bang hay

2
Banghay-Aralin(Lesson Plan) Mala-Masusing Banghay-Aralin I-LAYUNIN Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang; Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip. Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip. Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap. ll-Paksang aralin a. Paksa: Ang Panghalip b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-99 c. Kagamitan: visual aids, flash cards, paper tape d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod) 1. Paghahanda Panalangin Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw” Pagganyak 2. Paglalahad Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng panghalip. Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan nito. Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o pangngalan. Mayroong apat na uri ang panghalip: Panghalip Panao -Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao. Mayroon itong tatlong kaukulan. Kaukulang palagyo Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang pingungunahan ng ang at ginagamitanbilang simuno ng pangungusap. Hal. Ang ina ni Pauloay si Melai. Siyaang nag- aalaga kay Paulo mula pagkabata. Kaukulang Paukol Ito ay panghalip pananong ipinpalit sa pangngalang nasa anyong ng o ni. Ito ay nag- uukol. Hal. Nais ni Petot bumawi kay Paulo. Nais niyang bumawi kay Paulo. k. Kaukulang Paari Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa o kay. Ito’y nagpapakita ng pag-aari. Hal. Kay Pauloang asong pumanaw. Kanyaang asong pumanaw. Panghalip Pamatlig – panghalip na ipipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo o distansya ng mga bagay sa nagsasalita o nakikinig. Hal. Ito ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit) Iyan ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo) Iyon ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo) Panghalip Pananong – panghalip na ginagamit sa pagtatanong. Hal. Sinoang kumain ng pagkain sa mesa? Saan patungo ang langay-langayan? Magkano ang asong nakadungaw sa bintana?

Upload: vincent-jake-naputo

Post on 30-Jan-2016

31 views

Category:

Documents


0 download

DESCRIPTION

bang bang

TRANSCRIPT

Page 1: Bang Hay

Banghay-Aralin(Lesson Plan)

Mala-Masusing Banghay-Aralin

I-LAYUNIN

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan nang;

Nakikilala ang iba’t ibang uri ng panghalip.

Nakakabuo ng sariling mga halimbawa sa bawat uri ng panghalip.

Napapahalagahan ang gamit ng panghalip sa bawat uri nito sa pangungusap.

ll-Paksang aralin

a. Paksa: Ang Panghalip

b. Sanggunian: Daloy ng Mithi lll sa pahina 96-99

c. Kagamitan: visual aids, flash cards, paper tape

d. Pagpapahalaga: Mapahalagahan ang gamit ng panghalip sa pangungusap

lll-Pamamaraan (Pamaraang Pabuod)

1. Paghahanda

Panalangin

Pagbati ng guro sa mga mag-aaral ng isang “magandang araw”

Pagganyak

2. Paglalahad

Pagkatapos magbigay ang guro ng pagganyak, kanyang tatanungin ang mga mag-aaral tungkol sa kanilang kaalaman sa kahulugan ng panghalip.

Pagkatapos marinig ng guro ang ilan sa mga kasagutan mga mag-aaral, ibibigay niya ang tunay na kahulugan nito.

Panghalip- ay mga salitang ginagamit na pamalit o panghalili sa pangalan ng tao, bagay, hayop, lugar, pangyayari, o pangngalan.

Mayroong apat na uri ang panghalip:

Panghalip Panao

-Panghalip na ipinapalit sa pangalan ng tao. Mayroon itong tatlong kaukulan.

Kaukulang palagyo

Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang pingungunahan ng ang  at ginagamitanbilang simuno ng pangungusap.

Hal.

Ang ina ni Pauloay si Melai. Siyaang nag-aalaga kay Paulo mula pagkabata.

Kaukulang Paukol

Ito ay panghalip pananong ipinpalit sa pangngalang nasa anyong ng  o ni.  Ito ay nag-uukol.

Hal.

Nais ni Petot bumawi kay Paulo.

Nais niyang  bumawi kay Paulo.

k. Kaukulang Paari

Ito ay panghalip panaong ipinapalit sa pangngalang nasa anyong sa                      o  kay.  Ito’y nagpapakita ng pag-aari.

Hal.

Kay Pauloang asong pumanaw.

Kanyaang asong pumanaw.

Panghalip Pamatlig

– panghalip na ipipinapalit sa pangalan ng lugar o pangngalang nagpapahayag ng layo o distansya ng mga bagay sa nagsasalita o nakikinig.

Hal.

Ito  ang hinahanap niyang artikulo kanina. (malapit)

                                          Iyan  ang silid na sinasabi nilang may multo. (malayo)

                                        Iyon  ang bahay na lilipatan natin sa Agosto. (malayung-malayo)

Panghalip Pananong

– panghalip na ginagamit sa pagtatanong.

Hal.

Sinoang kumain ng pagkain sa mesa?

                                      Saan  patungo ang langay-langayan?

                                     Magkano  ang asong nakadungaw sa bintana?

Panghalip Panaklaw

-ito ay nasa anyong walang lapi katulad ng iba, kapwa, isa, lahat, marami,  at kaunti.  Kasama rito ang mga salitang may hulaping –man tulad ng saanman, sinuman, anuman,  at alinman.

Hal.

Dahil sa pagsabog ng bulkan, maramiang nawalan ng trabaho.

Kailanman  ay hindi ako susuko sa iyo.

                                  Ibaang iyong iniisip.

3. Paghahambing at Paghalaw

Ipaghahambing ng guro sa mga mag-aaral ang panghalip panao at panghalip pananong.

Matapos maipaghambing ng guro ang dalawang panghalip, ipaghahalaw naman nito sa mga mag-aaral ang panghalip pamatlig at panghalip panaklaw.

4. Paglalahat

Matapos matalakay ng guro ang mga uri ng panghalip, kanya itong irerebyu muli upang malaman kung nainntindihan o nauunawaan na ba ang mga mag-aaral ang mga ito.

5. Paggamit

Page 2: Bang Hay

Susubukin ng guro ang mga mag-aaral sa pamamagitan ng pagbibigay ng ilang mga gawain.

Ang mga sumusunod ay ang ilang mga gawain na ibibigay ng gurao sa mga mag-aaral:

Panuto: Gamitin sa pangungusap ang bawat panghalip na nakatala.

Kami

Iyo

Dito

Heto

Kalian

IV- PAGTATAYA

Matapos makapagbigay ang mga mag-aaral ng mga pangungusap gamit ang mga ilang mga panghalip na ibinigay ng guro, magbibigay ang guro ng iasang pagsususlit upang ganap na masubukan ng guro ang kaalaman ng mga mag-aaral sa mga uri ng panghalip.

Ang mga sumusunod ay ang mga pagsusulit na ibibigay ng guro sa mga mag-aaral.

Panuto: Kumuha ng isang kalahating papel at sagutan ang mga sumusunod. Salungguhitan ang panghalip sa bawat pangungusap at isulat sa patlang kung anong uri nito.

_________1. Saan ka magtutungo?

_________2. Nakita ko silang dumaan dito kanina.

_________3. Lahat tayo ay pupunta sa kaarawan ng lola mo.

_________4. Akin ang pantasang iyan!

_________5. Marami ang pumunta sa Mabini Shrine noong nakaraang Sabado.

_________6. Tiyak na mahuhulog ka sa kanya kapag nagpatuloy pa iyan.

_________7. Ito ba ang pinamumukha mo sa akin?

_________8. Huwag kang makulit dahil may ginagawa ako.

_________9. Sila ay sama-samang magsisismba sa Linggo.

_________10. Tayo’y magpasalamat sa Diyos sa mga biyaya Niya sa atin.

V- TAKDANG-ARALIN

Isulat sa isang buong papel.

Gumawa ng isang sanaysay o diyalogong ginagamitan ng mga panghalip. Salungguhitan ang mga panghalip.

_________________________