banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

5
Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8 (Round Robin) Pamantayan Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa kaniyang kapaligiran na nagbibigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga pamanang humubog sa kasalukuyang henerasyon. Pamantayan sa Pagganap: Nakakabuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig. I. Layunin A. Nasusuri ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa iba't ibang panahon. B. Naipapahayag ang kahalagahan ng sinaunang pamumuhay sa kasalukuyan. C. Nakabubuo ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamunuhay ng mga unang tao noon. II. Nilalaman Paksa: Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig Skills: Nakakabuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon. Attitudes: Nakakapagbigay halaga sa pamana ng mga sinanaunang pamumuhay. Values: Nakakapagbigay respeto sa pamana ng sinaunang pamumuhay. III. Intructional Materials Visual: Larawan ng mga kagamitan, Kopya ng Sinaunang Pamumuhay(Printed Handouts), Rubric Auditory: Manipulative: Community Sources:

Upload: crystal-mae-salazar

Post on 24-Jan-2018

770 views

Category:

Education


38 download

TRANSCRIPT

Page 1: Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

Banghay Aralin sa Araling Panlipunan 8

(Round Robin)

Pamantayan Pangnilalaman: Ang mga mag-aaral ay naipamamalas ang pag-unawa sa interaksyon ng tao sa

kaniyang kapaligiran na nagbibigay daan sa pag-usbong ng mga sinaunang kabihasnan na nagkaloob ng mga

pamanang humubog sa kasalukuyang henerasyon.

Pamantayan sa Pagganap: Nakakabuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at

preserbasyon ng mga pamana ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na

henerasyon.

Pamantayan sa Pagkatuto: Naipapaliwanag ang uri ng pamumuhay ng mga unang tao sa daigdig.

I. Layunin

A. Nasusuri ang pagkakaiba ng mga pamumuhay ng mga unang tao sa iba't ibang panahon.

B. Naipapahayag ang kahalagahan ng sinaunang pamumuhay sa kasalukuyan.

C. Nakabubuo ng isang malikhaing gawain kung ano ang pagkakaiba-iba ng pamunuhay ng mga unang tao

noon.

II. Nilalaman

Paksa: Pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig

Skills: Nakakabuo ng panukalang proyektong nagsusulong sa pangangalaga at preserbasyon ng mga pamana

ng mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig para sa kasalukuyan at sa susunod na henerasyon.

Attitudes: Nakakapagbigay halaga sa pamana ng mga sinanaunang pamumuhay.

Values: Nakakapagbigay respeto sa pamana ng sinaunang pamumuhay.

III. Intructional Materials

Visual: Larawan ng mga kagamitan, Kopya ng Sinaunang Pamumuhay(Printed Handouts), Rubric

Auditory:

Manipulative:

Community Sources:

Page 2: Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

IV. Stratehiya (Round Robin)

Unang Hakbang (Pagganyak): Introduction

Gawain 1. Bagay mo Choice mo

Isiping isa ka sa mga taong nabuhay sa daigdig noong sinaunang panahon. Pumili ng dalawang bagay na satingin mo’y makakatulong sa iyong pang-araw-araw na pamumuhay. Mahalagang maipaliwanag mo angdahilan ng iyong pagpili.

Pamprosesong Tanong1. Alin ang iyong napili?2. Bakit ang mga bagay na ito ang iyong napili?3. Kaya mo bang mabuhay sa sinaunang panahon kung taglay mo ang bagay na napili? Ipaliwanag ang

sagot.

Ikalawang Hakbang (Pagpapangkat): Formation of the Study TeamsPabubunotin ng guro ang bawat mag-aaral ng maliliit na pirasong papel. Ang bawat papel ay may nakasulat na letra.

Ang mag-aaral na magkatulad na nabunot na letra ay siyang magiging magkagrupo. Ang klase ay mahahati sa

tatlong (3) pangkat.

Ikatlong Hakbang (Pagsusuri sa materyales): Exploration of the MaterialsBawat pangkat ay bibigyan ng kopya sa paksa (Sinaunang Pamumuhay: Paleolitiko, Neolitiko at

Metal)nainihandangguro.

A B C

Paleolitiko Neolitiko Metal

Page 3: Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

Ang lidernggrupo ay inaatasangbasahinangpaksasasarilingpangkat. Bawat miyembro sa grupo ay inaatasang

magbahagi sa kanilang sariling pangkat ng mga ideya nila matapos masuri ang paksa. Bawat pangkat ay pipili

ng “recorder”. Ang “recorder” ay siyang inaatasang mag lista ng mga naibahaging ideya ng bawat miyembro sa

ibinigay na blankong papel ng guro. Pagkatapos inaasahang magbibigay ng reaksyon ang bawat miyembro sa

nagawang pagbabahagi ng ideya. Bibigyan ang bawat miyembro ng 1 minuto para magbahagi at magbigay ng

reaksyon.Pagkatapos bawat isa sa miyembro ng grupo ay aatasan ng lider ng mga bagay na dapat matutunano

maintindihan para magamit sa susunod na na hakbang ang ganap na pagbabagi(actual sharing).

Unang Miyembro:Deskripsyon ng yugtong ibinigay sa grupo. Ikalawang Miyembro:Uri ng pamumuhay

Ikatlong Miyembro: Kagamitang ginamit Ikaapat na Miyembro:Mga kontribusyon

Ikalimang Miyembro:Mga dahilan ng pagkatapos/pagkawala ng yugto.

Ikaapat na Hakbang (Pagbabahagi ng mga Ideya): The Actual SharingBawat miyembro sa grupo ay inaatasang magbahagi sa ibang pangkat ng mga ideya o natutunan nila matapos

masuri ang paksa. Magkakaroon ng pagpapalit-palitan ng mga miyembro para maibahagi ang natutunan nila sa

paksang na assign sa kanila. Matatapos lamang ito kapag nakabalik na ang bawat miyembro sa kanilang original na

grupo.

54321

5 4 3 2 1 1 2 3 4 5

Page 4: Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

Ikalimang Hakbang (Pagtataya): EvaluationAng bawat pangkat ay magsanibsanib para sa gagawing aktibi. Ang pangkat 1 ay ipagsasanib sa pangkat 4, ang

pangkat 2 ay ipagsasanib sa pangkat 5, at ang pangkat 3 ay ipagsasanib sa pangkat 6. Ang pinagsanib na pangkay

ay inaatasang gumawa ng isang "Jingle" tungkol sa paksa. Ang pangkat 1 at 4 ay inaatasan sa panahong paleolitiko,

ang pangkat 2 at 5 ay sa panahong neolitiko at ang pangkat 3 at 6 ay sa panahong metal. Ang bawat grupo ay

bibigyan ng 5 minuto sa presentasyon.

Ang presentasyon ay bibigyan ng marka ayon sa nakatalang krayterya sa ibaba:

KATEGORYA 5 PUNTOS 3 PUNTOS 1 PUNTOS

Liriko Ang liriko ay maganda,

angkop sa konsepto na

ibinigay, makabuluhan at

nasasaulo.

Ang liriko ay may kulang

na imporyasyon sa

konseptong ibinigay at di

masyadong nasaulo.

Ang liriko ang may

kaunting impormasyon,

masydaong malayo sa

konsepto di masyadong

nasasaulo.

Kasuotan Ang kasuotan ay angkop

sa konseptong ibinigay,

maganda at makulay.

Ang kasoutan ay medyo

magulo.

Ang kasouton ay hindi

maganda sa mata. Di

angkop sa konseptong

ibinigay.

Galaw sa Pagsayaw Ang galaw sa pagsayaw

ay mayroong

pagkasasabay sa

paggalaw.. Maganda ang

pagkakagawa.

May mga parteng di

magkasabay sa paggalaw.

Maganda.

Maraming parte ang di

magkasabay sa paggalaw.

Yung iba ay nakatayo

lamang.

Boses Buo at malakas ang

boses, naririnig ng

maayos at naiintindihan

ang binibigkas.

Medyo mahina ang boses

at di gaano maintindihan

ang binibigkas.

Mahina ang boses at di

maiintindihan ang

binibigkas.

V. PagsasanayGumawa ng isang maikling sanaysay tungkol sa kahalagahan ng pamumuhay ng mga Unang Tao sa Daigdig sa

kasalukuyan.

Kontent-8 puntos

Page 5: Banghay aralin sa araling panlipunan 8 (round robin)

Pagkasunod-sunod ng ideya-2 puntos

Kabuuan-10 puntos

VI. Takdang AralinBasahin ang Aralin 3 pahina 45-52 at sagutan ang pahina

Prepared by: Abangan, Mhaya Jeanikka S.

BSEd-Social Science IV