’y babanggitin ko rito.

Alituntunin 1 : “Matamang pansinin ang lahat ng bagay; magmasid pa, at kung di gaanong nakapagmasid ay huwag nang magsulat.”

Ang sabi niya, “matamang pansinin ang lahat ng bagay, di lamang isang bagay o kalahati ng isang bagay. Aniya’y “magmasid pa”, hindi isang tingin lamang o bahagyang tingin. Paano naman tayo? Hindi ba’t kadalasa’y mismong salungat dito ang ginawa natin at sumusulat tayo matapos makapagmasid ng bahagya?

Alituntunin 2 : “Huwag kang magpilit na sumulat kung wala kang sasabihin.”

Anong ginagawa natin? Di ba’t kadalasa’y nagpipilit tayong sumulat nang marami kahit malinaw na walang kalaman-laman ang ating ulo? Talagang iresponsable ang paghawak ng pluma at “magpilit na sumulat” kahit walang pagsisiyasat o pag-aaral.

Alituntunin 4 : “Pagkasulat ng isang bagay, basahin ito kahit makalawa man lang at sikaping lubos na alisin nang walang pag-aatubili ang di mahahalagang salita, pangungusap at talata. Mabuti nang buurin sa isang maikling akda ang materyal para sa isang nobela, ngunit kailanma’y huwag banatin para maging nobela ang materyal para sa isang maiklang akda.”

Ipinayo ni Confucius, “Mag-isip nang makalawa” at ani Han Yu, “Nagagawa ang isang bagay sa pamamagitan ng pag-iisip.” (10) Noong sinaunang panahon pa iyon. Ngayon, napakakumplikado na ng mga bagay, at kung minsan, hindi pa sapat na pag-isipan ito nang tatlo o apat na beses. Wika ni Lu Hsun, “Basahin ito nang makalawang ulit man lamang.” At ang pinakamarami? Hindi niya tiniyak, ngunit sa palagay ko’y hindi makakasama kung babalik-balikan ang isang mahalagang artikulo nang higit pa sa sampung beses at maingat itong ayusin bago ilathala. Ang mga artikulo ay paglalarawan ng obhetibong kalagayan na masikot at masalimuot, at dapat itong pag-aralan nang paulit-ulit bago tumpak na mailalarawan; ang pagpapabaya sa bagay na ito ay kamangmangan sa mga panimulang alituntunin sa pagsusulat.

Alituntunin 6 : “Huwag umimbento ng mga pang-uri o ibang katawagan na ikaw lamang ang nakakaunawa.”

“Umiimbento” na tayo ng napakaraming kataga na “walang nakauunawa”. Kung minsan, ang iisang sugnay ay binubuo ng apatnapu o limampung salita at siksik ng “mga pang-uri o ibang terminong walang nakauunawa.” Marami sa mga walang-sawang nangangalandakan na sila’y tagasunod ni Lu Hsun ang mismong sumusuway sa kanya!

8 “Ang Tabo” ay isang buwanang lathalaing ipinalabas noong 1931 at 1932 ng Liga ng mga Maka-Kaliwang Manunulat na Tsino. “Ang Sagot sa Tanong ng Ang Tabo” ay kasama sa kuleksyon ng Dalawang Puso (Lu Hsun, Kumpletong Akda, ed. Tsino, Tomo IV.)

13

Page 14: Bakahin Ang Dekahong Estilo Ng Pagsusulat

Ang huling dokumento ay sinipi sa ulat kung paano lilinangin ang pambansang estilo ng propaganda, na pinagtibay sa Ikaanim na Sesyong Plenaryo ng Ikaanim na Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina. Sa pulong na iyon, na ginanap noong 1938, sinabi nating ang “anumang pagtalakay tungkol sa Marxismo nang hiwalay sa mga partikular na katangian ng Tsina ay abstraktong Marxismo o Marxismo sa kawalan.” Ibig sabihin, dapat natin bakahin ang lahat ng hungkag na pagtalakay sa Marxismo, at dapat pag-aralan ng mga Komunistang naninirahan sa Tsina ang Marxismo sa pamamagitan ng pag-uugnay nito sa realidad ng rebolusyong Tsino.

Sinaad sa ulat :

Dapat iwaksi ang mga dayuhang estilong de-kahon, bawasan ang pag-awitng mga hungkag at abstraktong himig, at ilibing ang dogmatismo; ang mga ito aydapat palitan ng estilo at diwang Tsino na sariwa, masigla at kinagigiliwan ngkaraniwang mamamayang Tsino.Ang paghihiwalay ng internasyunalistang lamansa pambansang anyo ay gawi noong mga hindi nakauunawa ng anuman ukol sainternasyunalismo. Kaiba rito, dapat nating mahigpit na ipagkawing ang dalawa.Sa bagay na ito, may malulubhang kamalian sa ating hanay na dapat puspusangpangibabawan.

Bagamat hiningi sa ulat na iyon na iwaksi ang mga dayuhang estilong de-kahon, may ilang kasamang nagtataguyod pa rin nito. Bagamat hininging mabawasan ang pag-awit ng hungkag at abstraktong mga himig, may ilang kasamang mapilit sa pagkakanta ng mas marami pa. Bagamat hininging ilibing na ang dogmatismo, pinababangon pa ito ng ilang kasama. Sa madaling sabi, pinapapasok lamang ng maraming tao sa isang tainga at pinalalabas sa kabilang tainga ang ulat na ito na pinagtibay ng Ikaanim na Sesyong Plenaryo; na para bang sadya nilang sinasalungat ito.

Nagpasya na ngayon ang Komite Sentral na dapat nating lubusang iwaksi ang estilong de-kahon na pagsusulat sa Partido, ang dogmatismo at ang mga katulad nito; iyan ang dahilan kung bakit pumarito ako at nagsalita nang mahaba. Inaasahan kong pag-iisipan at susuriin ng ating mga kasama ang sinabi ko at susuriin ng bawat kasama ang kanyang sariling kalagayan. Dapat suriing mabuti ng bawat isa ang kanyang sarili, makipag-usap sa kanyang matatalik na kaibigan at kasama tungkol sa mga bagay na naliwanagan niya, at tuluyang iwaksi ang kanyang mga kakulangan.

M G A T A L A

14