balita

7
Excited na si Daniel Padilla na bumoto sa 2016 May election. First time registrant din ang actor kaya napili siya ng National Movement of Young Legislators Alumni (NMYLA) para kanilang advocacy online video campaign. Layunin ng infomercial na hikayatin ang lahat ng mamamayan na magparehistro lalo na yung mga first time na boboto. Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa October 31 na lang. May napipisil na ba siyang iboboto sa darating na eleksyon? Sinu-sino ba ang politikong kanyang susuportahan? “Ako siyempre, very excited. Unang-una, karapatan nating bumoto. Ang bawat tao may karapatang bumoto at siyempre, sino bang mamimili sa mga dapat mamahala kungdi tayo rin naman. So very excited ako, isa siyang privilege na gawin,” pahayag ng actor na hindi muna nagbigay ng pangalang susuportahan sa eleksyon. Ayon pa kay Daniel, first time ding boboto ng ka-love team niya sa Pangako Sa ‘Yo at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo. Excited din daw itong bomoto sa Mayo. Natanong din si Daniel kung ano ang reaksyon niya sa matinding kompetisyon ngayon ng iba’t ibang love teams tulad ng kanilang Kathniel ni Kathryn, Jadine nina James Reid at Nadine Lustre at maging ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil. Ayon kay Daniel, as much as possible, ayaw daw niya ng kompetensiya. “Ever since naman na nagsisimula ako, ayoko ng… hindi ako nag-aano sa kumptensiya, kasi nga, matagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin. “Sa atin ‘yan, eh, di ba? Kesa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo magaaway-away?” katwiran niya. “Saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh, kaibigan ko rin ‘yang mga yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban tapos kami- kami rin nag-uusap,” dagdag pa niya. Hindi rin pabor si Daniel sa mga fans na naninira at nangba-bash ng kapwa-artista. “Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan. Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang-bad vibes ng tao. “Pangit ng trip na ganun. May nagge-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo tong taong ‘to? Wala kang happiness don, nagkakaroon ka lang mga points papuntang impiyerno,” sey ng young actor na sinundan ng cute na ngiti.

Upload: veronica-sarmiento-nogaliza

Post on 05-Dec-2015

234 views

Category:

Documents


4 download

TRANSCRIPT

Page 1: BALITA

Excited na si Daniel Padilla na bumoto sa 2016 May election. First time registrant din ang actor kaya napili siya ng National Movement of Young Legislators Alumni (NMYLA) para kanilang advocacy online video campaign.Layunin ng infomercial na hikayatin ang lahat ng mamamayan na magparehistro lalo na yung mga first time na boboto. Ang deadline ng pagpaparehistro ay sa October 31 na lang.May napipisil na ba siyang iboboto sa darating na eleksyon? Sinu-sino ba ang politikong kanyang susuportahan?“Ako siyempre, very excited. Unang-una, karapatan nating bumoto. Ang bawat tao may karapatang bumoto at siyempre, sino bang mamimili sa mga dapat mamahala kungdi tayo rin naman. So very excited ako, isa siyang privilege na gawin,” pahayag ng actor na hindi muna nagbigay ng pangalang susuportahan sa eleksyon.Ayon pa kay Daniel, first time ding boboto ng ka-love team niya sa Pangako Sa ‘Yo at rumored girlfriend na si Kathryn Bernardo. Excited din daw itong bomoto sa Mayo.Natanong din si Daniel kung ano ang reaksyon niya sa matinding kompetisyon ngayon ng iba’t ibang love teams tulad ng kanilang Kathniel ni Kathryn, Jadine nina James Reid at Nadine Lustre at maging ang LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil.Ayon kay Daniel, as much as possible, ayaw daw niya ng kompetensiya.“Ever since naman na nagsisimula ako, ayoko ng… hindi ako nag-aano sa kumptensiya, kasi nga, matagal ko na ‘tong sinasabi sa mga fans ko, lalo na sa fans namin ni Kathryn, huwag nating inaaway ang sariling atin.“Sa atin ‘yan, eh, di ba?  Kesa naghihiwa-hiwalay tayo, mas masarap kung nagsasama-sama tayo, nasa isang network tayo, bakit tayo magaaway-away?” katwiran niya.“Saka sa personal naman, hindi naman kami magkakaaway. Eh, kaibigan ko rin ‘yang mga yan, eh. Kaya ang awkward din na naglalaban tapos kami-kami rin nag-uusap,” dagdag pa niya.Hindi rin pabor si Daniel sa mga fans na naninira at nangba-bash ng kapwa-artista.“Alam mo ‘yang bashing eh, hindi ko maintindihan kung bakit may gumagawa pa niyan. Bad vibes ‘yun, eh. Huwag ka nang mang-bad vibes ng tao.“Pangit ng trip na ganun. May nagge-gain ka ba or may happiness ka bang nararamdaman ‘pag sinisiraan mo tong taong ‘to? Wala kang happiness don, nagkakaroon ka lang mga points papuntang impiyerno,” sey ng young actor na sinundan ng cute na ngiti.

Earning a total of P320 million worldwide, actress Bea Alonzo said that it really means a lot to her that many people saw and appreciated the movie The Love Affair.

“Ang pinakaimportanteng natutunan ko siguro [sa movie na ito] ay mahalin mo ‘yung sarili mo na kahit na ikaw lang. ‘Wag kang maghintay na may taong darating na kukumpleto sa’yo. Dapat kumpleto ka bilang ikaw lang. You can only give love to others if you love yourself and if you are whole,” she said, adding that this is her take home from doing the film.After The Love Affair, Bea is back to doing another movie project—the much-awaited sequel of One More Chance, opposite actor John Lloyd Cruz. Did she miss working with him?Confirming that she missed working with him, the actress said that they have both matured now. “Siyempre ibang tao na kami ngayon. Marami na kaming natutunan from the past and what’s exciting is that every time magkatrabaho kami together, laging may sorpresa para sa isa’t isa.“Lagi akong mayroong nakikitang bago sa kanya at sana ganun din siya sa akin kasi siguro nago-grow kami sa bawat proyektong na ginagawa namin na hindi magkasama that’s why nakakatulong ‘yun eh na we’re growing apart. And then when we do a project together again, it’s a totally different feel na naman kasi nag-grow na kami as actors, as individuals,” she said.

Page 2: BALITA

Roxanne Guinoo is officially back in showbiz as part of the newest Kapamilya serye Walang Iwanan. The actress is thrilled as she ventures into acting once again after taking a hiatus. “Masaya and excited and siyempre proud kami sa project na ‘to dahil alam namin na mamahalin ng viewers kasi realeserye talaga siya. First time gumawa ng ABS-CBN ng [teleserye na] nangyari sa totoong-buhay,” she said.Roxanne explained that she took a rest from showbiz for numerous years because she decided to focus on taking care of her children and to be present during their early growing years. “Dalawa na po ‘yung kids ko isa girl, eldest ko po 5 years old na. ‘Yung second ko boy turning 3. Matagal rin po talagang napahinga kasi kailangan talaga ang involvement ng parents sa mga anak eh. ‘Yung time na maliliit sila, dini-dicate ko ‘yung panahon na ‘yun para ako ‘yung tumutok sa mga anak ko,” she shared.What made her decide to come back to showbiz? “Ready na ako ulit at kasi malalaki na rin ‘yung kids ko at na-miss ko talaga and I make sure na kung gagawa man ako ng trabaho ‘yung kaya kong balansihen ‘yung oras ko with my family.” Even though that she is in showbiz again now, Roxanne stressed that she makes sure that she still spends quality time with her family. “At the same time binibigyan ng oras ko pa rin po ‘yung mga anak ko and rule of thumb po ‘yan, magtatrabaho po ako pero may oras pa rin ako sa pamilya ko, ‘yun ang gusto ko,” he said. She shared that her husband is actually supportive of her decision of going back to the entertainment industry. “Di naman siya kontra sa ginagawa ko at kami naman everything na gagawin pinag-uusapan naming dalawa,” she said. Now that she is a mom, Roxanne said that is veering away from sexy roles and scenes. “’Yung mga maselang eksena hind na for me ‘yun eh, ibigay na natin sa iba kasi may mga anak na ako. Ayaw ko naman mapanood ng mga anak ko na ‘Why mommy is kissing someone?’ Ayaw ko ng ganon. Ang gusto kong mapanood ng anak ko ‘yung walang bahid na kung ano,” she stated.

Maganda ang naging panimula ng Far Eastern University Tamaraws sa ikalawang round ng UAAP Season 78 men's basketball tournament matapos igupo ang Ateneo de Manila University Blue Eagles, 66-61, sa Araneta Coliseum Linggo.Nagpakawala ng limang sunod-sunod na puntos ang FEU sa simula ng huling quarter upang buwagin ang pagkakatabla ng iskor sa 47-all. Tangan ng Tamaraws ang 54-49 bentahe sa huling 8:29 ng laro na hindi na nahabol pa ng Blue Eagles.Dahil sa naturang panalo, nananatili sa tuktok ng torneo ang Tamaraws, hawak ang 7-1 na kartada habang nalasap naman ng Ateneo ang ikaapat na talo matapos ang walong laro.Ito ang ikalawang pagkakataon na tinalo ng Tamaraws ang Ateneo nang dispatsahin ang huli noong unang round, 88-64.Hawak pa ng Blue Eagles ang kalamangan sa unang half matapos ang 10-2 run kasama pa ang kabayanihan ni Adrian Wong na tumipa ng siyam na puntos.Bumida para sa Tamaraws si Mac Belo na may 12 puntos habang may tig-10 naman sina Russel Escoto at Roger Pogoy. Nagtala naman ng game-high 15 puntos si Kiefer Ravena para sa Ateneo na inayudahan ng 14 ni WongPara sa karagdagang ulat, pumunta sa sports.abs-cbn.com.

Mismong si Manny Pacquiao na ang nagsabing maliit sa ngayon ang posibilidad na muli niyang makaharap sa ring si Floyd Mayweather Jr. Wala pa anyang pag-uusap ang kanilang mga kampo ukol dito kasunod ng pagputok ng kontrobersiyang lumabag sa panuntunan ng World Anti-Doping Agency (WADA) si Mayweather. Nadiskubreng nagpaturok ang undefeated champion ng vitamins at minerals kontra sa dehydation, bago ang "Fight of the Century" laban sa Pilipinong boksingero.

Page 3: BALITA

Ipinagbabawal ng WADA ang intravenous injection dahil maaari nitong palabnawin o itago ang presensya ng ibang mga substance tulad ng performance enhancing na drugs. Hindi naman iaapela ng People's Champ ang resulta pagkatalo kay Mayweather at ipauubaya na lang ang pasya sa Nevada State Athletic Commission (NSAC). Pero bukas naman anya siya sa posibleng rematch kay Mayweather bagama't aminado pa siyang matatagalan pa bago maikasa ang mga pag-uusap ukol dito. Walang nakatakdang laban ngayong taon si Pacquiao na abala sa proyektong pabahay na pinondohan ng sariling bulsa. Ginugugol din niya ang oras sa pagpapagawa ng kanyang ikatlong mansyon na may lawak na dalawang ektarya sa Mateo Road sa General Santos City. Personal na sinisiyasat ni Pacman ang tibay ng pundasyon ng mansyon na mayroong elevator, sports facility at swimming pool sa loob. Inaasahang sa 2016 matatapos ang pagpapatayo nito.-- Ulat ni Francis Canlas, ABS-CBN News

WHEATHER

Inaasahan na papasok ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong Lando Miyerkules ng gabi o umaga ng HuwebesAyon kay Glaiza Escullar, weather forecaster ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), huling namataan ang bagyo sa layong 2535 km Silangan ng Luzon. May lakas ito na 45 kph, habang gumagalaw pa-Kanluran Hilagang Kanluran na may bilis na 25 kph. Ani Escullar, dalawang senaryo ang binabantayan ng PAGASA. Una ay ang posibilidad na mag-landfall ang bagyo sa pinakadulong bahagi ng hilagang Luzon, kabilang ang Calayan, Babuyan, at Batanes group of islands. Ikalawa, ang posibilidad na hindi mag-landfall ang bagyo pero magkakaroon pa rin ng signal #1 sa dulong bahagi ng hilagang Luzon. Sa kasalukuyan, mananatiling maulap na may mahina hanggang katamtamang mga pag-ulan sa Batanes, Calayan, Babuyan group of islands, Apayao, Ilocos Norte, Cagayan, Isabela, Aurora, Quezon Provice, dahil sa tail-end ng cold front. Habang sa Metro Manila, bagama't makulimlim ang umaga, inaasahan na magiging maaliwalas ang kalangitan sa mga susunod na mga oras at panandalian lamang ang ulan.

NEWS

Inireklamo ang isang pulis ng panunutok ng baril at pangingikil umano ng droga sa Tondo, Maynila. Napag-alaman pang dati na itong kinasuhan ng kidnapping.Tanghali nitong Lunes, kita sa CCTV ang isang lalaking kinilala bilang PO2 Manuel Fuentes na may hawak na baril sa isang eskinita sa Barangay 232.Agad niyang itinago ang baril nang sabihan ng kasamang barangay tanod, na siyang rumisponde sa reklamo na panunutok umano ni Fuentes, na nakukuhanan sila ng CCTV.Tumanggi ang lalaking tinutukan ni Fuentes ng baril na magbigay ng pahayag, pero nagsampa na ito ng reklamong grave threat laban sa pulis.Hindi ito ang unang pagkakataon na nasangkot sa krimen si Fuentes. Noong Hulyo, nakulong ito kasama ang isa pang pulis sa kasong pangingidnap sa isang tricycle driver. Nakapagpiyansa rin siya kamakailan.Habang may pending na kaso, nakadestino si Fuentes sa police holding andadministrative unit sa Camp Crame.Kahapon, may pagdinig dapat si Fuentes sa nauna nang kasong attempted robbery, pero hindi nagpakita.Hindi pa lumulutang ang pulis para sagutin ang panibago na namang kaso laban sa kanya

Page 4: BALITA
Page 5: BALITA
Page 6: BALITA

Matapos ang Etiquette for Mistresses na showing pa rin ngayon sa mga sinehan, isang indie film ang pagtutuunan ng pansin ni Iza Calzado. Kakaiba ang proyektong ito dahil magpapa audition ang producers ng bagong mukha para maging leading man ni Iza"Yes may gagawin kaming indie film ang title nito Buhay Habang Buhay under the direction of Paolo Herras. We are still looking for my leading man, pwedeng bagong mukha, taga theater, pwede rin non actors we are looking for someone who is perfect for the part. Hintayin nila ang schedule at ang announcements tungkol dito."Sa kanya namang career sa telebisyon, nagpasalamat si Iza dahil pinaka-mataas na ratings so far ng Ang Probinsyano ang naitala noong martes."Nakaka-proud at nakakawala ng pagod kapag maraming tao ang nakakapanood ng mga pinaghihirapan mo at ng mga kasama mo kaya maraming maraming salamat. Abangan pa nila marami pang malalaking scenes sa Ang Probinsyano.” Isang teleserye rin ang naka planong gawin ni Iza sa ilalim ng Dreamscape sa January 2016 kayat sasamantalahin muna ni Iza na magpahinga sa ibang bansa ngayong Christmas Season kasama ang kanyang non-showbiz na boyfriend bago muli humarap sa trabaho.