bakit marami sa mga nakapagtapos ng mataas na paaralan ang hindi makapagkolehiyo [pananaliksik]

17
DAHON NG PAGPAPATIBAY DAHON NG PAGPAPATIBAY Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV, Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay pinamagatang, “Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo”. Inihanda at iniharap ang pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011 Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan. Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges: _____________________ Gng. Brenilda Medina (Punong-Guro)

Upload: jovis-malasan

Post on 27-Jul-2015

4.864 views

Category:

Documents


5 download

TRANSCRIPT

Page 1: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

DAHON NG PAGPAPATIBAYDAHON NG PAGPAPATIBAY

Bilang pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng asignaturang Filipino IV,

Pagbasa at Pagsulat Tungo sa Pananaliksik, ang pananaliksik na ito ay

pinamagatang, “Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na

Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo”. Inihanda at iniharap ang

pananaliksik na ito sa aming guro sa asignaturang Filipino na si Bb. Jessilyn

Ranges ng mananaliksik na nagmula sa seksyon na IV - St. Titus ng Flos

Carmeli Institution of Quezon City, SY 2010-2011

Ang mga datos na nakapaloob sa pananaliksik na ito ay sinaliksik, inayos, at

inihanda ng mananaliksik na nasa ika-apat na antas sa mataas na paaralan.

Tinanggap bilang proyekto sa Filipino IV bilang isa sa mga pangangailangan

sa nabanggit na asignatura ni Bb. Jessilyn B. Ranges:

_____________________

Gng. Brenilda Medina

(Punong-Guro)

_____________________________

Bb. Jessilyn Ranges

(Guro sa Filipino)

Kabanata I

TALAAN NG NILALAMANTALAAN NG NILALAMAN

Page 2: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

PASASALAMAT

KABANATA 1 “ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO”

A. INTRODUKSYON

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

C. KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

E. PARADIGM

KABANATA 2 “MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA”

KABANATA 3 “DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK”

A. MGA RESPONDENT

B. INSTRUMENTONG PAMPANANALIKSIK

C. TRITMENT NG DATOS

KABANATA 4 “PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG MGA DATOS”

KABANATA 5 “LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON”

A. LAGOM

B. KONKLUSYON

C. REKOMENDASYON

BIBLIOGRAPIYA

PATUNGKOL SA AWTOR

Page 3: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

KABANATA I

ANG SULIRANIN O SALIGAN NITO

Page 4: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

A. INTRODUKSYON

Ang edukasyon ay ang tuloy tuloy na pagtuklas ng kaalaman ng bawat

tao. Ito ay isang aspeto na magpapatunay na kailangan ng bawat isa ang

edukasyon. Sa pamamagitan ng pag-aaral ay marami tayong nalalaman at

natutuklasan. Kung tayoy may pinag-aralan ay madali tayong makakakuha

ng maayos at matatag ng trabaho. Ang isang batang nagsisimula pa

lamanag matutong tumuklas ng karunungan ay magiging matagumpay kung

bibigyan pansin at pahahalagahan ito.

Ang edukasyon ay kinabibilangan ng pagtuturo at pag-aaral ng isang

kasanayan, at saka ilang bagay na hindi masyadong nadadama ngunit higit

na malalim ang pagbabahagi ng kaalaman mabuting paghusga at

karunungan. Isa sa mga pangunahing layunin ng edukasyon ang ipahayag

ang kultura sa mga sumusunod na salinlahi.

B. LAYUNIN NG PAG-AARAL

Ang layunin ng pag-aaral na ito ay upang mahikayat ang mga

kabataan sa kahalagahan ng edukasyon. Layunin din nito na pag-ukulan ng

pansin ng mga magulang ang kanilang mga anak, gabayan at bigyan ng

wastong pagpapaunawa na kailangan nilang makatapos ng pag-aaral

hanggang kolehiyo upang magkaroon ng sapat at maayos na hanapbuhay.

Sa pamamagitan ng kanilang tulong pinansyal, kasama na paghubog sa

wastong pag-uugali, magiging matagumpay ang mga kabataan. Sa kabilang

dako naman kung walang suporta ang mga magulang, higit ang kanilang

layunin na makatapos ng pag-aaral. Ang pagka makasarili ng tao ang

magiging sanhi sa kabiguang ito kung patuloy ang pagtubo nito mula sa

isang henerasyon hanggang sa susunod at para sa kapakanan ng kayang

pribadong makasariling katuparan, lalamunin ng makasariling ugali ng tao

ang lahat.

Page 5: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

C. KAHALAGAHAN NG EDUKASYON

Ang edukasyon ay mahalaga sa bawat isa dahil dito nakasalalay ang

kinabukasan ng bawat tao at kung ano ang kanyang kahihinatnan dito sa

mundo. At ito ang ating sandata para magkaraoon ng magandang buhay.

Maraming paraan upang makamit natin ang isang mabuting hinaharap. Ang

paghahanda para sa ating kinabukasan ang mabisang paraan upang

makasiguro tayo sa ating pamumuhay. Ngunit may mga hadlang din na

maaring pumigil sa ating pagtatagumpay, kaya marapat lang na maging

maagap ang bawat isa sa atin upang tagumpay na malagpasan ang mga ito.

At ang pagkamit ng tagumpay ay kailangan buo ang determinasyon, tiwala

sa sarili, may pananampalataya sa Diyos at marami pang mga katangian na

dapat nating taglayin para makamit natin ang magandang bukas.

“KAHIRAPAN AY HINDI HADLANG SA KINABUKASAN”. Lagi natin tandaaan na

tayo gumagawa ng ating sariling kapalaran kaya kung anuman ang ating

tatahakin ay nakasalalay sa ating mga kamay. At lagi tayo sasandal sa

Panginoon sa lahat ng ating mga ginagawa dahil walang imposible sa Kanya

kung tama at nararapat ang iyong ginagawa.

D. PAGLALAHAD NG SULIRANIN

E. PARADIGM

Page 6: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG-AARAL O LITERATURA

Page 7: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Page 8: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

A. MGA RESPONDENT

Marami akong nakapanayam iba’t ibang antas ng buhay, may mahirap

may mayaman. Dito ko nalaman na hindi pala lahat ng mga mayayaman ay

may ambisyon sinasabi nila na bakit nga ba maghahanapbuhay pa ako

marami kaming pera, negosyo at iba pa, para ano pa ang trabaho di ko rin

mapapakinabangan yan. Sa paglilibot ko nakasalamuha ko ang mga

mahihirap. Ano ba ang edukasyon para sa amin? Wala kaming panustos di

sapat ang kinikita ng mga magulang namin, dadagdagan ko pa ng

panibagong problema.

B. INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Ang instrumentong ginamit sa pananaliksik na ito ay ang pangangalap

ng mga impormasyon sa dokyumento, aklat at internet.

At higit sa lahat ay nakipag-ugnayan ako sa mga kabataan,

Ginagamitan ko sila ng mga tanong, iba’t ibang tanong upang makuha ang

saloobin, suliranin at nilalaman ng kanilang mga puso, dibdib at isipan.

Page 9: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

C. TRITMENT NG DATOS

Nakarating din ang aking ginawang pananaliksik sa mga kabataan o

grupo ng mga kabataan na pumipila sa paghahanap ng trabaho, mga

aplikante na matiyagang nag-aabang kung saan may tanggapan. Sila ang

mga kabataan na salamat kung matatanggap at panibagong pag-asa at

paghahanap sa mga hindi natanggap. Kung matatanggap man sila sa

trabaho mababang level ng hanapbuhay at maliit ang suweldo, dagdag pa

ang hirap ng katawan na kanilang pang dadaanan.

Sa ibang panig sa isang sulok ng mga mini bars at disco house,

masasaya silang nag-sasayaw at nag-aawitan sabay sa pag-iinom. Sila ang

mga kabataan na mapupusok, makabago at ginagawa nilang walang

kabuluhan ang pagdaan ng mga araw, hanggang sa malulong sila sa

masamang bisyo.

Iba’t ibang pananaw sa buhay ang aking mga nakapanayam. “Ang mga

kabataan nga naman.”

Page 10: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

KABANATA IV

PRESENTASYON AT INTERPRETASYON NG

MGA DATOS

Page 11: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

Nagkaroon ako ng masusing pananaliksik at sa pamamagitan nito ay

nalaman ko ang kanikanilang saloobin. Ito ang naging resulta:

Walang budget o perang magugugol sa pag-aaral sa bahagdang

50%

Tinatamad silang pumasok = 25%

Pagkatapos ng Highschool ay maghahanap na lang ng

mapapasukan 25%

At ang huling panayam ay wala lang hindi interesado 5%

Makikita natin na ang may pinakamalaking bahagdan ng antas ay ang

kawalan ng budget. Bakit kaya, dahil ang kahirapan ang pangunahing

dahilan ng hindi pag-aaral ng mga kabataan. Halos kalahati sa mga Pilipino

ay mahihirap. Idagdag pa ang napakalaking populasyon ng Pilipinas, lalo na

ang mga lugar na tinatawag na “Depressed Area”

Sa aspetong tinatamad mag-aral halos kalahati ang sumagot. Bakit

kaya dahil kaya sa kung mayaman na sila ay hindi na sila magtatrabaho o

talang likas na silang tamad. Sa mga kabataang nakakuha ng 20 porsyento

na magtatrabaho na lang, nanaig pa rin sa iba ang magpatuloy ng pag-aaral

upang makakita ng maayos na trabaho. Wala lang trip lang 5 porsyento lang

ang kanila. Ito yung mga kabataan na walang ambisyon na gumanda ang

buhay. Sapat na sa kanila ang kumain ng tatlong beses maghapon,

maglibang at makipagbarkada.

Page 12: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Page 13: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

A. LAGOM

Wala ng hihigit pa sa ibang kayamanan ay ang Edukasyon. Ito ay hindi

mawawala, makukuha ng iba, hindi ito kasangkapan na nanakawin sa iyo,

masusunog at pakikinabangan ng iba. Ito ang tanging kayamanan na

ipinamana sa atin ng mga ninuno na dapat ingatan. Ngunit paano natin ito

iingatan kung ang mga kabataan mismo ay walang pagpapahalaga. Paano

sila magiging bahagi ng lipunan, paano sila makakatulong sa pag-unlad ng

lipunan ng pamahalaan, kung sila mismo ang sumisira nito. Kung babasahin

natin ang kahalagana ng edukasyon, na ang “Kahirapan ang Hindi Hadlang

sa Kinabukasan” Lagi natin tandaan na tayo ang gumagawa n gating sariling

kapalaran kaya kung anuman ang ating tatahakin ay nakasalalay sa ating

mga kamay at lagi tayong sasandal sa ating Panginoon sa lahat n gating

mga ginagawa dahil walang imposible sa kanya kung tama at nararapat ang

iyong ginagawa.

B. KONKLUSYON

Ang pangunahing dahilan kung bakit hindi sila nakapagpapatuloy ng

kolehiyo ay ang kakulangan sa pera dala ng kahirapan. Halos 50 porsyento

ng populasyon sa Pilipinas ay mahirap, walang mahusay na trabaho

maraming mga anak at karamihan ay mga hindi nagsi pag-aral man lang.

Ito’y malinaw na implikasyon sa panig ng mga magulang at pamahalaan.

Ang pagtutulungan ng bawat panig, kabilang na ang pagiging masigasig sa

pag-aaral ng isang bata ay isang impormasyong maaaring magpabago sa

isang kabataan.

Sa kabilang dako naman, kung ang isang bata ay determinadong

matuto, kahit ano pa ang sagabal o suliranin na darating sa kanyang buhay,

malalampasan nya at ipaglalaban niya para sa kanyang tagumpay.

Page 14: Bakit Marami Sa Mga Nakapagtapos ng Mataas na Paaralan Ang Hindi Makapagkolehiyo [Pananaliksik]

C. REKOMENDASYON

Mga mungkahing solusyon para sa mga suliraning natukoy o

natuklasan sa pananaliksik.

Magkaroon ng programa kontra sa kahirapan

Bigyan ng masusing Pag-aaral tungkol sa programang

pangkabuhayan para sa mahihirap na pamilya upang magkaroon

sila ng sapat na kita para matustusan ang kanilang mga anak sa

pag-aaral.

Ipatupad at magkaroon ang pamahalaan ng isang institusyon para

sa mga mahihirap na kabataan na gusting makatapos ng pag-aaral

ng walang anumang perang gugugulin. Kasama na dito ang mga

kagamitan sa eskwela.

Magkaroon ng programa para sa kabataang matatalino o Scholarship Program.