balagtasan

40
ARAL AT LIGAW LAKANDIWA Isang mapagpalang araw ang malugod na handog ko Sa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundo Mayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyo Apurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to: DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA: ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba? Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas na Ipahayag ang katwiran nang marinig ng balana. DAPAT Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang na May isip na tumutuklas at may pusong sumisinta Pag-aaral, panliligaw, magsabay man di problema Kaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera. HINDI DAPAT Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanungin Pag-aaral ang sya munang nararapat atupagin Saka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayin Ang panig na igigiit sakali at palahukin. LAKANDIWA Tuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahan Ang tagisan ng talino sa larangan ng katwiran Ang panig ng DAPAT muna una nating pakikinggan Salubungin nating lahat ng masiglang palakpakan! DAPAT (Unang Tindig) Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng Maykapal Magkasamang nilangkapan ng damdamin at isipan Kung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligaw Sana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay. Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibig Ang sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdib

Upload: azzir-serolf

Post on 22-Oct-2014

1.494 views

Category:

Documents


81 download

TRANSCRIPT

Page 1: BALAGTASAN

ARAL AT LIGAW

LAKANDIWA

Isang mapagpalang araw ang malugod na handog koSa lahat ng Pilipinong nagkalat sa buong mundoMayrong isang email message na natanggap ang lingkod nyoApurahang naghahanap ng sagot sa tanong na 'to:

DAPAT BA O HINDI DAPAT PAGSABAYIN ANG DALAWA:ANG MAG-ARAL AT MANLIGAW? Dapat o Hindi Dapat ba?Sa nais na makisali, ang tanghalan ay bukas naIpahayag ang katwiran nang marinig ng balana.

DAPAT

Ako'y isang mag-aaral na nasa hustong gulang naMay isip na tumutuklas at may pusong sumisintaPag-aaral, panliligaw, magsabay man di problemaKaya dapat ang syang panig na handa kong ibandera.

HINDI DAPAT

Bilang ama ng tahanan, kung ako ang tatanunginPag-aaral ang sya munang nararapat atupaginSaka na ang panliligaw, hindi dapat pagsabayinAng panig na igigiit sakali at

palahukin.

LAKANDIWA

Tuloy, kayo'y magsituloy upang ating umpisahanAng tagisan ng talino sa larangan ng katwiranAng panig ng DAPAT muna una nating pakikingganSalubungin nating lahat ng masiglang palakpakan!

DAPAT (Unang Tindig)

Nang ang tao sa daigdig ay nilikha ng MaykapalMagkasamang nilangkapan ng damdamin at isipanKung di dapat pagsabayin ang mag-aral at manligawSana'y isip na lang muna ang sa tao'y ibinigay.

Sa tahanan una munang namumulat sa pag-ibigAng sanggol na laging kupkop ng ina sa kanyang dibdibBago pa man makagapang, magsalita, magkaisipDama na ang pagmamahal ng magulang at kapatid.

Sa eskwela hinuhubog, pinapanday ang isipanMay subject na Health at P.E. para naman sa katawanMayroon ding Social Studies at iba pang pagsasanayUpang maging mamamayang responsable sa lipunan.

Page 2: BALAGTASAN

Kumpleto ang kurikulum upang tayo'y makumpletoSa paglago ng isipan, katawan at pagkataoKapag ang crush, o puppy love, o ang pana ni kupidoAy dumating, bahagi yan ng dapat na ikatuto.

Kaya kung ang estudyante ay pumorma at manligawWalang dapat ipagtaka pagkat ito ay normal langAng binatang umiibig, ang dalagang minamahalGanado at inspirado sa kanilang pag-aaral.

LAKANDIWA

Napakinggan nating lahat ang katwirang pumapanigNa DAPAT daw pagsabayin, pag-aaral at pag-ibigSunod nating tatawagin upang dito'y humagupitHINDI DAPAT, salubungin ng palakpak na mainit!

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Sinasabing mas madali sa tao ang maging henyoMatapos na magkamali at magbunga ng di gustoSa pangaral ng magulang na noon ay sinuway koMapait na kapalaran ang inaning pagkabigo.

Pagtuntong sa kolehiyo, sa kaklase'y nahalina

Mas maraming oras kaming ginugol na magkasamaSa halip na makatapos ay maagang nag-asawaKaya high school diploma lang ang pwede kong iparanya.

Ngayon hirap na maghanap ng trabahong papasukanHirap akong matutustusan ang gastusin sa tahananKung sana ay inuna ko sa halip na panliligawAy nag-aral nang mabuti, mas malapit ang tagumpay.

Kabataang mag-aaral, isipin ang kasabihanHindi pwedeng magkasabay na sambahi't paglingkuranAng dalawang panginoon: ang puso at ang isipanMabuti pang pag-aaral na muna ang katutukan.

Ganito ang natutuhan sa minsang pagkakamaliNgunit kayong di pa huli, wag sayangin ang sandaliPag-aaral ay tapusin, panliligaw ay madaliLalo't ikaw'y tagumpay na't limpak-limpak ang salapi.

LAKANDIWA

Nakatapos ang unang round nitong ating balagtasanNa kapuwa nakatindig ang dalawang naglalabanHahayaan ko na silang magpambuno't magkagatanKababayan, isa pa ngang masigabong

Page 3: BALAGTASAN

palakpakan!

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Sa katalong nagkamali ng landas sa murang edadNanligaw at nag-asawa at maagang nagkaanakAt ngayon ay nangangaral upang kami'y di matuladAng tangi kong masasabi ay marami pong salamat.

Mag-aral at mag-asawa, mabigat ngang pagsabayinNgunit tila lumilihis yata kami sa usapinKaya upang di malito, akin munang lilinawinPanliligaw at di kasal ang paksa ng away namin.

Pag-aaral, panliligaw, kahit ito'y magkasabayDi masama hangga't kaming kabataang nagmamahalAy marunong na magdala, responsable, may paggalangMay ambisyong makatapos, at may basbas ng magulang.

Pag-aaral, panliligaw, kapag sabay na nagtagpoMaski harangan ng tabak ay tiyak na mabibigoHigpitan man ng magulang at bantaan ng paghintoTatakas at magtatanan, magkikita nang patago.

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Salamat din sa katalong niliwanag itong paksaPanliligaw nga't di kasal ang usapin mula't mulaAko lang ay nag-apura, prusisyong kayhaba-habaSa simbahan din ang tuloy, inunahan ko nang kusa.

Alalaon baga, kapag sinabay sa pag-aaralIyang gawang panliligaw, ang tuloy din ay sa altarKaya upang makaiwas sa di-planong kalagayan,Pag-aaral muna sana ang unahin, bago ligaw.

Totoo ngang inspirasyon ang katipang iniibigNgunit ito'y totoo rin: pag sya'y laging nasa isipAt sa kampus ng eskwela hanggang labas ay kadikitMga leksyon at assignments ang tuluyang nawawaglit.

Ang magulang na kawawa at subsob sa hanapbuhayNangungutang ng pang-tuition, pambaon sa araw-arawUmaasang anak nila ay gagradweyt balang arawIyun pala'y winawaldas ang oras sa panliligaw.

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang hirap sa gumagawa ng mali at nagsisisiGinagawang pamantayan ang nangyari sa sariliGayong noong kabataan siya mismo

Page 4: BALAGTASAN

ay rebeldeAt hindi nya alintana ang magulang na nagsabi.

Mangyari nga'y noon, ngayon, at hanggang sa hinaharap,Hindi pwedeng magkabula ang sinulat ni BalagtasPag pumasok daw sa puso ng sinuman ang pagliyagMasunod lang ay sukdulang hahamakin lahat-lahat.

Sa halip na kabataang mag-aaral ay pigilinSa pagligaw na lalo lang sasadlak sa panggigigilBakit hindi na lang sila pabayaang balansehinAng kaway ng karunungan at ang tibok ng damdamin?

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Ang sariling karanasan ay akin at akin lamangAt di layong ipanggiit na sukatan ng sinumanBinabanggit ko lang rito sa pag-asang kapulutanNg aral at halimbawa ng musmos pang kabataan.

Pagmasdan mo ang paligid, talamak ang kahirapanKaraniwang ugat nito'y kawalan ng hanapbuhayAng totoo ay marami ang trabahong naghihintayNgunit ito'y nakalaan sa may college diploma lang.

Di hadlang ang kahirapan kung

hangad ay edukasyonDi sagabal ang itsura o ang utak na mapurolSubalit ang panliligaw na kapatid ng bulakbolMaternity sa halip na college degree ang katugon!

DAPAT

Panliligaw samantalang nag-aaral ay magandaKapwa namin natitimbang ugali ng isa't isaKung kami ay maka-gradweyt, magtrabaho, mag-asawaSa pagharap sa dambana, walang puwang ang pangamba.

Ang manligaw samantalang nag-aaral ay tama langPagkat minsan lamang kami dadaan sa kabataanAanhin ang kayamanan sa oras ng katandaanKung kulubot na ang mukha't walang gustong magpaligaw?

HINDI DAPAT

Maganda nga kung gagradweyt muna bago mag-asawaNgunit ating nababatid na di ganyan ang resultaMaraming di makahintay sa pagmartsa nang may togaDahil labis na nabuyo, sa damdamin nagpadala.

Ang ganito'y maaaring iwasan kung panliligawAy di muna isasabay samantalang

Page 5: BALAGTASAN

nag-aaralPrayoridad ang syang susi sa pangarap na tagumpayTagumpay na ihahandog sa katipang naghihintay.

DAPAT

Katipan ay nakahandang maghintay sa pagtataposNgunit iyang panliligaw ay di dapat ginagaposWalang taong nag-aaral na ang puso'y di tumibokHindi pwedeng paghintayin ang pag-ibig pag kumatok.

HINDI DAPAT

Ang mag-aral at manligaw kung parehong pagsabayinMahahati ang atensyon dahil kapwa agaw-pansinKung mabigo sa pag-ibig, baka ikaw pa'y maglasingMauuwi lang sa wala ang pangarap at mithiin.

DAPAT

Mas mabuti ang umibig at mabigo kahit minsanKaysa hindi nakaranas na umibig kahit kaylan!

HINDI DAPAT

Ang lahat ay may panahong kanya-kanyang nakalaanPanahon sa pag-aaral, panahon sa

panliligaw!

DAPAT

Ang mahuli sa pantalan, ang daratna'y baling sagwan!

HINDI DAPAT

Ang lumakad nang matulin, malalim kung masugatan!

DAPAT

Dapat silang magkasabay!

HINDI DAPAT

Dapat silang ipagbawal!

LAKANDIWA

Tumigil na kayong dal'wang umuusok na ang tuktokSumapit na ang sandali upang tayo'y magkataposIgagawad ko ang hatol, ngunit bayang nanonood,Palakpakan muna natin ang makatang nagpanuntok!

Sino'ng dapat na tanghaling kampeon nitong balagtasan?Walang dudang kapwa sila magagaling mangatwiranKaya itong aking pasya: Sila'y patas, tabla lamangMuli nating paulanan, malutong na palakpakan!

Page 6: BALAGTASAN
Page 7: BALAGTASAN

MATALINO VS> MAYAMAN

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Muli ang Balagtasan ay sumasahimpapawidKababayang minamahal, ilakas ang radyo't makinigDalawang magaling na makata, Balagtasa'y ihahatidMagandang gabi po muna sa lahat ang bati naming matamis.

Kami po'y muling maghahandog sa inyo ng kasiyahanUpang ang pagod ninyo sa trabaho ay maibsanGinaganap natin ito bawat unang Lunes ng buwanAng tagisan ng katuwiran na kung tawagi'y balagtasan.

Para kay Ginoong Robert Generao ng FT ConstructionTugon sa katanungan niya'y igagawad namin ngayonMarami pong salamat sa panawagang kanyang tinugonAng paksang iminungkahi niya'y idadako sa kuwestyon.

Si Ka Domeng po ito, ang inatasang maging LakandiwaNa siyang papagitna at hahatol sa dalawang maghihidwaPara naman inspirado, ang kaba ko ay mawalaMaaari bang makahiling ng palakpakang masagana!

Sa matunog nyong palakpak, ang sukli ko ay salamat

Dalawang angkan ni Balagtas ang siya ngayong maghaharapAng tagisan ng talino ngayong gabi'y magaganapPakinggan nating mabuti nang maunawaan nyong tiyak.

Akin na pong ihahayag ang paksa ng balagtasanNa ang tema'y sino nga ba ang mas sikat at higit na hahangaan?Ang may angking likas na talino o ang isang mayaman?Ating sasagutin ngayon nang malutas ang katanungan.

Matapos na maihayag ang katanungang tutuguninAng dalawang maghihidwaan ay atin nang palitawinSi Juliet Asenita ang siyang unang tatawaginSa matunog na palakpak siya'y ating suubin! 

MATALINO (Pagpupugay)

Ang likas na kakayahang taglay ay walang katumbasKaya sa matalino ang mariin kong sagot na ihahayagPero bago muna, hayaan nyo bati ko'y maigawadMaligayang pakikinig, magandang gabi po sa lahat. 

LAKANDIWA

Taga-Dupax, Nueva Vizcaya po ang black byuting paralumanLikas sa dugo't lahi niya ang walang takot kung lumaban

Page 8: BALAGTASAN

Pakinggan naman natin ang makatang makakapingkianIniwan niya ang mag-iina upang tayo'y matugunan.

Taga-Binan, Laguna po ang haharap na makataNakilalang magaling din sa larangan ng pagtulaSi Ralph Pulmano po, guwapo na may itsura paSalubungin natin siya ng palakpakang masagana! 

MAYAMAN (Pagpupugay)

Salamat po, Lakandiwa at sa bayang nakikinigAko po ay bumabating buong galak, kinikilig!Sa kalaban ko po namang madilim din yaong kutisKung sya po'y sa matalino, sa mayaman ako'y bilib. 

LAKANDIWA

Sa pagpapakilala pa lang sa dalawang magpipingkianAy tila ba mainit na ang kanilang labananPara naman ang pananabik nyo ay hindi mabitinSila pong dalawa ay atin nang pagitnain. 

MATALINO (Unang tindig)

Musmos pa man tayong bata'y pangaral na ng magulangAng talino'y kabahagi sa magandang

pamumuhayIto'y isang katangiang tataglayin habang buhayKarunungan ay hagdanan sa pag-abot ng tagumpay.

Ang bansa ay umuunlad kung dito'y nanunungkulanMalawak ang nababatid, di kapos ang kaalamanNgunit kung ang namumuno'y masalapi ngunit mangmangMagagapi ang pag-asa ng kanyang sinasakupan.

Sa karandamang mapanganib, lalapitan ba ay sino?Di ba dalubhasang duktor sa lunas ay sigurado?At sa mga paaralan, nagsisilbi'y mga guroDunong nila ang sandata nang tayo ay mapanuto.

Sariwain naman natin sa gunita ang lumipasSa dayuhang mananakop lumaya ang PilipinasIto'y dahil sa utak ng isang henyo at pantasKay Gatpuno Jose Rizal na dunong ang itinumbas.

Maliwanag ang sagot ko sa tanong na tinutugonAng marapat na hangaan ay yung mga marurunongKahit ikaw ay mayaman, kung ulo mo ay mapurolKasikatan ay mailap, salapi man ay igugol. 

LAKANDIWA

Page 9: BALAGTASAN

Ang panig po ni Juliet ay narinig ninyoHigit na sisikat at hahangaan ay itong matalinoPakinggan naman po natin ang makatang si Ralph PulmanoIhatid po natin siya ng palakpakang masigabo! 

MAYAMAN (Unang tindig)

Kalaban kong paraluman ay masyado pong seryosoBaka labis pong magdamdam kapag dito ay nataloYamang paksa nami'y tungkol sa mayama't matalinoHayaan nyong sa inyo po ako muna ay magkwento.

Ang pulubing matalino at mayamang di marunongIsang araw ay nagtagpo sa labas ng MandaluyongMayaman ay walang kaya sa diskurso at diskusyonPagsapit ng tanghalian, matalino ang syang gutom.

Sa byahe ng Continental Airlines, minsan, nagkatabiMatalinong contract worker at mayamang negosyanteAng bitbit ng matalino'y diploma at pasaporte,Ang mayaman, pasalubong na pinakyaw sa Duty Free.

Matalino'y nag-aabroad, tinitiis yaong hirapMayaman din, nag-aabroad, para naman magpasarapSino nga ba sa dalawa ang mas

lamang at mas sikat?Kahit sa tulad kong mangmang, ang sagot po'y maliwanag.

May oras pa, katalo ko, upang ikaw'y makaatrasBalutin na ang dila mo habang di pa nagkakalatBalagtasa'y hindi laging labanan ng mauutakKung minsan din, nagwawagi'y ang makatang may pambayad! 

LAKANDIWA

Iyan po ang katuwiran ng makatang taga-BinanLalo daw sikat at dapat hangaan ay yung mga mayayamanAt para naman lalo nating ito'y maunawaanMagpapatuloy po sila at atin namang palakpakan! 

MATALINO (Ikalawang tindig)Malabo po ang pananaw sa tunay na nagaganapNitong aking katunggaling panalo ang siyang hangadMagagawa bang gutumin ang may utak at ng lakas?O baka po nagbibiro dahil siya ang babagsak!

Marunong ang naglilingkod sa negosyo ng mayamanUpang lalo pang lumago sa panahon mang daratalAno kayang mangyayari kung wala yaong may aral?Baka itong masalapi'y hahantong sa basurahan.

Page 10: BALAGTASAN

Ang dalawa'y naisipang mag-aplay patungong langitAng marunong ay pumasa sa ginawang pagsusulitNang mayaman ay lumagpak, kay San Pedro iginiitLimpak-limpak niyang salapi, sa impyerno siya'y napiit.

Yaman ba ang magdadala sa tugagog ng pangarap?Ang kinang ba ng salapi sa paghanga ay pambihag?Dahil yata puro pera sa katalo'y nasa utakPati yaong baluktot na'y tuwid pa ring sinusulyap. 

MAYAMAN (Ikalawang tindig)

Katalo ko'y kay-aga pong kasalana'y 'kinumpisalInamin pong ang may aral, lingkod lamang ng may yamanPag nagsara ng negosyo ang mapera't may puhunanAng kawawa'y ang marunong na kawaning swelduhan lang!

Bilib ka sa matalino, ganyan din si Eba't AdanParaiso'y nakamtan na, wala pa ring kasiyahanSa hangad na magmarunong, nilabag ang kautusanPati dunong ng Maylikha ay nais na mapantayan!

Kahit ubod ka ng galing at nuno ng karununganYagit ka ring ituturing hangga't di ka yumayaman

Ang taginting ng salapi ay musika sa lipunanPag tama mo sa swipistik, daig mo pa ang superstar!

Kayamanan, pag labis na, marami ang natutuwa,Matatag ang ekonomiya, masagana itong bansaAng dunong ng isang tao, pag sumobra ay masama,Sa mental po humahantong, nagbibilang na ng tala! 

LAKANDIWA

Sandali muna akong sa labanan ay papagitnaAng sagutan ng dalawa'y nagiging pabigla-biglaPara bang mga teksas, sa kulunga'y nagwawalaSa pagnanais na makasipa at makatuka!

Ang nais ko't hiling sa dalawang naghihidwaSana ang hinahon sa inyo'y hindi mawalaMuli ay tumindig at sa labanan ay pumagitnaIhatid naman natin sila ng palakpakang pampasigla! 

MATALINO (Ikatlong tindig)

Mahirap pong umunawa ang makatang mukhang peraAng sabi ko, ang may aral, sa mayaman ang nagdadalaKung sa mental humahantong ang may dunong na sumobra

Page 11: BALAGTASAN

Sa walang alam pagkat tanga, may ospital nga ba kaya?

Sobrang silaw sa salapi ay malaking kapintasanPagkat walang itatangi kundi yaong kumikinangDahil dito'y nalilimot sa puso ang kabutihanNang dahil din po sa pera, nandyan ang kapalaluan.

Ang buhay natin sa mundo, kung inabot ng finished contractKaluluwa ng may dunong sa langit ay natitiyakDahil sinamba ng mayaman, ginto, salapi at pilak,Na-cancel ang entry permit, inabot ay hanggang ulap. 

MAYAMAN (Ikatlong tindig)

Wala nga pong pagamutan sa mapurol ang isipanDahil hindi pa po sira, pwede pa ring pagtyagaanAng malungkot ay sila pang ignoranteng kababayanAng madaling naloloko ng rekruter na maalam!

Hindi lahat ng may pera'y sumasamba sa salapi,Tulad ni Job, mas maraming sa D'yos Ama'y nagpupuriKalulwa ng may talinong sa kapwa ay nanduhangiMade-deport sa impyerno pagkat passport pala'y peke!

Tigilan na ang pagsabing matalino'y syang may dala

Sa mayaman, pagkat baka makulitan ang balanaPasalamat ka na lamang, kaydami ng may diplomaKinakalawang ang utak, walang trabahong makita! 

MATALINO

Katunggali ang nagsabing ang tanga ay nalolokoMatuwid ang kahulugang dapat magpakatalinoSi Abraham at Isaac maging si Job ay may uloKaya sila nagsiyaman, dahil hindi mga bobo.

Hindi ka ba nagtataka? Sikat ka't hinahangaan,Kahit ikaw ay mahirap, talino mo'y sa bigkasanTalo mo pa si Ayala, Sarmiento at Lardizabal,Marami sa 'yong nakikinig dahil sa iyong kaalaman! 

MAYAMAN

Bakit ko ba hahangaring ako'y maging marunong paGayong halos lahat naman, nabibili na ng peraTalino ng abugado, duktor, hilot, kumadronaAy may presyong kagaya rin ng kakaning tinitinda!

Sa labanang pasikatan, sino'ng unang papansinin?Sino nga ba'ng hahangaan kung dalawa'y pagtabihin?

Page 12: BALAGTASAN

Matalinong mukhang engot dahil pobre at gusgusin?O mayamang mukhang "genius", pagkat porma'y mamahalin? 

MATALINO

Di katumbas ng halaga ang magandang kaloobanIyan namang salapi mo'y palamuti lang ng katawanDi sa panlabas na anyo nakikita ang katinuanKundi sa gawa ng taong may inaangking kaalaman. 

MAYAMAN

Ako yata ay naligaw sa labanang napasukanAkala ko, paksa dito'y sino'ng sikat, hahangaan?Kayamana'y panlabas nga, sapagkat ang kaloobanAy di tayo ang hahatol, yan ay D'yos lang ang may alam! 

MATALINO

Sa landas mang pagkalinis, ang mangmang ay naliligawAng paghanga sa marunong, maingat sa daraanan! 

MAYAMAN

Ngayo'y di na mayaman ang binubugbog ng kalabanSa marunong versus mangmang napalihis ang usapan!

 

MATALINO

Kamangmangan ng mayaman ang siya kong tinutukoyMahirap makaintindi, kalaban ko'y nagmamaktol! 

MAYAMAN

Ako pa raw ngayon itong pang-unawa'y kinukulangMagkano ka? Sabihin mo, matahimik ka na lamang! 

MATALINO

Katalo ko'y di lang bobo, abusado pa rin pala! 

MAYAMAN

Sagot ko na ang ticket mo, may pam-pocket money ka pa! 

MATALINO

Marunong ang hahangaan, di mayamang walang alam! 

MAYAMAN

Sa gobyerno ay kaydaming matalinong magnanakaw! 

LAKANDIWA

Page 13: BALAGTASAN

Akin na pong pipigilin ang talaktakan ng dalawaAko namang Lakandiwa ang papasok sa eksenaAng hiling ko sa dalawang makata ay magkamay naAt sa inyo, mga kababayan, palakpakan muli sila!

Mahirap man ang humatol ay akin nang gagawinSa katwiran ng dalawa na mahirap arukinAt sapagkat ang dalawang ito'y kapuwa magagalingMarahil ay mahihirapan akong matuwid nila'y limiin.

Sa panig ng matalino na si Juliet AsenitaDahil daw sa talino, nakilala ang ating bansaTalino raw ang puhunan sa buhay ay pakikibakaMatalino raw ang siyang sikat at hahangaang talaga.

At si Ralph Pulmano po sa panig ng mayamanDahil daw sa yaman, sisikat ka at hahangaanAt kung mayaman ka, magpakahirap ay di na kaylanganTila may katwiran din ang makata ng Binan.

Kung ang talino'y ginamit sa mabuting paraanWalang pagsalang ito'y dapat nating hangaanNgunit kung ginamit ito sa kapwa ay panlalamangBagkus ay dapat pang ito ay pintasan.

Hahangaan mo rin ba ang isang mayamanKung wala namang malasakit sa kapwang nahihirapan?Datapwa't kung ang yaman ay ginamit sa katuwiranWalang pag-aatubili, sisikat siya at hahangaan.

Kung sa tugatog ng tagumpay ay marunong ang kailanganDatapuwat kakailanganin din ang puhunan ng mayamanYaman ang magpapakilos sa matalinong tauhanNgunit matalinong tauhan din, magpapatakbo ng negosyo ng mayaman.

Ang paksa ay sino nga ba ang higit na hahangaanAng may angking talino ba o ang isang mayaman?Narito ang hatol ko sa dalawang naghidwaan:Patas po ang naging laban, sila'y ating palakpakan

Page 14: BALAGTASAN

BABAE ANG MANLILIGAW

LAKANDIWA

Malugod na pagpupugay ang nais kong ipaabotSa lahat ng kababayang nakikinig, nanonoodSalamat sa kahiligan ni Vilma A. MalabuyocNg Laguna na nag-email ng usaping itatampok.

Dapat ba o hindi dapat na babae ay manligaw?Yan ang paksang tatadtarin sa sangkalan ng katwiranNa kilala at mas tanyag sa tawag na BalagtasanLumapit na't makilahok sa tulaan ang may alam.

DAPAT

Ako'y isang binibining nakahandang makitugonAt sa paksang nakasalang malinaw ang aking hamonBabae ay nararapat na manligaw, pagkat ngayonAng lahat ay nagbabago sa paglipas ng panahon.

HINDI DAPAT

Ako rin ay binibini, ngunit sa 'king pagmumuniBabae ay hindi dapat na manligaw, pagkat mali

Ang dalagang Pilipina ay likas na mayuyumi,Di magaslaw, matahimik, magalang at mapagtimpi.

LAKANDIWA

Malugod kong tinatatanggap ang dalawang paralumanNa kapuwa marurunong at bihasa sa bigkasanWag na nating patagalin, umpisahan na ang labanUnang tindig ay ang DAPAT, siya'y ating palakpakan!

DAPAT  (Unang Tindig)

Ang lola ng aking lola, may kapatid na dalagaNa dalaga pa rin kahit edad na ay ciento treintaPila-pila nanliligaw ngunit mahal niya'y ibaNa saksakan namang torpe, panay tingin lang sa kanya.

Kung lalaki'y ligaw-tingin, di marunong na magtapatAng babaeng umiibig, sya nang dapat magpahayagSa panahong makabago, may text, email, eyeball, at chatDi na uso ang pakipot, pa-cute, pasikret-secret love.

Kung babae manliligaw at lalaki ang sasagotMalaya ang isa't isang tanggapin ang niloloobMas mabuti ito kaysa sapilitang pananakot

Page 15: BALAGTASAN

Na kaya lang nagpakasal ang lalaki ay pinikot.

Hindi naman yata tama kung tanging may karapatanMagsabi ng niloloob ay ang kalalakihan langMa-lalaki, ma-babae, pantay lamang na nilalangMay puso at may damdaming kapwa marunong magmahal.

Nasa'n tamis ng pagsinta o hapdi ng pagkabigoKung di man lang naranasan pagkat lalaki ay dungo?O babae kahit gusto ay di naman makakibo?Ano'ng saysay ng mabuhay? Para saan pa ang puso?

LAKANDIWA

Mabibigat na katwiran ang kaagad ipinukolNg makatang nasa panig ng DAPAT ang pinagtanggolAng kaniyang katunggali, pakinggan natin ang tugonPalakpakang masagana ang sa kanya'y isalubong!

HINDI DAPAT  (Unang Tindig)

Ang lolo ng aking lolo ay may apong binatilyoHigh school pa lang marami ng tagahanga, isa ritoAy kaklaseng agresibo, nanligaw na'y siya mismoNang mabuntis, di gumradweyt, nag-iwan ng iskandalo.

Makabago na nga tayo sa gamit at kasangkapanModernong teknolohiya, mas asensong kaisipanNgunit hindi nagbabago ang pundasyon nating moralAng ugali at karakter ay di bagay na materyal.

Alalaon baga, kahit marami nang hindi usoMayro'n pa ring makalumang sariwa at laging bagoKagaya ng panliligaw, kahit tayo ang may gustoLalaki ang siyang dapat sumungkit ng ating "Oo."

Ang binatang namuhunan ng tiyaga't paghihirapUpang kamtin ang pag-ibig ng dalagang nililiyagSa puso ay iingatan ang matagal pinangarapKung magmahal siya'y lubos, habambuhay at matapat.

Mayro'n tayong kasabihan, pag patuka ang lumapitSinong manok ang tatanggi? Ito'y hulog na ng langit!Sa babaeng manliligaw, siguradong may sasabitNgunit dahil natukso lang at di tunay ang pag-ibig!

LAKANDIWA

Umpisa lang mainitan na kaagad ang bakbakanNg makatang magkaiba ng pananaw at katwiran

Page 16: BALAGTASAN

Sa susunod nilang tindig, sila'y aking hahayaanPaulanan nating muli ng masiglang palakpakan!

DAPAT  (Ikalawang Tindig)

Ang tangi kong masasabi sa estudyanteng nabanggitDi masama ang manligaw, ang di tama'y magpabuntisHiling ko sa katunggali, wag palitan itong topicHuwag sanang insultuhin ang utak ng nakikinig.

Tinukoy kong pagbabago'y tungkol sa nakagawianNoon, mga nagpupulis, sikyu, pawang lalaki langNgayon, may nurse na rin tayong baligtad ang kasarianKaya ano'ng kaibahan kung babae ang manligaw?

Noong una, iskandalo ang maraming nagaganapLumaon ay unti-unting niyakap ng komunidad:Babae ang nasa abroad, lalaki ang nagsisikapGampanan ang pagka-ina sa naiwang mga anak.

Kung tanggap na ng lipunan ang ganitong pagbabagoBabae man ang manligaw, wala itong malisyosoTamang gawa, laging mali sa mata ng suspitsosoKaya tuloy pati ating bansa ayaw umasenso!

HINDI DAPAT  (Ikalawang Tindig)

Palagay nang marami na ang babaeng nag-a-abroadAt ito ay tanggap na nga ng bayang naghihikahosBatid nating ito'y mali lalo't ating napagtuosAng bilang ng nawawasak na pamilyang lasug-lasog.

Ngunit aking ibabalik sa ligawan ang usapinHindi dapat ang babae ang magtapat ng paggiliwMay paraan siya upang maglambing at magpapansinMagpakita ng motibo, magparamdam, magpa-charming.

May batas na itinakda ang dakilang kalikasanPagmasdan mo ang paligid, marami kang malalamanBubuyog ang lumalapit, bulaklak ang naghihintayMay bulaklak bang nadapo sa bubuyog na may nektar?

Kung baligtad na ang mundo sa larangan ng pagsuyoBabae ang nanliligaw, lalaki ang inaamoDapat silang lalaki rin ang mag-meyk-ap, magpa-laypo,Paretoke ng katawan at mukha kay Doktor Belo.

DAPAT  (Ikatlong Tindig)

Halata nang nagigipit ang makatang katunggali

Page 17: BALAGTASAN

Dinadaan sa komedi ang katwirang maling-maliSa pag-ibig karapatan nating lahat na pumiliKarapatang walang silbi kung babae'y itatali.

Ang babaeng nakagapos sa tradisyong makaluma,Hindi pwedeng makaligaw, maghayag ng ninanasaBiktima ng kalupitan ng nagbatas na tadhanaNa siya ring nagkaloob ng puso sa 'sangnilikha.

Ang babaeng nagtatapat ng pag-ibig sa binataSa kabila ng paghatol ng lipunang mapangutyaAy higit kong igagalang kaysa mga nagkukunwa,Mga plastik, ipokrita, kabilaan pagmumukha.

HINDI DAPAT  (Ikatlong Tindig)

Mas bistadong nakokorner ang katalong paralumanSa init ng ulo pilit hinahatak ang labananBalagtasan, kagaya rin ng pag-ibig at ligawanAy di dapat dinaraan sa santuhang apurahan.

Ano na ang sasabihin ng balanang makakitaKung babaeng nanliligaw gabi-gabi'y pumopormaLunes kay Jun, Martes kay Bert, Myerk'les, kay George, etsetera?Sa lalaki ito'y okey... Sa babae? Ay

sus-barya!

Baryang-barya, murang-mura ang tingin nga sa babaeKung masyadong desperadong makabingwit ng lalakiPerang sugal, kung gastusin, walang halong pagsisisiPagsintang kay daling kunin, madali ring isantabi!

DAPAT

Labis namang pinababa ng katalong mapanghusgaAng halaga ng babaeng tapat lang sa sarili nyaMas mabuti na ang lantad sa ugali't pagpapasyaMay pag-asang lumigaya sa halip na magpantasya.

Buhay nga natin ay sugal, kung lagi kang tagatayaMas maliit ang tsansa mo di tulad ng nagbabangkaSa dalawang naghahanap, naghihintay ng biyayaMas higit na may pag-asa ang babaeng nagkukusa.

HINDI DAPAT

Ang dalagang Pilipina ay dangal ng ating lahiMatimtimang Maria Clara, buong mundo'y pumupuriAng nais ng ka-Balagtas ay baguhin ang ugaliItulad sa Kanluraning mas mababa yaong uri!

Page 18: BALAGTASAN

Sa Kanlurang Amerika, makabago na ang lahatTalamak ang teen pregnancy, diborsyo ay sangkatutakGanyan ba ang ninanais pausuhin sa pagpayag?Babae na ang manligaw sa modernong moralidad?

DAPAT

Katunggaling paraluman hanggang ngayo'y nakahawlaSa panahon ng Kastila nina Simoun at IbarraAng paksa ay tumutukoy sa kung dapat, di dapat baNa manligaw ang babae - ngayon! Hindi nu'ng una pa!

HINDI DAPAT

Noong una pa at ngayon, ang sagot ko ay iisa:Hindi dapat na manligaw ang babaeng PilipinaMas matamis ang tagumpay ng nagpagod na atleta,Mas dalisay ang pagsuyong di nakuha basta-basta!

DAPAT

Matamis lang ang pag-ibig sa babaeng niligawanNg lalaking nagkataong kanya mismong napusuanNgunit dulot nito'y pait sa dalagang matimtimanNa di pansin ng binatang lihim niyang inaasam!

HINDI DAPAT

Hindi dapat manibugho ang babaeng di pinansinParehas lang naman sila ng lalaking gumigiliwNa kahit may karapatang pumili ng susuyuinKung biguin ng dalaga'y nagdurugo ang damdamin!

DAPAT

Hindi patas na lalaki lamang ang may karapatanAng babae ay dapat ding bigyang-laya sa pagligaw!

HINDI DAPAT

Kung paanong mayro'ng Ama at may Ina ang Tahanan,May lalaking manliligaw, may babaeng liligawan!

DAPAT

Sa panahong makabago ay di na uso ang ganyan!

HINDI DAPAT

Laging uso kahit kaylan ang mabuti't tamang asal!

DAPAT

Page 19: BALAGTASAN

Dapat babae manligaw!

HINDI DAPAT

Maghintay kang maligawan!

LAKANDIWA

Sa ayaw at sa gusto nyo, ako naman ang papakliUpang kayo'y awatin na sa labanang tumitindiKayo muna'y magpahinga, magpalamig sumandaliKabayayang minamahal, palakpakan silang muli!

Babae ba'y nararapat na manligaw? Yan ang tanong.Sino nga ba ang nagwagi at dapat tanghaling kampeon?Kayong mga madlang people ang bahala nang humatolPagpalain tayong lahat ng Dakilang Panginoon.

Page 20: BALAGTASAN

MAGANDA vs. Pangit

LAKANDIWA (Panimula)

Malugod na nagpupugay sa balanang nanonoodAt sa mga nakikinig itong aba ninyong lingkodSa tagisan ng katwiran ng dalawang magsasalpokNarito ang paksa ngayong sa bayan ay idudulog:

Halimbawang dalawa lang ang pupwedeng pagpilianSino ang yong iibigin, yayayaing magpakasal —Ang tao bang PANGIT ngunit may magandang kalooban?O itsura'y MAGANDA nga, ang ugali'y pangit naman?

Yamang inyong nabatid na ang paksa ng pagtataloSimulan na agad natin ang bakbakang todo-todoSi GONIE T. MEJIA po ang syang unang magbebersoIsalubong sana ninyo'y palakpakang masigabo! 

GONIE MEJIA (Unang Tindig)

Tinatangay ng panahon, bawat angking kamusmusanUpang tayo ay idako sa panahong kabataanPag-usad ng mga taon, pagsapit sa wastong gulang,Bawat isa'y hahanap ng sa buhay ay makakatwang.

Pag-aasawa'y di biro, di raw kaning isusuboNa dagliang iluluwa kapag ikaw ay napasoPagsisisi ang katugon kung ang pinili ng pusoPanlabas na kagandahan, kalooba'y di matanto.

Higit ko pang pipiliin ang babaeng di magandaNa mayroong kaloobang butihin sa pagsasamaKaysa isang maalindog ang panlabas na itsuraNgunit huwad ang damdamin, ang puso at kaluluwa.

Aanhin ko'ng kagandahang nagmamaliw, kumukupasSa buhay ko'y magpapako sa dusa at paghihirap?Dama ko lang ang ligaya kapag siya ay kayakapKapalit ng pagtitiis habang buhay, hanggang wakas.

Tuwiran kong sinasabi, walang bahid alinlanganPangit man ang liliyagin, ligaya kong tinatanawMasakit man sa paningin, Bakekang ang kagandahan,Buong tapat mamahalin kung ginto ang kalooban. 

LAKANDIWA

Si Gonie ay sumandaling aawatin ko po munaSapagkat ang kalaban nya'y nagwawala kanina paSi RAFAEL A. PULMANO na makata ng

Page 21: BALAGTASAN

LagunaSalubungin din po natin ng palakpak na masigla! 

RAFAEL PULMANO (Unang Tindig)

Nabigyan po ng pag-asa ni Gonie ang mga pangitNa sa balagtasang ito'y marami ang nakikinigPaumanhin, ang mang-uto ng kapwa ay di ko hiligKung ano ang nasa dibdib ay syang tulak niring bibig.

Kahit na nga panlabas lang at batid kong lilipas din,Kagandahan ang hanap ko sa babaeng iibiginMatapunan lang ng ngiti at magiliw nyang pagtinginHindi lamang parang Langit, damdam ko pa'y nasa Heaven.

Ang mata ay tinuturing na bintana ng kalulwaBibliya po ang may sabi, at mayroon ding nagwika,Kung ang mata ay ginawa upang tao'y makakitaHindi siya masisisi kung sa ganda mahalina.

Si Gonie po ay walang taste kaya di ko masisisiNgunit kayong merong isip na sa laban sumasaksi,Limiin nang buong ingat ang kanya pong sinasabiAt tugunin ang tanong ko upang tayo'y magkaigi.

Paano ka maglalambing at hahalik

nang lips-to-lipsSa babaeng nguso'y biyak, ngipin — bungi, dila'y lawit?Ang laway ay tumutulo, ang ilong ay korteng atis?At ang matang mapupungay ay maghapong nakatirik? 

GONIE MEJIA (Ika-2 Tindig)

Tumpak nga ang mga mata'y bintana ng kaluluwaIto din ang magsasabing dustain mo ang makitaBibliya rin po ang nagwika, kung magkakasala'y mata,Dukutin mo ito pagkat mas mainam pang bulag ka.

Ako daw po ay walang taste at wala ding kaisipanHindi kaya kay Rafael nababagay ang paratang?Malinaw ang aming paksa, ngunit siya'y nanlalamangDinako ang aking panig sa di dapat kapuntahan.

Iibigin ko ay pangit na may gandang kaloobanSa sandali pong panahon, umiba na ang usapanPagkat po iginigiit sa hinayag na katwiranAy babaeng walang silbi na tila ba isang bangkay.

Sa mabunying Lakandiwa, hukom nitong balagtasan,Hanggang saan ba ang limit ng sinabing kapangitan?Hinihiling ko po ngayon, kayo sana'y mamagitan

Page 22: BALAGTASAN

Upang akin pong matiyak ang panig kong ilalaban. 

LAKANDIWA (Paglilinaw ng Paksa)

Sa hiling ng taga-Tarlac na makatang si Gonie poAko ngayo'y papagitna hindi upang sumakloloLilinawin lang po natin ang sakop ng paksa't isyuNa pinagdidiskusyunan ng dalawang nagtatalo.

Hindi ako, kundi kayong pumasok sa tunggalianAng bibigyan ko ng laya upang lagyang-kahuluganAng salitang "PANGIT" maging panloob o panlabas manWalang limit, walang bawal, ang matira ay matibay.

Si Rafael ang syang muling papagitna at babanatAt yayamang di na pwedeng si Gonie ay makaatrasSila'y aking hihilingang magkamay na't forget the pastKayo namang madlang people magpaulan ng palakpak! 

RAFAEL PULMANO (Ika-2 Tindig)

Katunggali ko po pala'y sumbungero at iyakinSumusugod nang di batid ang peligrong susuunginAng paksa ay malinaw pa sa bituing nagniningningDi lang mata, pati utak, dapat na nyang paiksamin.

Pinipili niyong pintor ang larawang iguguhitPihikan din ang eskultor sa modelong iuukitManunulat, kompositor — lahat sila'y nagnanaisNg magandang inspirasyon, inspirasyong hindi pangit.

Naturingang makata po at alagad sya ng siningMay damdaming pag pinukaw ng marikit na tanawinAy kaagad nagaganyak na lumikha ng awitinBakit ngayo'y umaayaw sa magandang ginigiliw?

Kung ang unang halimbawa'y di matanggap ni GorgonioDahil anya tila bangkay, walang silbi, inbalidoEh, kung maging kabyak niya'y mukhang tsonggong alimangoHindi po ba ang kawawa'y magmamanang anak, apo? 

GONIE MEJIA (Ika-3 Tindig)

Kung magandang kalooban ng anak ay mamanahinKapurihan ng magulang, babaunin hanggang libingKung panlabas nga ang ganda ngunit asal ay maitimAng tanong ko'y simple lamang, may langit bang mararating?

Laman yaong iniibig nilang maang sa pagsintaPanlabas na katangian ang halagang sinasamba

Page 23: BALAGTASAN

Lalaki man si Tyu Paeng ay di ako magtatakaKung sa loob ng tahanan ay siya ang nakapalda.

Parang aso si Tyu Paeng pag tinawag ng asawaBuntot ay kakawag-kawag sa dagliang pagtalimaGanyan po ang nabibihag sa panlabas na hitsuraMga takot maragdagan yaong blackeye po sa mata. 

RAFAEL PULMANO (Ika-3 Tindig)

Saan kaya napulot po ni Gonie ang kaisipanNa ang misis, pag maganda, ang mister ay ander naman?Nabisto po tuloy yaong makahari niyang asalSerbisyo ang habol pala sa asawang mukhang aswang!

Sa tanong nyang may langit bang naghihintay sa maganda?Hindi po ba ang naroo'y mga anghel, santo't santa?Samantala, yaong pangit, impakto at impaktitaNaron lahat sa impyerno, sama-samang tinutusta!

Ngunit kami'y nalalayo sa paksa ng pag-uusapSino nga ba sa dalawa ang mas type mong maging kabyak?Ang sa akin — yung maganda maski ugali ay palpakAko rin ay di perpekto, kapwa kami mag-a-adjust. 

GONIE MEJIA

Sa Kaharian ng Diyos, ang doon ay tinatanggapAng inaglahi mong pangit, sa utos Nya ay tumupadKaawaawang Rafael, di batid ang nasa Aklat Namumuhi pati Langit sa gaya nyang utak-palpak!

Sa piling ng isang pangit ang buhay ko'y maligayaMalingap sa kabuhayan, sa tahanan at pamilyaMay mababang kalooban, may pakundangan sa kapwaDi suwail, lapastangan, tsismosa at bungangera! 

RAFAEL PULMANO

Nangingitim na sa galit kaya hindi nakikitaBawat suntok ng katalo'y sa kanya rin tumatamaInaglahi ang giliw ko't iniangat yaong kanyaMaligaya raw sya, ngunit, halata mong nagdurusa!

Ang ugali, kahit anong sama'y pwedeng magbago paAt pag tunay na nagbago, sagad hanggang kaluluwaAng itsura, ipa-plastic surgery ma't mapaganda,Ganda'y huwad, hindi tunay, synthetic, fake, walang kwenta! 

GONIE MEJIA

Page 24: BALAGTASAN

Pag gumanda na ang pangit at bumait ang masamaSaka ko na sasabihing malaya na ang Takusa Ang magdusa'y di ko batid sa mabait na asawaSa buhay ko'y kabalikat sa hirap man at ginhawa. 

RAFAEL PULMANO

Tamang hindi nababatid ni Gonie ang pagdurusaPano'y asawa nyang pangit ang sa bahay ay muchachaKung sabagay, okey na rin kung type nya ay mukhang bruhaAng pangit ay sa kapwa raw pangit sanay makisama. 

GONIE MEJIA

Ang kamelyo sa butas daw ng karayom ay lulusotKami pa bang inapi mo na may iwing gandang loob? 

RAFAEL PULMANO

Ang ilaw ay hindi dapat na itago, ani Jesus Gaano pa iyang gandang Dyos mismo ang may kaloob? 

GONIE MEJIA

Kagandahan ang kaloob, hindi asal na balakyot! 

RAFAEL PULMANO

At ang ganda, hindi asal, ang sa puso'y nagpatibok! 

GONIE MEJIA

Tibok ng puso ay bulok! RAFAEL PULMANO

Dahil pangit ang yong irog! 

LAKANDIWA (Pangwakas)

Hinto! Tigil! Para! Stop na! Magsitabi muna kayoAng oras nyo'y naubos na, ang sisingit nama'y akoSa lahat ng nanonood, nakikinig, ang hiling koPalakpakan nating muli si Mejia at Pulmano.

Sa tao bang pangit ngunit may magandang kalooban,O itsura'y maganda nga, ang ugali'y pangit naman,Sino nga ba'ng iibigin, yayayaing magpakasal?Ang magpasya'y kayo, Bayan! Paalam na... See you next time...

Page 25: BALAGTASAN

Mahal mo vs. Mahal ka

LAKANDIWA (Panimula)

Sa pagbukas nitong tabing na hudyat ng pasimulaNg tagisan ng talinong paborito nating madlaAko muna'y bumabati sa inyo at, harinawa,Tanggapin ang malwalhating pagpapala ng Lumikha.

Paksa nating hihimayin sa sangkalan ng katwiranAy kung sino sa dalawa ang handa mong pakasalan:Taong mahal mo nang labis ngunit di ka minamahal,O labis na nagmamahal sa yo, di mo mahal naman?

Unang tindig at hahataw ay batikang manunulaAng Hari ng Balagtasan na sa Tarlac pa nagmulaGonie Mejia ang ngalan... Isa nga pong pampasiglaPalakpakan natin siya pagkat iyan ang syang tama! 

GONIE MEJIA (Unang Tindig)

Kapag puso ang nag-utos at nasunod yaong nais,Ang mabuhay ay marangal sa piling ng nilalangitSubalit kung makakatwang, yaong hindi iniibig,Tagumpay sa pagsasama, may

kapisang hapdi't pait.

Pag-aasawa ang wika nga'y hindi kaning isusuboNa dagling mailuluwa lalo't ikaw ay napaso;Paano ba lalambingin ang hindi mo pinintuhoKung ang damdamin ay tutol, umaayaw pati puso?

Malinaw po ang panig kong daan sa pag-aasawaSa dambana'y ihaharap ang labis kong sinisintaPagkat ayaw kong mabulid sa lagim ng pagdurusaKasamahin ang babaeng sa buhay ko'y di sinamba.

Dahil itong katalo ko ay salungat ang tahakinHindi ko na pagtatakhang balang araw sya'y mabaliwPagkat higit nyang pinili ang di tugon ng damdaminSa mali nyang kapasyahan, sarili ang sisisihin.

Sa piling ng aking mutya, habang ako'y maligaya,Si Raffy ay nagmumukmok, luhaan ang mga mata;Habang ako, sa liwanag ng buwan ay nagsasaya,Si Raffy ay nakapikit, nagbibilang po ng tala! 

LAKANDIWA

Si Gonie po'y nagsulit na ng katwiran sa publikoPakinggan po naman natin si Rafael A.

Page 26: BALAGTASAN

PulmanoSa Laguna pa po galing; makunsyensya naman kayo,Isalubong agad sana'y palakpakang masigabo! 

RAFAEL PULMANO (Unang Tindig)

Sa amin pong munting bayan ay may isang hampaslupaPalaboy at sadyang yagit, tampulan ng alipusta;Ngumiti ang kapalaran, umasensong biglang-biglaNang pakasal sa babaeng ekta-ektarya ang lupa.

Doon din po sa 'ming bayan ay may pinag-isang dibdibMga mata ng babae'y mugtung-mugto sa pagtangisAng lalaking nahumaling sa kanya nang labis-labis,Nakagawa ng di wasto masungkit lang yaong langit.

Ang pananaw ko'y praktikal — mas higit pang nanaisinNa makasal sa babaeng sa 'kin, labis ang pagtinginUmulan man o umaraw, bumagyo man at humangin,Panatag ang aking loob, siya'y akin, aking-akin!

Samantalang si Gonie po, nasa piling na ang sinta,Patuloy pang umaasa't nabubuhay sa pantasya;Nagsasaing, nagluluto, naglalaba, namamlantsa,Nag-iigib, nanunuyo... sa takot na layasan sya!

Ang babae'y parang prutas, kahit na katakam-takam,Mapakla at walang tamis kung hinog nang sapilitan;Si Gonie po, namimilit kahit mutya'y umaayaw,Ako'y hindi! Mahirap nang matulad kay Echagaray! 

LAKANDIWA

Mababagsik ang katagang kapwa nila binitiwanGayong nasa unang yugto pa lamang ng paglalabanSi Gonie ang muli ngayong papagitna sa tanghalanKaya ang akin pong hiling: Palakpakan Natin, Bayan! 

GONIE MEJIA (Ika-2 Tindig)

Ligaya kong tinatanaw ang sinta ay pagsilbihanAng gawin ang nararapat ay isa kong katungkulanNgunit di ko magagawang hangarin ang kayamananNg babaeng hindi tibok ng puso kong iisa lang!

Napilitan man ang dilag sa akin ay magpakasalDahil ako ay lalaki, handa akong mapulaan;Sa pagbigkas ng "Yes, I do" ni Rafael don sa altar,Baka naman sa likod po nakaamba ang balaraw.

Ang pagpatol ng lalaki sa babaeng

Page 27: BALAGTASAN

hindi gustoMasakit man pong tanggapin, dalawa ang tinutungoIsa dito ay ang yaman ng babaeng sumusuyo,Ikalawa'y kasikatan, makilala sa publiko!

Dahil ako ay naglingkod sa maganda kong asawa,Sa pagpanaw ko ay tiyak, sa langit ang aking punta;Kung si Raffy hahanapin at doon ay di makitaPagkat iba ang hinangad, t'yak nandoon sa kabila! 

LAKANDIWA

Bawat tugong binitiwan ni Gonie ay tila sibatMatulis at wari bagang pag tumama'y todas agadTingnan natin si Rafael kung mahusay sa pagsalagPalakpakan natin upang mas ganahan sa pagbigkas! 

RAFAEL PULMANO (Ika-2 Tindig)

Masaya raw si Gonie po na ang sinta'y paglingkuranNgunit ano'ng silbi nito kung sinta ay nasusuklam?Ang hayop nga, pakanin mo't pag di gusto, umaangal,Di lalo pa tayong taong ang puso ay di laruan!

Si Gonie po'y aminado, pinilit lang ang babaeNa pakasal kahit ito sa kanya ay

diring-diri;Palibhasa, ang hangad lang ay ligayang pansarili,Wala siyang pakundangan kung may kapwang naaapi!

Kaya nga ang katalo ko'y hindi dapat kasiguroNa pagpanaw sa daigdig, sa langit ang kanyang tungo;Ako itong matulungin, mapagbigay, pasensyosoKung asawa'y liligaya, maligaya na rin ako.

Nagpakasal man kay Gonie ang babaeng sinasambaMay halaga naman kaya ang sumpaan nilang dalwa?Ang babae, pag nagtaksil, pagkat mahal niya'y iba,Sino'ng dapat na sisihin? Kayo, Bayan, ang humusga! 

LAKANDIWA

Lumalaon, umiigting pang lalo ang patutsadaNg dalawang walang balak padaig sa isa't isa.Sa ikatlong paghaharap, hahayaan ko na silaHahayaan ko rin kayong pumalakpak — kung pwede pa. 

GONIE MEJIA (Ika-3 Tindig)

Sa pinilit na babae, alay ko ay karangyaanAt matapat na pag-ibig, abot hanggang kalangitanSi Rafael na pinikot, tinakot at

Page 28: BALAGTASAN

tinutukanAnong uring pag-ibig ang idudulog kay Bakekang?

Ang giliw ko'y hinding-hindi sa akin ay magtataksilPagkat sa aming tahanan, reyna ko syang ituturingDi gaya ng katalo ko, sa bahay ay kukulunginNg asawang maskulado, mataray at mukhang boxer!

Maganda at seksing-seksi, mayumi at matalinoAng babae kong pinili sabihin mang ginapang koDi katulad ng kay Raffy na ang mukha'y kunsimidoAng katawa'y korteng lumpya, sa gabi ay parang multo! 

RAFAEL PULMANO (Ika-3 Tindig)

Dalisay ba ang pag-ibig kung may halong pag-iimbot?Yuyurakan ba ang puri para lamang mapasagot?Paano nya masasabing langit anya'y ihahandogGayong langit na nga itong ninakaw nya at dinurog!

Lubha yatang nagigipit ang katalong lumihis naSa paksa po ng usapang napapunta sa itsuraSa tutoo, si Gonie po ang pangit at walang ibaKasi, kung sya'y pogi sana, bakit kaylangang mangreyp pa?

Kung ako man ay napikot, hindi dapat

magparunggitAng mabunying kabalagtas na saksakan nga ng pangitPalibhasa'y konti lamang kaming mga makikisigHindi natin masisisi kung chicks na ang namimingwit! 

GONIE MEJIA

Malinaw ang aming paksa, si Raffy ang pipiliinAng sa kanya'y nagmamahal kahit ito'y mukhang tiklingDahil ako ay may layang tibok ng puso ay sundinSa magandang iibigin, ang pansin ko'y ibabaling.

Makisig man ang binata, kung may isip na makitidTiyak din pong magagapi ng mautak kahit pangitBalagtasa'y paligsahan, pingkian po ng matuwidSa malinaw na salita, ako'y di pa lumilihis! 

RAFAEL PULMANO

Si Gonie raw ay may layang tibok ng puso ay sundinBabae ba'y walang laya't karapatang pumili rin?Kung sa mula't mula pa lang, winalanghya na ang giliw,Paano nya tuturuan ng paggalang yaong supling?

Panlabas na kapangitan ay hindi ko kinukutyaKapag ugali ay pangit, yan ang dapat

Page 29: BALAGTASAN

ikahiyaAng pag-ibig ng dalaga'y hinihingi nang may tyagaPag kinuhang sapilitan, may lason ang kanyang dagta! 

GONIE MEJIA

Kasi, pangit ang panlabas na anyo ng kanyang giliw,Kaya biglaang binawi ng pinikot na balimbing;Sa dalawa bang lalaking nakaharap sa pagkain,Ang sumandok ba ng panis ang pinalad sa pagtikim? 

RAFAEL PULMANO

Maliwanag ang motibo ng katalong walang budhiSarili ang iniibig at di mutyang inaglahiAng masarap na pagkain, kahit di nya pag-aari,Nanakawing pilit dahil ugali nya'y makahari! 

GONIE MEJIA

Taas-noo ako kapag kaakbay ang aking sintaAng pinikot, nahihiya, nanlulumo at tulala! 

RAFAEL PULMANO

Pangdispley at hindi kabyak ang kaylangan lamang pala,Bakit hindi na lang siya bumayad at

umarkila? 

GONIE MEJIA

Sa pumili ay ligaya, ang pinikot ay magdusa! 

RAFAEL PULMANO

Importante'y mahalaga: Mahal ako ng asawa! 

GONIE MEJIA

Sadya nga bang mahal mo sya? 

RAFAEL PULMANO

Ba't nga ba sya sukang-suka? 

LAKANDIWA (Pangwakas)

Dito natin puputulin ang singhalan ng dalawaAt sa madla ibabaling ang tanong na "Sino nga baAng marapat pakasalan: Yung mahal mo, o mahal ka?"Kayo na po ang humatol... Good-bye! Sweet Dreams! Sayoonara!

Page 30: BALAGTASAN

PAKIKIALAM SA PAG_IBIG NG ANAK

LAKANDIWA (Pagbubukas)

Magandang unang Lunes po ng Marso sa inyo, Bayan At sa mga inaantok, "Hoy, gising!" ang panawaganNarito po kaming muli upang kayo ay handuganNg inyo pong paboritong nagbabagang Balagtasan.

RAFAEL A. PULMANO po ang lingkod n'yong bumabanatMagiliw na nagpupugay, bumabating walang puknatDito'y ako'ng tagahahatol, Lakandiwa po ang tawag,Mabait na Lakandiwa, ang matalo'y bitay agad.

Ang magulang ba ay dapat o di dapat makialamSa pagpili nitong anak ng nais na mapusuan?Sa pag-ibig, ang supling ba'y matwid na panghimasukan?Iyan po ang paksa ngayon nitong ating paglalaban.

Kahit na may kabigatan ang napili nating paksa,Mabibigat din po naman ang makatang magbabanggaMga Reyna at Hari po sa larangan ng pagtulaPalakpakan sila habang lumalapit papagitna! 

DAPAT (Pagpapakilala)

Maaliwalas ang langit sa gabi ay nakatunghayWari bagang umaayon sa ihahayag kong patunayNa dapat lang makialam sa anak po

ang magulangSa pagpili ng kasuyong itatangi habang buhay.

Sa akin pong katunggali na kutis ay takipsilimAng sarili ay ihanda at isip ay pataliminELVIE ESPIRITU po, nagpupugay, buong giliwSa lahat ng kababayang katulad ko ang hangarin. 

HINDI DAPAT (Pagpapakilala)

Matayog na pangarapin kalimita'y di matupadKatulad ay lakbay-diwang sarili'y di umaangatDiyan ko po ihahambing itong kahidwa kong dilagNananaginip pong gising, mata nama'y mga dilat.

Ama akong nagmamahal sa kaloob na mga anakAng sila'y panghimasukan sa kakatuwangin ay di dapatGONIE MEJIA po ang lingkod nyong taga-Tarlac Sa tanan ay nagpupugay, buong tuwa at ng galak. 

LAKANDIWA

Mukhang handang-handa na po ang makatang paralumanAng makatang taga-Tarlac, tila gayon din po namanUnang tindig, si Elvie po ang sya munang pagbibigyanUpang lalong ganahan po'y ihatid ng palakpakan! 

DAPAT (Unang Tindig)

Kahulilip ay ligayang hindi kayang

Page 31: BALAGTASAN

mapantayanAng nadama nitong ina nang ang anak ay isilangAng sanggol ay inaruga ng malingap na kandunganNg magulang na nagsilbing sa bukas nya'y mga tanglaw.

Mga taon pang napigtal sa tangkay nitong panahonSa wastong gulang sumapit ang anak na tinutukoyPag-ibig sa itatangi nang sa puso ay sumibolKarapatan nitong anak ang damdamin ay matugon.

Tungkulin ng magulang ay pangalagaan ang anakIwasto sa kalagayan, sa di tama ipangilagAng higit na karanasan sa kanila ay di hamakMas pa nilang nababatid sa anak ang nararapat.

Kung sumapit sa panahong anak ay mag-aasawaPakialam ba ng magulang, itatanggi, itatatwa?Malasakit nga ba nila'y ipagwawalang-bahala?Ang sa aki'y pagtatanong, dulutan po ng unawa.

At ngayon sa katunggaling kahidwa ko at kabangaySa panig pong tinutugon ay huwag nawang malimutanHangga't anak ay sakop pa sa kandili ng magulangSila pa rin ay may layang sa anak ay umantabay. 

LAKANDIWA

Maliwanag na nagsaysay ng katwiran ang makataNa dalaga pa pong tunay, maganda at

batambata,Ang kalaban nya po namang binat-na ang syang tutudlaPalakpakan din po't dinggin, tingnan kung may binatbat nga! 

HINDI DAPAT (Unang Tindig)

Maganda ang kahidwa ko, ang pangit lang ay ang matuwidPati pintig ng puso ng anak yata'y ginigipitKung sa wastong gulang na din yaong anak pag sumapitDesisyon nyang pangsarili, di dapat nang ipagkait.

Wika din niya kung ang anak ay umibig at gumiliwSa kanya ang karapatang damdamin ay pairalinNgayon nama'y nakikialam, hangad niya'y nais sundinHindi kaya kahulugang ang dilag po ay balimbing?

Kapag puso ay umibig, magmahal ay natutunanParaan ay magagawa lalo na nga't hahadlanganMalimit ngang nagaganap, kapag magulang nakialamAnak ay napipilitang sa kasintaha'y magtanan.

Masasabing malasakit, magulang pag nanghimasokKatumbas nama'y pagluha sa anak ang idudulotKasawiang tataglayin, pag lumabis ay himutokSa di mainam hahantong ang anak sa pagkalungkot.

Di po lubos maunawa ng makatang paralumanKung gaanong hapdi sa anak ang kabiguanTayo'y mga nagdaan na sa ganiyang

Page 32: BALAGTASAN

kalagayanHanggang ngayon siya'y bulag pa sa isang katotohanan. 

LAKANDIWA

Para lalong magkaigi ang dalawang nagtataloHahayaan ko na silang magbaknatan hangga't gusto Kayo namang nakikinig sa istudyo at sa radyoIpabaon sa kanila'y palakpakang todong-todo! 

DAPAT (Ikalawang Tindig)

Pag-ibig ang siyang bulag, hindi yaring pang-intindiTaliwas po ang pasaring ng mahanging katunggaliHindi ba't ang kabataan, kahit anak mong sarili,Mapupusok sa pag-ibig, sa pagpili'y namamali?

Kapintasan bang masabing ang anak ay maturuanSa nababagay na kasuyong kakasamahin sa buhay?Di ikaw ang masusunod, kahit ikaw'y nakialam,Mahalaga'y pagpapayo na nagmula sa magulang.

Mas mahapding madarama lalo't anak mo'y babaeNapakasal halimbawa sa tampalasang salbaheSa altar kung ibinuklod, habang buhay magsisisiDahila'y di nakialam ang magulang sa pagpili.

Huwag naman pong itutulot kung iyan ay mangyayariSino bang dapat buntunan kundi yaong di nagsilbi?

Pabaya sa katungkulang marapat na ibahagiNa paris ng kahidwa kong iniinda ay sarili. 

HINDI DAPAT (Ikalawang Tindig)

Hilong talilong na yata ang dilag kong kabanggaanAng bunga sa pakikialam ay kanyang nakaligtaanAnak, kung ipinagkasundo sa hindi napupusuan,Hantungan nitong malimit ay di ba paghihiwalay?

Pag sinabing nakikialam ang magulang po sa anakKanilang pinipintuhong balak nila ang matupadAng sustansiya ng hidwaan, nais po yatang isadlakNitong aking katunggali, sa paglihis, pangingilag.

Pag-ibig ay kawikaang labis makapangyarihanAng lahat ay hahamakin maging pati kamatayanKapag puso ang nag-utos sa anak at hinadlanganKundi sa hukay babagsak ay do'n sa Mental Hospital.

Bakit ko pa nanaising ang ganito ay maganapKung sa aking pakikialam, ang anak ay mapahamak?Di ko panghihimasukan, sino man ang ililiyagSa halip ang bendisyon ko sa kanila'y igagawad. 

DAPAT (Ikatlong Tindig)

Kagaya ng nasabi kong karapatan ng magulangSa anak magmalasakit pagkat dugo

Page 33: BALAGTASAN

nila't lamanHalimbawang ang anak mo may asawa ang napusuanAnong uring magulang ka kung ito'y di tututulan?

Sa harap ng kapintasang nakadilat, nagbabantaAng magsawalang-kibo ka hindi ba pagpapabaya?Kung di kabagay ng anak sa pagsinta ang ninanasaIkaw din ba ay aayon at sa iyo'y balewala?

Balakid ngang sasambitin pag nakialam ang magulangNgunit dapat na mangyari pagkat isang pagmamahalKahit sabihin pa nating anak sa aki'y masuklamKung akin siyang napanuto, ina akong nagtagumpay. 

HINDI DAPAT (Ikatlong Tindig)

Tagumpay sa kabiguan, pagwawaging kasawianSa pagluha nakakalong ang umapi at nasaktanSa malinaw na salita, bahid po ng katuturanNakialam at pinakialaman, lungkot ang kalulugmukan.

Katulad sa isang anak na dalaga't ubod gandaSa mayamang manliligaw, isinabwat nitong inaSa takdang araw ng kasal, sa halip na pagsasayaAng ina ay tumatangis, masakit na nagluluksa.

Halimbawa ko po lamang itong aking inihayagBagaman may pangyayari na dito ay natutuladNasaan ang pagmamahal ng

magulang po sa anakKung karapatan sa pag-ibig ng bunso ay winawasak? 

DAPAT

Maganda ang halimbawa ng makatang kahidwaanNgunit ang tema ng paksa'y di maunawang lubusanAng pakialam ng magulang sa anak ay nakabatayKung sa kanyang kakatuwangin ay may punang kapintasan.

Katulad din halimbawa ng sa anak lumiligawLasenggo at butangero, sugarol po at batuganAng anak ba'y hahayaang sa ganyan mapasakamayKapag ito'y napangyari, magulang ang masasaktan. 

HINDI DAPAT

Muli akong sinapawan kaya ako'y di maka-drawKatunggali'y lumiliko, mahirap ang makapusoyBakit ba kung nagigipit, kahidwa ko'y lumiligoySala sa init at lamig kung baga po sa panahon.

Ngunit po sa isang dako ay hindi niya nababatidMas liligaya ang anak sa kaniyang nilalangitBatugan at lasenggo man, kahit kapintasa'y labisKung tibok ng kanyang puso, magulang ay huwag magkait. 

DAPAT

Ako lang ay nagtataka sa pasaring ng

Page 34: BALAGTASAN

kalabanAng pangarap ba sa anak, isadlak sa kamalian?Ang gawang pangungunsinti sa anak po kalimitanAng bunga ay di maganda, tuturingang walang inam. 

HINDI DAPAT

Pangungunsinti nga kayang unawain yaong anakKung siya'y di pakialaman sa pipiliing kapilas?Kung ako'y manghihimasok ay akin pong natitiyakAko'y kanyang sisisihin sakaling siya'y di pinalad. 

DAPAT

Pagmamahal po sa anak kung magulang ay makialamSa pagpili ng kasuyong sa buhay niya'y makakatuwang. 

HINDI DAPAT

Sasabihing ako po ay malupit na isang amaKung sa anak makikialam sa pagpili ng asawa. 

DAPAT

Kapag hindi ka nakialam ay wala kang malasakit! 

HINDI DAPAT

Ama akong makatuwiran, di gaya mong mapagkait! 

DAPAT

Pagkakait ba sa anak kung siya ay iwawasto? 

HINDI DAPAT

Kapag ikaw ba'y nakialam, may bukas siyang mapipiho? 

DAPAT

Tiyakan at sigurado! 

HINDI DAPAT

Hindi sa paniwala ko!

 LAKANDIWA (Paghatol)

Puputulin ko na ngayon ang pagdada ninyong dal'waMagsipirmis muna kayo't ako naman ang popormaKababayan, kung sakaling kayo po ay naandyan pa,Pwede po bang makahiling ng palakpak na sagana?

Kung umibig ba ang anak at ang puso ay tumibokAng magulang ba ay dapat o di dapat manghimasok?Dapat raw po, ani Elvie; Di dapat, kay Gonie'ng sagotAno naman ang "say" ninyo kung kayo ang masusunod?

Minsan pag nanghimasok ka, nagrerebelde ang anakKapag di ka nakialam, baka naman mapahamakKung kailan nababagay ang maghigpit o magluwag,Yan ang hamon sa magulang na dati ring naging anak.

Page 35: BALAGTASAN

Kung paseksihan ang laban, si Elvie po'y panalo naSubalit kung papogihan, kay Gonie po, siya'y tumba...Kayo na po, Kababayan, ang bahalang sumintensya,Pagpalain tayong lahat ng Dakilang Diyos Ama!

 

http://ofw-bagongbayani.com/b-pakialam_anak.html