banghay aralin sa araling panlipunan 10 (jigsaw 1)

4
Conde, Erica Jane A. Cebu Normal University BSEd-Social Science IV Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng pagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang perspektibo na may kaugnayan sa samu’t-saring isyu sa gender. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokumentasyon na nagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian at sekswalidad. Pamantayan sa Pagkatuto: Napaghahambig ang katayuan ng kababaihan, lesbian, gays, bisexuals, at transgender sa iba’t-ibang bansa at rehiyon. I. Mga Layunin Sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang na may 60% na kawastuhan ay inaasahang: a. Natatalakay ang pagkakaiba sa pananaw ng iba’t-ibang uri ng gender at sekswalidad sa iba’t-ibang bansa; b. Nakikibahagi sa sariling karanasan sa pakikitungo sa iba’t-ibang gender; c. Nakapaglalahad ng iba’t-ibang angkop na paraan sa pakikitungo at pagpapahalaga sa LGBT community sa pamamagitan ng maikling rap song. II. Paksang Aralin 1. Pangnilalaman: Sex and Gender 2. Kakayahan: Malayang pagpapahayag, pagbabahagi 3. Attitude: Pagrespeto, Pagkilala sa indibidwalidad ng tao

Upload: crystal-mae-salazar

Post on 21-Jan-2018

1.257 views

Category:

Education


35 download

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)

Conde, Erica Jane A. Cebu Normal University BSEd-Social Science IV

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Pamantayang Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ngpagtanggap at paggalang sa iba’t-ibang perspektibo na may kaugnayan sa samu’t-saring isyu sagender.

Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakabubuo ng dokumentasyon nanagsusulong ng paggalang sa karapatan ng mga mamamayan sa pagpili ng kasarian atsekswalidad.

Pamantayan sa Pagkatuto: Napaghahambig ang katayuan ng kababaihan, lesbian, gays,bisexuals, at transgender sa iba’t-ibang bansa at rehiyon.

I. Mga Layunin

Sa pamamagitan ng iba’t-ibang gawain, ang mga mag-aaral sa ikasampung baitang namay 60% na kawastuhan ay inaasahang:

a. Natatalakay ang pagkakaiba sa pananaw ng iba’t-ibang uri ng gender at sekswalidadsa iba’t-ibang bansa;

b. Nakikibahagi sa sariling karanasan sa pakikitungo sa iba’t-ibang gender;

c. Nakapaglalahad ng iba’t-ibang angkop na paraan sa pakikitungo at pagpapahalaga saLGBT community sa pamamagitan ng maikling rap song.

II. Paksang Aralin

1. Pangnilalaman: Sex and Gender

2. Kakayahan: Malayang pagpapahayag, pagbabahagi

3. Attitude: Pagrespeto, Pagkilala sa indibidwalidad ng tao

Page 2: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)

4. Kahalagahan: Ang mga mag-aaral ay matututong magpahalaga sa sariling pagkakaibang iba’t-ibang gender. Matututo rin silang kumilala sa mga kontribusyon sa lipunan ngiba’t-ibang gender.

III. Mga Kagamitan

1. TV

2. Laptop

3. Lyrical Video ng kantang If I Were A Boy ni Beyonce.

4. Babasahin patungkol sa katayuan ng iba’t-ibang bansa sa isyu nga LGBT.

IV. Pamamaraan (Jigsaw I)

Step I. Introduction

Magpapakita ang guro ng isang lyric video ng kantang If I Were A Boy ni Beyonce.Pagkatapos ay ipapaalam ng guro sa klase na may pangkatang magaganap pagkataposmaipresenta sa klase ang aralin.

Step II. Study Team Formation

Ipapangkat ng guro ang klase sa lima. Ang grupong mabubuo ay tatawaging“study teams.” Kinakailangang pumili ng limang miyembro (kung sakaling ang bawat grupo aysumobra sa limang miyembro), at iuuri base sa iba’t-ibang kulay.

Step III. Assembly of Expert Groups

Pagkatapos iuri ang limang napiling miyembro sa bawat grupo ay bubuo ngbagong grupo na tatawaging “expert groups.”

Ang bawat “expert groups” ay iuuri base sa nabuong grupo ng guro:

1 - Lily 2 – Rose 3 – Tulips

4 – Sunflower 5 - Santan

Page 3: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)

Pagkatapos, ang bawat grupo ay bibigyan ng mga babasahin patungkol sakatayuan at pagtrato sa mga miyembro ng LGBT sa mga bansang Philippines, Saudi Arabia, USA,Thailand, at Russia. Ang bawat miyembro ng “expert groups” ay kinakailangang magsagawa ng3 minutong diskusyon upang mas mapalawig pa ang impormasyong nabasa.

Step IV. Teaching the Study Teams

Pagkatapos ng mabusising diskusyon ng bawat “expert group,” kinakailangangbumalik ang bawat miyembro sa kanilang “study teams.” Ang bawat “teacher experts” aykailangang isa-isang tatalakay sa bawat bansa. Bibigyan lamang ng 10 minuto ng guro angbawat teacher expert na magtalakay.

Step V. Talk Back

Sa puntong ito, upang masukat kung mayroong natutunan ang bawat grupo atmas mapalawig pa ang kanilang kaalaman sa talakayan at malaman pa ang kanilang mgasaloobin, itatanong ng guro ang mga sumusunod na katanungan:

1. Mayroon ba kayong sariling karanasan sa pangungutya sa miyembro ng LGBT?

2. Ano ang mga halimbawa ng mga pangungutya na iyong ginawa o mganaranasan?

3. Ano ang iyong naramdaman? Naramdaman mo ba ang pagtanggap ng lipunansa iyong tunay na pagkatao?

4. Ano ang iyong masasabi sa mga katayuan ng mga bansang nabanggitpatungkol sa LGBT community?

5. Ano ang pangarap mo para sa LGBT community?

V. Pagtataya

Upang mapalawig ang pag-unawa ng mga estudyante sa isyu ng LGBT, ang bawat “studyteam” ay aatasang gumawa ng isang maikling rap song na naglalahad ng mga angkop napakikitungo at pagpapahalaga sa mga miyembro nga LGBT community.

PAMANTAYAN:

Page 4: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Jigsaw 1)

Content – 30 puntos

Paglalahad – 20 puntos

Takdang Aralin

Para sa susunod na talakayan, magsaliksik patungkol sa estado ng Reproductive HealthLaw sa bansa.