banghay aralin sa araling panlipunan 10 (literature circle)

4
Lumapas, Glydene B. BSEd-Social Science IV Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ng karapatang pantao sa pagsulong ng pagkapantay-pantay at respeto sa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa at daigdig. Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay: nakapagplano ng symposium na tumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon sa responsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ng isang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao. Learning Competencies: 1. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao 2. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng paglutas sa mga paglabag ng karapatang pantao. I. Desired Learning Objectives 1. Cognitive: Nasusuri ang mga halibawa ng paglabag sa mga karapatang pantao sa pamayanan, bansa at daigdig. 2. Affective: Nakapagmamalas ng paggalang sa karapatang pantao. 3. Psychomotor: Nakagaganap ng symposium ukol sa mga isyu tungkol sa karapatang pantao at epekto nito sa mga mamamayan, pamayanan, bansa at daigdig. II. Aralin 1. Content Mga Isyu sa Karapatang Pantao 2. Skill pagsusuri, conflict resolution o pag-ayos ng gulo at kritikal na pag- iisip 3. Attitude marunong magpasya, bukas ang isip at responsable 4. Values disiplina, kooperasyon, pagkamatarungan at paggalang III. Instructional Materials 1. Visual modules o reading materials at video clip 2. Auditory speaker for the video 3. Manipulative props at costumes para sa symposium

Upload: crystal-mae-salazar

Post on 24-Jan-2018

2.095 views

Category:

Education


57 download

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)

Lumapas, Glydene B. BSEd-Social Science IV

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10

Content Standard: Ang mga mag-aaral ay may pag-unawa sa kahalagahan ngkarapatang pantao sa pagsulong ng pagkapantay-pantay at respetosa tao bilang kasapi ng pamayanan, bansa at daigdig.

Performance Standard: Ang mga mag-aaral ay: nakapagplano ng symposium natumatalakay sa kaugnayan ng karapatang pantao at pagtugon saresponsibilidad bilang mamamayan tungo sa pagpapanatili ngisang pamayanan at bansa na kumikilala sa karapatang pantao.

Learning Competencies: 1. Nasusuri ang epekto ng paglabag sa karapatang pantao

2. Nakapagmumungkahi ng mga paraan ng paglutas sa mgapaglabag ng karapatang pantao.

I. Desired Learning Objectives

1. Cognitive: Nasusuri ang mga halibawa ng paglabag sa mga karapatang pantaosa pamayanan, bansa at daigdig.

2. Affective: Nakapagmamalas ng paggalang sa karapatang pantao.

3. Psychomotor: Nakagaganap ng symposium ukol sa mga isyu tungkol sakarapatang pantao at epekto nito sa mga mamamayan,pamayanan, bansa at daigdig.

II. Aralin

1. Content Mga Isyu sa Karapatang Pantao

2. Skill pagsusuri, conflict resolution o pag-ayos ng gulo at kritikal na pag-iisip

3. Attitude marunong magpasya, bukas ang isip at responsable

4. Values disiplina, kooperasyon, pagkamatarungan at paggalang

III. Instructional Materials

1. Visual modules o reading materials at video clip

2. Auditory speaker for the video

3. Manipulative props at costumes para sa symposium

Page 2: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)

4. Community Resources data at news articles

IV. Strategies

Motivation:

1. Ang guro ay tatawag ng sampung (10) volunteers para iakto ang mga sumusunodsitwasyon (dalawang volunteer para sa isang sitwasyon). Sila ay bubunot ng papel nanakasulat ang mga sumusunod na sitwasyon:

a. Mga pulis na binabaril ang mga taong nagdodroga

b. Ang mga bata ay binebenta para sa mga sindakato

c. Babaeng naglalakad sa gabi at ginahasa ng isang lalaki sa madilim na lugar

d. Kinulong ang isang ama sa salang pagpatay kahit hindi ito ginawa

e. Akyat-bahay

2. Pagkatapos nitong iaakto, huhulaan ito ng mga mag-aaral.

3. Itatanong ng guro ang mga sumusunod:

a. Ano ang inyong naramdaman habang pinapanuod sila?

b. Ang mga sitwasyong ito ba ay kasalukuyang nagaganap sa ating lipunan? Bakit?

4. Ang mga mag-aaral ay ipapangkat sa 5 grupo. Ang bawat grupo ay mga 5 miyembro.Angaktibiti na kanilang gagawin ay Literature Circle. Ang mga volunteer ay automatikongmagiging pangkat sa isyu na kanilang naiakto kanina. Habang ang ibang mag-aaral aymalayang pipili ng isyu kung saan nila gusto.

Literature Circle

Step 1.Reading the Material

Ang mga miyembro ay bibigyan ng kopya ng naasayn na artikulo sa kanila. Ang mga artikulongito ay tungkol sa mga halimbawa na paglabag sa karapatang pantao. Babasahin nila ito atsusuriin ang mga impormasyon, konsepto at isyu tungkol dito.

Group 1 – Extrajudicial Killings

Group 2 – Human Trafficking

Group 3 – Rape

Group 4 – Unfair Trials and Injustice

Page 3: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)

Group 5 – Theft and Robbery

Step 2. Assigning of Roles

Ang bawat miyembro at iaasayn ng bahaging gagampanan, isang designer, link maker, linecatcher, reporter at wonderer. Ang bawat role ay may katumbas na katanungan.

Link maker - Paano mo makokonek ang artikulong iyong nabasa sa mga sitwasyon na nagaganapsa lipunan sa kasalukuyan?

Designer – Ano ang mensaheng ipinapahiwatig ng artikulong binasa at ano ang kahalagan ngmay alam sa pangyayaring ito sa ating buhay?

Line catcher – Maghanap ng interesadong linya sa artkulo at ipahayag kung bakit ito ang iyongnapili.

Wonderer – Kung ikaw ay isa sa mga biktima at saksi ng mga pangyayari, ano ang iyonggagawin at bakit?

Reporter - Gumawa ng buod sa lahat ng impormasyon na kanilang tinalakay.

Step 3. Engaging Individual Task

Ang bawat miyembro ay bibigyan ng 5 minuto upang magawa ang kanilang mga bahaginggagampanan.

Step 4. Sharing of Individual Outputs

Pagkatapos nilang nagawa ang kanilang bahaging ginampanan, ibabahagi nila ito sa grupo. Angreporter ay magprepara upang ireport ito sa buong klase.

Step 5. Reporting the Collective Outputs

Pagkatapos nilang kolektahin ang indibidwal outputs, ito ay irereport sa buong klase. Ang bawatgrupo ay magbibigay ng feeback sa mga naiulat ng grupo.

Pagkatapos ng aktibiti, babalik ang mga mag-aaral sa kanilang mga upuan. Ang guro ayitatanong ang mga sumusunod:

1. Bilang isang mag-aaral, anak at mamamayan, paano mo maipapakita ang paggalang ngkarapatang pantao sa iyong kapwa?

2. Kung walang karapatang pantao, ano ang mangyayari sa atin at sa ating lipunan?

Page 4: Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 10 (Literature Circle)

V. Assessment

Ang mga mag-aaral ay mag-oorganisa ng symposium. Sila ay gagawa ng theme tungkolsa mga isyu sa karapatang pantao at epekto nito sa mga mamamayan, pamayanan, bansa atdaigdig.

Rubrics

Preparasyon - 30%

Organization and Flow - 30%

Content and Mastery of the Speaker - 30%

Collaboration and Originality - 10%

TOTAL - 100%

VI. Assignment

Essay

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan. Isulat ito sa ½ crosswise na papel sa 5pangungusap lamang. (5 pts each)

1. Magbigay ng iyong karanasan na nilabag ang iyong karapatang pantao. Ipahiwatig angiyong naramdaman at kung paano mo ito mareresolba.

2. Ano ang iyong magagawa sa iyong sarili upang mapigilan ang isyu sa karapatang tao?

3. Ano ang kahalagahan ng Commission on Human Rights sa mga mamamayan?

4. Ano ang limitasyon ng ating karapatang pantao?

Rubrics:

Content - 2 pts

Relevance - 2 pts

Organization of Ideas - 1 pt

TOTAL - 5 pts